January 05, 2016 – Sec. Coloma’s Press Briefing Transcript
PRESS BRIEFING BY PCOO SECRETARY SONNY COLOMA |
Press Briefing Room, New Executive Building, Malacañang |
05 Jan 2016 |
OPENING STATEMENT
On goverment efforts to ease traffic Government is implementing a number of infrastructure projects to decongest Metro Manila and improve the quality of life of citizens, as well as boost investments and spur further economic development in the National Capital Region, Central Luzon and Cavite-Laguna-Batangas-Rizal-Quezon or Calabarzon areas. These projects are aggressively being undertaken by the DPWH, DoTC and other concerned government agencies in line with the Roadmap for Transport Infrastructure for Metro Manila and Surrounding Areas, otherwise known as the Mega Manila Dream Plan, that was approved by the NEDA Board headed by the President and the Cabinet. This plan aims at improving overall mobility in Metro Manila and nearby regions, provide efficient public transportation systems and create new urban centers. Some of these projects are expected to be completed in 2016 or 2017. These are: (1) The Metro Manila Skyway Stage 3 (2) The NAIA Expressway Phase II project (3) The LRT Line 2 East Extension project (Santolan, Pasig to Masinag, Antipolo) Apart from these, several other road and transport projects have been approved by the NEDA Board and are now in various stages of implementation. These include the following: · The P1.27-billion Sen. Gil Puyat Avenue/Makati Avenue-Paseo de Roxas Vehicle Underpass project · The P4.01-billion Metro Manila Interchange Construction Project Phase IV that involves the construction of three grade-separated interchanges at EDSA-North Avenue-West Avenue-Mindanao Avenue interchange; Circumferential Road 5 (C5)-Greenmeadows-Calle Industria-Eastwood interchange; and EDSA-Roosevelt Avenue-Congressional Avenue interchange. · The Cavite-Laguna Expressway Project · The Laguna Lakeshore Development Project · The NLEX-SLEX Connector Road · The North-South Commuter Railway Project · LRT Line 4 Project · LRT Line 6 Project · The Bus Rapid Transit Project (from Quezon Memorial Circle to Manila City Hall) The government has also taken the initial steps to develop new urban centers outside of Metro Manila, such as the Clark Green City, a 9,450-hectare master planned property within the Clark Special Economic Zone, which is expected to benefit some 1.2 million residents, 800,000 workers and contribute a gross output of approximately P1.57 trillion per year to the national economy or roughly four percent share in the county’s Gross Domestic Product (GDP). QUESTIONS AND ANSWERS Weng Dela Fuente (NET-25): Good afternoon, sir. Happy New Year po. Sir, kasi ‘yung mga binanggit ninyong project is long-term solution to the decongest Metro Manila of traffic. Pero ang hinahanap po ng publiko is ‘yung immediate sana because there are—parang may recent survey din po in one of the newspapers na nagsasabi na most of the people (are) disappointed na po doon sa problema ng traffic sa Metro Manila. SEC. COLOMA: Unawain natin ‘yung sitwasyon, Weng. Talaga namang may kombinasyon ng mga kagyat o immediate—may short term, medium term, long term. Iyong kagyat o immediate, araw-araw itong isinasagawa ng MMDA (Metropolitan Manila Development Authority Authority), HPG (Highway Patrol Group) at ‘nung interagency working group na pinangungunahan ni Cabinet Secretary Rene Almendras para matugunan ‘yung lahat ng mga problema na nagdudulot ng matinding trapik dito sa Kamaynilaan. Pero ayon na rin doon sa pag-aaral na isinagawa ng JICA, ang pagsasagawa ng transport infrastructure projects ‘yung susi doon sa hinahangad nating pagpapaganda ng kalidad ng buhay sa NCR, sa Calabarzon, at sa Central Luzon. Hindi kasi uubra ‘yung instant lamang o ‘yung immediate projects. Dahil nga lumalaki ang populasyon natin at dahil nahuli tayo doon sa paglalatag ng mga kinakailangang imprastruktura na hindi nakasabay sa paglago ng populasyon, ay kinakailangang ilatag itong mahahalagang infrastructure projects. At nakita rin natin na sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon ‘yung naumpisahang mode of implementation na Private-Public