Interview with Secretary Martin Andanar
Interview with Secretary Martin Andanar |
Get it Straight by Daniel Razon / UNTV |
09 June 2017/8:06-9:10 A.M |
(recording cut)
SEC. ANDANAR: Tapos alam mo, Daniel, palagay ko…ito naiintindihan mo naman ito, dahil ika’y talagang nasa grassroots eh, while everyone is already lost in the maze of social media, ang pinakamahalagang form of communication pa rin iyong face to face, iyong mahahawakan kita, yung ganoon. So, refocus kami sa Philippine Information Agency as on an ground or off line communications…development communications arm. So, on air, on line, on print and on the ground.
DANIEL: How do you do that on the ground, sino iyong mga bumababa?
SEC. ANDANAR: Meron po tayong mga Philippine Information Agency regional offices sa buong Pilipinas. DANIEL: They go to the barrios? SEC. ANDANAR: Yeah. If I am not mistaken, we have about 70 iyong aming PIA offices around the country, in different provinces. Magdagdag pa kami ng labing-lima para kumpleto na. And ang trabaho nila ay bumaba doon sa barangay, sa purok, kausapin nila iyong mga Municipal Information Officers. And I’m also convening the entire…lahat ng Municipal Information Officers for the first time after a very, very long time. I think the last time na na-convene sila was panahon ni President Gloria Macapagal-Arroyo. DANIEL: Well, one of the most important things na dapat mai-communicate ng PCOO sa mga tao ay iyong thoughts ng Presidente. SEC. ANDANAR: Opo. DANIEL: Ano iyong talagang kanyang posisyon on everything. Isa sa naging kontrobersyal ngayon itong—puwedeng paki-play iyong ano…itong naging labas ninyo sa martial law. Can you play that please. (video clip of animation regarding martial law) DANIEL: Well, marami pong naging reaksyon regarding this plug ano na martial law should be the rule of the land. Was this consulted with the President? SEC. ANDANAR: Actually, what is important here, Daniel, is that number one—by the way iyong animation na iyon was done, was created internally sa Presidential Communications. Again wala kaming ginamit outside, nakita mo naman iyong quality at saka hindi siya ganoon ka-high tech. DANIEL: So, it was done by the PCOO people? SEC. ANDANAR: By the PCOO people, under— DANIEL: Was it your idea? SEC. ANDANAR: It was an idea of one of the creative directors. Now, but what is important here really, you know, martial law alam mo naman, Daniel, pag martial law merong pro, merong anti. So, in this case, nag-react iyong anti, and I think what is really important is that we listen to the reactions of people. Now, kung ayaw, you know, then we pull it out, we take it down. ANIEL: So this was taken out already? SEC. ANDANAR: That was taken out of the Presidential Communications Operations facebook page. DANIEL: Pero ito iyong sa facebook lang ninyo talaga nilagay ito. SEC. ANDANAR: No. In fact, that was also played in the first documentary of the PCOO explaining extremism and martial law. It aired on PTV and it was replayed 7 times. Napansin lang siya nung in-upload siya singularly sa facebook, kasi kasama siya sa buong programa eh. But when we received negative reactions and we respect the sentiments of the anti-martial law people in this land. So we took it out. DANIEL: Kasi hindi naman siguro din iyong mga anti-martial law lang ang nag-react eh, even Senator Koko Pimentel who actually agrees with the declaration of the President in Mindanao, and kahit iyong ibang mga—wala naman silang problema doon sa deklarasyon ng martial law sa Mindanao o sa Marawi specifically, okay lang sa kanila iyon, but they also reacted when they heard iyong martial law should be the rule of the land, should be the law of the land. Parang iyon ang medyo nagkaroon ng ano sa kanila. So was that consulted with the President before you—o hindi na? SEC. ANDANAR: Hindi na, kasi iyong mga ganitong mga communications, hindi na umaabot ito sa taas. DANIEL: But what were the thoughts of the President with regard to this. Did he talk to you regarding this? SEC. ANDANAR: We haven’t really talked about it. Basta we— DANIEL: You decided to take it out. SEC. ANDANAR: Yeah. After, I think a few…less than 24 hours, you know, it was taken out. So, what is important is we listen to the people. We come up with communications, we’ve come—we have already releases hundreds of videos and this is one of those videos na…alam naman natin na pag martial law sa bansa natin, talagang maraming magre-react diyan. And we listen to the people, we listened to the reactions of the anti-martial law. Those who don’t want martial law and we also listen to the people who believe in martial law. DANIEL: Well, ito man kasi, kagaya noon, iyong last time that you have—you got the ire of the press doon sa statement mo tungkol doon sa tumatanggap ng isang libong dolyar or what yung may mga nagsipagpuntahan doon. I’m sure you’re not going to say that without any basis at all. SEC. ANDANAR: Actually, I did not say na tumanggap. I just said that may mga offers. I did not say na kung sino iyong tumanggap at merong tumanggap, wala akong binanggit na ganoon. But you know, that’s already water under the bridge and I believe that in the political drama of our country or in any political drama — DANIEL: But for sure as former broadcast journalist, alam mong meron nun. SEC. ANDANAR: Basta ako, Daniel, ang sa akin lang naman diyan is that…if something happens na mga ganitong klaseng situations, in the heat of the moment, you get to say something na meron kang nakuhang impormasyon—or even in the courts magsisigawan iyong mga magkakaibigan na mga abogado or even at home, magsisigawan kayong magkakapatid. And these things happen. Sa akin I’ve spoken to Senate reporters individually and we have moved on… no one was accused of receiving anything. DANIEL: Okay, but for certain, isa sa mga gustong labanan ng gobyernong Duterte ay ang corruption. SEC. ANDANAR: Yeah. DANIEL: And do you believe na ang media is part of the corruption? SEC. ANDANAR: I believe that the entire society, buong lipunan po ng Pilipinas, we need to do some internal cleansing. Kailangan natin magkaroon ng—well, it’s part of change, pagbabago; kailangan natin i-overhaul. Kung sa makina pa, merong mga makinang kailangang i-overhaul, merong top overhaul, iyong iba kailangan eh palitan mo lang ng mga ano, iyong sparkplug, piyesa-piyesa lang, may ganoon, hindi lahat. But society, the Philippines in general, I think that we are on our way to become a tiger economy. We have the best workers in the world, ang problema lang nga nasa labas sila, wala sa loob ng Pilipinas, majority of them. But we still—we have a good educational system. Ano lang, talagang direksyon lang, and that’s the reason na nandito si Pangulong Rodrigo Roa Duterte para maitawid tayo. Kumbaga sabi nga niya para tayong eroplano eh na nasa runway lang, hindi tayo umaalagwa, hindi tayo lumilipad. So para lumipad na tayo. DANIEL: