Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
DWFM – Punto Asintado by Erwin Tulfo
02 February 2017
TULFO:  Magandang umaga po Secretary Martin, sir.

SEC. ANDANAR: Good morning, partner. Good morning. Oo tama ka. Talagang puyat na puyat at mas malaki na yata ang aking eye bags, kaysa sa eyes.

TULFO:  Napansin ko minsan mahaba na iyong buhok mo. Parang hindi ka na nakakadaan sa barbero. At saka minsan iyong kasuotan mo, hindi kagaya dati parang freshness, laging ganoon ang mga porma eh, pagdating mo sa opisina napakabango pa. Kaya tuloy iyong ibang mga girls eh, talagang sabi eh parang ang yummy, yummy ni Secretary Martin, ni Pareng Martin. Sabi ko wag na at may asawa iyan at haping-happy iyan sa buhay.

But anyway, Sec, bago tayo kung saan tayo mapunta. Mamaya  pala tatawagan ka namin dahil merong itanong mo sa dalubhasa, Sec, iyong si Mang Tony eh ay number two, hindi nya alam kung ano ang gagawin sa number two niya. Napakatapang daw ng misis niya, bungangera, etc. Eh iyong kanyang girlfriend ngayon, eh kabaligtaran ng misis niya. But anyway mamaya iyan, Sec.

Unahin muna natin itong problema ng ating estado. Ito sir, iyong patayan o EJK sa war on drugs ng pamahalaan. Sabi ng Amnesty International kagagawan ng Duterte administration. Bakit ka n’yo. Binabayaran daw, lumalabas sa kanilang imbestigasyon, binabayaran ng PNP ang bawat mapatay na drug lord, drug pusher. Eh sabi naman ni House Speaker Alvares, ‘teka muna, eh sino ba ang nag-utos sa inyo mag-imbestiga.’ Number two, kayo ba ay NGO namin, kayo ba ay nasa gobyerno. Bakit nag-imbestiga-imbestiga kayo at bakit kayo nangingi-alam sa affairs ng ating bayan, Sec?

SEC. ANDANAR:  Alam naman natin na iyong Amnesty International ay sila ay tumatanggap ng mga pondo mula sa kanilang mga benefactors at ang kanilang trabaho ay para mangki-alam—

TULFO:  Sec, palakasan mo iyong boses mo, medyo mahina iyong audio.

SEC. ANDANAR: Alam naman natin na ang nature ng trabaho ng Amnesty International ay mangi-alam sa affairs ng ibang estado at sila ay tumatanggap din ng kanilang pondo mula sa mga benefactors nila at kailangan nilang patunayan na karapat-dapat ang kanilang pondo. Pero let me challenge that study by Amnesty International by just asking na, kung ang isang…sa report nila ay 400 dollars, partner?

TULFO:  Correct, correct.

SEC. ANDANAR: 400 dollars. Sabihin mo na lang times 50…sabihin mo 20 mil ang presyo ng isang ulo at i-multiply mo iyon sa sinasabi nilang 7,000 na EJK. So 140 million, eh saan naman kukuha si Chief PNP ng 140 million o si Chief of Police 140 million para ibayad doon sa para… ganoon, hindi ba sila maku-question ng COA niyan.

TULFO:  Eh iyon din ang sabi ni Chief PNP kahapon, Sec, na saan kami kukuha ng pera. Eh kung pasuweldo nga lang ng tao namin, allowance eh hirap na hirap na kami. Pagkatapos ngayon eh sasabihin ninyo na binabayaran namin iyang bawat ulo. Eh sa dami niyan, hindi po ba, Sec?

SEC. ANDANAR:  Oo, iyon nga. Iyon ang problema kasi kung masyadong…iyong mga reports na ganyan ay sinisisi mo lahat sa estado. Dapat siguro gawin din ng Amnesty International ay imbestigahan din nila iyong mga drug lord. Imbestigahan din nila iyong mga extra-judicial killings na ginagawa ng mga kalaban din natin, mga drug lord, mga drug pusher, iyong mga negosyo talaga. Siguro hindi nila kayang imbestigahan ang mga iyon, dahil alam nilang delikado sila.

TULFO:   Oo. So papaano po ito, I mean, is it okay ba, Sec, na kung ano-anong organisasyon ang mag-i-imbestiga na lamang dito?

SEC. ANDANAR: Well, alam mo—

TULFO:  Can’t the government stop this. Say “stop it! Wag kayong mangi-alam.” I mean, can they just do it, can they just come over here, kung sino-sino UN, Amnesty, etc and sasabihin mali iyang ginagawa, bakit tayo nangangamatay iyang mga drug lord at drug pusher?

