Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
DWIZ – Push Mo ‘Yan Teh by Ruth Abao
03 February 2017
ABAO: Hi, Secretary. Good morning.

SEC. ANDANAR: Magandang umaga, Ma’am Ruth. Magandang umaga po sa lahat ng nakikinig sa inyong programa dito sa DWIZ.

ABAO: Naku, tamang-tama iyong tanong ko, iyong unang lumabas na Amnesty International report kahapon. Ano ba ang reaksiyon ni Presidente tungkol dito, Secretary?

SEC. ANDANAR: Well, kami sa Presidential Communications Office, ang amin lamang dito ay parang medyo hindi yata posible na kayang ma-afford ng Pilipinas or ng pulis iyong sinasabi nilang $400 per head ‘no. Kasi kung titingnan mo talaga, eh kung sabihin natin 20,000 per head at i-multiply mo siya 7,000 na…you know, capital and extrajudicial, 7,000. So that’s about P140 million. Eh wala ngang ano … kulang ang pondo ng Philippine National Police. Pati iyong pampasahod sa mga pulis ay kulang nga eh. Eh saan kukuha ng P140 million. Siguro, maganda rin sigurong imbestigahan ng Amnesty International iyong possibility na baka naman ay nanggagaling sa kabilang kampo, sa mga drug lords iyong pera na iyon. Kasi sa palagay mo, Ruth, papayagan ba ng COA iyan?

ABAO: Oo, oo. Saan nila kukunin iyon.

SEC. ANDANAR: Saan kukunin iyon, Diyos ko!

ABAO: [Laughs] Pero, Secretary, ganito, so there is a possibility na, dahil nga nagki-cleansing tayo ‘no, may mga scalawags. There is a possibility na mayroong mga police officers na nababayaran pero hindi nanggagaling sa gobyerno ang pondo?

SEC. ANDANAR: Posible po na iyong pera ay galing sa mga drug lords. Sila naman ang may pera eh. ‘Di ba sinabi nga ni Presidente na kung one hit a day, so hundred, 6,000 a month, tapos P280 billion a year, eh ang dami nilang paghuhugutan ng pera. So palagay ko, iyong Amnesty International, I think Ruth, kailangan din nilang mag-imbestiga doon sa kanilang kampo eh. If you want a very objective investigation, dapat imbestigahan nila iyong internecine na nangyayari, kasi human rights abuse din naman iyon eh. ‘Di ba iyong nangyayaring patayan, mahirap naman na sabihin mo na lahat ng human rights abuses gobyerno ang gumagawa. Kung mayroong bida, mayroon kontrabida rin eh.

At saka number two, alam naman natin na iyong Amnesty International is a non-ptofit organization, and that’s really their job to look at the human rights violations of other countries and they need to create all of these reports. I mean, okay lang iyon, gumawa sila ng mga reports ‘di ba,  pero kailangan din naman siguro na maging fair din iyong report na …parang ang nangyayari tuloy ay preconceived notion, or bago gawin iyong report, alam na nila kung ano ang gusto nilang i-report. ‘Di ba, parang hindi nila tinitingnan iyong kabilang side of the story.

ABAO: Pero ito po, Secretary Andanar, kasi sinasabi nila na lumalabas din daw sa research nila na isagawa na itong karamihan daw po nang napapatay at nahuhuli ay puro mahihirap. So this war on drugs is the war on poor?

SEC. ANDANAR: Well, alam mo, iyong mga namamatay sa war on illegal drugs, understandably ay dealers and drug peddlers and drug pushers na alam mo nang hindi sila …they don’t belong to the upper strata of society. Now, mayroong mga drug pushers, mayroong mga drug peddlers na nakatira sa mga subdivisions ‘di ba, mga ganoon, gated communities, mayayaman, may guwardiya, lahat kumpleto. Iyong mga general na lang na binanggit ni Presidente, iyong mga nasa gobyerno. So naturally, mas susceptible iyong mga drug peddlers na nakatira doon sa mga communities na hindi gated, na mahihirap. Kasi kailangan na maintindihan din natin na kung ikaw ay isang mahirap na drug pusher at mayroon kang dalang limang libong pera sa bulsa mo at hinuli ka sa pulis, you will fight to the death para sa limang libo na iyan kasi hindi mo alam kung saan mo kukunin—

ABAO: Kasi malaking bagay iyon ano, iyong 5,000 para sa kanila.

