Press Briefing

Press Briefing of Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and Presidential Task Force on Media Security Undersecretary Joel Egco


Event Press Briefing
Location New Executive Bldg., Malacanang

USEC. ROCKY IGNACIO: Good morning, Malacañang Press Corps. Kasama na natin si Communications Secretary Martin Andanar about Eduardo Dizon case. Good morning, Secretary.

SEC. ANDANAR: Good morning, Rocky. Good morning, ladies and gentlemen of the Malacañang Press Corps. Good morning.

Today, we will announce a major breakthrough in the murder case of our fallen colleague, Eduardo Dizon. We have two witnesses with us: Renato Sardoncillo; and Hilario Lape, Jr. who acted as the spotter during the actual shooting. The suspects, based on our witnesses’ affidavits are Kapa members who are also media people themselves. The reason why they are here is to assure them of government protection as they are being subjected to intimidation or other forms of threat by the suspects who, based on our information, are influential people in their province.

Their presence here is also an invitation to the conscience or encouragement to other witnesses in previous incidence of media violence to come out in the open and help bring about justice to our fallen colleagues.

When Ed Dizon was murdered last July 10, our Chairman, DOJ Secretary Guevarra and yours truly immediately gave instructions to the Presidential Task Force on Media Security Executive Director Usec. Joel Egco to go to Kidapawan and lead a case conference with the top DOJ and PNP officials in the city to discuss updates on the case. During the case conference, the killing of Dizon was officially declared to be related to his work as a media man.

The mechanisms established by President Rodrigo Roa Duterte and his Administrative Order No. 1 Series of 2016 in its operational guidelines were put in place, a special investigation task force headed by Police Colonel Maximo Layugan, PNP Cotabato Provincial Director, was formed.

Since the killing was media related or media work related, AO Task Force Dizon to be supervised by Kidapawan City Prosecutor Melvin Lamata was immediately activated. Usec. Egco also visited the wake of the slain broadcaster where he personally expressed Malacañang’s condolences to his widow, Mrs. Madonna Dizon who is also here with us today.

The efforts of the investigators are indeed commendable as their continuous investigation and monitoring enabled them to immediately secure vital witnesses who positively identified the perpetrators of the killing. In less than a couple of weeks following the incident, murder charges were then filed before the City Prosecutor’s Office of Kidapawan City against the suspects.

The immediate action of the government on Ed Dizon’s case through the PTFOMS is a testament to the Duterte administration’s commitment since day 1 to protect the life, liberty and security of media workers. It underscores the Duterte administration’s relentless and uncompromising stand to address the problem of media violence through the Presidential Task Force on Media Security or PTFOMS which was created based on the President’s Administrative Order No. 1.

This is not to say that Ed Dizon’s murder is only case PTFOMS is working on, because the task force is also very much involved and has filed charges in all other cases of media related violence. Its hardworking staff just chose to work under the radar and without fanfare, a testament to their dedication to their jobs.

The question is: do our countrymen actually agree that we have press freedom and can exercise our right to freedom of expression? Based on the SWS survey, 67% of Filipinos believe that we do and this is all because we are determined to protect this right especially since the establishment of the PTFOMS.

The culture of impunity as some people would like to exaggerate each time a journalist is killed slowly becoming history as more and more incidents of media violence are being thoroughly investigated. Witnesses are identified and cases are eventually solved. Ultimately, impunity will be a thing of the past. What we are committed to are results not excuses because as we have said time and again, failure is not an option.

Thank you so much and I now open the floor for questions. So, we will ask Mrs. Dizon to give us a statement. Thank you.

MRS. DIZON: Good day to everyone especially to our colleague in media parlance, and of course to Secretary Andanar and Usec. Egco.

And of course, we are here today as we are been called by the office of the PTFOMS na kung saan ay ipipresenta po sa atin ang ating mga star witness and state witnesses sa kaso po ni Ed. And ako po ay—I am commending the effort of the leadership of Usec. Egco na kung saan ay on the third day ng—after the death of my husband ay nagbigay na po siya ng positibong… kumbaga, pananaw ‘no sa kaso ni Ed. And of course, he has given us a high confidence na maso-solve po ang problema.

So on the third day ay mayroon na po silang 60% na positive na maso-solve po ang problema. And of course kasama po natin dito iyong dalawang witnesses na kung saan ang isa po ay unang nag-witness na… siya po iyong eyewitness po natin sa krimen ‘no, and siya po ‘yung nakapagbigay ng closure sa pag-iimbestiga dahil nga napakabigat naman po iyong kaniyang testimonya. And kahit pa man sa gitna ng mga pressures na dumating sa kaniya after he witnessed ay patuloy pa rin po siyang naninindigan sa katotohanan. And of course, nagpapasalamat din po ako sa kaniya na kung saan ay hindi po siya bumitaw.

