Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
Punto Asintado by Erwin Tulfo
22 February  2017
TULFO: Magandang umaga po, Secretary Mart.

SEC. ANDANAR: Good morning, Partner. Magandang umaga sa lahat po ng nakikinig ng Punto Asintado.

TULFO: Anyway, Sec., dalawang isyu. Una, nakarating na ba kay Pangulo itong balitang destabilization move laban sa kaniya na tina-target ng ilang grupo na ilunsad sa People Power Revolution anniversary sa Sabado?

SEC. ANDANAR: We are aware. The President is aware of this. At noong sinabi ko sa kaniya, sabi niya, trabaho lang tayo. Tumawa lang, sabi niya, si Sal Panelo na ang bahala kay Trillanes. Tawanan lang kami, iyong lang naman. Pero tayo po sa gobyerno ay trabaho lang. Ngayon, in fact, kagagaling ko lang sa Libingan ng mga Bayani para sa unang leg ng selebrasyon natin para sa reflection of EDSA 31. Kasi bukas mayroon nanaman sa Malacañang and then sa Friday, dito po sa Camp Aguinaldo, mayroon pong misa diyan sa may grandstand. And then on the 25th itself, mayroon pong wreath laying na mangyayari dito po sa EDSA Shrine. So tuluy-tuloy po iyong trabaho natin. And apart from that, of course, the bureaucracy, the agencies are working.

TULFO: Pero hindi po kayo nangangamba—kayo, sir, personally, hindi kayo nangangamba na … kung naaalala ninyo noong panahon ni Erap, iyong People Power laban kay Erap, aba’y suportado si Erap ng masa. Pagka-ilang gabi dahil sa sobrang daming pondo na ibinigay ng mga mayayaman doon sa mga masa, bumaliktad iyong masa. At lalo na binakapan (back-up) ng AFP, after few days, paggising natin ay iba na iyong presidente, sir. Hindi kaya ganito ang mangyari? Ito ang pangamba ng ilang mga Duterte followers/supporters na sa sobrang daming pera nitong mga dilawan, ng mga oligarchs na ito ay kayang tustusan at pondohan ma-sustain itong people power ng ilang araw at diyan na sila matulog sa EDSA Shrine. At baka makita, ma-misinterpret ng militar ito at makita ng militar  na ‘Naku, dumadami iyong tao ah.’ Sa dami ng pera ng mga ito, nagsama-sama, eh baka hindi  kaya—huwag naman sana, ika nga sa Bisaya, “Simba ko lang, patama sa bato,” sabi  nga natin sa Bisaya. Hindi kaya magkaganoon ang problema, Sec.?

SEC. ANDANAR:  Nabanggit mo na nga ang suporta ng Pilipino ay na kay Pangulo. Alam naman natin nung huling survey, nasa otsenta porsiyento—

TULFO: Very good pa rin.

SEC. ANDANAR: Oo, very good pa rin. At kitang-kitang naman natin, Partner, na iyong ‘agi’ sa Bisaya, iyong agi ba, iyong mga successes na iniiwan natin, ng ating Pangulo for the last seven months ay hindi po matatawaran, at alam ng taumbayan iyan. Alam natin na ang ating gobyerno ay nagtatrabaho talaga. Hindi naman tayo nababahala but of course it’s the speculation na magkaroon ng parang mala-Erap style na pagpatanggal sa gobyerno. Ang sa akin lang dito is that the government is watching, we know what is happening—

TULFO: Pero hindi kayo nababahala? Basta hindi nababahala si Manong Digong at hindi ka nababahala, Partner?

SEC. ANDANAR: Trabaho lang tayo. But of course, when it comes to iyong mga batikos sa atin sa telebisyon, sa radyo, batikos laban kay Pangulo, I hope our friends in the media would understand also na ito po ay trabaho ko – to protect the President. So kung ako’y nakatayo sa presidential briefing room at mayroon (unclear), ako, I represent the government; the media represent the board of stake. Let’s just respect each other’s role in our life right now. Mine is to protect the President (unclear) government; and you’re just also to criticize what we are doing in government and—hello?

