Interview

Interview with PCOO Secretary Martin Andanar by Rolly Gonzalo (DWIZ – Todong Nationwide Talakayan)


GONZALO: Sec, magandang umaga! Mabuti naman at natiyempuhan ka namin – hindi ka pa ba lumalabas para makapagsimba ngayong umaga, hindi pa?

SEC. ANDANAR: Hello. Good morning Lakay!

GONZALO: Naku… thank you, thank you.

SEC. ANDANAR: Sabihin nila— sabi nga—

GONZALO: Sec, hindi ka yata— hindi ka muna yata nagsimba?

SEC. ANDANAR: Sabi nga nila ano eh, “it’s easy like Sunday morning.”

GONZALO: Wow…

SEC. ANDANAR: Hindi… ‘yung simba naming ano… mag-ama at mag-ina ay sa gabi pa ng Linggo. So, gabi kami nagsisimba tapos palipat-lipat ng Simbahan, iyon ang aming nakagawian na.

GONZALO: Ah, ganoon ba? Well, talagang ganoon kapag masyado kang maraming trabaho.

SEC. ANDANAR: Oo. Well, talagang ano eh… talagang…sabi nga ni Ka Orly Mercado eh kapag nasa gobyerno ka, sabi niya sa akin noong three years ago kasi kasama ko siya sa Radyo Singko, ‘di ba?

GONZALO: Oo, tama.

SEC. ANDANAR: Ang sabi niya sa akin, “Alam mo, ito ang warning ko sa‘yo. ‘Pag nasa gobyerno ka parating nasa fifth gear, walang menor. Either fifth gear—” Sabi ko kasi noong nang nagkita kami kamakailan lang sabi ko, Eh, tama po pala kayo, Ka Orly, nasa fifth gear parati – kung gusto mong tumigil, kailangang patayin mo ‘yung makina – walang preno.

GONZALO: Ka Orly, All Ready!

SEC. ANDANAR: Hindi kasi alam mo ‘di ba kasamahan natin si Ka Orly? Tapos kinuwento niya sa akin noong siya’y nagsimula sa Radyo Patrol.

GONZALO: Uhm.

SEC. ANDANAR: Siya pala ‘yung Radyo Patrol 1, number one.

GONZALO: Si Orly.

SEC. ANDANAR: Siya pala ‘yung number one talaga sa Radyo Patrol kaya ang dami niyang kinukuwento.

GONZALO: Uhm.

SEC. ANDANAR: Hanggang sa naging pulitiko siya. Kaya para sa ating mga mamamahayag ay isa siyang haligi.

GONZALO: Yes.

SEC. ANDANAR: Oo.

GONZALO: Dean na iyan, Dean.

SEC. ANDANAR: Classic example ng isang mamamahayag na naging successful sa pagiging mamamahayag at naging successful bilang senador at cabinet member.

GONZALO: At mukhang hindi ka nalalayo, mukhang susundan mo siya.

SEC. ANDANAR: Ay hindi nasa tabi-tabi lang tayo.

GONZALO: Kung magpupulitiko ka after this stint sa gobyerno, ‘di ba, Sec. Martin – puwede kang mamulitika huh.

SEC. ANDANAR: Hindi naman. By the way Lakay, mayroon kasi akong libro, pinublish ko na libro, sarili kong libro—

GONZALO: Aba… Very good!

SEC. ANDANAR: Oo, tapos mayroon akong mga kaunting acknowledgement doon mula noong nagsimula tayo sa radyo noong 1994 hanggang ngayon, tapos nandoon ‘yung pangalan mo isinulat ko.

GONZALO: Aba, very good!

SEC. ANDANAR: Kasama ka kasi matagal din tayong nagkasama.

GONZALO: Ang hinahanap ko yung ano… iyong sa news cast natin na magkatabi tayo na hanggang baywang mo lang ako.

