December 01, 2016 – Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar |
DWIZ – Ratsada Balita by Alex Santos |
01 December 2016 |
|
ALEX SANTOS: Secretary, good morning po. Si Alex Santos po sa DWIZ.
SEC. ANDANAR: Maayong buntag, Alex. Good morning sa lahat ng nakikinig ng inyong programa dito po sa DWIZ. ALEX SANTOS: Okay, una ho, iyong atin hong Pangulo nasaan, nasa Marawi pa rin ho siya? Nasa Marawi or nasa Davao ho siya ngayon, Secretary? SEC. ANDANAR: Nasa Davao na po si Presidente. At katunayan ay tayo ay papuntang Davao ngayong umaga. ALEX SANTOS: Iyon pong panawagan ng ating Pangulo kahapon, Secretary, siya daw ho ay handang makipag-usap po sa Maute group. Is it proper pa ho for the President na makipag-usap pa at makipag-negotiate po sa terrorist group? ‘Di ba mayroon tayong policy na huwag tayong makipag-negotiate sa mga kalaban ng estado po? Your comment on that, Secretary. SEC. ANDANAR: Hindi ko kasi narinig ang Pangulo na… the way na sinabi niya iyon, kaya I have to clarify it with the President. Number two, ang napakingggan ko po iyong sinabi niya na… nakiusap siya sa mga kapatid nating Muslim sa Lanao Del Sur para makipagtulungan sa gobyerno para mapuksa na itong terorismo at iyong gulo sa lugar na iyan, dahil kahit anong gawin ng mga sundalo natin para matigil na itong gulo, kung hindi naman makikipagtulungan ang mga kababayan natin doon ay mahihirapan po natin itong gawin nang mabilis. Dahil alam naman natin iyong mga Maute group at iyong mga iba pang mga terorista ay mayroon ding mga kamag-anak iyan na hindi terorista, at kapag sila ay nakipagtulungan ay mas madali ang trabaho ng Armed Force of the Philippines. ALEX SANTOS: And we all know, Secretary, our President is very committing at gusto ho niyang … kung madadala naman sa usapan ay okay. Pero kung talagang sinusubukan siya, he can be harsh. Parang ganoon po, Secretary? SEC. ANDANAR: Oo, iyon ang ano ni Presidente, iyon kanyang sinabi niya kanina o kahapon eh sabi niya solbin natin ito dahil hindi rin magugustuhan ang ating magiging desisyon kung mapipilitan talaga tayong (unclear) solusyon sa problema. Ayaw ng Presidente na mangyari ito. Ngayon kung talagang eh ayaw pong makipagtulungan ang ating mga kababayan doon ay mapipilitan po si President to implement operations or to decide harshly. ALEX SANTOS: As we all know na (unclear) Secretary, on both state of lawlessness and national emergency, so ito po’y hindi naman nangangahulugan po na magiging hudyat po ng isang parang batas militar po, Secretary? SEC. ANDANAR: Hindi naman po. Iyong state of lawlessness at iyong posibilidad na lifting of the privilege… or the writ of habeas corpus, sa palagay ko ito ay magiging selective lamang eh, sa mga lugar na talagang nag-e-escalate iyong problema natin sa pagdating sa insurgency. ALEX SANTOS: Pero hindi po ito ibig sabihin na mayroon pong mga grupo or any part of the troop na nagsasagawa po ng strategy o isang plot sa atin pong gobyerno, Secretary? SEC. ANDANAR: Alam mo, parang … mahirap kasing pangunahan o mag isip ng ganitong klaseng scenario, pero anything is possible. But our Armed Forces of the Philippines and the Philippine National Police ay handa naman sa mga destabilisasyon or kung anuman iyong mga posibleng mangyari. But of course, we don’t want this to happen. At kung