April 05, 2017 – Speech of President Rodrigo Roa Duterte during the Grand Harvest Festival of Seh Leng Agritech Corporation
Speech of President Rodrigo Roa Duterte during the Grand Harvest Festival of Seh Leng Agritech Corporation |
Nmapmci Compound, Brgy Tabacao, Talavera, Nueva Ecija |
05 April 2017 |
Kindly sit down. Thank you. May ibiro ako, huwag kang magsama ng loob ha? Joke. [Speaks Bisaya] ‘Di pag ka ako ang umalis, marinig nila ‘yung boses ko, kilala nila ako. “Mayor” “O?” “Masahe mayor.” “Sige.” Sabay, lima ‘yan. O sige kasi bayaran ko sila lahat. Kokonti lang. Token. Kasi… isa sa ulo. One day si Secretary Piñol dumating, [Speaks Bisaya]. Let’s say kaming taga-Davao, labas pasok kami sa… Ilocano, Ilonggo, Bisaya, Tagalog. ‘Di pag-umpisa ng masahe sa ulo ni Governor Piñol, governor of North Cotabato. Sinabi niya, “Sir, Ilonggo ka?” Sabi ni Piñol, [Speaks Bisaya] Nahulaan mo? Damo hangin sa ulo mo o. [laughter and applause] All over the Philippines ‘yan. Mga lalo na mga military. Dalawa lang kasi ang sundalo natin sa Pilipinas. It’s either Ilocano or Ilonggo. Karamihan niyan Ilonggo ng Mindanao, those who never really even visited not once in their lifetime. Pero Ilonggo ‘yan sila. Pareho ng Ilonggo, ng Panay pati Antique. Salita ni [Speaks Bisaya] L**** y*** na, nakalimutan ko. Ah, si Roxas. Ilonggo man ‘to Pero baka kalaban ‘yan sila. I got the support of Manny Piñol and he is a farm boy. Just about a few kilometer from the boundaries of North Cotabato, nandiyan ‘yung lugar niya Makilala. Laking ano ‘yan, Ilonggo na nag-migrate. Kabila. Walang, walang ano doon. If you are Christian, you have to be a son or daughter, or the descendant of Christians. Walang original na Bisaya, Ilocano. Lahat ‘yan nag-migrate. Ang original doon ‘yung mga Muslim. Long before Magellan arrived at Leyte at sinasabi doon sa libro na who discovered the Philippines. Eh p****** i**ng Magellan. [laughter] Siya ‘yung pumunta doon, dito tapos siya ang nag-discover na nandito na tayo noon. [laughter] Kaya I want to change history. Totoo. Should it be… nandiyan sa geography natin. We were told, mga libro ng Filipino. We are familiar with who discovered the Philippines, si Magellan. What a s***. Sino may sabi sa kanyang pumunta ka dito? [laughter] And we were under them for 400 years at tsaka ‘yung may-ari ng mga lupa dito, lahat friars, pari. And alam ba ninyo noon na kung hindi ka magsimba, those were the brutal years of oppression. Kaya tayo pinilit naging Kristiyanos. Tanungin mo ‘yung mga istorya ng pari. Pag hindi ka magsimba noon, 20 lashes ‘yan. If you failed to deliver mga itlog, manok pati bigas paluin ka diyan sa plaza. Kaya ‘yung plaza kaharap niyan government house, pati ‘yung parokya. Kasi kung maghanap ng lugar ng Pilipinas ganon. Kaya ako medyo… then the Americans came for 50 years. But we were under the Spaniards for the longest time, 400 years. Ako naman, I do not nurture any hatred but I simply cannot accept the things that they are. It should be corrected. Kagaya kami. Tama ‘yung sinabi ni Henry Lim because ang Lam sa Hokkien is Lim. Eh ang Lolo ko, ang nanay ko Mindanaoan, Maranao. Ang nanay niya, tatay ko, ang tatay niya, grandfather ko Chinese. Pareho lang kami pero okay ‘yan. Basta huwag lang ang sa bayan natin. I, maybe, come from a mixed kami na Chinese ano but kung… if it’s love of county, huwag kayo mag-ano sa akin because I am really a Filipino. Huwag mong sabihin… [applause] I am not… ‘Di mo naman kasalanan na magpuntahan dito ‘yung mga Chinese, tatay nila, descendant pero. [laughter] Ang lolo ko talagang galing ng Fujian but he was a Cantonese kaya Lam. Pero sa totoo lang, walang