Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson and Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador S. Panelo


USEC. ROCKY IGNACIO: Good noon, MPC; kasama na natin si Chief Presidential Legal Counsel and Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

SEC. PANELO: Good noon, MPC. Congratulations to all the winners. Oh that reminds me, congratulations to my nephew-in-law – Congressman-elect Bong Suntay, married to my niece Shiela Guevarra-Suntay.

O, nagkausap na kami ni Mocha.

MPC: Anong sabi?

SEC. PANELO: Mukhang napabayaan niya na ano… Kasi daw, hindi siya identified doon sa AA-Kasosyo. So hindi alam ‘no, na siya iyong nominee. Ang sabi ko dapat pina-amend mo; in-amend mo dapat iyong ano… iyong Kasosyo-Mocha or… Kasi hindi nga… Mas nakatulong pa siya doon sa mga ibang kandidato. Well ang sabi niya ganoon pa rin, gaya ng sinabi ko, tuloy pa rin siya sa kaniyang mga advocacy kahit na wala siya sa gobyerno.

Susunod na kandidato si Arjay, partylist – MPC Partylist. Uy teka, that reminds me. Wala pa nga palang ano, partylist iyong mga peryodista, mga reporters.

MPC: Meron.

SEC. PANELO: Sino? Mayroon ba? Anong partylist? Anong pangalan? What’s the name? Ni hindi ninyo pala alam sarili ninyong partylist eh, paanong mananalo… Nag-aalam… Kulang ang kampanya. O, shoot!

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Sir, good afternoon. Sir, you said yesterday that President Duterte will tolerate a slight delay on the return of the Canadian garbage. But last night, Secretary Locsin tweeted that the Philippines will be recalling the Philippines’ ambassador and Consul to Canada until the Canadian government is able to recall—

SEC. PANELO: Yes.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: So, bakit ganoon sir?

SEC. PANELO: Para—that order of the recall is to persuade them to make it fast. The more they delay, the more personal we’ll be coming back. Di ba I issued a statement noon pa, that their refusal to bring the garbage back to their shores is ‘disruptive,’ that’s what the word I used, disruptive of our diplomatic relations. Eh iyon na nga ang nangyayari.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Sir, may information kayo doon sa delay? Saang—kanino—

SEC. PANELO: Sinasabi kasi nila, maraming documentation. I don’t know kung anong klaseng documentation iyon.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: But this is the fault of which government – the Philippine or the Canadian government?

SEC. PANELO: Sa kanila.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Why, sir?

SEC. PANELO: Eh hindi ko alam, basta iyon ang sinasabi nila eh – documentation daw ang kailangan pa eh.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Documentation from Canada?

SEC. PANELO: From Canada siguro. Siguro—baka ang problema nila, kasi ‘di ba nagpadala yata private companies; they’re requiring them to bring back the garbage. Or baka ayaw pumayag iyong… kaya nagkakaproblema sila. But regardless of whatever reason, they have to return—Hmm?

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Iyong mga documents and papers na kailangan ng Philippine government to ship the Canadian garbage out of the country, wala pong problema—

SEC. PANELO: Hindi nga natin alam kung anong—what’s stalling them. From the tweet of Secretary Locsin, they were supposed to meet yesterday – the Canadian authorities at saka ang DFA, pero hindi sila sumipot sa Customs. O kaya nag-trigger. Hindi ba iyon ang sabi niya, ‘that triggered it.’ Eh in other words, eh kung hindi kayo sincere eh ano pa—bakit pa magkakaroon tayo ng relasyon – kaya pinauwi niya.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: So itong recall na ‘to, does it mean that the Philippines is not convinced of the sincerity of the Canadian government?

SEC. PANELO: That recall shows that we are very serious in asking to get back their garbage. Otherwise, we’re gonna severe relations with them.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: The Philippine government is not taking the word of the Canadian government that they will—

SEC. PANELO: Come again.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Ito pong Philippine government is not taking the word of the Canadian government that they will be taking their trash back.

SEC. PANELO: Hindi, nababagalan tayo sa kanila kaya pinare-recall na natin. Baka matuluyan na iyon.

ROSE NOVENARIO/HATAW: Hi sir, good afternoon. Sir sa tingin ninyo, magkakaroon kaya ito ng epekto sa sitwasyon ng mga migranteng Pilipino sa Canada?

SEC. PANELO: Hindi naman siguro. Wala namang—I don’t think magkakaroon ng problema doon, kasi iyong mga nandoon naman eh legal – at kailangan din ng mga overseas workers natin.

ROSE NOVENARIO/HATAW: Halimbawa po magkaroon ng problema roon na migranteng Pinoy, matutulungan ba sila ng embahada roon?

SEC. PANELO: Oh definitely. It goes without saying: We are always protective of the overseas workers.

ROSE NOVENARIO/HATAW: So, walang magiging epekto?

SEC. PANELO: Wala naman siguro. Hopefully, wala dapat.

JINKY BATICADOS/IBC: Hi, sir. Sir, anong mangyayari kapag natapos na iyong deadline sa Canada?

SEC. PANELO: Natapos na nga ‘di ba?

JINKY BATICADOS/IBC: Yes, but what is our next step then?

SEC. PANELO: O hindi ba… the fact alone that Secretary Locsin has recalled our diplomats there shows that we’re not only are we serious, we’re already warning them we’re gonna severe diplomatic relations.

