MUSNGI: Ito na, the man of the hour… si Secretary Salvador Panelo, the Presidential Spokesperson is in the house.
DAZA: Magandang hapon po, Atty. Sal.
SEC. PANELO: Mas maganda pa sa inyong dalawa.
DAZA: Kamusta po kayo, kayo po ay lagi ngayong nasa news.
SEC. PANELO: Ako, mabuti; ewan ko kayong dalawa.
MUSNGI: Mabuti… Sec. Sal, after two days of—
SEC. PANELO: Balita ko Peter, bumabanat ka raw kahapon.
MUSNGI: Bumabanat?
SEC. PANELO: Mukhang ikaw ang isa sa mga hindi nakakaintindi noong mga sinabi ko.
MUSNGI: Hindi nga. Explain mo nga, explain mo nga dahil—lahat, lahat ng ano
SEC. PANELO: Ganito ‘yan Peter…
MUSNGI: Oo, lahat ng diyaryo kasi nasa ano ka, nasa istorya ka nila. O sige…
SEC. PANELO: Ang sinasabi nila nag change daw ako ng tune. Alam mo, noong una pa lang press briefing sinabi ko na na ang source ang Presidente, source noong matrix, source noong ouster plot. Pagkatapos sabi ko, ang instruction sa akin i-touch sa briefing.
MUSNGI: Touch on it ano.
SEC. PANELO: Yeah, to touch it. Sabihin kung ano mang—whatever… ‘di sinabi ko, pero sabi ko naunahan pa ako ng Manila Times. So ang tanong nila, saan galing iyong matrix, sabi ko na nga ‘ka ko sa inyo sa Presidente eh. Tapos dumating ngayon doon sa punto na iyong diagram mismo; sabi ko, tinanggap ko iyong diagram na matrix pero iyong number hindi ko kilala.
In other words… alam mo Peter and Pat, diyan sa Office of the President maraming staff diyan. Wala sa directory ko iyong mga numbers nila. Ang mayroon lang sa akin, siguro si Lizette Marquez(?) diyan sa Appointments Office.
Noong dumating sa akin iyon, eh walang number, but, since sinabi ni Presidente na padadalhan niya ako ng matrix, obviously galing sa Office of the President’s staff. Kaya ako natatawa, bakit ba ‘ka ko importante sa inyo kung kanino—sinasabi ko na ngang galing kay Presidente eh. Hindi ko lang alam kung sino iyong sender. Obviously that was upon the instruction of the President.
MUSNGI: Okay. Secretary, did you try to find out, did you try to call iyong nagbigay sa’yo, iyong nag-send sa’yo noong matrix na iyon and tinawagan mo ba and to ask, “Sino ‘to?”
SEC. PANELO: Peter, that’s irrelevant. That’s unimportant to me.
MUSNGI: Why is that unimportant?
SEC. PANELO: How can that be important Pete, na sinabi na nga ng Presidente na, “O, papadala sa iyo ‘yung matrix.” O, ‘di pinadala na nga, may inutusan siya eh.
MUSNGI: Pero hindi mo kasi—wala sa contact list mo iyong pangalan noong numerong iyon.
SEC. PANELO: Obviously galing kay Presidente, sa opisina ni Presidente iyon kasi iyon ang sabi niya, papadala sa akin eh. Another thing, sabi ko nga sa press briefing the fact alone na hindi ako kino-correct ni Presidente sa matrix, ibig sabihin iyon talaga iyon. ‘Di ba, ganoon lang kasimple iyon. Hindi ko nga maintindihan bakit—
MUSNGI: Oo. Pero ‘di ba ang nagsabi kasi—
SEC. PANELO: Hindi, teka muna Peter… ang masama roon, parang pinalalabas nila, “O hindi niya raw alam ang source.” Eh ang source ay ang Presidente. Ang hindi ko alam, kung sino lang ang nagpadala, but obviously that was sent by a member of the staff of the Office of the President.
MUSNGI: But you needed one more step Atty. Sal, I think, with your indulgence ha, Secretary Sal. Kasi iyong the fact na hindi—wala sa contact list mo iyong pangalan noong numero na siyang nagbigay sa’yo ng matrix, it couldn’t have been you, it maybe a staffer can say—you could have told a staffer na, “Paki-tawagan mo nga ito. Sino nagbigay sa atin…” just to be sure na you’re connecting the dots.
