Interview with PCOO Secretary Martin Andanar
Interview with PCOO Secretary Martin Andanar |
DZBB – Super Radyo Nationwide by Francis Flores |
01 July 2017 (7:22 – 7:37 A.M.) |
FRANCIS FLORES: Magandang umaga po, Secretary.
SEC. ANDANAR: Hello, magandang— FRANCIS: Secretary Martin, on the air kana. SEC. ANDANAR: Pasensiya na kasi kararating ko lang doon sa General Santos— FRANCIS: Okay. SEC. ANDANAR: So pagbaba ng eroplano kaya may mga sumalubong pero magandang umaga, Francis. Good morning sa lahat. FRANCIS: Salamat sa pagtanggap mo sa paksa, napindot mo na ikaw ay… talagang kararating mo lang po pala diyan sa General Santos— SEC. ANDANAR: Oo. FRANCIS: Para silang nakakita ng artista at saka at the same time opisyal ng gobyerno. SEC. ANDANAR: Nakita ko sila General Lagman nandito sila eh kaya… well anyway— FRANCIS: Ano gusto mo bigyan kita ng ilang minuto para makapasok ka pa sa isang area na makakabigay ka ng—makakuha kami ng puwesto na maganda-ganda ang signal. SEC. ANDANAR: Hindi okay lang po lumayo lang ako dahil maingay. FRANCIS: Yes, I understand. Thank you. SEC. ANDANAR: Opo. FRANCIS: Talagang namamayagpag pa rin hanggang ngayon ang pagiging media man mo. Anyway, Secretary Martin, 366 days na ibig sabihin nakaisang taon at isang araw ang Pangulong Rodrigo Duterte. Bigyan mo nga ang mga listeners natin ng tatlong major-major na accomplishment ni Pangulong Duterte? SEC. ANDANAR: Number 1 accomplishment, Francis para sa akin ay iyong 35 billion dollars po na nalikom ng ating Pangulo bilang aid, grant. Ito po yung mga soft loans na sa pag-iikot ng ating Pangulo sa ibang bansa, Middle East, dito po sa Asia at doon po sa Peru. At itong pera na ito, ito po iyong gagamitin pandagdag doon sa golden age of infrastructure na big projects sa mga build, build, build project. At, Francis.. still there? FRANCIS: Yes. Yes. Yes. SEC. ANDANAR: Iyong pangalawa, ito pong war against hard drug dahil malinaw naman po na nasa 1.3 million na surrenderers. Tapos iyong mga drug paraphernalia sa droga mismo at iyong mga drug laboratory equipment ay nagkakahalaga ng mga 18 billion iyong nakumpiska. Tapos pangatlo iyong presyo po ng hard drug, presyo ng shabu sa merkado ay talagang tumaas. Ito po ay nangangahulugan na iyong drug apparatus ay unti-unti na pong nasisira ng ating pamahalaan. Number 3, masasabi ko iyong napakaraming mga Executive orders that took so much political will para pirmahan ng ating Pangulo. Halimbawa na lamang itong freedom of information na hanggang ngayon ay nakabinbin pa rin halimbawa sa Kongreso, pero ang ating Pangulo po ay hindi tumagal ng isang buwan pa lamang sa opisina bago mag-SONA napirmahan niya ho agad itong freedom of information. Nandiyan din iyong task force for media security at napakadami pong mga Executive Orders like iyong banning of cigarette smoking in public places. Tapos ito pong banning of indiscriminate use of firecrackers. So, masasabi natin na iyong Pangulong Duterte ay napakabilis po ng pag-aksiyon niya at kung mapapansin po natin iyong mga activities ng ating Pangulo ay napakadami po kung ikukumpara doon sa mga activities noong mga nakaraang Pangulo at especially noong last administration during his first year, kung saan ang activities ng Pangulo ay nasa mahigit 1, 355 sa buong 365 days. Ito po ay nag-average ng mga 3.6 to 3.7 activities per day tapos iyong— FRANCIS: Wow, maramirami iyan, Secretary para malaman ng ating mga listeners. Ulitin natin, number 1, iyong sinasabi nating top 3 or top 3 major accomplishments, one iyong … SEC. ANDANAR: Iyong 35 US dollars— FRANCIS: Number two? SEC. ANDANAR: Iyong number two, iyong mga gains natin sa war against hard drugs kung saan 1.3 billion po iyong mga sumurender— FRANCIS: [inaudible] ‘di ba and then number three? SEC. ANDANAR: And then number three po iyong napakadaming mga executive orders that