DEO:
Si Deo Macalma po, Secretary at Ms. Karen Ow-yong.
SEC. ANDANAR:
Good morning.
KAREN:
Good morning po, Secretary.
SEC. ANDANAR:
Good morning.
DEO:
Bakit parang po kayo hinihingal, Secretary, nagjo-jogging ba kayo?
SEC. ANDANAR:
Hindi, lumabas lang ako doon, nagmeeting dito sa PIA at PTV4.
DEO:
Ah, ganun ba.
SEC. ANDANAR:
Lumabas muna ako sa kwarto at dito ako sa tahimik na lugar.
DEO:
Anyway, kaya namin kayo tinawagan, Secretary sir, aba’y totoo bang mayroon kayong gagawin o ginawa ng short film para lalong maintindihan ng ating mga kababayan ang masamang epekto ng droga at ito ay ginawa pa ng primyadong direktor, Secretary Andanar?
SEC. ANDANAR:
Yes, sir. Nag-usap kami ni Brillante Mendoza after noong SONA at sabi niya gusto din niyang mag confirm na at kumuha pa ng mga trabaho dito po kung mga public service announcement at advertisements because nalaman niya na iyong isa nga sa mga gusto nating mangyari ay itaas iyong kalidad ng public service announcement (PSAs) dito po sa bansa natin, sa gobyerno. Para tayo po ay lumevel up, tulad ng ano… tulad po noong mga nasa ibang bansa.
DEO:
Ipapalabas daw ito sa mga sinehan, Secretary Andanar, sir?
SEC. ANDANAR:
Yes, sir. Iyon po iyong nakikita ko sa up at makikiusap pa tayo sa SM Cinema’s. Ang understanding natin eh alam na nila, papayag sila at Ayala, pati na Robinsons. Iyong ABS-CBN po ay nagtayo—chinat ako na magbibigay sila ng libreng air time ‘no. Iyong mga advertising spots ‘no.
DEO:
Dito rin, Secretary. Secretary, dito sa amin, alam niyo naman eh magyayabang kami ng kaunti, RHTV namin iyong ano… may television kami sa DZRH eh, puwedeng bigyan kami ng kopya, Secretary, sir, at ipapalabas namin iyan araw-araw, gabi-gabi.
SEC. ANDANAR:
Wow. Salamat, Lakay, talagang matutuwa lahat ng fans ng ano ng—
DEO:
DZRH.
SEC. ANDANAR:
Ng RH at matutuwa po si Presidente niyan. Matutuwa rin Misis ko dahil ang pinapanuod niya iyong RH TV.
KAREN:
Thank you po.
DEO:
Maraming salamat po.
KAREN:
Pero Secretary, sino po ang mga gaganap na mga character — mga artista po ba iyan, independent actors and actresses po ba. Sino po ba iyong mapapanuod ninyo diyan?
SEC. ANDANAR:
Mga Indie po. Indie iyong gumanap po na mga subjects doon sa advertisement, dahil ano kasi ‘to, dalawa — dalawang 2 minutes and 30 seconds—
DEO:
May K iyan.
SEC. ANDANAR:
Tapos apat—iyong 2 minutes and 30 seconds, para po ito sa online, sa internet ‘no, pati sa sinehan. Meron din pong apat na 30 seconder. Ito pong apat na 30 seconder ito po iyong sa TV. At magkakaroon din po tayo ng audio version ‘no para sa radyo.
KAREN:
Parang drama, drama sa radyo, parang ganun, sir?
SEC. ANDANAR:
Ang drama lang ang peg.
DEO:
Pagka-narinig ba natin ito at napanuod, Secretary Andanar, eh talagang hindi natin papasukin ang droga at magbabago na po tayo, ano ang mensahe niyan?
SEC. ANDANAR:
Na magiging emosyonal po. Kasi iyong isang istorya doon — iyong nanay eh nagtra-trabaho sa abroad, kumakayod po bilang Domestic Helper at yaya noong mga anak nung nasa abroad tapos iyong kanyang anak dito ay nalulong sa droga ‘no.
DEO:
Naku po.
SEC. ANDANAR:
So, padala siya ng padala ng pera, hindi niya alam iyong anak niya pala ay lulong na sa droga tapos… makakapatay pa iyong anak niya dahil nga sa droga. Tapos iyong isang istorya naman ay tungkol po sa isang ama na nagsimula pong mag-droga mula noong bata pa iyong kanyang anak.
DEO:
Naku.
SEC. ANDANAR:
Tapos naka-graduate na ng—nag-birthday na, nag-graduate na ng college, kinasal na tapos nagdro-droga pa rin iyong ama. So, iyong nasa dulo po ay kalimutan ang droga bago ka nila makalimutan.
KAREN:
Okay yung tagline na iyan ah.
DEO:
Matindi ang mensahe.
KAREN:
Oo nga.
SEC. ANDANAR:
Tsaka lang po talaga, Lakay ‘no at Karen, ito pong ginawa nating advertisement ‘no, talagang… we are leveling up our public service announcement. Tulad po sa ibang bansa, di ba. Iyong talagang may kalidad po iyong trabaho na hindi iyong parang ginawa lang ng ano ‘di ba, ng isang baguhan na estudyante tapos—
KAREN:
Oo.
