Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
DZBB – Super Balita sa Tanghali by Orly Trinidad and Melo Del Prado
21 December 2016

Q: …for Human Rights Zeid Ra’ad Al Hussein na dapat daw imbestigahan ng Pilipinas si Pangulong Duterte sa pag-amin na pumatay siya noon pang siya ang alkalde ng Davao. Secretary Andanar, magandang tanghali po sa inyo.

SEC. ANDANAR: Good afternoon po. Good afternoon, Melo at Orly. Advance Merry Christmas sa inyong dalawa.

Q: Maligayang Pasko rin po Secretary, ganoon din po sa inyo Secretary.

May posisyon na ho ba ang Malacañang tungkol dito sa request ni—papaano po tinatanggap ng Malacañang ito? Ito ba’y request o mando, papaano ho ito, itong kay High Commissioner for Human Rights Commissioner Zeid Al Hussein?

SEC. ANDANAR: Ang sinasabi po ng United Nations Human Rights Commissioner Al Hussein ay isang press statement. Nagpa-interview siya at sinabi niya at sasagutin ko rin sa pamamagitan ng isang programa. Matagal na ho si Presidente in-investigate, noong panahon pa noong mayor pa ho siya ng Davao at wala naman hong nakitang ebidensiya na mayroon siyang kinalaman sa mga EJK sa Davao. Si Senator De Lima na nga ang nagsabi niyan noong siya pa ay Chairman ng Commission on Human Rights. Ngayon, mga a few weeks ago ay in-invite po natin si Agnes Callamard ng UN—

Q: Oo, Special Rapporteur.

SEC. ANDANAR: Oo, Rapporteur. Nagbigay din ho tayo ng mga kondisyones – puwede silang pumunta dito, ayaw naman nilang pumunta. So, problema na ho nila iyan, kasi hindi nila gustong sumunod sa kondisyon natin. Alangan naman puro kondisyon lang nila ang susundan natin, and kung gusto nilang mag-investigate, they can surely investigate. So para sa akin, ay itong mga sinasabi po ng United Nations ay nasagot na ho iyang mga tanong na iyan.

Q: Iyon ho bang… mawalang galang na po Secretary. Ano ho ba, baka masyadong mabibigat ho iyong mga kondisyon kaya ayaw tumuloy noong Special Rapporteur ng UN?

SEC. ANDANAR: Hindi ho mabigat. Ang kondisyon po ni Presidente ay magkaroon po ng open panel, open to the public, live on camera. After po magbigay ng report ng United Nations, the President will be given a chance also to rebut the report and to ask questions doon sa United Nations. Siguro, takot siguro si Ms. Callamard. Hindi siguro kaya ng kaniyang sarili ang pag-live sa TV at also ang isa pa doon ay to report it, to say it under oath, under oath sa batas natin. Iyon po iyong kondisyones doon. Hindi po mabigat iyon para sa mga taong alam ang ginagawa.

Q: Opo. Walang tugon doon si Callamard?

SEC. ANDANAR: Ay hindi nga, ‘di ba iyong balita ay ayaw nilang makipag-cooperate under those conditions.

Q: ‘Ayun… ang gusto lang nila iimbitahin sila, pagkatapos ay bahala na sila sa buhay nila dito.

SEC. ANDANAR: Hindi naman puwede iyon. Alangan naman sila na parati masusunod.

Q: Oho. Ngayon so itong kay Al Hussein na ito, ang binabanggit po murder daw eh. Inaakusahan na po si Presidente, dahil sa tahasan nitong pag-amin na noong mayor pa siya ay talagang na-involve siya sa pagpatay, Secretary.

SEC. ANDANAR: Tatlo ho iyong napatay doon. Ito iyong naging encounter with the authorities at iyong kaso na iyon, noong bago pang mayor si Presidente during the 80’s. At from my understanding, nagkaroon po ng parang hostage drama or parang kidnapping ba ‘no. Tapos noong nire-rescue na nila, eh naglabas ho ng carbine iyong mga kriminal tapos nakipagpalitan ng putok sa kanila. At sabi ni Presidente, isa siya sa mga bumaril pero hindi niya tiyak kung sa kaniyang baril galing iyong bala. Pero ang alam niya, eh isa siya sa mga bumaril at marami silang bumaril at namatay iyong tatlong suspek o iyong tatlong kriminal. Hindi pala suspek, kriminal.

