INTERVIEW OF COMMUNICATIONS SECRETARY HERMINIO COLOMA, JR.
RMN / Straight to the Point by Rod Marcelino & Einjhel Ronquillo
05 February 2016
MARCELINO: Inaasahan na ilalabas po ni Pangulong Aquino iyong Executive Order para dito po sa SSL 4, Secretary?

SEC. COLOMA: Wala po tayong tiyak na petsa. Nabatid po natin mula kay Secretary Butch Abad ng Department of Budget and Management, inihahanda na ng DBM iyong kanilang rekomendasyon kay Pangulong Aquino hinggil sa pagpapatupad noong first tranche para sa 2016, itong panukalang Salary Standardization.

MARCELINO: Oho. So magandang balita po iyan. Kahit hindi po naisabatas itong SSL 4, pero tuloy pa rin pala iyong pagkakaroon ng increase sa mga kawani ng gobyerno, Secretary?

SEC. COLOMA: Ganoon nga, dahil kung tutunghayan natin iyong pambansang budget for 2016, kasama sa inaprubahan ng Kongreso ay iyong item para sa pagtataas ng suweldo ng mga kawani ng pamahalaan, at umaabot sa P57.9 billion iyong nakalaang pondo na naaprubahan na ng Kongreso para dito. Kaya’t iyong tatalakayin na lamang ay kung paano ito ipapatupad, at saka iyon po ang hinahandang rekomendasyon ng DBM.

RONQUILLO: Pero kasama na po ba dito, Secretary iyong mga active personnel ng AFP at saka ng PNP?

SEC. COLOMA: Ang pagka-alam ko po, lahat po ng mga kawani ng pamahalaan.

MARCELINO: Lahat, okay. Pero Secretary ito ay first batch pa lang ng increase?

SEC. COLOMA: Ang latag po kasi nung panukala ay apat na tranches, o apat na taon – 2016, 2017, 2018 at 2019. Kaya po iyong tinukoy ko ay para sa 2016, iyong unang taon o first tranche. Dahil nga po katulad nang nabanggit, meron nang aprubadong budget para diyan.

RONQUILLO: Para sa first tranche, sa first ano.

SEC. COLOMA: Ganoon nga po. Para naman doon sa second tranche sa 2017, ayon din kay Secretary Abad, isasama po nila iyan doon sa National Expenditure Program. Iyong National Expenditure Program, iyon po ang magiging batayan para doon sa 2017 budget. Iyong 2017 budget po kasi, inumpisahan na iyong paghahanda bagama’t ang magsa-submit po diyan ay iyong susunod na Pangulo na dahil isa-submit po ito ng hindi lalagpas pagkatapos ng SONA, July 2016. Lampas na po iyon sa termino ng kasalukuyang administrasyon. Kaya lang kailangan pong ihanda na. At kapag nag-turnover na doon sa transition period, kasama po iyan sa ite-turnover ng kasalukuyang administrasyon sa susunod na administrasyon. Kaya iyon ang puwedeng tumugon doon sa second tranche, iyong 2017.

RONQUILLO: As well as iyong fund po, Secretary doon sa 2018 and 2019?

SEC. COLOMA: Iyong 2018 at 2019 ay iba pong usapan iyon ano. Kaya nga po sana kung naipasa itong…o kung maipapasa dahil hindi pa naman tapos iyong 16th Congress, at magre-resume pa naman.

RONQUILLO: Sa May.

SEC. COLOMA: Itong SSL 4 ay parang tila po iyong buong apat na tranches na ang sinasakop noon. Magbibigay sila ng otoridad para doon sa kabuuan nung apat na tranches, pero usually po kasi ang implementation niyan ay apat na taon.

MARCELINO: Parang installment.

SEC. COLOMA: Oo, parang one tranche per year. Iyan po ang konsepto diyan.

MARCELINO: Dito sir sa unang batch, sa unang tranche, sabi n’yo nga Secretary, iyan ang pipirmahang Executive Order ng Pangulo. Mga magkano po ang unang matatanggap ng mga empleyado ng gobyerno. May idea ho ba kayo?

