ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Magandang umaga MPC and welcome sa ating Press Briefing. And we are about to discuss the updates on campaign around EU to stop funding of CPP-NPA-NDF-linked organizations and report of 17 atrocities committed by the communist/terrorist group. We have Undersecretary Lorraine Badoy. Good morning, ma’am.
USEC. BADOY: Good morning Malacañang Press Corps, thank you so much for taking time out from your busy schedules. Very briefly, last year when the President was in the IP Summit, January 2018, he found out that fully 60 to 90 percent of NPAs came from the IP sector which means that—and then he was horrified by it as we all were, because what that meant very clearly was that a very vulnerable sector of our society, the IP sector, was being exploited by the terrorist group, the CPP-NPA-NDF and made as their recruitment grounds.
And as we went along with this work, we unearthed a lot of horrible and horrific stories of exploitation, abuse, massacres, murders, plunder of the CPP-NPA of one of the most vulnerable sectors in our society, the IP sector; like the horror of the Salugpungan schools which are being used as training ground for child warriors so that as early as 5 years old, they were being snatched from their families, taken away from their families so that by the time they were 10 or 12 they were already frontline fighters as NPA members and that up to this point, we’re still putting all these pictures together and the stories that I hear on the ground are really heartrending with the CPP-NPA, Joma Sison’s policy on poverty ‘no—on keeping the poor poor, most especially this sector.
So this is where EO 70 was born and where we met the IPs and their stories and we found out that they had saved enough money and that they wanted to tell their stories in the US and in Europe because this was where the lies about them were being told. So without further ado, it’s really not—the job of government communications is to listen to these stories and make sure that these stories are told with accuracy, with clarity and with dignity; and that it is not our stories to tell, but the IPs ‘no, it’s their stories.
So without further ado, I would like to ask Datu Nestor to introduce his team and for us to listen to them. Thank you so much.
DATU NESTOR: Good morning media, sa ating Undersecretary of the PCOO; kahit doon pa kami sa America at sa Europe hindi kami iniwan ni Ma’am.
Magandang umaga sa ating lahat at magpapasalamat kami ngayong umaga, nandito kami upang ipaabot sa inyo kung anong nangyayari noong nagpunta kami ng Europe, maisabi namin sa inyo at mai-publish din ninyo sana at marinig sa buong Pilipino, sa buong Pilipinas.
Akin pong ipakikilala itong mga kasamahan namin. Before ako magpakilala sa kanila, sorry talaga na antok—masyado pa kami—ngayon nag-effective iyong jetlag namin, halos hindi na kami makagalaw.
From my left is Bae Magdalena Iligan, siya po ay isang estudyante ng TRIPS at ALCADEV doon sa Surigao; 5 years old pa siya nag-umpisa doon nag-eskuwela/nag-aral; isa po siyang nagiging Secretary ng Sangguniang Kabataan… Samahang Kabataang Makabayan organized by the New People’s Army and also a fulltime NPA, New People’s Army. And nagiging kolektor siya ng pera na kino-collect ng New People’s Army. At sa ngayon, nagbalik na siya sa ating pamahalaan at nakita niya anong nangyayari sa kaniyang kamag-anak, sa kaniyang tribu – kung paano pinagpapatay ng mga New People’s Army ang kaniyang mga kamag-anak doon sa kanilang lugar. Iyon ang dahilan na si Bae Magdalena Iligan ay nagbalik-loob ng gobyerno.
Si Bae Matumpis Anna Crisostomo, isa pong Obo-Manobo of Davao City; galing siya sa angkan ng mga leader doon sa Baguio District of Davao City. Ang kaniya pong pamilya ay nag-oppose sa New People’s Army na sakupin ang kanilang community, ang kanilang ancestral domain. Ang ginawa sa kanila, sinunog ang kanilang balay at hindi na nakabalik sila doon sa kaniyang community dahil ang nag-occupy ng kaniyang community ngayon ay mga NPA, sila na nagpatakbo hanggang ngayon; mayroon na silang curfew.