ibang mas Pilipino dito sa mundong ito, ako pati si Henry. [applause] kaya nung mag-usap kami doon sa China, ‘yung pagdating doon sa island but that’s another story. But I’d like to also maybe introduce to you the Presidential Adviser, si Joey Concepcion, sa Enterpreneurship, Go Negosyo. [applause] Si Mayor Nerivi Martinez, the municipal mayor of Talavera, ma’am. [applause] Nag-number one ako dito ma’am? Hindi kayo nagkamali? [laughter] Mr. Henry Lim; si Ricardo Buenaventura; [Michelle Lim Kang Ki]; the officials, members and employees of Agritech; Mayor; Governor. I’m happy to see you again; fellow workers in government, mga mahal kong kababayan. Meron akong speech. Two pages. [laughter] Let me give you a rundown of how I would read you. The rich culture and history… occasion, solidarity… Tapos na ako, one and half minute. So ba-bye. [laughter] Eh may gusto akong sabihin sa inyo. Actually gusto ko kayong tulungan. Kasi ang tatay ko pati even my Chinese ano, ang negosyo niya rice and corn. Tsaka nagbibili ng kopra, kaya siya, doon siya nagka pera kopra dealer ang lolo ko. It was my mother who had the money. Ang tatay ko walang-wala. Tsamba lang rin ‘yun na ‘yung may pera para may pera siya. And my father was also governor of Davao noong unang panahon. It was only one Davao. Ngayon it’s Davao Oriental, Occidental, South Davao, North Davao, Compostela Valley, Oriental na-mention ko na, and Davao City. My father was the last governor of isang Davao lang. Malaki talaga ‘yun. ‘Nong namatay siya, pinaghati-hati na. That’s why you have so many Davaos. All Davao except Compostela Valley which was also part of the original Davao. Kaya alam ko ang buhay ng magsasaka kasi anak lang rin ako ng mahirap. Tatay ko abugado pero… but sinwerte siya, he became Governor. 12 years. Kaya alam ko ‘yung, how to deal with ‘yung tao. Laking pulitika ako so laking… Alam ko kung ano ang… So alam ko ang kailangan ng tao. I’ve been Mayor of Davao City for 23 years. I’ve been a Congressman and I was the Vice Mayor of my daughter. Sabi ko nga kay Henry kung kilala mo si Inday, ‘yung nanuntok ng, pare-pareho nga itsura ng katawan ‘yung ganun, medyo… may laman. O ‘di kita mo ‘yung sheriff bugbog talaga. Kinalbo pa ‘yung buhok. Talaga ‘yung nahawakan niya ng buhok lahat, ubos ‘yun. Sa kamay niya, sabi ng pulis—Anyway. Hindi ninyo ako kilala pero salamat at binoto ninyo ako. I do not exactly remember… [applause] but I made the promise in some… was it in Pikit? In Cotabato? M’lang, yeah. Sabi ko, tanggalin ko ‘yung irrigation fee. And I made the promise, I think here, somewhere diyan sa, dito ‘yun eh, Cabanatuan. Sabi ko, tatanggalin ko ‘yung 5,000 na pinagbabayaran ninyo. Libre. And I complied with my promise. [applause] And the largest budgetary allotment, ‘yung Department of Education para sa mga anak natin, pati Agriculture also. [applause] So malaki, may pera talaga si Piñol. And if used properly, kung gamitin lang talaga para sa tao, uunlad ang bayan natin. Alam mo sa totoo lang, history. Ang pinaka-mahusay talaga na mautak, Marcos. And ‘yung Biyayang Dagat niya, kung hindi lang ‘yun kinorrupt (corrupt) along the line ‘nong nawalaan na siya ng grip ng power, ‘yung Biyayang Dagat pati itong Masagana 99. Talagang magandang project ‘yun but sabi ko, along the way, it deteriorated because of corruption down the line. Kaya po ako, hindi ninyo ako kilala but I made, I made about five simple messages. I did not deliver speeches during the presidential debate. Alam ko… it’s one hour and a half, rather one minute and a half. Anong masabi mo kung… kalokohan ‘yun eh. ‘Di ‘yung iba nag-speech, ‘di hindi nila natapos. Ako