February 12, 2017 – Interview with Presidential Communications Office Martin Andanar
Interview with Presidential Communications Office Martin Andanar |
By Albert Sebastian– DZRB |
12 February 2017 (10:29 – 10:46 A.M.) |
ALBERT SEBASTIAN: Good morning, sir. Welcome po sa Radyo ng Bayan. SEC. MARTIN ANDANAR: Good morning, Albert. Maayong buntag [Good morning]. SEBASTIAN: Yes, sir. Maayong buntag [Good morning] po. SEC. ANDANAR: Sa lahat, lahat po ng nakikinig ng Radyo ng Bayan, kasama na po ang Radyo ng Bayan dito sa Mindanao at sa Visayas. SEBASTIAN: Yes, sir. Alright. Well, sir, ano po—well, ang Pangulong Duterte po ay darating diyan mamaya lamang po sa Surigao ‘no, to inspect iyong, to oversee iyon pong ginagawang pagsasaayos diyan sa mga nasalanta diyan po sa—matapos po iyang pagyanig. Secretary? SEC. ANDANAR: Yes, yes. SEBASTIAN: Yes, sir. Ang Pangulong Duterte po ay nakatakdang pumunta diyan ngayong umaga— SEC. ANDANAR: Yes, yes, yes— SEBASTIAN: Para po— SEC. ANDANAR: Ngayon, Albert, nandito kami ngayon sa Butuan City— SEBASTIAN: Yes, sir. SEC. ANDANAR: Sa Butuan Airport dahil alam naman nating lahat na hindi makakalapag ang eroplano sa Surigao City Airport dahil sa damage na tinamo nito sa runway after ng mag 6.7 na lindol dito sa Surigao at [dahil sa] nangyari nga at nasira, nawasak iyong runway— SEBASTIAN: Yes sir SEC. ANDANAR: Kaya, we are waiting here for the President, tapos sabay-sabay na kaming pupunta ng Surigao City kung saan naghihintay iyong maraming mga kababayan natin sa Surigao at napakalungkot nga iyong mga nangyari. At saka kahit na—kahit nga iyong bahay namin doon eh nagtamo din ng damage, kaunti pero nandito ho ako ngayon sa Butuan Airport at nakikita ko iyong offloading ng maraming ayuda, mula sa Philippine Air Force C-130 plane at nakikita ko ngayon na tuloy-tuloy ang kanilang offloading. Ito ay mula sa Maynila pa, DSWD and we are all ready, nandito lahat ang mga contingent mula sa DOH, DSWD, mayroon din sa Philippine Army, Philippine National Police, iyong Presidential Communication Operations Office, nagpadala din ako ng contingent doon— SEBASTIAN: Yes, sir. SEC. ANDANAR: Through Undersecretary Enrique Tandan. Kababayan ko rin, taga Surigao City rin iyon. So tumawag na rin po tayo sa mga kaibigan natin na puwedeng tumulong sa atin. Iyong grupo ng MVP Foundation ay nagpadala ng mga ayuda doon katulad ng charger ng mga cellphone, generator at tapos nag-request tayo ng tubig na mula din sa Maynila dahil alam natin na noong nasa—noong nagkaroon ng lindol kasi sa Bohol ay isa ito sa mga naging mabigat, pero successful operation, noon ng MVP Foundation noong siya ay tumulong doon. Kaya humingi din tayo ng tulong sa kanila para mapabilis po iyong ayuda. Alam naman natin, kailangan sa mga panahong ito ay lahat tayo ay magsama-sama para tulungan ang ating mga kababayan. Sa Surigao ho kasi eh diyan ako lumaki, every time na may ganitong pangyayari, since malapit ng—talagang malapit lang sa shoreline eh. Alam naman natin dagat talaga iyon o kaya ang takbuhan namin talaga doon sa kapitolyo siyempre. Eh, ngayon lang naka-experience ang Surigao na ganitong kalakas ng magnitude 6.7 after noong pinakamalakas na lindol na naranasan sa Surigao which is 1800 pa iyon pero for this century, this is the first—this is the strongest for this century itong lindol na ito. Ultimo iyong eskuwelahan namin doon sa Pilot Elementary School— SEBASTIAN: Nasira po? SEC. ANDANAR: Well, mayroon pong mga ilang classroom doon na siyempre nag-crack, siyempre delikado kasi iyong mga poste, iyong mga biga doon, eh kung nag-crack iyon ay hindi na safe para sa mga elementary students— SEBASTIAN: Na-mobilize na po lahat noong mga ahensiya ng pamahalaan ‘no, para— SEC. ANDANAR: Opo. SEBASTIAN: Para po sa gagawin na pagtulong sa ating mga kababayan diyan? SEC. ANDANAR: Opo, kahapon pa tapos ngayon iyong reinforcement. Halimbawa, sabi ng DSWD mga tatlong daang kabahayan ang na-damage sa CARAGA Region pero sa Surigao City mismo eh mayroon