Interview

Ambush interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Nimfa Ravelo (DZBB – Special Coverage)


Event Ambush Interview

RAVELO: Secretary, iyon bang Security of Tenure Bill kasama sa announcement ni Presidente ngayon?

SEC. ANDANAR: I’ll have to check the ano … hindi ko masasagot ngayon. I’ll have to check the speech kung kasama.

RAVELO: Pero definitely, kung hindi masama sa speech, definitely pipirmahan niya?

SEC. ANDANAR: I cannot answer you, I’m not so familiar with that policy. Pero the National Land Use Act definitely is a priority agenda, that’s a (unclear) agenda of the President. Possibly, puwede ring pag-usapan iyong—

RAVELO: West Philippine Sea, of course?

SEC. ANDANAR: Death penalty, that’s possible.

RAVELO: Death penalty, meaning hinihingi niya sa Congress na gawin na iyong batas?

SEC. ANDANAR: We’ll see, we’ll see. I cannot answer categorically kung hihingiin niya o hindi, pero there’s a possibility na banggitin.

RAVELO: And charter change?

SEC. ANDANAR: Parang wala akong nabasa na charter change.

RAVELO: Ibig sabihin noon, kung wala doon sa kaniyang SONA, ibig sabihin hindi na siya kasama sa priorities ni Presidente?

SEC. ANDANAR: Mahirap—don’t quote me because hindi ko lang matandaan kasi kung nandoon sa… kasi about 19 pages eh so hindi ko ma-memorize lahat. Wala akong kopya talaga.

RAVELO: So bago kayo pumunta dito, nakausap ninyo ba si Presidente? Para lang malaman natin ang mood kung mag-i-stick siya doon sa kaniyang babasahin o puwedeng mag-adlib siya?

SEC. ANDANAR: Last night ay nagkaroon ng technical rehearsal, at ang Presidente naman ay really stuck to the script, stuck to the speech. In fact, umabot lang ng 42 minutes. So siguro kapag may adlib, baka humaba pa. Pero kung walang adlib, 42, 43 minutes.

RAVELOL Pero wala naman siyang sinabing mag-i-stick siya doon; free naman siya mag-adlib.

SEC. ANDANAR: Oo, iyan naman ang prerogative niya, mag-a-adlib siya o hindi.

RAVELO: Okay. Ito na lang, Secretary, hindi na mauulit ‘di ba iyong last year na Arroyo vs. Alvarez doon sa speakership, iyong na-delay pa iyong pag-uumpisa ng SONA. So ngayon—

SEC. ANDANAR: Mukhang hindi na mangyayari kasi kanina pa lang ay marami nang naglalabasang balita na si Cayetano na ang Speaker. So the focus will really be on the President’s 2019 SONA, and I am so happy that this is happening. Well, wearing my producer hat, maganda talaga na naka-focus iyong tao sa talumpati ni Pangulong Duterte dahil napakahalaga talaga ng State of the Nation Address para sa ating mga kababayan, sa buong Pilipinas. Bawat Pilipino ay kailangan manood ng State of the Nation Address para malaman kung saan patungo, saan dadalhin ni Presidente ang Pilipinas sa susunod na labindalawang buwan at sa susunod na tatlo pang taon.

RAVELO: Salamat po.

###

Resource