Itong isa, si Datu Panguliman James Binayao, Chairman ng Mindanao Indigenous Peoples Youth Organization; in-organize nila na mga katutubong tribo sa Mindanao. Ang kanila pong ancestral domain doon sa Maramag ay inorganisa ng mga front organization ng New People’s Army upang i-occupy ang kanilang ancestral domain – iyon ang dahilan, itong si Datu Panguliman, isang Talaandig Manobo hindi na makabalik-balik doon sa kaniyang community. Napakasakit ang nangyari sa bawat isa sa amin.
Si Datu Kalambangoy Joel Dahusay, isang IP teacher; nag-aral siya ng kolehiyo upang maturuan ang kaniyang community, ang kaniyang kamag-anak, ang kaniyang ka-tribo na Matigtalomo-Manobo; 7 times na pinagtangkaang patayin ng New People’s Army; dalawang beses siya binaril ng .45 caliber at hindi na rin makabalik doon sa kaniyang community dahilan lamang doon sa ipursige niya ang rights ng mga kabataan upang maturuan nang tama at mamuhay na mapayapa.
Lahong Sharry Balinan is the Ata Manobo of Paquibato District of Davao City. Alam na natin ang Paquibato is… sabi pa ng mga sundalo is ‘red area’; puno ng NPA. Siya po’y isang biktima ng pangre-recruit, panlilinlang na siya daw gawing scholar. Sa halip na magiging scholar siya, tinuruan siya paano awayin ang mga nasa gobyerno or paano suwayin nila ang ating pamahalaan. Siya po ngayon ang isa sa mga opisyales ng organization nila sa Mindanao Indigenous People’s Youth Organization sa Mindanao.
Si Datu Awing Apuga, anak po ito ni Datu Guibang Apuga, ang tribal chieftain of Salugpungan Ta’ Tanu Igkanugon (Unity for the Defense of Ancestral Land). Siya po ay ni-recruit ng New People’s Army nang 5 years old pa siya; nagiging fulltime NPA, nagiging commander ng NPA, nagiging teacher din siya ng Salugpungan, nagiging organizer ng Manilakbayan in 2014 and 2015 dito sa Manila at nagbalik na siya sa ating pamahalaan dahil hindi na nila maintindihan kung ano ang ginagawa ng New People’s Army sa kanilang tribo, sa mga Ata Manobo.
Asi Nagbago(?) is the—isang estudyante ng Salugpungan; nag-asa siya na magiging engineer sa darating na panahon para makatulong man lang sa kaniyang tribu, sa community at sa kaniyang pamilya. Nalinlang siya at—nalinlang siya doon sa paaralan; nagiging NPA rin siya, nagiging organizer siya ng rally. At ang pinakamasakit sa kaniya na hindi niya makalimutan hanggang matapos itong mundo, ni-rape pa siya sa mga bakla na mga teacher ng New People’s Army.
‘Yan po ang masakit na nangyari sa aming buhay sa Mindanao, kaming mga katutubo; hindi lang kami, marami pa sana ang magsalita kaso lang tinatakot sila, pinagbantaan. Para sa inyong kaalaman, ngayong araw si Bae Magdalena, dalawa na ang kamag-anak niyang pinapatay, sabi pa para mahinto na siya magsalita. Kanina, pinagbabaril na naman ang kaniyang kamag-anak. Ganiyan kalupit si Joma, ganiyan kasama ang mga NPA… sana maintindihan ninyo ang side namin at matulungan ninyo kami, ‘yan lang po.
RUTH GITA/SUNSTAR: Anyone can answer po. The DepEd ordered to stop the operations of fifty-five Salugpungan schools in the Davao Region following the supposed irregularities committed by the school management. Your reaction po.
DATU NESTOR APAS: Mayroong dalawang tinitingnan namin na anggulo diyan, ma’am eh. Ang desisyon ng DepEd, hindi kami puwede makipagsawsaw doon. Ang desisyon lang ng community namin is to abolish the Salugpungan school because mayroong masamang mangyayari at baka maubos na kami, magiging radical ang utak. So, doon sa DepEd Order, hindi namin masagot-sagot, ma’am, kasi hindi kami… hindi kami side ng DepEd. Wala kaming masyadong alam doon. Ang alam lang namin na gusto naming paalisin na ‘yung paaralan kasi masama na sa amin ‘yun.