JINKY BATICADOS/IBC: Sir, hanggang kailan ‘tong recall na ‘to? Hanggang sa mabalik iyong trash po?

SEC. PANELO: Hindi ba sinabi niya, “Until such time na hindi ninyo inaano iyon, hindi ko ipapabalik iyong mga pina-recall ko.”

JINKY BATICADOS/IBC: No effect, sir? Right now here, our relation—right now, our relation with Canadian government?

SEC. PANELO: Wala. Eh ano pa bang tawag mo doon? ‘Pag pina-recall mo, ‘di ibig sabihin may problema na ang relasyon ninyo sa atin.

JINKY BATICADOS/IBC: Mayroon sila sir na ginawa somehow—you know, doing some communication with you direct from Canadian government to the Philippines?

SEC. PANELO: Ang sinasabi ng Canadian authorities, they’re doing their best to bring back the garbage to them. I cannot even understand, because if I were the Prime Minister, kadali-dali naman niyan, “Kunin ninyo iyon, ibalik ninyo iyon dito.” Ganoon lang kasimple ‘yan eh. Kailangan nila si Presidente Duterte maging presidente ng Canada para… ganoong lang kasimple iyon.

JINKY BATICADOS/IBC: Kasi ang tanong sir, hanggang kailan tayo maghihintay?

SEC. PANELO: Ah, hindi na tayo—eh the fact na pina-recall mo na, ‘di ibig sabihin hindi na tayo nakapaghintay.

HANNAH SANCHO/SONSHINE RADIO: Hi, sir. Iyong desisyon po na i-recall po iyong ambassador, is it initiative po ni Foreign Affairs Secretary or was it an instruction from the President po?

SEC. PANELO: Again, I will repeat: The President does not interfere with his department heads, because they are his alter egos; they know what the President’s program is with respect to relations with other countries. So ‘pag sinabi ng department head ‘yan, ‘yan ang posisyon ng Presidente.

HANNAH SANCHO/SONSHINE RADIO: Noong nag-decide po ba si Foreign Affairs Secretary, humingi muna siya ng advice—

SEC. PANELO: Eh you will have to ask him that, because that’s personal to him and to the President.

CEDRIC CASTILLO/GMA7: Sir, any information lang sir how Canada is responding to the recall?

SEC. PANELO: Wala pa. Kati-tweet niya lang hindi ba?

TINA MENDEZ/PHILIPPINE STAR: Sir, linawin na lang… Sir, so na-inform ba ang Presidente o—

SEC. PANELO: Alam na ni Presidente iyon.

TINA MENDEZ/PHILIPPINE STAR: Na na-recall?

SEC. PANELO: Of course, he knows that already.

TINA MENDEZ/PHILIPPINE STAR: Since last night, sir?

SEC. PANELO: Alam niya na.

REYMUND TINAZA/BOMBO RADYO: Sir, pero aside from Canada, may aksiyon na ba na ginawa iyong gobyerno? If any, ano iyong update doon sa importer naman na si Adelfa Eduardo and Customs Broker Sherjun Saldon – sila iyong in-charge, ‘di ba sila iyong responsable ng pagkaka-ship dito iyong garbage. Mayroon na bang ginagawang aksiyon laban dito ang gobyerno?

SEC. PANELO: Hindi ko alam. We have to ask Customs Commissioner on that.

REYMUND TINAZA/BOMBO RADYO: So kasi last time sir, iyong sinabi ni Justin Trudeau na there was a legal or domestic issues sa kanila na to ship back the garbage; na parang they treat it as settled. So, ano pa kaya iyong mga documentation aside from iyong kung sino ang magbabayad?

SEC. PANELO: Hindi natin alam iyon. Basta ang posisyon ng Presidente very clear – tanggalin ninyo na ‘yan, otherwise eh tapos na ang relasyon natin.

REYMUND TINAZA/BOMBO RADYO: Thank you, sir.

JULIE AURELIO/PDI: Sir, you said that by withdrawing the Philippine Diplomats from Canada, the Philippine government is serious in its warning to sever diplomatic ties with Canada over the trash issue. Does Malacañang feel that the pros outweighs the cons vis-à-vis the plan to save the diplomatic ties with Canada, kumbaga mas malaki ba iyong mage-gain natin ‘pag nag-sever tayo ng diplomatic ties as to mga puwedeng mawala sa atin?

SEC. PANELO: The fact alone na sinabi na ng Presidente na tanggalan ninyo iyan, otherwise—digmaan nga ang ginamit niya, actually hindi naman iyon ang ibig niyang sabihin – eh ganoon ka-seryoso si Presidente.

MYLENE: Sir, possible po ba na magkaroon ng negotiator para po mas mapabilis iyong pagbalik ng mga basura?

SEC. PANELO: Wala na. Hindi na kailangan ng mga negotiator, just remove these garbage from us, ganoon lang kasimple iyon eh.

MYLENE: How about sa UN sir, idulog sa UN po?

SEC. PANELO: Anong UN, hindi naman kasama ang UN dito.

MYLENE: Between the two countries?

SEC. PANELO: Hindi na, hindi na kailangan UN dito, kailangan lang talaga si Prime Minister Trudeau eh, i-order niya nang kunin iyon.

ROSALIE COZ/UNTV: What might be worst case scenario after ng pag-recall ng Philippine Ambassador to Canada? Sa tingin n’yo po ba kung hindi agad—kasi lumipas na po ang 5 years, hindi pa rin natatanggal iyong Canadian waste containers, hahantong po ba sa pagpigil sa mga Pinoy na mag-migrate sa Canada at pagpapauwi sa mga OFW?

