Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
DWIZ by Ely Aligora
07 January 2017 (6:06 A.M. -6:55 A.M.)

ALIGORA:                                            Katulad po ng ating ipinangako, ito na ho, kaharap na ho natin si Secretary Martin Andanar. Magandang umaga po, Secretary.

SEC. ANDANAR:                              Magandang umaga, Ely, at magandang umaga sa lahat ng nakikinig sa inyong programa dito sa DWIZ.

ALIGORA:                                            Una po, nais namin kayong bigyan ng pagbati dahil nasa inyo rin ang buhay kung bakit ang rating ni President Digong laging nasa very good at kung minsan ay excellent pa, dahil iyan sa ating Presidential Communications Office.   

SEC. ANDANAR:                              Well, ayaw ko naman sabihin dahil sa opisina natin, Ely. Pero ito’y naniniwala ako na ang ating Pangulo ay naiintindihan talaga ang masa. Alam niya ang pulso ng ating mga masa, mga kababayan natin. Kanya sa lahat po ng mga isyu na sinasabi ng Pangulo ay talagang tagos po sa buto ng ating mga kababayan. Alam na alam niya po kung ano ang kailangan, alam na alam niya po kung ano ang hindi kailangan. At naiintindihan po talaga ng Presidente ang sentimyento ng ating mga masang kapatid.

ALIGORA:                                            Kayo, papaano ninyo—kung minsan mayroong mga negative na pinalalabas na mga balita iyong ibang mga kapatid natin sa media… papaano ninyo ginagamot iyon o papaano ninyo nireremedyuhan iyon?

SEC. ANDANAR:                              Alam mo, Ely, ganito lang kasimple iyon eh, kung ang isang tao ay naniniwala sa kaniyang bossing o sa kanyang kliyente, kung siya ay naniniwala sa paninindigan ng kanyang amo ay hindi mahirap ipaliwanag. Kasi you believe in that person. Ngayon, lahat naman ng sinasabi ng Pangulo, ang nagiging problema lang ay nagkakaroon lang ng konting…parang maling translation ‘no. Iyon ang nagiging problema natin. Pero kung tutuusin talaga, kung papakinggan mo talaga ang word per word na sinasabi ng ating Presidente, hindi ho ganoon kahirap intindihin. At sa amin po naman sa Presidential Communications Operations Office, we just stay true to our word. And also we make sure that whatever we say nasabi na ho ng Pangulo natin. Ang problema ho kasi kapag ang isang tao ay in-interpret iyong sinabi ng Presidente na hindi pa naipapaliwanag ng Presidente sa kaniya personally. At kami naman, we make sure that the President already has explained everything to us, lalo na sa Gabinete.

ALIGORA:                                            Well, pare-pareho tayong … ito, taga-media rin ito si Secretary Martin Andanar.

SEC. ANDANAR:                              Opo.

ALIGORA:                                            Depende kasi doon sa tao eh. Depende sa anggulo na gustong palabasin ng isang taga-media. Kaya mayroong time na pinagsabihan pa kayo, siguro eh … ikaw daw iyong ‘disinformation secretary’. Sabi ko, ano ba iyan, anong klaseng mga kasamahan sa media iyan.

SEC. ANDANAR:                              Hindi kasi, ganito lang kasimple iyon eh: ang ating Pangulo ay intindihin natin. Siya iyong isang Pangulo na gustong maging five or ten steps ahead of the competition. Now, kung mayroon tayong Presidente na ganyan o lider na five steps or 10 steps ahead of all of us, talagang mayroon siyang mga sasabihin, mabibitawang salita, na hindi ninyo muna sasabihin lahat.  May element of surprise iyan eh, may element of surprise iyan. Ngayon kapag sinabi niya iyon, iyong isang bagay, at lahat ay nagkukumahog na. O halimbawa sinabi ni Presidente, “Hiwalay na tayo sa Amerika.” O ngayon tapos sabay—we are there, we clarify, “Ano ba talaga iyon, Mr. President?” “Hindi. Ano iyon, economic iyon.” Oh di ba. I mean, military. Military, hiwalay tayo; pero economic magkasama pa rin tayo. Sabihin halimbawa, “Oh magkakampi na tayo ng China, independent foreign policy,” kampi tayo agad sa China – sa economic policy. Ang sinasabi ng Pangulo ay kailangan independent tayo pagdating sa military dahil ayaw niya ng mga banyagang militar dito sa bansa natin. So, it’s really a matter of listening word-for-word na sinasabi ng ating Pangulo.