Partnerships o PPP ay isang mainam at epektibong paraan ng pagpapabilis ng pagpapatupad ng mga proyektong ito. At sa kasalukuyang administrasyon ay nahigitan natin ‘yung dami ng mga PPP projects na naisagawa noong mga nakaraang panunungkulan. Kaya unawain natin na kailangan talaga ‘yung kombinasyon ng mga immediate response, katulad nga ‘nung daily traffic management, ‘yung Mabuhay Lanes na patuloy pa ring kini-clear at doon sa mga kinakailangang ilatag na infrastructure projects. At pansinin natin ito namang mga infrastructure projects ay mayroong mga nakatakdang project implementation schedule. Hindi naman ito basta-basta maisasantabi. Hindi ito affected ‘nung transition sa June 30 sapagkat contracted for na. Katulad nga ‘nung Skyway 3, ‘yung NAIA Expressway, ongoing na lahat ‘yan. Hindi naman puwedeng basta… Hindi naman ‘yan titigil dahil magpapalit ng administrasyon. May nakakontratang mga contractor diyan na respetado, malalaking kompanya sila, mayroon silang reputation sa industry. At sa bahagi naman ng gobyerno kinakailangang may government funding component. Nailatag na rin ‘yung tinatawag nating multi-year obligation agreements hinggil diyan na nagtitiyak na ‘yung commitment ng gobyerno ay lampas sa iisang budget year at masusustine ito sa buong implementation period. Ms. Dela Fuente: Pero as observed po kasi parang ‘yung mga projects nag-start just recently na pinagsabay-sabay na kaya lalong naka-contribute raw po doon sa problema sa traffic. SEC. COLOMA: Nauunawaan natin ‘yang concern na ‘yan pero unawain din natin na matinding technical feasibility study ang kinakailangan sa bawat project, Weng. Hindi simple ‘yung mga proyektong ‘yan, ‘yung mga interchange. Iyong mga infrastructure projects na nabanggit natin require detailed technical feasibility studies na hindi naman puwedeng matapos overnight kahit na inumpisahan ‘nung 2010. Iyong mismo lang na pagbubuo ng technical feasibility study, taon ang ginugugol para diyan bago makapaglatag ng estimate, kung magkano ba ang cost of construction, ano ba ‘yung kinakailangang rate of return para maging economical ‘yung proyekto para sa isang private investor na papasok sa PPP. Kaya iyan ‘yung mga factors. Kapag humantong na tayo sa implementation, katulad ‘nung nakita doon sa NAIA Expressway, magkakaroon din ng mga challenges diyan tulad ng mga right of way acquisition, ‘yung hindi inaasahang may kinuwestiyon pa sa korte na valuation of land. Marami na ring mga problemang katulad niyan na nalagpasan natin at bahagi ‘yan sa mga patuloy na sinisikap nating mapahusay na mga proseso. Ang hinihingi lang natin sa ating mga kababayan ay ‘yung pag-unawa. Unang-una, mayroon tayong nakalatag na master plan na pangmatagalan, na sakop nito ang hindi lamang ang Metro Manila kung hindi Calabarzon at Central Luzon. Iyong buong transport infrastructure, hindi lamang road transport, meron tayong rail. Sakop din ‘yan ‘yung mga airports at saka seaports. Hindi ko lang nabanggit meron na ring na-approve ang NEDA na new terminal building sa Clark Airport para ma-expand ‘yung capacity nito. It’s an airport that complements Manila International Airport or NAIA. Ms. Dela Fuente: So hindi po sinadya na pagsabay-sabayin itong mga proyektong ito, sir? SEC. COLOMA: Unawain natin ‘yung inherent nature ng infrastructure that it requires masterplanning. Masterplanning involves detailed technical feasibility studies that take time to conduct and to complete. Nikko Dizon (The Philippine Daily Inquirer): Good afternoon, sir. Sir, we know that every administration has a habit of looking into contracts and projects left by the previous administration. How confident are we that ito pong mga transportation and infra projects will not be derailed if and when the new administration decides to look into the contracts? SEC. COLOMA: We are confident that these contracts will pass legal scrutiny. These have been done in accordance with the principles of good governance. When we look at the PPP projects, we note that in the last Global PPP Forum in the United Kingdom, the Philippines garnered several awards of excellence that give a seal of good housekeeping to the processes that we have been