Speech of President Rodrigo Roa Duterte during his talk to the troops of the Joint Task Force (JTF) Sulu and major services under the Armed Forces of the Philippines (AFP)
2nd Marine Brigade HQ, Kuta Heneral Teodulfo S. Bautista, Jolo, Sulu
12 August 2016
Let me begin my just giving you a very simple story and how war would affect our lives. Ang nanay ko po ay mestiza, Maranaw, ang lola ko Maranaw,; lolo ko Chinese, iyong galing talagang Xiamen, but my father is a Cebuano. We traced our lineage from the father, so Cebuano ako, but I never stayed there for a moment. Then ang anak ko iyong Vice Mayor ngayon nag-asawa yan ng Moro lady – ang nanay niya Maranaw, ang tatay niya taga-dito, Tausug, Sangkola ng Jolo.

Alam mo noon pa when I was a prosecutor nasasaktan ako na makikita ko iyong giyera na especially iyong dito, iba iyong sa Communist Party of the Philippines. May mga pinsan ako na MNLF noon diyan sa Lanao and I would always say, kailan pa ito matapos itong giyera na ito? Because basically walang tao na gustong pumatay at mamatay. Ang problema nito may mga tao na gusto nila ang ibang paraan, just like the Communist Party of the Philippines kunin nila… ayaw ng eleksyon kundi force of arms. Iyon ang diperensya. Because we really do not believe in killing people just to get control of government. You have to have… sino ba naman ang maniwala na maging Presidente ako? But that’s how destiny of this planet go. And dito naman sa ano… alam nila iyong mga Moro na ang anak ko mga Tausug kaya lang may diperensya tayo.

So ang trabaho ko when I became President was really to seek peace not war. At inumpisahan ko na kaagad iyong peace talks pati iyong mga tao dito, pati kay Nur – kilala kami matagal na – I’ve been telling him, Nur, can we just talk about tapos maghanap tayo ng paraan kung papaano? So with the Communist Party of the Philippines. As a matter of fact wala ngang nakakaalam, not even Secretary Lorenzana, bigla na lang silang na-surprise that I will declare a truce. Iyon gusto kong ipakita sa kanila na without their urging, without their asking for it binigay ko na kaagad to show good faith na gusto kong mag-usap tayo ng mapayapa.

Nag-iba ang isip ko because one day sabi ni Secretary of Defense marami namang nangamatay mga sundalo at injured seriously because of getting blind. Sabi ko, anong klase ito? So I decided to lift. Pasok agad sila ng statement na sana kagabi pa man sana i-ceasefire na rin namin. Ay sabi ko, huwag mo akong lokohin. So iyon na yun.

But we are still pursuing the talks with or without Sison. Dito ready na kami, I don’t know, but it would come within this month. Like sila Dureza and the guys na sa government panel to talk to Nur at kung maari isabay ko na lang kasi magastos iyong isa’t isa. Pwede namang iyan in the discussion – half of the discussion with Nur and half the discussion would be with the MILF. So sabi ko in the meantime huwag ninyong… do not. But the problem is itong Abu Sayyaf or I really do not know whose identity for what, kasi hindi naman – I have been talking to Nur, sabi niya, sige lang but hindi ko kasi kaya itong mga ‘to minsan.

Well, anyway sabi ko, those who want to destroy us then you have to destroy. We not only fight, we destroy. Kay kung hindi wala namang mangyari e, wala naman sa usapan. Ako, anytime I can sit down and talk peace to them. And anytime I can request the Armed Forces of the Philippines to just stay put. Ang problema sila.

Itong mga komunista kung if it is to their favor Geneva Convention – treatment of prisoners. Pag hindi sang-ayon sa kanilang fighting stance using the landmines, walang Geneva Convention. Sabi ko kung ganoon kayo ay wala talagang kapayapaan ito, sabi ko. You started the war 45 years ago, do you want to continue for another 45 years? Sabi ko kami sa gobyerno gusto namin, e kayo?

Kaya kayong mga taga-Tausug, mga taga-Jolo – alam naman ninyo iyan maski saan – lahat ang Tausug sa Davao may deputy mayor; lahat tinutulungan ko doon kasi ayaw ko ng gulo. At iyang marinig ko na inaapi-api kayo, gusto ko tabla tayo. E ako may dugong Moro, kung iyon naman siguro naintindihan ninyo iyan, at pwede ba tayong mag-usap? In the meantime we do not fight but pag inatake iyong mga sundalo ng gobyerno, e wala akong magawa. Kaysa kami iyong mamatay, di kayo na lang.