SEC. ANDANAR: [laughs] Ay sa sobrang—

GONZALO: Ang kinukuwento ko noon ‘pagka ‘yung— pagka nagtutungo ako sa mga simbahan— sa mga eskuwelahan, ‘yung Secretary Martin mayaman ‘yan ‘ika ko. There was a time na nawalan ng kotse ‘yan, na-carnap ang kotse niyan pero balewala sa kaniya.

SEC. ANDANAR: [laughs] Grabe nga ‘yun. Talagang—

GONZALO: Kasi minsan may nagtanong sa aking mga estudyante kung kumusta na ang buhay ng nasa media, ganun-ganun.

SEC. ANDANAR: Oo.

GONZALO: Heto sumigaw si Edwin Eusebio, Sumigaw “eh, ako binigyan ng kotse eh”, sabi niya.

SEC. ANDANAR: Oo, grabe ‘yun. Naalala ko noong ‘yung mga panahon na ‘yun na carjack— uso pa ‘yung carjacking noon eh, di ba uso ‘yung carjacking, na-carjack din ako eh. So, anyway ano ‘yun… mgalessons learned ‘yun na… pero—

GONZALO: Si Ka Orly naman. Si Ka Orly… pinag-uusapan si Ka Orly, Secretary Martin, si Ka Orly, Kasabay kong umakyat ng Baguio noong lindol noong 2019, ‘di ba? 20— anong date ‘yun? – 2009.

SEC. ANDANAR: Hindi. 1999 ba iyon?

GONZALO: July 16, 1990.

SEC. ANDANAR: 1990. Oo, tapos—

GONZALO: July 16, 1990. Kasama ko umakyat diyan sa Baguio, nasa Naguilian Road kami, Naguilian Street kasi sarado ‘yung mga kalsada. Aba, alam mo ba ang suot-suot ni Ka Orly naka-all white – all white pati sapatos, pati pantalon! Aba, sabi ko, naka-all white kasi he was then the Defense Secretary… Defense Secretary, naaalala mo ‘yun?

SEC. ANDANAR: Oo.

GONZALO: Naging Defense Secretary ‘yan kaya kasama ko ‘yan na naglakad sa Naguilian Road paakyat ng Baguio.

SEC. ANDANAR: Oo. Tapos iyon iyong panahon na si Raul Rocco, congressman siya noon ‘di ba?

GONZALO: Yes, yes, yes.

SEC. ANDANAR: Tapos ‘yung kaniyang asawa… ‘yung asawa niya nasa— ‘di ba na—

GONZALO: Na-trap.

SEC. ANDANAR: Na-trap doon sa… anong hotel ‘yun?

GONZALO: Nevada Inn. Nevada Inn sa harap ng Camp John Hay.

SEC. ANDANAR: Diyos ko po… Si Sonia. Si Sonia, ano?

GONZALO: Yes, yes. Pero siya’y buhay – ang namatay doon, Sec. Martin naalala mo? Ang namatay doon ay ‘yung asawa ni dating Secretary Jaime Laya.

SEC. ANDANAR: Diyos ko po.

GONZALO: Kasi magkasama ‘yung dalawa, si Mrs. Rocco at saka si Mrs. Laya sa isang seminar yata.

SEC. ANDANAR: Oh?

GONZALO: At noong yumanig ‘yung Nevada, nakalabas na sila pero itong si Mrs. Laya binalikan ‘yung bag na naiwan.

SEC. ANDANAR: Sus!

GONZALO: ‘Yun ‘yun – iyon ang kuwento.

SEC. ANDANAR: Diyos ko po! Kaya dapat—

GONZALO: Ikaw ba, Sec. Martin, ikaw ba’y nasaan ka n’ung mga panahon na ‘yun?

SEC. ANDANAR: Noong panahon na ‘yun parang third year high school ‘ata ako n’un… fourth year high school. Nandito ako sa Quezon City noon eh. Nasa bus ako noon… nasa bus. Naaalala mo ‘yung mga bus na luma tapos—

GONZALO: ‘Yung pula? ‘Yung JD?

SEC. ANDANAR: ‘Yung kahoy?

GONZALO: Oo, ‘yung kahoy… ‘yung lawanit.