So what would be your contribution para iyong media natin ay malinis? SEC. ANDANAR: Ah, for example fake news. I believe, Daniel, that dalawa iyan eh. One is intentional, and the other one is systems and procedures in an organizations. Now, even the best of the best organization or news companies in the Philippines – hindi ko na pangangalanan – ay merong mga maling naa-upload, maling nasusulat, may erroneous, humingi ng erratum, lahat-lahat iyan. I am sure that lahat ng mga professional news organizations in this land, including yours, if you commit a mistake, it’s not intentional. At meron din naman na intentional talaga. DANIEL: Iyon yung mga fake news. SEC. ANDANAR: Na talagang nilalabas iyong fake news para mang-asar, para sirain. So ang payo ko sa mga kababayan natin—siguro naman alam ninyo kung ano iyong mga bona fide news organizations – UNTV, nandiyan iyong ABS-CBN, nandiyan iyong GMA, TV5, PTV, lahat na iyan, mga diyaryo, on line – doon lang kayo sumunod, doon kayo makinig. Tutal naman because of internet…and we are all empowered here in this room and outside this room to complain or even to call out an organizations, uy mali iyong sinabi mo. In fact, iyon nga ang dahilan kung bakit—ngayon alam na ng lahat pag nagkakamali ang isang organisasyon, kino-call out agad eh ‘oh iyong picture na iyan, Vietnam iyan, oh iyong picture na iyan 2012 bombing pa iyan’. DANIEL: Oo, mga military Honduras police iyan. SEC. ANDANAR: ` Iyong mga ganoon. Siyempre mako-call out ka. But again, the question is: is it intentional or is it part of the procedure of your work flow? Now, if it’s part of the procedure iyong work flow then you can work on the work flow and improve your system or the way that you function. DANIEL: How will that sit now with the declaration of the President? Like halimbawa, yung binanggit mo nga, sundan ninyo iyong mga organisasyon na talagang hindi naman nila ine-intension iyong pagkakamali or kumbaga iyong talagang sometimes, it really happens. Kahit nga minsan sa pangalan ng nilalagay, minsan hindi naman si president ganito, iba ang nailagay na pangalan. Doon lang sa graphics. But the President made his statement with regard to the renewal of ABS-CBN’s franchise. Sinasabi niya eh, hindi dapat i-renew iyan. Does that sit well with the—? SEC. ANDANAR: Well, that’s a very good question, Daniel. That’s a very good question. The President is a staunch supporter and has been one of the…I would say the biggest person behind freedom of the press. Sa Davao pa siya hanggang dito naniniwala si Presidente ng freedom of the press, na hindi niya pinapakialamanan kung ano ang sinusulat ninyo, iyong newscast ninyo. In fact, sabi niya iyong PTV kailangan independent editorial iyong gagawin na hindi basta’t gobyerno ka o miyembro ka ng administrasyon, Ehekutibo ay hindi ka babanatan, gawin mo iyong trabaho mo, para hindi banatan ang istasyon mo. Why do I say this? You know action speaks louder than words. The first Administrative Order na pinirmahan po ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, ito po iyong AO na ginawa ng Presidential Communications Operations Office, ano iyon? Ito iyong Task Force on Media Security. Naniniwala ang Pangulo na kailangan ang media natin ay safe, hindi po sila inaapi, hindi pinapatay, that’s AO# 1, Task Force on Media Security. Number 2 – ano pa iyong mga trinabaho namin sa PCOO nung tayo po ay pumasok doon, Daniel? Executive Order No. 2. Executive Order No. 2 is the creation of Freedom of Information, to ensure that the Executive department is as transparent as you can get…as we can get. At ito rin ay hindi lang para sa media kung hindi para sa regular na mga citizen na puwede nilang malaman kung sana napunta iyong proyektong ito, ng DPWH. I would say that the President being one of the staunch allies of those who fight for the freedom of the press and freedom of information and our transparency in government, that signing of AO No. 1 and Executive Order No. 2, should be enough for people to understand na Presidente natin, talagang— DANIEL: When did the signing of AO 1 and EO 2 happen? SEC. ANDANAR: The Executive Order No. 2, which is the Freedom of Information, was signed a few days before State of the Nation Address last year. Administrative Order No. 1, hindi ko masabi sa iyo kung ano iyong eksaktong petsa; but ito iyong una na pinirmahan, ito iyong number 1 AO ng Presidente. DANIEL: So that means, it came before the statement of the President na haharangin niya ang renewal ng franchise ng ABS-CBN. And now are you saying that the President is not serious when he said that? Before you answer that, we will pause for a break. (commercial break) DANIEL: Well, kaya ko lang medyo hinihimay dahil nangyari iyong AO, napirmahan. That was actually earlier and before the President made his statement na haharangin niya iyong renewal ng franchise ng ABS-CBN, it seems that hindi nag-uupo pareho iyon sa isang magandang lebel ano. Ibig sabihin ba, hindi seryoso ang Presidente, when he said that? SEC. ANDANAR: The President is serious in everything that he says. DANIEL: So that means, if the President is serious in everything that he says and he said na haharangin niya at hindi na dapat naipa-renew pa ang franchise ng ABS-CBN and then now you are saying na he advocates of the Freedom of the Press; alin doon ng talagang magho-hold? SEC. ANDANAR: Kasi ganito iyan— DANIEL: Haharangin niya ba o hindi, seryoso siya di ba? SEC. ANDANAR: He is a man of the law. Nagsimula iyan prosecutor, tapos naging Vice Mayor, naging Mayor, naging Congressman, ngayon Pangulo ng bansa natin. He came in, he won the presidency, dahil sa platform of law and order, one of the platforms. Now, kung ano ang sinasabi ng Presidente, kung meron kang mga paglabag sa batas, then talagang tutuluyan ka, as far as the law is concerned. We must understand na merong naging personal experience si Pangulong Duterte with the ABS-CBN at kinukuwento naman iyan ng ating Pangulo, tungkol doon sa advertisement na binayaran na ng kampo ni Duterte na hindi pinalabas and that’s a personal experience of the President. DANIEL: And he believes na iyon ay isang bagay na paglabag doon sa congressional franchise. Can we have that statement of the President please, para makuha natin iyong eksakt0 with regard doon sa statement ng Presidente tungkol doon sa haharangin niya iyong renewal ng franchise ng ABS, at least. So meaning, he believes because it’s a congressional franchise eh and alam naman natin, may alyado ang Presidente sa Congress at pupuwede niyang ipa-scrutinize iyong lahat ng mga bagay na iyon para masabi na hindi ka na dapat i-renew. Because the renewal will be another 25 years. SEC. ANDANAR: Yeah. Since the President, as I said earlier, he is a man of the law and he respects the Constitution, siya iyong number one talaga diyan. Now—you mentioned it, will go through Congress, to the Senate for approval