silang naitala na 155 na partially damage. Oo, doon sa main houses … iyong partially damage 179 tapos iyong… batay rin sa pinaka-recent report ng DPWH sa CARAGA, mabuti naman at iyong Banahaw Bridge sa Surigao City ay puwede ng daanan ng mga vehicles tapos iyong ilang lugar din sa Surigao City ay may kuryente na pero of course hindi pa rin sapat dahil mayroon pa ring ibang mga barangay na wala pa ring kuryente tapos… problema din iyong tubig kaya ang panawagan natin sa ating mga NGO na puwedeng tumulong, puwedeng magpadala ng tubig ay idaan na lang po sa DSWD para mapadala dito sa Butuan City through C-130, iyon po ang kailangan, tubig. SEBASTIAN: Sir, mayroon po bang ire-release na mga karagdagang pondo pa po aside from—na in-announce na po kahapon? SEC. ANDANAR: Ayoko namang pangunahan ang ating mahal na Pangulo pero mamaya magkasama kami, so hintayin na lang po natin ang magiging tugon ng ating Pangulo or announcement mamaya pagdating po namin ng Surigao. SEBASTIAN: Sir, mga ilang katanungan lang po mula sa Malacañang Press Corps. Mula kay Gen Kabiling, ang question niya po: “Another topic sir, does the Palace agree with the plan of some lawmakers to exclude plunder from the list of crimes under the death penalty?” SEC. ANDANAR: Iyan ay issue ng Lower House, alam naman natin independiente ang ating Lower House pagdating sa pagbalangkas ng ating Saligang Batas, kaya, I defer to the Lower House and I respect—would like to express that we at Presidential Communication Operations Office respect their independence. SEBASTIAN: Ang pangalawa po ni Gen: “Will you appeal to Congress na to water down the death penalty proposal?” SEC. ANDANAR: Alam ninyo po ang death penalty ay kasama doon sa naging plataporma ni Pangulong Duterte noong siya ay tumatakbo pa at ngayong Presidente na siya, kaya hindi po katakataka na isa po ito sa mga batas na gustong isulong ng administrasyon. Kaya hayaan po natin ang Kongreso na balangkasin ito. They have ano—of course, maraming mga iba’t ibang opinion na kumpleto kaya hintayin na lang po natin ang magiging debate sa Kongreso and I am certain that this would really a very, very exciting and fruitful debate na mangyayari sa Senado na kaabang-abang po ng taong bayan. SEBASTIAN: Tanong muli from Gen Kabiling. Sabi niya: “The PNP and the NBI have been ordered to step up the campaign against illegal gambling. Any warning to law enforcers who may protect gambling lords or use the campaign to extort money?” SEC. ANDANAR: Alam naman natin Gen, na ang Pangulo kapag nag-order ng isang kampanya laban sa isang bagay tulad ng illegal gambling, ay hindi talaga ito ina-atrasan. At ilang beses na rin nagbigay ang Pangulo ng stern warning sa ating mga—sa taong gobyerno na kapag nahuli sila na nangongotong or mahuli silang practicing corruption ay, they will be the first ones to go at hindi siya magiging—hindi siya magdadalawang-isip na tanggalin at kasuhan ang sinumang mga government officials, who enforces corruption, lalong-lalo na sa illegal drugs at illegal gambling at iyong pagkamal ng pera ng bayan. SEBASTIAN: Alright. Tanong naman po galing kay Marlon Ramos. Sabi niya: “Is the President satisfied with the action taken by the MICC regarding the DENR’s order to suspend 23 mines?” SEC. ANDANAR: Base doon sa naging Cabinet meeting noong huli, ay naging mainit po ang diskusyon sa loob ng Gabinete pagdating po doon sa naging audit ng DENR. At dahil nga sa sobrang init ng diskusyon, ay sabi ng isa sa mga miyembro ng Gabinete na dapat ay pag-usapan na lamang ito doon sa isang cluster meeting na kung saan nandoon iyong Department of Finance, nandoon iyong DENR para pag-usapan itong audit report, because during that time, Eh hindi na napag-uusapan iyong ibang mga issue dahil sa, ang haba nga ng diskusyon, kaya naglabas po ng bagong resolution si Finance Department Secretary Sonny Dominguez at si DENR Secretary Gina Lopez. At alam naman natin na sa cluster meeting, of course all of the people there are alter-egos of