At sa ating state witness naman na… kasali po siya sa mga persons of interest na who turned into a state witness ay kahit pa man mayroon po akong sama ng loob sa kaniya and together with his companions ay malaki pa rin po ang aking pasasalamat sa kaniya dahil kung hindi po sa kaniya ay hindi po natin malalaman kung sino po ang mastermind at sino po ‘yung mga taong involved talaga sa kaso ni Ed. And kung may sama man ako ng loob ngayon ay magkakampi na po tayo para tindigan ang katotohanan at ma-solve na po very soon ang problema ni Ed Dizon. Thank you.

REYMUND TINAZA/BOMBO RADYO: Puwedeng magtanong sir kay Mr. Hilario Lape? First siguro, congrats and good job sa grupo ng PTFOMS, kay Secretary Martin, kay Usec. Egco. Sir, kay Ginoong Lape, identified talaga na opisyal ng Kapa Ministry iyong nag-order?

MR. LAPE: Yes, sir.

REYMUND TINAZA/BOMBO RADYO: Ano ang posisyon nitong si Tabusares, iyong ina-alleged ninyo na mastermind ng pagpatay kay Ginoong Dizon na aming kasamahan sa industriya?

MR. LAPE: Nagpatawag siya ng isang meeting, sir.

REYMUND TINAZA/BOMBO RADYO: Tapos?

LAPE: Tapos sabi niya nga, maggawa ng – patayin si Edison.

REYMUND TINAZA/BOMBO RADYO: Nandoon ka mismo noong ibinigay iyong order ni Ginoong Tabusares?

LAPE: Ano, sir?

REYMUND TINAZA/BOMBO RADYO: Nandoon ka mismo, narinig mo mismo, first hand?

LAPE: Narinig ko sir.

REYMUND TINAZA/BOMBO RADYO: Itong follow up medyo self-serving, kasi our Bombo Radyo-GenSan is also facing uphill battle against KAPA Ministry. Siguro pamilyar ka doon sa Central Mindanao na iyong mga media men ay talagang lumalaban against alleged pyramiding scheme. Maliban kay Ginoong Dizon mayroon ka bang nalalaman o binanggit din itong si Tabusares na iba pang mga target na kasamahan namin sa industriya na maaring subject din sa pag-neutralized?

LAPE: Marami sila sir pero hindi ko kilala, iyong nag-ano sa akin, iyong tirador, si ano, si Jonel. Ang nag-transact sa kanya, ako lang ang bilang lookout.

REYMUND TINAZA/BOMBO RADYO: Aside from iyong mga negative comment, ano iyong iba pang mga motibo ng KAPA ministry para darating sa punto na patayin mismo iyong kagaya ni Manong Dizon na patayin?

LAPE: Sabi niya, ang galit niya, sabi ni Tabusares – sabi ni Sir Dizon, huwag kayong maniwala sa kanya, kasi manloloko iyan.

HENRY URI/DZRH: Sa pangalawang testigo. Maari ho ba ninyong ipakilala ang inyong sarili at ikuwento ninyo ng tuloy-tuloy kung ano ang inyong nalalaman dito sa pagkamatay ni Mr. Ed Dizon?

SANDORCILLO: Pakiulit, sir?

HENRY URI/DZRH: Maari po bang isalaysay ninyo kung sino po kayo, ano ang inyong tunay na pangalan, anong trabaho ninyo at ano ang inyong papel, ano ang inyong nalalaman sa pagkamatay ni Mr. Dizon?

SANDORCILLO: Ako po si Renato Saroncillo. Taga Singaw, Kidapawan City. Nakita ko talaga sir, dahil galing kasi ako sa SInsuat patungo ako ng Highway, sa Siddique. At doon ko talaga nakita sir, na pagbaril talaga niya kay sir Ed. Doon pa mismo nakita ko siya na binaril sa right hand talaga.

SEC. ANDANAR: Nakita daw niya mismo kasi galing siya sa Sinsuat papuntang highway Siddique at nakita niya na binaril mismo – nakita niya iyong buong pangyayari.

HENRY URI/DZRH: Sino po iyong mismong taong bumaril?

SANDORCILLO: Iyong nakita sa CCTV, pinakita kasi ng mga pulis sa akin, “ito ba ang tao?” sabi ko, ito talaga sir kasi nakita ko mismo – walang maskara.

SEC. ANDANAR: Nakita daw niya mismo doon sa CCTV video na ipinakita sa kanya ng police o na-identify niya mismo iyong bumaril na walang mascara.

HENRY URI/DZRH: For the record, ano po ang kanyang kumpletong pangalan.

SANDORCILLO: Hindi ko naman siya kilala sir, hindi ko kilala.