and the President believes and respects the independence of Congress and the Senate. So siguro—hindi ko alam kung kailan mag-e-expire ang franchise ng ABS-CBN. Let’s just wait for that time to happen, to unfold sa Congress, sa Senado and for the Executive to decide. DANIEL: But are you one with the President in saying na…with all of these things, kasi siyempre may basis siya bakit niya sinasabi na hindi na dapat i-renew ang franchise ng ABS-CBN. SEC. ANDANAR: I am one with the President that we all must follow the law, lahat, whether it’s a franchise, whether may pinatay kang tao or whether nagnakaw ka or may nabangga ka, hindi ka sumunod sa batas trapiko. One of the most important ingredients and making the society successful and for more businesses to flow, mga investments, is for us to have law and order. DANIEL: That’s right. SEC. ANDANAR: Pag walang law and order, hindi ba? DANIEL: That’s right, you have to follow the law. But of course, lahat naman iyan eh, kapag sinabi ng Presidente ganito; pag nag-order ang Presidente, sabihin niya gawin ninyo ito, dapat ito iyong gusto kong mangyari. But it doesn’t mean na gagawin mo na lang without due process of the law. But what will you be pushing is actually how to find iyong way to adhere with the statement of the President, hindi ba? Parang hanapin mo ang legal na paraan para hindi ma-renew ang franchise ng ABS-CBN. SEC. ANDANAR: Iyong presidente kasi, as I said earlier, alam naman natin lahat na prosecutor, alam niya iyong batas inside and out, alam niya iyan. Now, kung ano iyong sinabi ng Pangulo, iyon yung kanyang tinatawag na policy, executive policy. DANIEL: And he believes, pag sinabi niyang executive policy iyon, he believes na may punto siya bakit sinasabi niya na hindi na hindi na iyan dapat na ma-renew. SEC. ANDANAR: May punto siya. DANIEL: And your obligation and the obligation of those who are allied of the President is to look for that point and to strengthen that point and make it happen, hindi ba ganoon iyon. SEC. ANDANAR: Iyon ang magiging trabaho ngayon ni Secretary Sal Panelo as Chief Presidential Legal Counsel. Trabaho din ni Justice Secretary Aguirre at magiging trabaho din ni SolGen Calida itong mga legal points na iyan. But it will go to the process. Like I said, the president respects the constitution, respects the process, respects the independence of Congress and the Senate. Iyong mga congressional franchises talagang dadaan sa Congress yan, dadaan sa senado iyan, pipirmahan iyong mga iyan. DANIEL: So, are you also looking for… like ways on how to strengthen that statement of the president to support iyong sinabi niya na hindi na dapat natin— SEC. ANDANAR: Palagay ko kasi, Daniel, hindi na namin kailangan, kami sa Presidential Communications Operations Office or si Ernie Abella who is assigned to speak on behalf of the President. I don’t think he needs to find or support that statement, kasi the President knows the law. I‘m not a lawyer, Ernie is not a lawyer, so he knows what he is talking about. DANIEL: So, kayo hindi kayo nagko-consult with the President ba, with regard to what you are going to tell the people? SEC. ANDANAR: Merong mga pagkakataon Daniel na kailangan. May mga pagkakataon na we ask him. We clarify statements. At especially noong mga bago pa lang tayo nag-start sa administrasyon. Siyempre kaming lahat sa cabinet, getting to know each other, getting to know the President more. Kasi tandaan ninyo na iyong sumama kay Pangulo sa Malacanang from Davao, hindi naman ganoon kadami. Iyong mga taga-Davao, meaning these are the people who have been with the president for the last 22, 23 years in politics. Na kilalang-kilala nila si presidente. And most of us, coming from the outside bago, ibig sabihin, we have to get to know each other. So iyong mga panahon na iyon, we always ask kung ano iyong ibig sabihin niyan, pero ngayon kasi na medyo one year na tayo, kapado na, pero hindi pa rin 100%. DANIEL: What was the most difficult statement of the President that you need to defend sa pagsasalita ninyo na medyo parang nahirapan kayong i-depensa. SEC. ANDANAR: Well, the first experience that I had to face the media immediately was when the President read his statement and went off the cuff in Davao City before we were leaving for Laos. This was for the ASEAN at doon nagalit si president kay Ex-President Barack Obama, that was our first experience, that was my first experience with Ernie also. So pagdating sa Laos, talagang we had to huddle with Secretary Dominguez and I think it was Del Lorenzana, Ernie and myself. Iyon ang first time namin. DANIEL: Kasi parang everybody was expecting that the president will sit beside Obama, sa gitna nila, hindi ba ni —tapos hindi iyon ang nangyari. Pero iyon ang statement na nilabas ninyo. Ano ba ang istorya noon. SEC. ANDANAR: Hindi kasi ganito, Daniel. Iyong mga seating arrangement nilabas iyan ng Presidential News Desk. You never release these things. Before I knew it, ni-release na. DANIEL: So hindi sa inyo galing. SEC. ANDANAR: No, the Presidential News Desk is under the PCOO. So nanggaling doon sa news desk ni-release sa media. But you never release this type of information. In fact meron kaming booklet na binibigay, siyempre bago pa lang ang administrasyon eh. DANIEL: So bakit hindi nila alam na they are not supposed to do that. Did you reprimand them? SEC. ANDANAR: Bago din, of course na-reprimand. In fact lahat naman nag-a-adjust, for example. Iyong booklet na maliit na kapag lumipad ang presidente ay makakatanggap ka ng booklet na iyon, giving you the information of that country, the information on the economy, the president and whoever we are meeting in that country. Nung time na iyon halos lahat sa eroplano, binibigyan. And then later on, siyempre maga-adjust ka, hindi pala kailangang bigyan lahat, bibigyan mo iyong mga Secretaries lang, iyong mga ganoon. So, naturally, lahat naman mag-a-adjust talaga. In a new job, in a new organization and when that happened, nandoon na, nangyari na hinid ba. But what was difficult really was, iyong the morning after, that we had to the media about what the President said about Barack Obama. DANIEL: Yes, tapos iyong sinabi nya na, na tapos ang nangyari, iyong ine-release n’yo naman na seating arrangement hindi naman iyon ang nangyari, parang lumalabas na nagkaroon ng misinformation on your part. DANIEL: Oo, misinformation. But you know, these things happen and we learned from these things, we learned from protocols and talagang ang sinasabi ko lang, ay pag meron kang pagkakamali, kung meron kayong nagawang hindi dapat gawin, we should learn from all of those mistakes. DANIEL: At wag nang depensahan, sabihin na lang na— SEC. ANDANAR: Ako naman, even if it wasn’t me who released it, I take responsibility as the head of the department. And you know Daniel nobody wants to make a mistake. DANIEL: Correct. SEC. ANDANAR: So even of that