RUTH GITA/SUNSTAR: Pero ang sabi po ng Kabataan Party-list, ‘yung DepEd’s closure order daw po deprives the IPs’ communities of their right to education. Naniniwala po ba kayo dun?
DATU NESTOR APAS: Hindi natin matawag na pag-deprive sa amin. Sino ba talaga ang IP doon, Kabataan Party-list o kami na nandoon? Itong mga kasama ko taga-Mindanao, ang taga-party-list dito lang sa NCR. Bakit ba sila magsasalita? Wala kayong alam doon sa amin! Kayo, ang mga anak kaya ninyo paaralin doon sa Salugpungan? P*I* kayo!
MODERATOR: As much as possible let us avoid stating foul words, sir. Medyo hinay lang ng kaunti. Okay, we have question from Chona Yu from Radyo Inquirer.
CHONA YU/RADYO INQUIRER: Usec. Badoy, ma’am?
USEC. BADOY: Hi, Chona!
CHONA YU/RADYO INQUIRER: Hi, ma’am. Good morning! May I know how much the government spent for this trip? Europe trip.
USEC. BADOY: Zero.
CHONA YU/RADYO INQUIRER: And who sponsored the… trip?
USEC. BADOY: They can answer it better. But we had a—but we also went but it was for NTF work, we had our own engagements apart from theirs and I was there just to support ‘yung communications part. But for us, we went there to engage I think seven or five or six—five to seven countries, I can’t remember now, our counterparts the Ministry of Foreign Affairs and members of parliament to also tell them about the funding of terrorism in our country via NGOs that are CPP-NPA led. And we gave them a list and they were very grateful and cooperative and they promised… it’s very promising.
CHONA YU/RADYO INQUIRER: So, ma’am for the record, wala ni singko sentimo?
USEC. BADOY: Wala. As for them, no, none, zero, none. For our team, of course we went ‘no but it was for our work.
CHONA YU/RADYO INQUIRER: And how many of you, ma’am?
USEC. BADOY: Hold on. Wala nga ako staff. This is NTF (National Task Force to End Local Communist Armed Conflict NTF-ELCAC), General Parlade, Colonel Lagozon(?) and Major Frank Sayson (?). There was nobody from PTV – 4, I think PNA dalawa. I think, maybe six or seven of us.
CHONA YU/RADYO INQUIRER: And how many po—how much po ‘yung—
USEC. BADOY: That one I don’t know yet. I would need to get back to you on that.
CHONA YU/RADYO INQUIRER: And what did the government gain after this trip?
USEC. BADOY: Gain after this—oh my! Well, we got to support them. It’s the job of the government to support a sector that has been forgotten. Chona, they’ve been abused and neglected ‘no. So, it’s our job to—and it’s a directive from the President, EO 70 that wants—the President’s directive is to end the insurgency when he steps down.
CHONA YU/RADYO INQUIRER: And when it comes to sa mga IP na nasa grassroots, anong makukuha nila nito after this trip?
USEC. BADOY: Almost definitely their lives have to improve ‘no.
CHONA YU/RADYO INQUIRER: How?
USEC. BADOY: Because at the core of NTF is good governance. The fight against the CPP-NPA, that’s one part; but the bigger part is good governance. So in our clusters, there’s basic services and we make sure that we put everything together so that it really goes down to the IP sector. We just started kasi, Chona so, but later I can give you… it’s a little bit slow the way… honestly done. It’s a little bit slow but we are at the barangay level now and it’s all over the country.
CHONA YU/RADYO INQUIRER: Can you mention what specific programs ‘yung ibibigay sa IPs?
USEC. BADOY: Basically, you know it’s the usual programs. For instance, DSWD, mga ganyan. Like for instance, ‘yung Salugpungan ‘no because we found out about this, now, the DepEd has built schools that are near the Salugpungan schools. So why should you go to a Salugpungan school where they don’t even learn how to—you know, alam mo ba sa Salugpungan schools they don’t even get that number that’s needed by DepEd so that when they transfer schools, puwede or they can go forward with their education, they can go to college. They don’t have anything like that so it’s not a real school in that sense.
