REYMUND TINAZA/BOMBO RADYO: [start of coverage] With the closure of the operations of PCSO gaming schemes, there are about 30 plus thousand lotto outlets. So there are about mga 60 thousand iyong naapektuhan na mga manggagawa na mga nagpapataya sa mga lotto outlets. Sir, mayroon bang intervention ang gobyerno habang nakasara iyong operasyon ng lotto at wala silang pagkakakitaan?
SEC. PANELO: Well sa ngayon, wala.
REYMUND TINAZA/BOMBO RADYO: So nganga sila, iyong mga 60 thousand na apektadong nagpapataya sa lotto.
SEC. PANELO: Hindi naman siguro. Eh I’m sure iyong namang mga naapektuhan, hindi naman sila ganoong kahirap. Marami naman silang kinita during those times na they were operating, so I’m sure mayroon silang pondo to live by.
REYMUND TINAZA/BOMBO RADYO: Hindi nga sila ma-encourage na pansamantala ay mag-shift muna sa jueteng, sa masiao?
SEC. PANELO: Eh illegal iyon eh, baka lalong may problema sila kung pumasok sila roon.
REYMUND TINAZA/BOMBO RADYO: Eh iyon nga sir eh, ilang dekada nang may operasyon ng masiao saka jueteng pero we cannot deny the fact na wala pa rin talagang nagagawa na eventually ay tuluyang mapahinto iyong operasyon ng jueteng at ng even ng masiao.
SEC. PANELO: Eh ang mahalaga iyong katiwalian na naganap eh maihinto. Kailangan kung minsan mayroon tayong sakripisyong ibibigay para sa kabutihan ng pangkalahatan.
REYMUND TINAZA/BOMBO RADYO: Sir, last point. Ang korapsyon sa PCSO, hindi ba doon sa mismong nasa higher ups at hindi naman nasa baba?
SEC. PANELO: Si bagong Head ang humingi ng tulong kay Presidente upang masugpo ang korapsyon dito sa ahensiya, kasama na iyong mga major players saka mga participants.
REYMUND TINAZA/BOMBO RADYO: Thank you, sir.
ROSE NOVENARIO/HATAW: Hi, sir. Hindi po ba iligal iyong utos ni Presidente dahil mandato po ng PCSO na magsagawa ng lotteries, nasa charter po nila iyon? Hindi po ba paglabag sa batas iyong pinigilan ng Pangulong gampanan ng PCSO iyong kanilang tungkulin?
SEC. PANELO: Hindi. Unang-una, iyong PCSO ay nasa opisina ng Presidente, siya ang may control/supervision ng lahat ng ahensiya na nasa ilalim ng Office of the President. At iyong mga tungkulin ng PCSO sa pag-provide ng medical assistance, social services… ito naman ay maaaring mai-redirect doon sa ibang ahensiya ng gobyerno – nandiyan ang PAGCOR, nandiyan ang Office of the President, nandiyan ang Department of Social Welfare, marami po tayong pagkukunan upang maipatupad natin iyong pagtulong sa mga nangangailangan.
ROSE NOVENARIO/HATAW: Sir, iyong aspeto noong trabaho ng PCSO, mandato nilang magsagawa ng lotteries. Paano ho iyon? Pinigil ng gobyerno iyong kanilang tungku—na gampanan iyong tungkulin nilang iyon; kasi nasa charter po iyon ng PCSO.
SEC. PANELO: Ang tungkulin ng PCSO para nga tumulong. But it doesn’t mean that the closure of the PCSO or the outlets operating under the PCSO will end the extension of medical assistance or health, as well as providing social assistance to those in need.
ROSE NOVENARIO/HATAW: So kailan po maaasahan ng publiko papangalanan ng Presidente iyong sangkot doon sa massive corruption?
SEC. PANELO: We will have to wait for the President, he is thoroughly investigating the corruption and he will as he said, in due time name them – he doesn’t want to commit a mistake.
ROSE NOVENARIO/HATAW: Paano po ‘yung mga pangkaraniwang empleyado lang ng PCSO, saan sila kukuha ng kabuhayan ngayong wala silang mga trabaho katulad noong mga empleyado lang po sa lotto outlets, sa STL?
