April 10, 2016 – Interview of Sec. Coloma – DZRB – Radyo ng Bayan
INTERVIEW OF COMMUNICATIONS SECRETARY HERMINIO COLOMA, JR. |
DZRB / Balita at Panayam by Alan Allanigue |
10 April 2016 |
ALAN: (RECORDING CUT) … epekto ng El Niño sa agriculture sector sa ating bansa. Any reaction tungkol dito, Sec. Sonny, sir?
SEC. COLOMA: Batay sa ulat ng El Niño Task Force sa pagdinig ng Senate Committee on Finance noong nakaraang Biyernes, Abril 8, naibsan sa pamamagitan ng iba’t ibang programang ipinatupad ng pamahalaan ang epekto ng tagtuyot sa aspeto ng pagiging sapat ang supply ng pagkain at sa pagpapanatiling stable ang presyo ng mga pangunahing bilihin. Kabilang sa mga hakbang ng El Niño Task Force na nakapaloob sa kanilang inihanda at pinapatupad na Roadmap to Address the Impact of El Niño – ang acronym dito ay RAIN – una, pagbibigay ng kaukulang production support sa mga magsasaka gaya ng irrigation at pamamahagi ng binhi sa mga non-vulnerable at mildly-affected na lalawigan; ikalawa, napapanahong pag-angkat ng NFA ng buffer stock ng bigas; at ikatlo, pagpapatupad ng price freeze sa mga lugar na nagdeklara na ng state of calamity. Ito po ang bahagi ng ulat ni Socioeconomic Planning Secretary Emmanuel Esguerra ng NEDA, ang tagapangulo ng El Niño Task Force: While drought usually entails low production leading to high agricultural product prices, inflation data show that prices of food, particularly rice, have been low and stable in the past months. In fact, for March 2016, despite the El Niño phenomenon, rice prices remain lower than in the previous year (-1.7% in March from -2.0% in February) and have been declining consistently since October 2015. Likewise, the price of vegetables, while remaining elevated since November 2015, has trended down after peaking in January 2016, declining by 2.9% in March 2016 from the previous months, for a total decline of 7.8% since the beginning of the year. Supply and buffer stock management is being done well with timely purchases. Moreover, despite the lack of water, there were no reported breakout of diseases and epidemic, though we do not discount that there could still be health issues in some places. The food inflation has been in check since also to the borne out by hunger data from the Social Weather Stations or SWS surveys conducted from December 5 to 8, 2015. The average hunger rate for the period at 13.4% is the lowest annual average hunger rate since 2004. Iyan po ang ulat ni Secretary Esguerra. At bilang pandagdag pa po, ayon din sa El Niño Task Force, mas lalo pang pag-iigtingin at palalawakin ang ipinapatupad na mga hakbang sa pamamagitan ng mga sumusunod: Una, pagpapahusay ng distribution system sa mga lalawigan at mga bayan upang masiguro at maayos at epektibong pamamahagi ng supplies at pagpapatupad ng mga support program ng mga lokal na pamahalaan; ikalawa, pagpapalawig at pagdaragdag ng suporta sa mga apektadong magsasaka sa pamamagitan ng emergency employment at cash-for-work program; at ikatlo, pagpapahusay ng koordinasyon sa pagitan ng mga ahensiya at mga lokal na pamahalaan upang higit pang mailapit ang serbsiyo at tulong sa mga apektadong pamilya. ALAN: Opo. Secretary, sa ibang usapin naman po. Ni-report po ng Commission on Elections na natapos na nila ang pag-imprenta ng mga balota na gagamitin po sa eleksiyon sa susunod na buwan. Any reactions from Malacañang tungkol dito, Sec? SEC COLOMA: Malugod po nating tinatanggap ang balita ng Comelec hinggil sa pagtatapos ng paglilimbag ng 56.9 milyong balota na naisagawa sa loob lamang ng apatnapu’t siyam na araw (49 days) o 18 days ahead of schedule. Nalagpasan nito ang mga naunang record na naitala noong 2013 na kung kailan ay nakapaglimbag ng limampu’t dalawang milyong balota sa loob ng limampu’t pitong araw. Pansinin natin, Alan, ang nailimbag ng National Printing Office na balota para sa 2016 elections ay 56.9 million ballots o 8% ang paghigit doon sa bilang na 52.3 million ballots na nilimbag noong 2013. At iyong bilang ng balota na kanilang nilimbag noong 2013 ay labing-apat na porsiyentong mas mababa, pero mas mabilis na natapos ng National Printing Office ang paglilimbag sa loob lamang ng apatnapu’t siyam na araw. Malaki ang magiging ambag ng pagkumpleto sa pag-imprenta ng balota sa pagsisiguro ng maayos at nasa takdang oras ng pagsasagawa ng pambansang halalan. Mayroong maliit na bahagi nang tinuring natin, Alan, ay isasailalim pa sa kaukulang beripikasyon. Ganunpaman, masasabi natin, katulad ng ipinahayag ng Comelec na ang pagwawakas ng paglilimbag ng balota ay pagpapatunay sa mabungang pag-uugnayan ng Comelec at National Printing Office. Ang National Printing Office or NPO ay nasa ilalim ng ating tanggapan – ang Presidential Communications Operations Office. So iyon nag hinggil sa paglimbag ng mga balota, Alan. Meron pa bang kaugnay na katanungan hinggil sa halalan? ALAN: Opo, tungkol pa rin PO sa eleksyon, Secretary Coloma. Any feedback at kumusta po ang isinagawang overseas o isinasagawang overseas voting, which actually started kahapon po, Sec. Sonny, sir? SEC. COLOMA: Tungkol naman sa overseas absentee voting, ayon sa ating mga natunghayang ulat, naging matagumapy ang pagsisimula ng pagboto ng humigit kumulang isa punto tatlumpu’t walong milyong (1.38 million) migranteng Pilipino o overseas Filipino sa iba’t ibang panig ng mundo. Nakikiisa po tayo sa Comelec sa kanilang hangarin na mas maraming bilang ng ating mga kababayan sa ibang bansa ang lumahok sa halalan at itaguyod ang kanilang karapatang bumoto. ALAN: Opo. Sec., mayroon ding report coming from the United States na nagsasabi na mayroon pong karagdagang $40 million na tulong sa aspeto po ng depensa dito sa atin sa Pilipinas galing sa US, gaya po nung inanunsyo ni Defense Secretary Carter? SEC. COLOMA: Antabayanan natin ang opisyal na kumpirmasyon hinggil sa balitang iyan na manggagaling sa ating Department of Foreign Affairs at Department of National Defense sapagka’t ang iyong binanggit, Alan, sa ngayon ay batay pa lang sa ating natunghayan sa isang news wire agency report. Magkagayon pa man, anumang tulong na ipaaabot ng Estados Unidos na ating strategic partner ay tiyak na makapagpapataas sa antas ng kakahayan ng Sandatahang Lakas pagdating sa aspeto ng national defense at humanitarian assistance at disaster response, alinsunod sa mga prinsipyo ng Mutual Defense Treaty, Visiting Forces Agreement at Enhanced Defense Cooperation Agreement sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos. ALAN: Well, Secretary Coloma, sir, maraming salamat po muli sa mga updates mula sa Palasyo, Sec. SEC. COLOMA: Maraming salamat at magandang umaga, Alan. |
SOURCE: NIB-Transcription |