SEC. ANDANAR: Hindi daw niya kilala iyong tao, so hindi niya alam iyong buong pangalan.

HENRY URI/DZRH: Kay Mrs. Dizon, Ma’am puwede po ba kaming makapagtanong sa inyo? Unang-una, ano ho ang nalalaman ninyong pagkakamali at pagkakautang, pagkakasala ng inyong asawa sa KAPA?

MRS. DIZON: Kinondena lang naman niya ang operasyon ng KAPA sa Kidapawan na kung saan right after na nagpalabas po ng direktiba ang ating Pangulong Rodrigo Duterte na ihinto na ang operasyon ng KAPA ay patuloy pa rin po silang nag o-operate and iyong kanilang KAPA radio station ay na-close on the 11th day of June and then bumili po sila ng radio station para maipagpatuloy po iyong kanilang operasyon without pay in and pay outs lang, kasi nga mainit na sila sa mata ng gobyerno. Pero iyong kanilang program sa radio ay ganoon pa rin iyong ginagawa nila sa dati nilang radio station na pinasara po ng NTC na. And ang ayaw lang po kasi ni Ed, though everybody knows in North Cotabato na si Ed is not hard hitting na komentarista at he is observing professionalism naman sa kanyang trabaho and actually for three decades na being a broadcaster ay wala po siyang naging mga libel cases. At saka iyong pagtira naman ni Ed ay naka-base naman po sa broadcast ethics na kung talagang matatamaan ka ay masasaktan ka.

And sa tingin ko naman hindi lang si ED ang kumukondena sa Kidapawan City at marami pong mga broadcasters na talagang hard-hitter sa KAPA. And nakita po natin na si Ed iyong pinatay, dahil nga po—mataas po kasi ang kredibilidad ng aking asawa sa broadcast industry: When Ed talks, everybody listens and most of them ay naniniwala, kaya kailangan nilang patahimikin si Ed.

HENRY URI/DZRH: So, kayo po ay siyento porsiyento, wala nang duda sa inyong pag-iisip na KAPA ang dahilan ng pagkamatay ni Mr. Dizon?

MRS. DIZON: Yes, 100% po sir. Kasi wala naman po kaming ibang threat na natatanggap at wala naman po kaming binabanggang iba kundi ang KAPA lamang na operation sa Kidapawan.

ROSE NOVENARIO/HATAW: Ma’am, ano po iyong matibay na ebidensiya natin na magtuturo doon sa KAPA or doon sa alleged mastermind na taga-KAPA doon sa murder po ng mister n’yo, maliban po doon sa kumbaga theory ninyo, ano po iyong matibay na ebidensiyang natuklasan sa investigation para po matukoy na talagang KAPA iyong nasa likod ng murder?

MRS. DIZON: Noong nasa kasagsagan na po ang KAPA issue ay nagsimula na po silang umatake sa amin personally and then tini-threat na po kami everyday sa kanilang program, sa kanilang radio and even sa kanilang FB live ay napapakinggan at nakikita sila ng taumbayan kung paano po nila kami sinisira personally, kasi wala naman po kaming isyu na puwede nilang gamitin against us, kung hindi iyong pine-personal na lang kami and actually, last July 4 ay nagpa-blotter po kami na kumbaga everyday na po kasi nilang tini-threat ang buhay naming mag-asawa.

Kasi may program po kaming dalawa na tandem po kami, so doon talagang – dalawa po kasi sila na kasama niya rin sa kanilang station na nag ti-threat, binabantaan po kami and then July 4 nagpa-blotter na kami and then aside from that, may mga text pa rin po kaming nare-received at hindi po namin inakala na totohanin nila iyong kanilang pagbabanta. Kaya hindi po kami nag-request ng security noon, kasi nakasanayan na namin doon na talagang iyon naman talaga ang kanyang trabaho, pag may kagalit po siya ay tini-threat niya. Pero hindi po namin naisip na mag-asawa ay mayroon na po siyang kakayanan na gawin ito, dahil nga multi-millions na po iyong kanyang hinahawakang pera, from the KAPA operation.

ROSE NOVENARIO/HATAW: Ma’am, ang ibig ko pong sabihin ano po iyong natuklasan ng authorities na makapagpapatibay po doon sa sinasabi ninyo na KAPA nga iyong nasa likod ng murder – iyon pong findings po ng authorities?

MRS. DIZON: Base po sa takbo ng imbestigasyon ay ito pong paglitaw ng ating mga testigo ay iyon po ang makapagpapatunay talaga na sila po iyong gumawa and aside from—prior po sa pagkamatay ni ED ay talagang mayroon na po kaming mga pagbabantang natatanggap mula sa kanila.

ROSE NOVENARIO/HATAW: Lumutang po iyong pangalan ng isang Bong Encarnacion doon sa investigation.

