FAILON: Sec. Sal, good morning, sir.
SEC. PANELO: Good morning, Ted.
FAILON: Yes, sir. So amin na pong napakinggan kahapon ang pahayag nga po ng Pangulo ano ho, na itong pong pangyayari diyan sa West Philippine Sea ay isang maritime incident na kinakailangang imbestigahan. So ang take ko ho from the very beginning nga ay iyong mag-iimbestiga. In this case po kasi, Attorney, as we all know, ito po’y maritime incident so Philippine Coast Guard, sir, ang mag-iimbestiga. Tama po?
SEC. PANELO: Yes.
FAILON: Okay. Philippine Coast Guard lang ho ba talaga?
SEC. PANELO: Hindi, but right now, ang nag-iimbestiga niyan ay ang Department of National Defense.
FAILON: Go ahead, sir. Go ahead.
SEC. PANELO: Inimbestigahan nila. And ang initial findings natin, if you remember noon, on the basis the findings reported to the Secretary of National Defense, he made a statement and subsequently followed by a tweet by the Secretary of Foreign Affairs, at ako rin ay nagsalita sharing the view of the Secretary.
But lately, may mga lumalabas na facts which seem to raise doubt on certain initial findings. Kaya ang naging posisyon ni Presidente, mula’t sapul—if you noticed, even my statement from the very start, sinabi ko na we call on the Chinese government to probe, imbestigahan at magbigay ng aksyon doon sa mga nagkasala, kung mayroon man; and at the same time, pinasalamatan natin ang Vietnamese vessel for helping. At sinabi natin na, regardless kung anuman ang nangyari doon, we condemn the act of abandoning iyong ating mga tripolante, iyong ating mga crew.
Iyon ang naging statement natin mula’t sapul, at naging consistent ako doon. At si Presidente, iyon nga ang sinasabi, sinasabi natin na hindi natin alam exactly kung ano talaga ang nangyari. There were initial findings, but subsequently may lumalabas na mga facts na hindi natin alam noon na ngayon ay lumalabas. Like for instance, iyon palang cook ang gising lang noong nangyari iyong aksidente; siya lang ang nakakita – that’s one. Tapos noong siya ay tinanong ni Secretary Piñol – dahil nagpunta siya roon upang alalayan – eh sabi niya, noong tinanong siya sa tingin mo ba sinadya, ang sabi ng cook ay mukhang hindi ho kami nakita. Kasi ang ilaw lang yata nila ay kakapiranggot lang doon sa kanilang vessel. That’s number one ha.
Ang number two naman, during the presentation, sa diagram, ang Secretary of National Defense Delfin Lorenzana, mayroon kaming mga nakita—kasi nakalagay doon, naka-drawing doon iyong ship na bumangga at iyong vessel na nabangga doon sa dulo, pinakabuntot eh. May nakita kaming mga figures doon around the area, tinanong namin kung ano iyon, iyong pala ay iyon ang mga bangka. Sapagka’t iyon pa lang mother vessel eh may labingsiyam na bangka ang kasama nito na siya namang namimingwit ng mga isda pagdating sa laot.
So kung titingnan mo iyong press release nila, ang sabi nila noon, kaya raw hindi sila nakatulong dahil parang nangamba sila na baka kuyugin sila ng mga six to eight vessels na naroroon. Eh baka iyong tinutukoy nila six to eight vessels – dahil lumalabas ngayon labingsiyam pala – ay iyong mga bangka. So iyon iyong mga bagong facts na lumalabas. And precisely the President said ‘aba’y kailangan malaman natin talaga kung anong nangyari, so let’s wait for the facts to set in bago tayo gumawa ng deklarasyon.’ But one thing is sure, may banggaan. Iyon ang hindi mari-refute dahil kitang-kita naman na may bangga.
FAILON: All right.
SEC. PANELO: Pangatlo nga pala, Ted.
FAILON: Go ahead, sir.
SEC. PANELO: Another fact na hindi natin alam: Ang pagkakaalam nating lahat ay naka-anchor iyong barko, iyong vessel ng Pilipino. [Unclear] malapit sa shore. Eh iyon pala ay hindi naman. Nasa [unclear] pa rin kaya lang [unclear] na mababaw na 50 feet na puwedeng i-anchor iyong kanilang instrumento or you call that anchor. Sa madali’t sabi wala pala sila doon sa malapit sa shore; talagang nasa dagat pa rin sila.