SEC. ANDANAR: JD ba ‘yun?

GONZALO: JD. Ayun, tama.

SEC. ANDANAR: Lawanit ‘yung— Kita mo talagang gumagalaw ‘yung buong Quezon Avenue at saka EDSA tapos ‘yung mga nakatayo doon eh nagtutumbahan, kasi siyempre ang lakas, makikita mo talaga ‘yung buong EDSA gumagalaw! Diyos ko, grabe iyon!

GONZALO: Oo.

SEC. ANDANAR: Tapos maya-maya may mga sa Baguio, mayroon din sa Nueva Ecija, di ba?

GONZALO: Uhm. Teka muna, Sec., iyong libro mo, kailan mo ila-launch iyong libro?

SEC. ANDANAR: Well, pagka na— ‘pag naimprenta na iyong libro. Actually, the book is all about all of my last speeches ngayong the last three years.

GONZALO: Puwedeng gamitin iyon sa textbooks sa mga estudyante huh – puwedeng college textbook?

SEC. ANDANAR: Well, puwede rin. In fact, bibigyan ko nga iyong eskuwelahan ko, iyong public school dito sa Surigao City, bibigyan ko sila. ‘Yung mga— basta ‘yung mga pinuntahan, mga pinasukan kong eskuwelahan, mga public school, private school, mga gan’un. At saka bibigyan kita ng kopya – lahat ng nasa acknowledgement bibigyan ko. Kaunti lang naman ‘yun.

GONZALO: Salamat. Salamat at ano— Thank you at siguradong ano… magagamit ‘yan ng mga estudyante. Alam mo naman tayo, ‘kapag iyong, halimbawa, kagaya mo ay iyong oras mo para mag-lecture ka sa harap ng mga estudyante ‘yung kuwento mo ay kulang ang oras.

SEC. ANDANAR: Oo. Puwedeng ipamigay, pampapatulog.

GONZALO: Kasi nga madalas nating sinasabi, na iba ‘yung napag-aralan sa eskuwelahan kaysa sa nangyayari sa labas, ‘yung totoong nangyayari, ‘di ba?

SEC. ANDANAR: Iba.

GONZALO: Iba talaga.

SEC. ANDANAR: Iba talaga. Kaya kapag umiikot ako sa buong Pilipinas, kinakausap ko kasi ‘yung mga kasamahan natin sa hanapbuhay tapos ay maaawa ka eh. Kasi siyempre, tayo sa Maynila okay tayo kasi malalaki ‘yung mga kompanya natin eh tapos mayroong sapat na revenue sa pamamagitan ng mga advertisements. Dapat ‘pag pumuta ka ng probinsiya— kung hindi ka IZ, kung hindi ka RMN o Manila Broadcasting – ay kawawa. Talagang— kaya ‘yung ano, ‘yung mga press, ‘yung minsan sa Cagayan de Oro, galing ako doon last week, binigyan ko ng computer. Nag-donate ako ng computer para sa kanilang press club kasi ‘yung ibang mga ano doon… ‘yung mga freelance ay walang matakbuhan para gumawa ng istorya.

GONZALO: Yes, yes, yes.

SEC. ANDANAR: Walang computer mapupunta pa ng kung saan-saan so, sabi ko, ‘eto computer. Kahit isa lang, at least kahit papaano ‘di ba mayroon silang— iyon ang mga istorya. Kaya tama ka, iba ‘yung nasa eskuwela, tinuturo, iba rin ‘pag nasa practice ka na lalong-lalo na kung isa kang freelance journalist.

GONZALO: Kayo nga ay nasa press club, sumusuporta doon sa— mayroong Media Workers Welfare Bill si Congresswoman Niña Taduran. Nandoon kami noong finile ‘yung batas na ‘yun, nandoon kami ni Usec. Joel Egco bilang suporta.

SEC. ANDANAR: Maganda.

GONZALO: ‘Yung pagtutuunan ng pansin ay ‘yung kalagayan naman ng ating mga kapatid sa hanapbuhay. In fact, mayroon siyang proposal na media— mayroon siyang proposal na matrix, salary matrix for media para naman mabigyan ng tamang pasuweldo iyong ating mga kapatid na— lalo na sa mga probinsiya.

