Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
By Joel Zobel / Bangon na Bayan / DZBB
18 August 2016
 

ZOBEL: 
Magandang hapon, si Joel Zobel dito sa DZBB.

SEC. ANDANAR:
Joel, magandang hapon. Pasensiya na hindi ako nakasagot kanina, dahil nasa eroplano tayo galing Davao at kakalapag lang ng eroplano.

ZOBEL:
I understand, Secretary. Alam ko abalang-abala kayo’t kami’y nagpapasalamat at napaunlakan ninyo ang aming paanyaya. Ang gusto lang po naming malaman, may binabanggit si Pangulong Digong na ilalabas ho niyang mga ebidensiya ‘no laban kay Senador Leila De Lima at mayroon pa siyang binabanggit na, “Uunti-untiin natin iyan.” May… kumanta pa nga eh, Killing Me Softly eh. Ano ba ibig sabihin noon Secretary at kasi marami nang nagtatanong, “do you have the goods against Senator De Lima?”

SEC. ANDANAR:
Well, alam naman natin, Joel, na si Presidente ay mayroon siyang access sa mga resources, information ‘no more than you and I have, na mga ordinaryong Pilipino, kaya tuwing nagbibitiw po ang Presidente ng kaniyang mga policy statements ay rest assured po na talagang ito’y pinag-aralan. At pagdating po doon sa mga intelligence reports na, tulad nga noong nabanggit about kay Senator De Lima, ay asahan po natin na mayroon pong hawak si Presidente na mga ebidensiya na siya lang po ang may alam.

ZOBEL:
Okay. Will this lead to the filing of cases against the senator, kung sinasabi ninyo nga po ay mayroon pong mga basehan iyong kaniyang mga alegasyon?

SEC. ANDANAR:
Well you know, Joel, I’m not a lawyer pero alam naman natin na iyong history nitong hidwaan po ng ating Pangulo at ni Senator De Lima ay matagal na, mula noong mayor pa si Presidente Duterte at noong chairman pa ho si Senador De Lima ng Commission on Human Rights ay doon po nagsimula ito. Tapos nagpatuloy ito noong kampanya, at ngayon ay tuluy-tuloy at alam din po natin na very critical po si Senator De Lima sa mga programa po ng Presidente lalong-lalo na dito patungkol sa war against illegal drugs. And the President feels that iyong mga sinasabi po ni Senator De Lima ay hindi po ito suportado ng mga ebidensiya.

So kaya po ang ating Pangulo ay naglabas din po siya ng… kaniyang sa palagay din niya. Kasi sabi ninyo po ay ang ating Senadora po ay public figure at lahat po ng public figure, it comes with the territory na kailangan open book po iyong buhay, kaya sinabi niya kung ano po iyong kaniyang alam about Senator De Lima.

ZOBEL:
Tingin ninyo—ang kini-claim kasi ni Senator De Lima ay this is something to do doon sa kaniyang kagustuhan na masilip iyong isyu tungkol sa extra-judicial killlings at kaya daw siya binabalikan po ng Pangulo.

SEC. ANDANAR:
Well of course, mayroon pong opinyon si Senator De Lima pero ganito lang po iyan ‘no… siguro para mas madali, magkakaroon naman Senate investigation, siguro po ilabas na lang ni Senator De Lima iyong kaniyang ebidensiya laban po sa Philippine National Police na ‘di umano’y mayroong extra-judicial killing na nangyayari. At hayaan na rin po natin ang Presidente kung ano po iyong kaniyang gagawin, dahil ito po ay isang bagay na ang Presidente lamang ang nakakagawa.

ZOBEL:
Si Congressman Teddy Baguilat sabi niya, eh para daw may chilling effect ito, itong ginawang—ang term na ginamit eh ‘paninira’ ni Pangulong Duterte kay Senator De Lima at may chilling effect daw ito sa kaniyang mga kritiko. Do you—how do you react to that?