SEC. PANELO: Gaya ng sinabi ko kanina, hindi naman siguro walang-wala sila ngayon. Pangalawa, eh noong wala pa naman ang mga outlets na ‘yan eh nabubuhay pa naman sila.
ROSE NOVENARIO/HATAW: Pero trabaho ho iyon eh, tinanggalan ninyo ng trabaho iyong mga tao eh. Employees iyon, mayroon silang ano—
SEC. PANELO: Correct. Bakit noong hindi pa ba sila empleyado hindi sila nabubuhay? Do not underestimate the human spirit of Filipinos. ‘Pag may dumarating na storm o anumang sakuna o anong mga bagsak sa ating buhay, nakakaahon naman tayo. ‘Yan ay pansamantala lamang, the President wants to rid massive corruption and he has to do something about it. We have to do with what the President has done.
GENALYN KABILING/MANILA BULLETIN: Sir, but will the government provide assistance or temporary employment for these—
SEC. PANELO: We already responded to that many times over. He said that government will not discontinue providing assistance.
GENALYN KABILING/MANILA BULLETIN: Sir hindi, iyong main PCSO workers, they have employees working in the agency and apart from that, iyong lotto workers mismo, displaced; and the STL workers displaced?
SEC. PANELO: Gagawan din ng paraan ‘yan ng Presidente at ng pamahalaan.
MARICEL HALILI/TV5: Sir, just a quick follow up. Sir, kung alam naman ni Presidente or may information na about those individuals who were involved in corruption, why not just remove these individuals instead of directing the stoppage of the lotto outlets to avoid iyong unemployment?
SEC. PANELO: Hindi ganoon kasimple iyon, kaya nga siya gumagawa ng thorough—siya na nga mismo nagpapaimbestiga at nag-iimbestiga sapagkat matindi iyong dating ng report sa kaniya kaya pinahinto niya na muna.
MARICEL HALILI/TV5: But, what’s the assurance sir na hindi matitigil iyong medical assistance? Because I understand, up until December lang yata iyong assurance na ibinigay nila for those who are dependent of PCSO.
SEC. PANELO: Hindi. Hindi matitigil ang pagtulong ng pamahalaan. There will be help. As I said, all they have to do is to redirect their request for financial assistance, medical help to the appropriate agencies that I have mentioned earlier.
MARICEL HALILI/TV5: Sir sorry, ipu-push ko lang iyong ordinary employees. So, what will happen to these ordinary employees habang wala pang ibinibigay na plano iyong government of what particular assistance can be given to them?
SEC. PANELO: I have already responded to that earlier. The same answer.
HENRY URI/DZRH: Secretary, clarification lang. Are you saying na ito hong order ng Pangulo ay pansamantala lamang?
SEC. PANELO: It would appear to be as such.
HENRY URI/DZRH: Iyong pansamantala ho na iyon, pansamantagal ba ito o talagang…
SEC. PANELO: Eh depende na nga iyon sa magiging desisyon ni Presidente.
HENRY URI/DZRH: May plano ho ba ang Pangulo na pangalanan at isapubliko iyong mga corrupt official sa PCSO?
SEC. PANELO: Sinabi ko na rin ‘yan, matagal ko nang sinabi ‘yan – he will identify them.
HENRY URI/DZRH: Uhum… Kailan ito mangyayari, Secretary?
SEC. PANELO: Sinagot ko na rin ‘yan – in due time.
HENRY URI/DZRH: Okay. Linawin natin, iyong endowment fund ng PCSO, kasi may binabanggit po kayo sa isang panayam ninyo na puwedeng ilapit iyong mga kailangang medical assistance at iba pang mga hinihingi sa PCSO ng mga pasyente sa PAGCOR, tama po ba?
SEC. PANELO: Sa PAGCOR, sa Office of the President… marami, maraming ahensiya ng gobyerno.
HENRY URI/DZRH: So sa ngayon po ay puwede nang pumunta iyong ibang mga humihingi ng tulong sa PAGCOR?
SEC. PANELO: Oo, siyempre.
HENRY URI/DZRH: May mekanismo na po ba kung papaano sila lalapit sa PAGCOR?