SEC. ANDANAR: Tama ‘yan, Lakay eh ginawa ni Congresswoman Niña Taduran at saka ‘yung grupo ninyo, pati ni Joel kasi, kasi alam mo sabi nila, fourth estate ang media, ‘di ba? Mayroong first estate, second estate, third estate: Nandiyan ‘yung national government, nandiyan ‘yung mga kaparian, nandiyan ‘yung ating mga congressman, mga senador – maayos ‘yung kanilang ano eh… salary matrix.

GONZALO: Yes… yes… yes.

SEC. ANDANAR: Pero ‘yung fourth estate hindi maayos.

GONZALO: Nagtawanan sila nung ako’y nagbigay ng kaunting statement doon kay Congresswoman Niña doon sa launching niyang Bill na ‘yan. Sabi ko, karamihan sa ating mga media ay hanggang yabang lang.

SEC. ANDANAR: Kaya nga ano eh… kapag nasa mga ano ka, halimbawa National Press Club, may mga gathering-gathering ‘di ba?

GONZALO: Uhm.

SEC. ANDANAR: Kung titingnan mo from the outset, okay eh, pero kung kakausapin mo talaga hindi okay. Hindi okay ‘yung—

GONZALO: Kaya Sec. Martin, nagkausap din kami ni Secretary Bebot Bello ng Department of Labor and Employment. Ang sabi niya, “Lakay, gumawa tayo ng siguro meeting, kaunting meeting na kasama sa attendance eh iyong mga media owners, ‘yung mga station managers, mga station owners, different owners, mga publishers, kasi sabi niya, “pati ako,” sabi ni Secretary Bello, “ang daming dumadaing sa akin na mga members ng media na walang gaanong benepisyo na natatanggap sa kanilang kumpanya.”

SEC. ANDANAR: Oo, ‘di ba ‘yun ang trabaho nila sa DOLE kaya alam ni Sec. Bebot ‘yan. Siya nga pala, si Congresswoman Niña Taduran din iyong binigyan ng ating Freedom of Information ng version ng kanilang FOI, kaya malaking tulong si Congresswoman Niña this early stage of her congressional stint.

GONZALO: At ‘yun ‘yung kaniyang unang panukalang batas, Sec. Martin.

SEC. ANDANAR: Uhm. Kaya congratulations kay Congresswoman Niña at sa ACT-CIS.

GONZALO: Alright. Bago natin ipagpatuloy ang kuwentuhan, Sec. Martin, ito munang tatanungin ko para ano tayo. Well, kumusta ang preparations para sa China visit ni Presidente?

SEC. ANDANAR: Sa kasalukuyan ay kinukuha ‘yung mga pangalan ng mga delegado na sasama. Alam mo naman, lahat ay dumadaan sa protocol kung sino iyong mga sasama sa China tapos after which ay I think in a couple of weeks’ time ay bibiyahe na although hindi pa kami binibigyan ng itinerary kung ano talaga iyong mga lugar na pupuntahan.

GONZALO: Ngayon pa lang ay—

SEC. ANDANAR: Tungkol doon sa game… may game eh. I understand may meeting pa with President Xi Jinping.

GONZALO: Ngayon pa lang ay marami mga nagsapantaha na this time magiging medyo matigas ang magiging posisyon ng ating Presidente na ibanggit kay President Xi Jinping ‘yung arbitral ruling na tayo ang may-ari ng mga isla na ‘yan. So, ‘yun kaya ang mangyayari Sec. Martin, what do you think?

SEC. ANDANAR: Kung iyon ang sinabi ni Secretary Sal Panelo na pag-uusapan sa China, iyong laying of cards na mayroon tayong arbitral ruling mula sa Permanent Court of Arbitration na itong mga maliliit na isla, atolls, shoals, ay pagmamay-ari ng Pilipinas. So, tingnan natin at obserbahan natin pagdating natin doon kung ano ang magiging reaction ng China.

