Ambush Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
Balita Na, Harana Pa — DZBB / By Benjie Liwanag and Rowena Salvacion
29 April 2017 (7:51 – 7:55 P.M.)
ROWENA SALVACION:          Hi Sir, magandang gabi po.

SEC. MARTIN ANDANAR:     Hi, Weng!

ROWENA:                               Yes, sir, kumusta naman—alam natin hindi pa tapos mayroon pang final message si Presidente sa press con niya later pero so, ano po ang maibibigay na pahayag ng Malacañang kaugnay ng naging pagdaraos ng ASEAN Summit sa bansa?

SEC. ANDANAR:                     So far so good. As far as the PCOO and the TV hosting is concerned. Masaya naman ang mga kasamahan natin sa media. In fact kung may nagfo- forward, handa iyong ating International Press Center. World class, very important, lalong lalo na iyong flow of information from the ‘Center’ all the way to the PICC and then handa din kami sa Hotel and then, galing o papuntang… between at dito sa Condrad—

BENJIE:                                   Sir, ano ang pinakamalaking hamon na nakita ninyo?

SEC. ANDANAR:                     Actually, Benjie, talagang timing kasi lahat eh. Timing-timing lahat, na nakarating tayo sa stage na maraming hotels, for example dito sa [indistinct].

BENJIE:                                   Tapos iyong traffic hindi [overlapping voices].

SEC. ANDANAR:                     Iyong traffic sabi nga nila eh kung dati, noong APEC isa o dalawang oras ka na mata-traffic diyan kapag dumadaan ang VIP, ngayon 8 minutes lang. Yung ang calculation ni Mr. Ramon Ang ng San Miguel. Kaya timing din dahil tapos na iyong fly-over papuntang NAIA 1 and 3, maganda! Overall ako ha, kausap ko mga international press eh masaya naman pati iyong local press. Tonight is going to be ‘Gala night’ at nakita ko naman iyong preparasyon ng NOC talagang ako ay natutuwa, nakaka ano eh, kumbaga tumatayo ang balahibo ko dahil talagang nagprepare eh. I am so proud of the preparation—

BENJIE:                                   Congratulations… pero mayroon pa tayong pinaghahandaan, iyong 50TH ASEAN—

SEC. ANDANAR:                     Opo, mayroon po tayong pinaghahandaan na ASEAN, marami pang exciting na mga pag-uusapan. Alam ko inaabangan ng media iyong Code of Conduct at alam naman natin na pinag-uusapan pa ito at hindi pa tapos, i-va-vitalized pa ito sa sampung bansa ng ASEAN, framework pa lang ang pinag-uusapan.

BENJIE:                                   Secretary, thank you very much. Maraming maraming salamat po.

SEC. ANDANAR:                     Oo, maraming salamat din sa lahat ng mga kababayan natin na nag-cooperate kasi alam mo naman, Benjie, hindi naman magiging matiwasay, hindi magiging maayos o orderly kung hindi nag-cooperate ang ating mga kababayan at maraming salamat din sa mga kababayang nag-cooperate para doon sa Widodo State visit at para doon sa pagbisita din ni Sultan Bolkiah.

BENJIE:                                   Sir, isa na lang, nakalimutan ko, idagdag ko, habol ko lang. Iyong mamaya, makakausap ng Pangulong Duterte si US President Trump…

SEC. ANDANAR:                     Opo, iyon ang naka-schedule mamayang gabi. I think about 10 o’clock pero hindi na—

ROWENA:                               Anong pag-uusapan, Secretary?

SEC. ANDANAR:                     Iyon ang hindi ko pa alam. Nandito na si Presidente. Thank you. Thank you.

BENJIE:                                   Maraming salamat.

                                                                        ###

source: NIB Transcription