SEC. PANELO: Eh ‘di ba sinabi ko na nga: All they have to do is to make the request, pareho ng ginagawa nila dati. Karamihan ang ginagawa nila sumusulat o humihingi ng tulong sa isang tao na may kilala sa ganito… at nakakarating naman kaagad ang tulong.
HENRY URI/DZRH: Sa probinsiya ho, may mga provincial district office ang PCSO, malayo sila sa PAGCOR. Papaano ho ito, Secretary?
SEC. PANELO: Eh sumulat lang sila, ‘di alam na kaagad ng gobyerno.
HENRY URI/DZRH: May mga pangangailangan po ang pasyente na kailangan ng mabilisang aksiyon. Kaya po bang igarantiya ng Office of the President na madali silang mabibigyan ng tulong?
SEC. PANELO: Oo. Hindi gagawin ni Presidente ‘yan kung hindi handa ang pamahalaan upang tumugon sa anumang tawag ng pangangailangan.
HENRY URI/DZRH: Okay, thank you.
HANNAH SANCHO/SONSHINE RADIO: Hi, sir. Sir, wala po bang sinet (set) na timeline or deadline ang Pangulo para ma-resolve na po ‘yung issue doon sa PCSO na corruption para ibalik iyong lotto?
SEC. PANELO: Wala pa. Wala pa.
HANNAH SANCHO/SONSHINE RADIO: So, walang sinabi kung how long po? Kasi sir ang Department of Finance sinasabi po nila sir, iyong income po sa lotto ‘no, doon sa binibili na mga ticket ay para i-fund doon sa universal healthcare po natin. So kung mahaba po ‘yung period po na hindi po tatakbo iyong mga lotto, iyong pagbebenta po nila, saan po kukunin iyong funding para doon sa universal healthcare po?
SEC. PANELO: First, the funding coming from lotto, I think only constitutes 1-point-something percent. Again, we have already said that hahanapan natin ng pondo sa pangangailangan ng tao.
HANNAH SANCHO/SONSHINE RADIO: Sir, nagbigay naman po ng statement ang PCSO sir ‘no na unless may instruction from the President, hindi pa po nila itinitigil iyong pagbibigay ng medical assistance.
SEC. PANELO: Exactly.
HANNAH SANCHO/SONSHINE RADIO: So, wala pong instruction ang Pangulo na itigil po ng PCSO iyon?
SEC. PANELO: Eh, sinabi na nga na wala pang instruction eh, di—
HANNAH SANCHO/SONSHINE RADIO: Kaya nga sir, I am just clarifying if the President, nagbigay ba siya ng instruction?
SEC. PANELO: Ano, ano?
HANNAH SANCHO/SONSHINE RADIO: I am just asking sir for clarification if there is an instruction from the President.
SEC. PANELO: Wala nga, sinabi na nga ano eh… head ng PCSO eh.
IAN CRUZ/GMA7: Secretary, iyong mga kritiko naman ng Pangulo ang sinasabi nila like si Congressman Zarate and others diversion lang daw itong pagpapasara sa PCSO operation para doon matakpan iyong isyu ng endo na pangako niya na ipapasa sa panahon ng kanyang administrasyon?
SEC. PANELO: Unang-una, doon po sa kaibigan kong si Congressman Zarate: Congressman Zarate, nakalimutan mo na ilang taon na iyan na may endo, decades. Nung dumating si Presidente ang daming na-regularize, daang libo, at ang kanyang focus ay matigil iyan. Subalit hindi nangangahulugan na ang panukalang batas na tumitigil niyan na walang exception sa sitwasyon na puwedeng ipatupad iyan eh magsasara siya ng kanyang mata sa maaring maging kahihinatnan ng panig ng business sector.
Tandaan po natin na kailangan mo ng negosyo para magkaroon ng trabaho ang mga manggagawa. Kung ipapatupad mo ang present bill na hindi pinirmahan ni Presidente, eh magkakaroon ng dislocation iyong maliliit na enterprises na hindi pa kayang ipatupad iyon. At pag sila ay nagsarado, oh di lalong mong sinira, pinatay ang pagkakataon na magkaroon ng trabaho ang mga manggagawa at iyong merong trabaho ay mawawalan ng trabaho.
IAN CRUZ/GMA7: So sir, hindi nga siya diversion na kaya pinasara itong PCSO?
