Interview

Interview with Presidential Spokesperson and Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador S. Panelo by Henry Uri and Missy Hista (DZRH – Coffee Break)


Event Media interview

URI: Anyway, kaya kami napatawag, Sec., dahil doon sa resolusyon na ating pinag-uusapan nga na ang Palasyo pala ng Malacañang ay naglabas nitong memorandum from the Executive Secretary na iyon pong mga labingwalong bansa na kasama sa pumirma doon sa resolusyon sa UNHRC na initiated by Iceland ang anumang loan at grant mula sa mga bansang iyon kagaya po ng Argentina, Australia, Austria, Bahamas, Bulgaria, Croatia, Czech Republic, Fiji, Iceland, Italy, Mexico, Peru, Slovakia, Spain, Ukraine, UK at Uruguay ay tatanggihan na natin.

SEC. PANELO: Unang-una, iyong mga… mga kritiko kasi sinasabi bakit daw tatanggihan natin. Eh unang-una, iyong mga dati na, nandiyan pa rin iyan; ini-implement na. Pangalawa, ang apektado lang kung tatanggapin natin ay iyong UK na 21 million Euros na loan for infrastructure. Pero alam mo, Henry and Missy, marami pang ibang bansa outside of the 18 na nag-o-offer na iyong rate ay pareho lang. So it will not affect us at all. Iyong iba, puro sa technical assistance. Kagaya nga ng sinabi ni Secretary Dominguez, it will not affect us at all.

But you know, si Presidente, ang sinasabi niya kagabi sa akin, we will not allow these countries na boboto dyan sa Iceland na kinukuwestiyon iyong ating pamahahala ng war on drugs na nagrereklamo na iyong mga killings daw, kung anu-ano pa, pero itong Iceland na ito ay mayroon silang batas na pinapayagang patayin iyong mga babies na unborn hanggang six months. Kaya sabi niya, this is offensive to us. Insulto ito sa atin pati na sa sovereignty natin. Kasi ang resolusyon nga, ang predicate ay wala tayong ginagawa sa mga abuso, hindi tayo nagkakaroon ng imbestigasyon. Hindi totoo iyon.

Kaya makikita mo iyong survey eh, 82% sa mga tao – at hindi nababago ha – ay naniniwala sa pamamahala ni Presidente kaugnay sa digmaan sa droga, at natutuwa sila. Ibig sabihin, kung itong mga taong ito na mismong nakatira dito sa Pilipinas, alam ang nangyayari sa mga lugar nila ay pabor eh bakit naman itong mga wala naman dito, ni hindi alam kung anong nangyayari sa bansa ay kontra nang kontra, sinisiraan pa tayo ‘di ba.

URI: Okay. Sec., itong pagputol na ito natin na tumanggap ng loan and grants sa kanila, ibig bang sabihin ay pinuputol na natin ang anumang diplomatic relations natin sa kanila?

SEC. PANELO: Hindi, sinasabi lang natin na dahil sa ginawa nila eh ang tingin natin ay offensive masyado iyon sa atin. At pangalawa, wala namang—iyong mga pending loans and agreements ay implemented na iyon. Iyong ngayon, isa lang ang maapektuhan, iyong UK kasi 21 million yata iyong loan tungkol sa infrastructure. Pero ang daming ibang bansa, outside of the 18, ay nag-o-offer sa atin at pareho din ang rate. So it will not affect us at all.

URI: Nakita ko rito, Missy and Secretary Sal, Austria at saka Australia, ‘di ba may mga ano tayo riyan, may mga mahahalaga rin tayong mga teknolohiya at mga imports na kailangan diyan?

SEC. PANELO: Alam mo iyong technical assistance, hindi mababago iyon, ganoon pa rin iyon. Tinatanggap natin iyon. Walang problema doon. Kaugnay lang iyon doon sa mga loans, mga grants.

HISTA: Basta hindi tayo mangutang sa kanila, Sec. Sal?

SEC. PANELO: Doon sa labingwalong iyon, hindi natin tatanggapin dahil sa ginawa nila.

HISTA: Sec. Sal, hindi po ba maapektuhan iyong ating mga OFWs na nandoon po sa mga bansa na nabanggit?

SEC. PANELO: Hindi, kasi kailangan nila iyan. Kaya nga nila tinanggap doon dahil (unclear)

HISTA: Kasi baka manlamig ang Pasko ng ating mga kababayan na umaasa sa padala ng ating mga kababayan na nandoon sa—

SEC. PANELO: Hindi nga maaapektuhan iyon. The fact alone na tinanggap nila iyon, ibig sabihin iyong bansang iyon ay kailangan ang mga tao natin doon.

URI: Isa pang gusto naming linawin sa inyo, iyong eksaktong sinabi ninyo dito sa tweet ni Senator Rubio ng United States na bogus iyon daw pong kasong isinampa ng administrasyon laban kay Senator De Lima?

