Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
DZXL – Public Service by Ely Saludar
01 February 2017
SALUDAR: Secretary, magandang umaga po sa inyo.

SEC. MARTIN: Good morning, Ely. Magandang umaga sa lahat ng nakikinig po ng DZXL Public Service. Good morning.

SALUDAR: So unang-una sa lahat, Secretary, ano ba ang mensahe ninyo sa ating mga kababayan, umpisang-umpisa—siguro mamaya na iyong kampaniya sa illegal drugs, at siyempre katatapos lang po nang idinaos na Miss Universe beauty pageant dito po sa Pilipinas. Buong mundo ay nanood at nakita rin po iyong kagandahan ng Pilipinas at ang pinaka-importante rin dito ay naging matagumpay, mapayapa, maayos iyong isa po sa malaking event ‘no ngayong taong 2017.

SEC. MARTIN: Congratulations sa ating Department of Tourism. Congratulations sa Philippine National Police. Congratulations sa lahat ng mga ahensiya ng gobyerno na nakipagtulungan para maidaraos nang matagumpay iyong Miss Universe. And of course, kay Maxine Medina congratulations, dahil hindi ho ganoon kadali na maging Top 6 sa Miss Universe. Congratulations kay Governor Chavit Singson dahil sa kaniyang parang kawang-gawa na rin dahil hindi naman yata kumita si Governor Chavit doon sa kaniyang dinalang Miss Universe dito sa bansa natin. And of course, sa lahat ng mga kababayan natin who placed their … or put their best foot forward noong panahon ng Miss Universe. Alam naman natin, Ely, na mahalaga para sa mga media, para sa mga delegado na makita rin na orderly ang ating mga kababayan dito sa bansa natin. At makakatiyak po tayo na lalakas ang ating turismo lalo dahil sa ipinakita nating kagandahang loob sa mga kababayan natin at sa mga delegado mula sa iba’t ibang bansa.

SALUDAR: Opo, okay. So siguro lahat naman ng mga Pilipino ay naka-move on na ‘no, at kung hindi man naging … sabihin natin ay hindi nasungkit, nawala po iyong pangarap na back-to-back para po rito sa korona. Pero iyong kagandahan dito, Secretary, iyong epekto, napanood ng buong mundo, ‘Uy, maganda pala sa Pilipinas.’

SEC. MARTIN: Oo. Kasi lahat ng pinuntahan na mga lugar ng mga kandidata ay magaganda talaga. So iyon pa lan, iyong television exposure nito, pati iyong sa online exposure ay hindi po matatawaran na nalaman nila na maganda pala talaga ang Pilipinas. At iyong mga kandidata mismo, sila, more than 80 candidates na uuwi ng kani-kanilang bansa, sila, mga walking ambassadors ang mga iyan. Sabihin nila, maganda iyong Pilipinas. At iyong mga critics ng Miss Universe Pageant all over the world, at sila na nga ang nagsabi na maganda ang naging Miss Universe dito sa bansa natin.

Kaya talagang napakasuwerte natin sa project ni Secretary Wanda Teo dahil ang Pilipinas ay nasa momentum, lalo na this 2017 na mayroon ding … sinasabayan din nito iyong ASEAN Summit na hanggang Nobyembre naman. So imagine mo lang, maraming mga mini summits na mangyayari all throughout. More than 100 summits na maliliit dito sa bansa mangyayari, sa iba’t ibang lugar. Mga doseng siyudad iyon. At iyong tatlong malalaking summits. Alam naman natin na iba’t ibang delegado mula sa ASEAN, sa iba’t ibang bansa sa buong mundo, at iyong international media ay darating din. Kaya ang ating panawagan din sa ating mga kababayan ay tuluy-tuloy po nating ipakita kung paano kaganda ang Pilipinas at kung gaano tayo ka-disiplinado bilang Pilipino.