SEC. PANELO: Evidently.
INA ANDOLONG/CNN PHILS: Hi, sir. I asked you this yesterday. Is there already a paper, has the President’s directive regarding PCSO been put on black and white so that we can—
SEC. PANELO: Hindi kailangan, the directive of the President even if verbal is legal.
INA ANDOLONG/CNN PHILS: So, a document pertaining to this is not forthcoming?
SEC. PANELO: As I said, it’s legal. So, if it’s legal, you don’t have to put down in writing.
INA ANDOLONG/CNN PHILS: Sir, I know the investigation as you mentioned is still ongoing. But can you give us an idea, basic idea of how the so-called grand conspiracy as he mentioned among key players happen, highest ranking officials ba ito, does this involve… ano ba hindi nila binibigay iyong dapat papremyo?
SEC. PANELO: Again, I will repeat what I said earlier. I said the President in due time will tell the Filipino people of what and how this conspiracy has been in operation for so many years since his assumption of the President.
INA ANDOLONG/CNN PHILS: It’s safe to say now though, sir. Since you mentioned papangalanan ni Presidente in due time that these people will be fired?
SEC. PANELO: Most likely, if they are involved in corruption, then they will be.
TINA MENDEZ/PHIL. STAR: Sir, I think over the weekend, you said may mga plunderous transactions involving PCSO.
SEC. PANELO: Yeah.
TINA MENDEZ/PHIL. STAR: So, hanggang as much as 50 million ang pinag-uusapan natin?
SEC. PANELO: Basta napakalaki, ang pagkakasabi sa akin ni Presidente, mas malaki pa ang kinikita ng mga involved sa corruption kaysa sa gobyerno.
TINA MENDEZ/PHIL. STAR: So pumunta, sir, sa mga personal pockets ng mga top officials?
SEC. PANELO: Obviously, alangan namang i-donate nila sa kawang-gawa, siyempre sa bulsa nila.
TINA MENDEZ/PHIL. STAR: Sir, ano pang plano ng administrasyon, i-abolish and PCSO, i-reform lang o mag-create ng bagong gaming—
SEC. PANELO: Darating tayo doon. The President will again in the soonest possible time give us the mechanism or the design by which corruption will no longer be there in the operation of an activity of the government that is designed to provide assistance to the Filipino people in terms of health and social services.
TINA MENDEZ/PHIL. STAR: Sir, there were reports earlier o over the weekend rin about Mr. Atong Ang being involved in PCSO affairs, can you confirm?
SEC. PANELO: Again, I will repeat. I said these people involved will be named by the President in due time. Do not be impatient.
TINA MENDEZ/PHIL. STAR: Sir, medyo gusto lang ng taong malaman iyong detalye, hindi naman kami sa impatient.
SEC. PANELO: Gusto rin ni Presidente. Kung gusto ng mga tao, mas lalong gusto ng Presidenteng malaman kaya nga iniimbestigahan niya.
ARJAY BALINBIN/BUSINESS WORLD: Sir, even if the PCSO is under the Office of the President, can he just automatically stop its operations without due process?
SEC. PANELO: What do you mean due process?
ARJAY BALINBIN/BUSINESS WORLD: You said it’s legal, so—
SEC. PANELO: It’s a creation of the Office of the President. So if it’s a creation of the Office of the President, the President can do that.
ARJAY BALINBIN/BUSINESS WORLD: And he can do that to other agencies – just stop its operation just right away?
SEC. PANELO: If the very office that the Office of the President has created is committing unlawful acts, then it’s the duty of the President to enforce the law and stop its operation.
ARJAY BALINBIN/BUSINESS WORLD: Can you specify that specific provision under the PCSO law?
SEC. PANELO: The Constitution provides that the President’s prime duty is to serve and to protect the Filipino people – that is the underlying provision of all the actions of the President.
HENRY URI/DZRH: Sir, puwede bang officially sa inyo ho manggaling na iyong mga pumipila ngayon sa PCSO offices ay puwede na ring pumila sa mga PAGCOR offices kung sila ho ay mangangailangan ng tulong. Sapagkat ngayon ho, bukod sa sumusulat sila, sila po ay pumipila doon sa opisina ng PCSO sa may Lung Center of the Philippines para sa fund allocation?