SEC. PANELO: Hindi na kailangan iyon. Alam mo mayroong tinatawag na ‘common sense’ Peter. Sinabi ni Presidente—teka muna, ‘pag sinabi ni Presidenteng ipapadala ang matrix at dumating iyon matrix, iyon na ‘yun.
DAZA: Hindi. Pero kasi Secretary Sal also, kausap ninyo iyong mga media; so noong sinabi ninyo pong unknown source, siyempre po iyong mga media magde-delve pa talaga ‘yan, magpo-probe.
SEC. PANELO: Pat, Pat… may transcript iyan, klaro iyong transcript.
DAZA: Anong trans—
SEC. PANELO: Very clear, ang sinabi ko lang hindi ko lang alam iyong—kasi wala sa listahan ko, pero galing kay Presidente; wala namang ibang matrix.
DAZA: Oo. Hindi, kasi wouldn’t it would also been simpler – let’s say if you just said, “Yes, it was an unknown number but I verified and it came from Peter Musngi who is from the Office of…” kunyari Presidential—the PMS, parang ganoon, para at least naging credible po iyong inyong statement.
SEC. PANELO: Pat, hindi na kailangan iyon. Kasi sinabi ko na nga it came from—Pat, sinabi ko nga it came from the Office of the President eh.
DAZA: Yeah. But the Office of the President sabi ninyo madami nga kasi po.
MUSNGI: Pero Secretary Sal ano iyon eh, mayroong nilundagan kasi Secretary Sal by—
SEC. PANELO: Hindi, iyan ang tinatawag na hairsplitting—
MUSNGI: No, it’s not hairsplitting because marami pong mga pangalan na nasa matrix, oo.
SEC. PANELO: Peter, ang importante diyan saan galing iyong source. Ang source ni Presidente—sinasabi nga ni Presidente eh, “Anuman ang gusto ninyong malaman dito sa matrix, itanong ninyo sa akin.” That was yes, pero hindi ninyo—
MUSNGI: Hindi mo rin ano, Secretary Sal, hindi mo rin tinatanong si President Duterte, “Sir… Your Excellency, is this the matrix you were referring to?”
SEC. PANELO: Hindi na kailangan iyon—
MUSNGI: Hindi po, one step away po iyon eh.
SEC. PANELO: Sinasabihan na nga kita, iyon ‘yun, wala nang iba.
DAZA: Okay. O sige po, moving forward…
SEC. PANELO: O cheers, let’s move forward.
DAZA: Oo, let’s move forward. Kasi po kausap rin ho namin si—iyong sa NBI po. Ang sabi po niya, it’s a private citizen po na nag-file po ng complaint. Ang katanungan ko doon, if it’s a private citizen po, bakit po—iyong doon sa pag-upload po, tapos ang charge po is inciting to sedition.
MUSNGI: Rodel Jaime.
DAZA: Oo, kay Rodel Jaime po and child abuse. Tama ho ba na private citizen po ang magkakaso at ang kaso po ay inciting to sedition?
SEC. PANELO: Ah, hindi ko alam iyong kasong ‘yan. I don’t know who filed it—
MUSNGI: Ito ‘yung kay Bikoy Secretary Sal.
SEC. PANELO: Yeah I know, but hindi ko alam ang istorya kung sino ang nag-file. Ang alam ko lang, iniimbestigahan ng NBI.
MUSNGI: Okay. So ganito, tinanong ko kanina Secretary Sal—si Attorney ng NBI, sabi ko eh kung sakaling mag-request kako iyong office ni Secretary Sal na malaman natin kung—malaman nga natin kung saan nanggaling itong nag-text sa akin na matrix. Is that something that you will ano, you will support or is that—
SEC. PANELO: Bumalik na naman tayo… Hindi importante, sinasabi na nga iyong matrix na pinakita, iyon ang tunay na matrix.
MUSNGI: Hindi, Secretary Sal kasi—
SEC. PANELO: Regardless kung saan man nanggaling iyong… Iyong sinasabi ko na nga—
MUSNGI: Hindi, hindi puwedeng regardless…
SEC. PANELO: Kino-confirm na nga, kino-confirm ko na nga.
MUSNGI: Sino nag-confirm?
SEC. PANELO: Paulit-ulit ko na ngang kino-confirm, iyon ang matrix.
MUSNGI: Opo, opo. Secretary Sal ganito ‘yan eh, kasi masyadong maraming mga nadamay na ano—
SEC. PANELO: Hindi, ikaw lang iyon.