MRS. DIZON: Lately na lang po.

ROSE NOVENARIO/HATAW: Iyon po bale iyong mastermind?

MRS. DIZON: Yeah, after sa paglitaw po ng ating state witness na si Sir Lape.

ROSE NOVENARIO/HATAW: Ano po iyong posisyon ni Bong sa KAPA?

MRS. DIZON: Siya po iyong Media KAPA Coordinator sa North Cotabato.

TUESDAY NIU/DZBB: Clarification lang po. Si Ginoong Hilario Lape ang testigo na nagsabi o nag-utos … na nagsabi na ipinag-utos nitong si Dante Tabusares iyong pagpatay kay Ka Ed, tama po? Sino po iyong sa inyong dalawa, kung mayroon man, iyong actual witness na nakakita nung bumaril?

RENATO: Ako, ma’am.

TUESDAY NIU/DZBB: Ah, si Mang Renato. So actual, nandoon po kayo sa area noong binaril si Mang Ed?

RENATO: Opo.

TUESDAY NIU/DZBB: At hindi ninyo kilala iyong bumaril, nakilala ninyo lang sa mukha?

RENATO: Opo.

TUESDAY NIU/DZBB: Salamat po. Follow up lang, sir. Kay Usec. Egco siguro. Ngayon, sir, na napangalanan na iyong mastermind at sino iyong mga co-accused, mayroon na po bang mga warrant of arrest laban sa kanila na nailabas?

USEC. EGCO: Thank you, Tuesday. Well, first, pangalanan ko na silang lahat, okay. Una, based on their extrajudicial confession, iyong sinasabi kanina ni Mrs. Dizon, ni Ma’am Madonna na three days after the killing alam na namin kasi magagaling ang mga imbestigador natin doon sa lokal. Ako mismo, napanood, kilala ko nga iyong mukha ni Mr. Lape sa CCTV. Kasama niya doon iyong isang suspect pa si Jun Jacolbe na reportedly the right hand man of Mr. Tabusares ‘no, si Bong Encarnacion. At nandoon din, nahagip din sa CCTV iyong alleged gunman, si Jonel Herosaga.

So una, apat silang kinasuhan natin kasama si Mr. Lape, based on the eyewitness account niya. And then, last August 15, nag-state witness na nga si Mr. Lape, at kinuwento na niya lahat doon, nag-supplemental affidavit si Mrs. Dizon, kasama na sila Tabusares alyas Bong Encarnacion doon sa kaso. At siya ngayon, silang tatlo, if I may add, ay under na ng witness protection program ng ating Department of Justice.

And also, since nai-file na ito sa prosecutor’s office, I’d like to state muna na sila kasi ay under threat ‘no, that’s the reason why kinuha natin sila dito at hinarap to assure them. In fact, siya, paatras na eh; napi-pressure na ito eh, itong katabi kong witness natin. So kinausap ko iyong family, even iyong handling fiscal doon. Paatras na siya eh, tinatakot kasi kapitbahay niya iyong Jonel.

So kinausap ko, sabi ko, imbitahan natin dito to face us, to face everybody since ito naman ay public document na iyong mga … alam na ng mga suspects na sila iyong ating suspects, hindi na kailangang itago ito. So to assure them of their security also kaya sila nandito. So still, nasa fiscal pa ‘no.

And nakarating din sa aming kaalaman na magka-counter affidavit sila kasi nag-regular filing na ‘no, regular filing ito eh. So we are hoping na talaga with the strength of their affidavits, with their testimonies, masa-swak ito.

At ang masakit lang dito ‘no, medyo kabaro natin iyong dalawa – iyong mastermind at saka iyong right hand man. And there’s also information that has reached us na itong si Jonel ay moonlighting as a security … as a bodyguard of a local politician there. We’re verifying that information. And once verified, I’m going to red flag the official, and tell the official na itong tao mo ay involved dito so hands off ka.

TUESDAY NIU/DZBB: Yes, sir. Papaano po ang security ngayon? Nasabi ninyo kanina ay kapitbahay niya lang iyong gunman, uuwi pa ba siya doon sa bahay nila o saan po ba siya ngayon nakatuloy?

USEC. EGCO: I cannot give the full details. What I can assure you, Tuesday, is that all of them are under the witness protection program na. In fact, they have their own security escorts na here with us under WPP. Iyon po ang unang-una in-assure ni Secretary Guevarra at saka ni Sec. Martin and the WPP. Hindi na po sila umaalis na walang kasama. Noong aatras itong si …kasama natin, iyong family kasi napi-pressure, kinausap ko iyong family. Sabi ko, ano po ba ang problema? Ano na nga raw sila dahil pini-pressure. In fact, sinasabi nga nila kanina, iniikutan iyong bahay ni Mr. Lape eh. So sabi ko, delikado na iyong dalawa.