SALUDAR: So ngayon at nakatulong din, Secretary, iyong social media. Siyempre ang bawat kandidato ay nagse-selfie-selfie rin, iyong mga kandidata. At iyong sa social media, so nakita rin dito ‘no iyong kagandahan ng Pilipinas. Siguro ang maganda sana, mismong mga kababayan natin, lahat po ay mayroon pong responsibilidad na kapag ganito, nakita na maganda ang Pilipinas, kapag may turistang pupunta rito ay dapat ang maging tingin ng mga Pilipino dito sa turista ay huwag biktima. ‘Naku, ito, ito, magpapasok, magpapaganda ng ekonomiya sa ating bansa.’ Iyong malasakit po, Secretary.

SEC. MARTIN: Oo, iyong hindi po bibiktimahin iyong turista, i-o-overcharge mo.

SALUDAR: Yes, oo, pagsasamantalahan. So iyon ho ‘no, magandang pagkakataon ito. Pero dito po, Secretary, sa nabanggit ninyo na rin, iyong sa ASEAN Summit at tiyempung-tiyempo ay singkuwenta anyos na po itong ASEAN. So ano ho ba iyong masasabi nating pupuwedeng pakinabang ng taumbayan dito, at sabihin natin, ano ba ang mapapala diyan ng mga Pilipino dito po sa ASEAN Summit?

SEC. MARTIN: Alam ninyo po mga kababayan, ang ASEAN organization ay mayroon pong sampung bansa diyan. Kasama po tayo sa bansa diyan na miyembro ng ASEAN celebrating the golden anniversary ngayong taon na ito, at tayo po iyong chairman. Ano po ang kahalagahan ng ASEAN organization para sa ating bansa? Ang ASEAN po ay mayroong 630 million na populasyon; at ang kalakalan na nangyayari po sa loob ng ASEAN, sampung bansa, sa isang taon ay nasa $2.3 trillion. Ngayon, iyong merkado po na iyon ay napakalaki, at kung ikaw po ay isang maliit na bansa, halimbawa, mag-isa ka lang at makikipag-usap ka sa mga malalaking bansa katulad ng Amerika o China o Japan, mas madaling makipag-bargain, mas madaling makipag-negotiate sa mga malalaking bansa, malalaking ekonomiya kung mayroong kang kasama. So, as an ASEAN, na 630 million tayo, ay mas mabibigyan tayo ng leverage na makipagnegosasyong sa iba’t ibang mga, halimbawa, trading, trade and industry, importation, exportation, iyong mga ganoon ba.

Now, anong pakinabang ni Juan? Of course, isa rin diyan iyong 630 million na merkado. Mayroon po tayong isang … sabihin na natin, isang negosyante, entrepreneur na nagsisimula pa lang. Halimbawa, nagtitinda ng isang … sabihin natin, basket, nagbebenta ng basket o iyong bayong halimbawa, at nakita niya na mayroon pa lang merkado ang bayong doon sa bansang Vietnam. So pamamagitan ng ASEAN ay matutulungan, mabibigyan ng oportunidad iyong mga negosyante – kahit anong negosyante sa bansa natin – para mas lalong lumaki iyong kaniyang merkado doon sa produkto niya. Isa lang iyon sa pakinabang.

Sa mga empleyado naman, halimbawa, sa mga English teacher at gustong maging English teacher, tignan ninyo lang po, anong mga bansa ba sa ASEAN ang in demand ang English teacher. Ang alam ko ang Cambodia ay in demand sa mga English teacher. Kaya kung ikaw ay Pilipino, you are a member of ASEAN, hindi mo naman kailangan na ng Visa para pumunta sa Cambodia; puwedeng passport lang. At of course, kailangan mo ng—

SALUDAR: Walang Visa.

SEC. MARTIN: Oo, mga dokumento, working permit lang. So mas madaling makapasok doon sa mga lugar na iyan na kailangan… na in demand iyong inyong propesyon.

