Interview of Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar
09 February  2017 (9:13 A.m. – 9:26 A.M.)

TULFO:                                               Magandan umaga po, Secretary Andanar, sir.

SEC. ANDANAR:                            Good morning, partner. Magandang umaga sa lahat ng nakikinig ng inyong programa dito sa Radyo 5.

TULFO:                                               Kahapon nakita kita, kasama ka doon sa anniversary ng Customs. [DIALECT] Anyway, nagalit si Pangulo kahapon at sinabi nitong ‘idiot na ito’ dahil nangi-alam at sinabing, “Don’t do my mistakes in drug war.” Ito iyong dating Columbian President na si President Cesar Gaviria. Sec, ano ho ang reaksiyon ninyo rito, ano ang reaksiyon ng Pangulo?

SEC. ANDANAR:                            Well, sa palagay ko naman, partner, misinformed si President Cesar. Kasi, unang-una, sinabi niya na ‘it won’t work, I’ve tried it before.’ Dapat he should take into consideration na iba naman iyong konteksto ng war on drug sa Colombia. Ang alam ko sa Colombia, ang pinakamalakas talaga doon na droga ay cocaine at marijuana. Ngayon, iyong cocaine naman ay … this is a form of drugs na mas mahal kumpara sa shabu; kaya nga ang shabu is poor man’s cocaine. Now, ang effect ng cocaine sa katawan ay hindi kasing lala ng epekto ng shabu. Iyong meth, iyong shabu na may halong tubig ng baterya ay nakakaano talaga ng utak, nakaka-shrink ng utak. So therefore, iba iyong droga nila doon sa Colombia, iba iyong droga sa PIlipinas. Iyong droga sa Pilipinas ay nakakaapekto sa utak ng user, at iyong user mo ay nagiging mala-demonyo kapag nakatira ng shabu. So iyon ang difference noon. So therefore, ang mga nagiging adik dito sa shabu ay mas less iyong chance nakaka-recover, partner. So ibahin po ni President Cesar—ano iyong apelyido niya?

TULFO:                                               Aberya.

SEC. ANDANAR:                            Aberya?

TULFO:                                               Hindi, Gaviria.

SEC. ANDANAR:                            Gaviria, ikaw talaga. At saka number two, sabi niya comprehensive. Eh ano ang ginagawa natin? Hindi ba comprehensive solution naman, andiyan naman iyong DOH. Nakita naman natin, ng taumbayan, kung gaano na lang ang ginagawa ng Pangulo para puspusang matapos itong mga drug rehabilitation center natin, iyong pakikipagtulungan natin sa iba’t ibang religious groups, mga non-profit organizations.

                                                                Pumunta na lang si President Gaviria doon sa Davao para makita niya iyong comprehensive solution ng local government kung papaano nito masugpo ang droga at kung papaano matulungan iyong mga nalulong sa iligal na droga sa pamamagitan ng comprehensive counseling, kasama na diyan iyong drug rehabilitation.

                                                                So misinformed po si ex-President Gaviria, dahil hindi niya talaga alam kung ano ang nangyayari sa Pilipinas.

TULFO:                                               Palagay mo, Sec., itong mga ito, itong mga dating presidente, o maging si Barack Obama or others before, palagay mo sumasakay sila. Kasi kapag sinabi mong Philippines at binanggit mo Duterte eh it really rings a bell. Hindi kagaya dati, kung si PNoy, kapag sinabi mong Philippines, ‘sino ba iyon?’ Pero ngayon kapag sinabi mong Philippines, kahit na saang sulok ka ng mundo, alam ng lahat na mayroon drug war tayo dito at unit-unti nang nauubos iyong mga drug lord, mga drug pusher. So putok na putok sa international media. Eh siyempre nga naman kapag nag-comment ka naman, Sec., aba’y sikat ka, ‘di ba? Ito reaksiyon ni President ganito doon sa drug war ni Duterte, eh tumataas ang rating, nakikilala maski na laos na kagaya ni President Gaviria o aberya.

SEC. ANDANAR:                            Well, of course, nakikilala sila at maybe they feel that they have ano, a thing or two na advice, unsolicited advice. But then again, tayo naman ay tumatanggap ng unsolicited advice as long as it’s placed in proper context.  So kung hindi mo naman pinag-aralan talaga iyong background ng drug war sa Pilipinas, o hindi mo naman talaga alam iyong comprehensive solution na ginagawa ng gobyerno, bakit ka magku-comment kung tatanungin ka ng reporter. Madali naman magtanong eh. Kahit sinong reporter tanungin iyong isang dating Mexican president or dating Thai president, dating Colombian president. Pero it’ still incumbent upon the person who’s being interviewed to at least circumspect siya doon sa sinasabi niya na … dapat alam niya kung ano iyong context.

                                                                Pagdating doon sa sinabi ni President Gaviria ay medyo (signal cut)… okay lang iyan, dahil everybody is entitled to his opinion.

TULFO:                                               Sec, maiba ho tayo. Dito naman tayo…dito sa tinuldukan na nga ni Pangulong Duterte, di ba, itong usapang pangkapayapaan with the CPP-NPA with the NDF at saka with the communist front. Pero ang mga NDF members panel they were hoping, iyong mga makakaliwanag grupo, mga progresibong grupo, are hoping na matuloy pa rin ito kahit na walang ceasefire. But then again the President have said na, ‘no, it is over’ and then sinundan pa iyan ni Defense Secretary Lorenzana declaring an all out war versus the NPA rebels. Tinawag pa nga ni Pangulo na  komunista, terorista ito pati ang…hindi lang komunista, kung hindi terorista, pati  ni Delfin Lorenzana.

SEC. ANDANAR:                            Opo.