And hindi sila makapag-college like sila Datu… sila Asenad, sila Datu Awing kahit na ang tagal nila sa Salugpungan schools hindi sila makapag-college kasi wala sila ‘yung number na ‘yun at saka wala sila ‘yung basic competencies.
So, that’s it, bale, we put all the basics—in the basic services cluster of the NTF are the front liners – Department of Health, there’s TESDA. So, TESDA is going to train a lot of these rebel-returnees. It’s a whole-of-government approach talaga, even there’s a that EClip(?). So, we make sure that all these programs are not just talk, we’re not just launching all the time but that they really reach.
You know, I’ve been to these places and the poverty is terrible. In other words, there’s so much that needs to get done but basically, it’s just to put the front line services where they ought to be.
CHONA YU/RADYO INQUIRER: Thank you, Usec.
USEC. BADOY: Alright. Thank you, Chona.
GILLIAN CORTEZ/BUSINESS WORLD: Hello, Gillian Cortez from Business World. May I ask Usec. po? Regarding the funding for CPP-NPA, recently the European Union said that they have conducted a series of audits and they found that there is no record of any funds that is being funneled to these organizations. What’s your input on that?
USEC. BADOY: Which country is this? I’m sorry.
GILLIAN CORTEZ/BUSINESS WORLD: EU po.
USEC. BADOY: The EU.
GILLIAN CORTEZ/BUSINESS WORLD: Uhm. Si Ambassador Jensen said that I think last August po.
USEC. BADOY: Last August.
GILLIAN CORTEZ/BUSINESS WORLD: Uhm.
USEC. BADOY: Well, that’s not siguro accurate kasi there are some countries that have already—the thing lang is it’s a very sensitive topic, so we promise not to be so out in the open about it. So, I can’t… I’m not, I’m not in any position to—but yes, funding has been stopped in some of these ano, some of these org—but when you know—like for instance when we went to Spain, we found out that so far wala naman silang ano… wala silang pina-fund. Walang silang—walang organiz—walang NGO doon na nagpa-fund so far na nalalaman namin.
Pero parang ‘yung na-unearth namin, parang tip of the iceberg pa lang. Actually, ang dami-dami noon eh, ang dami-dami. So, to answer your question, I don’t think that’s accurate.
GILLIAN CORTEZ/BUSINESS WORLD: Okay, thank you.
USEC. BADOY: Thank you.
MELVIN GASCON/PDI: Doon po sa ating mga Manobo leaders. Napansin ko po dito sa schedule ninyo, you have been out of the country for… parang mahigit… halos isang buwan po kayong nasa abroad.
DATU NESTOR APAS: Yes, sir.
MELVIN GASCON/PDI: I hope you don’t mind. Meron po ba kayong tinatanggap na any sustento or tulong from the government dahil dito sa pagpunta ninyo?
DATU NESTOR APAS: Wala, sir. Two years namin pinaghandaan ang mga endorsement namin, sir. Dahil na-inspired kami doon sa sinasabi ni Presidente noong nag-conference, di ba nag-conference tayo sa Davao, iyong mga elders kami na sinasabi ni Presidente na kayong mga katutubo, hindi kayo tinalikuran ng gobyerno, ang nangyari sa inyo nakalimutan lang kayo, kay hindi kayo assertive, hindi kayo nagsasalita, laging doon-doon lang kayo sa tabi-tabi.
Kaya nga andito kami, sir, dahil na-inspired kami ni Presidente, Presidente Duterte. Dalawang taong pinaghandaan ito, sir. Para sa kaalaman sa lahat, iyong laging nagdududa sa amin, alam namin iyong pinalabas-labas ninyo sa mga social media. Puntahan ninyo ang elder namin, may opisina na kami sa Davao, tingnan ninyo ang mga nagbigay ng donation na mga IP community.
Ang naipon namin ng dalawang taon is 1.1 million, sir. Sa loob ng dalawang taon. May naawa sa amin para malaman ninyo, na dalawang negosyante na laging sinusunog ang mga equipment nila. Sabi pa nga nila billion ang nawala sa amin sa isang iglap lang at hiningian pa kami ng billion din, mas mabuti pa dito na lang kami magbigay ng 2.5 million sa inyo kaysa magbigay kami doon at pinagsusunog pa rin ang equipment namin, sabi pa ng dalawang negosyante. Hindi namin masabi ang pangalan, sir, dahil para pagprotekta rin sa kanilang natitira pang mga ari-arian.