Q: Oho. Hindi alam ni Presidente kung iyong bala, iyon ang nakapatay doon sa mga salarin.

SEC. ANDANAR: Oo, pero isa siya doon sa mga bumaril. Kasi nga tatlo sila, tapos tatlo iyong kalaban nila. Tapos nandoon nga sila para kunin na iyong mga na-hostage.

Q: Wala ho bang—doon ba sa mga napatay na iyon, although mga salarin po iyon, siyempre may karapatan din naman iyon. Iyong mga kamag-anak ho ba noon hindi nag-file ng kaso laban doon sa mga pulis o kaya kay Mayor Duterte noong mga panahon na iyon?

SEC. ANDANAR: Wala akong talagang detalye na ito Melo eh, pero nangyari ito during the 80’s and it’s live, covered by television and radio at media doon sa Davao noong nangyari ito.

Q: Oo. Iyon ho ba iyong mayroong babaeng banyaga na involved…na hostage, Secretary?

SEC. ANDANAR: Hindi ko sigurado kung ano iyong kaso na nangyari noong time na iyon eh. Ang alam ko lang iyong kinuwento ng Presidente na this was covered by the media in Davao. Wala namang tinatago ang Pangulo, at malamang iyong UN siguro ay binase na naman doon sa kuwento, doon sa news without even going here to the Philippines and finding out what really happened.

Q: So as far as you know, wala pong nakasampang kaso laban kay Presidente tungkol sa insidente na iyon?

SEC. ANDANAR: Hindi ko masagot iyon, Melo, kasi hindi alam kung mayroon nag file o wala eh. Pero alam ko ay mga kriminal itong mga ‘to, na may encounter with the authorities kasama si then Mayor Duterte at doon nagkaroon ng salpukan, ng encounter at namatay iyong mga suspek.

Q: Secretary, ano bang impresyon sa inyo nitong mga ganitong reaksiyon mula sa UN, lalong-lalo na iyong Commission on Human Rights na pagdating sa Pangulo, mukhang nandoon iyong…hindi naman direktang pagtukoy ano, pero pagpapahiwatig na mayroon siyang dapat na ipaliwanag na mga kaso ng pagpatay pero hindi naman kinakikitaan ng interes sa pagtulong sa Pilipinas para lutasin ang problema sa droga?

SEC. ANDANAR: Well para sa atin, kasi Orly… United Nations… High Commission on Human Rights ‘di ba, tama ho ba?

Q: Opo.

SEC. ANDANAR: Sila nagsabi nito. Well that’s their job. Their job is to call out these kinds of cases. Pero they should not really take it as it is, ‘pag sinabi nila because ‘pag ito’y nilabas sa media… alam mo, it’s all media talks eh. Kung talagang seryoso ‘tong mga ‘to, ay idinadaan ito sa tamang protocol.

Q: Oo, sabagay. Kasi kung babasahin iyong—unang-una binabanggit ninyo nga matagal na, and—anong tawag doon Pareng Melo? May year of validity ang isang kasong murder na parang 20 years prescriptive period. Oo, so parang doon pa lang eh mukhang malabo na ngang pakinggan iyong kaniyang panawagan na imbestigahan. And second, eh iyon ay mayor, ngayon ay Pangulo. So, hindi naman puwedeng iyong imbestigasyon not unless this is through impeachment. So ano ‘to, parang ano lang… sa tingin ninyo parang panggugulo lang, ganoon ba iyon?

SEC. ANDANAR: Well, I try to see it from their own shoes. Kailangan niyang gawin kasi nasa High Commission on Human Rights siya sa UN. But—it is the job of the person who said that; pero at the same time he can also look into the formality of—or the official statement in such a way that it should really go through proper protocol. So—and the proper protocol is to go through the Department of Foreign Affairs, magtanong na lang sila, etc. Parang iyong ginawa ni Ms. Agnes Callamard na dumaan sa protocol, parang ganoon. Hindi po naman dinadaan sa media na puro kuwento-kuwento, press release… kasi iyong mga ganitong klaseng bagay ay talagang dinadaan sa—through an official letter of request. At nagbigay sila noon, sumagot ang gobyerno, they are welcome to investigate mga accusations of EJK, they were given a condition, a few conditions actually and they refused to follow those conditions. So like what the President said, it ain’t a one-way street.