sinabi ko, I’m running for the presidency and here is my promise to you: First, I will stop corruption; second, destroy drugs; third is we have to stop criminality; fourth is naalala ko, tinanong kasi kami sa… I don’t know if you were viewing it at that time, but we were asked if we are willing to allow the burial of Marcos sa Libingan ng mga Bayani and I said yes. Si Binay, yes. ‘Yung iba nag-no. Why? Abogado ako eh. We do not… we do not go beyond words. Meaning… contemporary meaning of the word, you are a soldier and you are a President. By any stretch of imagination, ‘di mo masabi na he was not a soldier because he has the certification. Whether or not he was a brave soldier or not, that’s not my business. Nung Presidente. Whether or not he was a good President or a bad President, wala naman nakalagay sa batas unless he became a dictator. Sinabi lang sundalo pati Presidente. ‘Yun lang ang. So I, sabi ko, yes I will allow. So I’m… economics sabi ko. Hindi masyado akong marunong diyan sa Economics, 75. [laughter] Hindi ko maintindihan ‘yang, ‘yang graph graph na ganon, nahihilo ako. Sabi ko ayaw ko ‘yan. So sabi ko, abogado lang ako. I was a prosecutor before I became Vice Mayor. Sabi ko, diyan ako mahusay. Economics, I will just assemble the brightest of the brightest. But ito, si Piñol, valedictorian ‘yan. Totoo. Piñol he graduated valedictorian ‘yan. totoo ‘yan. Tugade, classmate namin. He’s an Ilocano from sa Tugegarao. Valedictorian rin ‘yun. Vit Aguirre from Quezon, cum laude. Sonny Dominguez is my childhood friend sa Davao, from kindergarten to college kami. Kaya lang mayaman sila, nag-aral sila sa labas. Lahat ‘yan. Pernia, he’s a professor sa Economics sa UP. Briones used to be the National Treasurer. Si Taguiwalo, left pero mautak. Si Mariano sa DAR. Sabi ko, bilisan mo ‘yang land reform kasi suportado kita. Ako, dahan-dahan lang. 75 pero nakakaakyat. Hindi naman kailangan maging 84 para ma… tama na ‘yan diyan. Eh kung mag 92 ka tapos 75, diyan ka rin eh, 2nd year, 3rd year, 4th year. So ano pang… bakit ka nagmamadali? Nakalimutan na natin ‘yung inuman pati babae minsan [laughter]. Dalawa ang asawa ko. Inyo, tag-isa lang? [laughter] maniwala kayo. Kayong mga asawa, maniwala rin kayo? [laughter] Sigurado ‘yan. Kaya ‘yung si Alvarez, sabi na i-disbar. ‘Yan ang problema diyan sa pasok ka ng pasok. Si Alvarez is Ang. Chinese ‘yan. Si Speaker. Taga-Davao ‘yan eh. Ang nanay niyan Calagan, it’s a Muslim. Wala, walang… mag-asawa ka ng lima, anim, eh di wala kang pakialam. Totoo. Hindi ako nagbibiro. Kaya ‘yung pasok ka ng pasok, ipa-disbar mo kasi… Hindi ka nagtatanong sa buhay ng tao eh. Kaming taga-Davao, alam namin. Kaya nung tinanong ako anong masabi mo diyan sa away nila ni Tony Boy? Sabi ko, hindi man babae ang pinag-awayan niyan. Lalaki. [laughter] Hindi nila alam kaya pinagtatawanan sila. That’s why Alvarez is taking it nonchalant, parang baliwala. Eh talagang hindi mo mahabol ‘yan. His father is Ang. Ang ‘yan diyan sa amin at ang…. Marami diyan na ano hindi lang ninyo alam. Eh ako, pero Pilipino kami. Pag sinabi mong ibang citizenship ko p***** i**, patayin talaga kita. Pilipinong-Pilipino ako. So ‘yung corruption ho. I just fired the other night, diyan. Nagka-Cabinet meeting kami. After the meeting, after the legal opinion of my office was passed on to me, ang sabi ko, ‘You’re fired. You’re fired tonight.’ Eh sabi ko, ang sabi ko sa taong bayan, walang corruption. May dalawang brod na akong… dalawang Deputy Immigration Commissioner. I have fired 92 [LTFRB] pati LTO. Eh matatanda na, sabi ko, wala na lang publicity kasi ‘yung anak ninyo, may doctora ka, may abogado, let’s leave it that way but just resign and umalis na lang. Sinabi ko walang corruption. ‘Yung sa NIA, he was with me in 1988 when I became mayor. Nag-Presidente na lang ako, nandoon pa siya. Doon pa siya… ngayon pa siya nagkalat. I have to fire him. Tinitingnan ko ‘yung budget ng NIA, it’s 150 billion. Now, if you start to f*** with the money, malaki ang mawawala talaga sa gobyerno. Sabi ko no corruption maski piso. Pakiusap ko lang sa inyo, if you are ready to join me then sabayan ninyo ako. Ako, I’ve been mayor for 23 years. Nandoon na— marami akong mali. Maraming akong but of the matter pero yung p****** i** nakawan ng pera, wala talaga ako. I never lost an election. I started as vice mayor tuloy-tuloy pagka-Presidente. Ang masama lang niyan, kaya dito sa Cabinet, puro sila bright. Valedictorian, maniwala kayo pero ‘yan sila, lahat sila Tugade, sila Vit Aguirre, bata-bata ko lang [laughter and applause]. 75 is the best.[laughter] Ganyan lang ang buhay. Pero pag nandito na tayo, tapos na ‘yung inuman. But if you ask me if I’m happy really, I’m not because I should have not. But andito na lang rin tayo, trabaho na lang. If you ask for another statement, I would say that I do not need it at this time of my life. 72 na ako. No more ako, wala na. Hanggang tingin na lang sa ano. [sings: Malayo ang tingin] [laughter and applause]Hindi na makapag-ano, wala naman. Alam niyo, ang lolo ko na Intsik, talagang Chinese-style. Sabi ko, ‘yung magbakasyon ako doon sa Iligan, Marawi ‘yung sa lola ko. Sa Iligan meron ‘yung sa school space tapos every Friday may mga sayawan ‘yan. ‘Yung bahay namin, kaharap ‘yung eskwelahan. So may dalawang rocking chair, paupuin niya ako doon sa tabi niya mag rocking chair niya. Manuod kami doon sa program ‘yung ribbon na blue, ribbon na red [laughter] tapos piliin mo ‘yung ribbon, magsayaw ka sa babae. Ribbon na yellow. Ganyan ang mga Bisaya, ang titigas ng mga dila ang p***. [laughter] Pero ako Bisaya ako. Matigas din ang dila ko. Huwag ninyo ako tanungin, ‘yung iba lang. Ayun. Tapos sabi ko sa lolo ko, “Lo, sino ‘yung pinakamaganda diyan?” Sabi niya, ‘sige tingnan mo.’ Tapos tinitingnan ako doon sa mga nakaupo sa stage, mga trono nila. Sabi ko, “Pare-pareho man sila, lo. Naka makeup lahat eh.” Sabi niya, “anak, kung nandiyan ka sa crowd, ang babae na may gusto sa iyo, ‘yun ang pinakamaganda. Huwag ka na mag-ambisyon sa iba kung walang gusto sa iyo, puro dada talaga ‘yan.” [laughter] In a crowd, kung sino ‘yang nagkagusto sa iyo na boboto, iyon ang iyo. Pero kung mamili ka tapos wala namang gusto sa iyo. Dito sa.. wala talaga akong… Hindi ako aatras dito sa… it’s a sacred obligation between me and the voters, Filipino voters. It is a contract. ‘Yun ang una ko, no corruption. There will be no corruption sa… Maski sa airport lalo nang returning OFW, ‘yung mahirap. Pinagbawal ko sila na mag open ng bags. So mag travel kayo, diretso na. You know, pag deplane ng luggage dadaaan ‘yan ng bodega sa baba. Aakyat na lang ‘yang parang escalator or conveyor or whatever it is, then it goes to a conveyor na umiikot. Sa baba pa lang, kung may kontrabando na ‘yan diyan, nakikita na ’yan kung may shabu diyan o may baril. Kaya pagdating sa itaas, ‘yung mga bagahe, it’s about pang hingi lang eh. Kayong magpunta sa airport, umalis kayo, there’s no more. At saka may naririnig paako sa Immigration. Sabi ko sa kanila, magkamali ang isa diyan, supervisor, lahat, alis. O isang window diyan nagkamali, anim, tapos naghingi o nag-ano, alis kayong lahat. So with the police, so with everybody there. Wala kayong patawad lahat, doon kayo sa Jolo. Kasama kayo doon sa mga pulis na g*** p***** i** nandoon