Aug. 31, 2016 – Speech of President Rodrigo Roa Duterte during the repatriated Overseas Filipino Workers from Al Khobar, Kingdom of Saudi Arabia
Speech of President Rodrigo Roa Duterte during the repatriated Overseas Filipino Workers from Al Khobar, Kingdom of Saudi Arabia |
Arrival Immigration Area, NAIA Terminal 2, Pasay City |
31 August 2016 |
Magandang umaga po.
You know, ‘nong umpisa pa lang ito, pag—nung nag-assume ako ng office, gusto ko ng pumunta doon kasi nababasa ko na ‘yung—lumalala ng lumalala ‘yung problema as each day passes by. Last two weeks ago, sabi ko sa kanila, I will leave for Riyadh within 72 hours. Hanapan ninyo ako ng eroplano kasi—pera. Actually, you have to inform the Embassy of Saudi Arabia. But for the nuances, hindi naman niya sinabi “huwag.” Ang totoo, sabi nila na okay man. Hindi ka naman kailangan pumunta dito kasi lalabas na wala naman silang ginagawa, kailangan pumunta pa ako. Parang hindi maganda tignan. So inassess namin ‘yung sitwasyon. Hindi naman sila nag-ayaw. Pero sabi nila, kaya lang postpone your trip for a better time. Eh sabi nga nila, tinutulungan ko naman lahat. So I send several officials of—workers in the government. I—pinadala ko si Bebot. Sabi ko: “Bot, mauna ka na.” Then, Yasay was also there and in addition, I commissioned Mamondiong, isang Maranao, pati isang brod ko na Maranao rin. Si Mamao. So sabi ko, “tulungan ninyo doon lahat ‘yung mga kababayan.” But we are ready—or anytime, pag kailangan, sabi ko, nag-okay ang PAL pati Cebu Pacific that they will send immediately, upon notice, eroplano. Sabi ko, walang problema. Now, kung meron pang gustong umuwi dito, lilipad uli ‘yung eroplano na ‘yan. Kaya lang, gusto kong magpakita sana doon, magpapapel. Sinabi nila, “huwag”, kasi hindi naman sa talagang desperate ang situation at may mapapahiya. So, sabi nila, huwag na muna. Gusto kong pumunta talaga doon, noon pa. Mabuti’t na lang, dumating naman kayo. Ayos naman ang kalagayan ninyo, except for one or two who died. Well, I’m sorry for that. Ginawa man namin ang lahat ang magagawa namin. But we have the money, we have the contingency and we have the means or resources to do it. Ngayon, it’s just a matter of time and motion. Kailan tayo aalis, tapos gaano katagal pabalik dito, na paikut-ikot para madala kayong lahat dito. We are not so bad actually naman—ang ekonomiya natin. Maghihintay-hintay lang kayo ng—bigyan mo lang ako konting panahon. Aayusin ko lang ang ekonomiya, at ang—may opportunity for you to work here. We are not really exceeding the expectations, but we are on target sa ating growth. We have hit a phenomenal of 7, but it’s not something to crow about, we have to do more. And, kung paano natin pabilisin para marami ‘yung pumasok negosyo, just like in Saudi Arabia. Maraming mga negosyo doon, investments. Kaya lang tinamaan tayo ng bagsak ng oil. Alam mo kasi pagka ‘yung negosyo mo dependent sa oil, ‘yan ang problema eh. So, ang volatile diyan, itong langis. Otherwise, it could be very hard to get and at times there’s a glut. And even if there’s trouble, sumusobra naman ‘yung gasolina. So it has affected, pagka hindi na kumikita ‘yung negosyo, ‘yun ang mangyayari. So ngayon, take time to reassess yourself. Maybe you can—we are starting to—saan si ano? Itong small—Medium and Small Enterprises. Nag-uumpisa na ako. Binuhusan ko ng pera ‘yan. Makahiram ka but you have to go the Department of Trade, mahusay ang tao diyan. ‘Yung nagdala nga ng Go, Go Negosyo noon. Makahiram ka ng pera at makapag-start ka ng negosyo mo. But I really do not know the wherewithals of how to get it, how many persons should be granted. Pero meron ‘yan. Take advantage of it. It’s for everybody, ‘yung small scale. ‘Yun namang assistance ninyo, we will try to do. Meron man kayong matanggap but in