SEBASTIAN:
Magandang umaga sir, welcome po sa Radyo ng Bayan.
SEC. ANDANAR:
Good morning, Albert. Good morning sa lahat ng nakikinig sa iyong programa dito sa Radyo ng Bayan.
SEBASTIAN:
Alright, sir. Okay. Mayroon po kayong opening statement sir, to begin?
SEC. ANDANAR:
Well alam mo Albert ‘no, maraming mga magagandang events, mga balita ang mangyayari ngayong darating na linggo at nandiyan iyong launching ng ating bagong advertisement ‘no, public service announcement or advertisement kontra iligal na droga. Ito po iyong kauna-unahang PSA na lalabas under the Duterte Administration.
So ito ulit ay gawa ng ating direktor na si Brillante Mendoza, napakaganda po ng kaniyang ginawa – dalawang two-minute and 30-seconder na istorya na nagpapakita ng kasamaan ng iligal na droga at naidudulot nito sa ating mamamayan. Itong 2-minute and 30 seconder ay ipapalabas po ito sa ating mga sinehan. Ngayon nag-commit na po ang SM Cinemas, mahigit tatlongdaang sinehan sa buong bansa, na ipapalabas nila itong obra ni Brillante Mendoza, at ang maganda po dito ay hindi tayo siningil ng SM. Libre po ang pagpapalabas nito, ang pakiusap kasi sa kanila ay mula ngayong September 1 hanggang December 30. Ganoon din po ang ABS-CBN sa pamamagitan po ni Gabby Lopez at ni Secretary Gina Lopez ay nagpahayag na ng kanilang interes na ito ay i-ere sa ABS-CBN Channel 2 nang libre, wala pong singil.
Now mayroon pong apat na tig-30 seconds na advertisement ang ginawa ni Direktor Brillante Mendoza, at dalawang 2-minute and 30-seconder na advertisement laban sa iligal na droga. Ngayon siguro magtatanong po ang ating mga kababayan, kasi alam po natin na kapag nagpapagawa ng isang 30-seconder iyong mga malalaking ahensiya ay umaabot po ang gastos ng halos apat na milyon ang isang 30-seconder. Napakamahal niyan ‘di ba Albert, alam mo iyan nasa broadcast ka eh.
Pero ang magandang balita ay ni singkong duling hindi po tayo ni Director Brillante Mendoza sa apat na 30-seconder na kaniyang ginawa, at ito po ay world-class. Ilan lang iyan sa mga mangyayari this week…
SEBASTIAN:
Sir, aside from doon sa SM and Channel 2, iyong iba po bang network din makakapag-air din po ba nitong ad na ito, ad campaign?
SEC. ANDANAR:
Kakausapin ko pa si Mr. Felipe Gozon, ang Chairman po at Presidente ng GMA7. Kakausapin ko po si Manny V. Pangilinan at noong unang usapan namin noong nakaraang buwan ay nagpahayag na ito ng kaniyang willingness na tulungan po ang ating gobyerno in whatsoever capacity as long as kaya niya. So I’m very positive na papayag po si MVP. At of course, mayroon tayong Radyo ng Bayan, iyong Channel 4. I mentioned Radyo ng Bayan dahil mayroong audio version noong advertisement. At nagpahayag na rin ng suporta ang Brigada Network, at nagpahayag na rin ng suporta ang RMN, Radio Mindanao Network, at nagpahayag din ng suporta ang Manila Broadcasting Company.
SEBASTIAN:
Alright. Okay. Sir, getting to the questions na po. Mula kay Giovanni ng Philippine Star. Follow up lang daw po doon po sa kampanya laban sa Abu Sayyaf at iyong status po noong Norwegian na captive, na hawak pa rin po ng mga bandido.
SEC. ANDANAR:
Wala pa po sa harapan ko iyong update sa—(phone line cut)
SEBASTIAN:
Naputol iyong linya. Siguro babalikan natin si Secretary Martin, naputol lang iyong linya. Maya-maya lamang siguro maano ulit natin.
Alright, balik na sa kabilang line. Sir, yes you were saying sir…
SEC. ANDANAR:
Oo, wala pong update sa harapan ko. Iyong pinakabagong pangyayari diyan sa Jolo, Sulu ‘no. So pagkatapos po ng phone call na ito ay tatawagan ko diretso si Secretary Delfin Lorenzana para malaman natin iyong pinakabagong update sa laban naman natin kontra sa grupong Abu Sayyaf.
SEBASTIAN:
Alright. Okay another question from Giovanni. Update daw po sa kalusugan o health ni President Rodrigo Duterte. “Sobrang hectic ang schedules niya and yet, he’s complaining of migraine.” Nagpa-checkup na daw po ba.