SEC. ANDANAR:
Well para sa akin, pass sa akin diyan, Joel—(phone connection cut)

ZOBEL:
Naku naputol, importante pa naman masagot—sige, balikan natin si Secretary Martin Andanar. 
Sec., naputol ka. May chilling effect ba ito? Anong reaction niyo doon sa pahayag na iyon?

SEC. ANDANAR:
Hindi, kasi alam mo everything is subjective, Joel, para sa akin. Nung binanggit po ng Presidente iyong kanyang tirade po versus Senator De Lima ay una niya pong binanggit iyong connection po sa droga ‘no, tapos naging add on na lamang po itong—

ZOBEL:
Issue tungkol sa lover niya na driver?

SEC. ANDANAR:
Issue tungkol sa love life. Oo, issue tungkol sa love life ‘no. So doon na lamang po iyon ‘no, so depende po sa nagbabasa at nagpipiko, we can either focus on the lover issue or we can focus on the drug issue ‘no. So, ganoon po iyan eh. So, that’s how I see it, kung mayroon pong chilling effect, lahat naman ho dumadaan ho sa imbestigasyon, dumadaan ho sa tamang proseso, then siguro ang Pangulo na lang ho ang… I leave it up to the President kasi siya po iyong—I know that the… the thing is, Joel ‘no, we are in a very unique position kasi mayroon po tayong Presidente na ex-Prosecutor at ex-Mayor, at ngayon po Presidente, alam po iyong batas ‘no. So, I don’t think that mayroong pong chilling effect ito. Magkakaroon lang po ng chilling effect ‘pag choosy po iyong isang tao.

ZOBEL:
Okay. We got your point, Secretary. Isang tanong na lang ha bago kita pakawalan.

SEC. ANDANAR:
Opo, sige po.

ZOBEL:
May—kasi noong nagsisimula pa lang ang Duterte administration nagbabala na siya eh. Sabi niya eh, “gawin niyo ang trabaho niyo sa Lehislatura, gagawin naming iyong trabaho namin.” Parang may pagbabanta ng mga panahong iyon na huwag silang imbestigahan, huwag imbestigahan ang Executive department. Sa ngayon ba mayroon bang – would this lead to a gag order, kasi ngayon very participative ang Philippine National Police sa Senate investigation na nangyari nitong Linggo lamang na ito. Pero sa Monday may panibago na namang imbestigasyon si Senator De Lima naman, iyong kanyang Justice and Human Rights Committee. So ngayon—so far, wala pa kayong pagbabawal doon sa mga ahensiya sa ilalim ng Executive na dumalo sa mga pagdinig?

SEC. ANDANAR:
Wala naman ho, Joel ‘no, at ang nangyayari naman ako’y naniniwala pa rin na itong hidwaan po, itong alitan ng Presidente at ni Senator De Lima, it goes a long way back ‘no. So talagang lumala na ng lumala at nandito na nga tayo sa punto na, you know, naglalabasan na ng ebidensiya. Pero as far as iyong sinasabi ninyo na gag order, wala naming nag-order and the Executive branch still believes in the independence of our Senate and our Lower House.

ZOBEL:
So kung ang sinasabi ninyo po ay patuloy ang kooperasyon ng mga ahensiyang ipatatawag ng Senado sa mga pagdinig nito?

SEC. ADANAR:
Yes, yes, oo, yes, Joel. Tuloy-tuloy ang trabaho ng buong gobyerno. We respect the independence of the Lower House and the Upper House, we respect the independence of the Upper Judiciary. Wala hong problema ‘no. Again I’d like to say na, itong pong kay Senator de Lima at kay Presidente ay silang dalawa po ang talagang nagbabangayan dito, at kami po naman sa Executive ‘no, we leave it up to the President kung ano po iyong kanyang susunod na hakbang.

ZOBEL:
Secretary, salamat sa oras mo, mag-ingat ka at magandang hapon.

SEC. ANDANAR:
Salamat, Joel. Mabuhay po ang programa ninyo at ang DZBB.

ZOBEL:
Thank you, sir. Thank you.

SOURCE:  NIB (News and Information Bureau)