SEC. PANELO: Hindi natin alam iyan, more on speculation iyan.

ROSALIE COZ/UNTV: But is it possible, sir?

SEC. PANELO: Yeah, if you are speaking of possibilities, everything is possible in this world; probabilities, ibang usapan na iyan – tingnan natin.

ROSALIE COZ/UNTV: Do you think, sir wala po bang negative repercussion sa mga working Filipino sa Canada sa pagtingin ng mga Canadian sa kanila, sir?

SEC. PANELO: Depende nga iyan kung ano ang tingin nila, kung ano ang tingin ng Canada. Ang gobyerno kung kailangan nila ang overseas workers natin doon, siyempre hindi nila gagalawin iyon, madi-disrupt din iyong takbo ng kanilang palakad doon.

ROSALIE COZ/UNTV: Are you giving them assurance sir, na hindi maapektuhan iyong kanilang pagtatrabaho, iyong kanilang relation with Canadian community, given na 800,000 po iyong mga Pinoy na nasa Canada?

SEC. PANELO: Whatever the consequence, this government will be protective of the interest of our countrymen in any part of the world.

REYMUND TINAZA/BOMBO RADYO: Sir, dahil sa mga bagong sinabi naman nila ngayon na mga documentation, parang dini-dribble lang tayo ng Canada. Bakit hindi na lang totohanin ni Pangulong Duterte na iyong kanyang banta earlier na ship-back on our own iyong mga basura ng Canada?

SEC. PANELO: Iyon nga ang gagawin niya di ba, nagagalit na nga siya. Kaya lang hindi niya ginagawa dahil nangako na ‘kukunin namin’; huwag nating pangunahan ang Presidente, magaling ito, sobra nga ang galing nito.

REYMUND TINAZA/BOMBO RADYO: So, until this May?

SEC. PANELO: Abangan n’yo na lang.

ARJAY BALINBIN/BUSINESS WORLD: Sir, sabi n’yo po, alam na ni Presidente, kailan niya po nalaman?

SEC. PANELO: Ah hindi ko alam kung kailan niya nalaman, basta alam ko alam niya.

ARJAY BALINBIN/BUSINESS WORLD: Paano mo nalaman na alam?

SEC. PANELO: Sinabi ni Secretary Locsin na alam, ano pa ang gusto mong malaman? Kung minsan nagtataka ako sa mga tanong ninyo parang.., anyway.

ARJAY BALINBIN/BUSINESS WORLD: No, sir, we are trying to find out how the Palace and the DFA are communicating with one another.

SEC. PANELO: As I told you, even if there is no communication, very clear si Presidente. I’ll let you do your job, alam ninyo kung ano ang gusto ko. So, pag ginawa ninyo iyan, iyan ang decision ko, otherwise magsasalita si Presidente – iba, di ba.

ARJAY BALINBIN/BUSINESS WORLD: Kasi, sir yesterday you said, you are fine with Canada…

SEC. PANELO: Sabi ko kahapon, the President is a reasonable man, kung slight delay lang, okay lang. Eh ok din naman, di ba sinabi ni ano, I will recall that, as long as iyong sinasabi ninyo two to three weeks delay, it doesn’t mean na in-extend namin ang deadline. Ang sinasabi namin hangga’t hindi ninyo kinukuha iyan, ire-recall ko iyong mga diplomats ko.

ARJAY BALINBIN/BUSINESS WORLD: But definitely, the DFA is not okay with it and that’s why they recalled it, the representatives to Canada.

SEC. PANELO: Kumbaga iyon ang sign na gawin na ninyo kaagad, kasi may problema na kayong malaki.

ARJAY BALINBIN/BUSINESS WORLD: Exactly sir, thank you.

PIA GUTIEREZ/ABS-CBN: Sir, you said that President does not interfere with the decisions of the department heads, but you also said…

SEC. PANELO: Unless it goes against his stand.

PIA GUTIEREZ/ABS-CBN: But you also said that the President is the main architect of the Philippine foreign policy.

SEC. PANELO: Correct, in other words, like for instance, DFA. Alam ng DFA kung ano ang policy ni Presidente, kasi dine-discuss iyon sa cabinet eh. So, alam na nila kung ano ang gagawin nila.

PIA GUTIEREZ/ABS-CBN: But for decision that could bring big consequences especially to the hundreds of thousands of Filipinos in Canada..?

SEC. PANELO: Kay Presidente pa rin iyan, kapag ginawa iyan ng isang department Head, merong clearance iyan kay Presidente.

PIA GUTIEREZ/ABS-CBN: Sir, you said that the President is a reasonable man and he can tolerate a slight delay. Do you think that this recall is a reasonable action from the Philippine government?

SEC. PANELO: I think so, why because they said they will, tapos hindi mo naman ginawa, eh di meron siyang action.

PIA GUTIEREZ/ABS-CBN: But you said that the President as a reasonable man sees that there is a slight delay na sinasabi ninyo, there’s a reason behind that and that the President is willing to wait one, two or three weeks for them to sort it out, iyon ang sabi ninyo kahapon?

SEC. PANELO: Yeah, iyon ang sabi ko, wala namang nagbago doon sa sinabi ko. Alam mo ang isang tao may hangganan, di ba. Kung ang reason mo ay valid sa kanya, okay lang. Pero kung hindi naman valid, eh babaguhin iyang desisyon niya, hindi na siya magiging maunawain or understanding dahil binobola mo na siya.