Iyon iyong tatlong facts na hindi natin alam initially.
FAILON: Opo. Sir, medyo kayo po ay nag-choppy sa pangatlo pong fact na binabanggit po ninyo.
SEC. PANELO: Iyong pangatlong facts, ulitin natin. Iyong pangatlo, Ted, all the while ang akala natin noong sinabing naka-anchor sila o naka-stationary ay nandoon sila sa may shoreline, malapit doon sa shore ‘di ba. ‘Di ba, ‘pag naka-anchor ka malapit ka sa shore. Pero iyon pala, hindi naman. Nandoon sila sa lugar kung saan mayroon lang area na puwedeng ilaglag nila iyong anchor nila at puwede silang pumirmi doon. In other words, nasa gitna pa rin sila ng dagat.
Eh ‘di ba, kaya sabi ng isa, paano naman hindi sinadya kung naka-anchor sila eh di nabangga, sinadya talaga iyon. Iyon pala ay nasa gitna sila ng dagat pa rin. Iyon ang mga facts. Kaya sabi ni Presidente, ‘kailangan malaman natin talaga kung ano ang nangyari, kailangan maimbestigahan natin.’ Iniimbestigahan ng China, di aantayin natin ang kanilang findings. Tayo rin, iniimbestigahan natin dahil may mga lumalabas na bagong kalakaran.
FAILON: Opo, opo. Sec, ganito po ‘no, bagama’t—iyon pong binabanggit ninyo na facts na iyan, well, valid points po naman. Bagama’t mayroon pong mga binabanggit din po ang ilang mga, for example, iyong Philippine Navy Admiral ano ho na nagbigay din po ng pahayag tungkol sa ano ba ang dapat na … ano ba ho ang teknolohiya ngayon ng mga bangka, ng mga barkong pangingisda, lalo na ho itong mga mas moderno po sa atin, may mga GPS iyan, may mga radar iyan na dapat ay nalalaman mo maaga pa lamang para hindi ka bumangga, etc. Ayaw ko na pong puntahan pa ho iyon ‘no, but ang akin lang ho dito, sir, is that iyong legalidad po na aspeto na dadaanan ng prosesong ito.
For example, so ang sabi po ng Coast Guard nga, under our laws, maritime laws, para bang sa sasakyang panlupa, kapag may banggaan diyan, kinakailangan mo ng traffic investigator kasi nga mayroon iyang mga kasong kriminal, kung may injury o kung mayroong damage to property, so kinakailangan mo iyan ng police report ‘no, ng iyong traffic investigation report. In this case po, sa dagat po ito, sa Philippine Coast Guard. Ito po ay nangyari sa atin pong hurisdiksyon, Philippine Coast Guard po ang maglalabas ng report. Dito, ang pinag-uusapan natin ay danyos doon sa bangka bagama’t wala po namang nasugatan dito, although may claim nga po na inabandona sila.
So ang tanong ko po, sir, dito ngayon: Kung saka-sakali ho ba lang na i-pursue ng mga mangingisdang Pilipino ang kasong ito at iyong report ng Philippine Coast Guard nga, whether it’s an accident or deliberate, maoobliga ba ang Chinese government na iharap sa atin itong mga tripolanteng Chinese para po harapin iyong kaso?
SEC. PANELO: Eh kung mayroon tayong demandang kriminal at kung mayroon tayong extradition treaty, puwedeng obligahin natin.
FAILON: Kung mayroong extradition treaty.
SEC. PANELO: Kung ang kaso mo ay iyong criminal case ha. Pero kung civil action lang, padadaanin mo na lang sa proseso na magpapadala ka ng notice/subpoena doon sa kung sinuman iyong dinidemanda mo; mayroong proseso doon.
FAILON: So dito ho, sir—papaano kaya iyan, Attorney, kung ito po ay nangyari sa Recto Bank, about a hundred or more kilometers from El Nido, Palawan, so theoretically ay sakop ito ng Palawan court itong kasong ito?
