Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Christian Maño and Victor De Guzman – Huntahan, DZRH


MAÑO: Nasa linya na natin si Secretary Martin Andanar. Good morning sir.

GUZMAN: Good morning po.

ANDANAR: Hello, Christian and Victor. Good morning.

MAÑO: Good morning sir, Kamusta ang paghahanda para sa SONA bukas? All set na po ba tayo?

ANDANAR: We are all set. Ang ating technical production – all set, ang tinatapos na lang ay ang talumpati ni Presidente dahil noong Friday ay nagkaroon kami ng rehearsal at meeting with the President. It took about two hours to go through the entire rehearsal kasi mayroon pang technical blocking at ini-explain pa ni Director Joyce Bernal kung ano ang mangyayari sa SONA ni Presidente. And then, much of the time spent on the President editing the…

MAÑO: Speech.

ANDANAR: Speech. So…

MAÑO: Go ahead sir.

ANDANAR: From 28 pages ay naging 19 pages.

MAÑO: Okay.

ANDANAR: Yung speech. We timed it – at kung wala namang mga intermission..kasi, siyempre sa ensayo, si Presidente kasi nagko-comment siya sa linya, sa speech, tapos sasabihin niya yung rason kung bakit – mga forty five minutes to an hour ang itatagal.

MAÑO: So, kumpara doon sa first, second and third SONA nang Pangulo, Secretary medyo mukhang magiging mas maiksi dahil kung hindi tayo nagkakamali, noong first inabot nang one hour and twenty two minutes, yung second is two hours and then yung third is forty eight minutes.

ANDANAR: Oo. Well, yung last, yung 2018 ang sabi ko na 98%, the President stuck to the speech at 2% lang doon yung ad lib.

MAÑO: Yes.

ANDANAR: Humaba lang dahil doon sa nawawalang mace sa Kongreso…

MAÑO: Oo.

ANDANAR: Di ba?

MAÑO: Oo.

ANDANAR: …Kudeta na nangyari. So, yun lang naman pero kita ninyo naman, forty-eight minutes dire-diretso na binasa ni Presidente ang kaniyang speech. But let me emphasize na being the fourth SONA of the President and the first SONA on his second half of the term, napakahalaga nito para sa bawat Filipino, bawat mamamayan, kasi dito makikita yung Duterte legacy. Kung ano ang magiging legasiya ni Pangulong Duterte pagkatapos ng kaniyang termino.

MANO: Secretary, Sec., tanong dito ‘no, ano ba yung aabangan at hihintayin at aasahan ng mga publiko kumpara doon sa mga nagdaang SONA ng Pangulo?

ANDANAR: Abangan ng mga kababayan natin kung ano ang mga polisiya at kung ano ang plano ni Presidente for the next years. Abangan nila kung ano ang magiging kinabukasan ng Pilipinas for the next ten years. Kasi, itong…halimbawa itong mga proyektong gagawin, hindi naman lahat matatapos sa termino ni Presidente.

MAÑO: Yes.

ANDANAR: Mayroon namang matatapos, mayroon ding itutuloy ng susunod na administrasyon. Aabangan nila ang poverty alleviation program na ibababa ng kahirapan from 21% to 14% at itataas naman ang antas ng ating pamumuhay to upper middle class. Number two, abangan ng mga kababayan natin yung nabanggit ko na infrastructure projects – 75 heavy-fitted infrastructure projects, build, build, build.

Aabangan nang mga kababayan natin, pangatlo ang peace and order kasi, hindi naman tayo magiging asensadong bansa kung walang peace and order. Kaya ito po ay naka highlight sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Mayroon ding babanggitin si Presidente na mga polisiya at mayroong ding mga issues na pag-uusapan, abangan po natin sa Lunes. Now kakaiba ito, again, kasi this time, kakapanalo pa lang ng mga kandidato ni Presidente.

MAÑO: Yes.

ANDANAR: Sa local government, sa Kongreso at sa national – sa Senado. Overwhelming, supermajority po ang ating Pangulo sa lahat po ng antas ng pamamahala – LGU, Congress at Senado. At kakalabas lang ng survey ng Pulse Asia na nagsasabi na 85% ang may tiwala kay Presidente at kakalabas lang ng SWS survey na nagsasabing 80% ang nasisiyahan o satisfied…

MAÑO: Secretary, tanong lang, eh, may binanggit ang Pangulo noong nakaraan na magle-lecture daw siya dito sa SONA, matutuloy ba ito?