SALUDAR: So, iyon po mga kasama at siyempre mag-antabay po tayo. At marami ho ang sinasabing pupuwedeng maging pakinabang po sa kabuuan ng Pilipinas kapag may mga ganyang event. At natiyempo ay limampung taon na po iyong ASEAN. So importante din kasi ito, magkakapitbahay sa Asia ay pupuwedeng magtulungan.

SEC. ANDANAR: Tulungan. Dahil alam ko, Ka Ely, ito madalas ko namang kinukuwento ito na tayo ay bansa tayo ng mga OFWs. Marami tayong mga Overseas Filipino Workers at marami pang mga estudyante na gusto ring mangibang-bansa para magtrabaho. So isang halimbawa dito na alam ninyo ba na meroong mga kolehiyo dito sa Pilipinas na accredited doon sa ibang bansa, sa ibang bansa sa ASEAN, like Singapore, Indonesia, Thailand, etc.

So, kung ikaw ay balak  mong  maging OFW, halimbawa estudyante ka ngayon,  ang gawin  mo tingnan  mo  iyong mga unibersidad, tingnan mo sa CHED ano ba iyong mga unibersidad na accredited sa ibang bansa sa ASEAN at ibibigay sa iyo iyong listahan na iyon. Tapos halimbawa, University XYZ, sabihin mo anong kurso ba ang dapat kung kunin, tapos tingnan mo doon sa ibang mga bansa sa ASEAN, ano ang in demand dito, teachers or sabihin mo welder, etc. So puwede mong planuhin iyong career mo batay doon sa oportunidad na available doon sa bansa na gusto mong puntahan. Dahil alam mo na merong mga esuwelahan na accredited at nire-recognize o kinikilala ay piliin mo iyong mga esluwelahan na kinikilala doon sa ibang bansa para iyong diploma mo rin ay mas madaling—kasi alam mong kilala iyong unibersidad ay ganoon din iyong diploma. So mas madaling makapag-apply ng trabaho.

SALUDAR: Ayon, so mas maganda talagang swak na swak iyong kukunin mong kurso para hindi ka magiging tambay.

SEC. ANDANAR: Mahirap eh. Saka sa magulang, Ely.

SALUDAR: Iyong huwag ka na lang humingi.

SEC. ANDANAR: Oo, di ba.

SALUDAR: Malaking tulong na sa magulang iyon.

SEC. ANDANAR: Oo. At kapag sinabi mo na kasi—siyempre tayong mga Pilipino pinakamalaking investment natin, kadalasan sa atin eh iyon lang naman ang mabibigay natin sa ating mga anak, iyong pag-aaral. So at least kahit paano, scientific iyong pagpili mo, hindi nasasayang.

SALUDAR: Okay, so iyan po mga kasama, importante pinag-uusapan natin at siyempre ay maganda rin. Dito naman sa ating bansa at iyong sa suspension ng tokhang na iyan at kung anu-ano pa. Pero dito muna, kasi merong pinaka-survey, iyong bagong survey, Secretary, iyong Social Weather Station survey. At lumilitaw na kumonti ang krimen sa nakalipas na anim ‘no na buwan ng administrasyong Duterte. So ano ang masasabi ninyo dito, Secretary?

SEC. ANDANAR: Oo. Kumonti ang krimen, bumagsak siya sa 4 point something, wala sa harap ko, 4.5% ata bumagsak ang krimen. Ibig sabihin ho nito ay effective ho talaga ang kampanya ng ating Pangulo against criminality at of course survey na ang nagsabi, SWS ang nagsabi niyan, hindi naman natin niluluto iyong mga survey na iyan. So, ito ay nagbibigay lamang sa amin ng inspirasyon sa gobyerno na tuloy-tuloy kaming magtatrabaho para sa ikakaunlad ng ating bansa. Alam natin na meron din, Ely… meron din tayong mga setbacks kahit papaano iyong mga nangyari.