NESTOR CORRALES/INQ. NET: Secretary good morning, most of the politicians tagged in the President’s narco-list won in the recent local elections. What does this say about the effectivity of the President’s warning since he previously he mentioned that the purpose of releasing the narco-list is to warn the public. So, what does this say about the effectivity of the President..?

SEC. PANELO: Hindi ba sinabi ko na sa inyo, iyong dynamics ng local iba. Sila ang nakaka-alam doon sa mga kandidato nila. Like in one, I will not mention one particular province, not Davao, somewhere in the—pag tinanong mo iyong mga botante, oh nasa drug list iyon, bakit ninyo binoto? Aba eh nasa drug list pero grabe naman ang tulong sa amin dito. You get the point? Ano eh, kumbaga pragmatic iyong mga botante, tumutulong sa kanila, pag iyong mga anak daw nila may sakit dinadala sa ospital, medisina ganyan. So kahit naman sa drug list, binoboto pa rin nila – iba ang dynamics eh, more on necessity. While the President’s already warned, kaya sinasabi niya bahala kayo, ako sinabi ko na sa inyo.

NESTOR CORRALES/INQ. NET: So, hindi effective iyong naging warning ni President, sir?

SEC. PANELO: Sa iba effective, sa iba kahit na naniniwala sila kay Presidente, dahil mas kailangan nila iyong tulong nung inihalal nila, eh binoto pa rin nila.

NESTOR CORRALES/INQ. NET: Will the government still push for the filing of charges dito sa mga narco-list na ito?

SEC. PANELO: Palaging depende iyan sa ebidensiya. It will always depend on the evidence.

TINA MENDEZ/PHIL. STAR: Sir, recently nag-viral iyong video ng isang Filipina maid – may Filipino domestic helper na tinali sa puno ng employer niya in Saudi Arabia, na-repatriate na naman siya pabalik dito. Sir, meron pa raw mga ibang Filipino helpers in that household nagsa-suffer ng mga torture sa kanilang employers. Is there a need for the President to reiterate iyong warning niya against mga abuses sa Filipino workers overseas.

SEC. PANELO: I don’t know about that. We will ask Secretary Bello on that. I suppose he will be giving the President a report and then the President will act on it immediately.

TINA MENDEZ/PHIL. STAR: Can we expect an answer by… before deadline, sir, today?

SEC. PANELO: We will ask—Secretary Bello, if you’re listening, we want your response immediately.

TINA MARALIT/DAILY TRIBUNE: Sir, good afternoon. Sir, recently the Philippine and US Coast Guards have conducted drills near Panatag Shoal and it was reported that there were Chinese vessels tailing them. So what’s your impression on this po? Is this a way of sending somehow na parang message po sa China regarding our territorial dispute—

SEC. PANELO: They’re having drills?

TINA MARALIT/DAILY TRIBUNE: Yeah, they conducted drills po.

SEC. PANELO: Palagi namang may drills ha. That’s a regular thing.

TINA MARALIT/DAILY TRIBUNE: Yes, sir, but between the US and the Philippines tapos sinundan sila ng Chinese authorities. So what’s your impression on this?

SEC. PANELO: Sinundan sila? Sino nagsabi?

TINA MARALIT/DAILY TRIBUNE: Sir, iyong sa reports.

SEC. PANELO: Galing kanino? Kailangan official iyong report.

TINA MARALIT/DAILY TRIBUNE: Yes, sir.

SEC. PANELO: Vinalidate ba iyan ng ano?

TINA MARALIT/DAILY TRIBUNE: Yes, sir.

SEC. PANELO: I will ask the Western Command kung ano iyong nangyari doon.

TINA MARALIT/DAILY TRIBUNE: So, sir, don’t you think that by conducting these drills, aren’t we pushing … that we risk pushing the wrong buttons to heighten the tension sa disputed waters.

SEC. PANELO: Basta alam ko, regular thing iyong mga drills; dati namang ginagawa iyon.

CEDRIC CASTILLO/GMA7: Sir, sa next Congress. Sir, does the Palace see the possibility of having a super majority sa both chambers ng House – ng Congress, sir?

SEC. PANELO: Eh kung karamihan na nahalal ay mga allies ng Presidente, ‘di magkakaroon nga ng majority. But regardless of whe—tingnan ninyo ha, before election ‘di ba majority rin ang allies ni Presidente noon. Ganoon din eh. May sari-sarili kasing prinsipyo rin iyong mga nandiyan eh.

If the fear is, baka kontrolado ni Presidente, eh never naman nangyari iyon. Unang-una, si Presidente ayaw makialam; he never interferes. And proof of that is lahat ng mga nominees niya sa Commission on Appointments o karamihan o marami ay hindi inaprubahan. Ibig sabihin, hindi niya kontrolado.

CEDRIC CASTILLO/GMA7: Sir, ina-anticipate din, sir, ng Palace not just the House but even sa Senate, magkaroon ng super majority, posible?

SEC. PANELO: Oh ‘di ba sa Senado, dati namang majority ang allies ni Presidente. When you say majority, one vote lang iyan eh. So it doesn’t matter whether ten votes over majority ka o one vote, majority pa rin. ‘Di ba last time majority. Ganoon din iyon.

CEDRIC CASTILLO/GMA7: Sir, itong eleksyon, sir, would you consider this a preview of 2022?