SEC. ANDANAR:
Oo naman. Ang Presidente natin ay mayroong personal doctor. So, pinagpahinga muna siya dahil mayroon siyang migraine noong few days ago, tapos nagkaroon siya ng problema sa likod niya. Pero up and about, in fact scheduled po ang Presidente within the day ‘no here in Luzon. If I’m not mistaken mayroong event dito sa Pampanga, but let me check on that. Let me clarify kung matutuloy itong lakad niya.
SEBASTIAN:
Question po, sir, mula kay Efren Montano, mula sa Journal. Ang tanong niya: “Is there a timetable, sir, sa filing sa personalities in the drug matrix?”
SEC. ANDANAR:
Wala hong ano iyan… wala hong timeline ano. Basta as soon as possible, kapag nakitaan po ng kumpletong talagang prima facie evidence. At kung hindi po nakapagsumite ng counter affidavit iyong persons of interest ng Philippine National Police today at ng DOJ, then kakasuhan. So, ito’y ginagawa naman ng Pangulo sa mas lalong madaling panahon. Ang pangako ng ating Pangulong Duterte ay ito ay malinis within 3 to 6 months. Mga 70 to 80 percent ay malinis na ito. Pero kung makikita po natin iyong first phase ng laban kontra droga ay nagwagi na ho tayo. Iyong first phase po ito, ito iyong susumahin natin iyong mahigit 700 thousand na sumurender or who turned themselves in para magpag-rehabilitate ‘no.
At kung titignan po natin iyong mga nabanggit na mga pangalan, iyong mga big time, iyong mga nasa top echelons of society na nabanggit po sa drug matrix, ay ito’y maituturing na tagumpay na first phase. So, we will now move on to the second phase of the drug campaign, at si Pangulong Duterte na lang po lamang ang mag-explain kung ano po iyong second phase na iyon.
SEBASTIAN:
Alright. Another question from Efren Montano. Palace expectations sa trip ni Pangulong Duterte sa ASEAN Summit po.
SEC. ANDANAR:
Kasi nakaplano na itong trip na ito, at base rin sa plano na ginawa ng Department of Foreign Affairs. Now, iyong ASEAN trip sa Lao, iyong pinakadulo po nito, iyong pinaka-ending po nitong trip na ‘to ay iyong pagte-turnover ng chairmanship ng ASEAN from Lao to the Philippines – na ito ay tatanggapin ng ating Pangulo. Dahil sa 2017, tayo naman ho ang host ng ASEAN Summit dito po sa bansa natin.
Now ang expectation din natin doon sa biyaheng ito na mangyayari po ngayong September—mula September 4 hanggang September 9, dahil una po iyong Brunei tapos didiretso sa Lao. Then after which, working visit sa Indonesia, ay magiging maganda kasi ito iyong unang pagkakataon na magkakaroon ng bilateral meetings ang ating Pangulong with some of the countries that have expressed interest in meeting our President. At alam din po natin, na si Pangulong Duterte ay iyong pinaka-pinag-uusapan na lider sa ASEAN at sa buong mundo. So ine-expect din po natin na dudumugin po ang ating Pangulo sa Lao ng mga international media companies para makausap po ang ating Presidente dahil—(phone line cut)
SEBASTIAN:
Alright, naputol na ating (laughs). Sandali lamang po, ating babalikan ang ating Kalihim na si Sec. Martin Andanar. Naputol lang po ang ating linya ng komunikasyon.
Alright, Secretary…
SEC. ANDANAR:
Yes, so pinag-uusapan natin iyong mga bilateral meetings and mayroon na hong nakapila na mga state leaders na gustong makausap ang ating Pangulo. Wala lang ho sa harapan ko iyong listahan, pero sa Lunes ho ibibigay ko sa ating mga reporters sa Malacañang Press Corps iyong mga listahan ng mga nagnanais makausap ang ating Pangulo sa Lao.
SEBASTIAN:
Question sir, from Marlon Ramos naman ng Inquirer. Sabi niya: “The draft FOI manual has prevented too many information which the public cannot access. Didn’t it only dilute, the essence of the President’s EO on the FOI and contradict his efforts to make the Executive more transparent?”
SEC. ANDANAR:
Magandang tanong iyan Marlon. Hindi pa ho final iyong binibigay sa atin na exemptions ng DOJ at ng SolGen. Ito ay nire-review ng ating mga kasamahan dito sa Office of the Deputy Executive Secretary for Legislative Affairs. So, abangan na lang po natin iyong pinaka-final na listahan na ilalabas ng ating ODESLA.
SEBASTIAN:
Another question from Marlon: The President said, drug addicts cannot be rehabilitated anymore. But why is the government allocating funds for the construction of rehab centers?