mayroong mga nagpaplano ay sigurado ho akong hindi magtatagumpay. ALEX SANTOS: Okay. Sa iba ho tayo, Secretary. After ho sa illegal drugs, iyong kampanya po ng atin pong gobyerno against illegal drugs, ano po bang next na ipaglalaban ho ng ating gobyerno? Parang next ho yata ay… ano po ba illegal gambling po ba, Secretary? SEC. ANDANAR: Iyong sa illegal drugs, tingin ko, Alex, hindi titigil ito; tuluy-tuloy hanggang sa katapusan ng termino ni Presidente. Itong sa illegal gambling ay mayroon nang mga ginagawang operasyon ang PCSO sa pangunguna ni General Balutan. At pagdating naman sa korapsyon, tuluy-tuloy. Lahat ng ito na nangyayari ay tuluy-tuloy iyong programa ng Presidente against illegal drugs, criminality, corruption, lahat po. ALEX SANTOS: Speaking of corruption po, dahil ito po iyong isa sa mga priority ng ating Pangulo. Iyon pong kaniyang panawagan na mag-resign po itong mga opisyal ho Energy Regulatory Commission, mukhang they defied the order of the President. Ito ho ba ay ikinagalit po ng Pangulo, Secretary? SEC. ANDANAR: Ang Pangulo naman—it does not mean po kapag sinabi niya, alisin ito, ayaw umalis ay hindi—hihingiin po ng Pangulo na mabigyang kayo ng leave of absence baka wala kayong pang gastos. Nasa kanila na po iyon eh. Nagbigay na ho ng stern warning ang Pangulo, ang ibig sabihin niyan ay kung halimbawa ay hindi nag-resign iyong mga opisyal, ay idadamay niya lahat ng mga trabahador ng ERC at wala silang susuwelduhin. ALEX SANTOS: Dahil mayroon na po siyang mga initial information po ‘no, gaano ba talaga kalala iyong korapsyon po diyan sa naturang ahensiya po. SEC. ANDANAR: Mayroon na po. Mayroon na… dati na ring nakuha iyong mga impormasyon regarding sa corruption diyan sa ERC. At kaya nga siya nananawagan na magbitiw na iyong mga kasalukuyang mga naka upo. But then again, we understand they have their own mandate—fixed term yata iyong sa kanila. Pero nag-request na po iyong pinakamataas na opisyal ng bansa natin eh, na siguro delicadeza na lang din. Pero kung ayaw nila, karapatan nila iyon. But then again, sabi ni Presidente, I will request for zero budget sa Congress. Nasa kanila iyon, ibig sabihin, madadamay iyong maraming mga trabahante, mga tao, trabahador. ALEX SANTOS: Opo. Isa pa ho sa puwede hong itanong ko sa inyo, Secretary, ano po iyong assessment po ng ating Pangulo sa kaniya pong mga Kalihim, especially ho sa Department of Transportation? Parang nakikita natin na may namumuo yatang hidwaan sa pagitan po ni Secretary Art Tugade and House Speaker Bebot Alvarez after pong pag-initan ni Speaker ito pong tatlo pong Usec po ng Department of Transportation. Lately, ito pong si Usec. Noel Kintanar ay nag-resign na ho. Wala ba hong napag-uusapan po diyan sa inyo pong … sa Malacañang po tungkol dito, Secretary? SEC. ANDANAR: Hindi pa namin napag-usapan iyong isyung iyan, Alex. Ang alam ko lang ho ay… ang punto sa lahat ay ang traffic ng Metro Manila. At sinabi naman ng Pangulo, ito, noon pa man na there’s no silver bullet solution to the traffic. It will not be overnight. Ngayon, ang hinihingi lang po naman ni Secretary Art Tugade ay iyong emergency powers na hindi rin po maibigay. Pero alam ko, sabi ni Congressman Sarmiento ay mayroon silang bagong version ng emergency powers. So hopefully, lalabas ngayong December para lahat po ng