addition to that, aalis ako ng Zamboanga kasi—sinong Moro dito? Sige naman away doon. Saan ka? Tausug ka? Maranao. Sana ‘wag na lang—pupunta ako doon, lima—labing-lima, is that the word? Labinglima ‘yung patay na sundalo. So magbisita ako doon. Sayang ang pera. Gastos mo ng bala, bigay mo na lang sana sa tao. I mean, I’m talking now to the MI, MN. Eh kung maplansta ko ito, mag-federal tayo, minus ‘yung Constitutional na ayaw ng mga senador pati congressman, ipasok na natin. ‘Yung teritoryo, bigay na natin sa BBL. Sang-ayon ako doon, wala akong problema. Si Nur, nag-usap kami kagabi. Gusto niya sa Kuala Lumpur, ‘yung OIC. Sabi niya: Dalawang magpirmahan na tayo, tapos na ang away. Interesado ako, kasi ‘yung bakbakan diyan sa Jolo, hanggang ngayon. Sayang ‘yung pera, sayang ‘yung bala. Ipatay mo rin sa kapwa mo Pilipino. Kung mga komunista, pumayag na, baka dito sa panahon ko, kung maawa si Allah, eh ‘di meron tayong magandang swerte sa buhay. It’s really a question of crafting the state. Marami kasing bukol, away, tapos ekonomiya. Meron namang Abu Sayyaf na ayaw maniwala. Maraming bukol eh. Pag nahihilot mo ‘to, pag naayos mo ‘to, at gaganda, eh gaganda ang buhay natin. Just a matter of—itong drugs, eh pati ako hinahabol na ako ng United Nations. Kaya maggawa natin ng sarili natin. Eh pinapapakialaman tayo dito eh. Sabi ko lilinisin ko ‘to. Because, you know, if I do not interdict or cannot stop the drug problem now, kung hindi ko makayanan ‘to, hindi ako nagyayabang – kung ‘yan lang sa makita mo mga politiko, walang makagawa niyan. Walang may kaya niyan. Kaya ito, naumpisahan ko na lang rin. Tatapusin ko na lang. Hindi na bale kung—pag nakulong ako, ‘di bisitahan ninyo ako doon sa Munti. (laughter) Magdala kayo ng droga, ako naman maglulong doon. (laughter) Kaya lang, isipin mo lang ating bayan, parang bula, maraming bukol. Ayus-ayusin natin itong bukol. Number 1 na bukol, ekonomiya. It’s really economy, even sa drugs. Ang poverty level ang medyo tinatamaan, but wala akong magawa. ‘Di ka pwede magsabi: Ay, huwag ‘yan siya, kasi wag natin hiritan, kasi ito, mahirap lang kasi, kaya dapat iba ‘yung—walang ganon sa batas. Lahat ‘yan lumalaban pag nakatirik na. Hindi—yan ang hindi alam ng lahat. Pag nasa droga ‘yan, kayo kung nakasubok kayo, alam ninyo. Lahat talaga—Dalawa ‘nong isang araw, nagpunta ako, dalawang pulis. Araw-araw, may dalawa ako, either military or police o police, military na tinataman sa droga, everyday. So ito ngayon, na-wallop tayo ng 15, but field report naman is about, 23, 24 kanila. We do not enjoy killing people. I do not enjoy this war. I hate to sign documents that would procure things that would just kill or maim your citizen. Hindi ito ang laro na gusto ko. Maghanap ako—gusto ko maghanap ng ibang kalaban. Huwag ‘yung Pilipino. So, kaya kung everytime we make decisions, nasasaktan ako. I mean, you know, pati ang lola ko Maranao. Ang lolo ko sa kanyang, Chinese. Nasasaktan—tatay ko Cebuano. Masakit sa akin na makita mo na may papatayin ka na tao, hirap kayo, tapos nandito pa. Kung ayos ko lang kasi ito, ang Mindanao holds the greatest promise. Agriculture. Sobra-sobra talaga ang lupa. Kaya ipinabigay ko na ‘yan sa—sabi ko—itong mga NPA, mga komunista, walang problema. Mag-land reform tayo, karami kong lupa sa Pilipinas ibigay sa inyo. Just be sincere and if you really want peace, more than you, I need it for my country. So hindi na ako magtatagal, te-take off ako ng Zamboanga, Davao. Then, I’ll have to prepare for a trip to Laos. Punta akong Laos kasi may ASEAN. Punta muna akong Brunei, Laos, tapos Indonesia pabalik. Meron rin tayong preso doon marami, drugs, pati si Veloso. Ewan ko kung anong—I’m praying that I could do something for her. But anyway, the guys beside me, ito magkakilala kaming lahat. Eh