President Benigno S. Aquino III’s Speech at the launching of dengue vaccine school-based immunization in Region III and Ceremonial Distribution of the Tamang Serbisyo Para sa Kalusugan ng Pamilya (TSeKaP) Medical Equipment Package
People’s Park Poblacion, Iba, Zambales
05 April 2016
 
Maupo ho tayo lahat.

Secretary Janet Garin; Secretary Mel Sarmiento; Governor Hermogenes Ebdane, Jr.; mga tumanggap ng Check Ip Medical Equipment Package; mga estudyanteng babakunahan ngayong hapon; mga kapwa ko kawaning naglilingkod sa bayan; mga minamahal ko pong kababayan: Magandang hapon po muli sa inyong lahat.

Siyempre, kada may pupuntahan ho tayong lugar, naghahanda tayo,hindi ko nahanda ang sarili kong makikita ko na naman si Lyndon Lee Suy. Lyndon, tumayo ka lang nga sandali, ito ho kasi ang eksperto sa maraming mga sakit, mga diseases, yung mga mabibigat. Nung nagkaroon ho tayo ng issue sa MERS Corona Virus,siya ho nagpapaliwanag sa akin nun. Susunod na linggo, yung sa …, di ba?Tapos, pagkatapos ho nun,Ebola. Sabi ko, “Lyndon,mahusay kang tao, marami kang tinutulong sa akin peropupuwede, saka na tayo magkita muli, dahil kada magkita tayo, mabigat yung mga problemang hinaharap mo.”

Alam niyo, baka puwede,ikuwento ko lang sa inyo para maintindihan ni,yo, ano ho ba ang trabaho ng Presidente. Holy Week ho nagkaron tayo ng abiso na meron tayong kababayan galing sa Middle East, dumating ng Pilipinas at pagkadating niya sa Pilipinas,12 oras after dumating siya, dun tayo sinabihan na tinesting siya sa MERS Corona Virus at positive raw ho siya. So yung sakit na iyon, wala pa sa atin nung panahong yun, biglang nandito na, merong may positive, ilan kaya makakahalubilo niya, yung direct — tama ba? Nung araw, yung direct physical contact para makahawa. So itong tao pong ‘to, taga-Bicol, dumating na ulitin ko, bago tayo naabisuhan nung Embassy natin dun sa pinanggalingan niya 12 oras nang nakatungtong sa Pilipinas. So sa loob ng 12 oras na yun, ilan kaya ang nagkaron na siya ng physical contact: Nakamayan, nayakap, nahalikan, yung dahil OFW di ba? Pagdating sa kanila,ilan kaya ang dumating? Ninong, dumating ka na pala, nasaan yung pasalubong ko, sabay yakap. Tapos kada isa nun na maimpeksyon, may tinatawag na geometric progression, di ba? Yung lahat naman na makakahalubilo nun, potential rin.

So, madaling salita, merong manual ang DOH kung paano magha-handle ng krisis na ito. Eksakto Miyerkules — Miyerkules Santo, nungHoly Week, karamihan ng ating katrabaho, wala na po sa Metro Manila, nagkandarapa tayo ng husto dun hanggang mga 3:30 ng umaga yata e, ‘no. 3:30 ng umaga po bagonatapos yung lahat ng plano ko ano gagawin.

Unang-una, tingnan lahat nung pasahero, hanapin lahat nung pasahero, kulang kulang 418 yung hahanapin nating katao. Pag nahanap mo yung 418, tatanungin mo na rin simula nung dumating sila, anong pinaggagagawa nila para mahanap yung — tawag dun ay contact tracing. Akala niyo, hindi ako nakikinig kasi.

Madaling salita ho, natapos yung krisispero doon ko nakausap si Lyndon sampu ng iba pa niyang mga kasama sa DOH, kasama na rin yung mga proseso sa Immigration, yung ating PNP, madaling salita, medyo na-prevent natin.Nung natapos ho lahat yan, kinalabasan naging negative na itong inaalala nating carrier,pero syempre, kailangan ng excitement sa buhay ho ng mga naglilingkod sa bayan.