SEC. ANDANAR: Oo, kasi number one, kung magbenta sila, babayaran nila iyong matataas sa kanila eh ‘di ba. Halimbawa, iyong kung sinuman iyong nasa taas, iyong nagsu-supply ng droga, dahil kapag hindi nila nabayaran ay sila naman ang mamamatay. Papatayin naman sila. So they fight ‘til … you know, pero iyong mga mayayaman naman, may mga kaya, eh ‘di ba kapag nag-o-operation tokhang hindi mapasok iyong mga subdivision dahil sa reklamo ‘di ba?

ABAO: That’s right, oo.

SEC. ANDANAR: So these are the inequalities… the inequalities of life in our society. And again, hindi ko naman … I am not justifying the Operation Tokhang, or operation … iyong anti-illegal drug nga, nilipat na ni Presidente iyong giyera kontra iligal na droga sa PDEA because of what happened to the Korean businessman. Siyempre kahit papaano, it was a big blow to the credibility of the Philippine National Police. At ngayon, ito ang trabaho… the challenge of PNP Chief General Bato Dela Rosa na kung papaano niya bubuhayin iyong imahe ng Philippine National Police by going after the scalawags.

ABAO: Iyon din ang pinagtataka ko, Secretary, kasi para bang …kasi mayroong nag-comment sa akin na taga-Davao. Sa Davao daw ay walang ganiyang klaseng na mga pulis. So ano kaya ang ginawa ni President Duterte doon? At ang iniisip ko, ang lakas naman ng loob ng mga pulis dito na alam nila na very strong ang personality ni Presidente and he will not compromise, and yet mayroong mga pulis na ang lakas ng loob na gumagawa pa rin nito?

SEC. ANDANAR: Well, alam mo, Ruth, you can never erase evil in the world, I guess. Mayroon talagang lalaban at lalaban. Mayroon talagang demonyo. Mayroong anghel, may demonyo talaga eh, hindi mo maaalis iyan. At alam naman natin na ang Philippine National Police is a huge organization, and ito ay minana ng ating Pangulo. Kung anuman ang mayroon ang PNP ngayon, ito ay minana lamang ng ating liderato ngayon. And obviously, itong mga ganitong mga nefarious activities have been happening even before, for a long time already. Ito ay ano lamang, we took over the problem. And then okay na sana iyong operation, marami nang sumu-surrender pero the few scathes is really a big blow in our faces. But you know, we cannot stop and just cry over spilled milk. We have to move forward, at iyon ang ginawa ni Pangulong Duterte. In-assign niya sa PDEA. Once again, the war against illegal drugs did not stop or will not stop. Nilipat lang ho ang command kay General Lapeña. At iyon nga ang pinag-usapan nila ni General Lapeña at ni Executive Secretary Bingbong Medialdea kahapon, buong maghapon, ay iyong Executive Order na bubuuin. Although I wasn’t there, so I’m not privy kung ano ang napag-usapan. Hintayin natin kung ano iyong ilalabas ni Executive Secretary Bingbong Medialdea, hopefully, by this week.

ABAO: Oho. Pero iyon, Secretary, para bang ‘di nag-Oplan Tokhang, nag-suspension. On the same night, if I’m not mistaken, na sinuspend iyon, biglang nagkaroon ng huli, nag-buy bust operation ang PDEA, mayroon ding napatay. So para bang, ano ang gagawin natin kapag ang PDEA ay nagkaroon din ng mga track record na ganito, na mayroon din silang napapatay?

