February 06, 2017 – Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar |
DZRH – Isyu by Deo Macalma and Karen Ow-Yong |
06 February 2017 |
MACALMA: Secretary, good morning. OW-YONG: Good morning, sir SEC. ANDANAR: Magandang umaga po. MACALMA: May Cabinet meeting ba ngayon, Secretary? SEC. ANDANAR: Wala po today, wala po. Kasi ang Cabinet meeting po ay every first Monday at third Monday of the month. MACALMA: Hindi pala weekly. OW-YONG: So two weeks from now. MACALMA: So wala pa pong order sa inyo na i-text sina Secretary Paeng Mariano, Secretary Taguiwalo na huwag nang um-attend ng Cabinet meeting, wala pa namang ganoon? SEC. ANDANAR: Wala po, wala pong ganoon. OW-YONG: May mga speculations po kasi, may mga tsismis na kumakalat. MACALMA: So ano ang sabi po ng Pangulong Digong, Secretary Andanar, dito sa mga inirekomenda ngayon ng NDF na iyong …ayan, binansagan na ng Pangulong Digong na terorista ang mga NPA, tapos iyong mga lider ng CPP na nasa peace talks, na nasa Norway, aba’y bumalik na at kung bumalik ay arestuhin na. Anong expected doon sa mga Cabinet members na inirekomenda ng NDF, Secretary, sir? SEC. ANDANAR: Well, ayaw ko naman ding pangunahan ang ating Pangulo sa kaniyang gagawin, kung ano ang kaniyang desisyon sa mga Cabinet members na miyembro po ng Kaliwa. Pero I’m sure that the President already knows what to do. Alam din naman natin na magagaling din ang mga Cabinet members na leftist na kasama po natin. Si Secretary Taguiwalo is very good. MACALMA: So wala pang marching orders mula sa Pangulo na, ‘Secretary Andanar, i-text mo na iyong makakaliwa, huwag nang um-attend ng Cabinet meeting,’ wala pang ganoon? SEC. ANDANAR: Wala. Wala po. Pero I’m sure that we will hear from the President soon. OW-YONG: Iyong ano naman, Secretary Andanar, iyong usapin po sa usapang pangkapayapaan. Marami po kasi ang disappointed, nalungkot po. Sabi nila, maganda na daw po iyong progress po ‘no na ating nakamit po sa mga nakaraang mga talks. Is it possible po na kahit wala pong ceasefire sa dalawang panig po ay magkaroon pa rin po tayo ng usapang pangkapayapaan? SEC. ANDANAR: Sa ngayon kasi, Karen, kung ano ang direktiba ng Presidente, kung ano ang sinabi ng Presidente, I don’t want to interpret it the other way around. So kami ay sumusunod lamang sa direktiba ng Presidente. And until such time na the President speaks again about it, then susunod lang po kami. Iyon lang po talaga iyong sa amin. MACALMA: Hintayin muna natin iyong statement niya. Alamin natin kung talagang iyon na ang kaniyang stand o kaya ay mababago pa sa pakiusap ng ilang grupo, Secretary Andanar, sir? SEC. ANDANAR: Tama, tama kayo. MACALMA: Sir, hindi na po namin kayo masyadong aabalahin. Maraming salamat, Secretary. SEC. ANDANAR: Salamat. Mabuhay po kayong dalawa. |
SOURCE: NIB Transcription |