SALUDAR: Siyempre hindi naman perpekto talaga na ganyan. So dito at sa kanila ng pagbaba sa loob po ng anim na buwan ng Duterte administration ay may nangangamba naman dahil sa dito po sa pagkakasuspinde ng sinasabing Oplan Tokhang at iyong pagkakabuwag sa Anti-Illegal Drugs Group ng PNP. So ano po ba talaga, Secretary, pakilinaw po at tuloy po ba ang kampanya ng administrasyon kontra droga?

SEC. ANDANAR: Oo, magandang tanong mo iyan, Ely. Kasi alam naman natin, very unfortunate na nangyari iyong pagkamatay ng Korean businessman at malaki ang naging dahilan nito kung bakit inalis sa ating kapulisan ang operasyon natin laban sa illegal na droga, dahil nga siyempre sa pagdududa na rin na…iyong pangamba na naidulot nitong pagkamatay ng Korean national. Dahil naabuso nga ng ilan sa mga elemento natin sa pulis iyong kanilang kapangyarihan. So, this is very sad, in fact, it is a setback. Pero mabilis namang umaksyon si Pangulong Duterte, at mabilis din namang umaksyon si PNP Chief Dela Rosa. Kaya nga ang sabi ni Presidente ay itigil muna ang anti drug campaign from the command of the Philippine National Police

Pero mga kababayan nais ko lang pong linawin na hindi po tumitigil ang anti drugs campaign; inilipat lang ho ang anti-drugs campaign from the hands of the Philippine National Police to PDEA. So tuloy-tuloy, maliwanag po iyan. So, iyong  mga nagbubunyi na mga drug pusher, mga drug lord, eh palagay ko ay premature po ang inyong  pag-celebrate, dahil tuloy-tuloy po sa pangunguna ng PDEA, ni General Sid Lapeña ay makasiguro po tayo na tuloy-tuloy po ang programa at sa mga nangangamba po na baka maresbakan o etc. Wag po kayong mag-alala dahil magaling po na Heneral si Lapeña.

SALUDAR: So, iyon po maliwanag po iyan ah, at mga kasama at sa ating listeners na tuloy po ang kampanya laban po sa illegal drugs at siguro mauunawaan natin ang Pangulo, dahil sa di nung una, sabi niya 6 months to one year, tapos eh, ngayon talagang dapat ang kampanya hanggang buong termino. Kasi, Secretary, talagang napakalubha ng problema sa illegal drugs.

SEC. ANDANAR: Oo, malubha po talaga, Ely. Alam mo na unfortunate na talagang lumalaban ho talaga iyong mga kriminal. Siyempre malaking kabuhayan ang nawawala sa kanila sa illegal na droga, kaya…kung merong ganoon ho, parang ano lang iyan eh…parang pelikula ‘yan di ba kung may bida, may kontrabida eh. So meron talagang gustong pigilan ang pagbabago sa bansa natin. Pero sinabi naman ni Presidente na walang makakapigil sa kanya, sa kanyang kampanya dahil ito naman po ang talagang pangako ni Pangulong Duterte sa mga kababayan natin na kapag siya ay naihalal bilang Pangulo ay tatapusin niya talaga itong problema sa illegal na droga, criminality at kailangan magkaroon tayo ng law and order. At nakita naman natin, mga Pilipino, kung gaano nag-improve talaga iyong ating public safety sa bansa natin. Sa mga survey naman nakikita n’yo naman.

So sana, sa mga kababayan po natin, ay tuloy-tuloy po ang ating pagsuporta sa ating Pangulong Duterte. Hindi po ganoon kadali itong trabaho na ito at ang nagbibigay po ng ng lakas sa amin na magtrabaho, magtuloy-tuloy na ipagpatuloy itong ating kampanya laban sa illegal na droga at yung ating mga kampanya para lumago ang ekonomiya, ay malaki po ang naibibigay ninyo sa amin sa lakas kapag nandiyan lang po kayo sa likod ng gobyerno.