SEC. PANELO: Hindi ko alam na may pumipila sa isang saradong opisina; pag sarado ang opisina, walang pumipila.
HENRY URI/DZRH: Secretary, hindi ho sarado ang opisina, ang sarado lang po iyong mga outlet ng lotto.
SEC. PANELO: Saan may pumipila?
HENRY URI/DZRH: Ang opisina po ng Fund Allocation Department ng PCSO ay sa Lung Center of the Philippines, ang head offices nila—
SEC. PANELO: Maraming nakapila doon?
HENRY URI/DZRH: Yes, alas-singko pa lang ho ng madaling araw.
SEC. PANELO: Meron sigurong nag-aasikaso doon dahil may opisina naman—
HENRY URI/DZRH: Pero kung ito po ay ida-divert na sa PAGCOR, puwede na rin ba silang pumila ngayon sa PAGCOR offices?
SEC. PANELO: Hindi sila kailangan pumila. As I said earlier, all they have to do is to make the request.
HENRY URI/DZRH: Request where?
SEC. PANELO: Oh eh di sa… binanggit ko na paulit-ulit na tayo: Office of the President, sa PAGCOR, sa Department of Social Services, kahit sa DOH puwede.
HENRY URI/DZRH: So, susulat lang sila doon sa mga ahensiyang binanggit ninyo?
SEC. PANELO: Hindi lang, kahit na hindi sumulat, puwede silang humingi ng tulong sa mga kanilang Mayors or Congressman para iparating—tungkulin ng mga local officials na tulungan ang kanilang constituents. Maraming bagay, huwag tayo kaagad na parang wala na tayong magagawa. As I said, do not underestimate the human spirit of the Filipinos. Marami nang mas matitinding sakuna ang dumaan sa ating lahi, pero palagi tayong nakakabangon.
HENRY URI/DZRH: Pero, Secretary ho kasi ang mga mahihirap na may sakit na walang-wala ang tanging takbuhan na lang ho nila ngayon ay PCSO.
SEC. PANELO: Lalung-lalo na ang mga mahihirap mas magagaling ang mahihirap doon sa may kaya. Kasi ang mga mahihirap sanay sila sa hirap. So, mas creative sila kaysa sa mga taong nasanay na mabuhay sa kayamanan.
HENRY URI/DZRH: So sulat lang, request lang?
SEC. PANELO: Basta ang mahalaga: ang pamahalaan ay tutugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan.
HENRY URI/DZRH: DSWD, PAGCOR, iyon ho ang sinasabi ninyo.
SEC. PANELO: Lahat ng ahensiya na puwedeng tumulong—in fact, lahat ng ahensiya ng gobyerno ay dapat tumulong sa lahat ng mga kababayan natin.
ACE ROMERO/PHIL. STAR: Sec, you mentioned PCSO is a creation of the President?
SEC. PANELO: Is under the Office of the President. That was created during the time of Mr. Marcos by way of a presidential decree. He created that.
ACE ROMERO/PHIL. STAR: May charter po iyong PCSO, RA1169. So ibig sabihin, the President cannot just abolish that agency without congressional action.
SEC. PANELO: He did not abolish PCSO. He ordered the closure of outlets—
ACE ROMERO/PHIL STAR: No, no, there’s no claim na may abolition. So ibig sabihin, he would require congressional action in case he decides to, you know, he decides na kailangang ma-abolish iyong …
SEC. PANELO: We were not talking of closure of this agency. We’re talking of stopping massive corruption.
ACE ROMERO/PHIL STAR: Okay. So ibig sabihin, wala siyang plans to abolition?
SEC. PANELO: Obviously. Sa ngayon, wala. Kung mayroon man, madali nang gawan ng paraan iyon.
ACE ROMERO/PHIL STAR: That will entail asking Congress to …
SEC. PANELO: Whether it will entail or not, it will be done in a constitutional way.
ACE ROMERO/PHIL STAR: Okay. Pero have you coordinated already with the Labor department tungkol doon sa mga workers? Kasi halimbawa sa STL, STL alone 300,000 plus iyong workers based on the PCSO’s accomplishment report noong 2018. Mayroon na bang ginagawa iyong Labor department?
