Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
DZRB – Radyo ng Bayan by Michael Rogas
22 February  2017

ROGAS:   Secretary Andanar, magandang umaga po sa inyo. Live po tayo sa Radyo ng Bayan.

SEC. ANDANAR:  Good morning, Michael Rogas. Good moring kay Aljo at kay Atty. Butch.

ROGAS:  Secretary, ito pong araw na ito ang pagsisimula para sa paggunita natin ng makasaysayang EDSA People Power. Ano po ang mga inaasahan pa na mga susunod na aktibidad?

SEC. ANDANAR: Napaka-solemn po ng wreath laying dito sa Libingan ng mga Bayani sa pangunguna ni Undersecretary Cardozo Luna ng Defense. At nandoon din po si Lt. Gen. Mison. Ang invocation po ay si Tita Bing Pimentel. Of course, ang ating guest of honor na si Executive Secretary Bingbong Medialdea. After nitong celebration na ito for today, this is the kick off of the 4-day EDSA Reflection at 31 ay mayroon pong maliit na selebrasyon bukas sa museum po ng Malacañang. Nandoon po iyong mga youth. And then after that, 24, ay magkakaroon tayo, Michael, ng misa diyan sa Camp Aguinaldo. And then after the Camp Aguinaldo, on the 25th itself, mayroon po tayong wreath laying na kasama rin po si ex-President Fidel V. Ramos dito po sa EDSA Shrine. So iyon po iyong ating 4-day celebration na simple lang po, kasi alam naman natin na si Pangulong Duterte ay very practical.

ROGAS: Okay. Ano po ang sagot po ng administrasyon doon sa mga bumabatikos na bakit daw ginagawang simple lamang itong selebrasyon o paggunita ng ika nga po’y makasaysayang EDSA People Power, Secretary?

SEC. ANDANAR:  Ipinaliwag naman iyan ni Presidential Assistant Joey Concepcion kahapon, at sinabi niya na the 30th anniversary last year ay malaki, magastos, magarbo. At  ngayon ay 31, so we celebrate it continuously  and to remind ourselves kung ano iyong mga naiambag o naitulong o naging resulta ng EDSA People Power I atin. At iyong mahalaga siguro dito, Michael, iyong legacy na naiwan ng EDSA People Power I sa buong mundo kasi sumunod iyong Berlin Wall, protesta sa China at iba pang mga protesta. So the spirit of EDSA is really about the spirit of the power of the people.

ROGAS: Secretary, mayroon pong nagsasabi, hindi naman po ibig sabihin nitong ‘simple’ na ito ay kinakalimutan na po natin ang diwa ng EDSA?

SEC. ANDANAR: Hindi. Kasi kaya tayo nandito ngayon, we’re celebrating it just like the past few years na simple lang ang selebrasyon. Iyon lang naman ang mahalaga dito, ang mahalaga dito ay mag-reflect tayo kung ano iyong mga natutunan natin. Salamat.

ROGAS: Thank you so much. Si Secretary Martin Andanar, ang Kalihim ng Presidential Communications Operations Office.

SOURCE: NIB Transcription