SALUDAR: Iyon po. At siyempre dito po sa kampanya laban sa illegal drugs, talagang nakatutok ang Pangulo. At iyong mga nabiktima ng sinasabing tokhang for ransom eh ang Pangulo ay humingi na po ng paumanhin mismo sa gobyerno ng South Korea at may report, Secretary, na papupuntahin pa mismo ata ni Pangulo si Secretary Panelo.

SEC. ANDANAR: Panelo. Opo. Ang alam ko ho—I am not sure kung nakalipad na kagabi. Pero papunta po doon si Secretary Panelo to represent the President doon sa Korea. It’s really unfortunate at kaya nga ano eh…kaya nga nilipat sa PDEA iyong kampanya laban sa illegal na droga at kaya binibigyan din ng kapangyarihan ang mga sundalo, kasundaluhan, para tulungan po ang PNP na malutas din ang problema. Ngayon si General Bato, ang kanyang pagtutuunan ay iyong paglinis ng kanyang hanay sa Philippine National Police, dahil marami pa pong mga natitirang anay sa loob po ng Philippine National Police na kailangan ding linisin. So, kumbaga magkaroon ng confidence building iyong ating kapulisan and the entire public. Hindi po madaling trabaho iyan, pero again, binibigyan po ng publiko ang ating gobyerno ng lakas sa pamamagitan po ng inyong suporta.

SALUDAR: At siyempre nag AFP pinatutulong ng Pangulo dito po sa mga scalawags na tinatawag sa PNP. So pupuwedeng dakpin at sa counter intelligence siguro mas malaki ang maitutulong, Secretary, ng AFP.

SEC. ANDANAR: Oo, malaking maitutulong. Alam naman natin na ang ating Armed Forces of the Philippines, these are loyal soldiers to the Republic. At alam naman po natin na talagang ano—sabi nga ni Presidente ay malinis iyong ating Armed Forces of the Philippines at walang ibang hangad kung hindi tulungan ang ating bansa. At tayo din ay nagpapasalamat sa AFP dahil nga hindi naman tayo binitiwan talaga, kung ano ang sabihin ni Presidente talagang sumusunod ho talaga sila. At meron pong mga usap-usapan na baka ibalik po iyong PC, iyong Philippine Constabulary, ito po iyong parang police na mga sundalo. Tapos sila iyong magiging in-charge sa national—

SALUDAR: So iyong PNP ngayon, parang ilo-localize na, Secretary. Ito po ay parang isang konsepto pa lang, pag-aaralan pa.

SEC. ANDANAR: Ito ay konsepto, ito ay suggestion. Pero hindi naman ito agad-agad na puwedeng gawin dahil kailangan itong dumaan sa Kongreso, sa Senado for legislation.

SALUDAR: So maliwanag po iyan. At eh siguro lahat naman po ng mga panukalang ito pati iyong sa pagbuhay ng PC eh para rin sa interest ng tuambayan ito. Okay so napakarami pong mga isyu ngayon at siyempre.

SEC. ANDANAR: Salamat.

SALUDAR: Kumusta po ang Pangulong Duterte muna ngayon, Secretary. May mga nagte-text, bakit hindi raw nakapanuod ang Pangulo sa MOA, sa Miss Universe.

SEC .ANDANAR: Hindi, naging busy po. In fact marami po kaming hindi naka-attend sa MOA na mga miyembro ng Gabinete dahil tayo po ay nakatutok sa aktibidades sa Malacañang, sa Palasyo.

SALUDAR: Inabot ata ng madaling, Secretary, yung command conference ng Pangulo ano.

SEC ANDANAR: Opo. Kasi kami…naka-uwi po ako ng alas tres ng madaling araw kaya medyo—

SALUDAR: Hindi na kakayanin kung manonood pa kayo sa MOA.