Q: Hindi pala bago ‘to ‘no, malimit na pala ‘tong banggitin ni Pangulong Duterte kahit noong mayor pa siya o bago ang campaign period nitong 2016 presidential election. May mga binabanggit na siyang ganito, ibig sabihin ngayon lang ‘to nila sineseryoso, Secretary?

SEC. ANDANAR: Well, sa palagay ko naman ay matagal na nila itong sineryoso, dahil matagal na naman nilang sinubukang imbestigahan si Pangulong Duterte noong siya ay mayor pa. But then again, I’d like to repeat, doon sa kanilang mga imbestigasyon ay wala naman silang nakitang pruweba, wala naman silang nakitang ebidensiya, and they just have given up on the investigation kasi what’s the point of investigating kung wala ka naman nakikitang direktang ebidensiya laban doon sa iniimbestigahan mo? (Overlapping voices)… it’s long been settled already, even the Commission on Human Rights, si Senator De Lima mismo noong siya pa ay Chairman, ang nagsabi na wala siyang mga ebidensiya na talagang direktang magtuturo sa ating Mayor Duterte. So tapos na ito, this is all over. Lahat, lahat ng mga balita na ito under water, under the bridge na ito. So para sa atin, sa Presidential Communications Office ay ito’y mga issue lamang na binubuhay para mayroong mapag-usapan sa media.

Q: Sabagay kung pakikinggan ninyo iyong kuwento, kasi hindi na lumang kuwento iyon Pareng Melo eh. Binabanggit niya siya iyong—kasama siya doon sa insidente ng barilan na iyon, may mga hostage taker at sinabi nga niya hindi niya alam kung bala nga niya iyong nakatama. Ang dating lang kasi, parang siya iyong nakapatay ‘di ba, parang ganoon kasi gabi, parang siya iyong nakapatay.

SEC. ANDANAR: Ang sinasabi ko ay yayain kayong dalawa, Orly at Melo, na talagang nakikinig sa bawat kataga na sinasabi ng Pangulo. Dahil alam natin ang Pangulo po natin ay isang dating prosecutor, magaling na abogado, matagal na mayor. Alam niya lahat ng sinasabi niya, hindi naman… we should really decipher every word that he says, ‘pag mga ganoon. Malamang ‘pag sinabi ng Pangulo na, “Eh hindi ko naman alam kung sa akin nanggaling iyong bala, baril ko iyong nakapatay.” Pero isa siya doon sa mga bumaril. So now, papaano mo ipu-prove ngayon? Eh marami silang bumaril eh.

Q: Okay. So, hanggang doon lang iyong istorya na iyon kumbaga. Kuwento-kuwentuhan lang noong ano ‘to, mga pangyayari noong 1980’s pa pala.

SEC. ANDANAR: Isa pa Orly at Melo, it was an official ano iyon eh, police operation. Hindi naman niya tinago at live sa TV, live sa radyo, mga pahayagan nandoon na, wala namang tinago. Alam mo talagang ano lang talaga, talagang… eh kailangan lang siguro mag-report noong United Nations Commissioner on Human Rights, mayroon silang sinabi ng Presidente, but at the end of the day, we base it in official letter, request, etcetera. Hindi natin dinadaan lahat sa media. Kasi kung sa media lang eh ‘di sasagutin din namin sa media. Ganoon lang naman ho iyon eh, simple lang.

Q: Okay, sige po. Secretary, marami pa sana kaming gustong itanong pero baka hindi ninyo rin po maipaliwanag kung saan nangga—ano ba talaga nangyari doon sa bonus ng PNP? (Laughs)

SEC. ANDANAR: Sinagot na iyon ni General Bato (laughs).

Q: Secretary, maraming salamat sa inyong pagpapaliwanag and Merry Christmas po. Sa uulitin sir, thank you po.

SEC. ANDANAR: Mabuhay po kayong dalawa. Merry Christmas sa inyong dalawa at sa lahat ng mga kapuso natin diyan sa DZBB.

Q: Okay, thank you rin po. Si Secretary Martin Andanar, Presidential Communications Office.

SOURCE: NIB Transcription