April 12, 2016 – Interview of Sec. Coloma – DZRB – Radyo ng Bayan
INTERVIEW OF COMMUNICATIONS SECRETARY HERMINIO COLOMA, JR. |
DZRB / Balita at Panayam by Alan Allanigue |
12 April 2016 |
ALAN: Secretary Coloma, sir, magandang umaga po.
SEC. COLOMA: Magandang umaga, Alan. ALAN: Yes, sir. Base po sa impormasyon na ipinarating sa inyo ng mga operating units natin, ano pong latest, Secretary Coloma, sir, sa operasyon diyan po sa Basilan? Iyong pagtugis doon sa mga Abu Sayyaf at mga kapanalig nila, sir. SEC. COLOMA: Patuloy ang pakikipagpalaban ng ating mga tropa sa mga bandidong Abu Sayyaf. At kailangan lang maunawaan ng ating mga kababayan na ito ay continuing operations na noong isang taon pa, last quarter of 2015, ay inumpisahan ng pag-igtingin ng ating Armed Forces, dahil nga mahalaga na mapanatili ang seguridad ng ating bansa at mapigil ang mga kriminal na gawain ng mga grupong ito. Kaya’t ito ang buod nung nagaganap ngayon sa Basilan, Alan. ALAN: Opo, okay. Well, Sec, sa ibang usapin naman po. Makahingi rin po kami ng reactions from the Palace ano ho. Meron pong inilabas na statement o forecast actually itong World Bank. At sinasabi ng World Bank na base sa kanilang projection nakikita nila na 6.4% growth pa rin ang projection nila sa Pilipinas para ngayong taong kasalukuyan. Reactions tungkol dito, Secretary Coloma, sir? SEC. COLOMA: Ikinagagalak natin, Alan, na ayon sa World Bank ang Pilipinas ay isa sa pinakamabilis at progresibo ang pag-unlad sa mga darating na taon, dahil sa forecast ng World Bank ang ating ekonomiya ay lalago ng 6.4% sa kasalukuyang taon at sa 6.2% naman ng GDP growth forecast nila for 2016 at 2017. At dahil dito kung ihahanay sa mga bansa ng ASEAN, tayo ay magiging isa sa pinaka-fastest growing economy sa ASEAN sa susunod na tatlong taon, Alan. SEC. COLOMA: Isa nga iyan sa mga elemento para sa taong ito. Pero kapansin-pansin ay iyong forecast nila na maipagpapatuloy pa ito sa 2017 at 2018, kahit na wala nang eleksiyon. Kaya nagpapakita lamang na tumitibay iyong pundasyon ng ating ekonomiya at nagiging attractive ang ating bansa sa pamumuhunan at iyong ating mga macro-economic fundamentals ay nagiging mas matatag pa, kaya’t ito ang nagbabadya sa mas maunlad na kinabukasan para sa ating bansa. ALAN: Opo. Dito po sa mga ganitong mga projection. Ano hong sektor ang nakikita ng Palasyo na talagang magpapatuloy pa rin sa pag-unlad at magiging factors talaga sa patuloy na paglakas ng ekonomiya ng ating bansa, Sec. Sonny, sir? SEC. COLOMA: Alan, kaakibat ng mga forecast na ito, iyung ating pagnanasa na makapagbigay ng mas mataas pang antas ng kalidad ng buhay at iyong paglikha ng mas marami pang trabaho; iyon ang buod ng ating ginagawa para paunlarin ang ating ekonomiya: iyong paglikha ng marami pang oportunidad sa paggawa ‘no at paghahanapbuhay. Nariyan iyong sa manufacturing sector na sinisikap nating ma-expand muli ito, dahil mataas nga ang multiplier effects nang manufacturing. Nariyan din iyong sa mga traditional exports oriented industries natin, tulad ng semi-conductors at nariyan din iyong sa services sector — iyong turismo at iyong IT-BPO, iyong Information Technology-Business Process Outsourcing. Maraming pinanggagalingan ang forecast na maganda ang ekonomiya. Pero ang focus din natin kasabay niyan ay iyong paglikha ng mas marami pang hanapbuhay. ALAN: Opo at nabanggit po ninyo, Secretary, ang paglikha ng dagdag na mga trabaho para sa ating mga kababayan. Panahon nga po ng graduation ngayong buwan ng Abril at marami na namang magjo-job hunting sa darating na mga araw. Base po sa reports na galing sa mga concerned agencies natin, Sec., kumusta po ang pag-a-address ng pamahalaan dito sa noon ay lumitaw na mismatch sa pagitan po ng mga skills na dapat taglay nung mga nag-a-apply vis-à-vis iyong mga trabaho naman na available sa iba’t-ibang areas sa bansa, Sec. Sonny, sir? SEC. COLOMA: Meron tayong programa para magkaroon ng job matching. Tinutugma natin iyong mga skills at kaalaman ng ating mga kabataan na nagtatapos sa paaralan sa pangangailangan ng industriya; ginagawa ito ng ating Department of Labor and Employment at ng TESDA. Kaya nga’t doon din sa reporma ng K to 12 — isa sa panibagong aspeto ng ating sistemang pang-edukasyon — ay doon pa lamang sa senior high school level nag-o-offer na ng technical-vocational track. Iyong mga interesado na matuto kaagad ng mga employable skills, maari nilang kunin iyong technical-vocational track, Alan, at ito iyong maglilikha ng kaalaman at kahandaan para agad silang makakuha ng trabaho. ALAN: Opo. Okay. Well, Secretary Coloma, sir, muli nais po naming magpasalamat for the updates from the Palace, sir? SEC .COLOMA: Maraming salamat at magandang umaga, Alan. |
SOURCE: NIB-Transcription |