SEC ANDANAR: Tapos the next day eh nagkaroon pa tayo ng ibang meeting. Of course, kagaya ng Climate Change meeting dito sa Palasyo, tapos nagkaroon din ng oath taking ng mga AFP generals at saka iyon pang ibang mga ranggo ng AFP. So very busy talaga ang Presidente, pero ganunpaman ay congratulations po sa Miss Universe Organization at sa DOT.

SALUDAR: So Secretary, ano raw ho ba ang mga importanteng napag-usapan din sa idinaos na LEDAC meeting? Kasi ‘yan Executive tapos kasama ho yung mga nasa Lehislatura. So, ano raw po ang mga napag-usapan na pupuwede ninyo hong banggitin sa radyo?

SEC ANDANAR: Well, iyong mga ano… puwede nating banggitin eh napag usapan po iyong tax reform ‘no, kasi hindi naman puwedeng marami tayong proyekto sa gobyerno tapos wala naman tayong pagkukuhanan ng pondo rin at ito is, of course, babalangkasin pa ito sa Senado at sa Kongreso. Kasi more than 68 ang napag usapan eh. Wala lang sa harapan ko iyong listahan pero marami – federalism, isa rin ho iyon sa napag usapan din. Di bale, we will come up with a report kung ano talagang—isa pa iyong People’s Broadcasting Corporation—

SALUDAR: Sa PTV.

SEC ANDANAR: Sa PTV, oo. Talagang ano po—

SALUDAR: So, kamusta na po at alam ko yun talaga inyong isinusulong ng kayo po ay matalaga sa Gabinete, iyong sa PTV…at kamusta po at ano ho ba ang update dito, Secretary?

SEC ANDANAR:  Iyong sa PTV naman ay, of course, mayroon—hindi naman ganoong ka-smooth lahat kasi dadaan iyan sa Kongreso, sa Senado. Pero rest assured na ginagawa naman lahat ni Senator Loren Legarda at ni Congressman Alfred Vargas para ito ay maisulong, para ito maging ganap na batas na para ipagsanib na ang Radyo ng Bayan at ang People’s Television para mabigyang po ang ating publiko ng talagang…sabihin na natin alternative network na hindi naman nakikipag-compete sa private sector kundi ibinibigay lang talaga iyong hindi pinapalabas sa pribado.

SALUDAR: Saka siguro mas maganda, Secretary, halimbawa kung may mga anunsiyo mula mismo sa Malacanang eh talagang dapat eh mauuna, mapapakinggan at siyempre kumpirmado kapag government station.

SEC ANDANAR: Opo.

SALUDAR: Kung anong direktiba, at may mga halimbawa eh mayroong anunsiyo na ganito…kung pista opisyal o ano pa man, eh dapat unang maririnig—kasi parang sa ibang bansa ganoon, Secretary. Halimbawa, may BBC…sa China ganoon din, puro mga state network ang doon na una pong lumalabas kapag mayroong mga pronouncement o anunsiyo galing po sa Pangulo o sa Malacanang.

SEC ANDANAR: Talagang… ideally ganoon ho talaga, kailangan malakas ho iyong ating public broadcasting at alam naman natin na iyong public broadcasting serves so many purposes. Isa rin dito iyong pagdating sa mga disaster, Ely ‘no. So… isa rin dito iyong mga interes o iyong mga programa po ng iba’t-ibang departamento ng ating gobyerno. So sana suportahan n’yo rin po ang aming panukala, mga kababayan, na magkaroon po ng mas malakas na public television at public radio. Ito naman po ay para sa kapakanan ng lahat. Hindi naman po ito para sa akin.

SALUDAR: So may mga text po galing po sa ating mga kasamahan sa media. Ano raw po kaya ang magiging implikasyon, Secretary, dito sa nangyayaring sunud-sunod na pag-atake raw po ng rebeldeng NPA…komunista dito po sa peacetalks?