                                                                  Misinformation – mga sinasabi ng ating mga kapatid sa media. Alam mo, it comes with the territory. Kung ano naman ang batikos na natatanggap po ng inyong lingkod ay kasama na ho iyan sa teritoryo. At ako naman as a media, alam ko naman na hindi naman ako iyong binabanatan kung hindi iyong posisyon.

ALIGORA:                                            Pero kapag mga ganiyang, yung mga istorya na ganiyan, negative na iyong pinag-uusapan tungkol sa sinabi ng …  nakikipag-one-on-one ka ba kay President Digong para liwanagin iyong ilang mga isyu?

SEC. ANDANAR:                              Oo, nakakausap natin iyong Presidente; nililiwanag natin ang isyu. But then again, after six months working with the President, we somehow already have an understanding of the body language, pananalita. Alam na rin natin, kilala na rin natin iyong mga taong talagang nakapaligid talaga sa Pangulo mula noong siya ay Mayor, so marami tayong napagtatanungan sa mga nasa paligid lang kung hindi naman libre iyong Presidente. But then again, you really have to work smartly and intelligently, kasi kapag panay hula dito, hula doon, walang mangyayari eh. So kung talagang hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin, I would rather keep my mouth shut, ganoon lang.          

                                                                  Pero, Ely, gusto kong pag-usapan kasi iyong … kasi this week or next week ay magkakaroon po tayo ng ASEAN 2017 launching doon po sa Davao. Ito po iyong launching talaga ng ASEAN, as chairman of the ASEAN 2017, na tayo po ang chairman this year. And at the same time 50th anniversary ng ASEAN – Association of Southeast Asian Nation Summit ‘no. At ang PCOO po kasi iyong lead communications agency para maipaliwanag ito, kaya ako nag-iikot sa mga radio stations at sa mga TV at diyaryo para maipaliwanag sa publiko kung ano talaga iyong ASEAN, ang kahalagahan nito. Dahil alam mo kasi, Ely, nagkaroon po ng survey na 24% lang ang nakakaintindi ng ASEAN. Sa buong ASEAN (Association of Southeast Asian Nations) bente kwatro porsiyento. So in the Philippines, kung mayroon tayong 100 million Filipinos, iyong populasyon natin, eh 24 million lang ang nakakaintindi. Kaya mayroon po tayong road show na gagawin sa iba’t-ibang mga probinsiya… sa buong bansa para maipaliwanag.

                                                                   At ngayong taon na ito ang ating mga priorities po ay kasama diyan iyong people oriented and people centered initiatives. Ito po po iyong mga health initiatives, ito po iyong para sa women, sa elderly; ito po iyong programa ng ASEAN. Nandiyan po iyong peace and stability, alam po natin na marami po tayong problema pagdating sa terorismo, sa droga. Nandiyan din po iyong maritime security, alam po natin iyong ating karagatan, mga pirata, mayroon din pong mga kidnapping. At pag-uusapan din po dito sa ASEAN 2017 ang inclusive and innovation-led growth – ito po iyong tuturuan iyong mga empleyado na maging entrepreneur, mga negosyante. Iyong negosyante naman para makahanap sila ng ibang oportunidad. Nandiyan din po iyong ASEAN resiliency, ito po iyong makabangon ang isang bansa sa ASEAN, makabangon agad sa mga kalamidad, sa mga bagyo. At pag-uusapan din po dito iyong ASEAN as a model of regionalism. Kasi kung talagang titignan mo, Ely, we are 630 million people in ASEAN, napakalaking merkado po iyan, ang daming tao. Ngayon—

ALIGORA:                                            Bale ilang bansa iyong ku-comprise sa ASEAN, sir?

SEC. ANDANAR:                              Sampu. Nandiyan iyong Pilipinas, Singapore, Thailand, Myanmar. Nandiyan iyong Malaysia, Cambodia, Laos, Vietnam. Basta sampu iyon—Indonesia. Ngayon, ang mahalaga po kasi para makapag-compete tayo sa world economy, kailangan magkaisa tayo, iyong ASEAN. Six hundred thirty million, malaking merkado, puwede tayong magbenta ito ng mga goods, etc. At para naman iyong 630 million na iyon, iyong buong ASEAN na iyon ay puwede rin tayong makipagkalakalan o makipag-negotiate sa mga bansang tulad ng China na malalaki, Amerika.

ALIGORA:                                            Dapat lang maging solid tayo.