Now, gusto namin sana 100 ang magpunta ang labas ng bansa, kaso lang kino-compute sa NCIP, nagpatulong kami sa NCIP kasi mga document namin, sir, kulang-kulang. Pag-compute nila, sir, ang akala namin 48,000 lang ang gastusin namin; iyong pala ay 340-360,000 ang gagastusin sa bawat isa. Kaya nga walo na lang kami, sir, na nakalabas ng bansa upang sabihin ang katotohanan na ginagawa ng ating kaaway na mga tauhan ni Joma Sison – iyon ay mga New People’s Army.
MELVIN GASCON/PDI: Follow up question lang po. Doon po sa pag-ikot ninyo dito sa mga meetings na ito, ano po iyong parang key messages na ipinamahagi ninyo sa mga participants?
DATU BINAYAO: Ang pinaka-purpose talaga ng pag-ikot namin ay for the awareness of mga funding agencies, na connected sa CPP-NPA na mga NGOs. Kasi sa napakahaba na ng panahon, dapat magtaka sila kung bakit umabot ng 50 years ang pakikipaglaban ng CPP-NPA na halos equally sa ating mga sundalo – saan nanggaling ang armas nila; saan nanggagaling ang bala nila; saan nanggaling ang mga resources nila?
So napag-alaman namin na iyong mga funding agencies pala ay nanggaling sa mga bansang ito – Europe at saka US. So ngayon kailangan namin na iparating sa kanila na ito ang nangyayari sa mga funds ninyo, na ginagamit siya ng mga NGO na affiliated sa CPP-NPA and organized by CPP-NPA para mabigay siya sa New People’s Army at iyong New People’s Army na ngayon ang may hawak ng mga pondo na nasa loob ng aming mga communities, na siya mismo ang pumapatay sa mga indigenous people sa loob ng aming communities. Iyon po.
MELVIN GASCON/PDI: Umabot po ba kayo, sir, sa punto na pinangalanan isa-isa iyong mga organizations na ito?
DATU BINAYAO: Pinangalanan talaga namin siya isa-isa, iyong direkta na nakita namin, direkta na nakausap ng mga kasama namin at direkta na nagbibigay sa kanila ng pera.
MELVIN GASCON/PDI: Puwede n’yo po bang banggitin kung alin po iyong mga organizations na binanggit ninyo?
DATU BINAYAO: Rural Missionaries of the Philippines, Pasaka, Sildap-SE [Silingang Dapit sa Sidlakang Mindanao], MISFI [Mindanao Interfaith Services Foundation, Inc.]. Itong mga schools na nasa iba’t-ibang region na affiliated ng Save Our School Networks.
MELVIN GASCON/PDI: Sa amin pong mga tagalabas na hindi po taga-Mindanao, iyon pong sa pagkaintindi namin dito sa Salugpungan Schools ay naitayo dahil po sa kakulangan ng educational opportunities ng ating mga kapatid na IPs doon sa lugar na iyon. So, parang ang sinasabi po ninyo, since sinabi ho ninyo na gusto ninyong mapaalis, mas ginusto po ninyo na wala pong paaralan iyong mga katutubo kaysa sa manatili po iyong mga Salugpungan schools?
DATU BINAYAO: Sa simula pa lang talaga, sa tradisyon namin ay may itinuturo na ang elders namin na para ka na ring nag-aral sa sarili mong community sa sarili mong kultura upang ito ay mapreserba at maipasa sa susunod sa henerasyon.
Ang Salugpungan school kasi ay sinisira nito ang aming kultura at tradisyon na darating ang panahon na wala nang magsusuot ng traditional attire at wala nang susunod sa kultura at tradisyon naming mga tribu, dahil sa ginagawa ng CPP-NPA na ang mga kabataan namin ay lumalaban na sa kanilang mga parents, lumalaban nga sa gobyerno at pumupunta sa daan upang mag-rally.