TULFO:  Yes, sir, I’m listening.

SEC. ANDANAR:  Tinanong nga ako ni Ma’am Luchi kahapon na ano ang pakiramdam mo that the media … they don’t like you. Sabi ko naman kay Ma’am Luchi, hindi naman ako kailangang gustuhin ng media. I wasn’t hired for the people to like me. I was hired to run the office of the Presidential Communications Operations Office and to satisfy the Filipino people. And I was also hired to make sure ang ating pagpapatakbo ng ating opisina ay wala pong korapsyon, the same way that you are hired by your bosses, sa media, para maging miyembro ng board of stake so that you can also be part of the check and balance process. So you were not hired to be liked by people also, iyon lang naman iyong sa akin. Let’s just do our jobs, respect each other, maintain the healthy relationships. And when I say healthy relationship, hindi po itong relationship na ito na we belong  … parang iyong mutual admiration (unclear). We just have to do our part in democratic process under one flag, for one purpose, and that is nation building.

TULFO: Sir, last two questions. Sorry, I lied to you, Mart. Will you apologize—the Senate media is waiting daw for an apology from Secretary Martin Andanar?

SEC. ANDANAR: Again, Partner, kung babasahin po natin iyong transcript, wala akong pinaratangan na reporter na tumanggap ng pera. I was just saying that mayroong ganitong halaga na umiikot. At based on the same report, nakalagay doon na walang media na tumanggap ng pera at walang reporter na tumanggap ng pera—

TULFO: Pero mayroong offer? Mayroong may bitbit ng pera doon, ganoon ba iyon?

SEC. ANDANAR: Iyon ang Intelligence report. So ang sa akin naman, that should clear them all out, ibig sabihin niyan, malinis ang ating mga reporter sa Senado dahil hindi nila tinanggap iyong pera. And I already made a statement.

TULFO: Okay, okay. All right, sir, panghuli na lamang talaga. Iyong AFP po ba at PNP, sir, ay nagmamanman tungkol dito sa destabilization na ito? May instruction ba ang Pangulo na magmanman nang mabuti ang kanilang Intelligence network, sir?

SEC. ANDANAR: Alam mo, Partner, the spirit of EDSA means the spirit to express oneself; the spirit to be able to go out there and voice one’s opinion freely. It’s a spirit of democracy. Kaya nga pinapayagan ng Pangulo, maximum tolerance, hinahayaan kung sinong gusto magprotesta. Ang mahalaga lang naman dito, Partner, ay huwag lang gambalain iyong mga motorista dahil alam naman natin na ang EDSA is really the main thoroughfare of this country. But you can do your protest, demonstrate all you want; wala namang problema. The same way na iyong mga pro-Duterte, magkakaroon sila ng rally din dito sa Quirino Grandstand, they can do what they want to do. Huwag lang manira ng property—

TULFO: So parehas, parehas na bibigyan ng oras. Iyong anti-Duterte diyan sa People Power Monument, iyong pro-Duterte doon sa Luneta Grandstand.

SEC. ANDANAR:  Oo.

TULFO: Aba’y malalaman natin ngayon dito kung sino ang mas maraming tao.

SEC. ANDANAR:  [Laughs] Basta ang gobyerno po ay nasa gitna lang. Alam mo, Partner, sabi nga ni Presidente, you can protest all you want, as long as you want, huwag lang gambalain iyong traffic dahil alam mo sa Metro Manila ay napaka-trapik po.

TULFO: Korek, korek. All right, Secretary Martin Andanar, maraming salamat po. Magandang umaga. Mabuhay po kayo, sir.

SEC. ANDANAR:  Salamat, Partner.

SOURCE: NIB Transcription