ORLY:
Secretary Martin, good morning.
SEC. ANDANAR:
Good morning Ka Orly. Good morning po sa lahat ng nakikinig sa atin.
ORLY:
Okay mainit na mainit at talagang umiinit ito. Matataas na tao na ang inili-link dito sa isyu ng droga and no less than the former governor, ‘no, congressman, and senator, former Secretary also of the Department of Justice. Ano ba ang maasahan pa natin na lalabas mula sa Malacañang na impormasyon tungkol dito sa droga?
SEC. ANDANAR:
Alam naman natin Ka Orly na ang ating Pangulo ay walang sini-sino eh, walang pinipili. Ikaw ay mahirap, ikaw ay mayaman, kung ikaw ay sangkot dito at merong mga allegations, merong mga proof ang presidente na diumano’y sangkot iyong mga nabanggit na mga pangalan from the senator all the way to the congressman, eh kailangan talagang managot. Hindi naman naman puwedeng selective justice tayo dahil alam naman natin na kapag naging selective justice tayo ay parang wala ring justice na nangyari.
So siguro kung sinabi po ni Pangulo na so let the chips fall, eh ito na ho iyon at talagang naglalabasan na ho talaga iyong mga pangalan na– at least finally ay meron po tayong tinatawag na social justice for all, na hindi lang po iyong mga mahihirap kung hindi ho pati ho iyong mga powerful ay hindi po ine-excuse ng Presidente. At ito lang ang masasabi ko, iyan ang Presidente; iyan ang lider ng walang sini-sino, hindi iyong porke’t ikaw ay makapangyarihan ay makakalusot ka na, hindi yon.
So ngayon, then those who have been accused now, they will have to face the court in due time. Kung talagang harapin; kung gusto nilang mapalinis iyong kanilang pangalan ng maaga, then they will have to go the Philippine National Police who will receive their counter affidavits. At malugod naman na tinatanggap ng Philippines National Police iyong mga personalities na gustong linisin iyong kanilang pangalan, even before makarating pa ito sa korte.
ORLY:
Ito na ba iyong pinakamataas na involved sa droga, according to the President? Kasi nung araw pa sinasabi niya merong mga matatas na opisyal na tatamaan, hindi ba? Meron pa ba tayong maasahang iba pa, or is this the highest that they can go?
SEC. ANDANAR:
Sa ngayon, Ka Orly nabanggit na iyong mga heneral, iyon po iyon iyong mga matatas ng Philippine National Police. Meron na rin pong nabanggit na pinakamataas na local government units, mga mayor, ito po governor, meron din pong miyembro ng mababang kapulungan, mataas na kapulungan. So ito na sa ngayon, ito na iyong…
ORLY:
Talamak talaga ang ano. The impression we get is that it’s really widespread at saka deeply rooted, hindi ba?
SEC. ANDANAR:
Oo. Kitang-kita na po natin, mga kababayan, na marami po talagang sangkot dito sa illegal na droga. We are not putting a finality sa kanilang innocence or pagiging guilty, that is why lahat po ng nabanggit, you will have your day in court, and you will also have your day to clarify your name even before you get to the courts. So iyon naman po ang ginagawa ng Philippine National Police, kaya nga sinasabihan iyong mga mayor na pumunta doon sa PNP and try to clean—
ORLY:
Magpaliwanag.
SEC. ANDANAR:
Clean your name. Now, kung hindi po magiging satisfactory ang inyong pag-klaro ng inyong pangalan, eh tapos may mga prima facie evidence iyong PNP, DILG, eh talagang yari ka, talagang makakasuhan ka.
ORLY:
So the President is a lawyer, he was a prosecutor. Kung iisipin natin, he has an appreciation of the nature of evidence, hindi ba ganoon iyon, is that safe to say?
SEC. ANDANAR:
Opo. And of course. You know, may mga argumento din kasi, Ka Orly, that if the state… the state and its processes are no longer working for the majority of the people, of the nation, then the state also has the right to exercise extrajudicial measures para po mapagana iyong sistema. So alam po naman natin na may problema tayo sa judiciary natin, iyong mga korte, you know. Iyong isang kaso, imbes na isang taon maresolba, sampung taon. So the President is using all of his power para nga masolusyunan itong problema na napakabagal umaksyon ng korte – iyong problema sa kapulisan, iyong problema sa local government units – kasi we are facing very big crisis, ito po iyong sa-… and the crisis we call it our war against illegal drugs. Itong giyera naman sa droga ay, you have to take all the extra, the use of extra powers of the President para masolusyunan dahil ang tagal na, dumating tayo sa puntong ito 3.7 million dahil nga.
ORLY:
Ganoon karami iyong mga nalulong sa droga.
SEC. ANDANAR:
Hindi naging priority siguro nung mga nakaraan. Naging priority man, pero siguro they lack the capacity.
ORLY:
Walang follow through nung araw eh., Talagang bugso-bugso eh, iyong ano, parang ulan eh. Ngayon eh talagang sustained iyong effort ng gobyerno na talagang wakasan ito, kaya talagang i-neutralize itong mga drug lord na magdi-distribute.
SEC. ANDANAR:
Oo, kasi hindi ba, diyan lang sa News 5 ay ibinalita na iyong nurse hindi ba, ni-rape, pinatay, tapos drug addict iyong suspect nila. You know, dapat kasi tingnan din ng ating mga kasama sa human rights, halimbawa paano iyong karapatan nung nurse na pinatay, hindi ba? Eh papaano iyong karapatan nung lalaking pinugutan ng ulo diyan sa Bulacan? Tingnan nila iyong karapatan nila, hindi lang iyong karapatan nung mga namatay na kriminal.
Kasi ganito lang kasimple iyan Ka Orly. Ang Presidente natin kung papipiliin ka, halimbawa Ka Orly kung meron kang isang daang milyong piso na natitira sa pondo mo sa gobyerno, and you can only spend the 100 million on two… on one person, at dalawang tao lang ang pagpipilian mo – iyong isa, drug lord o drug pusher, o iyong isa naman ay iyong drug victim – sino ang pipiliin mo?
ORLY:
Okay, sige. Thank you very much, Secretary Martin. Maraming salamat sa iyong pagsagot sa aming tawag, and we appreciate your giving us your time.
SEC. ANDANAR:
Mabuhay ka Ka Orly, at mabuhay po ang programa ninyo. Talagang the best po ang Orly, All Ready. Thank you po.
———-
SOURCE: NIB (News and Information Bureau)
|