Interview with PCOO Secretary Martin Andanar by Romy Gonzalo and Drew Nacino
Interview with PCOO Secretary Martin Andanar by Romy Gonzalo and Drew Nacino |
DWIZ/Balitang Todo Lakas |
29 June 2017 / 5:35-5:35 A.M. |
1:37:41 Q: Secretary Martin Andanar, good morning. SEC. ANDANAR: Oo, mas madaling tamaan, Lakay at Drew, pag matangkad. Q: Pinag-uusapan nga namin dito sa intro dito iyong kung sino sa mga Malacanang Press Corps ang mga medyo malalaki. Ano ito, Secretary, nagbibiro ba si Presidente o tutuloy bukas, iyan ang isa sa malaking isyu ngayon? SEC. ANDANAR: Well, iyong isa sa mga kuwentuhan sa loob ng Gabinete, nabanggit ni Presidente iyon eh. Pero palagay ko, ito naman ay base or depende ito sa PSG, kung papayag sila, di ba? Kahit na gustuhin ni Presidente, pero kung ang halimbawa ay iyong security analysis ay hindi paborable ay maso-solve ng PSG iyan, di ba. Iyon ang mandato nila, bantayan ang Presidente – PSG. So tingnan natin kung ano ang mangyayari. Q: So maliban sa Marawi, ano ba ang naka-schedule, Secretary, na activities kaugnay ng one year na si Pangulong Digong by tomorrow? SEC. ANDANAR: Iyong activities natin naman sa PCOO maglalabas po tayo ng ating report sa 365 days ni Presidente at ang title natin ay “change365, a comfortable life for all.” Iyon po ang title natin at magsisimula po ito ngayong darating na Biyernes, alas-siyete ng gabi sa lahat ng government network. Iyon po iyong plano natin, now kung gusto n’yo pong mag-hook up sa DWIZ, eh wala pong problema, mas maganda. Q: Madalas naman nating ginagawa iyon, Drew hindi ba? SEC. ANDANAR: Ito ay isang programa, ipapalabas natin live iyong programa, tapos meron pong recorded na documentary na ipapalabas natin. Q: Gaano katagal, ito Secretary, ilang oras iyan? SEC. ANDANAR: Isang oras lang po. Q: change 365. SEC. ANDANAR: 365, a comfortable life for all, iyon po iyong title natin. So iyon ang paghahanda natin, eh siyempre ito po ay ilang araw bago mag-July 24, 24 days. So, ituring n’yo na ring pre-SONA, dahil every week from Friday ay magkakaroon po ng iba’t-ibang dokumentaryo na ipapalabas natin sa ating government channels. Iyon po iyong ating gagawin. Q: Tamang-tama sana Secretary Martin, kung naresolbahan na iyong problema sa Marawi, maiging buhay iyong pagpunta doon ng Pangulo bukas ano. Sana matapos na. SEC. ANDANAR: Opo, oo sana matapos na. Kasi alam mo kailangan nating i-rebuild, i-rehabilitate itong Marawi. Sabi nga ni Presidente sisiguruhin niya na ang Marawi magiging prosperous much more. At iyon naman ang talagang plano na mag-rebuild, mag-rehabilitate. Show to the entire Philippines na Marawi is prosperous Islamic City. At ito rin pagpapakita rin, at the same time, na hindi aatrasan ng ating pamahalaan itong mga ideolohiya tulad ng ISIS na walang lugar sa bansa natin. At the same time, pinapakita rin ang resolve ng Presidente na harapin lahat ng problema maging itong droga. Kasi nakita natin narco-state pala itong Marawi eh. Marami palang involved sa drugs, ang dami daming…ilang kilo at napatunayan ng Presidente na merong koneksyon talaga ang droga pati terorismo na maraming nagsabi, iyong mga time na si Presidente lamang ang nagsasalita, na puro kuwento lang, ganoon. Pero kita na natin nandiyan na sa harapan natin eh, nangyari. So, you know, we rest our case. Q: Secretary, ano po ang reaksyon po ninyo doon po sa mga batikos po ng ilan pong kritiko ni Pangulong Duterte lalo na po si Senator Trillanes, si Senator Leila De Lima, etc. etc na nagbigay po ng pasang-awang marka at iyong iba ay bagsak pa nga iyong ibinigay na grado po kay Pangulo sa unang taon po ni Pangulong Duterte? SEC. ANDANAR: Alam mo, Drew. Alam naman na meron naman talagang oposisyon at hindi naman maipagkaila na opposition talaga si Trillanes at saka si De Lima. Iyan naman talaga iyong kanilang paniniwala, paninindigan. Ito ay isang demokrasya, so hayaan natin sila. Ang mahalaga dito ay nakikita ng tao, ng mamamayan, kung ano talaga ang ginagawa ng Pangulo at ang ginagawa ng Pangulo ay taliwas nung sinasabi nila ni Senator De Lima at Senator Trillanes. Now, kung magbigay sila ng mababang