SEC. PANELO: Most likely, kung nasa area ng Mindoro.
FAILON: So legally po, sir, kung maghahabol itong mga Filipino fishermen at saka ang may-ari po ng bangkang pangisdang ito, they must file based on the Coast Guard report iyon kanila pong claim dito po sa nakabangga sa kanila?
SEC. PANELO: Yes, yes.
FAILON: All right. Ngayon, sir, iyong paghingi ng tulong sa China, perhaps siguro good faith ‘no kung talagang ito ay hindi sinasadya, pupuwede kayang maobliga ang China na iharap sa atin kung sino pong mga… anong barko ito o bangka ng China ito at saka iyong kanilang tripolante na involved?
SEC. PANELO: Number one, sinabi na nila …in-identify nila iyong ship ‘di ba. Number two, sa statement ni Ambassador Zhao, sinabi niya na iimbestigahan nila thoroughly and seriously, and if they find out na talagang at fault, eh hindi nila palalampasin iyon at bibigyan nila ng kaukulang parusa. Iyon ang statement ni Ambassador Zhao.
FAILON: Opo, sige po. So, sir, kung—ito lang ho ‘no, kasi nga po ngayon, mainit po ang damdamin ng ilan, so baka po hindi pa madala sa pakiusapan, pero hindi kaya malayo rin po iyong areglo ho rito sa mga mangingisdang Pinoy nitong mga tripolanteng Chinese doon po sa perwisyo po na inabot po ng bangkang ito at iyong kanila po ngayong kinakaharap po na problema na how to rehabilitate the sunken boat?
SEC. PANELO: Ako naman, Ted, ang tingin ko, given the response of the Ambassador of China to the Philippines na sinasabi nilang iniimbestigahan nila nang mabuti, despite nga iyong press release nila na initially iyon ang kanilang tingin, mayroon siyang subsequent na statement na iniimbestigahan pa nila nang mabuti para malaman nila ang puno’t dulo at bibigyan nila ng kaukulang step tungo doon sa pagbibigay ng kaukulang hustisya o katarungan.
FAILON: And when you say justice or katarungan, ano ho kaya iyon?
SEC. PANELO: ‘Di ba sinabi nga nila kung mapatunayan nila na mali, then they will not only educate but impose sanctions and may I quote the word, sabi nila, “for this irresponsible behavior.” In other words, hindi rin sila pumapayag na ganoon.
FAILON: Sir, iyong Defense department investigation vis-à-vis the Coast Guard investigation, ano hong pagkakaiba noon kung saka-sakali man?
SEC. PANELO: Kasi ang Coast Guard naman ay nasa National Defense naman iyon, so iisa lang iyon. Sa ngayon, ang pagkakaalam ko si Secretary Lorenzana, so far ang kanilang mga … mayroon silang mga dokumento, sworn statements doon sa ilan sa mga Filipino fishermen. According to Secretary Piñol din, mayroon din silang sinumpaang salaysay na gagawin based on the transcript of interview na nagsasabi na iyong cook, siya lang naman ang gising noong oras na iyon at ang kaniyang pahayag na ang tingin niya ay hindi sila nakita, maaaring hindi sila nakita.
FAILON: Opo, sige po. So, sir, ito hong ingay na nilikha nito ‘no, well, ang atin pong Foreign Affairs Secretary, sa kaniya pong tweet noong mga panahon na iyon ay nag-isyu nga ng diplomatic protest ‘no. Resolved na ho ba iyong isyung iyon, iyong diplomatic protest na iyon?
SEC. PANELO: Wala pang official response doon as far as I know, unless na mayroon noon hindi ko pa alam. Wala pang sinasabi si Secretary Locsin kung mayroon ng sagot pormal doon sa ating diplomatic protest.
FAILON: Iyon pong damdamin po ng iba, Secretary, doon sa … with the way we’re handling this vis-à-vis doon sa trash ng Canada ano ho. Ano ho ang inyong masasabi po sa lahat po ng ikukumpara iyong handling ng gobyerno ng Pilipinas doon sa trash sa Canada at ito pong pangyayaring ito?