Gusto naman namin talaga ng education, pero sana quality education na hindi masisira ang aming kultura at tradisyon, na sana edukasyon na hindi kami dadalhin sa kagubatan upang makipagbakbakan sa gobyerno. Iyon ang pinakagusto talaga namin, hindi iyong katulad ng tinuturo ng Salugpungan school.
RUTH GITA/SUNSTAR: Follow up lang po sa Salugpungan. I understand si Datu Joel Dahusay po ang former lecturer; and Datu Asenad Bago, former Salugpungan student tama po ba? Any background lang po, since may alam po kayo doon?
DATU ASENAD BAGO: Kami po, Ma’am/Sir, ay nagpapasalamat po na magkaroon sana ng paaralan kaya lang kung hindi kayo maniwala sa sinasabi namin, puwede kayong magpunta doon sa amin, tingnan natin iyong paaralan doon at tingnan natin iyong pinagte-trainingan namin doon sa bundok; at may office pa nga kami doon sa Davao, sa Buhangin Gym Rural Missionaries of the Philippines doon kami nagte-training ng medic. Paano ka maggamot, paano gamutin iyong natamaan at doon sa school namin, doon din pumupunta iyong mga CO ng NPA, kasi kinuha nila ako, pinaaral nila ako, doon ako sa staff house nakatira kasama ko iyong mga CO ng NPA at kasama namin iyong mga CO ng NPA sa pagpapatayo ng paaralan. Kasi pag magpatayo ng paaralan, kapag matapos iyong paaralan pinapaputukan ng mga NPA iyong mga magulang namin na hindi sumasang-ayon sa kanila kung ano iyong iuutos, kagaya ng tiyuhin ko na pinapahakot nila o pinapabuhat nila ng ano… doon sa mga gamit ng mga materyales ay pinapaputukan ng NPA at ngayon maraming nagsasabi na hindi daw totoo iyong sinasabi namin, di paano kung puntahan natin doon sa ano, nandoon pa naman iyong mga paaralan. At iyong library namin, lahat ng mga picture ni Parago, CO ng NPA, lahat namin mababasa doon. At iyong mga pambansang bayani namin – ngayon ko lang alam na si Dr. Jose Rizal pala ang pambansang bayani natin – ang pambansang bayani namin doon si Father Fausto Torio, isa po itong pari.
DATU AWING APUGA: May karagdagan lang, ma’am. Ako po ay anak ni Datu Guibang Apuga, Chairman ng Salugpungan Ta’ Tanu Igkanugon (Unity for the Defense of Ancestral Land), na isa pong titser doon sa Salugpungan. Ang tatay ko, siya ang chairman. Ngayon, siya ang nangunguna na ipasira ang Salugpungan school dahil nakita niya doon sa katagalan na hindi nakakabuti sa kabataan ang tinuturo sa Salugpungan school. At doon namin nakita na … nung nalaman na namin, sobrang galit kami. Iyong pagpunta ni Satur Ocampo doon, hinahabol na namin dahil parang inaapak-apakan kami, pinaglalaruan. Doon namin nalaman, ma’am, na ang ginagawa pala sa amin ay hindi para sa kabutihan. So pagbalik namin, iyong paaralan ng Salugpungan doon sa amin ay sinira namin, winasak namin dahil sa sobrang galit namin na sa matagal na panahon na ginagamit ang tribu namin.
At saka isa pa iyong paggamit sa tatay ko, na hindi alam ng tatay ko na siya pala ay ginagamit na consultant doon sa ibang bansa. So doon kami nagalit, sa ginagamit palagi kami.
DATU ASENAD BAGO: May sasabihin lang po ako. Iyon pong sinasabi ni Datu kanina na pinagsamantalahan po kami ng mga bantot, ma’am. Totoo po itong… ito po iyong pinakamasakit sa amin, ma’am. Ginawa po nila kaming parang … kinuha nila ako sa staff house, doon nila ako pinatira. Tapos iyong kasamahan po namin, nagpu-fulltime NPA. At may dalawa kami, iyong pinsan ko, si Manuel Salangani(?), hindi lang po kami ang nabiktima, ma’am, pati iyong mga… iyong pinsan. Dalawa po iyong pinsan ko na biktima po ng CO ng NPA. Dalawa pong anak, iniwan. Tapos kung minsan naman doon sa schools namin, kagaya ng kasama ko, si Manuel Salangani, ay binigyan lang ng guro ng dalawang salmon at pinagsamantalahan.