ako talaga, ipagmalaki ko. Kasi ito, si Jun Yasay was my roommate ‘nong sa law school pa kami. Si Bebot naman, kaharap naming kwarto, ang ka-kwarto niyan ‘yung BIR ngayon, mahusay rin ‘yan, honest, bright. Ang may diperensya lang dito si Bebot. Maraming uyab (laughter). Kasi ang tingin sa tao, ako lang. Mag-prangka ako, huwag kayo magalit. Totoo eh. Totoo talaga. Ayoko pabiro. Baka nagkaroon din kayo ng uyab doon sa Saudi. Ito si Jun, nakadalawang asawa ‘to. (laughter) Huwag ka lang magalit Jun. Si Bebot nauna, dalawa rin asawa niya, pati ako. Akala kasi ng mga tao, si Duterte lang ‘yung—ang nauna si Yasay. (laughter) Tang-ina. Totoo, tapos si Bebot. Eh alam ko, kasi ‘yung unang asawa niya, ako pa ‘yung ninong. Tapos, nagka-pangalawang asawa, huwag kayong mag-ano na ako lang, si Duterte ‘yung ganon. ‘Di lang niyo alam. Lalo na itong mga pulis. Putragis. (laughter) Walang ginawa ito kung ‘di mag— So I have to ask for the indulgence, I’m leaving but may konting pera ako para pang-pamasahe o ano. Magkano yun? 10 million each? (laughter) Magkano yun? Ha? Hindi, may 5,000 ako for each of you. [applause] But anyway, talagang ganito na lang. Kung talagang medyo hirap ka. Even to survive to it. Let me know. Let me know. Kasi kung talagang sarado, then enroll ko na lang kayo sa 4Ps. In the meantime, you have a little. But ‘yung bigas mo, meron ka. Eh compulsory na lang kaya ilagay ko, until such time, just don’t be a liar. Sabihin lang ninyo ang totoo. Kung may trabaho na kayo, then I’d stop the assistance, in the meantime. In the meantime I’ll give it to you para may sigurado, may bigas kayo sa mesa ninyo. [applause] Tawagan mo lang ang 8888, tapos isabi lang ninyo. Ang problema kasi niyan, maraming—ito talagang Pilipino. For all of the good intentions, may 8888 ako. Para makatawag kayo maski anong klaseng problema. But primarily, para ‘yan sa graft and corruption. Sinadya ko yan kasi dito, pag-uwi mo, tanim ng bala. ‘Yung mga ganon. ‘Yung mga papel ninyo hiningian kayo. Basta sa panahon ko ha, sa panahon ko, nandito si Bebot, wala ng corruption. Walang hingian. (applause) Sigurado ‘yan. At, sabi ko kay Bebot, ‘yung overseas employment niyan, diyan sa mismo, sa building na ‘yan, maglagay ng mga booth ang BIR, police—puro computer na nga. Napakarami kong computer binili, bakit hanggang ngayon—? Pag sumobra ng tatlong araw—ngayon, ganito ‘yan, kung may kailangan kayo, pumunta kayo sa inyong opisina, tapos sabihin mo: Ma’am, pupunta ako, ganito, ganito ang sitwasyon, may nagkuha sa akin. Then we will check the recruitment. ‘Yan ang mga animal diyan eh. ‘Yang recruitment diyan. Diyan ako talaga galit. Kami na ang bahala. Pupunta ako sa ganon. Kunan ko ‘yung data. Then, ikaw mismo bigyan ka ng listahan. Sinabi ko sa lahat ng departamento, lahat-lahat sa gobyerno. Ibigay mo lahat ‘yung shopping list, ‘yung listahan na kailangan niyang i-produce. “Ito, produce mo, birth certificate.” Ngayon, pag-produce, ‘yang birth certificate, nandiyan sa Statistics and Census. So they have an office there. Sabi ko kay Bebot: Just across or whatever, ‘yung tao, ‘yung walking distance nila. Kunin mo. So doon mo kunin ang clearances mo. Either in the same building or a building adjacent, a mere walking distance. Pahinga kayo kasi maubos pera mo sa trapik, trapik. Yan sinasabi ko sa’yo, ayaw ko. Diyan mo na kunin rin sa labas. Pag nakumpleto mo na, sinabihan ko ito lahat. Lahat na ngayon, sinasabi ko at isumbong ninyo sa akin, kung hindi masunod. Lahat. Huwag ninyong dagdagan, huwag ninyong kunan ‘yung shopping list. Problema ninyo ‘yan kung hindi ninyo masabi sa tao. Kasi pagbalik niya, kung meron na ‘yan, ‘wag na kayong bumalik, bigyan kayo ng stub. ”O bumalik ka dito, September 2.” Makukuha mo ‘yung lahat ng kinailangan mo. Ganon ang gusto ko. Walang