Interview

Interview with Presidential Spokesperson and Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador S. Panelo by Malacañang Press Corps


Event Ambush Interview

SEC. PANELO: Hindi ko pa nga nakakausap dahil—

REYMUND TINAZA/BOMBO RADYO: Bangko Filipino behest loan.

SEC. PANELO: But according to the former DFA Secretary, the information says the crime was committed prior to his being involved with that bank – iyon ang sinasabi niya eh.

REYMUND TINAZA/BOMBO RADYO: Sir, puwede pala iyon, parang iyong ginawa niya na he did not post bail but he confronted the judge. So puwede pala—

SEC. PANELO: Hindi. Ang sinasabi niya, he will only file petition for bail kapag nakaharap na niya iyong judge because he will be questioning—

REYMUND TINAZA/BOMBO RADYO: Kanina, 8 A.M. nga iyong—

SEC. PANELO: Ngayon ba iyon?

REYMUND TINAZA/BOMBO RADYO: 8 A.M.

SEC. PANELO: Tapos na?

REYMUND TINAZA/BOMBO RADYO: Kanina, oo.

SEC. PANELO: Oh ano ang nangyari?

REYMUND TINAZA/BOMBO RADYO: Wala pa namang … nag-bail din.

SEC. PANELO: Naka-bail na ba siya? Granted bail? Granted na pala eh.

HENRY URI/DZRH: Secretary, iyong sa STL po, iyong pagpapabalik ng STL, hindi ba magpapahina ito sa akusasyon ng korapsyon doon sa mga taong involved, sabi ng Pangulo, sa STL?

SEC. PANELO: Bakit naman? In fact, iyong mga conditions will prevent the corruptions kasi you have to sign, at saka may forfeiture. Ang daming conditions eh, mahihirapan na sila.

HENRY URI/DZRH: Paano ho iyong inaakusahang mga corrupt PCSO officials na involved on that STL?

SEC. PANELO: Hindi pa naman tapos yata iyong imbestigasyon with respect to that. Wala pa akong naririnig na may final report.

Q: So iyong order to lift the suspension on STL sir, does not already mean na walang korapsyon o hindi pa?

SEC. PANELO: No, it doesn’t mean that.

Q: Sir, anong nag-trigger bakit pina-lift kung hindi pa po tapos iyong investigation? Bakit may recommendation kung hindi pa tapos iyong investigation?

SEC. PANELO: I will have to ask the President regarding that. But what is important is – to me, from my point of view, the conditions are very onerous on the part of the STL. And there is … parang mahihirapan na silang magkaroon ng excuse not to remit or to swindle the government with respect to their shares to be remitted to the government.

Q: Paano nangyari iyon sir, nag-recommend iyong PCSO tapos inaprubahan ni Presidente?

SEC. PANELO: Iyong alin?

Q: The recommendation came from PCSO tapos the President approved it or did the President say na okay I’m fine with it tapos—

SEC. PANELO: Hindi ba sabi ni Chair Garma, iyong statement niya ano eh, upon the recommendation of the PCSO. So apparently, the board of the PCSO made the recommendation. You must remember that Chair Garma was involved with the investigation – inimbestigahan niya iyon eh.

Q: Sir, will you support iyong parang panawagan din or gustong mangyari ni GM Garma na iyong PCSO income or whatever na pumapasok should be tax-exempt at saka matanggal na iyong compulsory—parang donations na kinukuha ng mga government agencies, para PCSO na lang iyong hahawak at mas marami raw matulungan.

SEC. PANELO:  That is the proposal of Chair Garma and this should be submitted to the President. President will have to evaluate the recommendations.

Q:  Sir iyong China trip, wala na iyong Fujian, hindi ba iyon ‘yung school para sa nanay niya?

SEC. PANELO:  Baka hindi pa tapos iyong eskuwelahan.

Q:  Dalawang beses na iyan na-reset daw.

SEC. PANELO:  Hindi ko pa alam kung bakit na-reset eh.

Q:  [off mic]

SEC. PANELO:  Ano raw? Nadulas? Ano bang nangyari.

Q:  Hindi. Parang the President was advised not to proceed.

SEC. PANELO:  Eh siguro nga dahil hindi pa tapos iyong… Iyong i-inaugurate niya hindi pa tapos

Q:  Sir sabi ni Senator Sotto, SOGIE bill is dead sa Senado. Agree o disagree?

SEC. PANELO:  Sila naman iyon, hindi naman kami.

Q:  Ulitin ko sir. Sabi ni Senator Sotto malabo na maipasa lalo ngayong taon iyong SOGIE Bill. So it’s considered dead. Agree o disagree?

SEC. PANELO:  With respect to any bill – the discretion, the wisdom – will always lie on the lawmakers.

Q:  Regardless if it is being highly or strongly supported by the President?

SEC. PANELO:  Still, even if the President supports it, if the Congress disagrees. That’s how the so-called balance of power and checks and balances operate.

Q:  Thank you.

###

 

Resource