SEC. COLOMA: Inilahad po iyan nung mga nakaraang buwan. Ang naalala ko po, sa kabuuan ay magkakaroon ng pagtaas sa suweldo ng ating mga kawani sa pamahalaan na ang resulta po iyong kabuuan o the average papatak na sa 70% of the private sector salaries iyon pong average salary sa gobyerno. Dahil isa pong layunin ay iyong pataasin ito para naman puwedeng maihambing sa suwelduhan sa private sector, at para naman po maka-akit ang pamahalaan at makahimok sa mga naglilingkod sa pamahalaan na tumagal sa serbisyo. Kaya po pinapataas iyong antas ng pasweldo up to 70%. Kung dati po, iyong nagmula niya na baseline, iyon pong average natin sa gobyerno less than 50% nung average salary sa private sector. Iyon po ang nalalaman ko doon sa kabuuang epekto ng pag-i-implement nitong SSL.

MARCELINO: So ito pong inaasahang paglalabas po ng Executive Order ni Pangulong Aquino, ito na ba iyong panawagan ni Senator Ralph Rector na gumawa ng Executive Order si Pangulo para rito sa pagkakaroon po ng increase?

SEC. COLOMA: Ang batid ko po iyan ay kasama doon sa mga option na inilahad ng mga lider ng Kongreso. Tila po si Senate President Drilon ay nagmungkahi din niyan dahil nga may posbilidad na hindi na nga maipapasa. Iyon po ang inilatag nilang option yaman din lamang at meron nang aprubadong appropriation doon sa ating pambansang budget para doon sa pagpapatupad nung first tranche.

MARCELINO: Kasi kung hindi ito mangyayari, hindi ba, Secretary magiging sayang iyong pondo?

SEC. COLOMA: Kaya nga po naglaan na ng pondo doon sa 2016 budget, dahil nga po plinano talaga na maipagkaloob na ito simula sa taong ito.

MARCELINO: So mga kailan ito mararamdaman ng mga kawani?

SEC. COLOMA: Ang implementation nito ay effective or retroactive to January 1, 2016.

MARCELINO: Okay, January 1, 2016. Pero nasa February na po tayo, so magkakaroon ba ito ng retroactive?

SEC. COLOMA: Kababanggit ko po, ulitin ko na lang po, sorry. Kababanggit ko lang po, ang effectivity date ay January 1, 2016. Maari naman pong gawing kasunod, nasa batas pa rin po iyon.

RONQUILLO: Secretary, kung ang SSL po ay may pag-asa kumbaga, how about iyong SSS, wala na po ba talaga itong pag-asa kahit na magre-resume pa po ang session sa Mayo?

SEC. COLOMA: Ano ang ibig sabihin natin na walang pag-asa?

RONQUILLO: Ma-o-override. Sa tingin n’yo po ay gagawa din po, katulad ng executive order. May pag-asa po ba itong si Pangulong Aquino na gumawa ng Executive Order para po mai-angat iyong SSS pension?

SEC. COLOMA: Wala po akong impormasyon hinggil diyan.

MARCELINO: Secretary, iyong Malacañang,tanggap na ho na patay na iyong BBL. Secretary?

SEC. COLOMA: Yes. Ano ang katanungan mo.

MARCELINO: So ano ho iyong puwedeng gawin pa ho, parang kasi ang sinasabi ngayon ay mukhang ang pinangangambahan iyong pagtanggap po ngayon ng iba’t-ibang mga grupo sa Mindanao dahil dito sa nasabing isyu, dahil hindi natuloy. Well, in fact may mga lugar po sa Mindanao nagsasagawa po ng protesta laban kay Pangulo at sinasabi nga trinaydor sila ng Pangulo. Ano ho iyong mga hakbang ngayon na ginagawa ng Pangulo ngayon, ng Palasyo?

