Interview

Cabinet Report with Department of Transportation Secretary Arthur Tugade


ARCENA: At ngayon po ay nasa linya ng telepono si Transportation Secretary Arthur Tugade para alamin po iyong mga latest update o iyong update dito sa isyu na ito at kung ano ho ba iyong mga latest instructions ng Presidente dito nga po sa isyung ito. Good evening po, Secretary Art, si JV Arcena po ito at live po tayo sa PTV, sa Radyo Pilipinas at sa mga social media pages na affiliated ho ng PCOO. Good evening po.

SEC. TUGADE: Magandang gabi sa iyo, JV. It’s my privilege to be invited dito sa isang live interview with you, JV.

ARCENA: Sir, karangalan din po namin na nakasama ho namin kayo ngayong gabi, Friday pa alam kong busy kayo pero pinaunlakan ninyo po kami dito sa Cabinet Report sa teleradyo. Unang-una po, Sec, ano ho ba iyong update dito ho sa isyu nga po, ano ho ba iyong hakbang ng DOTr matapos nga po itong surprise inspection ni Pangulong Duterte kamakailan sa NAIA?

SEC. TUGADE: Una po ilagay natin sa tamang perspektiba iyong ating usapan ngayon. Iyong mga direktiba po ng ating Pangulo ay kung atin pong pagsama-samahin ay una po, sinabi niya, itigil na iyong pag-aantay at delay sa ating mga paliparan at gawing komportable iyong mga kalagayan ng ating mga mananakay at biyahero.

Pangalawa ho, ang sabi ho ng ating Pangulo, tingnan at silipin/repasuhin kung papaano magagamit ang Sangley, para sa ganoon kahit papano makatulong ito para maibsan ang mga delays sa ating mga paliparan lalo’t-higit sa terminal 1, 2, 3 and 4. Ito ho iyong kabuuan, buod ng mga instruksyon ng ating Pangulo, nagtatanong ho kayo kung ano ang development, himayin at isa-isahin po natin:

ARCENA: Sige po, sir.

SEC. TUGADE: Ang una po, doon sa NAIA 1, 2, 3 and 4, nagpulong-pulong po ako kasama iyong mga may-ari ng ating mga airline companies ‘ika-nga. Nandiyan na ho iyong Philippine Airlines, ang Cebu Pacific at Air Asia na kung saan nagkasundo po na kailangan tingnan iyong tinatawag na on time punctuality record ng ating mga paliparan at iyong mga airline company. Nagkasundo po kami na kailangan magpapataw na ho ako ng sanction o pena sa mga tinatawag na mga unreasonable delays sa mga schedules ng ating mga airline companies na kung saan nagkasundo naman na pumapayag sila na magkaroon ng isang penalty sanctions para sa mga causes attributable to the airlines themselves. This is very understandable indeed, kasi hindi naman puwedeng i-attribute natin o lagyan ng penalty iyong mga delay that is caused beyond the control or not within the ambit of the jurisdiction of the various airlines.

Nagkasundo rin ho kami na kung may mga delay, eh kailangan asikasuhin iyong mga kalagayan ng ating mga biyahero at pasahero. Ang sabi ho namin kailangang sundin iyong tinatawag na passenger’s bill of rights. Doon sa pagkain na malamig at mainit, iyong mga komportableng pag-aasikaso sa mga biyahero.

Doon po sa parte ng DOTr nagkaroon ho kami ng pananagutan at programa na kung saan magkakaroon kami ng malasakit kit na tinatawag, na ito ho ay ibibigay, idi-distribute namin kung magkaroon ng mga delays. Napaliwanagan ho namin iyong mga proseso na kung saan iyong pag-process ng ating mga biyahero ay mapabilis at mapaigting.