GONZALO: At ito pa Sec. Martin, iyong labanan ng pro-Dengvaxia at anti-Dengvangxia. Ang sabi sa report sa Malacañang eh, before August 19 makakarinig tayo ng statement siguro from Malacañang?

SEC. ANDANAR: Abangan natin kung ano ang magiging statement ni Secretary Sal Panelo tungkol diyan sa Dengvaxia.

GONZALO: Any other good news from your end, sa PCOO, sa Malacañang?

SEC. ANDANAR: Well, from the PCOO, ay good news po na na-aprubahan ng Department of Budget and Management at naisama doon sa budget proposal iyong creation ng Government Strategic Communications Academy or Training Facility. Ito pong Government Strategic Communications Academy ay isang institution na magtuturo ng communications strategy sa lahat ng mga information officers – mula sa national government hanggang local government, sa mga barangay. Ang institusyon na ito ay magkakaroon po siya ng sariling radio station, sariling TV station, sariling news agency, sariling Philippine Information Agency, sariling social media desk.

Tapos, magkakaroon din po siya ng isang building pa at nandoon naman ang dormitoryo. Ito ay inaprubahan na ng DBM, tapos isasalang na lang sa Kongreso at sa Senado. Nandiyan naman ang ating mga kaibigan sa Kongreso, si Congressman Malou Acosta, si Congressman Miguel Zubiri at saka si Senator Mig Zubiri na tutulungan tayo na ito ay maipasa, dahil ito ay ilalagay sa Bukidnon, sa Bukidnon mismo. And a very cold place in Bukidnon, parang sa Baguio, malamig din di ba, so doon.

Iyon ang latest po sa PCOO, plus the fact na iyong Mindanao Media Hub ay nasa mga 90% nang tapos.
Mindanao Media Hub is a state of the art media facility diyan po sa Davao City.

GONZALO: Mayroon sa Visayas din?

SEC. ANDANAR: Hopefully by 2021 ay malagyan po natin iyong Visayas, kasi iyon po iyong usapan ni Secretary Ben Diokno, dati. Ito naman ay ibi-bring up ko rin kay Secretary Avisado. Once ma-put up na itong Mindanao Media Hub ay eksakto, next year ay hihingiin naman natin ang Visayas Media Hub dito po naman po sa Cebu.

GONZALO: Wow! Ngayon pa lang, congratulations. Itong lahat ng ito ay during your term Secretary, aba!

SEC. ANDANAR: Ipagdarasal natin na talagang mangyari ito kasi, siyempre matagal na kasing kailangan talaga ng Build, Build, Build ang government media, matagal na. So, this is it, this is the time to have our own build, build, build government media.

GONZALO: Sec. Martin, salamat for joining us ngayong umaga at naka kuwentuhan ka namin kahit na araw ng Linggo. Happy weekend sa iyo at bukas ay araw ng ating mga kapatid na Muslim. At sa mga taga-Surigao, magandang sa araw sa mga taga-Surigao.

SEC. ANDANAR: Oo. Maraming mga giant crabs, maraming mga giant crocodiles – dalawa lang iyan eh.

LANDO: Secretary good morning, talagang hinabol kita, opo.

SEC. ANDANAR: Lando, kumusta ka na Lando?

LANDO: Ito ho, kagagaling ko din lang sa Mindanao, ito wala ng boses. Hirap na hirap na Secretary, at mayroon sana kaming ipapakiusap sa iyo, pasensiya ka na dahil i-on the air ko na.

Iyon po kasing ginagawa ni Secretary Tugade, Secretary, na nagka-caravan; ipinapakita iyong mga modernized na mga sasakyan, PUV vehicle. Magsimula tricycle, jeepney, mga UV express, mga bus ay gusto ni Secretary na ipalabas sana lahat iyong mga ginawa niya diyan sa Channel 4, opo.

At sabi niya, iparating mo kay ano, dahil pag nandoon kami sa Cabinet meeting, nakakalimutan ko naman, sabi niya. Kaya, sinamantala ko na ho iyong pagkakataon Secretary.

