April 08, 2016 – Interview of Sec. Coloma – DWFM – Radyo Singko
INTERVIEW OF COMMUNICATIONS SECRETARY HERMINIO COLOMA, JR. |
DWFM – Radyo Singko / All Ready by Orly Mercado |
08 April 2016 |
ORLY: Iyung Kidapawan hearing, alamin natin ang posisyon at sasabihin sa ating nang isang napakatalinong tao; here’s the Presidential Communication Operations Secretary, Communication Secretary Sonny Coloma. Hello Secretary Sonny, good morning. SEC. COLOMA: Magandang umaga, Orly. ORLY: Matagal-tagal na kitang hindi nai-interview. Masyado kang busy kasi eh. Kaya salamat sa iyong pagsagot sa aming tawag ngayong umagang ito; at ikaw eh importante sa amin para makapag-paliwanag ng ano… unang-una, naka-usap namin iyung mga nagrereklamong mga tao tungkol doon sa… iyung mga farmers groups doon sa Kidapawan hearing kahapon. Ano ba ang posisyon ngayon ng Malacanang tungkol dito sa isyung ito at ano sa tingin ninyo ang dapat pag-ukulan ng pansin sa… with this brewing issue of this encounter doon sa Kidapawan? SEC. COLOMA: Unang-una, Orly ano, salamat sa pagkakataon. Ang dapat nating isaisip dito ay iyung kahalagahan na matugunan ng tuwiran yung mga pangangailangan ng ating mga mamamayan na apektado nitong El Nino. Dahil kung tutuusin, Orly, sila ay kabilang sa pinakamaralita at pinakamahirap at dahil dito pinaka-vulnerable; sila po ay madaling tamaan ng epekto nitong El Nino at kailangan talagang bigyan natin sila ng kalinga at proteksiyon. Iyung unang manipestasyon ng El Nino ay iyung tag-tuyot, iyong tag-tuyot nagdudulot ng ito ng kakulangan ng pagkain – dahil nga iyung tinatanim ay hindi tumutubo at hindi nagbubunga. Kaya iyon po ang tinutukan ng ating administrasyon noong pang August 2015 ipinag-utos na po ni Pangulong Aquino sa Gabinete na tutukan at bigyan ng pinakamataas na prayoridad ang usaping ito; kaya po lumikha ng El Nino Task Force sa Gabinete. Mayroon pong isang task force na… well, ang pinaka-coordinator po dito ay iyong NEDA. ORLY: Ah, NEDA ang nagko-coordinate. SEC. COLOMA: Oo NEDA. At sila po ay bumuo ng isang road map to address the impact of El Nino, ang acronym nga po ay “RAIN.” Kasi iyung ulan ay ito ay isang malaking sagot sa El Nino. Kaya po pinag-aralan po iyong—nagkaroon po ng assessment at iyong pong pinakahuling assessment – nag-submit po sila ng report noong March 18, bago pa po maganap itong pangyayaring ito – at nag meeting po ulit noong nakaraang linggo. Kaya kung maari lang, Orly, we can focus on just two indicators… ORLY: Okay. SEC. COLOMA: Iyung isa ay iyung sa food supply. Iyung food supply kasi, di ba, kung tumataas ang presyo ng bigas o ng food items, ibig sabihin mas mataas ang demand kaysa sa supply kaya tumataas. Pero ang behavior po ng presyo ng bigas at ng mga basic food items ay naging stable naman po nitong past month, simula noong pagpasok ng El Nino. Iyun nga pong rice prices ay bumaba ng halos 2% at declining consistently since 25th October 2015. Iyon naman po sa gulay — simula po ng beginning of this year, 2016 — bumaba na po ng 8% ang presyo ng gulay. So doon lang sa dalawang indicator na iyon makikita naman natin na over-all stable naman ang prices nitong mga kinakain ‘no ng ating mga mamamayan – bigas at gulay. ORLY: Okay. Secretary Sonny, bakit nagkaroon ng ganiyang Kidapawan incident? Kung ganoong sa inyong paliwanag, partly sa survey at nandoon iyong mga government programs, etc. Why did we have this incident? SEC. COLOMA: Magandang katanungan din iyan, Orly, sapagkat kahapon doon sa Senate hearing. Isa sa tumestigo doon si Governor Emmylou o “Lala” Taliño-Mendoza at