SEC. COLOMA: Mainam po siguro no na sa halip ng pangamba o takot at ligalig, ang pairalin po natin ay iyong katuwiran at hinahon dahil nasa panahon naman po tayo ng kapayapaan. Para naman pong iresponsable, habang may umiiral naman na katahimikan o kapayapaan, dahil lang po hindi…naantala iyong pagpasa ng isang batas ay magiging maligalig na. Parang hindi naman po maganda ang implikasyon niyan sa atin bilang isang bansa. Dahil sa isang demokrasya naman po, talaga namang maaring maganap ng hindi naman agarang matutupad iyong…meron pong pagkakaiba ng mga pananaw, at iyan po ang elemento ng demokrasya. Kapag hindi muna … eh humanap po tayo ng ibang makatuwiran at mapayapang paraan. Hindi naman po natitinag iyong ating determinasyon na ipagpatuloy o itaguyod pa ang prosesong pangkapayapaan dahil iyan naman po ay repsonsibilidad natin sa ating bansa. Tayo pong mga Pilipino dapat magbayahinan po tayo para makapagtatag ng isang tahimik at maayos na bansa. Kaya hindi po nakakatulong kung ang paiiralin natin ay iyong pangamba, iyong takot at iyong ligalig, o kung gumawa po tayong ispekulasyon tungkol diyan. Dahil nga naman pong may taya sa kinabukasan ng Bangsamoro, sila rin naman po ay nagsasbi na kailangang ipagpatuloy pa iyong ating pagsisikap na matamo ang kapayapaan. Kaya po dapat malinaw ang ating determinasyon hinggil diyan. Marami po tayong puwedeng pagtulungan sa maraming aspeto. Kaya iyon lang po ang panawagan natin para maging—huwag po nating hayaan na iyong takot o pangamba o iyong pagkahati-hati ang umiral. Ang pairalin po natin iyong katuwiran, pagiging mahinahon at iyong pagtataguyod ng kapayapaan.

MARCELINO: Pero iyong MILF ho ba ay bukas pa rin po sa ganitong klaseng pag-uusap?

SEC. COLOMA: Siyempre po ‘no. Noon lang makalawa ay natunghayan natin iyong pahayag ng kanilang punong negosyador, si Ginoong Mohagher Iqbal, na committed po sila sa peace process. At nais po nilang…masigasig din po sila sa pagtataguyod nito dahil katahimikan po ang kanilang layunin.

MARCELINO: Hinahangad, pero iyong Pangalawang decommissioning, mukhang imposible na pong mangyayari iyon?

SEC. COLOMA: Ang timetable po diyan ay nakatali doon sa pagpapasa ng batas. Kaya wala na pong mandatory requirements ngayon dahil napairal na iyong first range. Iyon lang naman po ang tuwirang apektado nung hindi pagpasa ng BBL. Marami pa naman pong mga elemento iyon, katulad doon sa socio-economic provision. Noon lamang pong isang araw ay natunghayan din po natin iyong pahayag ng Japanese government. Marami po silang tinataguyod na proyekto na pangkatahimikan at pangkaunlaran sa Mindanao. Tuloy pa rin po nilang itataguyod ang mga proyektong ito hanggang makumpleto. Marami pong bansa ang tumutulong sa atin. Nais po nilang magtagumpay ang katahimikan, at dapat po tayo rin Pilipino ganundin po ang maging layunin natin.

MARCELINO: Okay, Secretary, dito sa nangyari sa BBL at maging sa iba pang mga importante, iyong mga mahahalagang panukalang batas gaya ng FOI Bill, Anti-Dynasty Bill, ito po ay hindi naisakatuparan sa panahon ng administrasyong Aquino. Sinasabi nila ay mukhang naging lame duck daw iyong Pangulong Aquino na taliwas sa sinasabi po ng Malacañang na hindi magiging lame duck itong mga natitirang panahon ng ating Pangulo. Ano po ang masasabi ninyo rito?