SEC. ANDANAR:
Oo—
KAREN:
Parang school project lang.
DEO:
May—
SEC. ANDANAR:
Parang school project lang.
DEO:
Cannes awardee yata itong si Director Brillante Mendoza, ang galing niya.
KAREN:
Oo, high caliber.
SEC. ANDANAR:
Oo, pang awards talaga.
KAREN:
Oo.
SEC. ANDANAR:
Pang-awards talaga ito, Lakay. And this is just the start, kasi lahat ng ating mga PSAs mula ngayon ay magiging dekalidad talaga ‘no, iyong puwedeng ipagmayabang hindi lang sa bansa natin kung hindi sa labas ng bansa. Kasi ang nakalulungkot po kasi, alam naman natin na ang gagaling po ng mga Direktor natin.
DEO:
Yes, sir.
SEC. ANDANAR:
Mayroon tayong Cannes Films Festival na nanalo, Brillante Mendoza. May nananalo sa Lion’s award, kung ano anong awards sa buong mundo tapos eh pagdating sa government advertisement para namang kawawa tayo. Eh hindi naman tayo ganoon ka kawawa, magagaling tayong Filipino eh.
DEO:
Oo nga po.
KAREN:
So ibig sabihin po ba nito, Secretary Martin Andanar, medyo gagastusan po natin ito? Medyo mahal po ang gumawa ng isang ano eh, isang magandang PSA po eh.
SEC. ANDANAR:
Opo. Iyong Public Service—iyong mga commercial po sa labas, iyong sa pribado, iyong ahensiya, iyong mga 30 seconders umabot po ng 2 million to 4 million ‘no, sa labas. Ngayon apat na advertisement iyong ginawa ni Brillante Mendoza, libre lahat.
DEO:
Ah, wow.
KAREN:
Oo.
SEC. ANDANAR:
In the succeeding advertisements talagang sisikapin natin na magagamit natin iyong iba pang magagaling na mga director. Makakausap natin sila na gumawa, na kahit hindi man libre pero iyong mura. Kung halimbawa, kung 4 million ang gastos doon sa mga McCann Erickson, iyong mga mamahalin, siguro puwede nilang gawin sigurong mga P250,000 o P500,000 each.
DEO:
At no cost na lang.
SEC. ANDANAR:
Baka sabihin eh, libre na lang.
DEO:
Abonado pa. Libre na nga abonado pa.
KAREN:
Oo. Kung puwedeng nga sana—
DEO:
Oo.
KAREN:
Pero may mga Directors po kasi na advocacy rin po nila ang makatulong po ano, isa na po dito si Direk Brillante Mendoza.
DEO:
Makabayan.
KAREN:
Oo.
SEC. ANDANAR:
So, pinapakita lang po ni Direk Brillante Mendoza na ano… na kaya po nating gawin iyong mga ganitong advertisement, mga mensahe na diretso, tagos sa puso ng masa. Kasi you know, ang polisiya po ng gobyerno ay dapat na nako-communicate ng husto iyong polisiya ng gobyerno. Kasi ‘pag hindi po ito na-communicate ng wasto ay hindi po maiintindihan ng ating mga kababayan, ng masa. So, communication is very important. Hindi ho ba, Lakay at Karen?
DEO:
Anyway, Secretary, sir, sa ibang isyu. Aba’y matapos ibulgar po ni Pangulong Digong ang drugs matrix sa illegal drugs. Ano daw po ang gagawin, at mayroon bang sapat na ebidensiya. Kasi ang sinasabi ni Senator De Lima kahapon rubbish, parang puwede raw gawin ng isang batang dose anyos at dapat na itapon sa basura iyong nilabas na matrix ng Pangulong Digong tungkol sa droga, Secretary, sir?
SEC. ANDANAR:
Oho, well expected ho naman natin iyan. Kahit sino namang akusado ay dedepensahan ang sarili. Lalong lalo na po doon sa… Leila De Lima. Alam po naman natin na hindi siyaa ordinaryong tao, siya ay abogado, naging Chairman po ng Human Rights, Secretary of Justice, ngayon Senador. So, siguro ang pinakamaganda diyan ay doon na lang sa tamang Korte sila magpaliwanag lahat ‘no, kung ano iyong kanilang mga depensa. But of course, hindi mo rin naman matatawaran iyong galing ni Senator De Lima ‘pag dating po sa public discourse, pagdating po bar of public opinion ‘no. Talagang hindi naman magiging Senador iyan kung hindi magaling iyan eh.
KAREN:
Opo.
SEC. ANDANAR:
So, iyon and everyone’s entitled to their own opinion.
DEO:
Okay. Secretary, sir, maraming salamat po sa paliwanag po ninyo. Magandang umaga po.
KAREN:
Thank you, sir, and advance happy week end po.
SEC. ANDANAR:
Salamat Pareng Deo at Karen, mabuhay po kayo. Mabuhay po ang DZRH.
DEO:
Thank you very much, Secretary. Sir, iyong kopya namin, sir ha, bigyan mo kami ng kopya, ibigay kay Henry Uri ha, iyong—
SEC. ANDANAR:
Yes, sir.
DEO:
Para maipalabas natin dito sa RH TV. Thank you very much, sir.
SEC. ANDANAR:
Thank you, thank you.
SOURCE: NIB (News and Information Bureau)
|