SEC. PANELO: What do you mean preview?

CEDRIC CASTILLO/GMA7: Preview of how 2o22 May … iyong result po ng 2022 may come about.

SEC. PANELO: Depende, kasi ‘di ba eleksyon naman … the results of the election will depend on the, first, qualifications of the candidates; number two, the influence of the endorser. Depende eh, hindi mo malaman.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Sir, follow up lang din sa tanong ni Kuya Cedric. So sinabi po kasi ni Senate President Tito Sen kanina sa presscon sa Senate na given na ito na nga iyong possible line up of senators, there’s a big chance na mapapasa iyong … ma-revive iyong death penalty bill. What do you think, sir, about this?

SEC. PANELO: Palaging depende sa kanila iyon. If they share the President’s stand on death penalty, then they will be voting in favor.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Do you welcome it, sir, iyong statement na ganito ni Senate President?

SEC. PANELO: Lahat naman iyan welcome basta pabor sa bayan.

JOYCE BALANCIO/DZMM: Given, sir, na maraming administration bets ang possible na manalo and iyon nga, doon sa usapin ng death penalty, possible ba na gawing priority legislation? I-mark ito ni President Duterte sa next SONA niya, one of his priority legislation?

SEC. PANELO: Hindi ko pa alam. We will have to ask him that.

ROSALIE COZ/UNTV: Sir, yesterday you mentioned—

SEC. PANELO: Oh it reminds me, bago nga pala, may question kahapon about funding.

Q: [OFF MIC]

SEC. PANELO: Oo, iyong sa Rappler. Mukhang hindi ako naintindihan. Ang ibig kong sabihin iyong funding, kasi parang ang tanong ay bakit ‘pag—sa mga news organizations ba ang tanong niya?

Q: [OFF MIC]

SEC. PANELO: Kapag media, bakit tayo kumukontra. Ang sagot doon: Kontra tayo kapag nagbibigay doon sa media na ginagamit iyong pondo para sirain ang pamahalaan. Iyong mga pondo galing sa ibang foreign governments na grant, pabor sa pamahalaan at sa taumbayan iyon.

But if a media outlet receives funding to demonize the government, siyempre ayaw natin iyon. Anyway, ano nga iyon, what’s the next question?

ROSALIE COZ/UNTV: Sir, since possible nga … malaking possibility na dominated ng mga kaalyado ni Pangulong Duterte ang both Congress, so ano po ang inyong expectations sa kanila? Sa tingin ninyo po ba na mas mapapadali ang pagpasa ng mga administration pet bills tulad nga po ng death penalty, federalism and even the emergency powers na since the first part of the term of the President ay hinihingi na?

SEC. PANELO: Well, that will depend again on the members of Congress. If they feel that they should pass it immediately, then they will. You must remember that these two Houses are deliberative assemblies. So when you say deliberative, it means they will have to discuss, to deliberate the pros and the cons.

ROSALIE COZ/UNTV: Sir, okay po. Nagbigay po kayo ng paunang statement na since nga po na majority ng mga nasa top 12 ay mga inindorso ni Pangulong Duterte na nagpapakita na tinugon ng taumbayan iyong panawagan ni Pangulong Duterte. Ano naman po kaya ang masasabi ng Pangulo at ng Palasyo sa mga talunan niyang inindorsong kandidato?

SEC. PANELO: Hindi ba sinabi natin sa statement na, “We thank them for participating in democratic process. And we commended them for fighting a good battle.” But the majority has spoken, hindi kinagat iyong kanilang mga issues against the President. It would have been better, sabi ko nga sa statement ko, kung instead of hitting the President or mudslinging the President in quotes, they should have presented alternatives as against doon sa mga kandidato. ‘Di ba, kung prinisent nila, “Ito ang aming program.”

ROSALIE COZ/UNTV: Sir, I’m talking about the endorsed candidates of the President na hindi po pumasok o tumuntong sa top 12 katulad po nina Mr. Freddie Aguilar, si Congressman Mangudadatu and medyo nanganganib din po si Senator JV Ejercito. So iyong Duterte Magic po sa kanila, what does the Palace or the President say about that po, sir?

SEC. PANELO: Alam mo, nasa taumbayan pa rin iyan eh. Kung hindi nila—kasi maraming factors in winning eh. The number one there is name recall. Kapag hindi ka masyadong kilala, kahit na in-endorse ka kung hindi ka naman kilala ng buboto, eh hindi ka rin lalabas.

ROSALIE COZ/UNTV: So hindi po umipekto iyon pong endorsement ng Pangulo sa kanila dahil sa walang recall?

SEC. PANELO: Not necessarily. Kung hindi nakaabot doon sa mga botante iyong endorsement, eh di hindi nila alam na ini-endorse ng Presidente. You must remember na hindi lahat ng tao ay may access sa media.

ROSALIE COZ/UNTV: Sir, itong mga inindorsong kandidato na ito na hindi pumasok po, hindi nanalo, inindorso sila ng Pangulo kasi pinagkakatiwalaan sila at kilalang personal iyong kanila pong credibility. So how about the possibility of appointing them to other government positions po, even sa Cabinet?

SEC. PANELO: I don’t know about that. We have to—that’s the call of the President.

Doon nga pala sa—if you recall, kahit na ini-endorse ni Presidente, tandaan ninyo iyong sinabi niya sa miting de avance, “Hindi ko kayo pinipilit. Kung gusto ninyo lang. Kumbaga, ito ang gusto ko. Kung ayaw ninyo naman, okay lang naman sa akin.”