Mahirap man yan na sabihin ko sa kanila na patanga-tanga ka lang diyan kasi may ceasefire. So you have to be very vigilant, of course, the soldiers of the republic. And sa lahat ng bagay na kailangan ninyo para manalo kayo ibibigay ko. Sa panahon ko wala kayong problema. Okay na ang bayan natin sa akin. Hinahabol ko na lang ang droga. Kasi diyan sinisira talaga ang aming…

Iyong mga overseas workers namamatay sila sa trabaho, papadala ng pera dito, akalain nilang nag-aaral iyong anak niya – they think that it is spent for education – long before they knew na nalulong na pala sa droga or biktima ng durugista, either hold up, rape.

Di ko kasi maintindihan ito minsan ang sitwasyon natin. But I would not want to criticize again anybody. I will just… actually I’m just giving a retort of what I heard. But I’m sorry I not ready to…

Pero ito lang along the way, sabi nila same count, sige sila count diyan – 1,000 na halos ang namatay. Bakit, ilan ba ang Pilipinong inosente na namatay in the wake of this drug crisis?

Ako sa Davao talagang sinabi ko pag ika’y durugista, holdupper, kidnapper – talagang papatayin kita. At talagang pinatay ko. Huwag na tayong magbolahan diyan. And Davao was able to grow a little bit. It is now a progressive city. Na-maintain ko iyong control, even now na Presidente. Mabuti naman si Inday iyong anak kong naging mayor at least iyong mga hold. E di happy kasi kaming lahat doon – Maranaw o Tausug – because they can go to me anytime. I have this connection with them though maski kaunti lang. Ang mga anak ko, ang mga apo ko Tausug pareho. Isang linya ng ano ko Tausug. So ayaw ko makipag-away sa inyo, kung maari mag-usap na lang tayo.

I hate, of course, to kill people, but pag naunahan ang mga tropa ng gobyerno, e mahirap iyan.

Pero if there’s anybody more interested in this Philippine ngayon, especially peace with the Tausug ang the rest of Mindanao – ako.

Wala na sigurong Presidente after me na maka… unless you elect a Moro President. Sana panahon na. Pero sabi ko para makauwi na lang itong mga tropa, maski ganoon sila, they enjoy the peace of the land, they can go back to their families. Pati sila worried iyan. May mga pamilya naiwan iyan. E ba’y nandoon ang drugs sa Maynila ang pinakamalakas and even in Mindanao. So everybody is under-stressed. Mag-isip pa sila dito kung ano at paano nila gawin ang trabaho nila; mag-isip pa sila doon na iniwanan nila ang mga pamilya nila. Inaakyat ang bahay, nire-rape, ginapatay iyong mga bata, kung hindi inaatsa.

So I pose this question: ilang namatay sa itong giyera na ito sa droga? And, ilan na ang namatay nitong rebelyon sa Mindanao?

Mag-usap na lang tayo then we can have a demarcation kung ano ang gusto ninyo. But we cannot return to you iyong…

Kasi napunta kami ng Mindanao tatay ko but binata pa, nakapag-asawa ng Mindanaoan. Hindi na kami pwede… mga Kristiyanos dito wala nang mauwian doon. Migrants na iyan e. So we have to understand each other for after all only because of religion dala-dala ng mga Espanyol. Ang Islam dito sa Mindanao, but Islam was ahead, was ahead almost 65 to 70 years – ang Islam nandito na sa Mindanao. Naintindihan ko iyan. Wasakin man ninyo, na inaagaw sa inyo – hindi. Hindi aagawin iyan kasi hindi… nandito na kami pinanganak. Ano ba naman ang kasalanan namin?

So I would like to appeal to all that we stop this war. I’m pleading para wala nag-dugo. I will talk to you. Nahiya nga ako hindi malabas sa kampo but I have a briefing and I have to take off because kailangan mag-take off ako may araw pa. Ay wala man ang… I cannot even provide you with a…

If you agree for a peace, I will lengthen the runway and make it operational day and night. Iyan ang sinasabi ko sa inyo. And I will bring the Arab investors here para wala kayo masyadong dynamics. I-guarantee mo lang ako na gusto na ninyong maghinto sa away at mag-usap tayo.

But lastly also I address myself to you directly. Wala kayong problema – lahat ng kailangan ninyo that would place you in a superior position to do your war, you will have it. As long as we are at war (applause) wala kayong problema. Lahat ng hihingin ninyo – inyong ospital bago lahat – MRI, iyong baric. Baric – it’s a machine na iyong matagal na na you know when you are not extracted easily kasi may bakbakan pa at you are… may gangrene na medyo umiitim na, you can just… meron na iyan doon sa ano. And I have placed the… mga jet ko binigay ko na sa Armed Forces sa inyo. Iyong jet ko ambulance. Even if there is only one patient ilipad kayo, use the plane. Iyong Fokker ng Presidente iyan. Kayo na ang sumakay lalo na kung kayo ay kailangan ng medical attention – you can have it. Ako mag-commercial na lang ako. Okay ang commercial. Wala namang problema e, ini-inspeksyon naman lahat e. So what’s the problem? Security risk? How can that be? May x-ray nga diyan e. Delikado ka lang kung buksan mo iyang pinto ng eroplano tapos lumundag ka doon. Ay hindi na problema ng piloto iyan. Problema na iyan ng Presidente na…