Kinausap ko iyong family, ang concern po nila, ayaw nila na siya ay nakatago sa safe house. Parang ang gusto nila ay nakikita. So iyon ang assurance naman natin na makakauwi din naman siya, depende po sa protocols ng WPP. Sila po ang mas nakakaalam nito; kami ay nakasuporta na lang sa task force.

ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Usec. Egco, magandang tanghali. Kasi ang nababanggit lang, Usec., ay iyong as alleged mastermind, si alyas Bong Encarnacion. Mayroon pa bang mas malaking isda bukod kay Bong Encarnacion?

USEC. EGCO: Base sa information, sa mga affidavits na hawak natin, sa confession ni Mr. Lape, ang pinakamataas pa lang ay si Mr. Encarnacion ‘no, si Tabusares. But also according to him, sampu po silang nag-meeting. So sampu silang nag-meeting doon sa—saang opisina? Sa opisina ng KAPA. So apat pa lang silang identified namin. So may anim pa po tayong hinahanap. Kaya kung nanunood po sila ngayon, mag-witness na rin po kayo dahil maa-identify din po namin kayo.

ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Pero wala pang naikukuwentong possible link doon sa presidente, kay Mister—

USEC. EGCO: So far, sa ngayon ‘no, based sa mga hawak natin, wala pa naman. Iyong sa presidente, wala ano, ng KAPA. Si ano pa lang ang alam mo, okay.

ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Isa na lang, Usec. Kay Sir Hilario. Sabi ninyo may threat kayong natatanggap. Briefly, puwede pakikuwento kung papaano pinaparaan sa inyo iyong banta sa buhay ninyo?

HILARIO LAPE: Sa bahay namin? Kasi ang sabi ang anak ko lang kay nagpunta naman kami doon sa Koronadal, sabi niya marami raw nag-iikot sa bahay namin. Oh sige, magkuwan lang kayo diyan, mag-ano, magtago lang kayo kasi hindi natin iyan kilala kung sino sila.

USEC. EGCO: Iyong gunman, if I may add, noong una pa lang namin inimbestigahan, sabi ko maganda iyong groupings ng pagkakaputok niya while moving. So member siya ng local gun club doon. He is a shooter, kasama niya si Jun Jacolbe. Mga local shooters sila.

Q: Ito lang po ang tanong ko sa mga testigo: Unang-una, iyong pagtestigo ninyo po ba, kayo po ba ay napilitan o talagang kusa kayong lumabas?

___: Kusa kaming lumabas.

Q: Dahil ano po ang rason ninyo bakit natin gustong magtestigo sa kaso?

___: Para masolban iyong kaso.

SEC. ANDANAR: Para ma-solve ang kaso.

Q: Sir Egco, ito bang ano, itong kaso ni Sir Ed, ni Brigada Ed, case solved na ba ito? Talagang ito na iyon?

USEC. EGCO: Yes, yes. According to Attorney Collantes and Attorney Agamata, hindi na ito misteryoso, so natumbok na natin.

Q: Isa na lang po. Ano po iyong naging factor at kahit papaano ay naging maganda, naging mabilis iyong kaso ng pagpaslang kay Brigada Ed, mabilis na naresolba compared po sa ibang kaso ng media killings?

USEC. EGCO: Ako, masasabi ko diyan kasi noong pinapunta ako nila Sec. Martin doon, I had this case conference with DOJ, CIDG, with everybody there involved in the investigation. Sabi ko, ipakita ninyo sa akin lahat, CCTVs na nakuha ninyo, lahat, lahat, lahat. So kaya sinasabi ko kanina kilala ko si Mr. Lape kasi unang-unang …buti na lang nagkamali sila. Doon kasi nila inabangan sa parmasiya sa ibaba ng Brigada office si Ed Dizon. Ang tagal nila doon. Nakatutok iyong mukha nila sa CCTV.

USEC. EGCO: So kilala ko siya, kilala ko na rin iyong ano… hanggang sa bumaba si Ed, sinundan nila tapos ginanun mo ‘yung sombrero mo ‘di ba? [Yes, sir.] Tinutok niya iyong… kasi nandito iyong kotse ni Ed Dizon, ginanun niya iyong sombrero niya. Nasaan noon si Jonel? [Sa labas po, sir.] Oo, sa labas siya so in-identify niya na iyon ‘yun. Pag-alis ng kotse kung mapapanood ninyo iyong CCTV, sinundan na agad ni Jacolbe tapos sumunod sila. Tapos, ilang ano lang… segundo lang yata ‘no o—well less than a minute pinutukan na si Ed Dizon.