Ngayon ho, yung last time ko ho dito sa Zambales, kasi nag-attend ako ng graduation nung Merchant Marine Academy.Napakahusay ho ng parada, alam ko ho dito sa Zambales e pamoso yung inyong mangga pero hindi ho ako nagpaparinig kay Governor Ebdane. Kung may sobra siya, di niya alamkungano gagawin niya, marunong ho kamingmakatanggap ng vitamins niyan, kung gusto niya. Binibiro ko matagal na kaming magkasama.

Narito po tayo ngayon para saksihan ang isa na namang patunay sa ating panata: Sa pag-unlad po walang maiiwan. Sa Daang Matuwid, inaaruga po natin ang lahat ng ating mga Boss, lalo na po yung talagang nangangailangan o yung mga pinaka-nangangailangan.

Una nga po nating pinuntahan kanina: Groundbreaking ng bagong Out-Patient Department ng inyong President Ramon Magsaysay Memorial Hospital. Sa kasalukuyan, ang PRMMH ang nag-iisang major hospital dito po sa Zambales. Dati, and abiso sa atin dumadayopa saMaynila ang ibang niyong pasyente para po magpagamot. Inaksyunan nga po natin ito: sa ilalim ng Health Facilities Enhancement Program, pinondohan natin ang pagsasaayos ng inyong ospital para makapagbigay ng agarang serbisyo dito po sa inyo sa Zambales.

Kwento ko na rin po sa inyo dahil baka ito na ho ang last time kong makaharap kayo bilang inyong pangulo. Nung ako po’y nagpunta ng Apayao, sabi sa akin ng butihing Gobernador Butch Sibul, nung araw daw ho sa kanilang lugar, dahil nasa tuktok nga ng Pilipinas, di ba? Pagandahan ng ambulansya, e napalingon ako sa kanya, siyempre curious ako, bakit naman magpapagandahan ng ambulansya? Sagot niya sa akin,”yun lang ang tsansa ngmay sakit na maitakbo sa pinakamalapit na ospital sa mga karatig na probinsya para magpagamot.” Sabi pa nga nung isang nag-testimonya,lugar raw nila napakaliblib:Walang kalsada, dadaan ng gubat, pag mamamalengke sila,kung ano ang kayang dalhin ng dalawang kamay nila, yun lang pwede nilang mabili. Pag may may sakit maglalakad dun sa gubat ng dalawang araw, kaya yung gubat raw po nila, nagmistula na ring sementaryo dun sa maymga karamdamang hindi na nakaabot ng ospital.

Ngayon po, ngayon raw ho, sabi nila, iba na, maganda na raw ho ospital nila, referral hospital na sila ngayon, hindi na sila nagpapadala kung saan-saan sila ang pinapadalhan.

Ngayon po,nung 2012 po, naglaan tayo ng 10.5 million pesos para sa renovation at expansion ng Operating Room, Delivery Room Complex ng naturang President Magsaysay Hospital, pati na ang pagbili ng mga kagamitan gaya ng mga kama sa ospital, incubator, defibrillator, at iba pa. Ngayong taon naman po, naglaan rin tayo ng dagdag na 24 milyong piso para sa pagpapaunlad ng emergency room, at laboratory. Nandiyan rin ang pagpapatayo ng bagong out-patient department, pati na ang isang 50-bed ward, para maitaas sa 200 ang bed capacity ng PRMMH. Habang tinatayo nga lahat ito, nabanggit ng ating butihing Governor Ebdane kulang. Sabi ko, “huwag mag-alala, mamayang hapon ho mangangampanya rin ako dito sa Zambales para mabilin ko sa papalit sa akin na may kulang pa dito sa Zambales na kung puwede ituloy na niya yung ating inumpisahan.”

Nung nag-uumpisa ho tayo, puro utang ang iniwan sa akin kaya ang hirap mangako. Ngayon ho, pag sinabing may kailangan, may parating may paraan at may pagkukunan tayo.

Target po nating matapos pag-upgrade nitong ospital po niyo, ngayong buwan ng Setyembre kasalukuyang taon. At iba na po siyempre magri-ribbon cutting malamang nun,pero sinisiguro nating pulido at naaayon sa pangangailangan ng ating mga Boss ang proyekto maski hindina po sa atin ang kredito basta maayos ang kabuhayan at kalusugan ng ating mga Boss. Tayo po’y kuntentong-kuntento na.