So I’m here to assure you na I’m renovating your one big building original sa medical center ninyo. And I’m putting up another one. You have four state-of-the-art na… karamihan sa inyo kidney e. Sa alat iyan kasi minsan gulay lang nilulubog ninyo sa ano para masarap. So kailangan ninyo iyong kidney iyong laser, wala nang ano. May nakita ako niyan iyong laser light, makikita mo doon sa monitor pumuputok iyong bato.

Iyong sakit na sa utin da, putang ina, (laughter) pa-injection ka na sa doctor mo. Mawakig ang puta… ano ba, bata, ayaw kaya magbili ng condom? Ayan, iba yun. Mahirap iyong may kati ka ng ganun, kamot ka ng kamot barilan diyan.

So I said you’d not be wanting, there will never be a time magsabi napabayaan ang Armed Forces, hindi nabigyan nito o hindi nabigyan nun; and even in the art of fighting, your equipments will be there. And we will have more of that. Sabi ko kay ano, bilhin mo kailangan para superior ang fighting natin including the spirit.

So iyan lang ang mensahe ko. Trabaho lang tayo for this republic. Iyon naman mga tao talaga ang nagbabayad sa atin. And at the same time before I leave, I reiterate my commitment for the Moro people, to the Tausug na gusto ko po matapos ang giyera na ito at makauwi na rin ang sundalo – may mga pamilya rin sila. At maghintay na lang tayo ng giyera sa China, baka giyerahin tayo ng mga gago. Mahirap iyan. Medyo wala tayong missile pero hand-to-hand kaya. Hindi iyong puro siyagit na lang (PRRD screaming). (laughter) Kita ninyo mga kung fu- kung fu? You know, China has state-of-the-art… nakikinig sila dito sa akin real time. E marunong na iyan, mayaman na. They have this electronic…

Kaya sabihin ko na lang sa inyo iyong droga, iyong mga nagsibatan nandoon na sa China. So there’s a digital map there. May mga ano kami pero wala kaming mukha, pangalan lang. Pero what you see. Iyan sila ang nagdi-direct, tawag lang nga pag-on niyan makikita na nila ang mapa. I-zoom-in mo sa Tondo, Pandacan; o ipasok mo diyan iyong may tindahan diyan o, tapos kunin mo iyong pera mamya sa… tabi ng City Hall may kotse doon ang… o how do we fight that? Punta tayo ng China. E kung ready na kayo ngayon alis na tayo, punta na tayo dun. Kung kaya natin. What you know it’s not the…

Kaya sabi nga ni… Ramos will… tanungin mo na lang sa mga sundalo kung paano ako na Presidente? Ramos said na ganito ang gawain natin being the statesman of the Republic of the Philippines. I had a soft landing sa judgment na ganun, wag mo masyadong ano. Hindi tayo apurado na makipag-giyera. Apurado tayo na makipag-usap.

So with that I have to fly home. I have about a few minutes of life to take off. If you happen to… by the way, iyong mga medal of valor ninyo – I met one in Bulusan medyo iyong kamay niya hindi na masyado maganda – binigyan ko siya ng magnum 357, ginawaan ko siya ng holster dito, kasi ang draw niya dito na. So sabi ko mag-practice ka. Kasi iyong isa medyo… iyong dalawang medal of valor ninyo bigyan ko rin ng mga… iyang mga caliber na iyan hindi na yan…. Parang collection – collection ko iyan matanda na ako. Wala na, nawala na sa akin iyong ano. Trabaho na, mamatay ako sa trabaho nito. Wala na – I’m 71 years old. Binigay ko na nga sa mga anak ko, but if you, ibigay ko.

Ang sunod na medal of valor taga-rito magpadala rin ako ng bagong baril at ipahiram ko sa inyo iyong girlfriend, ko one month lang. Huwag mong ipasa sa iba. Ang sundalo ba naman, putang ina, all for one, one for all, nabuang na. (laughter) Huwag diyan. Hindi kasali iyan. Ano lang iyan, sabihin ko na ito maskig anong klaseng mukha niyan pagka medal of valor guwapo iyan, magandang lalaki iyan. Huwag kang mag-alala. Totoo. One sidearm na maganda at iyong girlfriend ko na medyo matanda na lang ito, iyong bago akin lang… (laughter)

Maraming salamat po. (applause)

* * *