SEC. ANDANAR: Ayaw ko lang pangunahan si Secretary Jess Dureza na kanina po, I understand eh lumipad papuntang Mindanao. Alam naman natin na natapos na po iyong third round ng peace talks sa Roma nung nakaraang linggo. Marami pong mga magagandang nangyari doon. At sana ang atin lang pong sigurong paalala sa mga kapatid natin na…mga kababayan natin na ginagawa po lahat ng gobyerno para maisakatuparan itong kapayapaan na matagal na nating minimithi at ganun din po sa dito sa kabilang kampo, sa mga CPP-NPA na ang gobyerno po natin ay sinsero para magkaroon po tayo ng kaayusan sa ating bayan. Dahil alam naman natin na ang bansa talaga kung gusto mong maging matagumpay ay dapat walang insurgency. Kailangan may peace and order sa—kasi ‘pag magulo siyempre iyong mga investors hindi na pupunta iyan.

SALUDAR: Saka iyong mga turista.

SEC. ANDANAR: Sabihin nila oh magigiyera, paano naman iyong kaligtasan. Kaya tayo nagkakaroon ng mga travel advisory dahil diyan sa problema sa peace and order, iyon naman saka sa terorismo at sana ay maayos po itong kaunting gusot.

SALUDAR: Okay, Secretary, bago tayo magtapos sa ating interview. Baka may mga dagdag kayong panawagan sa mga nakikinig lalo na sa iba’t-ibang bahagi ng ating bansa, iyong mga kababayan natin sa mga probinsya na nakikinig din po ngayon dito sa RMN-DZXL.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Ely sa pagkakataong ito. Nais ko rin pong pasalamatan ang mga kababayan natin sa tuloy-tuloy na suporta sa gobyernong Duterte at wag po kayong bumitiw, ‘wag kayong mag-alala dahil kahit ano pong mangyari ay kami po sa Gabinete, ang Pangulo ay magtatrabaho po para lang makamit natin iyong pagbabago na gusto natin. Maganda na po ang nasimulan ng ating Pangulo, mataas po iyong  growth rate last year, nag-average po tayo ng 6.8, tayo po ang pinakamalakas na ekonomiya sa buong Asya at isa sa pinakamabilis na ekonomoya sa buong mundo. Ang krimen po ay bumaba na. At para po naman sa mga nakatira sa Norte abangan n’yo po ang Presidential Communications Operations Office ngayong darating na Biyernes, Sabado at Linggo. Meron po kaming roadshow na gagawin diyan para maipaliwanag iyong ASEAN, iyong Freedom of Information, iyong Task Force on Media Security at ang kahalagahan ho ng social media pagdating po sa mga disaster.

SALUDAR:  So anung klaseng road show iyan, Secretary. So paano iyan?

SEC. ANDANAR: Parang meron tayong conference doon. May forum tayo, tapos i-invite natin iyong iba’t-ibang miyembro ng sector sa Baguio at tapos bibisitahin ko rin po iyong mga iba’t-ibang himpilan ng radio at telebisyon sa Baguio City. At iyon, bukod doon may mga kausap din tayong mga supporters ng ating Pangulo. Kaya ito ay magandang roadshow, kung gusto n’yo pong matuto at magkaroon ng mas malalim ng pag-unawa at pag-intindi pagdating sa ASEAN ay dumiretso na po kayo. Pumunta po kayo sa Philippine Information Agency sa Baguio City para malaman ninyo kung saan po iyong venue nitong ating road show.

SALUDAR: Okay, maraming-maraming salamat. Alam ko talagang abalang tao po itong Secretary Andanar. May balak po siyang mag-iikot sa radio, nauna na po ang DZXL. Secretary, salamat po sa inyong oras ha.

SEC. ANDANAR:  Maraming salamat, Ely Saludar. Maraming salamat sa himpilan po, DZXL at sa Canoy family. Thank you sa lahat ng listeners po natin. Mabuhay po kayo.

SOURCE: NIB Transcription