Kanina po, nakita niyo nilunsad natin ang Dengue Vaccine School-Based Immunization Program dito po sa ating Region 3. Alam niyo po: May panahon po nung araw, yung dengue seasonal, ngayon po, all year-round na. Masakit pa ho sa Pilipinas, tinanung natin, ano ba yung prevalent strains, ang sagot sa atin, all strains present in the Philippines. Yun bang sana, di ba, yun yung nung nag-uumpisa po tayo,nakausap natin ‘tong Sanofi Pasteur at one time. At sila nga nagde-develop ng vaccinena makukuhang bawasan yung debilitating effects, yung bigat nang pagkakaron ng dengue, at sabi no nila, medyo mahaba-haba pa yung proseso at talagang tuwang-tuwa tayo nung nakita natin ulit silang nagpunta sa Paris, kung di ako nagkakamali, kung saan natapos na yung mga trial at napakita yung bisa nitong mga gamot na ‘to.

Kuwento ko lang ho sa inyo, yung dengue, palagay ko lahat tayo may nakilala na nagkaron ng karamdamang dengue at nakita natin kung ano dinaanan nung pasyenteat nung pamilya,pagnagkaroon ng dengue. Siguro ho,marami sa atin may karanasan na rin na naghahanap ng dugo, hindi ba pag kailangan salinan ng dugo ang mga nagkaroon ng malubhang kaso ng dengue.

Isa ho sa personal kong karanasan,merong isang ambassador na taga-Europe at talagang sobrang minahal ang Pilipinas na gumawa siya ng pamphlet parang nagmistula siyang travel agent ng Pilipinas para sa mga kababayan niyang dumarating sa Pilipinas.Yun bang lahat ng mga tanawin na dapat puntahan, sinalin niya sa lengguwahe nila at talagang tumutulong sa atin sa tourism. Ano naman ang binigay ng Pilipinas sa kanya? Pagkaintindi ko ho, hindi bababa sa dalawang beses siyang na-dengue o kaya naging tatlo pa. Nung nag-retire ho siya, talagang mahal tayo na-dengue na siyang paulit-ulit dito, nanatili siya dito sa Pilipinas, dito na po nakatira, dito na rin po nakapag-asawa.

Palagay ko, maliwanag ho na kung imbes na magkaroon ka ng sakit e makatulong tayong mabawasan magkaroon nung sakit o kung hindi man, mabawasan yung epekto nung sakit, e napaka-importanteng pagkikilos ho yan, sang-ayon ho ba tayo lahat diyan? Imbes nadiretsuhang bahala na si batman, di ba? Ito,gagawin natin lahat ng paraan, base sa ahensiya,kung ano ang magagawa natin para pangalagaan ng totoo ang kalusugan ng ating mga kababayan.

Kanina po, kung nakita niyo dun sa presentation ni Janet, meron yung mga, anong tawag dun? Vector Eradication. Yung isa hong pinakita,yung fogging machine. Ano ba yung fogging machine? Sa totoo lang ho,ako naniniwala bubugahan mo insecticide si mosquito, pero ang totoo po niyan,kadalasan natataboy yung mosquito, ‘no. Somula dito, pumunta sa kapit bahay mo, parang yun ang epekto. Ngayon, pag nagbuga naman dun, baka balik sa iyo, so hindi ho talaga permenente yung solusyon.

So, ang inulit ulit lang po ni Janet, maganda yung prevention, yung vector,yung nagta-transmit ng disease, puksain natin. Pero kung saka-sakali, hindi naman mapeperpekto mapupuksa lahat yan, pag tayo dinapuan, paano bang gagawin para hindi maging malubhang-malubha yung karamdaman? At palagay ko ho, mas maganda na yung paliwanag ni Janet kaysa naman ako ang magpaliwanag sa inyo na mas madalas, hindi naman po ako doktor at sana hindi ako madalas maging pasyente.

Kaya naman po,mahalaga itong nakakuha tayo ng bakuna laban sa dengue. Balita natin: Pilipinas ang pangalawang bansa pa lang na nakapaglisensya nitong Dengvaxia, ang unang dengue vaccine sa buong mundo. Ang pondong inilaan po ng DOH para sa bakunang ito: malaki-laki po: 3.5 billion pesos. Isasama po ito sa listahan ng libreng bakuna sa ilalim ng ating National Immunization Program.