solusyon na nasa drawing board ni Secretary Art Tugade ay matuloy na, ay magawa na. Magaling po na secretary si Secretary Art, ang kailangan niya lang ho talaga ay iyong kapangyarihan para ma-implement iyong mga gusto niyang gawin. ALEX SANTOS: Opo. So hindi naman ho nagkakaroon po ng hidwaan iyon dalawa po ‘no dahil, siyempre, baka kasi maapektuhan iyong emergency powers na hinihingi po ng ating Pangulo? SEC. ANDANAR: Hindi naman. Well, hindi natin maaalis iyong pagkakaiba ng opinyon, Alex. Siyempre tayo ay mga tao lamang at mayroong mga bagay-bagay na hindi tayo magkaintindihan. Pero sa dulo naman nito, alam naman ni Secretary Art Tugade at ni Speaker Bebot Alvarez na sa dulo nito ay iyong common goal pa rin na mabawasan ang trapik at para mas maging convenient ang pagbiyahe ng bawat Pilipino. ALEX SANTOS: Okay. Dito naman sa isyu po ng pagre-release po sa mga political prisoners. May panawagan po ang ating Pangulo na anytime baka mid-December pero ito iyong para sa mga old and may mga sakit po na mga prisoners. Mayroon daw ho kasing namatay na political prisoner. Ano ba hong stand ng ating Pangulo dito, Secretary? SEC. ANDANAR: Basta lahat ng ginagawa ng ating gobyerno, Alex, ay para sa confidence building measures with the CPP-NPA-NDF, dahil kasama po ito sa peace talks. At napag-usapan na iyong pag-release ng mga prisoners, hindi ko lang ho tiyak masyado iyong detalye niyan. Pero makakaasa po tayong lahat na ginagawa ho lahat ng gobyerno para mas lalong magtiwala sa atin ang CPP-NPA-NDF, na ang gobyerno is willing to talk, to sit down, to negotiate and pakinggan their part of the targets na hinihingi po nila para matuloy ito. Pagdating doon sa namatay na political prisoner, hindi ko masyado kabisado iyong istoryang niyan. At tayo po ay nakikiramay sa pamilya nung namatay. ALEX SANTOS: Hindi po ba—speaking of sa panig po ng CPP-NPA na patuloy pong peace talks natin sa kanila, hindi po ba ma-derail po ito dahil kahapon ay nakita po iyong mga proponents doon ng CPP-NPA, tulad po ng mag-asawang Tiamzon, ay nandoon ho. Hindi ba ito parang pangit na pangitain po na nandoon sila, lumalaban ho against sa pamahalaan? SEC. ANDANAR: Iyong kahapon po naman ay kanilang pagpapakita na hindi sila sang-ayon sa paglibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos. Hindi naman iyon isang protesta laban kay Pangulong Duterte. ALEX SANTOS: Ayun, okay. Lastly po, Secretary, tungkol naman po doon sa health status po ng ating Pangulo. Dahil marami hong … mayroong mga balita na lumalabas, nahimatay daw po ang ating Pangulo. Ano pong real score po ba? Kailangan po bang maglabas ng medical report para sabihin sa buong Pilipinas na ang ating Pangulo ay in the pink of condition? SEC. ANDANAR: Ano lang po iyon, kuwento lang iyon, tsismis lang iyon. Nakita naman natin ang Pangulo ay nakikipag-meeting left and right kahit saan – sa Lanao, ngayon sa Davao, mamaya sa Maynila. Our President is in tip top condition. He is in the pink of health. At handang-handa hong manilbihan at very capable po ang ating Pangulo para ma-execute niya iyong kaniyang trabaho bilang Chief Executive ng ating bansa. ALEX SANTOS: Okay, with that, Secretary, thank you so much at ingat ho sa biyahe ninyo, Secretary. SEC. ANDANAR: Daghang salamat, Alex. Mabuhay kang tanan. |
SOURCE: NIB Transcription |