sa Basilan. Wala akong pasenya diyan. So ‘yung mga OFW natin na, ‘yun pa naman tuloy na dapat tulungan mo, dapat hindi mo istorbohin, iyon pa ‘yung ginag*** mo. Mas mabuti pa tirahin mo na ‘yung mga milyonaryo diyan, oligarchs. Paduguin mo. Wala akong pakialam diyan. ‘Yung mga elite, they won’t find the sanctuary noon na basta sa kanila kung sino lang ang malakas, ‘yun. Mga bidding. Pagka kaibigan mo ‘yan, sa kanya ‘yan. Tapos i-subcontract niya, laway lang ‘yung capital. It will not happen during my time. Kung talagang oligarch ka tapos may makinarya ka, equipments ka, okay. Kung oligarch kang palaway-laway ka lang, kaya hindi ko tinatanggap ‘yang mga ‘yan magbisita-bisita. Mag appointment. Sino ‘yan? Sabihin mo wala, sabihin mo patay na kanina pa. [laughter] Inatake. Kasi kapalit ‘yung tawag. Eh alam mo na. They are trying to reconnect ibang. Huwag ninyo akong g***hin. Now dito sa droga, isa pa ‘yan. Sabi nila patayan, totoo ‘yang patayan. Prangkahan ko kayo lahat. It will not stop until the last day of my term. Until all the drug lords dito, ang pusher dito marami rin. May mga pulis rin dito. Hanggang mamatay kayo, hindi ito matatapos. You know, bakit ako nanalo? Anong base ninyo? Tatanungin ko kayo, nag-number one man kaya kayi. Bakit kayo bumoto sa akin? Hindi naman ninyo ako kilala, hindi naman ako taga rito, hindi ako taga-Luzon. Mayor lang ako ng small town, in the corner of Mindanao. Bakit ako nakakuha ng 15 million? 16 million? Ang 6 niyan ang majority ko over Roxas. So what does that mean to me? Tanungin ko kayo ngayon tutal nandito na rin ako. Bakit ninyo ako binoto? Nagpabola kayo? [laughter] Naniwala kayo sa isang bolador? O bakit? Simple lang ang mensahe ko. Walang corruption. P***** inang droga na ‘yan, talagang tatapusin ko ‘yan. That’s my contract with you. Tatapusin ko talaga ‘yan. P***** i** itong mga drug lord na ito, yayariin ko talaga kayo. L***** kayo. Itong droga pag walang nagpu-push eh hindi ito matatanggal sa warehouse. Pero habang nandiyan ‘yan, na tumatakbo, nagpapabili, pag nandyan ang dalawa, disgrasya ang Pilipino. Four million addicts. What am I supposed to do with it? Sige daw kayo. Now na out of the 4 million, sabi ng forensics, constant use of shabu 6 months or more would destroy the brain of the person. Why? Because shabu causes the brain to shrink. And when it is shrunk, rehabilitation is no longer viable. So dito sa 4 million, may makita ka man diyan, makausap kayong mga bangag diyan, bangag is wala na. Tingnan mo kung sumagot. “Ah andoon ako sa park kanina ganon.” Tapos biglang ma-realize niya na paganon-ganon na siya, umiiyak. ‘Yan ang realization ng ano. So ilan ang mga kababayan kong ginawa ninyo na mga p***** i** kayo, ginawa ninyong slaves. Mabuti pang magbili ka na lang ng slaves sa African markets, slavery doon, the slave market of Africa and the Middle East, mapakinabangan mo pa ‘yung tao. Kasi hindi dira ‘yung ulo, mautusan mo pa magtrabaho. Itong slaves na kababayan ko, kadugo ko, anong ginawa ninyo sa kanila? Explain to me why you made them crazy and become or they became slaves to a drug, a chemical known as shabu. Mas maswerte ang Amerikano kaya ‘yung kanila cocaine or heroin. But cocaine or heroin is a by-product, a derivative of poppy. Opium. Ito, chemical talaga ito. Ang tubig ginagamit niyan acid, acid ng baterya ng inyong sasakyan. Kaya sagutin mo ako ngayon. Kaya sabihin ng Human Rights eh p***. Kayo isa pa kayong gunggong. Bakit ninyo ipakulong, ito si De Lima, siya ‘yung lahat kanya? Ako ‘yung makulong. Ibang klaseng babae ka. Itong mga pari, hindi na lang kayo, hindi na lang ninyo inisip ‘yung 4 million na Filipinos. Then