Ito ho, kasama po ito, maalala n’yo ho, iyong tinatawag natin – nung nag-assume ang ating Pangulo, wala namang mga direct flights sa mga ibang probinsya, iyong direct flight na ito ay nakakatulong upang sa ganoon, mabawasan iyong congestion sa ating paliparan. Nandidiyan iyong mga direct flight, dagdag sa Cebu, sa Davao, nandidiyan iyong direct flight sa Puerto Princesa at ito ho ang nakakatulong ngayon. In fact iyong bagong paliparan natin, iyong Panglao, nagkaroon na ho diyan ng mga chartered arrangement, direct flight galing sa Korea ang ating PAL Express.

Nandidiyan ho, nagkasundo kami na kung saan magsasama-sama kami at magtulong-tulong upang sa ganoon iyong tinatawag natin na night rated capacity ng ating paliparan ay madagdagan. Kasi kung ang mga paliparan natin ay mag o-operate after sunset ito ho ay makakatulong sa ating mga tinatawag na delay. Alalahanin po natin iyong mga delay ay attributable sa airlines, puwede rin ho attributable sa airport operation at puwede rin po na ito ay cause ng tinatawag na nating kalikasan.

Iyong nabanggit ninyo kanina doon June 9 ba iyon, ito ho ay ang tinatawag na delay na nagawa at nangyari dahil sa kalikasan – nagkaroon po tayo ng tinatawag na lightning red alert, na hindi—isang sitwasyon na ayaw natin at hindi natin kagustuhan. So, ito ho mapipilitan tayong talagang walang gagalaw diyan, kasi hindi mo naman puwedeng pagalawin sa paliparan iyan, baka magkaroon tayo ng aksidente at nung mga nakaraan meron ho namang mga nangamatay na tinamaan ng kidlat – ito ho ay sinipat at pinag-aralan.

Tumbukin ho natin iyong Sangley: Ang huling pagdalaw ho namin sa Sangley, kasama ko ho si Mr. Tan, Michael Tan ng Philippine Airlines at iyong mga representante ng Cebu Pacific, si Mr. Shaw[?], kami ho ay nagsamang-samang pumunta sa Sangley at kami ay nagkasundo na iyong Sangley ho puwede naming gamitin na ito ho iyong tawag na para sa general aviation. Sa atin pong kaalaman iyong general aviation ay ito ho iyong mga flights na hindi scheduled at hindi commercial.

Nagkasundo ho kami na sipatin at repasuhin namin kung sino iyong gen-av (general aviation): Kailangan ba lahat ma-apply dito o lahat ba ng sa gobyerno ma-cover sa gen-av. Nagkasundo ho kami na repasuhin namin na kailangan ang exception dito Office of the President, iyong Central Bank at for military uses. Other than that, ililipat ho namin iyong gen-av sa Sangley at bibigyan ho namin sila ng choice, mamili ho kayo, sa Sangley o sa Clark.

Nagkasundo ho kami na iyong mga jetprop operation ng Philippine Airlines at ng Cebu Pacific ay titingnan nang ilipat at mag-operate sa Sangley. Tiningnan ho namin at nakita namin iyong mga facility na ating tinatayo ay maayos naman at kami ay naniniwala, dahil sa pagbuklod-buklod at kapit-bisig ng ating mga trabahador at kontratista, kasama na rin diyan ho ang Air Force at Philippine Navy, kasama rin ho iyong mga airline company, nagsasama-sama ho kami, naniniwala ho kami na iyong sinabi ng Pangulo na gusto niyang magkaroon ng commercial movement sa Sangley, before the end of the year, naniniwala po kami magagawa po namin iyon.

ARCENA: Sir, balikan ko lang po iyong una ho ninyong napagkasunduan. It’s good po na marami po kayong napagkasunduan with iyong—sa mga private sector no. Unahin ko lang po muna, Sec, Art iyong penalty kung may mga delay. Ano po ba o magkano po iyong penalty na napagkasunduan ninyo at ano naman po iyong consequence.

