Interview

Interview with Presidential Spokesperson and Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador S. Panelo by Deo Macalma (DZRH – Damdaming Bayan)


Event Media Interview

MACALMA: Nasa ating linya si Presidential Spokesman, Secretary Salvador Panelo. Secretary Panelo sir, magandang umaga po sa inyo at belated Happy Birthday.

SEC. PANELO: Good morning sa iyo.

MACALMA: Kumusta ang birthday mo Secretary, sir?

SEC. PANELO: Hindi ko nga alam kung kailan na ang birthday ko, araw-araw yata binabati ako ng Happy Birthday.

MACALMA: [Laughs] Aba’y katakot daw na videoke ang nangyari—ay karaoke noong birthday ni Secretary Panelo, sir – kumanta ang Pangulo, kumanta pati si Madam Honeylet.

SEC. PANELO: Oo nga masaya, masaya iyong… Actually it was a surprise party. I was lured into that room dahil ang sabi sa akin ng Protocol eh may meeting kami ni Presidente.

MACALMA: Hmm… at bumabad ang Presidente at dumating ang mga kaibigan mong Imelda Papin at Rey Castelo.

SEC. PANELO: Oo nga, nagulat nga ako nandoon silang lahat eh. Actually pakulo iyon ng asawa ko – Doktora Panelo at saka abogado kong anak.

MACALMA: Anyway Secretary Panelo sir, itong si PNP Chief General Oscar Albayalde, ano bang—nandiyan pa ba ang tiwala ng Pangulong Duterte? Kasi parang may mga insinuation na parang idinadawit siya dito sa issue ng mga ninja cops.

SEC. PANELO: Well alam mo, hanggang walang sinasabi si Presidente kaugnay doon sa opisyal, the trust and confidence is still repose on the person. Wala naman siyang binabanggit, ibig sabihin nandiyan pa rin ang pagtitiwala sa kaniya.

Saka alam mo, ang background ni Gen. Albayalde maganda eh, wala akong narinig na masama sa kaniya noong wala pa siya sa posisyon.

MACALMA: Uhum. Sabagay, in fairness wala tayong narinig na issue sa kaniya. Maganda iyong—

SEC. PANELO: Exactly. Saka ngayon na PNP Chief siya ano siya eh, humble. Kapag tinawagan mo sagot kaagad; ‘pag mayroon kang ni-refer, aksiyon kaagad… matino eh.

MACALMA: At kumusta iyong meeting nila sa Malacañang kasama si PDEA Chief Gen. Aaron Aquino at ng Presidente?

SEC. PANELO: Ang sabi niya sa akin, noong nag-meeting sila binigay niya iyong status ng war on drugs, sinabi niya iyong mga ginawa nila; sinabi niya rin iyong tungkol sa ninja cops na that was the thing of the past. Kasi iyong ninja cops na sinasabi, iyon daw ay syndicated group. Unlike ngayon, parang kaniya-kaniyang kita na lang iyong mga pulis kapag nakakakita ng puwedeng pagkakitaan, ginagawa nila ang kalokohan nila. Pero noon daw talagang sindikato, ibig sabihin mayroong directing operation, may mga linkages sa mga presinto magmula sa Manila Police District.

Then sinabi niya rin na because of that, mayroon siyang entrapment operation na ang target ay mga pulis. And out of the entrapment operations, 124 ang napatay nang pulis na lumaban during the event, at marami inaresto.

MACALMA: ‘Ayun, oho. Noong nag-meeting ba sina Presidente Digong at Gen. Albayalde at Gen. Aquino, nagsumite po ba sila ng mga pangalan ng mga ninja cops, Secretary Panelo, sir?

SEC. PANELO: Ah, iyon ang hindi ko alam kasi wala ako sa meeting noon eh. Ang kinukuwento ko lang kung anong lahat ng mga kinuwento sa akin ni Gen. Albayalde.

MACALMA: At iyong Senate Blue Ribbon Committee report na ang sabi ni Senator Gordon, isusumite kay Presidente ang listahan ng mga ninja cops at bahala ang Presidente. Nakarating na po ba iyong listahan galing sa Senate Blue Ribbon Committee?

SEC. PANELO: Sang-ayon kay—sang ayon sa MPC, si Senator Bong daw sabi sa kanila, ibibigay niya noong gabi kay Presidente. Hindi ko alam kung naibigay na.

MACALMA: Hmm.. Isa pang tanong Secretary Panelo, sir. Kailan sasabihin/babanggitin ba ng Pangulo ang pangalan nitong mga ninja cops?

SEC. PANELO: Eh, mayroon yata siyang sinabi sa speech niya na ngangalanan niya. So kapag sinabi niya, gagawin niya – iyong, hindi ba ganoon, what he said.

MACALMA: Opo, hayan at kailan kaya sasabihin? Kailan ba ang—wala bang balak ang Presidente na mag-presscon o ibigay sa iyo ang pangalan at ikaw ang magbasa bilang Spokesman?

SEC. PANELO: Wala naman siyang binabanggit pa. We haven’t talked with each other since Monday.

MACALMA: Ah, okay. Aalis siya ng Tuesday, pupunta kayo ng Russia, Secretary Panelo sir?

SEC. PANELO: Yeah, October 1.

MACALMA: Ah, ito kaya ang babanggitin sa kaniyang pag-alis o sa Russia babanggitin pa itong mga ninja cops?

SEC. PANELO: Hindi natin alam. Tatanungin ko kapag nagkita kami mamaya.

MACALMA: At anong pangunahing mission sa pagtungo ninyo sa Russia Secretary Panelo, sir, kasama ang Pangulo?

SEC. PANELO: Wala naman siyang sinabi, sila na lang daw ang mag-a-announce kung anong gagawin niya doon at anong inaasahan.

MACALMA: Ito ba’y state visit? Imbitasyon ni President Vladimir Putin?

SEC. PANELO: Yeah. Iniimbitahan siya ni Russian President.

MACALMA: At bibigyan tayo ng mga military hardware?

SEC. PANELO: Hmm, actually hindi ko alam kung ano iyong agenda.

MACALMA: Ah, hindi mo pa alam. Okay Secretary Panelo, sir maraming salamat at muli, belated Happy Birthday Secretary, sir.

SEC. PANELO: Thank you Deo.

###

SOURCE: PCOO-PND (News and Information Bureau)