August 07 – Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar |
DZRB – by Albert Sebastian |
07 August 2016 |
SEBASTIAN: Good morning, sir. Welcome po sa Radyo ng Bayan.
SEC. ANDANAR: Good morning, Albert. Good morning sa lahat ng nakikinig sa Radyo ng Bayan. Mabuhay po tayong lahat. SEBASTIAN: All right, sir. Do you have an opening statement po, sir, before we get to the questions? SEC. ANDANAR: Well, I hope everybody woke up at the right side of the bed. SEBASTIAN: Okay, all right. All right, sir, getting now to the questions. Mula po kay Marlon Ramos ng Philippine Daily Inquirer, ang question niya: Will the government file cases against the judges, military and police officials allegedly involved in the illegal drug trade? And what was the basis of the President in naming them? SEC. ANDANAR: Well, iyong basis niyan, Marlon, as usual iyong investigation ng Philippine National Police, ng PDEA at ng iba’t ibang ahensiya pa na nasa ibabaw nitong imbestigasyon kung sino iyong mga sangkot sa pagbebenta ng droga. Pagdating naman doon sa pagpa-file ng cases, of course, automatic naman iyan. Pa-file-an ng case iyan after nitong investigation. At, of course, the usual din na the President is encouraging all of the persons of interest, iyong mga alleged drug lords o drug coddlers na to come out in the open to surrender themselves and submit themselves to thorough investigation if they want to clear their names. SEBASTIAN: Another question din po mula kay Giovanni Nilles ng Philippine Star. Sabi niya: After na-name ang mga government officials, ano raw ang mangyayari? Papakawalan lang din ba kagaya noon na nangyari sa Albuera Mayor? SEC. ANDANAR: Hindi naman papakawalan. For example, si Peter Lim – if I’m not mistaken ‘no, siya ba iyong sa Cebu ‘no – siya’y sumurender sa NBI para magpa-imbestiga, at ganoon din para doon sa iba pang mga persons of interest na sumurender na rin iyong iba, iyong ibang mayor, kay General Bato Dela Rosa, at they will be investigated. SEBASTIAN: And another question from Efren Montano of Journal. Ang tanong po niya: May second wave po ba ng listahan ng narco-cops and narco-politicians? SEC. ANDANAR: Alam ninyo po, ayaw ko naman i-preempt ang ating Presidente, pero hindi ko alam kung kailan niya iaanunsiyo iyong iba pang mga pangalan. Pero base po sa kaniyang sinabi kagabi ay mayroon pang ibang mga pangalan na kinu-confirm pa at tsine-check, nire-revalidate kung talagang itong mga pulitiko na ito ay sangkot sa pagbebenta ng droga. SEBASTIAN: Sir, may question si Marlon Ramos. Sabi niya if you can comment on this. Ang sabi niya: The President has been belittling and insulting the CPP and its leaders the past few days. Will it affect the government’s initiated peace negotiations with the CPP? SEC. ANDANAR: I’m not really at liberty to comment pagdating diyan sa peace talks. So siguro, si Secretary Jess Dureza or si Secretary Bebot Bello na lamang ang tanungin natin, Marlon. SEBASTIAN: Follow up po ni Marlon doon din po, tungkol sa narco list. Ilan daw po doon sa pinangalanan ang sumuporta sa candidacy ni Pangulong Duterte? SEC. ANDANAR: Naku, alam mo, Marlon, sinabi na ni Presidente na isang gobernador lang at isang congressman ang sumuporta sa ating Pangulo. Ang gobernador na iyon ay si Governor Imee Marcos, at iyong congressman naman ay si Congressman Carlo Nograles. The rest, iba naman ang sinuportahan. SEBASTIAN: Another question. Sir, bale doon sa ano, doon sa listahan na in-announce din ng Pangulo, may ilang