SEC. TUGADE: Pinag-uusapan namin iyan na by 24th of June, magkakaroon na kami ng kaliwanagan at kasunduan kung magkano iyong amount. Huwag ho nating pangunahan iyong amount na pinag-uusapan namin. Napagkasunduan din ho namin na magkakaroon ng slots’ removal kung magiging sobra na iyong mga delay – ito ho kailangan, sabi namin, attributable directly to the airlines, nagkasundo ho kami diyan. Nagkasundo rin ho kami na magkaroon kami ng scale – acceptable scale, mutually acceptable by the 24th of this month.

ARCENA: Okay ho, iyong sa isyu po ng tungkol ho dito sa air passenger’s bill of rights, Sec., matagal na ho ito, di ba? Meron na ho itong, alam ko, pagkakaintindi ko, matagal na itong air passenger’s bill of rights. Bakit po marami pa rin iyong mga airline companies na hindi ho sumusunod dito?

SEC. TUGADE: Ibig ko hong sabihin, hindi ho naman maraming airlines ang hindi sumusunod, sumusunod ho sila, minsan delayed, tinatawag pansin ho namin iyan at binibigyan ho namin sila ng mga reprimand o censure; kailangan ho diyan, nandidiyan din po iyong policing at monitoring capabilities natin.

ARCENA: Sir, alam ko nabanggit din po ng Pangulo na magkakaroon o ini-rekomenda po iyong posibleng balasahan ho dito sa mga airport officials, meron po ba tayong update dito, sir?

SEC. TUGADE: Ganito ho iyan, ilagay ho natin sa tamang usapan. Ang revamp at balasahan sa executive department is a matter of a reality that can come anytime. Because pag ikaw po nasa executive department, we serve at the pleasure of the President. Having said that, the President can at any time change anyone and put anyone he wants to be in place – iyang balasahan ho, puwede diyan.

Ngayon ho, iyong balasahan na iyan, that is at the pleasure of the President. Nabanggit ho iyan, pero habang ginagawa ho namin, habang naririnig ho namin iyan—ginagawa po iyong aming mga katungkulan upang sa ganoon magkaroon ng attention iyong mga bagay-bagay na gustong bigyang attention ng ating mahal na Pangulo.

ARCENA: Ano po ang inyong opinion dito Sec naman, dito sa pahayag na posibleng pag-turn over po ng security ng paliparan sa military?

SEC. TUGADE: Ako ho ay naniniwala sa kahalagahan ng seguridad. Kanina po nabanggit ko at uulitin ko: The national interest is primordial, the national security cannot be subrogated to any commercial interest. Having said that, naniniwala po ako na meron pong punto at merong kadahilanan na ilagay ang military diyan upang sa ganoon, bigyan ng taguyod at bantay ang ating seguridad. Lalo’t higit internationally, problema ho iyong tinatawag natin na terrorism, problema po iyong act of lawlessness. Ako’y naniniwala na kung tayo ay makikikapit-bisig sa ating military, na sila naman ang experts sa security, ay dapat tanggapin ho natin itong posisyon na ito at makipagtulungan tayo sa ating Pangulo upang bigyan ng kaganapan ang kanyang kagustuhan.

ARCENA: Sec, inirekomenda po ng Pangulo nga po, tulad ng binanggit ninyo kanina iyong pagbubukas po ng Sangley Point Airport. Tulad nga po ng sinabi ho ninyo, may timeline ho ba kayo kung kailan bubuksan o kailan masisimulan iyong operation doon?

SEC. TUGADE: Ang sabi ho ng ating Pangulo, before the end of this year at binanggit niya iyong buwan ng Nobyembre na magkaroon ng commercial activity doon. Kami po ay naniniwala doon sa aking nakita ngayon, iyong progress ng mga trabaho doon, kami po ay naniniwala – sa pakikiisa ng Air Force, pakikiisa ng mga airlines – na magagawa po namin iyan bago matapos itong taon na ito sa deadline na inaatang ng ating Pangulo.