SEC. COLOMA: Kilalanin po natin ba sa isang demokrasya ay talaga pong meron ding pagkakaiba ng mga pananaw. At iyon naman pong mga mambabatas natin kumakatawan sa mga pambansa at local na constituency, at meron din naman po silang katuwiran sa pagpapasya sa parang magpasya sila. Kaya medyo marahas naman pong pananaw iyong sabihin na lame duck o walang ano. Kung tutunghayan po natin, marami pong mahalagang lehislasyon na naipasa sa termino ni Pangulong Aquino na inakalang hindi maaring ipasa kailanman, katulad po nung Responsible Parenthood at Reproductive Health Bill, deka-dekada po ang inabot niyan. Iyon pong sin tax reform na pagtaas ng buwis sa sigarilyo at alak, deka-dekada din pong ipinasa. Iyon pong Cabotage Law sa shipping industry. Iyon pong Competition Act na laban sa monopolyo ng mga industriya, matagal din pong tinatalakay iyan. At marami pa pong iba. Para maging balance naman po iyong pananaw natin, dapat tunghayan iyong buong legislative record, at makikita natin na maring mahahalagang panukalang batas na naipatupad.Iyon pong FOI, marami nagpapahayag tungkol diyan. Kahit na hindi pa po napatupad iyan, pina-practice na po ng gobyerno iyong mga prinsipyo niyan, inunahan pa po iyong pagpapatupad ng batas. Wala pong usaping nagaganap sa gobyerno ngayon na hindi malalaman dahil required po ang mga tanggapan ng pamahalaan na ilathala sa kanilang website lahat ng mga mahahalagang desisyon;0 pati po iyong major procurement ay dapat idaan sa government procurement process. Siguro po ito na iyong pinakahayag at transparent na pamahalaan na nakita natin na magbibigay ng mahalagang impormasyon sa publiko kahit na hindi pa naisabatas iyong FOI.

RONQUILLO: Pero Secretary, may kumento po kasi ang Makabayan bloc sa Kongreso kung saan sinasabi po nila, oo nga, may mga naganap na batas, pero iyong mga batas na direktang maapektuhan ay sa ordinaryong mamamayan, like, for example daw, iyong tax reform, tapos iyong SSS pension hike, eh parang walang ginawa daw pong aksyon ang ating pamahalaan. Iyong direkta pong makaka-apekto sa mga ordinaryong mamamayan.

SEC. COLOMA: Lahat naman po ng transakyon ng pamahalaan, ni Pangulong Aquino wala pong ibang isinaalang-alang kung hindi iyong kapakanan ng karamihang mamamayan. at iyon pong kapakanan ng pinakamaralita. Hindi po makatuwirang sabihin iyan dahil sa administrasyon pong ito ay na-institutionalize iyong tuwirang pagbibigay ng tulong sa mga pinakamahihirap , pinakamaralitang pamilya doon po sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program, doon po sa pagkakaloob ng universal health benefits. Taun-taon po pinakamalaking portion ng ating (recording cut)

MARCELINO: Lahat lalabas yan, lalabas lahat ng usapan na iyan.

RONQUILLO: So, iyon pong tumatatak sa isip ng mga Pilipino, lalo na ngayon na patapos na ang kanyang termino.

MARCELINO: Yes, yan talaga ang mangyayari diyan, kaya sabi ni Sec. Coloma ang dami namang mga panukala na naisabatas sa panahon ni Pangulong Aquino sa kanyang administrasyon. Balikan natin si Presidential Communication Sec. Sonny Coloma. Secretary, Magandang umaga po muli.

SEC. COLOMA: Paumanhin lang po. Sorry po, naputol po ang ating linya, Sorry po.

MARCELINO: Opo, Naiintindihan namin Secretary. So, Sinasabi nga po namin dito ng aking partner, ito po ang panahon na bibigyan po ng huling evaluation ng publiko ng taong bayan sa performance po ng ating Pangulo dahil patapos na po yung kanyang termino, at buwan na lang ang binibilang natin dito, Secretary, di po ba?

SEC. COLOMA: Oo, tama ‘yun, hinihintay natin pagdaraos ng pambansang halalan.

MARCELINO: Opo, pero base po sa suma total po, sa assessment po ng ating Pangulo, nasaan na po yung ating bansa ngayon?