SEC. ANDANAR:
Well, malinaw naman doon sa sinabi ni Dr. Vergara na it is a chronic disorder, itong addiction. So meaning, it can take a lifetime to take care of these patients because it’s a medical issue. N0w, when you say lifetime, ibig sabihin ay there is a … it’s like saying … it’s tantamount to saying that only 23% can really recover totally ‘no at napakababa po ng porsiyento ng recovery.
At kung babasahin po natin doon sa konteksto na sinabi po ng ating Pangulo, ang sinabi niya po ay kapag ang isang drug dependent ay inabuso ang kaniyang katawan sa pamamagitan nang walang habas na paggamit ng shabu, in one year ay lumiliit ang utak. So doon po sa datos ng ating mga drug rehabilitation centers, ay halu-halo po iyon eh – mayroong adik sa shabu, may adik sa marijuana, mayroon din pong dependent sa cocaine at iba’t ibang droga tulad ng ecstasy. So ang sinasabi po ng Pangulo na wala nang pag-asa ay iyong mga talagang sobrang adik na, nagsha-shabu araw-araw na gumagamit. So siguro, hiwalayin po natin iyong mga drug dependents na ibang droga po iyong ginagamit.
SEBASTIAN:
Sir, follow up po ni Marlon: Why did the President ask the AFP to let its camps be used as rehab areas?
SEC. ANDANAR:
Kasi po, kung titingnan natin ay kulang po talaga iyong ating drug rehabilitation centers sa buong bansa. Eh sino ba naman ang mag-aakala na 700,000 o halos 700,000 ang susurender ‘no, wala namang mag-aakala ‘no. Noong nangangampaniya pa po ang Pangulo noong panahon ng eleksyon ay paulit-ulit na sinasabi ng Pangulo ito. So that is already the phase 2 of this drug war ‘no — creating all of these drug rehabs na para at least ma-manage iyong kanilang addiction; at kung talagang beyond redemption na ho ay mabantayan, kasi hindi naman natin alam kung ano ang gagawin ng isang may sayad na. Kasi kung may sayad na, ibig sabihin ay may psychological problem na ho, na humantong na ho sa ganoong level.
So kailangan hong ma-manage nang husto. Kailangan maihiwalay iyong mga may pag-asa pa, mahiwalay na rin iyong wala nang pag-asa. Mga gumagamit ng droga na mas mababa ang tama tulad ng marijuana at kontra dito sa shabu na talagang fatal – matutunaw talaga’t it will fry your brain, sabi ng mga Amerikano.
SEBASTIAN:
Another question from Marlon: Why did the President regard Chief Justice Sereno’s statement on respect of the rule of law dangerous, while praising PNP Chief Dela Rosa’s remarks endorsing vigilantism?
SEC. ANDANAR:
Well, malinaw naman ang sinabi po ng ating Pangulo; na it was a legal opinion from the President, the same way that our Chief Justice also expresses her legal opinion. Both of them are lawyers. And alam natin na ang ating Pangulo ay dating prosecutor, magaling din po sa batas at magaling din po si Chief Justice Sereno. Now the President was merely expressing his views about warrantless arrest na puwedeng arestuhin ng isang tao, kahit hindi siya pulis, kahit hindi ho siya Army o hindi ho siya uniformed personnel, kahit na siya ay ordinaryong citizens ay puwede siyang umaresto kapag nakita niya po, kapag nakita niya na a crime is about to be committed. Now that is under the doctrine of warrantless arrest. So iyon lamang po ang ipinapaliwanag ng ating Pangulo, Marlon.
SEBASTIAN:
Of course, question po naman mula kay Gen Kabiling ng Manila Bulletin. Sabi niya: Your comment regarding the declaration of indefinite ceasefire made by the communist rebels? Does the government also expect the rebels to stop the extortion activities pending the peace talks?
SEC. ANDANAR:
Lahat naman ng inanunsiyo at nilagdaan doon sa Oslo, Norway ay welcome development para sa ating gobyerno, para sa makakaliwang grupo at para sa buong bansa. Ngayon, kapag sinabi po ng NPA or CPP-NPA-NDF na ceasefire or iyong wala hong deadline na ceasefire ay nakita naman po natin na iyon din po ang inanunsiyo ni Secretary Jess Dureza bago po siya magtungo ng Oslo, Norway.
So, with the other activity purportedly done by the CPP-NPA-NDF, it’s up to their ranks to manage their activities na hindi po naaayon sa ating batas.
SEBASTIAN:
Another question from Gen. Ang tanong niya, sir: Do you think Senator De Lima should resign over the Bilibid drug scandal and should she attend the upcoming House inquiry into the drug trade?