implementing. Secretary (Rogelio) Singson and the DPWH (Department of Public Works and Highways) have been repeatedly commended by the private sector as having exemplified excellent management of our infrastructure development project; and there is every reason to acknowledge that they have done their work well. Patricia De Leon (CNN Philippines): Sir, just your reaction on the recent Sandiganbayan ruling stating the Marcoses and their alleged crony to return their illegally obtained properties. SEC. COLOMA: The judgment rendered by the Sandiganbayan—this pertains to the Alfonso Lim case—is a significant win for the Filipino people in the long-term efforts to recover assets that had been illegally acquired during the dictatorship by known cronies of then President Ferdinand Marcos. The PCGG will implement the decision once it attains finality. Ms. Dizon: Sir, the Senate has decided to reopen the Mamasapano investigation. Do you think this would still contribute to the pursuit of truth to what happened to the incident na almost a year ago this month na po? SEC. COLOMA: Kinikilala namin na bahagi sa mandato ng Senado ang pagsasagawa ng pagsisiyasat ‘in aid of legislation’ at bilang bahagi ng ‘oversight functions’ nito. Ms. Dizon: But, sir, a few months—well, last year—the President already put closure to the Mamasapano incident. Wouldn’t this parang… Would there be a clash of some sort? SEC. COLOMA: Kilalanin lang natin na sa ating sistema ng gobyerno ay mayroong separation of powers at anuman ang opinyon o posisyon ng Ehekutibo, nariyan pa rin ‘yung dalawa pang sangay na mayroon din namang laya at karapatang isagawa ‘yung inaakala nilang nararapat. Lei Alviz (GMA 7): Sir, may statement daw po ‘yung OSG na tila sumusuporta po doon sa naging desisyon ng SET sa disqualification case po ni Senator Grace Poe. Ano pong masasabi niyo dito? SEC. COLOMA: Ang pahayag ng Tanggapan ng Taga-usig Panlahat (Office of the Solicitor General) ay bahagi ng pagtupad nito sa tungkulin bilang tagapagtanggol ng posisyon ng pamahalaan (sa kasong ito, ng Senate Electoral Tribunal). Roices Naguit (TV5): Sir, meron pong warning si former COMELEC Chairman Sixto Brillantes na posible raw pong magdulot ng chaos and possible suspension ng elections kapag hindi raw nadesisyunan ng Supreme Court ‘yung two pending disqualification cases against Poe and, I think Duterte, the other candidate. SEC. COLOMA: Kaisa po tayo ng lahat ng mamamayan sa paghahangad na ang darating na halalan sa Mayo 2016 ay maidaraos nang mahusay at matiwasay, kasama na rin ‘yung pre-election period simula ngayon hanggang sa Mayo 2016. At gagawin naman ng pamahalaan ang nararapat para mapanatili ang kaayusan. Umaasa din tayo na ang mga supporters ng mga kandidato ay magiging mahinahon at gagamit ng katuwiran sa lahat ng pagkakataon. Ms. Dela Fuente: Going back to the Solicitor General’s position, does that mean na ito din po ‘yung pinaniniwalaan na tinatayuang posisyon ng Executive department? SEC. COLOMA: Ginagampanan nila ‘yung kanilang tungkulin. Ms. Dela Fuente: Pero how does the Palace see the issue of the SET ruling on the disqualification of Senator Poe? SEC. COLOMA: Kinikilala natin na ginagampanan nila ‘yung kanilang tungkulin. Hannah Sancho (Sonshine Radio): Good afternoon, sir. Happy New Year. Sir, ano po ‘yung mga ginagawang hakbang ng pamahalaan para hindi po madamay ‘yung mga Pilipino doon sa tensyon na nangyayari ngayon sa Saudi Arabia at Iran? SEC. COLOMA: Masinsing tinututukan ng DFA (Department of Foreign Affairs) sa pamamagitan ng mga Embahada at Consulada ang sitwasyon sa Gitnang Silangan bunsod ng tensyon sa pagitan ng Saudi Arabia at Iran. Nakahanda ang pamahalaan na isagawa ang nararapat na hakbang upang pangalagaan ang seguridad ng ating mga kababayan sa nabanggit na mga lugar. Ms. Dela Fuente: Iyong tension po sa Middle East would also affect po ‘yung prices of oil in the world market so, how are we preparing in any case na magkaroon po ito ng epekto sa presyo ng produktong petrolyo? SEC. COLOMA: Ang ating pamahalaan ay mayroong mga contingency measures para sa mga kaganapang tulad ng nabanggit mo. Isa sa mga programa natin ay ‘yung mga renewable fuels program. Meron