nilahad niya iyong mga datos ‘no, na sapat naman, may pondo iyong provincial government, mayroon silang supply ng rice from NFA. Sapat po lahat sila sa lahat ng aspeto. Kaya lang kapansin-pansin ayon kay Governor “Lala” Mendoza na tila maraming—marami tayong mga kababayan mula sa malalayong lugar ‘no, mas malayo pa sa Kidapawan o sa North Cotabato na nagtungo doon at lumahok doon sa protest action doon mismo sa kalagitnaan ng Davao-Cotabato Highway at ito ngayon iyong nagbunsod doon sa kahilingan na dapat ma-clear iyong National Highway dahil apat na araw na itong… ORLY: Hindi madaanan. SEC. COLOMA: Hindi madaanan ng mahusay ‘no, gumagamit ng mga side road. Masyado po namang naaantala rin iyong daloy ng tao at mga kalakal doon din sa lugar na iyon. Ngunit mainam din na maipunto, Orly ‘no, na bagamat on the whole, doon sa big picture po, natungunan naman ng pamahalaan. Hindi naman po natin na maikakaila na maaaring sa ilang lugar… ORLY: Mayroong pagkukulang.. SEC. COLOMA: Mayroon po talaga. Example po ‘no, mayroon pong sumulat sa Inquirer Cebu, pinagbigay-alam sa akin ‘no, ito’y isang miyembro ng kaparian, noong Holy Week ay nandoon siya sa isang barangay sa isang bayan ng Davao Occidental, nakita daw niya iyong manipestasyon ng tag-tuyot. Nakita niya na iyong mga manok daw ay namamatay, kulang sa feeds, mga ganoon ‘no. Eh ang sabi ko maraming salamat at pinagbigay-alam ninyo dahil kailangang malaman pa ng pamahalaan kung saan iyong mga lugar na kulang o hindi pa naaabot ng serbisyo ‘no. Dahil batid naman natin iyan, Orly ‘no, kahit naman malawak ang sakop ng gobyerno, hindi naman kakayaning 100 percent all of the time ‘no. Mayroon namang talagang hindi aabutan; mayroong maaantala ang paghahatid ng serbisyo doon o mayroong — siguro sa hindi naman sinasadya — na-overlook talaga. So, mahalaga talaga na malaman iyong mga konkretong reyalidad para mapunan po natin iyan, dahil paulit-ulit nga pong pinapaalala sa atin ang apektado dito iyong pinakamahirap at pinakamaralitang pamilya at hindi po tayo puwedeng—hindi po puwedeng maantala iyong paghahatid ng kalinga sa kanila. So, iyon po ang tinututukan ng pamahalaan sa ngayon. ORLY: Sa isang banda mas mahirap iyang trabaho ninyong iyan na it’s complicated doon sa Budget department. Mayroong kampanya, mayroong election eh. SEC. COLOMA: Isa pa iyon na, Orly ‘no. Eh iyon ngang isa pang ulat diyan ‘no. Nakita daw na iyong mga nagpunta na galing pa sa malalayong lugar ay lulan ng mga 10-wheeler trucks. Eh, hindi naman biro-biro ang arkila sa 10-wheeler truck. Ibig sabihin na siguro nahaluan na rin ng politika ‘no. Dahil hindi naman dapat nangyari; hindi naman dapat kasangkapanin iyong El Niño o iyong dinaranas ng ating mga kababayan at lalo’t higit hindi naman dapat na linlangin sila ‘no. Dahil marami po doon sa kwentong—doon sa testigo mismo ‘no ng mga kababayan nating lumahok doon. Iyong DWSD po kasi, ayon kay Secretary Soliman, nagconduct ng mga stress debriefing sessions ‘no doon sa lumahok. At marami sa kanila ang sinabi daw ay bibigyan sila ng bigas, kaya dapat daw ay magpunta sila roon. Wala naman pong ganoong pinapangako iyong gobyerno ng North Cotabato, dahil mayroon na po silang procedure… ORLY: Okay. SEC. COLOMA: At ginagawa po nila ito at the local government level. Hindi naman po iyong ganyan na maramihan, libo-libo. Eh sigurado pong hindi maayos kapag ganoon ang naging usapan. ORLY: Maraming salamat Secretary Sonny Coloma. Thank you very much for answering our call. SEC. COLOMA: Maraming salamat at magandang umaga Orly. |
SOURCE: NIB-Transcription |