SEC. ANDANAR: Sa palagay ko ay wala namang problema iyong mga non-profit organization na gumawa ng kanilang imbestigasyon as long as gawin nilang patas ang kanilang imbestigasyon. Iyong hindi ba napupunta ka sa isang bansa at mayroon ka ng pre-concived notion at alam mo na kung ano ang gusto mong mangyari sa imbestigasyon mo. Ang ibig kong sabihin nito, dapat nga imbestigahan nila iyong kalaban din ng gobyerno. So halimbawa, kung iimbestigahan mo ang pulis, imbestigahan mo rin iyong mga drug lord; kung imbestigahan mo iyong militar, imbestigahan mo rin iyong kalaban ng militar. Iyong hindi lang isang aspeto ng buhay ang kanilang inimbestigahan. So, therefore, the investigation comes out as a very subjective investigation. Hindi siya patas, hindi siya objective.

TULFO:  All right. So for the meantime, sir—pero kung mapapansin, natin, Sec, ha iyong mga tao very supportive, dahil sa mga surveys nakikita nila na parang contented sila sa ginagawa ng gobyerno against criminality, against the anti-drug campaign of the government. Mukhang okay sa kanila, aprubado sa kanila, Sec eh.

SEC. ANDANAR:  Oo. Iyon naman—for example iyon, in-investigate ba nila iyong mga taong satisfied sa campaign against illegal drug ng gobyerno; although nandiyan na iyan nagkaroon tayo ng problema dahil sa itong kaso ni Dumlao na diumano’y kinidnap itong isang Korean businessman at pinatay at ito ay big blow talaga sa Philippine National Police. Pero ang isang kaso naman… does it mean one case should define everything. Hindi naman lahat ng police ay masamang mansanas, hindi ba, pero nandiyan na tao. Inalis na ni Presidente ang war against illegal drugs sa police at nilipat na sa PDEA; at si Bato ngayon ang kanyang order ay para habulin iyong mga scalawag. Nandiyan na tayo eh, hindi na natin maalis iyong katotohanan na ito iyong minana ni Pangulong Duterte na problema sa Philippine National Police from the past administration, na isang Philippine National Police na may mga masasamang mansanas sa loob. Nandiyan na tayo, we just have to move forward. Pero itong nabanggit na Amnesty international, I think this is a very unfair study.

TULFO:  Can’t the government, boss o maging ikaw na lang sana, eh tanungin ang Amnesty, how did they ended up with such a, ika nga, conclusion. Dahil ina-announce pa, nagpa-presscon pa kahapon. Talagang pinaninindigan nila na itong patayan na ito, ito ay EJK lahat and that this is a government sponsored because the police are being paid per ulo. So medyo nakakasira, Sec. At siyempre dahil sa social media ay kung itong balita na ito, kung sana-sana na nakakarating eh maraming maniniwala dito, because it’s Amnesty International. So what do you plan to do, what is the administration going to do about this, sir?

SEC. ANDANAR:  Tignan natin kung ano iyong magiging reaksyon din ng ilang miyembro ng Gabinete, ng Philippine National Police. Pero I would also advise the Amnesty International na pumunta doon sa Jolo, Sulu, Basilan, mga infested areas ng insurgency at pag-aralan din doon iyong mga nangyayaring mga extra judicial killing, mga kidnapping at alamin nila kung ano iyong estado para makita natin ang ibang pag-aaral ng Amnesty International. May mga human rights victims doon sa Jolo, Sulu. Marami doon.

TULFO:  Anyway, Secretary Martin Andanar. Nice hearing from you again, sir. Magandang umaga. Mabuhay po kayo, Sec.

SEC. ANDANAR: Mabuhay ka, partner. Sir I’ll wait for the call. 9 o’clock ba iyon?

TULFO:  Yes, sir, mga 9:30. At saka alam mo ba hindi ka din namin nami-miss ng mga kababayan natin, kasi aba iyong boses mo pa rin ang naririnig namin sa mga time check, mga blogging. Eh kaya iyong mga nalulumbay sa iyo, name-miss ka, eh naririnig ka pa rin sa Radyo Singko.

SEC. ANDANAR: Salamat.

TULFO:  Napakaganda kasi ng boses mo partner eh. Hindi lang pang-Secretary, pang-announcer pa… at pang-lover pa.

SEC. ANDANAR: Salamat.

TULFO:  Good morning po at mabuhay kayo, Secretary Andanar.

SOURCE: NIB Transcription