MUSNGI: Hindi, read the papers Secretary, read the papers.
SEC. PANELO: Eh kasi nga inumpisahan mo. Alam mo iyong papers lalabas lang iyon the following morning, pero kayo nag-umpisa niyan noong hapon.
MUSNGI: Ha?
SEC. PANELO: Hindi naman lalabas ‘yan kung hindi narinig iyong mga komentaryo ninyo.
MUSNGI: We were reading from—kasi kausap namin si—
SEC. PANELO: Dalawa kayo, ikaw at saka si Rappler ang nagbago ng statement.
MUSNGI: Nagbago ng statement? We were reading from—
SEC. PANELO: In other words, binago ninyo iyong—kasi sinabi ko na nga, ang source ang Presidente. Regardless kung sino nagpadala noong matrix na iyon sa akin, galing kay Presidente iyon. Hindi importante iyong pangalan ng sender—
MUSNGI: Hindi naman tinatanong iyong pangalan iyong sender, kundi ang—
SEC. PANELO: Hindi, kasi nga—no, no, no, no… Ang naging problema kasi, ang lumalabas unknown iyong source, hindi unknown – ang source ang Presidente. Ang unknown iyong number lang hindi ko kilala, it doesn’t matter to me. Saka sinabi nga ni Presidente, “Padala ko sa’yo ngayon.” O ‘di dumating, o ‘di tapos.
MUSNGI: After several days na nasa ano ‘to, nasa front page… So, nagkita na ba kayo ni Presidente Secretary Sal?
SEC. PANELO: Hindi, nag-uusap lang kami.
MUSNGI: O kaya nga.
DAZA: Mayroon din pong news na five days na pong hindi nakikita po ang Presidente, nasa Inquirer.net din po siya.
SEC. PANELO: Oo, bising-busy nagtatrabaho. Ang daming paper works, ang daming binabasa…
DAZA: But he’s here in Palace? Or nasa Davao po?
SEC. PANELO: Nasa Davao siya.
DAZA: Ah, nasa Davao. Okay.
MUSNGI: So ang nangyari doon, sabi ng Manila Times eh mayroon silang isang napakalaking source mula sa Malacañang, doon sa kanilang matrix. At sabi mo nga, naunahan ka doon sa paglalabas. Would it have made a difference kung ikaw ang unang naglabas, Secretary?
SEC. PANELO: Pareho din iyon, kasi kung ako ang naglabas eh lalabas din sa mga diyaryo.
DAZA: Eh Atty. Sal, tama ba talagang wasting—I mean, wasting resources, NBI is already in the picture, nagkakaroon—iyong sa Malacañang po, talagang ito na ngayon ang kumbaga headline story; talagang worth it ho ba, I mean looking at hindsight, was the brouhaha worth it all – worth it ba?
SEC. PANELO: Ano? What do you mean worth ang alin?
DAZA: Hindi, kasi ito nga the matrix eh. Do you think talagang there’s credence? Is it really worth all the uproar, the brouhaha that it has caused or this is just parang a pigment of somebody’s imagination na pinick-up at talagang it was just blown out of proportion?
SEC. PANELO: Ah, with respect doon sa me changing my tune, iyon ang brouhaha. Hindi totoo iyong nag-change ako ng tune; pero parang ang lumalabas hindi na namin alam ang source; ang source ay ang Presidente pa rin.
DAZA: Oo. But the matrix itself, do you think it’s—I mean, we should really pour our resources?
SEC. PANELO: In other words, ang tanong mo nga eh kung maniniwala tayo sa matrix. O, eh galing kay Presidente iyon. Alam mo ang Presidente natin, marami siyang sources at iyon ‘yung tipo ng tao na hindi maglalabas ng isang impormasyon na hindi niya vinet (vet) o hindi niya vinalidate.
MUSNGI: One missing link Secretary Sal nga na—pasensiya ka na ha babalikan ko lang, na kung—‘pag sinabi ni President Duterte na, “Yes, I was the one who sent that to Secretary Panelo.” Then tapos na eh, wala na, wala na tayong pag-uusapan ‘di ba. Hindi mag—iyong mga taga-Malacañang Press Corps, hindi na magtatanong.
SEC. PANELO: Anong gusto mong ipalabas?
MUSNGI: No, is that something that can be done, you think, by the President – a simple confirmation?