Liwanagin ko lang ho. Iyong paggawa ng Sangley, hindi ho naumpisahan ngayon lang ho iyan ha, ginagawa na ho namin nung nakaraang taon pa iyan. Kaya nga iyong runway tapos na ho iyon. Nakita ng mga tao kanina, tapos na iyong runway, iyong hangar at nag-umpisa na ho, bububungan na iyong passenger terminal, iyong power plant, naumpisahan na at matatapos namin bago matapos itong taon na ito. Hindi po as if ngayon lang ginagawa iyong Sangley, hindi po. Mayo nung last year ginawa, naumpisahan na ho naming gawin iyon.

ARCENA: At pagkakaintindi ko, sir may mga proposal din ‘no, from iba-ibang mga business leaders para magtayo yata ng talagang airport, na malaking airport diyan sa may Sangley?

SEC. TUGADE: Meron na pong airport soon sa Sangley, in-extend po natin iyong runway, ginawa iyong asphalt overlay. Alan n’yo ho – let us disabuse our mind, that the Sangley alone will, you know, decongest NAIA Terminal 1, 2, 3 and 4. To decongest NAIA 1, 2, 3, and 4, you have to have a basket of approaches and solutions to handle that. Kaya nga bakit nandidiyan iyong Clark na kung saan iyong second terminal ay matatapos by the second quarter of next year at magiging operational. Kaya nga nandidiyan iyong sinisipat natin iyong Bulacan Airport na inaasam-asam namin na magkaroon na ng tinatawag na Swiss challenge at ma-ground break before the end of this year. Nandidiyan ho iyong review at offer ng tinatawag kong consortium of seven sa NAIA, nang sa ganoon magkaroon din ng passenger movement sa NAIA.

Ito ho ay samo’t-saring mga pamaraan upang ma-decongest ang Metro Manila at ang NAIA Terminal 1, 2, 3 and 4. Isipin po natin nabanggit ko kanina, kasama sa solusyon ay iyong mga direct flights na imbes na pumunta ka sa NAIA, dumeretso ka na sa ibang airports na may kapasidad na tumanggap ng international flight. Dagdagan ho natin iyong tinatawag na night-rated capacity. Lahat ho ito, samo’t-saring sistema ay makakatulong sa pagbawas at pag-address ng congestion problem sa NAIA terminal 1, 2, 3 and 4.

ARCENA: Ayan oh, malinaw ho mga kababayan. Marami po ang plano ng Department of Transportation sa pangunguna ni Secretary Art Tugade para ho ma-decongest at maiwasan na iyong mga aberya sa NAIA: Una nga po tulad ng binanggit niya iyong Clark, iyong sa Bulacan Airport; may plano rin pala at itong sa Sangley Airport before the end of this year, 2019, ay talagang maging operational na itong plano nga po na ilipat.

SEC. TUGADE: Tama po iyan.

ARCENA: Pero, sir balikan ko lang sa may Sangley Airport sir, di ba kasi malayo iyon, tapos baka ang isipin naman ng mga pasahero ang hirap ng transportation going to Manila. Meron din po ba kayong solusyon para naman mapabilis?

SEC. TUGADE: Napakagandang punto po iyan. In fact, nabanggit ko kanina na inumpisahan namin imprubin iyong Sangley nung isang taon. Kasama ho sa aming pag-revisit sa efficiency ng Sangley ay iyong tinatawag namin na ferry movement. Magpe-ferry ho tayo magbuhat sa MOA papunta sa Sangley. Kanina ho, tiningnan namin kung saan puwedeng dumaong iyong ferry at nagkasundo ho kami na kung walang magiging kadahilanan sa seguridad ng naval station at iyong sa seguridad ng ating bansa, ma-pinpoint namin kung saan po ilalagay iyong ferry.

Idagdag ko na rin ho, bagama’t ginagawa iyong ferry station, okay po, meron po akong instruction kahapon na magkaroon ng P2P operation magbuhat sa NAIA papuntang Sangley. At habang ginagawa iyan, iyong plano po ng Department of Public Works na magkaroon ng connector’s road eh ginagawa ho iyan. In other words, tinitingnan ho natin iyong samo’t-saring pamaraan, para sa iyong connectivity sa Sangley ay mapaigting at mapalakas.

