January 05, 2016 – Interview of Sec. Coloma – DZRB – Radyo ng Bayan
INTERVIEW OF COMMUNICATIONS SECRETARY HERMINIO COLOMA, JR. |
DZRB – Radyo ng Bayan / Balita at Panayam by Alan Allanique |
05 Jan 2016 |
SEC. COLOMA: Magandang umaga, Alan, at Happy New Year sa iyo at sa lahat ng ating mga kababayan.
ALLANIGUE: Happy New Year din po sa inyo at sa inyong mga mahal sa bahay. Secretary, sir, hihingi lang po kami ng reaksiyon sa inyo ano ho. Mayroon ho kasing isang report na nagsasabing ang Metro Manila raw ay magiging ‘uninhabitable’. Kumbaga, hindi na raw kaaya-ayang tirahan ilang taon mula ngayon dahil sa tindi ho ng traffic dito sa atin sa Metro Manila. Any reaction tungkol po rito sa usaping ito, Secretary Coloma, sir, please? SEC. COLOMA: Kailangang mabatid ng ating mga mamamayan na patuloy na gumagawa ng nararapat na hakbang ang ating pamahalaan tungo sa paglutas ng mga kasalukuyang problema na bunsod ng traffic congestion, iyong urban migration ‘no mula sa mga lalawigan at iyong high population density dito sa Metro Manila. At noon pang June 2014 inaprubahan na ng Pangulo at Gabinete, sa NEDA Board, iyong Roadmap for Transport Infrastructure Development for Metro Manila and its surrounding areas, kasama na iyong Central Luzon at iyong Calabarzon; at iyong short title nito ay iyong Metro Manila Dream Plan. May limang layunin para diyan, Alan, at madaling matandaan dahil limang ‘No’ o hindi o wala o kawalan ang layunin. Una, no traffic congestion; pangalawa, no household living in hazardous condition; pangatlo, no barriers for seamless mobility; ikaapat, no excessive cost burden for low income groups; at ikalima, no air pollution. Kaya’t sabay-sabay itong tinutukoy, at ang pinakasusi ay iyong transport infrastructure — kabilang na iyong mga road network, mass transport system, iyong mga airports at seaports, dahil iyan ang pinagmumulan ng pagluwas at pagdating ng mga tao, at iyong kanilang pagpili ng kanilang gagawing tahanan at kung saan sila maghahanapbuhay. Kaya mayroon na tayong integrated plan para diyan. At sa lahat ng mga pagpapasya ng mga ahensiya natin, tulad ng DOTC, DPWH, MMDA at mga local government, ito na ngayon ang gabay na sinusunod at naka-focus doon sa mga batayang prinsipyo nito. ALLANIGUE: Isa po doon sa mga nabanggit ninto, Secretary, doon sa mga components para maiwasan itong pagiging uninhabitable nga ng Metro Manila ay iyong wala ring titira doon sa mga area na itinuturing ho na mapanganib o kaya … papaano iyan? Pati iyong mga tabing ilog, tabing estero, kasama po ba iyan, Secretary Coloma, sir, doon sa mga pinag-aaral, sir? SEC. COLOMA: Kasama iyan, Alan. Bukod pa riyan ay maglilikha ng mga ecozones na tinatawag. Kung galing tayo sa … kung nasa area tayo, mayroong west coast at east coast, iyong ating pinag-uusapan lugar. Doon sa west ay iyong Manila Bay, at sa kanan naman ay iyong … doon sa may lugar ng Laguna de Bay. Ang patakaran diyan, ire-restrict iyong urban expansion sa Marikina Valley patungo sa mga kabundukan ng Rizal Province at iyong shore ng lawa, iyong Laguna de Bay, dahil ito ay ituturing na ecozone – iyan iyong sa east side. Sa west side naman, ire-restrict din iyong expansion doon sa north and southern coast of Manila Bay, at iyong port area ay ire-retain lamang natin bilang transportation hub, kaya magiging ecozone din iyong Manila Bay. At doon naman sa urban expansion, ang nakikita ay iyong pagpaplano nung tinatawag na North Regional Growth Center – ito iyong Subic, Clark at Tarlac. Sa South naman ay iyong mga major urban center ay iyong Batangas City at Lucena City, kasama na rin iyong Lipa and Tanauan City sa Batangas at Tayabas sa Quezon. Sa north naman ay mayroon