pila. Walang magbalik-balik. Punta ng Census, tapos punta ng Police. Kaya nga may computer eh. Kaagad na, umiilaw na ‘yan. So, it should not be a problem to you. ‘Yan ang gawin ko within the next six months. I promised the reform. Ang pinakamatinding away ko dito, droga. Maraming patay. Ako naman, I’m not trying to insinuate something. Pero kung may makilala kayo, mga anak, magalit lang kayo sa akin, mag-away lang, sasama lang loob niyo sa akin. Avoid drugs at all cost. Kasi sabihin ng mga—pi-pick-apin ng media. Avoid drugs at all cost because it could cost your life, too. Ganon ‘yan. Kasi ang tinamaan sa atin. Three million plus, mga 700, 800, nearing to four. That is a crisis for the country. Wala tayong pera, wala tayong—kasi pumasok ako, nandiyan na ‘yung budget for this year which was really passed the other year. I’m operating on a budget na hindi akin. Hindi ko naman alam na—nung sabi ko, inipit ko na lahat. Naglabasan na. Umabot pala tayo ng—kita mo, even the 700,000 na nag-surrender. Hundreds of thousand, Pilipino, tapos ‘tong mga kriminal na lumaban, namatay, 1,600. Gawain mo ng 10,000. Linisin ko talaga ‘to. Kasi pag hindi ko kaya, walang makakaya niyan. Maniwala kayo. Puwera si Bebot. Sabagay, lady killer ‘to. Hindi naman ‘to pumapatay ng tao. So, welcome to your country at tulungan ninyo ako. Wala akong balak na maging diktador. Abogado ako. Ang nanay ko Yellow Friday leader sa Davao. Sasabihin nila, mag-Marcos. Far from it. I am just doing my duty. Or else, I will compromise, mako-kompromiso ang next generation natin. Hulaan mo sino ‘yan? Mga anak ninyo, pati mga apo ninyo. Then we will have a failed country. Sabi na hindi mangyari, kanila ‘yun. Hayaan mo sila, may theory tayo eh. Kanya ito, hindi mangya—okay. Eh kung may mangyari? Eh kung mangyari? Anong gawin natin sa Pilipinas? Hindi na bale ako ang magkamali. Basta sigurado ko ang Pilipino. Kesa mag-kumpyansa ka ng ganitong milyon—tapos, ano-ano, huwag ng ano, wala yan. Hulihin mo, tapos bigyan mo lang ng—bigyan ko ng doktor, nars, building. So, bakit itong mga torpe, o bakit hindi gumawa ng—saan magkuha ng pera? May pera, pero hindi appropriated. Itong budget this year, sinalo ko lang ito kay ano. There is no such thing as a budget for three hundred—seven thousand drug addicts. I’m trying to catch up with time. Hindi ganon kasi ka-ano…. ang ano ng tao. Mga—people who do not understand, who don’t even know, then they push it, an opinion there, as if they are the ex cathedra truth of the whole situation. So welcome, alam ko, gusto ninyong umuwi. May pupuntang ano, may mga taga-Davao? Walay Davao? Isa lang? Ah, Cagayan. Sana makakuha kayo but try to, try to—I will hurry up the—try to get something, maski umpisahan lang ninyo ngayon para makumpleto ninyo ‘yung papel at maybe next year, you can start a new business. In the meantime, if it spells hunger for your family, do not hesitate to call me. 8888, o pumunta ka sa Malacañang. Katukin mo ‘yang—ito ‘yung mga guwardiya. Basta nakaputi. Yan, yan. Hindi ‘yan sila bingi, radyo ‘yan. Akala mo, ano ‘yun? Hearing aid. Katukin mo. Sabihin mo, ako ‘yung kinausap ni Duterte doon sa airport. May sabihin lang ako sa kanya. And, I am now ordering them to let you in. Pag walang tao, hanapin mo lang si Medialdea. Or pumunta ka kay Department, kay Yasay. Maraming pera ‘to. Mga ‘to, mayayaman na. Yasay, ‘nong nag-Martial Law, nawala ‘to kasi hinanap ng pulis, aktibista ‘to eh. Doon namin… But si Jun is not really working here. Sa United States based ito. Professional lecturer ito doon. Hinila ko lang. Sabi ko, maski konting panahon lang. Tulungan mo ako dito. Bahala na ilang buwan. Pagkatapos niyan, okay na. Para maka-larga lang ‘yung gobyerno. So, I will not stay long. I welcome you all. Assalamu alaikum, my friend. (applause) |