SEC. COLOMA: Malayo na po ang narating natin. At kung tutunghayan yung paglago ng ating ekonomiya buhat po nung nakaraang anim na taon, 2010 hanggang 2015, naitala po natin yung pinakamataas na antas ng GDP growth na natamo ng Pilipinas simula pa noong 1978, or 37 years na po ang nakararaan. At ito po ang pinakamataas. At hanay ng mga bansa sa mundo ay nasabing taas noo muli ang ating bansa. Sa international community po, investment grade tayo. Dati ang tawag ng Pilipinas ay ‘sick man of Asia’, ngayon po ay ‘Asia’s rising star’ na tayo. At tayo ay tinuturing na isa sa mga pinaka-maunlad na ekonomiya, at kung ating pong mapapanatili yung pag-unlad natin, maari pong maturing na high-income country mula doon sa ating pinanggalingan na Third World country.

MARCELINO: So dahil diyan ay masasabi po nating naramdaman po ng bawat Pilipino yung pong kaginhawaan sa buhay?

SEC. COLOMA: Nararamdaman din natin. Nakita naman po natin yung mayroon pong isang (unclear) iyun pong pagdami ng mga sasakyan. Halimbawa, dito sa ating bansa, karamihan po sa mga bumibili ng sasakyan ngayon na tinatawag ay entry level vehicle, iyon pong mga bumibili ng mga bagong sasakyan ay sila po yung nanggaling doon po sa antas ng mga nangangarap ng maaliwalas na kabuhayan. At dahil nga po sa (unclear), nakakabili po sila ng bahay, nakakabili po sila ng sasakyan. At doon din sa estadistika natin ay tinatawagan natin yung mga out of school youth at mga (unclear)ang bansang kabuhayan sa mga dating pinakamaralita dahil tuwirang paghahatid ng mga benepisyo sa kanila.

Dati po ay yung ginagawa diyan ay yung tinatawag na tricklr down effect lamang. Umaasa tayo na kapag napalago ang ekonomiya ay sana maambunan yung mga pinaka sa ilalim. Ngayon po ay inihahatid din po sakanilang tahanan yung benepisyo ng ating pamahalaan. At ito ay sa mga aspeto ng edukasyon, kalusugan at pangkabuhayan.

MARCELINO: Opo, Pero aminado naman kayo na hindi po lahat ay ramdam yung pag-lago ng ating ekonomiya. Gaya ng sinasabi inyo na sayang na sana umabot pa ito hanggang doon sa pinakamababang antas ng buhay ng Pilipino?

SEC. COLOMA: Maging realistiko din tayo dahil ang tinutukoy po natin ay mahigit apat na milyong pamilya. Ngayon nga po, yung ating tinutulungan ay 4.6 million families, mahigit twenty million Filipinos ito. Hindi naman po ito magagawa overnight. Kailangan nga po ang (unclear) natin ay yung sustained (unclear), hindi po pwede na paudlot-udlot po, na dapat ay patuloy natin dahil yun pong pinakamalapit na mababang antas, isang bagyo lang, isang kalamidad lamang ay pwede ka nang maitulak muli sa laylayan ng lipunan, ika nga ano, kaya dapat po ay pag-igtingin pa yung ating mga pagsisikap at para po mas maging ganap yung paglaya ng karamihan po sa ating mga mamamayan mula sa kahirapan. Continuing effort po ito, (unclear) process po ito. Hindi po ito matatapos ng iilang taon lamang, kaya dapat (unclear) kabutihan.

RONQUILLO: Sec. may pahabol po tayong text message dito ano. How about yung pinangako daw po ni Pangulong Aquino na magiging rice sufficient daw po ang ating bansa bago po matapos ang kaniyang termino, na hindi naman daw po naisakatuparan?

SEC. COLOMA: Ayon po sa (unclear) ng Department of Agriculture ay natamo naman po natin ‘yan no, (unclear), kung hindi man sa 100 percent ay halos sa 100 percent. At dapat nating ikonsidera din po ‘no, meron po kasing tinatawag na comparative advantage sa iba’t-ibang mga produkto na katulad din po ng bigas. At kung kumpara sa ibang mga bansa sa ating rehiyon (unclear) mga bansa, kaya ‘yan din po ang ibang aspeto na dapat nating bigyan ng pansin. Kaya nga po nagda-diversify na rin tayo sa iba pang high value crops (unclear) ay natamo natin (unclear) kung hindi man 100 percent ay more than 95 percent. (unclear) yung aktwal na datos ng Department of Agriculture.

