Statement

On the planned stoppage of jeepney operations



Nanawagan kami sa mga tsuper at mga operator ng mga jeep na huwag ituloy ang kanilang planong tigil pasada ngayon linggo.

Ginagawa ng inyong pamahalaan ang makakaya upang tulungan ang mga tsuper at mga operator sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis.

Tuloy-tuloy ang pamamahagi ng fuel subsidy ng pamahalaan. Nasa mahigit 180,000 public utility vehicle operators ang nabigyan na ng fuel subsidy, as of June 1, 2022, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board.