took so much political will para pirmahan like the Freedom of Information. FRANCIS: Iyan ang major, major na nakita ninyong three major accomplishments ni Pangulong Duterte, Secretary Martin? SEC. ANDANAR: Iyon po. FRANCIS: Eh ano naman sa palagay mo ang kailangan pang i-improve o lagyan ng atensiyon, bigyan ng atensiyon ni Pangulong Duterte sa kaniyang mga inilatag sa unang taon ay kaniyang dapat gawin pero iyong mga hindi pa nagagawa? SEC. ANDANAR: Alam ninyo po it really takes time to overhaul the culture of our bureaucracy, our government. Hindi naman overnight kasi na magti-trickle down lahat ng pagbabago dahil napakalaki po ng ating burukrasya imagine we have about 1.4 civil servants, 1.4 million civil servants. So, mahalaga na alam na ng ating mga kasama sa gobyerno na ang pagbabago na gusto ng ating Pangulo ay kailangan talagang matapos, kailangan magawa na— FRANCIS: Can you specify at least point where—na gusto pang pagtuunan ng pansin ni Pangulong Duterte sa palagay mo? SEC. ANDANAR: Pagtuunan ng pansin? Isa iyon at kailangan lahat tayo sa gobyerno ay sumunod sa gusto—eh kasi kapag sinabi ni Presidente na 72 hours lamang ang mga dokumento, 72 hours lang ibigay natin. FRANCIS: Ah okay. SEC. ANDANAR: Iyong ganoon ba tapos iyong number two kailangan— FRANCIS: Sa anti-corruption, sa anti-corruption sa direction ni Pangulong Duterte? SEC. ANDANAR: Iyong anti-corruption na direksiyon ni Presidente like what I mentioned to you, Francis— FRANCIS: Opo. SEC. ANDANAR: Iyong freedom of information mismo that is our transparency executive order para sa gobyerno para mas lalo tayong—para mas lalo tayong accountable sa mga ginagawa natin, dapat bukas iyong mga libro sa bawat ahensiya ng gobyerno. Iyon po iyong number one kaya pinirmahan kaagad ang executive order number 2 eh, freedom of information because of the anti-corruption drive. Nakita naman natin kahit iyong mga malalapit ni Pangulo, mga kaibigan, classmate ay hindi siya magdadalawang isip na tanggalin, Francis. Kung may pagkakamali at mayroong whiff of corruption, tatanggalin niya talaga. FRANCIS: So iyon lang ang nakikita mong medyong—well weak points pa na puwedeng palakasin at pagtuunan pa ng pansin iyong anti-corruption. SEC. ANDANAR: Mayroon pa. Mayroon pa. FRANCIS: Okay. Go ahead. Go ahead. SEC. ANDANAR: Alam natin na ang ating Pangulo po ay seryoso dito sa peace and order, dito po sa peace talks between the government CPP-NPA-NDF. At sa palagay ko naman na hindi lang po ang gobyerno dahil ang dapat tumutok dahil tumututok pa po iyong gobyerno maging iyong kabilang partido, iyong kabilang party po ay kailangan talagang 101 percent yung commitment dito sa peace talks. Kasi alam naman natin na kaakibat po ng isang lipunan na payapa ay automatic usually sumusunod doon iyong kaunlaran, kasi mas marami pong mag-i-invest sa isang lugar kung walang gulo ang isang lugar. FRANCIS: I see, nabanggit mo na Sec. Martin, tatlong major accomplishments ni Pangulong Duterte at iyong sinasabi mo that ngayon iyong [inaudible] sa atin Senador after maging—may kaugnayan sa mga weak points na puwede pang i-improve sa pamamahala ni Pangulong Duterte. Ayaw kong pangunahan o i-preempt iyong SONA ni Pangulong Duterte pero, Secretary, ano ang aasahan ng ating mga kababayan sa mga nasabi ninyo na dapat pang idagdag ni Pangulong Duterte? SEC. ANDANAR: Sa ngayon kasi Francis ay kasalukuyan naming pinaplano, tina-trabaho ang mga pre-SONA material for our report ngayong State of the Nation Address and after the State of the Nation Address. Ito po ay tinatrabaho po ng PMS at PCOO at ilan pong mga ahensiya ng gobyerno dahil kailangan pa nilang i-submit sa amin ang kanilang mga report at sa lawak po ng ating burokrasya ay napakadami na pong mga successes din na mga nangyayari, achievements sa iba pang mga ahensiya ng gobyerno. FRANCIS: Okay ano