ARCENA: Iyan, may long term plan talaga ang DOTr. Tulad nga po ng sinabi n’yo po Sec. may P2P, pero meron ding tinitingnan na infrastructure project like iyong connector road. Nabanggit n’yo na rin naman po iyong P2P, Sec. Art, alam mo ako na-experience ko nang sumakay ng Clark pero ang bilis ng biyahe because may P2P na, ang laking tulong po noon. Ang laking tulong na naging komportable at convenient ho iyong ating mga kababayan na bibiyahe ng Clark dahil ho diyan sa P2P ninyo.

SEC. TUGADE: Salamat po sa obserbasyon, sir.

ARCENA: At dahil nga po, tulad nga po ng sinabi ninyo may connector ho din naman na plano, sir para i-connect iyong north and south para mapabilis iyong biyahe. Sir panghuli na lang po, bago tayo mag-break, may mensahe ho ba kayo sa atin pong mga kababayan? Meron ho ba kayong mga susunod pa na mga policy na gustong i-anunsyo din dito sa atin pong programa?

SEC. TUGADE: Opo. Alam n’yo ho ang tinatawag nating administrasyon ng ating Pangulong Duterte, iisa lang ho iyong hangarin niya: Make the Filipino life comfortable.

If we are to make the Filipino life comfortable sa larangan ng transportasyon: Kailangan mo may connectivity, merong mobility, kaya nga ba’t ang ginagawa natin ay nagkakaroon ng connectivity at mobility. Please understand that when we try to do this, nagkakaroon ho iyong tinatawag na inconvenience, nagkakaroon ho yung tinatawag nung iba na perwisyo. Ito pong inconvenience na ito at perwisyo ay panandilan kumpara sa idudulot na comfort, kumpara sa idudulot na comfortable transportation na kapag nagawa ito. Sana wag pabaunan kami ng duda at alipusta, sana po pabaunan kami ng pasensiya at tiwala, pagkat ang hangarin lang po ng Duterte administration ay ibigay iyong pamumuhay na komportable. The Filipino is entitled to have a comfortable life.

ARCENA: Sir, alam ko na marami pa kayong gagawin, pero puwede n’yo po ba kaming bigyan ng snapshots ng mga dapat pang abangan ng mga kababayan natin mula sa DOTr?

SEC. TUGADE: Alam n’yo po, ang Department of Transportation, ang inyong kagawaran ay merong riles, merong airport, merong puerto, merong roads. Isa-isahin po natin iyong puwedeng abangan: Iyong sa riles ho, iyong subway, ito po ay hindi plano, hindi panaginip, uumpisahan na po iyong construction niyan bago matapos itong taon na ito – iyong boring na tinatawag.

As we speak today, ginagawa na ho natin iyong clearing up mobilization, iyong tinatawag na depot at iyong railway institute. Magkakaroon po tayo ng railway institute, pagkat kailangan ho lahat iyong maninilbihan, manunungkulan sa ating subway, naniniwala ho kami ay dapat merong nararapat na training. Kasi ho kung walang training na tugma sa pasilidad na ating gagawin, hindi po magtatagal iyong pasilidad na iyan.

Nandidiyan ho iyong tinatawag natin na rail from Tutuban hanggang Clark. As we speak nag-uumisa na ho iyong construction niyan at as we speak sasabihin ko po na from Tutuban to Malolos, there will be partial operability before the end of the term of the President, by 2021 partially operable na po iyan. Nandidiyan po iyong tinatawag natin na Tutuban papunta sa Calamba. Iyong Calamba papunta sa South, iyong sa South iyong sa Bicol magkakaroon ho tayo ng partial operability niyan, hangarin ko po by 2021 last quarter. Sabi po nung kontrata at iyong mga kontratista 2022; nagsusumamo po ako sa kanila na baguhin iyong programa upang sa gayon, before the end of the term of the President, pati iyong Bicol railways ay partially operable hanggang Naga.