So after watching that video sabi ko, “O malinaw na ‘to ha.” Kaya noong kinausap ko si Mrs. Dizon, sabi ko I’m very confident in handling this case. Ayoko lang sabihin sa kaniya that time, but actually noong SONA ni Presidente, doon namin finile (file) iyong unang case, as early as July 22 if I’m not mistaken ‘no, basta around the SONA time. So buti lumutang si sir at siya iyong nag-provide noong eyewitness account ‘no. Maraming mga kuwento eh, pero first, initially he provided the ano, na-identify nga niya si Jonel dahil kapitbahay niya, malapit sa kanila.

And then noong nalaman na nila na kinasuhan sila, nagkusang-loob na si Mr. Lape na lumutang at mag—since siya naman iyong least ‘no masasabi natin, so far ‘no siya iyong least guilty or whatever, siya iyong nag-qualify for state witness tapos kinuwento na niya lahat. Pero actually, nakita ko talaga iyong mukha niya. Naka-sando ka lang ‘no? Oo, naka-sando siya noon eh tapos si Jacolbe naka-jacket, kaya convinced na convinced ako noon na in one week tapos namin iyong kaso.

Hindi niya alam na may CCTV raw sa loob eh…

CHONA YU/RADIO INQUIRER: Sir, clarify ko lang iyong mga names ng suspect. Tabusares?

USEC. EGCO: Oo.

CHONA YU/RADIO INQUIRER: What is his first name?

USEC. EGCO: Dante Tabusares alias Bong Encarnacion.

CHONA YU/RADIO INQUIRER: He is the mastermind?

USEC. EGCO: Oo. Oo, siya iyong alleged mastermind according to—

CHONA YU/RADIO INQUIRER: And, anong position niya sa Kapa Ministry?

USEC. EGCO: He is the media coordinator for North Cotabato.

CHONA YU/RADIO INQUIRER: Okay. And, Jun Jacolbe?

USEC. EGCO: Right hand man niya na nagbo-broadcast din ito. Right hand man ni Tabusares.

CHONA YU/RADIO INQUIRER: And iyong gunman, si Jonel Gerosaga?

USEC. EGCO: Yes, oo. Taga-Makilala.

CHONA YU/RADIO INQUIRER: Are these three are all arrested?

USEC. EGCO: Ah, not yet. Nag-regular filing kasi.

CHONA YU/RADIO INQUIRER: So, how did you come na—how did you consider that this case is closed if the suspects are not yet arrested?

USEC. EGCO: Ah, well closed in the sense na hindi na ‘to misteryoso and we are very confident na—well, iyon naman trabaho natin – siguraduhin na maparusahan sila. But we—of course we still accord them their right to due process and they have of course all the opportunity to prove otherwise iyong allegations natin and noong mga witnesses natin.

CHONA YU/RADIO INQUIRER: Is that how you consider na closed na iyong case even if the suspects are not yet apprehended?

USEC. EGCO: Ah, in the language of Administrative Order No. 1, may iba kasi kaming definition noon ‘pag sinabing case closed as in closed. Ang closed sa amin, it’s either may conviction or ayaw na noong pamilya, iyong mga old ‘no. So—but in so far as the investigation pa lang is concerned, so umakyat na ‘to sa fiscal, from the PNP na-solve na nila, so it’s now in the hands of the fiscal and we’re hoping na mai-file ito anytime soon.

CHONA YU/RADIO INQUIRER: And, would you know the whereabouts of these suspects?

USEC. EGCO: As the latest information that we got, ‘andoon lang din sila. ‘Andoon lang din sila.

CHONA YU/RADIO INQUIRER: Still within the country?

USEC. EGCO: Within the province, yes. And in fact, may isa tayong lawyer na PAO na kinukuha sana doon, hindi natin nakuha dahil naunang kumuha iyong isang suspect.

CHONA YU/RADIO INQUIRER: So kung identified na iyong the whereabouts, then why are they not being arrested?

USEC. EGCO: Ah oo, kasi nga nag-regular filing siya so we still have to wait for the warrant of arrest bago sila makuha.

CHONA YU/RADIO INQUIRER: So, wala pa?

USEC. EGCO: Oo. ‘Yun nga eh, it’s due process pa rin talaga. But ang pinakaimportante dito, matibay na iyong mga confessions nila, iyong mga affidavits, mga witnesses accounts. And when you go there actually, ‘pag tinatanong nga ako eh, sino ba talaga? Eh sino hinala ninyo? Pero hindi ko maibibigay iyong detalye. So lahat, iyon ang hinala talaga nila eh. But ito nga, iba iyong truth, iba iyong facts, so ito ‘yung facts.

CHONA YU/RADIO INQUIRER: Thank you, sir.