SEC. ANDANAR:
I think it’s up to the Senate to decide the next step for Senator Leila De Lima, dahil independent body nga itong Senado, and they have their own rules to contend with.
SEBASTIAN:
And do you think, sir, iyong nga, should she resign over the Bilibid drug scandal?
SEC. ANDANAR:
We will see in the upcoming days kung ano po iyong mga paliwanag ng ating Senadora. Kung ano po iyong paliwanag ng ating Philippine National Police. Aalamin po natin kung kailan o saan ito hahantong dahil ang expected ng taumbayan, expected po ng mga sumusunod dito sa istoryang ito ay mayroong masasampahan ng kaso. So masyadong mahirap po mag-speculate kung ano po iyong mga mangyayari.
Pero if say—pag iyong question po sa akin na she should do that, well, antayin na lang po lamang natin kung ano iyong magiging desisyon ng korte, na ito ba’y hahantong sa korte. Aalamin din po natin kung ano po ang desisyon ng Senado kasi collective body iyang Senado – they have rules to contend with.
SEBASTIAN:
Pahabol lang po. Sir, doon sa … kung ano po iyong mababahagi natin tungkol daw po sa iyong task force sa media killings po.
SEC. ANDANAR:
Yes. Itong task force sa media killings, magandang tanong po iyan dahil last week ay nagkaroon po tayo ng consultation with National Press Club. Nandun din po iyong NUJP, PIAP, I think they were there. Nagkaroon ng consultation doon po sa tanggapan natin, sa Presidential Communications Office, at pinag-usapan natin kung ano iyong mga dapat gawin, kung ano iyong mga dapat i-negotiate natin. Kasi dapat maintindihan po ng ating mga kasamahan sa media na although itong Task Force Against Media Killings ay spearheaded by our office, Presidential Communications Office, ay kailangan po nating makipagtulungan with the Department of Justice.
Now, of course, marami pong mga ano iyan eh, mga law enforcement iyan eh. So the Department of Justice is naturally the chairman of this task force on media killings. So ang ginagawa po natin, we’re trying to negotiate if we can be co-chairman of this Task Force Against Media Killings dahil nga sa malapit sa puso natin, mga kasamahan natin sa media na naging biktima ng extrajudicial killings. At bilang isang interest group nga, iyong mga nagpunta noong last week, sa palagay po ay mas magiging relevant itong task force kung mayroon pong pangunahing role ang ating mga kasamahan sa media.
So nasa stage pa ho tayo ng negotiations ‘no, kung papaano i-finalize ito. Of course, marami din hong suggestions iyong mga kasamahan natin sa media so that this Administrative Order creating the Presidential Task Force Against Media Killings will be relevant and will be effective; hindi lang ho isang papel na nilagdaan ng Pangulo.
SEBASTIAN:
All right. At this point, sir, wala na po tayong natatanggap na tanong mula sa MPC. Kung mayroon pa po kayong maibabahagi sa ating mga kababayan at sa publiko, sir.
SEC. ANDANAR:
Well, para sa mga kababayan natin, nais ko lang pong ipaabot sa inyong lahat na kahapon ay in-inspect ko po iyong bagong radio booth ng Radio Television Malacañang. I am proud to announce that after so many years na ang tawag po sa Radio Television Malacañang na RTVM ay… for the first time ‘no, we will see an actual radio booth ‘no doon sa loob ng—we will finally see the use of the “R” in RTVM which is Radio. So tapos na po iyong radio booth. Ito po ay dating conference room na maliit sa RTVM na wala pong gumagamit. So we transformed it into a RRD or RTVM Radio Daily. Ito po iyong official radio booth ng ating Pangulo, at dito rin po magmumula iyong kaniyang programang “Mula sa Masa, Para sa Masa.”
Maganda po iyong radio booth. Kung mayroon pong panahon ang ating mga kasamahan sa MPC na bisitahin ito sa Lunes, welcome po kayo para makita ninyo ang radio booth. Ang una pong gagamit niyan ay ating Pangulo para sa kaniyang programang Mula sa Masa, Para sa Masa at iba pang mga announcement ng Pangulo na ang gusto niya po ay gawin through that radio booth. Actually ano siya eh, Radyo Bisyon siya, Albert, mayroon siyang camera eh. So maganda po iyon. So iyon lang po ang announcement lang natin. So soon, we will hear a broadcast, a radio broadcast straight from the Palace.
SEBASTIAN:
Alright. With that, sir, marami pong salamat sa inyong oras na binigay po sa bayan, sir.
SEC. ANDANAR:
Thank you, Albert. Mabuhay ka.
———-
SOURCE: NIB (News and Information Bureau) |