INTERVIEW OF COMMUNICATIONS SECRETARY HERMINIO COLOMA, JR.
DWFM – Radyo Singko  / All Ready by Orly Mercado
27 April 2016
 
ORLY: Secretary Sonny, good morning.

SEC. COLOMA: Magandang umaga, Orly.

ORLY: Mabigat itong ating problema dito sa Abu Sayyaf. Ano ba ang masasabi ng Malacañang tungkol dito sa pagpugot at ano ang ginagawa para mabigyan ng hustisya ang pamilya ni John Ridsdel?

SEC. COLOMA: Puspusang nagsasagawa ng joint military and law enforcement operations ang ating mga tropa ng AFP at Philippine National Police sa Sulu, Orly, para ma-neutralize iyong mga elemento ng Abu Sayyaf Group. Ang mahalagang maunawaan ng ating mga kababayan at ito: Ang ating kalaban dito ay maari nating bansagang “opportunist mercenary groups” na scenario sapagka’t ginagawang kalakal itong kidnap for ransom — hihingi ng mga malalaking halaga at iyong nakukuha nila, iyon din ang ginagamit nilang pangtustus sa kanilang patuloy na paglabag sa ating batas; at oportunista, sapagka’t nagtatago sila sa likod ng iba’t-ibang bandera.
Kung maalala natin, nung mga nakaraang panahon ang kanilang ini-idolo ay iyong al-Qaeda, Osama bin Laden. Ngayong wala na iyong si yung bin Laden at al-Qaeda at ang umangat naman ay iyong ISIS, gusto naman ay ISIS sila.

ORLY: Identified sila roon.

SEC. COLOMA: Oo. Kaya itong… kumbaga eh branding ito ‘no. Kapag sila ay branded na ISIS eh siyempre mas mataas iyong antas ng pananakot na maari nilang maisagawa sa kanilang mga criminal activities. Kaya’t dapat talagang pagtulungan natin — nang pamahalaan, nang mamamayan – na mapigil na ang mga lawless elements na ito, Orly.

ORLY: Ang balita ay ang hinihingi nitong Abu Sayyaf ay P300 million kada biktima doon sa kanilang kasalukuyang hawak nilang mga kinidnap nila sa Samal Island.

SEC. COLOMA: Kaya nga ang tamang bansag sa kanila ay mersenaryo.

ORLY: P300 million. Ang balita nga ay merong na-raise na kaunti pero hindi umabot, it was nowhere near P300 million. Kaya it’s really depressing. Talagang sabi mo nga eh, parang ano lang eh — pinugutan tapos tinapon iyong…

SEC. COLOMA: Kinakalakal nila, at dapat talaga ay hindi na mamayagpag ang mga lawless elements na ito, Orly.

ORLY: It was really blatant… na pugutan tapos ilagay sa plastic bag iyong ulo, tapos doon sa Jolo bumaba, tapos eh itapon. Talagang blatant, talagang walang pakialam.

SEC. COLOMA: Walang habas.

ORLY: Bakit ba… merong mga siyempre nagtatanong, bakit hindi ninyo masukol iyong mga taong iyan sa kanilang mga ano?

SEC. COLOMA: Ginagawa ng AFP at PNP ang nararapat, Orly. Hindi lang tayo puwedeng mag-disclose at may ongoing operation. Ngunit unawain din natin na iyong operasyon nila isinasagawa din nila ito sa mga matataong lugar at meron ding mga mountainous areas doon. Meron ding… makakapal din ang forest doon sa lugar na iyon, meron silang familiarity in the terrain. At ginagamit nila iyong ‘fish and water concept,’ dahil nga nakukuha nila iyong suporta nung mga tao sa lugar na iyon. Kaya’t iyong pagkubkub sa kanila ay hindi ganoon kasimpleng bagay.

ORLY: Oo. Dahil sa kung may pera, iyan naman ang problema, kung nababayaran din ang ransom — bagama’t meron tayong opisyal na posisyon na we don’t have… the official policy is hindi nagbibigay ng, we do not condone paying ransom. Pero the realities nangyayari kaya meron nanaman silang pantustos sa kanilang mga komunidad. Iyan ang the irony of it all.

SEC. COLOMA: Iyong ang reyalidad na ating kinakaharap. Sa kabila niyan ay puspusan pa rin ang pagtugis sa kanila at ang ating isinasagawa ay para maiharap sa hustisya ang mga kriminal na kumikitil ng buhay, Orly.

ORLY: Mabigat ang impact nito sa ibang larangan. Kasi somehow I presume with Tourism and all… balik na naman itong ano eh, I’m sure this is international news, hindi ba?

SEC. COLOMA: Ganoon nga, Orly. Kaya nga’t ginagawa ng pamahalaan ang nararapat para makubkub ang mga lawless elements na ating tinutugis sa ngayon.

ORLY: So… are we confident na we will be able to—the objective ba ngayon ay para to be able to save itong… meron pang naiiwan doon, hindi ba? Apat sila hindi ba? Ang pagkaka-alam ko nung una apat sila, tapos may Filipina, ganun ba iyon?

SEC. COLOMA: Merong isang Norwegian, iyong may ari ng resort sa Samal Island; meron pang isang Canadian at iyong kanyang Filipina partner.

ORLY: So ang objective na ngayon ay mailigtas at makuha ng buhay.

SEC. COLOMA: Ganun pa rin ang layunin, Orly, ma rescue ang mga kidnap victims.

ORLY: This is really a top nut pero it needs the support of the whole country para malutas natin itong problema finally. If I may change a little bit, sa kasalukuyan ano ba ang tingin mo sa mga nangyayari on the political, on the campaign trail. Ano ba ang comment mo sa latest surveys na inilabas ng SWS at ng Pulse Asia?

SEC. COLOMA: Medyo… pardon the term, medyo nakakahilo ng kaunti dahil hindi katulad nung dati na may espasyo sa pagitan ng mga survey reports. Ngayon eh halos araw-araw ay lumalabas na mga ulat — merong commissioned, non-commissioned, merong gumagamit ng cellphone, may gumagamit ng face to face. In general kasi, Orly, iyong mga surveys na ito, iyong mga preferences na hinahayag sa surveys, ayon na rin sa Pulse Asia at SWS ay may impluwensya iyong nai-uulat sa ating mass media — ang ating mga balita sa telebisyon, sa radyo at pahayagan. Kaya’t iyon siguro ang makikita natin, masasaksihan natin sa nalalabing 11 days na lamang yata bago mag-election o 13 days na lang. Tayo ay 27 na ngayon, tatlo at saka walo – 11 days, May 9. By the way nga pala ano, mabuti napapaalala mo iyong eleksyon. Meron nang nailabas na proclamation hinggil sa pagiging special non-working holiday ng Lunes, May 9, election day. Marami kasing nagtatanong tungkol dito at iyon ay ating natunghayan na, nakapagpalabas na tayo ng proklamasyon.

ORLY: May proklamasyon na si Presidente na non-working holiday, special holiday.

SEC. COLOMA: Meron na Orly.

ORLY: On May 9, okay. So at least wala nang excuse na hindi bumoto.

SEC. COLOMA: Dapat lang ay lumahok tayo sa pagboto, piliin natin ang mga pinakamahusay na kandidato na maaring mag-exercise ng tamang pamumuno para sa pagpapatuloy ng pagbabago ng ating bansa, patuloy na kaunlaran ng ating kabuhayan.

ORLY: Thank you very much Secretary Sonny Coloma, Presidential Spokesperson. Thank you.

ORLY: Maraming salamat. Magandang umaga, Orly.

 
SOURCE: NIB-Transcription