ROSE NOVENARIO/HATAW: Hi, Usec. Egco. Since si Presidente bale iyong nag-order tungkol doon sa operations against Kapa, ano ‘yung sabi ni Presidente ngayon na may nagbuwis ng buhay dahil doon sa—hindi naman actually dahil doon sa order niya; parang may nagbuwis ng buhay doon sa pagtataguyod noong kaniyang ano… na kautusan laban sa Kapa?

USEC. EGCO: Well sa ngayon, to be honest ngayon pa lang talaga natin publicly inilabas sila ‘no, and we are preparing a report to the President the soonest… the soonest, oo. So after this, ito na, “Sir ito po ‘yung report, lahat na.”

ROSE NOVENARIO/HATAW: Nag-o-operate pa po ‘yung radio nilang ginagamit, noong Kapa?

USEC. EGCO: Mrs. Dizon, nag-o-operate pa daw po ba?

MRS. DIZON: Iyong radio station talaga na sa kanila ay closed na po ng NTC, June 11. And then one week after na hindi sila narinig sa ere, bumili sila ng another radio station na existing sa Kidapawan City.

ROSE NOVENARIO/HATAW: Hanggang ngayon po nag-o-operate pa?

MRS. DIZON: Opo.

ROSE NOVENARIO/HATAW: So, ano pong sabi ng NTC rito na lumipat lang sila ng istasyon?

MRS. DIZON: Ang sabi nila itse-check iyong kanilang papers kung mayroon po silang mga kaukulang mga dokumento para mag-operate. And then since na hindi naman na-close, siguro kumpleto sila ng papers. Pero on the second day na nag-broadcast sila sa bago nilang radio station, Ed Dizon texted the City Chief Executive na ano iyong kaniyang magagawa, kung ano iyong mga actions niya tungkol po sa operation na bumalik sila sa operasyon. So since naman na walang nakuhang right answer si Ed ay gumawa po siya ng letter addressed to the President Rodrigo Duterte, kaya lang hindi na po niya napirmahan dahil pipirmahan niya the following day sana, pinatay na siya kinagabihan.

ROSE NOVENARIO/HATAW: So nakarating pa rin iyong sulat, ipinarating mo pa rin?

MRS. DIZON: Nasa level na lang po ng aming—sa Brigada Group of Companies, nandoon na lang na level, kasi hindi na po namin pinaabot sa taas. Though Secretary Manny Piñol, alam po niya, kaya lang hindi na po namin siya nabigyan ng copy ng letter po. Kasi, hindi niya napirmahan, kaya iyong kanyang draft na hand-written po niya ay ine-attach po namin sa likod ng printed na hard copy na po ng kanyang letter.

ROSE NOVENARIO/HATAW: So, wala nang question doon sa operation ng kanilang bagong radio station, dahil anong sabi ng City Mayor?

MRS. DIZON: Wala po siyang sinabi at wala po siyang ginawa.

HANNAH SANCHO/SONSHINE RADIO: Usec Egco good morning. Sir, itanong ko lang sir, you mentioned may other six pa po at-large na kasama doon sa meeting.

USEC. EGCO: Yes, sakto iyon yung tinatanong ko sa kanya.

HANNAH SANCHO/SONSHINE RADIO: Names po doon sa other six po. May names na po ba kayo?

USEC. EGCO: Sa ngayon, una muna natin siyang tinatanong eh, since siya ay nagsabi na sampu talaga, sampu kayo na nag-meeting.

HANNAH SANCHO/SONSHINE RADIO: Sir, alam niya ang names?

USEC. EGCO: Iyon ay hindi daw but, kilala niya sa mukha. So we are going to that, so the next phase now is to identity the six others. So, I’m calling on them right now, mag-isip na po kayo at mag isip-isip pa uli ng doble makikilala at makilala po namin kayo, kaya mauna na kayong lumapit sa amin.

HANNAH SANCHO/SONSHINE RADIO: Sir, may iba pa po bang mga broadcasters sa Kidapawan or ibang lugar kung saan malakas po iyong KAPA noon na under threat po ng KAPA. And paano po makakatulong iyong opisina ninyo doon sa mga tine-threat po ng KAPA?

USEC. EGCO: If you remember, before the killing of Mr. Ed Dizon, may prior incident, iyong strafing ng Bombo-GenSan. So, what I did when I went there, tinutukan ko rin po ito iyong strafing. So kinausap ko iyong mga imbestigador, iyong Chief of Police. So far ang na-identify pa lang namin doon iyong sasakyan. So hinahanap pa iyong sasakyan na iyon, hindi ko na maibigay iyong detalye for security reasons.