SEC. PANELO: Baka iyong sarili niya ang bogus. Hindi siya nag-aaral ng kaniyang mga facts. Papaano magiging bogus ang demanda? Mayroong preliminary investigation, nagsumite ng ebidensiya, nagsumite rin ang kabila. Ang sabi ng preliminary investigator na prosecutor, may probable cause, so inihabla. Eh sabi rin ng judge na nag-aaral, kasi constitutional iyong kaniyang tungkulin na pag-aralan kung may probable cause bago siya mag-issue ng warrant, eh sinabi rin may probable cause kaya nag-isyu ng warrant. Paano naging bogus iyon?

HENRY URI: Alright. Bakit itong si Senator Rubio tila ho init na init dito sa isyung ito at sa Duterte Administration? Napag-aralan n’yo na ba kung anong mayroon siya… ano ba siya, bakit palagi siyang naglalabas ng ganitong statement?

SEC. PANELO: Eh, hindi tayo interesado diyan. Problema na niya ‘yun. Kung hindi niya alam ang facts niya, oh ‘di pabayaan mo siyang magdada-daldal. ‘Di ba? Bakit pa tayo mag-aabala, mag-aaksaya ng panahon sa mga taong hindi naman nag-aaral? Hindi ba? Let them hang on their own [garbled].

HENRY URI: May suspetsa ba kayo na talagang ito’y political propaganda against the Administration or what?

SEC. PANELO: Dalawa lang ‘yan. Either political propaganda ‘yan or it comes out of gross ignorance.

HENRY URI: Oo. Pero on the other hand, ‘yung war on drugs ng Duterte Administration na marami ring kumukwestyon hanggang sa mga kuwan na ito… mga panahong ito at kinukwestyon ‘yung mga extrajudicial killings. Ano bang talagang ginagawang hakbang ngayon ng gobyerno laban doon sa mga umano’y patayang walang katuturan?

SEC. PANELO: Alam mo, unang-una, ‘yung sinasabi nilang [garbled] magkukuwestyon, ilan lang ba ‘yun? Iyon lang namang mga kritiko ni Presidente. Tingnan mo ‘yung bagong survey, 82%. Hindi naman nagbabago ‘yung porsiyento ng mga tao. ‘Yung mga taong tinatanong sa survey, ‘yun ‘yung mga taong nakakaalam ng mga lugar nila kung mayroong abuso o wala. Alam mo, sinasabi—kanina in-interview ako ni Christian Esguerra. Sabi niya, hindi kasi popular si Presidente, magaling magsalita. Sabi ko, kahit magaling kang magsalita, kahit ka magaling, kung doon sa lugar mo ay may mga abuso, lalabas ‘yun sa survey. Masisira ka dun. Tingnan mo ‘ka ko anong nangyari kay Marcos, magaling din magsalita, o hindi ba? Anong nangyari sa kaniya? ‘Di ba tinanggal? Tapos ganiyan ang gagawin nila kay Presidente Duterte, eh, hindi nga eh! Lalong tumataas ang rating eh.

HENRY URI: O, hindi pero last question. Pero sa isang banda, ano rin ba naman ang ginagawa ng Administrasyon para—

SEC. PANELO: O, dati na ngang—

HENRY URI: —para dinggin ho… para dinggin ‘yung mga bintang  at ‘yung mga akusasyon at ‘yung mga reklamo.

SEC. PANELO: O, ganito… O, ganito, Henry. Hindi ba—alam mo, ‘pag mayroong namamatay sa isang police raid at police operation in drugs, and for that matter, kahit na anong operation. ‘Pag may namatay diyan, automatic dinedemanda ‘yung nandiyan sa operation, kasi may namatay eh. So, the presumption is may negligence ka kaya… na ang burden na patunayan mo na ang ginawa mo nasa wasto ay na sa’yo pero naka-demanda ka administratively and criminally. Iyan ang gina—‘yan ang automatic ‘yan.

Now, pangalawa. Sasabihin nila may mga nangyayaring abuso dahil daw hindi raw pino-prosecute. Eh, mayroon na nga tayong prinosecute. ‘Yung mga iba kaya hindi ma-prosecute, dahil unang-una, hindi naman naghain ng demanda. Pangalawa, ‘pag naghain ng demanda, wala namang ebidensiya. Papaano na—ano gagawin mo naman doon? Hindi ba? Pangatlo, sasabihin nila ‘yung mga pulis natin nang-aabuso, basta pumapatay. Paano mo—ipaliwanag mo nga sa akin bakit may 86 na namatay na sa mga pulis natin? Ano ba sinabi ni Presidente kagabi sa akin? “Tanungin mo nga sila. Paano mo mapapaliwanag na tatlongdaan ang namatay doon noong nag-serve ng warrant sa Marawi?” Tandaan mo ‘yung nag-search ng warrant? Ilan bang namatay natin doon? At hindi lang ‘yun, sabi niya, “dahil doon, sa gulong iyon, eh ilan bang sundalo ang napatay?” Ilang sundalo? Kasama lahat ‘yun sa war on drugs kasi it started with the serving of a warrant of arrest in relation to a drug case.