Sa madali’t sabi, wala siyang sinasabing, “Ah botohan ninyo ‘yan,” ganoon. Hindi siya ganoon eh. Sinasabi niya lang na, “Ito, okay sa akin ‘to so I’ll leave it to you.” That’s why maraming—you must remember hindi lang 12 ‘di ba? Ang daming… kumbaga, mamili na lang kayo diyan kung sinong gusto ninyo.

ROSALIE COZ/UNTV: Sundutin ko lang po sir another—related po doon sa question ko. Ano naman po masasabi ng Palace na pasok po ‘yung partylist na Bayan Muna na—

SEC. PANELO: Eh, dati namang pumapasok ‘yun ‘di ba?

ROSALIE COZ/UNTV: What does it show about the electorate, sir?

SEC. PANELO: To, what does it show eh—

ROSALIE COZ/UNTV: So, marami pa ring mga publiko na sumusuporta sa kanila. Hindi umipekto po ‘yung panawagan ng government against them, not to support the left-leaning partylist.

SEC. PANELO: Sino ba nanawagan na huwag silang i-support? I don’t think the President made that statement. He never said that. Saka parang ang napapanood ko kanina sa TV, parang sinasabi nila na bumaba, bumaba ang boto ng mga left-leaning partylist. So kung ‘yung tanong mo sasagutin ko based on that, ibig sabihin ‘di kung totoong nagkampanya against them, eh ibig sabihin epektibo pala – dahil bumaba iyong kanilang boto eh.

REYMUND TINAZA/BOMBO RADYO: Sir after the elections, the PNP is pushing for strengthening the… iyong the batas laban sa vote buying. Do you expect any development o uusad kaya sa Kongreso considering na karamihan naman ng mga kongresista, iyong mga ano eh, sila rin iyong mga usually suspect na sangkot sa vote buying?

SEC. PANELO: Eh, alam mo kahit na siguro may—hindi ba bawal na nga ang vote buying. Eh bakit nandiyan pa rin? Gaya nga ng sinabi ni Presidente, hangga’t mayroong taong mahihirap, eh palaging mayroong vote buying. Bawal naman talaga ang vote buying eh, pero it happens.

REYMUND TINAZA/BOMBO RADYO: So, i-legalize na lang—

SEC. PANELO: Eh riyalidad ‘yan. Hindi, kailangan iangat mo ‘yung mga botante para they will not be lured or persuaded, or tempted to accept money; or they can accept money but they will vote ‘yung kursunada nila.

JULIE AURELIO/PHILIPPINE DAILY INQUIRER: Sir, ibalik ko lang doon sa pagka-elect noong most of the President’s allies in the Senate. A research firm, Capital Economics—sir, Capital Economics, a research firm, says that it expects more economic reforms to be passed under a Senate with more Duterte allies. However, it is warning that it might be bad long term because of President Duterte’s autocratic tendencies daw and his willingness to undermine political institutions and attack his opponents which have caused foreign investors to take flight. Ano pong—

SEC. PANELO: Kanino galing ‘yan?

JULIE AURELIO/PHILIPPINE DAILY INQUIRER: Capital Economics po sir, it’s a research firm.

SEC. PANELO: Parang mali yata ang kaniyang mga opinyon, kasi hindi ba ang dami nga nating investors ngayon? Iyong sinasabi niyang autocratic, kailan pa naging autocratic ‘tong Presidenteng ito?

JULIE AURELIO/PHILIPPINE DAILY INQUIRER: But, you do agree sir na we will expect more economic reforms to be passed with this Senate, with this composition of the Senate? You do agree with that?

SEC. PANELO: Whether or not Senate or Congress are dominated by the allies of whoever is incumbent, we expect them to pass economic reforms that would be beneficial to the Filipino people. Hindi dapat pinag-uusapan ‘yun kung ally ka o hindi. Ang trabaho mo diyan sa Kongreso, magpasa ka ng mga batas na makakatulong sa pag-unlad ng ating bayan at saka mga kababayan natin. It’s about time tanggalin na natin ‘yang mga partisans consideration, diyan tayo nalulugmok eh. We have to go beyond.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Sir, will the Palace ask Comelec to explain iyong naging issue doon sa transparency server last May 13, lalo na po doon sa delay ng transmission ng results in the transparency server? Because many are casting doubt on the results of the election because na-delay nga daw iyong pagpapakita ng results sa transparency server.

SEC. PANELO: Eh hindi ba sabi ng Comelec iimbestigahan nila. Hindi na kailangang ang Presidente sabihin sa kanilang magpaliwanag. It’s their duty, kasi sila ang sentinel eh; sila ang dapat nagpapaliwanag sa atin. Ano ba ang na-delay? Which one ang na-delay?

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Kasi sir noong—on the night of the elections, parang pinakita na iyong partial unofficial results from the transparency server; parang less than 1% noong 6:15 P.M. And then noong next na nila na update is mga 1 o’clock, tapos 90% na iyong vote so ang laki ng jump. So, many people are casting doubt on the results of the elections na baka daw may nagkaroon ng kung anu-anong hocus-pocus because of this.

