January 05, 2016 – Interview of Sec. Coloma – Radyo Singko
INTERVIEW OF COMMUNICATIONS SECRETARY HERMINIO COLOMA, JR. |
Radyo Singko / All Ready by Orly Mercado |
05 Jan 2016 |
ORLY MERCADO: Secretary Sonny, good morning.
SEC. COLOMA: Magandang umaga at Happy New Year, Orly. ORLY MERCADO: Happy New Year, Sec. Sonny. Ano bang—well, of course, we all know the problems of …and we’ve been discussing itong problema ng trapik ay talagang ano. Pero mabigat din ito (unclear) hindi naman siguro hyperbole lang itong sinasabi ni John Forbes, magiging ‘uninhabitable’ daw in four years’ time ang Metro Manila because of the influx sa traffic natin. How bad is it? Where is it going? Anong mga nagawa na at gagawin pa? How do we grapple with this huge problem, itong malaking problema ng trapik sa Metro Manila? SEC. COLOMA: Ang batayan ng pamahalaan sa paglalatag ng mga programang tumutukoy diyan sa problemang iyan, Orly, ay iyong road map for transport infrastructure development for Metro Manila and its surrounding region, kasama na ang Calabarzon at Central Luzon. At ito ay inaprubahan ng NEDA Board, na pinangungunahan ng Pangulo at ng Gabinete noong pang June 2014. Kaya’t lahat ng inilalatag na mass transport system, iyong ating urban rationalization ng MMDA at ng mga local government, ito ay batay na ngayon doon sa road map o Dream Plan na ito. ORLY MERCADO: Itong road map na ito, ano ba ang objective? How do we—saan naroroon itong paglutas ng problemang ito? Wala namang simpleng solusyon niyan, hindi ba. Pero kahit complex iyan, mayroon ding mga pang-imprastruktura, mayroon ding mass transport system. Ano pang mga gagawin dito? Alin ba ang pinakamabigat na area na pinupuntirya ng Malacañang na nauukol dito sa traffic problem? SEC. COLOMA: Iyong unang bahagi muna ng tanong mo, Orly, iyong objective. May lima pong objectives, ang tawag diyan ay iyong five ‘NOs’. Una, no traffic congestion; ikalawa, no household living in hazardous condition; ang pangatlo, no barriers for seamless mobility; ang ikaapat, no excessive cost burden for low income groups; at, no air pollution. Siguro ang umpisa diyan iyong isang core strategy, iyong tinatawag na regional integration. Kasi tanggapin natin, masyado talagang maraming tao ngayon sa Metro Manila, kaya iyon iyong isang area na dapat pagtuunan ng pansin. Kaya ang mga specific strategies ay ang mga sumusunod: iyong una, restrict further urban expansion along the northern and southern coast of Manila Bay, retaining only the existing port area as a transportation hub, effectively making Manila Bay another ecozone, this time on the west side of the greater capital region. So, tinutukoy iyon ‘no iyong tungkol sa urbanization. Tapos iyong, controlling urban expansion using careful planning of new urban centers to the south of Manila. Kasi kapag hindi ito naiplano nang maigi, hindi natin mapapatugma iyong lugar ng mga tahanan, iyong lugar ng mga pinagtatrabahuhan at iyong mga transportation terminal, Orly. At ikatlo, restricting further expansion in the Marikina Valley, defining the mountains of Rizal and the shore of Laguna de Bay as an ecozone on the east side of the greater capital region. Kaya talagang mayroong partikular na layunin na iyong east side at iyong west side ng National Capital Region ay gagawing ecozones, at hindi na ito subject to mindless expansion. Isa iyan sa aspeto na tumutukoy doon sa limang objectives na tinalakay natin kanina, Orly. MERCADO: So ang sinasabi natin, mayroong pangmatagalang plano ito ‘no. Hindi naman— SEC. COLOMA: Mayroon, mayroon, Orly. At lahat ng mga ipapanukala na, halimbawa, LRT dito, MRT diyan, kung saan ilalagay iyong mga transport terminal, iyong pagbibigay ng HLURB ng permit for housing development, will have to be guided by this roadmap o master plan. MERCADO: Tayo ba’y sumusunod sa mga master plan? Kasi sa aking impresyon ay isa sa mga problema sa pamamahala sa gobyerno, mayroong plano pero hindi naman nasusunod. Iyong mga pagpapalit ng liderato, minsan hindi … walang follow through eh; hindi pagsusunud-sunod. Papaano ba maiiwasan iyon? Papaano ba natin magagawang tuluy-tuloy iyan? SEC. COLOMA: Mahalaga iyong punto mo, Orly. At ang disiplina ay kinakailangang manggaling sa Pangulo at sa Gabinete dahil ang ating master planner ay iyong NEDA – iyong National Economic and Development Authority. Lahat ng mga malalaking proyektong pang-imprastruktura – at kasama na rin diyan iyong mga socio-physical infrastructure – ay dumadaan sa NEDA, dahil iyon iyong nakatadhana sa batas. At dahil NEDA na rin iyong nag-approve nitong roadmap na ito o master