February 14, 2016 – Interview of Sec. Coloma – DZRB – Radyo ng Bayan
INTERVIEW OF COMMUNICATIONS SECRETARY HERMINIO COLOMA, JR. |
DZRB – Radyo ng Bayan / Balita at Panayam by Alan Allanigue |
14 February 2016 |
US-ASEAN SUMMIT
Allan: Yes, sir. Ang una po naming nais hingan ng impormasyon mula sa inyo (ay) ang pagdalo ng Pangulong Noy diyan po sa US-ASEAN Summit sa Estados Unidos. Ano po ‘yung mga expected na mga matatalakay sa nasabing pagpupulong, Sec. Sonny, sir? SEC. COLOMA: Tutungo tayo diyan, Allan, pero bago tayo mag-umpisa ng ating talakayan ibig ko munang batiin ang ating mga kababayan ng isang Maligayang Araw ng mga Puso. Nawa’y mamayani ang pag-ibig sa ating mga pamilya at mag-alab ng pagmamahal sa ating Inang Bayan. Allan: ‘Yon, opo. Happy Valentine’s din sa inyo, Secretary. SEC. COLOMA: Sige, Allan, tungo na tayo doon sa agenda ng ASEAN-US Summit. Ito po ang ating pahayag hinggil diyan: Ayon sa Department of Foreign Affairs, ang pangunahing layunin ng ASEAN-US Leaders’ Summit na nakatakdang isagawa sa Sunnylands, California ay upang higit pang patatagin ang pagtutulungan ng mga bansang kasapi ng ASEAN at ng Estados Unidos, matapos itaas ng dalawang panig ang kanilang pakikipag-ugnayan sa antas ng strategic partnership mula sa pagiging dialogue partners. Naganap ito noong nakaraang ikatlong ASEAN-US Summit sa Kuala Lumpur, Malaysia noong ika-21 ng Nobyembre 2015. Ito ang kauna-unahang pagpupulong ng ASEAN member states at ng Estados Unidos bilang strategic partners. Inaasahang magiging mahalagang bahagi ng talakayan ang usaping pang-ekonomiya, tulad ng maaaring maging tulong ng Estados Unidos sa pagpapatatag ng ASEAN economic integration. Maaari ding talakayin ang mga usaping pang-politikal at pang-seguridad, tulad ng maritime security, transnational challenges at ang epektibong pagharap sa banta ng violent extremism. Ang dalawang araw na summit ay magiging impormal kaya’t malayang makapagpapahayag ng saloobin ang mga pinuno ng ASEAN member states sa ano mang isyu o usapin na mahalaga sa kanilang pananaw. Batay sa naging talakayan noong nakaraang ASEAN Summit sa Kuala Lumpur noong Nobyembre, malamang na makipagdiyalogo si Pangulong Obama sa mga pinuno ng ASEAN member states hinggil sa mga usapin patungkol sa maritime security. Maritime security has emerged as a vital concern to ASEAN. The goal of achieving ASEAN economic integration through the ASEAN economic community, as well as the US initiative on establishing a Trans-Pacific Partnership (TPP) to promote free trade in the Asia Pacific region may be enhanced through more vigorous trades that, in turn, must be assured by freedom of navigation in the main navigational routes of global trade and commerce including the South China Sea. President Aquino has always represented the Philippines’ position on the importance of ensuring freedom of navigation and overflight, as well as adherence to UNCLOS and international law. The President has also been a leading advocate for a legally binding Code of Conduct in the South China Sea, as well as on the importance of seeking peaceful avenues for dispute resolution that underpins the Philippines’ petition before the UN Arbitral Tribunal at The Hague, a move that is being followed closely by other states with maritime entitlement claims. Maidagdag lang po natin na pagkatapos ng ASEAN-US Summit, may mga nakatakdang pagpupulong si Pangulong Aquino sa Filipino community at sa ilang grupo ng mga mangangalakal at negosyante sa Los Angeles, bago siya tutungo sa Loyola Marymount University upang tumanggap ng honorary degree mula sa nasabing pamantasan. ‘Yan po ang ating pagtalakay sa agenda ng paglalakbay ni Pangulong Aquino sa Estados Unidos. COMELEC MOCK POLLS SEC. COLOMA: The conduct of the mock elections on different voting centers in the country yesterday was beneficial for both the voters and the COMELEC. The voters experienced a simulation of the actual situation in the polling place and learned more about the process of casting their ballots. The exercise underscored the need to create heightened awareness among voters on what they need to do to be able to perform their civic duty properly. It also showed COMELEC the potential glitches that need to be addressed in terms of transmission and other technical problems that could hamper voting and the sending of results. All of these concerns need to be addressed to ensure the conduct of honest, orderly and credible elections this coming May. Sa ating palagay, Allan, naging kapaki-pakinabang ang pagdaraos ng mock elections kahapon sa iba’t ibang lugar sa bansa. Naranasan ng mga botante kung paano ang aktuwal na sitwasyon sa presinto at natutunan ang tamang proseso ng pagboto. Dahil dito mahalagang palawigin pa ang voters’ education program para higit na maging maalam at handa ang mga botante hinggil sa tamang proseso ng pagboto. Sa ganitong paraan mapapabilis din ang daloy ng botohan sa araw ng halalan. Nakaranas din ng mga problemang teknikal sa mga makinang gagamitin sa pagboto, pagbibilang ng boto at pagpapadala ng resulta ng eleksyon. Lahat ng mga usaping ito ay dapat matukoy upang tiyakin na maging tapat, maayos at may integridad ang pambansang halalan sa darating na Mayo. LAURO VIZCONDE Allan: Opo. Secretary Coloma, sir, sa isa pa pong topic. Sumakabilang-buhay po ang isa sa mga founders ng VACC, si Ginoong Lauro Vizconde, and we understand na si Ginoong Vizconde ay naging Board Member din ng IBC-13. Mayroon po bang pahayag ang Palasyo tungkol dito, sir? SEC. COLOMA: Lubos kaming nakikiramay sa pamilya ni Ginoong Lauro Vizconde na pumanaw kahapon. Si Ginoong Vizconde ay naglingkod bilang miyembro ng Board of Directors ng Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC-13) na isang government-supervised television network simula pa noong 2008. Siya rin ay isa sa mga nagtatag at Chairman Emeritus ng organisasyong Volunteers Against Crime and Corruption (VACC). So ‘yan po ang ating pakikiramay sa pamilya ni Ginoong Vizconde. Allan: Opo, okay. Well, Secretary Coloma, sir, muli nais po naming magpasalamat for the updates from the Palace, sir. SEC. COLOMA: Maraming salamat at magandang umaga sa’yo, Allan, at sa lahat ng ating mga tagapakinig. |
SOURCE: NIB-Transcription |