SEC. PANELO: Pero hindi ba, the way I understood it, tatlo ang tumatanggap ng ano, iyong dalawa, tumanggap ng tama, right? Walang—eh kung iyong tatlo na-delay lang doon sa isa, oh eh di iyong dalawa pa rin nandoon. Ibig sabihin papano mababago iyong pangatlo kung nauna na iyong dalawa. You get the point? So, it doesn’t matter kahit ma-delay kasi pumasok naman doon sa dalawa pala.

Q: So, walang nakikita, sir an any—

SEC. PANELO: Ako if you will ask me, if there are three receivers from one source, umakto doon sa dalawa, oh it doesn’t matter kung ma-delay ito. Kasi kung delay lang, but the same number of votes pa rin, anong problema doon, it would be different kung ma-delay mo iyong tatlo ng matagal, sabay-sabay. Oh ibig sabihin walang nakaka-alam ano ba ang nangyayari, iyan ang may problema.

CEDRIC CASTILLO/GMA7: Sir, the Comelec has still to comment on this, pero baka lang napanuod n’yo na iyong video, parang nagba-viral ulit iyong Lanao Del Sur. Allegedly daw sir, meron daw ballot shading sa Lanao Del Sur?

SEC. PANELO: Then the Comelec should investigate that, Comelec iyan. That’s their turf, hindi tayo puwedeng makialam diyan sa ngayon.

CEDRIC CASTILLO/GMA7: Napanuod n’yo na iyong video, sir?

SEC. PANELO: Hindi, hindi pa. Paano daw ba nila ginagawa – iyong shading?

Q: off mic.

SEC. PANELO: Ah, before. Eh paano nila ipapasok iyon.

Q: off mic. Well hindi naman malinaw, sir kung pre-shaded.

SEC. PANELO: Pag binoto mo, di iba papasok sa makina, makikita mo kung iyon nga ang binoto mo, tapos ilalagay sa isang box.

ARJAY BALINBIN/BUSINESS WORLD: Sir, update on the President, nasaan po siya this week, sir?

SEC. PANELO: Ngayon, nandito na siya sa Manila – kagabi pa.

ARJAY BALINBIN/BUSINESS WORLD: Ano ang schedule niya, sir?

SEC. PANELO: Hindi ko pa nakikita iyong schedule ni Usec. Mia

ARJAY BALINBIN/BUSINESS WORLD: Anong ginagawa niya daw, sir?

SEC. PANELO: Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya at this time.

ARJAY BALINBIN/BUSINESS WORLD: Is he working on the letters of dismissal, which he promised?

SEC. PANELO: Hindi ko alam, baka may mga announcement siya. Alam mo may mga gagawin siyang announcement.

ARJAY BALINBIN/BUSINESS WORLD: All right, so hindi mo pa siya nakikita, sir?

SEC. PANELO: Hindi pa, alam ko lang nandito na siya.

TINA MENDEZ/PHIL. STAR: Sir, related lang sa elections ulit. Sir prior to election day nag-issue kayo ng statement that the President has put in or placed measures designed to determine if there was cheating o other mechanisms. Ngayon merong isyu on VCMs and iyong mga substandard na SD cards yata iyon. Wala bang aksyon ang Malacañang?

SEC. PANELO: Hindi sa ngayon, siyempre sa Comelec iyon, kasi under the constitution sila ang titingin muna doon eh

TINA MENDEZ/PHIL. STAR: Pero the fact that is, parang nagka-cast ng doubt on the integrity of the elections and the victory of allied candidates?

SEC. PANELO: Wala naman, sino ba ang nagtataas, karamihan nga ano sila di ba, puro naririnig ko nga puro papuri sa nangyayari. You must remember that within hours, alam na natin kung sino ang nanalo.

TINA MENDEZ/PHIL. STAR: Pero hindi pa official, sir. Anyway, sir sa pagkapanalo si SAP Bong Go, ni Secretary Tolentino and General Bato. Ano ang ine-expect ng Presidente sa kanila sa senado?

SEC. PANELO: To perform as senators.

TINA MENDEZ/PHIL. STAR: Iyong dynamics, since that they are perceived to be solid Duterte allies?

SEC. PANELO: They are what?

TINA MENDEZ/PHIL. STAR: They are perceived solid Duterte allies compared sa mga nanalo na reelectionists.

SEC. PANELO: Nagkataon lang na malapit sila sa President. It doesn’t mean anything na ibig sabihin eh, sunud-sunuran sila. And speaking, since you mentioned Bato, meron kasing nag-text sa akin eh. I hope she is listening, parang minamaliit niya si General Bato, dahil sabi raw ni General Bato, wala siyang alam sa legislation, kaya mag-aaral siya.

First, dapat nga we should commend him for admitting iyong kanyang handicapped. Pero huwag nating maliitin, nakakalimutan ng mga kumukwestyon sa kapasidad ni General Bato na PMA graduate ito: Hindi ba ang PMA graduates eh known for their intellect, iyong kagalingan nila; Pangalawa, nakakalimutan ng mga nagko-question kay General Bato na si Ping Lacson, PMA Graduate at PNP Chief din wala ring alam sa legislation noong siya ay pumasok, oh eh di ba naging magaling na legislator, ang dami. Tingnan mo si Tito Sotto, di ba, kita mo naman Senate President na, magaling pa.

Q: [OFF MIC]

SEC. PANELO: Hindi, ‘di ba kasi parang pinalalabas nila dapat abogado lang ang nandiyan kasi legislation iyan.