Kasama naman ang DepEd, DILG at lokal na pamahalaan, ipinapatupad natin itong school-based immunization: Layon nitong mabigyan ng libreng bakuna laban sa dengue ang halos isang milyong Grade 4 public elementary school pupils, edad siyam at pataas, sa NCR, Region 3 at Region 4-A. Baka maymagsabi na naman,bakit tayo namimili: National Capital Region, Southern Tagalog at saka ang Central Luzon. Porket ba yan ang pinakamataong mga rehiyon,yan uunahin niyo o sila lang bibigyan niyo dahil eleksiyon ngayon. Hindi po, dito po pinakamataas ang incidence ng dengue kaya dito siguro ang pinaka-importanteng unahin dahil dito ang pinakaraming kaso.

Ang sa atin po: “Prevention is always better than the cure.” Wala naman po sigurong tututol na di pwedeng maiwasan ang sakit, dapat lang po itong tugunan o gawin kaagad.Nagpapabakuna po tayo para maiwasan ang pagkakaroon ng karamdaman, gaya nitong dengue, tigdas, at iba. Dati nga po, limitado lang sa mga pribadong ospital ang mga bakuna. Kaya noon, kapag napunta ka sa pampublikong ospital, para bang nasasabi “sorry na lang kayo”. Kaya naman po, pinalawak po natin itong ating National Immunization Program, para maging ang ating mga pampublikong ospital, may access na sa mga bakunang ito.

Ulitin ko po, kanina maliwanag na pinakita ni Janet kung gaano katagal na avaialble ang ibat-ibang mga vaccine o bakuna pero mahal,hindimaabot ng nasa laylayan kaya para ngang bahala na lang si Batman sa inyo. Sabi po natin, walang maiiwan, ang budget ng DOH kung di ako nagkakamali, simulanung nag-umpisa tayo,nag-times three na, 300 percent increase na at ito na ho ang resulta, yang equipment na nasa harapan niyo, yung kakayahan sa bakuna,yung kakayahan ng PhilHealth.

Bahagi pa rin po ng ating stratehiyang isulong ang kalusugang pangkalahatan, ipinamahagi natin ang “Tamang Serbisyo para sa Kalusugan ng Pamilya” o TSeKap Equipment Packages para sa 132 Barangay Health Stations, 32 Rural Health Units dito sa Zambales. Laman po nito ang mga kagamitang gaya ng thermometer, stethoscope, digital Blood Pressure apparatus, glucometer set, dressing set, at nebulizer.

Sa tulong po nito, nabibigyang lakas at kakayahan ang ating mga LGU na agarang makatugon sa mga nangangailangan ng atensyong medikal. Alam po niyo nung araw, meron naman tong mga barangay health station. Meron raw pong kuwarto, may mesa, may silya, walang kagamitan — pag may kumunsulta, kuwentuhan na lang. Tinawag pang barangay health station, ngayon po kinumpleto na natin.

Mula sa pagtatayo at pagpapaunlad ng imprastruktura, hanggang sa pagsisigurong malayo sa sakit ang bawat Pilipino, tinututukan natin, hindi bukas makalawa, kundi ‘now na.’ Sa Daang Matuwid, pinapalawak at sinasagad ang benepisyo ng bawat programa’t proyekto, para ibsan ang paghihirap ng ating mga kababayan.

Halimbawa na lang po, kanina meron na tayong –ako ho yata, kailangan magpa-check-up (laughter) hindi na bale, mga ilang 80 plus days na lang po nakabakasyon na ako maski papaano. Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program po, pinalawak natin nang husto. Ang dinatnan nating benepisyaryo sa Pantawid Pamilya sa buong bansa noong 2010, nasa 780,000 lang po. Dito sa Zambales, medyomasuwerte pa kayo, meron kayong 1,111 na benepisyaryo ng Pantawid Pamilya. Syempre ho napapag isip tayo 2010 ho yun ang dinantnan natin at saka para mapapag isip …perpekto naman1,111 na benepisyaryo ng Pantawid Pamilya. Siyempre ho, napapag-isip tayo, hindi, teka muna ho, 2010 ho yun, yun ang dinatnan natin. At saka parang mapapag-isip lang ‘no, napakaperpekto naman nung numero: 1,111. Parang nung binibigyan ho kaming grado sa paaralan nung araw, yun ang nirereklamo pag hindi maliwanag kung ano yung gradong binigay sa amin ng teacher. Tawag namin,gumamit yata ng dart board, ito bibigyan ko ng A, ‘pak!’ ito, bibigyan ko ngayon, so 1,111.