Another thing, Henry. How would you explain that eight hundred plus serious injuries cases sa mga police na involved sa police raid? Sige nga!

Tapos, sasabihin nila ang daming pinatay, twenty thousand plus, naging twenty seven na nga oh. Ang tanong ni Presidente sa kanila at tanong ko rin, ang problema ninyo hindi kayo nanonood ng PTV – 4. Every day inilalabas doon kung—ngayong araw na ito kung ilan napatay in connection with what, saan nangyari.

In other words, the almost six thousand deaths arising from police raid and operations in relations to drug war ay recorded. We can explain when it happened, who are behind it, kung anong nangyari at anong mga kalakaran; pero sila, they’re accusing us of this kind of death. Hindi nila maipaliwanag. Saan ba? nangyari ba ‘to?

HENRY URI: Pero kumbinsido rin ho ang Administrasyon may mga abuso rin naman?

SEC. PANELO: ‘Pag may abuso, may demanda at dinidemanda natin; pero kailangan magrereklamo ka. Kung magrereklamo ka lang sa media, hindi ka naman maghahain ng pormal na kaso, eh anong mangyayari sa atin?

HENRY URI: Alright. So, nagkausap pala kayo ng Presidente ho kagabi. Teka muna—

SEC. PANELO: Matagal. Alam mo, matagal kasi nga sabi ko sa kaniya marami nang nagtatanong na media at mag-ge-guest bukas, o,‘etong mga tanong nila kaya marami siyang ikinuwento sa akin.

HENRY URI: ‘Yung sa shoot-to-kill order, tuloy pa ba ‘yun kahit na sinuspend ng DOJ ‘yung pagpapahanap sa PNP doon sa mga heinous criminals under GCTA?

SEC. PANELO: Alam mo ‘yung—Alam mo ba 2,000 na ang sumuko? Sobra-sobra na doon sa mga pinapa-surrender niya?

HENRY URI: Pero ‘yung mga hindi sumuko, ‘yung mga ayaw sumuko, tuloy pa rin ‘yung—I’m sorry, I stand corrected, dead or alive pala hindi naman shoot-to-kill? Dead or alive.

SEC. PANELO: Hindi… alam mo, ‘yung mga hindi sumuko doon—kasi pati ‘yung mga wala namang kasali sumuko eh. Alam mo, sabi nga ni Presidente, kasi gusto nilang bumalik sa kulungan kasi libre pagkain doon. Ngayon, ‘yung mga heinous crimes, siyempre, ayaw nun, tuloy pa rin ‘yun.

HENRY URI: Tuloy pa rin ang dead or alive?

SEC. PANELO: Pero iilan na lang ‘yun. Kasi nga, dalawang libo na ang sumuko eh, one thousand six hundred lang yata ang pinapasuko eh. Sobra na nga eh.

HENRY URI: Alright. Sige, ano pa ba napagkwentuhan ninyo ng Pangulo?

SEC. PANELO: Hindi… ‘yun… Alam mo, ito importante ‘to. Sabi niya, sabihin mo sa kanila, Sal, kaya ako galit na galit diyan sa Iceland resolution ay sinisira nila unang-una, iniinsulto tayo at ang sovereignty natin. Bakit kamo? Sabi niya, ang Iceland kinukwestyon ang ating ginagawang digmaan sa droga, kesyo marami tayong pinapatay, pero ano bang batas mayroon sila? May batas sila na pinapatay nila ‘yung mga unborn babies! ‘Yung may edad na less than six months, pinapatay nila! Anong klaseng bansa ‘yan, sabi niya. Hindi tayo papayag na ganun. Tapos ‘yung mga sumusuporta, anong klaseng mga bansa din siya? Gusto nila ilagay ‘yung values nila sa atin, hindi tayo papayag dun!

HENRY URI: For that matter, may plano ba ang Pilipinas na mag-initiate din ng isang resolution para kondenahin itong batas na ito ng Iceland?

SEC. PANELO: Ah, ayan tatanungin natin si Secretary Locsin diyan dahil turf niya ‘yan. Ayaw ko siyang pangunahan.

HENRY URI: But do you think we should file a resolution also?

SEC. PANELO: What I think is irrelevant kasi hindi ako ang Secretary of Foreign Affairs, hindi rin ako ang Presidente. Alam mo naman ako, tagapagsalita lang. Kung anong sinabi sa akin, ie-echo ko sa inyo.

HENRY URI: Alright. Sige, Secretary, maraming salamat.

-END-

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau)

 

Resource