po ang reaksiyon ninyo bago kayo mawala, Secretary Martin, ano ang reaksiyon mo dito sa sinabi naman ng mga militanteng grupo na bigong taon ang unang taon ni Pangulo, iyan sinight nila iyong kontraktualisasyon at iba pa, the side of you dito sa sinasabing—kung naririnig ninyo at nababasa ho naman natin ang mga reaksiyon ng militanteng grupo bigong taon daw ang unang taon ni Pangulo. Your reaction please? SEC. ANDANAR: Alam mo pagdating naman sa labor kasama ko naman si Secretary Bebot Bello nandoon na po noong nagpunta kami ng Middle East. FRANCIS: Opo. SEC. ANDANAR: At agad-agad na napauwi iyong mga stranded natin na mga kababayan doon at nandoon din naman ako doon sa mga meeting na ginawa sa Palasyo, doon nga sa pag-end ng endo sa mga specific na industries sa bansa natin. So, iyong ating mga militanteng grupo ay mayroon silang karapatang magsalita kasi ito naman ay demokrasya, Francis pero ako po ay naniniwala na ginagawa ng ating Labor Secretary ang lahat ng kaniyang magagawa dito po sa mga issues patungkol sa labor. It’s just that of course, kailangan mong balansehin lahat kasi ang ating lipunan ay napakadaming sektor po na kailangang i-consider ang ating Labor Secretary. FRANCIS: Eh earlier, kanina po bago ang interview at sa bagong mga balita, Secretary Martin nagtanong na ako sa taong bayan, mga listeners sa pamamagitan ng pag re-surf ng mga texts ‘no sa aming text connect dito sa DZBB. Ang unang aking tinanong ay, “Ano ang natatak o nakatatak na accomplishment?” Ano ang nakatatak sa taong bayan na accomplishment ng Pangulong Duterte? Talagang nangunguna iyong paglaban sa kriminalidad at saka droga and ito katulad noong mula sa Iligan City. Nakatatak sa utak namin, war against drugs, war against corruption and war against terrorism and declaration of martial law diyan sa Marawi. Iyan ang kaniyang—ang mga nare-receive ko ngayon dito, Secretary Martin. SEC. ANDANAR: Opo at salamat po at tayo ay nabibigyan ninyo ng update kung ano iyong nabalita naman diyan sa survey ninyo sa DZBB. FRANCIS: And then iyong sinabi niya itong—mula kay Sergeant Flores ng Naga City, Cagayan, “Francis, sa akin si Duterte makatao, makabayan at matapang.” Medyo ito iyong mga magaganda na reaksiyon ng ating mga kababayan, mga taong bayan na nakikinig. Oo sabi nitong isa, “President Digong ay bukod tangi lahat ng namumuno sa ating bansa. A man of action and he did what he said, for me ang death penalty should be back,” mula kay Meng ng Cavite City. Iyang mga tinutukan na iyan ng mga reactions ng aking mga listeners. SEC. ANDANAR: Opo maganda po at nare-realize nila na seryoso ang ating Pangulo at ginagawa niya lahat para maging peaceful po iyong ating bansa at mawala po iyong criminality at maganda rin po na sila ay sumasang-ayon dito sa ginagawa natin na kampanya sa Marawi at talaga namang overshadow lang siguro iyong sa ekonomiya so kung titignan po natin iyong mga sinasabi ng mga financial expert na dumadami po iyong foreign na invest na. We are already one of the 10 fastest growing economies in the world. ‘Di ba, nabasa mo siguro iyan so— FRANCIS: Alright. SEC. ANDANAR: So, ito po lahat ay kayang gawin ito, kung peaceful po iyong isang bansa, kung wala pong krimen ay mas nae-engganyo po iyong ating mga investors na pumasok sa bansa para mag-invest. Anyway, Francis— FRANCIS: Last na lang, eh saan kayo ni Mocha, Sec.? SEC. ANDANAR: Eh si Mocha kagabi busying busy— FRANCIS: Napaglalaruan yung mga… nagkaroon kayo ng kaunting tampuhan daw. Totoo ba iyon? SEC. ANDANAR: Wala po. Wala kaming tampuhan ni Mocha. Wala, wala. Alam mo—hindi walang tampuhan, nag-uusap nga kami phone to phone— FRANCIS: Kaya siningit ko para matawa ka lang bago ka umalis. Ingat Secretary Martin. Salamat sa pagtanggap mo ng tawag. SEC. ANDANAR: Okay, salamat sa iyo again. Thank you Francis. ### SOURCE: TRANSCRIPTION NIB |