generals na wala doon sa … from the previous na pinangalanan niya na hindi naman kasali. Does that mean na hindi na po sila ano, or kasama ito doon sa sinasabi ninyong baka may second announcement pa? SEC. ANDANAR: Oo, kasi ‘di ba iyong unang announcement, nandoon iyong mga generals at nandoon din iyong mga drug lords talaga. Tapos, in-expect natin na iyong second wave, na iyong nangyari nga, ito iyong kaninang madaling araw, Marlon, ito na iyong mga narco-politicians diumano na binanggit ng ating Pangulo; at mayroon ding mga judges na kasama doon. So in fact, may bonus pa nga, mayroon pang mga huwes na binigay. SEBASTIAN: On another topic, may question po galing kay Efren Montano rin. May updates na rin po ba sa appointments sa PCSO and MMDA? SEC. ANDANAR: Wala. Naku, pasensiya na po at wala pa akong update sa appointment kung sinong magiging presidente at chairman ng PCSO, at ganoon din po ng MMDA o Metro Manila Development Authority. Sa Lunes po, aalamin ko kung na-fill up-an na iyong mga position na iyan. SEBASTIAN: Sir, may question din, follow up mula kay Efren Montano. Update daw po doon sa PAO retirees’ appeal for DBM to pay their retirement pensions which have been withheld from them, although the issue is now subject of a court case. SEC. ANDANAR: Oo, ito po ay nasa teritoryo ni Secretary Ben Diokno, at aalamin po natin kay Secretary Ben kung ano nang update dito. SEBASTIAN: Question again from Marlon Ramos. Sabi niya: Mayroon pa ho kayang former Cabinet secretaries or other higher government officials na nasa listahan ni President Duterte? SEC. ANDANAR: Hindi ko alam, Marlon. Hindi ko alam kung sino pa iyong nasa listahan. I know that the President holds these lists close to his chest. SEBASTIAN: Okay. Sir, wala na po tayong natatanggap na iba pang mga questions. Kung may mga mensahe pa rin kayo, sir, na puwede nating i-announce ngayon para sa ating mga kababayan. SEC. ANDANAR: Marlon at Radyo ng Bayan, ang mensahe ko lang po sa taumbayan, at sana tuluy-tuloy po ang ating pakikipagtulungan sa ating gobyerno para masugpo na itong iligal na droga sa ating bayan, at talagang salot sa ating pag-asenso. Kasi kung hindi tayo magtutulungan, hindi magiging madali ang pag-solve nitong mga problema na ito kaya ang kailangan po natin ay suporta talaga ng taumbayan. At nakita ninyo na, sa announcement po ni Presidente Rodrigo Duterte kaninang madaling araw, pinangalanan na niya iyong ilan sa mga diumano’y sangkot sa iligal na droga na mga mayor, congressman at mga huwes po – member ng ating Judiciary. At ito po’y nagpapakita lamang ng sinseridad mula sa ating Pangulo, na wala pong excuse dito, wala pong sacred cows sa paghahanap, pagsusugpo at pag-aanunsiyo, pag-exposé nitong mga pangalan ng mga matataas na miyembro ng ating gobyerno dito sa salot na droga na ito. Maraming salamat. Mabuhay po ang Radyo ng Bayan. SEBASTIAN: Sir, pasensiya na po. Nag-follow up uli si Marlon. Sabi niya: Some of those named by President Duterte belonged to the Judiciary. Hindi po kaya magkaroon ng Constitutional crisis? SEC. ANDANAR: Well, ang sinabi naman ni Presidente ay they should go and report to the Supreme Court ‘no. Of course, Judiciary iyon, so it’s now up to the Supreme Court at ng kanilang leaders sa Judiciary para solusyunan itong problema’t mag-imbestiga. SEBASTIAN: All right. Okay. With that, sir, marami pong salamat sa inyong oras na binigay sa bayan, sir. SEC. ANDANAR: Salamat, Albert. Mabuhay ka. —– SOURCE: NIB (News and Information Bureau) |