din tayong pananaw na sa pangmatagalan ay kinakailangang mabawasan ‘yung ating dependence on imported oil at kasama rin ito doon sa kabuuang estratehiya ng pagpapababa ng greenhouse gases, ‘yung lessened volume of use of fossil fuels. Kaya ang lahat ng mga hakbang na ‘yan ay isinasaalang-alang sa pagtingin natin sa sitwasyon ngayon sa Gitnang Silangan. Ms. Dela Fuente: Pero, so far, sir anong posisyon po ng Philippine government doon sa isyu ng Iran at ng Saudi Arabia? SEC. COLOMA: Napapansin natin na ‘yon naman ay mga isyu sa pagitan ng dalawang bansa. Hindi naman tayo sangkot doon sa kanilang pinagtatalunan. Ang ating nais, katulad ng ibang bansa, ay ang pag-iral ng katahimikan at estabilidad sa rehiyong iyon. At tayo ay isang importanteng stakeholder sa stability ng Middle East. Meron tayong mahigit sa dalawa at kalahating milyong manggagawa sa buong Gitnang Silangan, at sa Kingdom of Saudi Arabia lamang ay humigit kumulang isang milyong Pilipino. Kaya nasa pangmatagalang interes natin ‘yung estabilidad at katahimikan sa Middle East, lalong-lalo na sa Saudi Arabia. Leo Navarro-Malicdem (Brigada News): Nabanggit niyo po hindi tayo sangkot doon sa mga isyu, Sec., pero ‘yung pangamba po ng marami kasi pagka tumindi ‘yung tensyon marami ‘yung mawawalan ng trabaho. Paano po ito napaghahandaan ng gobyerno? SEC. COLOMA: Iyong tungkol sa pagkawala ng trabaho, napansin na rin at na-anticipate na rin na dahil sa pagbaba ng oil revenues, apektado na rin ‘yung job market; at marami naman tayong mga alternatibong hinahanda para sa ating mga kababayan katulad ng naipunto na ng Pangulo sa kanyang mga mahahalagang pahayag. Isa sa importanteng naganap sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon ‘yung pagbawas ng kabuuang bilang ng mga Pilipinong nagtatrabaho pa sa ibang bansa dahil sa patuloy na pag-unlad ng ating ekonomiya, dahil sa pagdami ng oportunidad sa ating bansa, dahil sa pagbibigay natin ng pagsasanay at kapasidad sa ating mga mamamayan na maging kwalipikado sila sa iba pang mga highly remunerative jobs na hindi kinakailangang lisanin ang bansa at iwanan ang pamilya. Ms. Navarro-Malicdem: Sec., panawagan na lamang po o reminder sa mga deboto ng Black Nazarene kasi inaasahan po ‘yung—although sinasabi po ng PNP na all set na ‘yung kanilang ipapatupad na security measures. SEC. COLOMA: Puspusang naghahanda ang ating pambansang kapulisan sa pangunguna ng Philippine National Police, National Capital Region Police Office si Chief Superintendent Joel Pagdilao, at ‘yung Manila Police District. Nakalatag na ‘yung mga plano nila. Handang-handa na ang mga na-assign na police. Pansinin natin na malawak na ang kanilang naging karanasan dahil nitong nakaraang taon, bukod din sa nakaraang pagdiriwang ng Kapistahan ng Nazareno, ay nahasa ang ating kapulisan doon sa mga hamon ng seguridad sa pagdalaw ng Santo Papa at doon sa pagdating ng 21 heads of state doon sa idinaos na APEC Summit. Kaya makakaasa tayo na lahat ‘nung kahusayan at dedikasyon sa trabaho na ipinakita nila, iyon din ang kanilang ibubuhos para tiyakin ang seguridad ng ating mga mamamayan at lahat ng mga deboto ng Poong Nazareno. Ms. Dizon: Sir, balik po sa Saudi Arabia topic. Sir, for sure government is preparing for a worst-case scenario. Our contingencies including evacuation, you know, being discussed right now? SEC. COLOMA: Mayroon tayong umiiral na emergency procedures. Batid natin merong Alert Level 1, Alert Level 2, Alert Level 3 at Alert Level 4. Sa kasalukuyang administrasyon ay nagkaroon tayo ng iba’t ibang karanasan. Kung maaalala natin ‘yung pagpapalikas ng ating mga kababayan sa Egypt; naganap din ito sa Libya. At nakikipag-ugnayan din tayo sa iba’t ibang mga Embahada at Consulada ng ating mga kaibigang bansa. Batid natin sa pagitan ng Indonesia at Pilipinas ay mayroong existing agreement, na pooling resources dahil nga sa kaganapang emergency. Iyong kongrektong pwersa ng ating Embahada ay usually 25 to 30 lang ‘yung usual staff nila. Ino-augment naman ito ng mga iba’t iba pang mga opisina. Pero makatitiyak tayo na pinaghahandaan ito at sapat ‘yung resources natin para makatugon sa anumang emergency. |
SOURCE: Presidential News Desk |