SEC. PANELO: I think so because the Secretary of Labor had a press conference yesterday, if I’m not mistaken, and he responded to the questions coming from your colleagues.
ACE ROMERO/PHIL STAR: So mayroon nang ginagawa para matulungan or mabigyan ng livelihood?
SEC. PANELO: Yes, dapat mayroon.
JULIE: Sir, just a follow up doon sa pag-divert ng medical assistance to other agencies. Kasi sa PCSO po, may mga specific packages po sila for certain illnesses. Halimbawa, kung cancer patient ka, dialysis patient ka. So kumbaga, defined iyong tulong na ibibigay. Whereas, halimbawa, kung local government or mayor, usually kung ano lang iyong amount na puwedeng ma-spare, ganoon. Given that, kung ida-divert po natin iyong medical assistance, for example, sa Office of the President or sa PAGCOR, may mekanismo na po bang in place that would replicate po iyong system na pinapatupad ng PCSO or magiging ano ba siya… paano ba, depende sa sitwasyon nung pasyente?
SEC. PANELO: Basta tutugon ang mga ahensiya ng ating pamahalaan sa lahat ng mga suliraning makakaapekto doon sa mga dati nang may problema.
JULIE: May turnaround time po ba tayong ipapatupad? For example, sa PCSO po kasi minsan ay inaabot ng isang linggo, dalawang linggo. Papabilisin po ba natin ito kung iyong sa OP or sa PAGCOR po iyong hahawak nito?
SEC. PANELO: Siguro mas mabilis pa. If you noticed, kapag sa Office of the President, mabilis.
REYMUND TINAZA/BOMBO RADYO: Sir, last on my part. Sir, sa kaniyang special message ng Pangulo, may nabanggit din siyang dayaan, korapsyon. Kasama ba rito iyong question of integrity of the result of the lotto draw, iyong possible manipulation of lotto draw results sa iimbestigahan?
SEC. PANELO: Ano?
REYMUND TINAZA/BOMBO RADYO: Kasama ba sa iimbestigahan iyong question of integrity or possible manipulation of lotto draw results?
SEC. PANELO: Siguro kasama lahat iyon. Kapag sinabi mo kasing katiwalian, there are many faces of corruptions. So lahat ng aspeto ng korapsyon ay iniimbestigahan iyon – paano nila ginagawa? Sino ang involved? Sino ang tumatanggap? Sinong mga koneksyon sa gobyerno, sa local officials, sa hukuman?
Kasi for instance, like there is one concessionaire na isandaang milyon na ang utang, hindi nagbabayad sa gobyerno. Noong pinapasarado, biglang mayroong injunction. Iyon, kaya iyon lahat ay iniimbestigahan iyon, kung paano nangyayari iyon.
ARIANNE MEREZ/ABS-CBNnews.com: Hi, sir. Sir, last night, Chinese Ambassador Zhao said that … i-quote ko na lang, sir, “China adopts a military strategy of active defense which adheres to the principle of defense, self-defense and post-strike response. Meaning we will not take the first shot…” with regards to South China Sea, sir. Sir, does the Philippines take this as an assurance that China will not engage us in a war?
SEC. PANELO: I will leave the response to the head of the Department of Foreign Affairs.
ARIANNE MEREZ/ABS-CBNnews.com: Okay, sir. Sir, sabi po ni Defense Secretary Lorenzana kanina, sir, na iyong nangyari raw po sa Scarborough, he takes it as a form of bullying. Ano pong comment ng Palace dito?
SEC. PANELO: I haven’t read the statement of Secretary Delfin.
ARIANNE MEREZ/ABS-CBNnews.com: Ito na lang, sir, iyong we will not take the first shot. How does this affect iyong response ng Philippines sa South China Sea dispute, sir? Will we become more proactive?
SEC. PANELO: Again, we will repeat our position. We said that the conflict in that region will be the subject of continuous negotiation between the two countries. And by such mechanism, we hope to solve and/or resolve the conflict, whatever they are.
ARIANNE MEREZ/ABS-CBNnews.com: Sir, clarify lang. So for now, sir, hindi natin tini-take as assurance na hindi tayo i-engage ng China sa war kahit nagsalita po si Ambassador Zhao na they will not take the first shot?