So ito po iyong pinakamasakit sa amin, ma’am. Sana kung iyon na po iyong ginawa nila sa amin, para kaming ginagawang laruan, ma’am. Kung minsan nag-uusap-usap sila at pinagsasabihan pa naman nila iyong marami, so ito po iyong mahirap sa amin at parang wala na po kaming karapatan. Kaya ayaw na namin po iyon Salugpungan.
USEC. BADOY: Can I clarify what Asenad’s is saying. Asenad is talking about being raped as a child by two NPA commanders, that’s what he’s talking about, for years when he was—ilang taon ka? Twelve years old ba, mga ganoon ka? Thirteen? Fourteen? Mga ganoon. Around—ilang taon ka noon, Asenad?
DATU ASINAD BAGO: [OFF MIC]
USEC. BADOY: Fourteen, for years by two NPA. And then tapos iyong sabi niyang pinagtatawanan sila, iyong ganoong klaseng abuso. Ganoon iyong pinag-uusapan niya.
FRANCIS WAKEFIELD: Good morning po, sir. Sir, comment lang sa … kasi sa pag-iikot ninyo sa Europe, even before na umikot kayo sa Europe, ang laging claim ng mga leftist organizations, nila Joma, ginagawa lang ninyo iyon kasi sinusuportahan nga kayo ng government. Pinipilit lang kayo ng government to do iyong pag-iikot na iyan. Anong comment ninyo diyan? At saka may data ho ba tayo kung ilan pa ho ba ang mga ka-tribo ninyo or ka-group ninyo na kasama pa sa CPP-NPA? At ano ang ginagawa ninyong measure para mahikayat sila na kumalas na sa CPP-NPA, sir?
DATU NESTOR APAS: Una, tungkol doon sa pinipilit kami ng gobyerno, hindi kami talaga pinipilit. Paano kami pipilitin na gusto namin? Pagpunta namin doon sa ibang bansa upang isiwalat ang katotohanan, kultura talaga namin, sir, na kung saan namin narinig ang paggamit sa amin, pagpanira sa amin, doon namin pupuntahan. That is part of our culture and tradition na kausapin namin iyong mga tao doon upang ma-clarify kung ano ang mga issues. Kasi matagal na itong issues na paggagamit sa amin ng mga organization ni Joma. Kaya paglibot namin doon, kahit hindi kami sanay na maglakad ng … magsakay ng eroplano na napakahaba na oras, pinipilit namin ang sarili namin upang maabutan namin iyong mga lugar kung saan doon ang mga issues and concerns namin na mga katutubo. Iyon lang, sir.
DATU PANGULIMAN JAMES BINAYAO: In addition lang po, sir. Kami po ay kusang loob na ginagawa ito. Ngayon lang din po namin nakita na may government pala na nakatingin sa aming mga tribo. Kasi hindi namin puwedeng hayaan ang government na resolbahin ang sarili naming problema sa sarili naming lupa. Andoon kami sa aming community, bakit ang taga-labas ang mag-resolve nito; puwede naman kaming makipagtulungan. At ang nangyari nga, kami ang nauna bago tumulong ang government kasi dumulog pa kami sa National Commission on Indigenous People na sila ang nag-facilitate sa ibang agency kagaya ng PCOO para tulungan kami, kagaya ng DFA para tulungan kami. Iyon po ang nangyari.
DATU JOEL DAHUSAY: Dagdagan ko, sir. Kami po ay galing sa iba’t ibang tribo sa Mindanao po. Bakit kami ay nagkakaisa at nagtutulungan ang tribo? Dahil kung alamin ninyo sa social media at kung marinig pa ninyo ang mga kuwento ng iba’t ibang tribo sa buong Pilipinas at kahit saan man, sa Mindanao lang po ay 1,000 plus na ang mga tribal elders na pinatay ng NPA, na wala man lang silang kasalanan at walang hustisya kung bakit pinapatay; at sinu-supplant nila iyong mga tribal leader, na gusto nila na iyong mga elder namin ay susunod sa kanilang batas. Kung sinumang mga lider namin ang hindi sumusunod sa kanilang polisiya, iyon ay pinagpapatay nila.