Iyong sa maritime po, sabihin ko na lang po in the interest of time, bubuksan na po natin iyong pinakamalaking passenger terminal sa Puerto dito sa Cagayan De Oro. Ang kapasidad ho nito is 3,000 passengers ito po iyong pinakamalaking port terminal. At kung susumahin natin iyong mga nagawa na natin sa maritime, iyong mga puertong binuksan, iyong puertong inayos, iyong passenger terminal na binuo nakakagawa na ho tayo ng mahigit 200 na mga gawain sa maritime.

Pumunta po tayo sa airport. Iyong sa airport ho, sipatin natin iyong Bicol, gusto ho naming matapos iyong airport before 2022. Ito ho iyong Bicol, meron ho iyong mga airport na gagawin sa North at sa South – ito po tuluyan, bakit, kasi hangarin po natin iyong connectivity, hangarin po natin iyong mobility.

Iyong sa ports: Meron po tayong mga terminal na itatayo kagaya ng PITX. Tama po nagkakaroon ng kaunting aberya at problema, but this is what we call the birth stage, kailangan atensyunan iyan at magtatayo pa tayo diyan. Meron na po tayong programa sa P2P mai-expand po natin iyan.

Punta ho tayo sa lisensiya at plaka, hindi ho ba sakit ng ulo nung nag-assume ang ating Pangulo, Presidente Duterte at sabi nila republika walang plaka, eh meron na ho tayong plaka, siyempre inuna po natin iyong plaka ng 2016 onwards. Iyong delay ho, hindi ho naman tayo may kagagawan niyan, tatapusin na rin po ni General Galvante iyan by next year, 3rd or 4th quarter. Iyong lisensiya, na-experience n’yo na rin ho siguro na iyong lisensya nung dati papel, ngayon plastic, may porma – ito po nagagawa lahat.

Marami pong nagawa: The low-lying fruits, the medium term plan and the long term plan. Bakit ho, sapagkat sabi po ng ating Presidente, give the Filipinos a comfortable life.

ARCENA: At every excited na iyong mga kababayan dito sa mga proyekto na ito lalo na dito Sec. Art sa subway. Nakita ko iyong isang post ng DOTr last, I think, 3 weeks ago, iyong parang gagamitin na mga equipment.

SEC. TUGADE: Ito po iyong cutter head. Ito po iyong ilalagay sa ilalim ng lupa at bubungkal.

ARCENA: Dahil talagang malaking tulong po ito lalo na ho dito sa Metro Manila para nga po maibsan din po iyong traffic. Minsan problema natin iyan at ang nakakatuwa marami ho kayong ginagawa sa DOTr para po mapalakas at mapaigting pa iyong connectivity sa atin pong mga transportasyon, hindi lang ho sa mga airport kung hindi sa lahat po ng mga passenger terminals.

Secretary Tugade thank you po sa inyong time na inilaan po dito sa Cabinet Report sa Teleradyo at kung may mensahe po kayo bago pa tayo magtapos, go ahead lang sir.

SEC. TUGADE: Salamat po sa pagkakataon na ibinigay ninyo upang sa ganoon maparating at mapaliwanag namin iyong mga programa ng kagawaran ng transportasyon – I value this opportunity. But as we work and work, as we build and build, sana ho isipin natin, ng ating mga kababayan, iisa lang ho ang ating bayan na dapat mahalin. Kapit-bisig ho tayo diyan patungo sa isang komportableng buhay: Pabaunan n’yo ho kami ng tiwala, pabaunan n’yo kami ng dasal, sama-sama tayong magtrabaho; build, build para nang sa ganoon ang gusto ng ating Pangulong magkaroon ng golden age of infrastructure ay magkaroon ng buhay at katotohanan.

ARCENA: Thank you po, Secretary Art Tugade ng Department of Transportation.

###

Source: (News and Information Bureau-Data Processing Center)

Resource