person released it, we didn’t fire that person, and she is working. That person who released it mind you is a veteran journalist from the Cordilleras, from Baguio, magaling! Magaling, but nagkamali, protocol, wala namang gustong magkamali. So sabi ko basta matuto lang tayo. DANIEL: Well, as a former commentator and the journalist as well. One of the things that we in the broadcast industry practice is of course, we pursue questions most of the time that we really wanted to be answered. And on the other hand, ang trabaho mo naman ngayon ay umiwas kung makakaiwas ka doon sa mga tanong na ayaw mong sagutin, hindi ba. SEC. ANDANAR: Parang alam ko na, saan papunta ito. DANIEL: Di ba merong mga ganoon, may mga tipong ganoon. But how do you manage now, because you are actually living in a different kind of world. Parang dati, parang alam mo kapag ikaw ang sinagot ng ganoon, maiinis na ako pag ako ang sinagot ng ganoon dati, pero ngayon ikaw ang gumagawa na. SEC. ANDANAR: Well, ganito lang. Again, it’s all about empowering the different agencies that you have. Though I am a Secretary, I have four Undersecretaries, I have a number of Assistant Secretaries, I have heads of agencies, head of Philippine News Agency, head of PIA, head of PTV. Ako, I empower them to speak on behalf of their agencies. So wala naman akong iniiwasan na mga tanong. I just make my agencies responsible and accountable for what they also do. So pag merong mga issues, regarding the agencies that I run, I let the head of agency answer it. And kung talagang hindi niya talaga kayang sagutin, that’s the only time that I come in. For example. Si Spokesperson Abella is my Undersecretary. When I gave him the responsibility, the full responsibility, not only to speak on behalf of the President, because the president gave him that responsibility, but other matters in government which I am supposed to speak on behalf. I respect, I must follow my order. Alam mo iyong ganoon na hindi puwede na, o inutos ko kay Ernie ito, sinabi ko sa kanya na gawin niya ito, tapos sasapawan ko. Hindi ganoon, so ganoon din sa mga ibang agencies. Iiwas ka lang naman sa isang isyu kung talagang meron kang maling ginawa. DANIEL: No, pero is that what you have learned, kasi parang ang makikita mo ngayon, hindi ba mas naiintindihan mo ngayon, iyong dati kasi noon, nasa side tayo ng journalist pumupokpok, we wanted this, we wanted this, pero there are things na hindi dahil iniiwasan mo, hindi dahil ayaw mong sabihin, but may tamang panahon, parang hindi ko pa puwede itong sabihin eh. But of course you will egged na i-ano. Do you now have that kind of parang thinking na kaya pala ganoon sila noon. Nung ako iyong pumupukpok, kaya pala may times na ganito na hindi basta sila sasagot. Mas may understanding ka ba ngayon? SEC. ANDANAR: Oo, kasi Daniel, iyong, of course, minsan iyong issues of national security na alam kong sini-share halimbawa sa amin sa security cluster at nababasa ko sa mga thread. Tapos alam ko na iyong sagot. DANIEL: Kahit na alam mo sagot pero hindi ko puwedeng sabihin. SEC. ANDANAR: Of course kung ikaw naman kung if I were a commentator, talagang frustrating na hindi ko masabi pero— DANIEL: Dahil parang dapat—sa palagay mo kung, as a commentator dapat sabihin na ito? SEC. ANDANAR: Oo, so ako when I accepted the job na binigay sa atin ng Presidente, I left that hat doon sa pintuan. Pero kapag kausap ko iyong sa government media, PTV4, Radyo ng Bayan, PNA. Of course, sabi ko lahat ng gusto ninyong istorya isulat ninyo kung gusto ninyo. DANIEL: Nasa sa inyo iyan bahala kayo. Kung ano iyong tanong lang na masasagot namin on our part, iyon na ho. Iyong ang sasagutan namin. Pero paano ka magsinungaling? SEC. ANDANAR: Hindi ako nagsisinungaling. (laughs). DANIEL: (laughs). Hindi ‘di ba, halimbawa— SEC. ANDANAR: Alam mo hindi ganito iyan eh. DANIEL: Hindi ganito halimbawa itatanong, ‘di ba ganoon tayo, tatanungin kita. Ako iyong journalist, “Secretary, ano ho ba—kailan ho ba iyong ganito? Kailan ho ba iyong ganiyan?” Kahit na alam mo na pero sa tingin mo hindi mo dapat sabihin or hindi dapat sa iyo manggaling, magsisinungaling ka ‘di ba ganoon? SEC. ANDANAR: Hindi naman. Ang sabihin ko lang, “Gusto kong sagutin iyang tanong mo pero hindi kasi ako iyong otoridad para magsalita niyan. I’d like to refer you to the Secretary of Foreign Affairs. DANIEL: Have you never experienced na—wala ka pang na-experience na talagang nagsinungaling ka dahil—not on the intention na ilingid iyong katotohanan but on the intention na sabihin mo na kasi medyo matter of ano, medyo delikado ito. Wala pang ganoon? Parang iyong anak mo na pag halimbawa, “O inom ka na ng gamot,” “Hindi ayoko niyan mapait,” “Hindi matamis ito” iyong mga tipong ganoon. Mayroon bang ganoon? SEC. ANDANAR: So far wala pa naman. Basta ang sinasabi ko lang hindi ko po masasagot iyan. I’d like to answer that, I am not the authority to be asked. I am not in the position to give you an answer but let me refer you to the person who’s heading that agency. General Esperon. Ito number ni General Esperon, tatawagan ko siya, siya na sumagot sa iyo. DANIEL: But generally, pa alam mong puwede namang sagutin, sasagutin mo naman? SEC. ANDANAR: Sasagutin naman. DANIEL: Napagalitan ka na ba ng Presidente? SEC. ANDANAR: Hindi pa naman. (laughs). DANIEL: Doon sa mga statements minsan na parang ang labas ang ini-ru-rub ng mga… like halimbawa, alam naman natin mga netizens para ang ang niru-rub noong iba. And there are those who actually oppose, ang ginawa naman ninyo ‘no, eh parang ang pinapalabas nila ay misinformation. Was that the reason bakit hindi ka na ngayon nagsasalita, lately? SEC. ANDANAR: Hindi naman. The reason why I gave the responsibility—everything to Ernie was because iyong PCOO is composed of 8-9 agencies. Ngayon our government media is not as strong as it should be. Imagine the citizens, tayong lahat, we are paying taxes and a portion of that goes to government media. It’s not justifiable na tuloy, tuloy iyong paggastos ng taong bayan para sa PTV, Radyo ng Bayan, Philippine News Agency, PIA na hindi naman maayos iyong mga ahensiya. Ako, I promised to the President, I promised to myself, to God, the country that given the chance to serve 6 years when I leave my work, there will be lasting institutional reforms. Kailangan lumakas iyong PTV. Kailangan iyong Philippine News Agency will be again, the wire agency of the country, Radyo ng Bayan kailangan malakas na rin siya, Philippine Information Agency, APO Production Unit, National Printing Office, Bureau of Communication Services, National Communications—News and Information Bureau. Dapat lahat ng ito, should be a better agency when we leave office because sabi nga ni Presidente Ramos na ang responsibilidad natin sa ating lipunan ay to make our society better than what we… for example, kung ngayon pumasok ka ngayon at noong pumasok ka sa UNTV ganito UNTV, ngayon