SEC. ANDANAR: Opo, walang problema iyan, walang problema. I-text mo lang sa akin.

LANDO: Opo. Susulat na lang po ako, gagawa po ako ng sulat sa inyo Secretary, dahil isa po tayo sa nagsasalita doon sa modernization program – dahil kung maalala mo Secretary, na na-interview mo ako noong araw, noong ako ang inventor ng aircon jeep sa Makati, noong nandoon ka pa sa Singko – ay sana po maipalabas natin iyong napakagaganda na ginagawa ho ninyo lahat, na nagtu-tulong po kayo lahat at napalaking bagay po ito na makakatulong na makita ng taongbayan doon sa episode diyan sa Channel 4, Secretary?

SEC. ANDANAR: Sige po, ipalabas natin sa news, puwede mong i-text o isulat. Speaking of Secretary Art Tugade, pasalamat nga pala ako kay Secretary Art Tugade dahil ang laki ng tulong niya para ma fast tract itong aming Surigao City Airport. Ako ay nagtungo doon, last week, nag surprise visit ako with the blessing din of my friend, Secretary Art Tugade, at pinadala niya doon ang Director General ng CAAP, si Director General Jim Sydiongco at pinadala niya rin si Assistant Secretary Banoy Lopez para i-inspect iyong na delay na project diyan sa Surigao.

GONZALO: Ano iyan Sec., maging international airport ba iyan?

SEC. ANDANAR: Hindi pa – hindi pa.

LANDO: Dini-develop.

SEC. ANDANAR: Eventually. Pero iyong sa Siargao ang magiging international airport.

GONZALO: Opo, para mayroon tayong direct flight, di ba?

LANDO: Opo, sa Siargao.

SEC. ANDANAR: Opo. Direct from different countries, iyon ang mangyayari.

GONZALO: Yes, maganda!

SEC. ANDANAR: So, salamata kay Secretary Art.

LANDO: Opo, makakarating po. At isa pa Secretary, iyon pong kurso na binigay ni Secretary sa TESDA ngayon na libreng pag-aaral mula, lahat ng mga tsuper, may allowance pa, kasama na din po iyong mga misis ng mga tsuper at kasama iyong mga anak ng mga tsuper na makapag-aral, lahat ng mga technical courses ng TESDA, ay ipapakiusap ko, inunahan na kita Secretary, na iyong lahat ng ating media dahil ang Pangulo po ay nandidito, kaharap natin ngayon, ay isasama na natin ho iyong lahat ng pamilya ng mga media na puwede rin mag-aral ng libre sa TESDA.

SEC. ANDANAR: Opo. Isama mo na iyong konduktor.

LANDO: Kasama talaga iyong konduktor Secretary, opo. Pati iyong magsimula tricycle hanggang mga bus – lahat! Pero, sasabihin ko kay Secretary Tugade baka nakikinig po ngayon dahil alam niya na nandidito po tayo, ay isasama ko na ho iyong lahat ng mga media na makapag-aral po lahat ng kurso sa TESDA para libre din po.

SEC. ANDANAR: Ayun. Opo Lakay, mayroon na tayong retirement.

GONZALO: Opo. mag-aral akong manicure at saka pedicure.

SEC. ANDANAR: Ako pag-aralan ko welding.

GONZALO: Welding ha.

SEC. ANDANAR: Kasi, malaki daw ang suweldo ng mga welder sa ibang bansa.

GONZALO: At saka iyong mga babae na nag-aral sa TESDA ng welding, di ba?

LANDO: Ahh iyong TIG welder, malaki. Kasi iyong kapatid ko na TIG welder na nagpunta sa Malaysia, pati overtime niya, umabot ng two hundred thousand isang buwan eh.

Maraming-maraming salamat Secretary at dadalaw ako sa opisina mo Secretary, dadalhin ko iyong sulat ko.

SEC. ANDANAR: Salamat Ka Lando at Lakay, salamat at good morning.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

Resource