Q: [OFF MIC]

SEC. PANELO: Oh bakit, anong sabi ni Lapid? “Magtatagal ba ako rito kung hindi ko alam ang ginagawa ko,” kita mo naman, mayroon daw siyang mga bill din. Maraming hindi abogado roon. Bakit naman si Manny Villar o si Manny Pacquiao na minamaliit din. Eh huwag nating maliitin.

Q: [OFF MIC]

SEC. PANELO: Baka ayaw niyang sabihin. Baka privileged communication. So, kilalang tao siya; ang asawa niya ay kilala rin but mabait na bata; kapatid din ng isang member of Congress.

ANJO/CNN PHIL: Hi, sir. Good afternoon, sir. Sir, this is still related sa (unclear) election. Sir, there’s a call from a Caritas official to suspend the proclamation of senators amid the alleged election fraud. Sir, do you think there’s enough basis for that?

SEC. PANELO: Nasa Comelec iyon. Mahirap tayong mag-comment niyang kasi teritoryo nila iyan eh – the President will never interfere in an electoral process.

Ang nanghihinayang ako ay iyong 1.1 million, I think the Comelec should do something about that. Kasi, biruin ko 1.1 million hindi mo mabibilang. Kapag titingnan mo iyong mga differences doon sa mga kandidato, aba, malaking bagay iyon – mayroong malalaglag, mayroong papasok. Ang dapat pag-aralan nila, how the voter – kasi ‘di ba shini-shade – kapag sumobra, hindi na babasahin ng … dapat there should be a way na kahit na sumobra, iyong sobra huwag nang basahin.

Q: [OFF MIC]

SEC. PANELO: Iyon na nga, kailangan … there should be ano nga—

Q: [OFF MIC]

SEC. PANELO: There should be a way of determining na hanggang dose lang. Like for instance, siguro dapat nakalagay doon sa balota, “Hoy, labindalawa lang ang ilagay mo diyan.”

Q: Nakalagay, sir.

SEC. PANELO: Hindi. Saan?

Q: Choose 12 …

SEC. PANELO: Hindi, nakalagay lang nga “choose 12”. Wala namang nakalagay doon kapag sumobra ka, hindi namin bibilangin iyong boto mo.

Q: [OFF MIC]

SEC. PANELO: Hindi, bakit? Hindi lahat ng mga ano, college graduates ‘no.

Q: Sir, that’s the role of the Comelec, to inform the voters.

SEC. PANELO: Kaya nga, that’s why.

Q: there’s a short of campaign from the Comelec.

SEC. PANELO: Kulang ang kampaniya siguro nila, at the same time, siguro dagdagan pa nila kasi sayang eh. Parang … may be a way.

Q: Sir, iyong sumobra naman iyong in-endorse, sir.

SEC. PANELO: Ang naiisip ko, dapat maging modern tech na tayo na kapag pumunta ka sa voting precinct, pipindot ka lang kapag vote. Kapag binoto mo, labas kaagad sa screen, nationwide. Kumbaga, every time ka boboto, nandoon na, nagdadagdag na iyong mga boboto. Bakit kaya hindi nila magawa iyon?

Mayroon pa bang tanong, any other questions?

USEC. IGNACIO: Sir, iyong video raw kung gusto mong makita sabi nila.

Q: Sir, 13 iyong in-endorse ni Presidente kaya 13 din iyong binoto ng tao.

SEC. PANELO: Hindi, hindi lang, ang iba sobra eh, basta sumobra. Baka nga, for all you know, baka 24 ang nailagay doon. At saka napansin ninyo ba iyong ano – I don’t know if you notice, kapag shinade ninyo, kapag binaliktad ninyo, nandoon iyong shading eh, sa likod ng ano, sa likod ng partylist – napansin ninyo ba iyon? I was afraid na … sabi ko, baka ma-invalidate ito. Bakit … hindi ba? Anong tawag doon? Iyong ink, umaano rin sa likod eh.

Q: Sir, despite the glitches ng—

SEC. PANELO: Yes, despite the glitches, I think generally the election …

Q: Iyong result, sir, credible po ba?

SEC. PANELO: I think so, yes, definitely. Wala namang … wala akong nakita … kasi iyong sinasabi nila na iyong mga machines na 300 something, kagaya ng sinabi ko na, napakaliit na porsiyento iyon. Pangalawa, may remedy doon. Kung hindi nabasa ng machine, all you need to do is to manually count the votes kasi nandoon lang iyon sa box eh.

ROICES NAGUIT/TV5: Hi, sir. There are five contenders for the House speakership. Mayroon na po bang—

SEC. PANELO: Five contenders, sinu-sino?

ROICES NAGUIT/TV5: Alvarez, Legarda, Cayetano, Velasco and (unclear)

SEC. PANELO: I didn’t know, sila rin pala tumakbong congresswoman.

ROICES NAGUIT/TV5: Sino po ang sinusuportahan ni Pangulo?

SEC. PANELO: Oh ngayon, anong tanong mo doon sa lima?

ROICES NAGUIT/TV5: Sino doon, sir, ang suportado ng Pangulo? Kasi, I remember in 2016, he openly supported the Speakership of House Speaker Alvarez.

SEC. PANELO: Did he?

ROICES NAGUIT/TV5: Yes sir.

SEC. PANELO: Parang hindi ko yata—ha? Hindi, hindi ko pa alam kung sino ang susuportahan, wala pa siyang sinasabi.

USEC. IGNACIO: Okay, MPC, no more questions? Okay. Thank you, Secretary Panelo.

SEC. PANELO: Thank you.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

Resource