you brought it to the next level, that is your legacy already, that is your contribution to your organization. And that is your legacy to the people. Because your job, Daniel is to give quality content not only for your organization but to the entire public, that’s why you have a franchise to run this media company of yours that is your primordial responsibility as a broadcaster and as a CEO of this company, the same way that kami din sa gobyerno dapat ganoon. So when we leave it should be better than kung ano iyong nadatnan namin. DANIEL: So ikaw iyong nagbigay ng instruction ngayon kay Secretary Abella na ikaw na lang ang magsasalita. Ako, hindi na muna ako magsasalita? SEC. ANDANAR: Yeah, because you know in science you have the left and the right brain. So the left brain, turo sa amin sa management school eh, ito iyong in-charge doon sa pag-analyze, ito iyong in-charge sa pagsasalita, ito iyong in-charge doon sa pagpapatakbo ng mga bagay and your right brain which is in-charge of the creativity. Itong pagtatayo ng mga programang ganito or iyong mga bagong ideas. Now, if you’re heavily invested or heavily—if you’re busy answering for the President, talking for the President, there’s a tendency for you to neglect the other side of the brain which is responsible to improve your organization. DANIEL: Why did you do that for the past one year kasi ‘di ba iyong umpisa iyong salto na iyon, ikaw ang nagsasalita eh. SEC. ANDANAR: Kaming dalawa ni Ernie. Actually, hindi— DANIEL: In most cases eh— SEC. ANDANAR: Hindi, ganito, Daniel, actually ganito lang kasimple iyan. Noong nagsimula kami o eh ‘di kinausap ako ng Presidente sabi niya, “Ano bang gusto mong gawain?” Sabi ko, “Boss, if you really want me to be effective, operations. I’ll run all of these agencies,” sabi niya, “Dili ka gustong magkuwan, mag-spokesman?” So sabi ko sa Bisaya, “Dili sa ko mag-spokesman mayor kay—hindi muna ako mag-spokesman mayor kasi kailangan kong patakbuhin,” “Okay sige, kunin mo si Ernie Abella, hanapin mo,” So hinanap ko si Ernie so originally ganoon pero but when we came in already, I remember that Ernie told me na hindi niya kayang sagutin iyong mga tawag ng media early in the morning. So sabi ko, “Sige sasagutin ko for you, I will cover for you Friday and— DANIEL: Pag-umaga? SEC. ANDANAR: 5 a.m. to 10 a.m. DANIEL: Eh, early person ka eh. SEC. ANDANAR: Oo alam mo Daniel kung talagang babalikan natin lahat ng tapes 10 percent lang doon or maybe 5 percent lang ang TV guesting or maybe less. Halos lahat doon radyo, radio interviews. But you know with social media nowadays even your radio interview becomes magnified ng social media, nandoon iyong picture mo nagsasalita ka na parang nagsasalita ka sa TV ganoon. Pero that wasn’t the case, if I was just answering from 5 to 10 a.m. DANIEL: So parang iyong ang kinover mo sa kaniya? SEC. ANDANAR: And then of course— DANIEL: And who will do that for him now? Kasi kung ganoon iyong prinsipyo pa rin onwards, if we were going to look at it. Eh, sino magsasalita ng 5 to 10 parang hindi kami puwedeng tumawag ng between 5 to 10 eh morning ang programa namin. SEC. ANDANAR: Sige tawagan mo ako, gigising ako para sa iyo, para sa iyo gigising ako. DANIEL: Hindi gising—maaga ka naman talaga gumigising eh. Hindi pero sinong magko-cover kay Secretary Abella ngayon doon kung nag-withdraw ka na at itong onwards parang sinasabi mo sa kaniya bahala ka na diyan, hindi na ako magsasalita. SEC. ANDANAR: Well kasi I gave him the authority to manage the content, the messaging of the Presidential Communication Operations Office and the President. Now he has leeway to manage it and hindi ko papakialaman iyong kaniyang management kung papaano ang gagawin ni Ernie iyon. But so far nagagawa naman ni Ernie iyong trabaho niya. And I gave him the support staff, iyong buong content, may messaging kasi iyong gumagawa ng press release, etcetera na iyon ang binuo ko from the very beginning. So that is already with Ernie so he takes care of that. Ako, I take care of the hardware, I take care of the behind the scenes, I make sure that mayroong signal si Ernie, mayroon siyang satellite, mayroon siyang microwave para makaano siya. I make sure na mayroon siyang platform na puwede niyan tayuan at puwede siyang magsalita. That’s what I do now. DANIEL: Pero ‘di ba mayroon si Presidente na direct order mismo sa kaniya or galing lahat sa iyo iyong order para kay Secretary Abella? SEC. ANDANAR: No. Speaking on behalf as Presidential Spokesperson siya talaga but dati kasi iyong hatian namin ni Ernie was that pati iyong mga Departmental na mga issues na dapat sagutin, ako iyong sumasagot in the morning pero ngayon sa kaniya lahat. DANIEL: So meaning to say tinanggal ka na ngayon o tinanggal mo ang sarili mo o sino ba ang— SEC. ANDANAR: I took it out myself. DANIEL: So ikaw na ang nag-alis sa sarili mo being a Spokesperson, kasi dati you also acted as a Spokesperson. SEC. ANDANAR: I acted as a slash spokesperson because during that time siyempre bago lang so kailangan pang back-up-an. Kailangan dalawa kami ni Ernie, but now that everything is there in place, iyong aming content group nandoon na, kumpleto na at naka-adjust na si Ernie sa trabaho, so kaya na niyang gawain iyan. DANIEL: Sir, was that your decision or it is also the decision of the President? SEC. ANDANAR: No that was my decision. I met Ernie one morning sa Blugrey— DANIEL: Did you tell the President na sinabi mo na hindi na po ako mag-spokesperson sa inyo? SEC. ANDANAR: No, no, because from the very beginning sir iyon talaga iyong understanding ng Presidente. I’m not the Spokesperson. I’m really the operations guy. It just so happened na iyon nga nagpapa-interview ako sa umaga so people thought that I was also the Spokesman. DANIEL: Pero nakalagay iyon ‘di ba talagang you’re also a spokesperson with Secretary Abella? SEC. ANDANAR: No, iyong understanding namin ni Presidente ay patakbuhin ko talaga iyong mga agencies, iyon talaga iyong trabaho ko but like what I said, I promised the President, after one year I can already speak on your behalf and—but that didn’t happen kasi for the first 10 months I was defending the President. So now I’m focusing on building the agencies, the bureaucracy under PCOO and you know give me about ano, kasi 10 months iyon na wala ang pagpapatakbo eh so give me 10 months and— DANIEL: So ito ngayon puro si Secretary na ang magko-cover doon sa lahat ng—being the Spokesperson? Pero paano nga iyong problema natin ng 5 to 10— SEC. ANDANAR: Sa umaga? Basta ikaw tawagan mo ako. DANIEL: Eh paano iyong iba? Baka hindi mo ako sagutin ha. SEC. ANDANAR: Sasagutin kita. DANIEL: Hindi ka na Indian ngayon? Filipino kana? Inindian mo ako tatlong beses eh. Ito si [overlapping voices] ‘di ba pumunta ka kay Karen—? SEC. ANDANAR: Ganoon ba iyon? DANIEL: Dapat may schedule ka sa akin tapos hindi mo ako pinuntahan. Pumunta ka kay Karen Davila.