And what I did there upon the instruction of our principals, i-check if the bullet, the gun used on Mr. Dizon ay mag-match doon sa strafing. So iyong crime lab po ng probinsya nag-report sa akin, the same day that I was there, na unfortunately hindi nag-match. So, meaning the reason why I’m saying that is that, kasi noong nandoon po ako, iyon din ang sinasabi nila eh, na kasi hard-hitting ang GenSan-Bombo doon sa grupo na iyon, sa investment firm na iyon. So, we just check, kaya lang hindi nag-match iyong ballistics.

HANNAH SANCHO/SONSHINE RADIO: Sir, pero kung iyong mga broadcaster po na under threat po, paano niyo po sila matutulungan po?

USEC. EGCO: Ang protocol naman po natin diyan kung may threat po kayo, iparating niyo po agad sa amin through any means available either kahit sa social media or through text para po maaksiyunan namin agad. In fact, maraming ganyan ang pinarating sa amin na immediately may action taken naman tayo at nailigtas natin iyong mga kasama natin – real time.

Especially iyong mga alam nila na nangangamba talaga. Katulad noon, iniikutan, may sinu-surveillance. That’s why we are going downstream again, down sa field again, kinakasa na po namin para mag-conduct din kami ng mga ganyang media safety seminars na. Actual na ito eh, mga practical application ng nandoon sa handbook natin na safeguard, iyong handbook on personal security measures. So iyon po, iparating lang agad sa amin at may protocol kami na within 10 minutes dapat may action iyong task force. Pagka hindi naka-action agad iyong staff namin na involved, sibak p0 siya kinabukasan. Resign na po, kasi baka mamatay.

TUESDAY NIU/DZBB: Sir, gusto ko lang i-clarify. Nabanggit niyo kasi na para sa inyo iko-consider na siyang case closed, is it – baka too early to say na case closed na siya when in fact sir, eh wala pa tayong warrant of arrest doon sa four 0 unidentified, may anim pang natitira. Baka makapagbigay lang kayo ng false hopes doon sa victims or sa family ng victims?

USEC. EGCO: Again ang definition nga sa lengguwahe ng admin order 1, pag sinabing closed talaga ay may conviction. Marami-marami: May conviction, ayaw na ng family, namatay iyong suspect. So by strict, in the strictest sense of the word ‘case closed’, iyon po ang aming barometer. But in so far as the investigation by the police is concerned, hindi na po kami nahirapan maghanap ngayon. So, but officially it’s called cleared. If I am not mistaken, it’s cleared officially.

TUESDAY NIU/DZBB: Cleared na lang ang sabihin natin.

USEC. EGCO: Cleared ang official.

TUESDAY NIU/DZBB: And then how confident are you sir, na or how soon na ini-expect ninyo na makapagpalabas ng warrant of or arrest laban doon sa apat na identified suspects?

USEC. EGCO: As of late, hiningan na sila ng counter affidavit. Iyon nga kasi nag-regular filing dito, hindi actual na nagkahabulan, na nahuli siya, so nag-regular filing. Ngayon nga ang balita ko gumagawa na sila ng mga counter affidavits. But with the strength of what we have now, I think mahirapan sila and we have a strong case against them. But still I’d like to clarify na, of course, we accord them the right to due process still.

TUESDAY NIU/DZBB: Wala namang worry sir, na baka sila ay tumakaw na o hindi na makita mamaya or napapanuod na nila tayo ngayon, napangalanan na sila?

USEC. EGCO: Yes, we have our ano—siyempre hindi ko naman puwedeng sabihin. So, we consider that at yes we know the consequences kasi kung hindi naman natin bubuksan ito openly sa public, puwede rin nilang gawin iyon silently eh, that is why kailangan i-open na ito, mahirap mawalan ng witness, mahirap makatakbo sila, so pagka naman nag fly away sila, you know what flight means.

So tuloy-tuloy pa rin iyong kaso, tuloy-tuloy pa lang. What is important now is that, hindi ka na aatras di ba oh kita mo, kasi noong Sunday atras siya, kinukuha na siya ng pamilya niya. Kaya ni-request kami ng mga imbestigador na pumunta kami ni Sec. Martin doon. Eh sabi ni Sec. Mart, no – no bring them here para mas mapakita natin na protected sila – so, iyon po iyong context.

HENRY URI/DZRH: Mrs. Dizon, kumbinsido po kayo ng case closed na ang kaso ng asawa ninyo?

MRS. DIZON: Kagaya nga ng sinabi ni Usec. Egco since iyong level naman po ng investigation ay ito na po, mayroon na po tayong tumitindig na tutulong sa atin para makamit po natin ang hustisya ay sumasang-ayon po ako sa kanya.

HENRY URI/DZRH: Na?

MRS. DIZON: Na case closed.

USEC. IGNACIO: Thank you, Henry. Thank Secretary Andanar, Usec. Egco at sa atin pong mga bisita.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

Resource