TULFO:                                               Wala na ba talagang pag-asa, Sec ito? I mean, tapos na ba ito talaga, is it over? 

SEC. ANDANAR:                            Ang sinabi po ni Pangulong Duterte sa amin sa Gabinete is that at the end of the day what is important is the interest of the Filipino people. When he said this, he said this in front of the three left-leaning Cabinet members. Ngayon, the fact that Left-leaning Cabinet members are still in the Cabinet and are still working actively in the Cabinet and enjoys the full trust and confidence of the President, it speaks volume kung ano iyong—kasi dapat basahin natin kung ano ang nangyayari sa likod eh. So nakita natin nandiyan pa sila…nandiyan pa iyong tatlo na magagaling, si Secretary Taguiwalo, Secretary Mariano, Secretary Liza Masa. Nandiyan pa iyong tatlo.

                                                                Now, ano ang ibig sabihin noon, at the same time when the three are there, para sa akin nangangahulugan na iyong confidence building measures na ginagawa ng gobyerno – kung hindi man doon sa mga pamunuan ng NPA, kung hindi doon sa mga miyembro mismo kung tuloy-tuloy naman – ay it only means that the President really is working for the interest of the Filipino people and these NPA, these rebels, are still Filipinos. At sinabi nga ni Presidente na kung gusto ninyong bumaba, mga rebelde, gusto ninyong sumurender, you are welcome to surrender to me. I will give you livelihood, everything, iyon ang sinabi ng Pangulo.

                                                                So reading between the lines, peace negotiations does not stop on the negotiating table. Even if you are out of the negotiating table, kahit wala nang tao doon, iyong confidence building measures for peace from our side, in the government, continues.

TULFO:                                               So, open pa rin, ika nga? The President is leaving a window open.

SEC. ANDANAR:                            Well—

TULFO:                                               Kung hindi man window iyan, hindi man door iyan, kung anuman iyan na chance na para muling mabuksan ito. You, what you are saying – correct me if I am wrong – iyong mga Left-leaning na mga Cabinet secretary nandiyan pa rin, iyong sabi niya na bumaba kayo kung gusto ninyo, mag-surrender kayo. So entonses, hindi pa talaga final. Iyong sinasabing tapos na ito at bakbakan na tayo. So, binibigyan pa rin, meron pa ring window of opportunity na puwede pang tumuloy itong usapang pangkapayapaan. Because this is what the NDF was saying yesterday, sayang naman. This is what the, ika nga, iyong mga progresibong grupo, mga militanteng grupo sinasabing sayang ang haba na ng napag-usapan. So, meron pang opportunity or window na binibigay ang Pangulo para muling mag-usap, correct?

SEC. ANDANAR:                            Well, para sa akin partner, the President said it already, ‘kung merong gustong bumaba, gustong sumurender, I will give you livelihood tutulungan ko kayo.’ Now, the relevance of a political party and the relevance of a group or a communist group is only there until such time that they have members. Eh ang tanong ko doon, papano kung bumaba iyong mga miyembro at sumurender sa gobyerno, without even telling their leaders. Because the root cause of rebellion in our country is poverty. Eh kung maganda naman ang ginagawa ni Secretary Liza Masa sa poverty alleviation program, iyong DSWD ni Secretary Taguiwalo, iyong Agrarian Reform ni Secretary Mariano and the three of them are Left-leaning working for government in the Cabinet. Kung maganda naman ang ginagawa nila at makahikayat ng mga miyembro ng mga rebelde na bumaba at to go back to society, re-integrate and work because there’s job available, ano pang saysay ng isang grupo na walang miyembro, kokonti lang. So I am looking along those lines, but that’s just me. Kasi ang sinabi nga ng Pangulo doon sa kanyang speech ay kung gusto ninyong bumaba, you are welcome and the President is willing to help you.

TULFO:                                               Sir, meron po akong another isyu pa, other than that. I think a few days ago the President spoke about and confirmed about our report here in TV5 na there exist a Korean mafia and sabi niya iyong head is in Cebu right now, which is exactly correct. That same night, a friend called me up, who is a member of a Korean Committee and he want to send a message to the President. Nagbanta daw kasi nag Pangulo, papatayin ko kayo, kayong mga Korean Mafia kayo, etc, kapag hindi kayo umayos, you are not welcome in this country. Alam mo, Sec, they were so happy daw – the Korean community – because itong Korean mafia are into extorting, parang iyong mga Italian mafia ito. Iyon nga lang ang difference nito wala silang mga foot soldier, ang ginagamit nilang foot soldier, executioner nila, iyong hit man nila, ay mga tiwaling NBI at saka mga police. So when they heard the President said na papatayin kayo isa-isa, they were so happy and they contacted me and they want to send a message to the President na to go ahead daw para masampolan lang daw ito, may mapatay sa  encounter aba eh bababa raw ito at magsisilayasan itong mga Korean mafia. Kasi raw, right now, sir, they are a total 500 members around the country ng Korean mafia at ang trabaho nila ay extortion, Secretary.

SEC. ANDANAR:                            Maraming salamat, partner Erwin, ipaparating ko iyan sa Pangulo, iyong mensahe ng Korean community. I’m sure matutuwa si Presidente dahil meron kaagad from your end, meron kaagad nag-confirm na meron talagang mga Korean mafia at sila ay natutuwa, iyong Korean community. Thank you, thank you, sasabihin ko sa Presidente po iyan mamaya.

TULFO:                                              Secretary Martin Andanar, PCOO, maraming salamat po, sir. Magandang umaga, mabuhay po kayo, Sec.

SEC. ANDANAR:                            Mabuhay kayo, thank you.

##

source:  Transcription NIB