SEC. PANELO: Alam po ninyo, iyong sa Canada, lima hanggang anim na taon na yatang nakabinbin iyon at pinapangakuan tayo na kukunin nila, hindi nila ginagawa. That is why the President was so outraged by that, kaya siya galit na galit kaya nga nagsalita siya.
Ito namang sa insidente ngayon—kasi iyon established ang facts eh. You get the point, Ted? Walang kaduda-duda iyon. Wala na tayong katuuban(?), ganito, ganiyan. Ito hindi eh. This one sa China, hindi natin alam exactly. May version kasi ang ating grupo, may version din iyong kabila. That is why the President said, we have to hear their side; they have the right to be heard. Kasi initially ang alam natin ganoon but ang lumalabas ngayon, habang tumatagal at galing din sa kanila, nagkakaroon ng doubts kaya kailangan talagang imbestigahan.
FAILON: All right, sige po. So, Sec., ngayon po ‘no mayroon na hong mga inihayag na damdamin po ang ilang taga… doon sa bayan na ito sa Mindoro ng … ang kanila pong pakiramdam, sa mga narinig kong sound byte nila ano ho at maging doon sa asawa ng kapitan, na hindi man po eksaktong salita ito pero just to describe ito, galing po sa akin ito, parang pinapabayaan ng gobyerno ang mga mangingisdang Pilipino sa pangyayaring ito. What’s your message for them, sir?
SEC. PANELO: Mukhang hindi naman. Kasi kung natatandaan ninyo, immediately after na nagsumbong sila at nalaman natin kung ano ang nangyari sa panig nila, tayo ay gumawa kaagad ng pahayag – kinukondena natin iyong pag-iwan sa kanila; pangalawa, nagprotesta tayo. At pagkatapos ay iniimbestigahan na nga natin. And then nagkaroon na tayo ng mga alalay sa kanila, initially. At ang naging desisyon nga ng cluster Cabinet meeting kahapon ay talagang bigyan sila ng full help, apart from iyong mga tulong doon sa mga nanggagaling sa mga private Chinese community.
FAILON: Ngayon po, sir, sa aming text line ay marami pong hindi sang-ayon sa naging pahayag po ng ating Pangulo. At ang iba nga po rito ay sinasabi ho na … ang damdamin po ng ating mga tagapakinig ay tila po—ito ho ‘no, basahin ko lang po ito, sir, para kayo na po ang makapag-react mismo. Example lang po ito: Nakakahiya na tayo. Hindi ba nahihiya ang mga nakaupo sa gobyerno natin. Eh bakit hindi na lang natin ibenta sa China sa ating bansa.
Ganito po ang mga reaksiyon po karamihan ngayon ha, as we speak, sir, ng ating mga texters. Can you just give them some message, sir, this morning bago tayo magpaalam?
SEC. PANELO: Well, hindi tayo magtataka na ganoon ang damdamin ng iba dahil nga ang sa unang mga binigay sa ating facts… ay parang tayo ang na-disadvantaged. Ang ginawa naman natin ng immediate reaction.
Pero alam po ninyo, si Presidente is a very cautious man. Hindi ito basta-basta magsasalita lalung-lalo pa na abogado ito. Alam ninyo po kaming mga abogado, bago kami gumawa ng mga pahayag ay tinitingnan muna namin ang kalakaran. Moreover, itong insidenteng ito ay hindi lang ordinaryong insidente sapagka’t this might affect trade relations between the two countries; maraming puwedeng maapektuhan dito. Kaya titingnan natin kung ano iyong tunay na nangyari. At kung malaman na natin, saka tayo gagawa ng galaw na naaayon sa naganap na pangyayari.
And we would like to assure our countrymen na ginagawa natin ang lahat upang ang ating mga kababayan na nasangkot doon sa sakuna ay mabigyan natin ng [unclear]
FAILON: Well, said. Sige po. Attorney Sal, salamat po sa paliwanag, panahon at dito po sa inyo pong pahayag na ito to pacify the sentiment of our listeners ngayon pong umaga na ito na po, umuulan na po, umuusok na po ang aming text line po sa panayam na ito, Secretary.
SEC. PANELO: Salamat, Ted. Salamat.
##
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)