plan, dapat iyan ang sundin sa lahat ng mga aaprubahang mga proyekto para matupad iyong mga layunin na tinalakay natin kanina. MERCADO: Hindi ba dapat gawing ano eh parang, ewan ko lang, iyong we haveto ensure continuity. Pero madalas na nangyayari, kapag nagpalit ng liderato, eh wala eh … kung minsan ay talaga … depende sa ano, sa personalidad ng mga namumuno. Kung hindi rin itutuloy iyon, o kaya, kung minsan ang nangyayari, iyong mismong strategic plan o kaya iyong talagang pangmatagalang plano ay parang napupunta lang sa shelves, tapos mayroon nagtutuloy. Kapag pinag-aralan mo, ang dami na in the past na parang ano eh, iyong mga strategic plans na hindi na naipapatupad on a long-term basis, ‘di ba? SEC. COLOMA: Tama rin iyong obserbasyon mo, Orly. Naaalala ko noong ako ay unang nanungkulan sa pamahalaan noong 1989, ang dinatnan namin ni then Secretary Orbos sa DOTC ay lampas sa sampung master plan na on Metro Manila’s traffic. Pero iyon nga ‘no, parang inaalikabok at hindi man lang pinansin; at ‘pag tinunghayan mo naman, mayroon din namang sigurong dahilan. Pero sa aking karanasan, mainam na isangguni ng mga leader ng bansa, magsangguni sila doon sa mga nai-establish na na plano. At ito namang mga tinalakay natin, imprastruktura kasi ito ‘no, in their very nature, multi-year project iyan. Tulad ng Skyway 3, hindi naman puwedeng hindi ituloy iyan dahil nakahukay na ng mga poste at nilalatag na iyong konkreto. Sa area ng infrastructure ay nakapagtatag naman tayo ng isang pundasyon na inaasahan nating magiging mas matibay pa sa susunod na pamahalaan. ORLY: Okay. Last question, this is going back to the population problem. Itong population growth natin, ano ba ang characterization ninyo ngayon? Paano ba ang growth rate natin, makukontrol ba? At ano po ba ang nangyayari doon sa implementasyon ng RH Bill? SEC. COLOMA: Ang huling datos naman ay nagpapakita na napababa na natin iyong ating growth rate, bagama’t kung tutuusin, Orly, hindi naman agad-gad na naipatupad iyong RH Law dahil matagal din itong tinalakay sa Korte Suprema bago mabigyan ng basbas ng ating mga mahistrado. Ang mahalaga diyan ay mayroon na tayong Responsible Parenthood and Reproductive Health Law. Ang isa pang mahalaga, Orly, itinuturing natin iyong ating mga mamamayan na pinakamahalagang yaman ng ating bansa. At nakikita natin iyong strategic advantage sa pagkakaroon nung tinatawag na ‘demographic sweet spot’. Marami tayong mga mamamayan na nandoon sa working age. At kapag nakapaglikha tayo ng sapat na oportunidad para magamit iyong kanilang husay, talino at galin ay matutupad natin ang mga forecast ng iba’t ibang think tanks at research groups. Kanina lang ay natunghayan ko iyong sa HSBC, sinasabing by the year 2030 ay – o lampas nang konti doon – isa na tayo sa labing-anim na pinakamalaking ekonomiya. At isang malaking factor diyan, Orly, ay iyong population natin. Dahil iyong population, ang translation kaagad diyan ay market tide. At kapag iyong mga miyembro ng market na iyon ay mayroong sapat na economic power na ating sinisikap na palakasin, tiyak na matatamo natin iyong potensyal. Iyong binabanggit nga ng Pangulo, kung maipagpapatuloy lang natin iyong upward trajectory path na ating nailatag ngayon, na kung saan nakapag-average tayo ng more than six percent GDP growth for each of the last…ah, for the last five years, na highest in the last 40 years, ay kaya nating pumasok doon sa tinatawag na high income group. o First World Countries by 2030. Kailangan lang ay sustained dedication doon sa layunin ng inclusive growth, iyong walang maiiwan. MERCADO: (Unclear) question about education and training of our work force, iyong population. SEC. COLOMA: Iyon nga, Orly, lalung-lalo na ngayon na mayroon ng ASEAN economic community, na-inculcate iyong migration ng iba’t ibang mga profession. Kinakailangan talaga na highly competitive tayo, at diyan pumapasok na rin iyong pag-implement natin ng K to 12; pumapantay na tayo ngayon sa global standard of education. Pinapahusay natin iyong pagsasanay ng ating mga mamamayan para mabigyan sila ng pagkakataon na maging competitive sa tinatawag na high quality job, mga highly remunerative job. Nakikita natin na inaasahan tayo ngayon ng komersyo bilang back office nila ‘no, iyong mga accounting, iyong mga ina-outsource na management function, paborito ang Pilipinas dahil sa husay, galing at talino ng ating mga mamamayan. MERCADO: Maraming salamat, Secretary Sonny Coloma. Thank you very much for answering our call. SEC. COLOMA: Maraming salamat at magandang umaga, Orly. |
SOURCE: NIB-Transcription |