you grieve for how many? Ilan ang patay dito? Ilan ba ang napatay ninyong pulis? Ilan ang patay niyo dito lahat? ‘Yung mga adik? Huwag kayong… nagtuturuan kayo. [laughter] Wala nang mag-amin. Ibig sabihin solohin ko na ito lahat? [laughter] No. Sila, this is my order to them. Go out and hunt for them. Arrest them if it is possible. But if you are confronted violently, placing your life in danger, patayin mo, patayin mo. And that is my order to you and to the military. That is why ‘yung sabi, ‘yung Albuera mayor sinalvage. Sabi ko, p****** i** hindi ko pabayaan ‘yan. Ang sabi ng pulis may… but hindi… You know, the Department of Justice is under me. Si Vit Aguirre. Brod ko pa ‘yan. Kita ninyo hindi ko pinakialaman. Aguirre decided to file murder charges. Wala akong… Sige, file. Trial tayo. Walang problema ‘yan. Hindi ako nakikialam lang, nagdududa kayo na. I play fair. Ako, batas lang talaga. Ngayon, trial? Trial sige. I-convict ninyo. O convicted. O sino ‘yan Sabi, ‘Sir, convicted na si policewoman,’ ‘yung maganda diyan. Pa-transfer ko kayo sa Davao. [laughter] Pag ganon convicted, o ito. I-pardon ko. Ako may isang sentence ako diyan sa Constitution. Sabi ko, saan ba ako maka-ano nito. May Ombudsman, may Human Rights, may pari, lahat na, NGO. Pardon. Under the Constitution. Abogado man tayo. The President shall have the power to pardon a convict. Absolute or conditional. Pag convicted, ibig sabihin, ibigay mo sa judge. Pagkatapos ng basa, you’re hereby sentenced to prison to serve life. Bigay mo pardon, ayan. Absolute. Restored to full and political and civil rights. Another order, reinstatement with one rank higher. Ayaw mo pa niyan? Mag-baril ka na diyan. Kaya maghintay sa promotion ng ano, matagal ‘yan. Pumatay ka na nga diyan para… lalo na drug lord, major ka. Two ranks higher. [laughter] Kaya sabi ko sa taga-Maynila, hoy mga u*** kayo. Hindi ako ‘yung Presidente na taga-rito ha, na kayo lang ang namimili every election, kayo lang namimili diyan, Liberal, National. Ito Presidente natin, tawagin ‘yung mga mayaman. O ilan ang inyo, mga Taipan, o 500, one billion. Ako wala. Wala akong utang na loob. Ako, prankahan ko kayo. Number 1, malaking ano Lucio Tan. I never received the money. I’ll tell you publicly. Hanggang to the last day sa Davao nag-habol siya. Sabi ko [waves his hand]. May negosyo ka sa gobyerno ‘yung airport. Atin man ‘yan. ‘Yung PAL airport. That’s government owned. Lahat ng building diyan. You just pay, pay on time and pay the correct. Kaya wala akong… makatawag sa akin, politiko wala rin. There’s no… sabi ko, ni isa sa inyo hindi nagsuporta sa akin. Eh wala talaga eh. Ang mayor ko tatlo lang. Si Abet, si Imee, pati may isang babae na congresswoman sa Mindanao. Nagbaliktad siya last minute kasi siyaay mahal ko noon. [laughter] Hindi na kami nagmahalan ngayon kasi may asawa na, matagal na ‘yun. Pero bumaliktad talaga. I got 100,000 ang majority ko sa probinsya niya. Kaya iyan. ‘Yang drugs na ‘yan hindi matatapos ‘yan patigasan ‘yung mga pari, NGO, patigasan tayo. Gawin ninyo, sabihin nila mag-coup d’etat raw alisin ako. Fine. Sabi ko nga sa military, halikayo dito, linya kayo diyan. Sinong gusto mag-junta? Kayo? O sige. Raise your hand, I, I, now a member of the junta governing the Philippines. Sige solve the problem ha, mag-uwi na ako sa amin. Bahala kayo diyan. Sabi impeachment, impeachment, eh ‘di sige. Alam mo pagka-Presidente ko kasi, maski kayo nagtaka. In a sense that what’s very surprising to me now is that I was told that I got the number one slot. So… it was a destiny. So when I won, I went to my mother’s tomb, sa tatay ko, sinabi ko, ‘Ma, tulungan mo ako. Bakit ako naging Presidente?’ Wala man akong pera. PDP is a very… it’s a moribund political party but I won. So it does… what does it tell me? Maybe God says, I will make you President but only for one year. Okay lang. God says that I’ll make you President but you will be assassinated. Puputukin ‘yung helicopter, ‘di sige. ‘Yan ang swerte ko. God says that, you’re only up to two years because you’ll be ousted, then that is part of my destiny. For after all, I became the President by destiny. So wala akong ano. I cannot even fathom really why I got the six million. Magsabi ka lang mga two million. Kung sabi mo, ang majority mo six million, nanalo ka pa dito sa Talavera. Remind me, gawaan natin sila ng international airport dito. [laughter and applause] Pati ano malaking pantalan, Bong. [laughter] May dagat ba dito? Wala. Biro… Eh kung may dagat dito, kung wala, pagawaan natin ng dagat. [laughter] Para makabayad naman tayo sa utang na loob. Traktorya. I will… I’ll buy as many as needed. ‘Yung mga tractors, bilan ko kayo, pati abot ako ng Basilan, bigyan ko ng, mga ano ng… Nakaawa din sila. Kaya sabi ko noong nahuli si Jack Lam, Lam pareho ng apelyido ng lolo ko ‘yung g *** na ‘yun. Hindi nagbabayad ng buwis. Pinaaresto ko nung gabi. Mabuti’t na lang nakaalis na siya. I was reading the briefer ganito ‘yan eh. Every night may magdating talaga sa akin, dala-dala ng policewoman, anong nangyari sa araw na ‘yun. Maski dito kasi may military, may mga taga-ISAFP kung anong sabihin mo, lumalabas talaga doon. Itong Lam na ito sa isang party diyan sa.. he was talking as if everybody was in his pocket. Mayabang ito… Tawagan mo, sabi ko sa NBI, hulihin mo. “Sir wala mang demanda.” “Ah basta hulihin mo.” Eh kasi kung magtanong siya kung anong kasalanan niya, ‘di patayin mo. ‘Yun ang kasalanan mo, nagtanong ka. [laughter] Imbes wala kang kasalanan, tatanong-tanong ka diyan. Tapos sabi, matigas lang ito si Dulay. He’s also an Ilocano. ‘Yung kasama ko sa dormitoryo ‘yan. Ang magka-roommate niyan si Bello pati si Dulay. Sa isang kwarto, dito kami sa harap kami ni Yasay, pati ako. But Yasay was ousted because he was lying before the Commission… Ewan ko kung it was an intentional lie. Alam mo, kilala ko si, taga-Davao ‘yan. He was wanted during sa martial law, kaya sumibat ‘yan, and maybe he was given papers, passport because he submitted himself to the jurisdiction of the United States by way of sanctuary… ang tawag nila sa… refuge… So refuge, a political refugee kaya napunta yan. In the manner really hindi masyado ako na… Kaya lang, ang presentation kasi niya iba. Talagang sumibat ‘yan. Dumating ‘yan sa America, nagsabay sila ni Maceda sa isang law office. I know that because once upon a time, nagbisita rin ako doon. I went to their law office. ‘Yan ang totoo. Sabihin mo na outright. Talagang pumunta sa but refuge. Napilitan eh, to seek sanctuary. ‘Yun ang… so balik tayo dito sa, diyan sa corruption pati droga, wala tayong atrasan and I will continue to fire people the moment, the first whiff. Maamoy ko lang maski na hindi totoo, you’re out. Hindi man kasi mag-generate ng ano ‘yan, loose talks among… Pag natanong ko ang isa tapos, eh abogado ako. I was a trial lawyer, wala naman akong ipagyabang. I was handling trial work for nine years. Hindi mo ako mabola. Marami akong nabola pati kayo kasi nag-number one ako dito. [laughter] Pero may pangako ako. Simple lang man. Itong bayan natin uunlad and we will be able really to feed the millions of Filipinos. [applause] Gamitin ninyo ‘yang sa pera sa husto at ‘yang assistance para sa inyo, dadating talaga. Ang maasahan ninyo ‘yung taxes ninyo aabot talaga sa