grado, ako naman ay very optimistic na ang taumbayan ay hindi mababang grado kung hindi ito ay mataas na grado sapagkat kitang-kita naman natin the way of life of every Filipino. Number one, mas tahimik ang buhay natin, mas safe ang buhay natin. Pag umuwi tayo sa mga barangay natin, hindi tulad noon. Iyon. So demokrasya, we just let them, there’s freedom of expression at iyan po ay bahagi ng ating pulitika. Q: Medyo maiba tayo, Secretary. Kayo daw po ay magtatalaga ng editor para po salain iyong mga post po ni Presidential Communications Operations Assistant Secretary Mocha Uson? SEC. ANDANAR: Actually it was taken out of context. So, sabi ko nung kinausap ko is Mocha, sabi ko na siguro panahon na, na maglagay siya ng editor doon sa kanyang blog. Sabi ko, na siya mismo, hindi po ito gobyerno, ang magbabayad. Alam mo si Mocha, marami namang pera si Mocha, ang daming mga gigs na tinatanggap, ang dami ng followers niya. Sinabihan ko na siya na hindi niya ma-separate iyong pagka-Asec niya, di ma separate iyong Assistant Secretary, pati iyong pagiging isang blogger as Mocha Uson. So sabi ko na kailangan na sigurong magtalaga siya ng editor sabi ko para—kasi mabigat ang trabaho niya as Assistant Secretary. Halimbawa, kahapon kasama siya ni Presidente doon sa eroplano na sinalubong nila iyong mga sugatang sundalo. Alam mo kung nasaan si Mocha, kung nasaan si Presidente. Now, papaano mo namang ima-manage iyan – iyong blog – kung trabaho niya iyon, tapos at the same time, magba-blog siya, same time meron siyang mga gig kung saan-saan. So sabi ko, it’s high time. Hindi ko sinabi na, maglagay ka. It was a suggestion kasi sarili niyang blog iyon. It was just a suggestion by a senior; hindi senior citizen ha. Q: Senior official. SEC. ANDANAR: Senior official. Tapos sabi ko sa kanya, siguro naman tayo, kung meron tayong 5 million na follower’s sa blog natin, mag-i-isip na tayong maglagay ng…hindi ba? Pero hindi ito gobyerno ang gagastos, siya mismo. Q: Secretary Martin, si President bukod sa makulay ang Presidente, as in makulay din ang kanyang isang taong panunungkulan. Ikaw ba, Secretary Martin, nag-e-enjoy ka naman after a year, okay ka lang? SEC. ANDANAR: Oo, Lakay. Kasi alam mo naman ito ay pambihirang pagkakataon na manilbihan sa bayan. Although siguro meron tayong mga kaunting mga eksena, drama na hindi natin gustong mangyari, through the course of the year. Halimbawa na lamang iyong mga kaunting tampuhan na nangyari between me and iyong mga —siyempre iyong mga malapit sa puso ko, iyong mga media di ba. Siguro bahagi talaga iyan…bahagi iyan ng trabaho ko para sa trabaho ng ating Presidente. Pero alam ko lilipas din iyong mga ganyang pangyayari at patuloy din ang ating serbisyo sa bayan. Iyon ang mahalaga eh, nakapagsilbi ka sa bayan sa paraan na doon tayo merong may alam. Halimbawa sa broadcast, sa media approach. Actually, Lakay, ako I look forward to serving you more years. Alam mo naman we serve at the pleasure of the President. So kayod lang until such time na gugustuhin ka pa ng Presidente na manatili, di magpapatuloy tayo, di ba, para sa bayan lang. Kaya iyong PTV, iyong aming program doon ngayon, para sa bayan. Q: Pero, Secretary, binanggit mo iyong PTV 4, (inaudible) SEC. ANDANAR: Oo, alam mo 25,000 watts, ngayon 55,000 watts, maraming adjustment talaga na ginagawa. Di ba iyong mga ABS-CBN, mas — Q: Nung isang gabi sa Malacañang, di ba. Mas malinaw yung signal ng CNN, kesa sa Channel 4 eh. SEC. ANDANAR: Alam mo kasi minsan, halimbawa sa Malacañang, iyong mga nangyayari kasi doon, meron tayong microwave di ba, so pag microwave malinaw iyon eh. Malinaw iyon lalo na kapag walang ground di ba iyong microwave. Tapos number two, pag walang microwave iyong internet, di ba iyong 4G at saka LTE para makita nung isang technology na live view. So, hindi ko alam kung alin ang ginamit nila doon. Kung live view iyong ginamit nila doon, eh siguro hindi malakas ang signal ng internet doon sa loob sa Malacañang kaya malabo. So depende sa technology na available. Q: Congratulations naman, dahil sa sinasabi ni Alex Santos na listener natin eh, may isang