Sa Daang Matuwid naman po, sinikap nating matukoy at maabot ang nasa laylayan. Yung dati po nilang nasa 1,111, ngayon po 19,433 kabahayan na ang nakikinabang sa programa pong 4Ps. Kasama po sila sa 4.6 milyong kabahayang target nating makumpleto ngayong taon. Last year po, nasa 4.4 million na kabahayan na tayo. Ayon po sa inisyal na pag-aaral, 7.7 na pong mga kababayan natin ang natulungangmatawid o makaangat sa tinatawag na poverty line.

Dagdag pa dito, pinalawak din natin ang sakop ng PhilHealth. Sa Zambales po, nasa 685,000 na pala ang saklaw ng programa; bahagi na po sila ng 93 milyong Pilipinong benepisyaryo nito sa buong bansa. Ang maganda nga po sa mga tagumpay nating ito sa Daang Matuwid, nagawa natin nang hindi nagdadagdag ng buwis maliban sa Sin Tax, na alam naman po niyo, ang layon ay paunlarin ang ating serbisyong pangkalusugan at ilayo tayo dun sa mga bisyong tinatawag.

Magbalik-tanaw po tayo: Saan ba tayo nagmula at nasaan na po tayo? Humarap tayo sa sangandaan noon: At saan ba tayo dapat nakatutok, sa sarili o sa kapwa? Ipagpapatuloy ba ang dating kalakarang ating dinatnan? O tatahakin natin ang pagpatuloy ngpagtahak sa daang matuwid?

Binigyan nga niyo po ako ng pagkakataong simulan ang transpormasyon, at sa inyong pakikiisa po, talaga namang napakalayo na ng ating narating. Pero itong mga pinaghirapan nating tagumpay, pwede pong nanganganib sa kasalukuyan lalo na po kung ang magtitimon sa atin pagtapos ng halalan ay hindi pareho ang pananaw.

Tatandaan na natin yung pinanggalingan natin, baligtad ang pananaw.

Sa Mayo, nasa inyo pong mga kamay kung magiging permanente ang pagbabagong ginagawa natin. Bilang Ama ng Bayan, simple lang ang pananawagan ko po: Suriin nating mabuti ang mga nagpepresentang maging pinuno ng bansa. Piliin natin ang may integridad, may malinaw na plano, at tunay na maglilingkod sa ating mga Boss. Sa akin po, mata sa mata, masasabi ko sa inyo, ang siguradong magpapatuloy pa at magpapalawak ng ating tinatahak na Daang Matuwid: ay atin pong mga kandidatong si Mar Roxas at si Leni Robredo.

Ang sabi nga, ang magandang kinabukasan, pinagsisikapan. Simula pa nga lang po ng ating mga tagumpay, at tiwala ako: Kayo, ang aking mga Boss, ang huhubog at magpapatuloy ng pagbabago, para makamit ang isang Pilipinas na talagang maipapagmalaki natin sa susunod na salinlahi.

Ulitin ko po, talaga naman sa ating sistemang demokratiko, pipili tayo ng mga pinuno dahil ang kapangyarihan: nasa taumbayan. Natural po sa pagpili natin, yun ang magsasabi, ano pupuntahan natin? Pag tayo bumoboto, huwag natin kalimutan, buhay natin, kasama dyan pero mas importante siguro, buhay nung mga salinlahing nakakabata sa atin na talaga naman pong tatamasa ng mas maraming biyaya o tatagal ang pagdurusa pag nagkamali ho tayo. Ako po’y tinuruan magtiwala sa ating mga Boss: Ang taumbayan. Kaya buong-buo pa rin ho ang aking tiwala ko, kayo na po ang bahala sa ating lahat.

Mdang hapon po. Maraming salamat po.