SEC. PANELO: Unnecessary. The fact alone na pinag-uusapan na iyan at walang sinasabi si Presidente na hindi ‘yan iyong matrix na tinutukoy ko, eh common sense will tell you na, iyon ang matrix.
MUSNGI: Bakit po unang nakarating sa Manila Times?
SEC. PANELO: Ba’t hindi mo tanungin sa Manila Times? [laughs] Sabi ko nga eh, very creative iyong Manila Times, magaling ang mga sources nila.
DAZA: But the publisher, si Dante Ang is a Special Envoy of the President, hindi ho ba? Wala bang contact—
SEC. PANELO: Hindi ko alam kung papaano siya nakakuha. Basta napuri ko siya dahil magaling siya.
MUSNGI: Oo. And of course, hindi naman puwedeng sabihin ng Manila Times kung sinong source nila.
SEC. PANELO: O hindi ba sinabi nila, na ang source daw from the Office of the President.
MUSNGI: Correct, pero wala namang name.
SEC. PANELO: Importante doon eh sinabi ni Presidente, “Ako ang source.”
DAZA: Another question, Secretary. Kasi the President enjoys very high trust ratings. Iyong mga ganito bang mga matrix-matrix or linking him to the illegal drug trade or his family – does it threaten him, is he bothered by it or he just wants to send the message na, “Don’t mess with me regardless whether this is just a pigment of somebody’s crazy imagination.”?
SEC. PANELO: No. As I said repeatedly, the message is clear: One, the reason for him to reveal that is because he feels that he owes it to the public, it’s his Constitutional duty to inform the public, that the public have the right to know; Number two, to put these plotters, ouster plotters on notice, that he knows… that they should not pursue that by performing overt acts that will fall within the violation of the Revised Penal Code because they will be prosecuted.
Pero kung plano lang ‘yan at puro lang sila salita gaya ng ginagawa na nila, eh sabi ko nga eh they can do their worst at we will do our best.
DAZA: Parang keep it in the bag, ganoon gusto po ng Presidente po.
SEC. PANELO: Yeah, para hindi—
DAZA: Hindi na lumaki.
SEC. PANELO: They will not risk themselves to be prosecuted.
MUSNGI: Secretary Sal, last question na lang ano ha. Iyong kagaya noong mga nakaraang narcolist ‘di ba, maraming nagsasabi na—at ginagawa naman talaga na, okay, bago natin ilabas itong mga pangalan na ‘to na nasa narcolist eh… eh ‘di i-file natin, file-an natin ng kaso. Is this something that Malacañang actually thought about, considered bago inilabas iyong matrix dahil ang dami pong mga pangalan na nandoon eh?
SEC. PANELO: Well, pinaliwanag ko na rin ‘yan. Si Presidente, ang feeling niya, tungkulin niya sa ilalim ng Saligang Batas na ipaalam sa taumbayan ang sinuman na gumagawa ng mga kaganapan o mga hakbangin na sisira sa pamahalaan; kaya lahat ng mga enemies of the state, kapag mayroon siyang nalaman, pinapaalam niya kaagad iyon.
MUSNGI: So, it was—preemptive…
SEC. PANELO: Whether or not to file case against them, nasa ano na iyon, ahensiya ng gobyerno. Kung they have evidence that will stand in court, clearly they should file that. Noong nilabas niya iyon, tungkol lang iyon doon sa election, kasi ayaw niya na iyong mga nasa listahan na mga pulitiko na tumatakbo will not have power para lalo silang makagawa ng mga labag sa batas.
MUSNGI: Okay. Some people said it was a preemptive strike. Is that something that you can validate or—
SEC. PANELO: What do you mean preemptive strike to what?
MUSNGI: Na bago pa may mangyari eh ‘di ba, sabihin na natin na, “Oh alam namin kung anong ginagawa ninyo.”
SEC. PANELO: Which one, with respect to the matrix?
MUSNGI: The matrix, yes.
SEC. PANELO: O yeah, iyon nga. Dalawa nga eh, one is it’s his Constitutional duty to let the people know. Number two, to put them on notice na alam niya na may binabalak sila, huwag ninyo nang ituloy kasi alam ko.
MUSNGI: Okay. On that note, we thank you very much ha Secretary Sal.
DAZA: Okay. Secretary, have a restful and peaceful weekend po.
SEC. PANELO: Kayo rin, salamat.
DAZA: Salamat po. Maraming salamat po kay Secretary Sal Panelo, Presidential Spokesperson.
###
SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)