ANDANAR: Tingnan natin kung posibleng mapag-usapan ang West Philippine Sea.

GUZMAN: Secretary, tanong ko lang ho ‘no, mayroon po bang big announcement si Pangulo dito sa paparating na SONA? Yung bagay na hindi inaasahan ng Filipino na wala doon sa ini-expect nila. Katulad nang mga texters natin sa traffic, yung mga ganito. Mayroon po bang big announcement?

ANDANAR: Well, depende. Depende sa…kung ano yung big announcement na sinasabi natin kasi, siyempre ang bansa natin napakadaming sector, di ba? So, it could be a big announcement for the agriculture sector, it could be a big announcement para sa transportation sector. Ah, ang aking tiniting dito o binabantayan kung ano yung ia-ad lib ni Presidente kung mag-a-adlib siya.

GUZMAN: Yun nga yung susunod na itanong ko. Ang tanong, may binanggit na ba ang Pangulo na siya ay mag-a-adlib at hindi masyadong, na may lalagpasan doon sa script. May binanggit na ba siya Secretary na, “Mag-a-ad lib ako bukas”.

ANDANAR: Wala siyang binabanggit. Usually naman hindi niya sinasabi.

GUZMAN: Impromptu ‘noh?

ANDANAR: Oo. Bigla magsasalita na lang, tingnan natin.

GUZMAN: Pero Secretary, ang tanong. Noong nakaraang taon, di ba, nagkaroon nga nang kaunting delay dahil may kaunting usapin diyan sa Speakership, eh, ngayon ba, ngayong ika-apat na SONA ng Pangulo, sino ba ang makakatabi ni Pangulo? Si Senate President Tito Sotto na ba at saka si Cayetano, may balita ba tayo dito Secretary?

ANDANAR: Palagay ko. Kasi, base naman sa mga iniulat ninyo at iba pang mga media organization ay, mukhang sigurado na si Senate President Sotto na siyang magiging Senate President muli at si Congressman Cayetano na maging Speaker. Pagkakaintindi ko ay nag-meeting na si Congressman Cayetano at si Congressman Duterte, nagkasundo na sila at balita ko rin magkakaroon ng dalawang breakfast with Congressmen sa Kongreso bukas at sa dalawang breakfast ay pupunta si Congressman Cayetano.

GUZMAN: Para sa hapon hindi na magulo, noh?

ANDANAR: Oo. Ang hirap, alam mo tama Christian at Victor, kasi mahirap kasi na agawin mo yung spotlight Kay Presidente.

GUZMAN: Oo. Dahil nanonood ang buong mundo eh!

ANDANAR: Oo, State of the Nation ito eh, mahirap na…alam mo last year, napakaganda ng speech ni Presidente tapos nagkaroon ng ganoong klaseng…

GUZMAN: Nakuha yung atensiyon.

ANDANAR: Oo, intramural.

GUZMAN: Oo. Secretary…

ANDANAR: We are hoping na hindi na mangyari yun.

GUZMAN: Secretary, mayroong pagkakataon after the SONA eh mineeting ni Pangulo ang iba’t-ibang leader ng makakaliwang grupo. Ngayong ika-apat na SONA ba aasahan natin ito ulit?

ANDANAR: Hindi ko masasabi. Kasi, once again, bigla na lang ginagawa ni Presidente yan, hindi natin alam na gagawin niya. Hindi natin alam kung anong magiging—if the President will pull surprises after the State of the Nation Address, kasi mahirap yan, ano yan, security nightmare yan.

GUZMAN: Oo. Kung okay sa Pangulo, problema naman yan ng mga security.
Secretary, another question, ready na ba si Binibining Joyce Bernal at ano bang magiging tema natin bukas? Dahil siyempre iba-ibang atake yan; yung kay Brillante Mendoza, eh ngayon Joyce Bernal, ano bang pagkakaiba nito Secretary, kung pwede ninyong ibahagi?

ANDANAR: Well, last year naman maganda ang pagkadirek ni Joyce Bernal. Mayroon siyang mga kuha na mga drone shots.

GUZMAN: Yes.