RONQUILLO: How about yung tulong po ng ating pamahalaan, lalong-lalo na po diyan sa may bandang Mindanao, na kung saan nakakaranas na po sila ng tag-tuyot?

SEC. COLOMA: Mayroon po tayong pinapatupad na El Niño Action Plan, at tinututukan po yan ng iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan para maibsan yung epekto po ng tag-tuyot. Dito po sa Luzon, matulungan tayo dahil po sa Bagyong Lando (unclear). Tatlo yung mga (unclear) sa buhay natin.

Patuloy pa rin naman yung pagsisikap ng iba’t-ibang ahensya. Pinagtutulungan po yan ng lahat ng mga ahensya ng pamahalaan dahil hindi po natin pwedeng mapahintulutan, lalo po yung ating mga kababayan dahil sa extreme hot weather or dry spell, kaya iyan po ang ginagawa natin.

MARCELINO: At Secretary, mapunta naman po tayo sa politika at sulitin na po natin itong pag-kakataon Sec. Pasensya na po kayo. Kumusta na po yung suporta ni Pangulong Aquino kay Secretary Roxas?

SEC. COLOMA: Ay talaga pong desidido ang Pangulo na itaguyod ang pagpapatuloy ng daang matuwid. At asahan po natin na sa pagsimula ng pambansang kampanya ay buong buo po ang determinasyon nya sa gagawing pagkampanya sa mga kandidato ng Tuwid na Daan coalition.

RONQUILLO: Opo. Ano po iyong reaksiyon ng Pangulo dito sa resulta ng mga survey, na kung saan consistent po sa number 4 si Secretary Roxas?

SEC. COLOMA: Ang pananaw po ng Pangulo ay dapat tunghayan kung saan po nanggaling. At kung tutunghayan natin, iyon naman pong datos ay nagtuturo doon sa reyalidad na patuloy iyong pagtaas ng antas ng suporta ng mga mamamayan para sa kandidatura ni Secretary Mar Roxas ‘no. Nag-umpisa po iyan sa single digit hanggang humantong po siya doon sa statistical tie ‘no. Mayroong porsiyento noong Disyembre na halos statistical tie iyong apat na nagtutunggali – at isa po siya doon sa mga leading candidates. Kaya’t matibay po ang paninindigan ng Pangulo na umaani ng suporta ang pagpapatuloy ng matuwid na daan.

MARCELINO: Last na point on my part, Secretary ano. Kasi, humingi po ng tulong ang NGCP regarding po doon sa nangyaring pambobomba ng mga transmission towers diyan po sa Mindanao, at pinangangambahan na baka daw po hindi magkaroon ng eleksiyon sa nasabing lugar kapag po nagpatuloy, ano, iyong pagpapasabog sa ilang tower ng NGCP?

SEC. COLOMA: Well, mayroon pong inter-agency committee na itinatag sa direktiba ng Pangulo, at patuloy po nilang tinututukan iyang sitwasyon at kinakausap po iyong iba’t ibang mga sektor na apektado diyan. Hindi lang naman po kasi iyong security aspect ‘no, iyong mismong mga right of way concerns—

MARCELINO: Oo, iyong sa lupa.

SEC. COLOMA: Sa lupa po na kinatitirikan ng mga tower. Kaya lahat po iyan ay tinutukoy ngayon ng inter-agency committee. Kailangan din po ang suporta ng mga lokal na pamahalaan para po sa pagtitiyak sa seguridad ng ating mga transmission towers. At sa pinakamataas na prayoridad ang ibinibigay ng pamahalaan doon sa pagtiyak na magkaroon ng sapat na supply ng kuryente para sa halalan.

RONQUILLO: Opo. Alright.

MARCELINO: Okay. With that Secretary, maraming salamat po.

SOURCE: NIB-Transcription