SEC. ANDANAR: Well, ayaw ko namang sagutin iyong mga ganoong speculation, hypothetical questions; pero we want to be optimistic sa kinabukasan nitong drug war. At I don’t really want to be negative about it. So ako, ang message ko is best of luck and let us support the PDEA sa kanilang giyera against illegal drugs. Kasi may mga reports akong natanggap na nagbunyi daw iyong mga barangay na laganap iyong droga. Sabi ko, ‘Teka muna, masyadong premature iyong pag-celebrate ninyo.’ Kasi akala nila … iyong iba kasi, doon sa next day, naglabasan na tigil na iyong … against illegal drugs. Hindi ho natitigil; nilipat lang ho iyong command. Tuloy-tuloy ho ito, and as General Bato is busy running after the scalawags na mga pulis.

ABAO: So if it’s in any consolation, Secretary Andanar, sir, sa mga comments namin na natatanggap, marami ang hindi pabor ng suspension ng Oplan Tokhang. Kasi ang sinasabi nga nila, kasi iyong mga tao na very close to their hearts at alam nila iyong problema ng droga sa kanilang lugar, sabi nila, ‘Ang dami pong mga drug lords, madami pang mga drug pushers, mga drug users dito sa aming lugar sa kanilang lugar, kung baga para ka lang bumili sa tindahan ng shabu. So hindi sila pumapayag eh.

SEC. ANDANAR: Iyon nga eh. Nalulungkot ako, kasi alam mo iyong Operation Tokhang, hindi lang iyong drug user at iyong drug pusher iyong sumu-surrender at nahuhuli. Nakukuha din iyong mga pangalan ng mga pulis na sangkot. So alam mo, dahil sa operasyon na iyon, it’s hitting three birds with one stone. At kapag nakukuha mo iyong pangalan ng mga pulis na sangkot sa iligal na droga, ano ang gagawin ng mga pulis na iyon na nahuli, na nakuha iyong pangalan nila, naturalmente, gaganti, ‘di ba. So malaking dahilan din itong pagganti ng mga pulis na bulok na mansanas sa ating Philippine National Police. Malaking posibilidad din na sila ay gumaganti din sa mga pulis na maayos. Kaya sayang talaga iyong operasyon ng Philippine National Police.

Pero nandito na tayo. It’s already water under the bridge. Nangyari na iyon eh. All we can do is just to support the PDEA, support Armed Forces of the Philippines sa back up sa PDEA at paghuli din sa mga scawalags, at suporta para kay General Bato Dela Rosa sa paghabol dito. Kasi if we stop everything and if we become negative, walang mangyayari, lalong magsasaya ang mga drug lords.

ABAO: Ayan, okay. Finally, Secretary Andanar, pakiulit nga po, ano ang panawagan ninyo sa Amnesty International?

SEC. ANDANAR: Ang panawagan ko lang po sa Amnesty International ay siguro tignan nila iyong kabilang side ng coin. ‘Di ba, there are always have two sides of a coin. Hindi lang iyong imbestigahan mo iyong Philippine National Police, iyong mga reports sa inyo. What about the drug lords? What about the human rights victims of drugs? Iyong mga ginagawa ng mga drug lords, mga drug peddlers kung saan milyun-milyon iyong mga nabiktima. At iyong mga deaths under investigation na malaki ang posibilidad na may kagagawan nito ay iyong internecine of drugs o iyong purging sa loob mismo ng mga drug lords o iyong mga nagbebenta ng iligal na droga. So it’s unfair to just lump it all up and say the government is the one responsible. And number one, what is the rationale? And what is—parang imposible, where do you get P140 million? Diyos ko, eh di iyong COA mismo iyong mauuna doon at magrereklamo. Hindi papayagan iyan ng disbursement officer ng Philippine National Police.

So iyon lang. Iyon lang, Ruth. Salamat sa pagkakataon na ma-explain namin, sa gobyerno, ang aming side.

ABAO:  Secretary, thank you very much for always being available for us.  Thank you very much, sir.

SEC. ANDANAR: No problem, anytime. Mabuhay po kayo

SOURCE: NIB Transcription