ANDANAR: May gamit na wide angle camera na pang-pelikula tapos this year, mayroon siyang ipinasok na Philharmonic Orchestra at mayroon siyang mga pagbabago sa lighting. Abangan natin kung ano pa yung mga sorpresa ni Director Joyce Bernal. Pero nagkasama kami noong Friday, she is ready to direct this fourth State of the Nation Address with an inspiring mode, sabi ni Direct Joyce.

GUZMAN: Magiging kaabang-abang pala ito dahil bukas ang babanggitin ng Pangulo yung kaniyang plano for the next coming years kahit hindi na siya nakaupo.

ANDANAR: Oo. Alam mo, Victor and Christian, di ba, mayroon pang tatlong taon si Presidente. So, basically this is the fourth SONA. Sa 2020, next year, mayroon pang isa.

GUZMAN: Yes.

ANDANAR: 2021 mayroon pang isa. So, dalawang SONA na lang ang natitira pagkatapos ng bukas. Okay? Kasi sa 2022 ang magso-SONA doon yung bagong Presidente na.

GUZMAN: Oo. Yung bago na.

ANDANAR: Kaya napakahalaga ng SONA na ito, itong fourth SONA na ito.

GUZMAN: Dahil bukas malalaman natin ang direksyon ng Pilipinas para sa mga susunod na taon, ano?

ANDANAR: Oo. Pagkatapos ng SONA bukas, dalawa na lang ang natitira.

GUZMAN: Oo.

ANDANAR: Ito tandaan ninyo at alam ko, alam ninyo rin ito: Bagama’t sinasabi natin tatlong taon na lang, pero ang ang totoo niyan dalawang taon na lang talaga. Kasi, by 2021 ay busy na lahat sa susunod na…

GUZMAN: Kandidatuhan na. Kaniya-kaniyang posisyon na.

ANDANAR: Yun naman talaga yun, di ba? So, dalawang taon na lang yung talagang magiging busy tayo. Kaya sabi ko nga, kailangan lahat ng mga proyekto ay ma-implement na within the next two years para ito ay maging barometer/gold standard ng mga susunod na Presidente.

GUZMAN: Okay. Secretary, before we let you go, any message po sa mga nakikinig sa atin para ho doon sa mga nag-aabang ng SONA ng Pangulo bukas po.

ANDANAR: Ah, unang-una sa lahat, nagpapasalamat po ako sa mga kababayan natin. Sa malaking tiwala sa ating mahal na Pangulong Duterte at nang kaniyang gobyerno. 85% po iyan at yung mga satisfied sa trabaho ni Presidente nasa 80% po yan.

Talagang kung super majority po sa Kongreso, super majority din po sa mga kababayan natin ang nagtitiwala kay Presidente. Sana po ay magkaroon kayo ng panahon para manood sa telebisyon, makinig sa radyo or magbasa sa online.

State of the Nation Address ni Presidente bukas, alas-kwatro ng hapon. Ito po ay napakahalaga para sa bawat Filipino. Hindi lang po ito mahalaga para sa mga Congressman, o pulitiko. Ito po ay para sa bawat Filipino, para makita ninyo po kung saan po dadalhin ni Presidente ang ating bansa.

Ngayon, kung talagang papakinggan mo ng maayos ang speech ni Presidente, para sa mga negosyante, malalaman ninyo kung saan ang direksyon, so malalaman ninyo kung saan kayo mag-i-invest.

Para sa mga magulang, malalaman ninyo kung saan ang direksyon, therefore malalaman ninyo kung saan puwede mag-aral ang inyong mga anak o kung anong kurso ang kanilang kukunin sapagkat doon dadalhin ng gobyerno ang ating bansa. Halimbawa na lamang, for example, kapag sinabi na, “magpapadala tayo ng maraming engineer sa Saudi Arabia”, yung mga ganu’n ba. This means that you can ask your children to study engineering o nursing o kung ano man yung kailangan. This is really important for everybody.

GUZMAN: Okay.

ANDANAR: We know where we are going and we know how to prepare our lives for the direction of the President is taking us – maraming salamat po.

GUZMAN: Maraming-maraming salamat po.

ANDANAR: Victor and Christian Mabuhay po kayong dalawa at ang DZRH.

GUZMAN: Maraming-maraming salamat po Secretary.

ANDANAR: Number one radio station nationwide.

GUZMAN: Thank you, Sir.

MAÑO: Thank you so much po.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

Resource