tayong North Sub-Regional Group Center sa Bulacan at iyong mga identified urban centers diyan, kabilang na iyong Baliuag, San Jose Del Monte at Meycauayan. At doon naman sa south ay sa mga lalawigan ng Cavite at Laguna, ang mga urban centers diyan ay iyong San Pedro, Sta. Rosa, Biñan, Cabuyao, San Pablo sa Laguna at iyong Trece Martirez at Tagaytay sa Cavite. Kaya’t lahat ng iyan ay tinutukoy sa isang organisadong paraan na ginagabayan ng mga long-term plans, Alan. ALLANIGUE: Pinapakinggan ko ho iyong binabanggit ninyong mga lugar, of course, nandiyan ang Mega Manila or Metro Manila, pagkatapos itong mga rehiyon na katabi ng Metro Manila, halimbawa diyan sa norte, iyong Central Luzon, nabanggit ninyo iyong Subic, Clark, Tarlac; and south naman, iyong area ng Calabarzon nabanggit ninyong maraming lugar sa Cavite at Batangas. So parang kung titingnan ho natin, itong area na ito, ito iyong thickly populated at maraming mga industriya dito sa gawing ito natin sa ng Luzon, Secretary Coloma, sir. SEC. COLOMA: Kaya nga, Alan, kaakibat din niyan, kinakailangang pahusayin iyong ating road network at iyong transport network natin. Halimbawa, iyong sa road network, ang umiiral na sistema ay iyong radial at circumferential system — iyong mahahabang thoroughfares katulad ng EDSA, C-5, C-3. Kaya C ang umpisa niyan ay circumferential road kasi iyan. Inaayos iyan, may EDSA rehabilitation na tayo, nagkaroon tayo ng C-5. At nakikita natin iyong iba pang mga elemento diyan, katulad ng Skyway 3 na magkukunekta sa NLEX at saka SLEX. Itong mga iba pang kalsada na patungo sa norte katulad ng SCTEX at TPLEX; at doon naman sa south ay iyong CALAX at iyong STAR Tollway na naikabit na sa SLEX. Iyan iyong halimbawa ng iba’t ibang mga improvements ‘no sa ating umiiral na imprastruktura. At siyempre nandiyan din iyong mga mass transport system natin tulad ng LRT Line 1 extension na hanggang Cavite, at ii-extend pa hanggang Dasmariñas; iyong LRT 6 mula Ortigas hanggang Taytay; iyong Bus Rapid Transit mula Quezon Memorial System patungong Quezon City Hall. Iyong pinakamalaking project, iyong North-South Railway ‘no, mag-uumpisa doon sa North-South commuter rail mula Calamba hanggang Malolos, at itutuloy na rin ito hanggang Bicol. So iyan iyong mga halimbawa ng mga proyekto na sa pagpapatupad ang nagsisilbing gabay na ay iyong master plan o iyong Dream Plan o iyong road map. Kaya hindi dapat pairalin iyong pangangamba; ang subaybayan natin ay kung paano napapatupad ng pamahalaan ang mga long-term plans na ito, Alan. ALLANIGUE: Opo. At siyempre, isa sa mga, we understand, pinagtutuunan din ng pansin ay iyong completion nung flood control project dito sa gawi po ng CAMANAVA. Siyempre kapag umuulan ay nagiging problema rin ho ang baha. May kaugnayan doon iyon sa baka iyong mga kababayan natin ay patuloy na nahihirapan. But we understand na ang proyektong ito tuluy-tuloy po para kahit papaano ay maibsan iyong problema sa pagbaha doon sa gawing norte ng Metro Manila, Sec . Sonny, sir. SEC. COLOMA: Tama iyan, Alan. Kaakibat din iyan ng ating Project Noah, na mayroon tayong early warning system ngayon. Ang nais natin, hindi lang early warning system; doon pa lamang sa pinanggagalingan ng tubig baha, doon sa upland o upstream sources sa kabundukan ay nagtatatag na ng imprastruktura doon ‘no, mga catchment basins, iyong mga puwedeng paglagakan ng tubig para hindi na bumaba pa at lumikha ng baha. Kasama ito doon sa master plan ng DPWH sa flood control. ALLANIGUE: Okay. Well, Secretary Coloma, sir, naku salamat po nang marami sa mga updates mula po sa Palasyo, sir. SEC. COLOMA: Maraming salamat at magandang umaga, Alan. |
SOURCE: NIB-Transcription |