SEC. PANELO: We do not take words of other countries on their face value. The President will always think beyond those words. The President is mandated to protect the security of this country, as well as the Filipino people, hence he will anticipate what may come out of any aggressive action that this country may under take vis-à-vis the conflict in that area.
ARIANNE MEREZ/ABS-CBNnews.com: Okay, sir. Last na, sir. Noong sinabi po ni Chinese President Xi Jinping kay President Duterte na iyong warning of a war, iyong diniscribe niya, sir, as parang a friendly advice, we took it as face value, sir, ‘di ba?
SEC. PANELO: We took it as an anticipation of what may happen.
ARIANNE MEREZ/ABS-CBNnews.com: So ito, sir, ganoon din po?
SEC. PANELO: Even without those saying that, we always think of the security of the Filipino people.
ARJAY BALINBIN/BUSINESS WORLD: Sir, on the security of tenure. May specific instruction po ba si Pangulo sa PLLO to have closer coordination with Congress this time to ensure … to iron out the bill?
SEC. PANELO: There is in fact a proposed new measure to be submitted to Congress, and that was said by Secretary Bello yesterday in the press conference. So they are drafting that.
ARJAY BALINBIN/BUSINESS WORLD: But Senator Villanueva re-filed his own version of the bill, the same version?
SEC. PANELO: Oh yes, but there will be amendments. So the suggestion by the Department of Labor could be the subject of any amendment to the bill.
ARJAY BALINBIN/BUSINESS WORLD: So it is expected that this will be certified as urgent, correct?
SEC. PANELO: I think so, yes.
ROSALIE COZ/UNTV: Good afternoon, sir. Regarding po sa mga controversies na ipinupukol po ngayon sa Health Secretary Francisco Duque, sir. Does the President say something about this lalo na po nagreklamo na rin po, nagsampa ng reklamo sa Ombudsman against Health Secretary?
SEC. PANELO: I understand Senator Bong Go will call for an investigation in the Senate. Meanwhile, the Secretary of Health has already responded to that; as far as he is concerned, there is no conflict of interest. The previous contract mentioned was made prior to his being Secretary of Health; and others, he has divested of his interest and/or shares.
ROSALIE COZ/UNTV: Does that mean, sir, patuloy pa rin po iyong confidence at tiwala ni Pangulo kay Health Secretary?
SEC. PANELO: Yes.
ROSALIE COZ/UNTV: With regard sa recent appointment po ng kapatid niya, si Gonzalo Duque as new PCA Administrator. Although, prerogative po ng President na magtalaga nang kung sinuman ang gusto niya na mamuno ng nasabi pong ahensiya, wala po bang conflict of interest na magkapatid parehong top officials ng government, sir, na i-appoint ng Pangulo?
SEC. PANELO: Why should there be a conflict of interest with regard to that? There’s none.
MARICEL HALILI/TV5: Sir, just a quick reaction lang on the study conducted by a Britain-based firm, Global Witness, saying that the Philippines is world’s deadliest nation for land rights based daw po—
SEC. PANELO: For?
MARICEL HALILI/TV5: Land rights.
SEC. PANELO: Land, L-A-N-D.
MARICEL HALILI/TV5: Yes, land rights. Base po doon sa pag-aaral nila, out of 19 countries, pinakamarami raw iyong naitalang namatay sa Pilipinas with 30 victims last year, followed by Colombia. May we have your statement on this, sir?
SEC. PANELO: What’s the relation with the killing and the land rights?
MARICEL HALILI/TV5: Iyong mga pinag-aagawang lupa, I think may mga patayan na nagaganap because of the issues on lands?
SEC. PANELO: Well, that happens. If there are conflicts among claimants of a particular land, killings occur because of the viciousness of the rivalry between the claimants.
MARICEL HALILI/TV5: But is this a cause of concern on the part of government; although wala naman sinabing directly involved iyong government on this?
SEC. PANELO: Let me tell you that the government will always be concerned with respect to any violence inflicted against the citizens of this country, whether done by outside forces or by those inside this country.
USEC. IGNACIO: Questions, MPC? No more? Okay. Thank you, Secretary Panelo. Thank you, MPC.
SEC. PANELO: Thank you.
##
Source: PCOO-PND (News and Information Bureau-Data Processing Center)