the President. So whatever things decided upon on any cluster meeting ay iyon na rin po ang magiging official report mula sa Palasyo. SEBASTIAN: Alright. Galing kay Marlon: “Is the aid distribution on Surigao and other areas affected by the earthquake adequate; and how can the government help residents repair their damaged houses?” SEC. ANDANAR: Well iyon nga ang pupuntahan natin ngayon, pupuntahan ni Presidente para mag-inspect at kasama ako doon sa mag-i-inspect. And once we are on the ground, then, Marlon you can text me and I will also get the reaction of the President – kung siya ba ay satisfied, kung siya ba ay hindi satisfied. SEBASTIAN: Another question po from Marlon: “Besides illegal drugs, the President abhors corruption. Isn’t it ironic that the administration house allies excluded plunder from death penalty?” SEC. ANDANAR: Gaya po ng nabanggit ko kanina, ay kung ano po iyong pagpapasyahan ng Lower House, sila po ay independent body – the same way that the Executive Department is a co-equal branch also. So hayaan muna natin sila doon na tapusin iyong kanilang deliberation. At we respect their independence at we will wait for the final decision of the Lower House, iyong kanilang final version. SEBASTIAN: Yes, sir. Follow up ni Marlon: “How is the Palace taking the reported coup against House Speaker Alvarez over his strong stand regarding the death penalty bill?” SEC. ANDANAR: Alam naman natin, again uulitin ko, pasensiya na at paulit-ulit kong sinasabi na independent po iyong Lower House. And, iyong leadership ni Speaker Alvarez ay nasa kaniya din, kay Speaker Alvarez. Kung ano iyong mga binibitawang salita ni Speaker Bebot ay ito’y dahil sa kaniyang dedikasyon at sa kaniyang paniniwala sa mga polisiya ng ating Pangulo. So palagay ko, si Speaker Bebot Alvarez is just standing his ground, dahil alam naman natin na si Pangulong Duterte at si Speaker Alvarez think along the same line pagdating sa mga polisiya. And, kaya nga nandiyan si Speaker as Speaker of the House, dahil siguro sa hindi nagkakalayo ang kanilang prinsipyo, iyong kanilang mga polisiya para sa ating bansa. SEBASTIAN: Tanong naman po galing kay Efren Montano ng People’s Journal: Iyong final say daw po ng Pangulong Duterte regarding order mining – yeah, final say of the President regarding closure order sa mining po. SEC. ANDANAR: I will ask him later kung ano ang final say. Hindi pa po kami nagkakausap ni Pangulong Duterte. SEBASTIAN: Okay. Wala na rin po tayong ibang natatanggap pang mga tanong. Pero kung mayroon pa po kayong maipapahayag po para sa ating mga kababayan, partikular din po diyan sa ating mga kababayang biktima po ng lindol diyan po sa Surigao, sir. SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Marlon. At tayo’y nagpapasalamat sa lahat na nag-extend ng kanilang tulong para sa mga kababayan natin. Diri sa Surigao Del Norte, kay Hamok ang nanginahanglan injo tabang. Daghang salamat, salamat karadjaw [Here in Surigao del Norte, a lot (of people) needs your help. Thanks a lot, thanks all of you]. Para sa iba na gusto pa pong tumulong ay magtungo lang po kayo sa DSWD sa Maynila o sa mga regional DSWD kung mayroon kayong nais ipahatid na tulong dito sa amin sa Surigao. Mahalaga po dito ang tubig sa Surigao, iyong mga potable water – ito po ang mahalaga dito ngayon. Puwede rin po kayong dumiretso sa tanggapan namin sa Presidential Communications Operations Office para kami na rin po ang mag-forward noong mga ayuda sa DSWD. Ang aming building po, nasa New Executive Building dito po sa Malacañang. Kung medyo malayo po kayo sa district office ng DSWD, they are willing to accept it, sa Channel 4 puwede rin po o Radyo ng Bayan, at makakaasa po kayong malayo ang mararating ng inyong tulong. Maraming salamat Albert, mabuhay ka. SEBASTIAN: Okay sir, thank you very much po. Marami pong salamat sa inyong oras na binigay sa bayan sir. Iyan po ang pahayag ni Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar. ### source: Transcription NIB |