SEC. ANDANAR: Hindi ko na maalala iyon. Selective memory ka na ha. DANIEL: Sabi ko nga kay Mocha eh. Sabihin mo kay Secretary Andanar, tatlong beses na niya akong inindian eh. Pero ang question… SEC. ANDANAR: Love is sweeter the third time. DANIEL: Si Mocha. How do you find si—ikaw ba iyong kumuha kay Mocha o pinakuha sa iyo? SEC. ANDANAR: Mocha is— DANIEL: Na ikaw ang kumuha sa kaniya. SEC. ANDANAR: She was an appointee of the President. DANIEL: Pinili siya ng Presidente? SEC. ANDANAR: Handpicked by the President. DANIEL: Okay pero sa under mo nilagay so how do you find her? SEC. ANDANAR: Si Mocha kasi, she is one of the biggest internet or online, social media persons in our country. She’s got 5 million followers and growing very fast and die hard supporter of the President. So iyong mga followers ni Presidente online ay sinusundan si Mocha. Now, it is logical for the President to hire Mocha not only because Mocha helped him during the campaign but also para maitawid, madala iyong mensahe ng Pangulo, ng Ehekutibo sa masang Pilipino. Iyon iyong major contribution ni Mocha sa PCOO. Now, kung titingnan mo iyong SWS survey at iyong Pulse Asia survey nag-dip ng kaunti iyong DE, DE o CDE nag-dip ng kaunti. Now, it has got to do with communications also. Kasi, ibig sabihin hindi mo nasasabi kung ano iyong ginagawa ng gobyerno. So Mocha is one of the solutions t0 that na para maipakita natin sa publiko, sa masang Filipino, sa mga supporters ni Presidente na teka may ginagawa, ito iyong ginagawa ni Presidente. Si Mocha will be the one to explain, to communicate Dutertenomics to the masses, the tax reform to the masses. So she’s one of the messengers. DANIEL: So anong independence na binigay mo sa kaniya or lahat ng kaniyang dapat na i-upload dapat dumaan sa iyo? Mayroon bang ganito? SEC. ANDANAR: Wala namang ganiyan. Sabi nga nila, “Don’t reinvent the wheel if it’s not broken,” so maayos naman. But I remind Mocha na Asec. kana ngayon, Assistant Secretary ka na, you represent the Department, you are an ambassador of the department so whatever you do will reflect on the department and si Mocha naman is.. matalino si Mocha eh so naiintindihan naman niya iyon. Sinasabi ko sa kaniya na there are repercussions if you say something in your blog. There were always be repercussions. So pinapaliwanag ko sa kaniya. DANIEL: So anong restrictions mo sa kaniya? May binigay ka bang mga.. ito iyong mga hindi mo dapat sabihin, hindi mo dapat gawain, mayroon bang sort of that? SEC. ANDANAR: Sinabi ko lang sa kaniya na you strengthen your editorial team sa sarili niyang blog para makaiwas tayo doon sa mga impormasyon na dapat hindi natin ina-upload, para hindi fake news halimbawa iyong dating mga ganoon kasi ang laki ng blog name, mas malaki ang 5 million, mas malaki pa sa amin sa PCOO, 1 million ang PCOO. DANIEL: Itong latest nitong nakipagbakbakan niya kay DJ Mo— SEC. ANDANAR: Hmm DJ Mo. DANIEL: Paano ba ang sabi mo sa kaniya noon…in-advice mo sa kaniya doon? SEC. ANDANAR: Kasi ano yan eh…I think mayroon talaga silang personal na alitan ni DJ Mo, so kumbaga mayroong mga bagay na hindi mo na pinapakialaman…kung sarili niya yun, di ba? DANIEL: No, but it has something to do yong sa mga soldiers eh, di ba? SEC. ANDANAR: Aah yung sa—I think Mocha already released her statement and yun na yun para kay Mocha. DANIEL: You have a program with Mocha? SEC. ANDANAR: I have a podcast with Mocha every Sunday 9 o’clock, pero kahapon hindi ako nakasipot doon. DANIEL: Pero bakit ba— SEC. ANDANAR: Naindyan ko. [laughs] DANIEL: At least dalawa na kami. [laughs] Hindi, bakit podcast lang bakit hindi kayo mag TV or something? May Channel 4 naman, di ba. SEC. ANDANAR: We’ll start as podcast. Ang maganda kasi sa internet ngayon, Daniel, alam mo naman na puwede kayong gumawa ng program sa internet, kapag nag click sa internet— DANIEL: Saka mo…i-i-spin off. SEC. ANDANAR: Oo. Iba rin kasi yung cost sa TV. Siyempre iba yun. DANIEL: Correct, correct. SEC. ANDANAR: Production cost, kuryente, lahat di ba. So pag nag-hit sa online, di karapat-dapat mong ilagay sa TV. Mahirap naman na bago lang ilalagay namin kaagad, tapos iyon pala flop yung show. So iniisip ko pa rin iyong cost relative to— DANIEL: Pero you’re investing on news programs ng Channel 4, di ba? SEC. ANDANAR: Yeah. RTVM, for example…that’s where we do the podcast, sa RTVM. For the longest time, Daniel, ang RTVM – ibig sabihin niyan Radio Television Malacañang. For the longest time walang ‘R’ doon, walang Radio. DANIEL: Aaah, TV lang talaga… SEC. ANDANAR: Oo. Sabi ko nga sa kanila, “nasaan ang Radio ninyo?” “Wala, sir, eh.” “Eh dapat hindi RTVM, dapat TVM lang ito.” So sabi ko—naghanap ako ng puwesto. “Mayroon ba kayong puwesto dito, lagyan natin ng radio booth?” “Sir, ito.” Yun ngayon ang puwesto, so ngayon kumpleto na. DANIEL: So you can broadcast actually from there? SEC. ANDANAR: We can broadcast there, we can podcast there, we can do anything. DANIEL: Can you do that live ba? Yung podcast ninyo. SEC. ANDANAR: No, that’s taped. DANIEL: Taped. SEC. ANDANAR: So mahirap, every Sunday hirap ng ano… DANIEL: Hindi ka naman napagse-selosan ng asawa mo? SEC. ANDANAR: [laughs] Hindi, hindi. DANIEL: Totoo yan ha? Parang iba yung ano [laughs]. Hindi naman, wala namang sinasabi… SEC. ANDANAR: Alam mo, si Mocha kasi naging guest na sa amin yan eh. Sa amin ni Pareng Erwin doon sa TV 5 noon, nag gi-guest na iyan. So hindi naman, wala namang… DANIEL: So, papaano ka ngayon? Ano ba ang feeling ngayon na dati ikaw yung bumabakbak tapos ikaw iyong binabakbakan ngayon? SEC. ANDANAR: Okay lang. It comes with the territory. Hindi naman lahat ng tao na-a-appreciate yung trabaho mo. Number 2, I take it as a guide post also, na kung binabakbakan ako, pinapakinggan ko and then I internalize – tama ba iyong sinasabi niya o namemersonal lang? Tapos—and I learn to separate the chaff from the grain, kapag legit yung sinasabi, then I call my staff. Sabi ko, “teka, binabakbakan ako nito, ganito, ganito. Alam mo tama iyong sinasabi niya eh, so gawin natin ito.” DANIEL: Nadinig mo ba nung binabakbakan kita, hindi naman? [laughs] SEC. ANDANAR: Hindi ano…walang report na nakarating eh. Walang report…hindi ata—yung ano ko ata doon sa RTVM hindi sinasabi eh. DANIEL: Pero yung ganoong tipo, papaano mo ngayon tinitignan sarili mo after this administration? Kasi siyempre sabi nila nga nila once a broadcaster, always a broadcaster ‘di parang— SEC. ANDANAR: Depende kung may programa ka dito para sa akin eh ‘di papasok ako dito. (laughs). DANIEL: Puwede-puwede. SEC. ANDANAR: Well, basta ngayon I just try to do my best to institutionalize reforms for PCOO, for PTV, Radyo ng Bayan, PNA, PIA and the rest of the agencies, leave government or the bureaucracy better than kung anong nadatnan ko. Sa ngayon doon ako naka-focus. DANIEL: Okay. Ibabalik ko lang para hindi naman sa—kasi pinahanap ko ngayon lang yata nakita eh. Para lang at least alam nila na hinahanap ko talaga. Ito iyong statement kasi ho ng Presidente binabanggit ko sa inyo kanina with regard to the renewal ng franchise ng ABS CBN which I think will expire this year. This year na ba iyon? Paki-roll lang natin please. (PRESENTATION) DANIEL: At iyong isang sinasabi ko aside from that eh iyong interview na sinasabi niya mismo na haharangin niya iyong renewal, mayroon iyon eh. It was an ambush interview, hindi sa ganitong ano, in-ambush siya tapos sinabi niya talaga na haharangin ko iyong ano ng renewal. Anyway, iyon iyong sinasabi kong… mahina na iyong naghahanap, pa-train kayo sa PCOO. SEC. ANDANAR: (laughs). DANIEL: But just the same iyong point pa rin na iyon kasi there was a statement from the President iyong sinasabi niya nga iyong pagharang sa ganitong… para doon sa renewal ng ABS-CBN and of course, I know you also have the heart of a journalist and did you communicate with him regarding this matter dito sa usapin na ito, Secretary? SEC. ANDANAR: Well napag-uusapan but the main point really it’s now a legal issue, now legal I’m sure ABS CBN mayroon naman silang kanilang mga abogado, battery of lawyers then siguro harapin na lang nila iyong sinasabi ni Pangulong Duterte na— DANIEL: Did you give your thoughts to the President with regard to this? I mean para din doon sa pag-develop ng communications ninyo with regard to releases and all of these things because this will be a gap as well. SEC. ANDANAR: Mayroon kaming mga conversati0ns ni Pangulong Duterte and kasi this is done in confidence so hindi ko ma— DANIEL: Iyan ang paraan ng pagtanggi—pag-iwas sa ano— SEC. ANDANAR: Hindi, hindi ko mabo-broadcast kasi siyempre ipapaalam ko muna sa kaniya. DANIEL: So maganda naman pala ang pagkakasabi. Magpalit tayo ngayon, halimbawa ako na ngayon ang PCOO Secretary. Papaano mo sasabihin sa akin iyan? SEC. ANDANAR: Maiintindihan ko na iyong trabaho mo. DANIEL: Naiintindihan ko na sasabihin mo. SEC. ANDANAR: Tatakbo na lang ako. DANIEL: Sabihin mo, “Naiitindihan ko na ngayon iyong kalagayan mo.” But just as same, nagpapasalamat po ako sa pagkakataon at least after a while ay nakapunta ka. What will be people expect? Ano ba iyong DDS? Davao Death Squad? SEC. ANDANAR: Ang ibig sabihin, “Die hard Duterte Supporter? DANIEL: Ah, Die hard Duterte Supporter? SEC. ANDANAR: So ngayon, Duterte Digital Sound bite. DANIEL: Ah, Duterte Digital Sound Bite? So ano ngayon ang ide-develop nito. What are we going to expect from the DDS? SEC. ANDANAR: To the podcast? Mga behind the scenes na nangyayari sa Palasyo, mga balita, mga pag-e-explain about mga policies ni Pangulong Duterte, iyong mga nakaraang episode, iyong mga nakaraang activities of the President going on in the country. Als0 para kausapin din iyong mga kababayan natin through Skype, through online. Basically, nilalapit lang natin ang taong bayan, especially the supporters of the President sa Malacañan, it’s open to everyone. So puwedeng tumawag, puwedeng mag-complain, lahat. DANIEL: Well the time that you were still doing your commentary, you’ve been very vocal eh, alam mo iyong mga tipong… siyempre. SEC. ANDANAR: Hindi si Erwin iyan. DANIEL: Kasali ka din doon. SEC. ANDANAR: Oo tama. (laughs). DANIEL: Kapag ka umaga magkasabay tayo ng program dati. Pinapanuod kita eh doon sa sinasabi mo na mga ayaw mo. Sino ba pinakaayaw mo sa Gabinete? SEC. ANDANAR: Sa Gabinete dati? DANIEL : Ngayon. SEC. ANDANAR: Hindi, lahat gusto ko. DANIEL: Iyan, hindi ka nagsisinungaling diyan. SEC. ANDANAR: Alam mo iyong— DANIEL: Kasi siyempre ‘di ba mayroon din namang does not sit well with the… SEC. ANDANAR: Hindi naman. We all work as a team in the Cabinet. DANIEL: Wala bang faction doon sa inyong— SEC. ANDANAR: Wala, but team unity. DANIEL: Walang faction? SEC. ANDANAR: Team unity iyon, team unity. DANIEL: Team unity parang walang hiwa-hiwalay, walang grupo na ganito na sila iyong magkakausap, dito magkakausap. Walang ganoon? SEC. ANDANAR: Wala. Ang napansin ko lang iyong mga clustered groups ng Cabinet. For example iyong mayroong cluster ng infrastructure, DPWH, DOT, iyong mga clusters na iyon. Iyon ang magiging close talaga. Iyong cluster ng National Security. Eh siyempre sila-sila iyong nagkikita parati. Eh, ako I’m a member of almost all clusters because of the information of— DANIEL: So ikaw ang paru-paro sa kanila, na lahat mayroon kang access sa lahat? So nalalaman mo ang tsismis sa lahat sa mga paligid? SEC. ANDANAR: May ikukuwento ko sa iyo o pa-record. Kumbaga natin i-text natin ito, ito sabihin mo (laughs). DANIEL: Pero bakit hindi ka—palagay mo paborito ka ni Mocha? Hindi naman? SEC. ANDANAR: (laughs). DANIEL: Hindi, hindi ka paborito ni Mocha? SEC. ANDANAR: Hindi, hindi ako paborito ni Mocha. Hinding hindi. DANIEL: Ayaw niya sa iyo? Hindi ka niya type ganoon? SEC. ANDANAR: Hindi ako type ni Mocha. Iba ang type ni Mocha. DANIEL: Sinasabi mo lang yata iyan kasi nanunuod misis mo. Pero hindi ka niya inspirasyon? SEC. ANDANAR: Ang inspirasyon ni Mocha si Presidente. Iyon lang iyon. DANIEL: But you communicate well naman with each other? SEC. ANDANAR: Oo naman, iyong mga text ganoon. Tapos viber, ganoon. DANIEL: Text ha? SEC. ANDANAR: Oo siyempre, ipapaalam. Sir, kailangan ko ng travel order, mga ganoon. DANIEL: Pupunta siya ng Japan ngayon eh. SEC. ANDANAR: Oo iyon pipirma-pirmahan ko. DANIEL: Kayo ba mayroon ba kayong naka-schedule na trip? Wala naman? SEC. ANDANAR: Sinong kami? DANIEL: Hindi iyong sa PCOO. SEC. ANDANAR: Hindi mayroon akong naka-schedule na biyahe. Mayroon akong biyahe sa Hong Kong kasi mayroong meeting between Facebook. Hindi meeting, lecture. Lecture ng Facebook at Hong Kong University, so nag-invite sila ng mga estudyante, ng mga speakers from all over South East Asia and then I also have meeting or invitation sa CCTV Hong Kong. DANIEL: Pero iyong… ano bang extent noong agreement with the Facebook? SEC. ANDANAR: Wala. Iyong agreement namin with Facebook, it started last year.. June. It was really to assist the PCOO in broadcasting the speeches of the President. Remember during that time bago lang iyong Facebook live. So kailangan pa ng mga technical support eh ngayon medyo matagal. Medyo natuto na lahat eh. Marunong na lahat ng—so ngayon hanggang doon lang sa partnership doon sa Facebook live. DANIEL: Will you be part of the preparation for the SONA of the President? SEC. ANDANAR: Yes. DANIEL: Kasama kayo doon sa gagawa ng speech ni Presidente? SEC. ANDANAR: Iyong sa speech ni Presidente, mayroon kasing isang group si Presidente na who does this, mga kasama niya sa Davao pa ngayon. Ang responsibilidad ng PCOO through RTVM iyong broadcasting ng buong SONA. DANIEL: Mayroon bang kukuhanin kagaya noong nakaraan, director na nanggaling sa labas? SEC. ANDANAR: Si Mendoza? DANIEL: Oo. SEC. ANDANAR: Hindi ko alam kung ma… kasi last year volunteer si Direct Brilliante. Hindi ko alam kung magvo-volunteer siya ulit ngayon. Definitely we cannot afford him to— DANIEL: So sino ang—ano ang preparations ngayon na puwede ng i-announce? SEC. ANDANAR: Hindi pinaplano pa lang namin. Nag-uusap kami ng Office of the President at saka Presidential Management Staff, kasi kino-collate iyong mga materials ng different agencies. Kung ano iyong mga accomplishments ng administrasyon for the first year. Alin iyong mga naipangako noong nakaraang SONA na natupad na. Iyong mga ganoon ba, binubuo natin and then kapag nabuo na iyon, doon naming pagbabasehan iyong aming media plan kung papano iyong coverage, ano iyong lalabas na picture, iyong mga ganoong picture. DANIEL: So iyong highlights wala pang lumalabas? SEC. ANDANAR: Wala pa. Wala pa. DANIEL: Kung ano talaga iyong magiging— SEC. ANDANAR: Opo. DANIEL: Well maraming, maraming salamat po for the time. SEC. ANDANAR: Thank you. Thank you. DANIEL: Nice to see you after a long time ang laki ng binata mo, ang laki ng iginawapo mo. SEC. ANDANAR: Pagsisinungaling iyan. DANIEL: Hindi! Ako, hindi ako nagsisinungaling. Pag ka sinabi ko na bumata ka, gumwapo ka, that’s coming from my heart and that’s true. SEC. ANDANAR: Thank you sir. Thank you. DANIEL: Cause I’ve seen you before. We worked together. SEC. ANDANAR: Thank you sir. DANIEL: Mag-aapply na lang ako sa Channel 4, newscaster. Doon ako nanggaling eh. Doon ako nag-umpisa sa TV eh. Well salamat po and good luck sa inyong mga ta-trabahuhin pa para sa ating bayan, Presidential Communications Operations Office Chief Secretary Martin Andanar. Dito lamang po sa programang ‘Bawal ang Pikon. Get it straight with Daniel Razon. ### SOURCE: Transcription Nib <[email protected]> |