inyo. Ibabalik ‘yan. ‘Yan ang tay,a ko sa inyo. As a matter of fact, I really, I’m still, I was appalled, may isang undersecretary, ni-review niya lang ‘yung decision ni Jason Aquino na dinala ‘yung importation. Eh istorya-istorya na gustong magbigay. And it was appealed doon mismo sa Malacañan. So part of the Office of the President ‘yan. May isang undersecretary na babae, hold over ‘yan, pagusapan namin sa chopper kanina. Sabi ko, “Anong mukha ko na iharap sa mga farmers?” na why would we allow importation to compete with the local product? [applause] Hanggang ngayon, hindi ko mabasa anong ginawa nilang rason. Of course hindi natuloy kasi binara ko. Subsequently, sabi ko stop. Ngayon, there’s a free trade agreement… Kaya mo rin import ganon rin open market na tayo. But you know you have to protect the Filipino. Paano ‘yang tulong ng gobyerno kung hindi nabibili ‘yun because there is a competition mas lower in price. Eh di para akong g*** dito. Bakit pa ako magbigay sa inyo ng mga bagay-bagay tapos ‘yung produkto ninyo, hindi naman nabibili kasi mas mataas ang presyo because simply the production is not taking into account even ‘yung human– Kaya sabi ko kanina papunta ako dito, pa-landing sabi ko tawagan mo Malacañang, sabihin mo she’s fired. Pangalawa siya. May isa pa, may dalawa pang undersecretary. So bale at the end of the day, mamaya meron ng mga lima in a week. Eh hindi ako magdadalawang isip, maski kaibigan kita. Ako, sabi ko, I never lost a case. I’ve been with government since as a fiscal, lahat-lahat na, almost 50 years. Sarado na ako. Hindi na ako makatakbo. This is my last hurrah. Wala naako diyan sa mga palakpakan mga mabuhay. I’m through with that. Tapos na ako niyan. It does not… there’s no added value. Para sa akin… hindi niyo ano ‘yun, pero para sa akin weala na ‘yan. Ang akin na lang trabaho. I’m 72. In about… alam mo, sino bang walang sakit dito na 72 years old? Liars. Ibig sabihin healthy kayo lahat? Ako 72. In about five to seven years, I go out. Tapos na ako diyan sa, sa lahat maibigay na. Nakuha ko ng lahat ang gusto ko. So it does not really matter whether I continue to be President for six years or five years plus or I make the exit tomorrow. Wala na, tapos na ako. Ang pagmamahal ko sa mga sweethearts ko kung ipagpatong-patong mo ‘yan, kung computed ‘yan, aabot ng Luneta. [laughter] Mine, you know, when I was a Mayor, I was just criticized na ako diyan sa patayan sa Davao. Kaya ang Davao, napunta man kayo ng Davao? Matino ang Davao, malinis. Walang… lakad ka ng gabi, walang gagalaw sa iyo. You know, sabi ko sa kanila, look do not… that’s nitpicking eh. Hindi naman talaga ako pumapatay na gusto… tao na nakaluhod naka… Bwisit. Sinong gustong g*** maggawa ng ganon? Kaya sabi ko, I take care of the law and order but my task, my mandate is to build the city. Dito ngayon, I’m the President, I am tasked to build a country. So therefore the beginning and end of my… or my term or personality is really public interest. I have to preserve the Filipino people. Kung lulungin ninyo sa droga ang mga anak namin, ‘yun yun, ang mga durugista. Sunugin mo nga ‘yung– [laughter and applause]. Kaya sabi nga nila… ito si Duterte mag-martial law ‘to kasi… martial law powers, habeas corpus. Kung sa Bisaya, pawalang brin [brain] [laughter] You know it’s all there. I build a nation. I have to protect and preserve the Filipino people. I have to maintain the integrity of the Filipino nation. Alam niyo saan ko kukunin ‘yan? Dito. That I, Rodrigo Duterte do hereby solemnly swear that I will protect and defend the Filipino people. [applause] Hanggang diyan lang ako. Maraming salamat po. — END — |