milyon na na followers ng Facebook page na ang PTV every day. SEC. ANDANAR: Opo. Well, salamat. Pero dapat siguro ibigay natin ito sa PTV, sa mga staff natin doon, dahil sila na may ay nagtiyaga din at ginawa nila lahat ng magagawa nila within the resources that they have. Tapos kami we have been continue to improve, Lakay and Drew, lahat ginagawa namin sa PTV. Siguro i-check ninyo iyong bagong website, iyong PTV.ph kaka-launch lang iyan kahapon, it’s a quite launch. Pero ang ganda ng website ng PTV, nakita mo nag nag-level up na talaga siya, bago iyong website, 55,000 watts. Bago iyong sa Davao, bago sa Crodillera. Oo nga pala, merong PTV na Cordillera, Lakay. Q: Baguio. SEC. ANDANAR: Bagung-bago. Q: Na sa tapat ng Mansion House, hindi ba? SEC. ANDANAR: Oo, doon. Oo iyong PIA office din doon, i-demolished na iyon eh. Ide-demolished na iyon. Q: Baka puwede doon na ako mag-retire. SEC. ANDANAR: Puwede naman kung gusto mo. Puwede ka namang mag-broadcast doon sa Baguio. Naghahanap pa naman ako ng manager doon sa PTV Baguio, hindi ako nagbibiro. Q: Secretary, last question na lang po. Sino po iyong itatalaga ninyong editor po naman sa social media po ni Mocha, si Mocha na rin ang magtatalaga? SEC. ANDANAR: Oo, sarili niyang blog iyon. It was a suggestion, sabi ko, Mocha ang dami mong followers, ang dami mong ginagawa. Siguro maglagay ka na ng editor para hindi ka masyado napapagod. Q: Dito naman sa isyu po ng pahayag po ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay po kay Ely ‘Spike Boy’ Pamatong na nagsasabing siya na daw iyong susunod na Pangulo. May mga dapat bang ikaso po dito kay Pamatong dahil po sa kanya pong pahayag laban sa Pangulo? SEC. ANDANAR: Di ba si Pamatong, dati pa naman iyan, di ba, iyong panahon pa ni Pangulong GMA, di ba, naghahagis ng mga spike sa highway di ba. Alam mo naman si Pamatong eh (unclear) iyan eh, si Ely Pamatong eh. Again, demokrasya ito eh, so kahit magta-tumbling siya doon sa EDSA bahala siya sa buhay niya. Iyan ang gusto niya eh, di ba? So, okay iyon para mas marami pa iyong istorya, di ba? Q: Last na lang po, Secretary. How would you address fake news po? SEC. ANDANAR: Sabi ko nga eh sinusuportahan ko iyong panawagan ng Kongreso at Senado magkaroon ng in aid of legislation investigation, para matuldukan na natin. Number one, hindi naman—wala namang naitutulong itong misinformation na kumakalat sa bansa natin. Ako naman ay naniniwala na tayo sa legitimate na mga news organization, hindi naman natin gusto na magkalat ng mga inaccurate na news. In fact, pag may nangyayari nagso-sorry tayo kaagad. So, panahon na para i-identify ng ating Senado at Kongreso kung alin iyong mga legitimate news site at alin din iyong hindi. Kasi ang problema kasi sa atin, tayong lahat, halos lahat ng karamihan ng kababayan natin, kapag merong lumalabas na opinyon, news na kaagad. So we must define na kapag news talaga. Di ba pag sinabi pa ng kapitbahay mong si Jose Dela Cruz meron siyang 50,000 followers sa Facebook, pag sinabi ba niya na, alam dito sa kapitbahay namin eh hindi pinapakain iyong ano iyong kanilang aso ng masarap na pagkain. Ibig sabihin ba balita na ba iyon, news na ba? You have to define what is news. Kailangan talaga i-define natin kung ano ang balita, kung ano ang ibig sabihin ng balita or ang balita ba—ang istorya ba ay nagiging balita kapag inilabas ng mga news organization, yung mga ganoong ba. Dapat i-identify kung ano ang legitimate organization and you also identify kung ano iyong mga inaccurate, from the fake site. Q: inaudible SEC. ANDANAR: Tama ka, Lakay. Mag-ingat din kasi meron tayong tinatawag na…bukod doon sa freedom of the press, di ba, pag hindi tayo i-regulate tayong yung mga media ang mako-call. And number two, meron tayong tinatawag na freedom of expression. Every time we express an idea, that’s news already. Iyon na eh. Marami na pong mga matatalino sa Senado at Kongreso di bahala na sila kung ano ang lalabas sa kanila iyong inbestigation. Q: Okay, Sec., thank you. Salamat po. Ingat ka bukas. SEC. ANDANAR: Salamat Lakay. Salamat Drew. Mag-ingat kayo. ## SOURCE: TRANSCRIPTION NIB |