At isa pa, para ma-organize nila ang isang community, komunidad namin, tumayo sila, gumawa sila ng eskuwelahan ng NPA tulad ng Salugpungan Ta’ Tanu Igkanugon Community Learning Center, TRIPS (Tribal Filipino Program for Surigao Del Sur), MISFI (Mindanao Interfaith Services Foundation, Inc.), SOS. Itong SOS ang nagpayong, parang umbrella – Save Our Schools network; at saka iyong RMP, Rural Missionary of the Philippines.
Ang lahat ng eskuwelahang na ito ay ito ang pugad ng mga rebelde. Alam ba ninyo, bawat year/taon na may magradweyt doon sa kanilang eskuwelahan ay madadagdagan ang mga front ng CPP-NPA-NDF. Dati 2016, Front 55 pa doon sa amin sa Talaingod, Davao del Norte. Noong 2017, may Front 56 na at nagkaroon naman ng PBC 6, iyong tinatawag na PBC – Pulang Bagani Command. At ngayong 2018, mayroon naman silang PBB – Pulang Bagani Battalion. Saan galing iyong Bagani? Parang in-adopt nila iyong kultura namin na kaming tribo ay may sariling bagani. Iyong tinatawag na ‘bagani,’ iyon ang taga-protekta sa teritoryo ng tribo. Pero ano ang ginagawa ng CPP-NPA? Parang ginagamit nila ang aming tribo at isa pa – iyong pinakamasakit, sir/ma’am – iyong ancestral domain namin ay ginagawa nilang training ground at guerilla base kung saan sila mag-training upang gamitin ang tribo namin.
Kung nakita ninyo sa social media iyong Kabataan Partylist, saan iyan galing? Doon galing iyan kasi na-organize na sila, na-brainwash na sila sa CPP-NPA-NDF. Kaya noong 2009 up to 2017, hinahabul-habol ako ng mga NPA dahil gusto nila akong patayin dahil titser ako, galing ako sa gobyerno. Ang gusto ko, isiwalat iyong magandang curriculum sa DepEd. Pero ang gusto ng Salugpungan, ayaw nila na malaman ang curriculum ng DepEd kasi baka matutunan ito ng mga bata at baka umiwas sa kanila at wala nang sumama sa kanila. Kasi doon sa loob ng eskuwelahan, doon hinahasa iyong mga bata, tinuturuan paano sila mag-rally, paano magalit sa gobyerno, paano mag-assemble ng armas at paano mag-tiger jump, iyong magpaputok ng armas.
At isang pinakamasakit doon, marami sa mga kabataan na galing sa eskuwelahan ng kaliwang grupo ay hindi na tumupad kung ano ang utos ng mga magulang. Marami. At marami pa dito …kahit dito sa Manila, marami nang nagreklamo na mga magulang na biglang nawala ang kanilang mga anak, iyon pala ay sumama na sa kabilang grupo doon sa kabundukan para makipaggiyera sa gobyerno.
Kaya kaming tribo, kahit takutin kami ng mga CPP-NPA-NDF, wala na kaming takot. Dapat sila ang matakot dahil marami silang violation na ginagawa sa tribo. Hindi nila mababayaran kahit gaano karaming pera ang ibayad. Kaya kami ay nagkaisa, matulungan na lang kami. Kung hindi man marinig ng gobyerno itong hinanaing namin, dadalhin din namin ito sa aming komunidad at manirahan kami. Puwede rin kaming tumayo bilang isang gobyerno doon sa aming lugar.
DATU JOEL DAHUSAY: Maraming salamat, sir.
DATU JOEL DAHUSAY: Maraming salamat po. Sana marami pa akong sasabihin, pero iyon na lang.
DATU JOEL DAHUSAY: Maraming salamat, MPC. Maraming salamat, Undersecretary Lorraine Badoy at sa ating mga guests.
##
Source: PCOO-PND (News and Information Bureau-Data Processing Center)