SEC. ANDANAR:                              Oo, maging solid lang. So ito ang mga pag-uusap this year dito sa bansa natin. At tatlong summits ang mangyayari – Abril – iyong Abril na summit…mga ministerial summit. Mayroon ding Agosto, lahat ng mga heads of state. At nandiyan din iyong sa Nobyembre. Iyong Nobyembre naman, iyong lahat ng heads of state—

ALIGORA:                                            Sa Clark ba iyon?

SEC. ANDANAR:                              Hindi, dito iyan. Pero kasama iyong East Asia… ASEAN plus East Asia  group na kasama diyan iyong Amerika, kasama iyong Russia, kasama iyong China, Japan. So malaking event po ito para sa bansa natin na tayo iyong chairman dahil malaking pagkakataon ito para sa atin na ipakita sa buong mundo kung gaano tayo kagaling bilang host at gaano tayo kagaling bilang isang chairman ng ASEAN. So makikita rin ng ibang bansa kung papano tayo—

ALIGORA:                                            So parang whole year round ito?

SEC. ANDANAR:                              Whole year round at mayroong mga 100 ministerial meetings. Marami iyon, mga 100; tapos kung saan-saan – mayroong Bohol, mayroong Boracay, mayroong Baguio, marami. Pero iyong tatlong main event nito – ito iyong sa Abril, ito iyong sa Agosto at sa Nobyembre. Ngayong Enero a kinse, dito po naman tayo sa Davao City magkakaroon ng launching at si—

ALIGORA:                                            Iyan ang pasimula?

SEC. ANDANAR:                              Pasimula po iyan.

ALIGORA:                                            January 15.

SEC. ANDANAR:                              Opo, opo.

ALIGORA:                                            So kayo, involved kayo. So iba pang mga sangay ng gobyerno like DTI, mga ganoon?

SEC. ANDANAR:                              Oo, involved lahat ng ahensiya. Ang PCOO lang iyong sa   komunikasyon. Kaya tayo ay—

ALIGORA:                                            Hindi pupuwedeng papatay-patay.

SEC. ANDANAR:                              Hindi puwede kasi—ang problema nito, Ely, kasi mayroon tayong ASEAN and yet 24% lang ng ating populasyon ang nakakaintindi. So, hindi naman tama iyon. Eh kailangan alam ng bawat Pilipino kung ano talaga iyong ASEAN. Ano iyong ASEAN integration? Ano iyong—

ALIGORA:                                            Hindi na-appreciate ng mga Pilipino eh.

SEC. ANDANAR:                              Hindi ma-appreciate sa … ano ba ang makukuha ni Juan, Maria, ni Pepe dito sa ASEAN na ito? Alam n’yo ba na sa ASEAN integration, halimbawa, kung ikaw ay isang doctor sa Pilipinas o abogado ay puwede kang makatrabaho sa Singapore bilang doctor at abogado gamit ang sarili mong diploma dito. Kasi ire-recognize iyon ng ibang bansa.

ALIGORA:                                          Ang pagkapasa mo sa Board dito, magagamit mo.

SEC. ANDANAR:                            Iyon iyong mga tinatrabaho ng ASEAN eh. So alam mo na ba puwede kang magnegosyo, halimbawa, merong mga produkto na puwede mong ipasok sa Vietnam halimbawa na either walang tax o mababa ang tax, kasi nga level-playing field ito, maraming ganyan. Ngayon tayo bilang Pilipino na meron tayong more than 8 million OFWs at marami po sa atin ang mindset ay magtrabaho talaga sa labas ng Pilipinas, eh malalaman din natin kung anong mga unibersidad sa Pilipinas ang recognized sa ASEAN region. Ibig sabihin kahit anong kurso ang kunin mo, pag nag-graduate ka, pagpunta mo ng Indonesia eh ayan na iyong recognized.

ALIGORA:                                          Kikilalanin.

SEC. ANDANAR:                            Oo, kasi diba marami tayong mga example noon na, ‘ay pag pumunta ako diyan sa ano eh, itong kurso ko, pagdating ko naman diyan sa Singapore hindi naman iyan kinikilala iyong kurso ko.’ So iyong mga ganoong bagay ba na puwede nating matutunan. So we have to understand why ASEAN centrality is very important to our lives right now as Filipinos and members of ASEAN. Kailangan hindi lang iyong 24% na nakakaintindi ng basic meaning ng ASEAN at kung ano ang ginagawa nito, kailangan malampasan natin iyon by the end of November, kahit papaano more than 50% na ang nakaka-alam, ang ASEAN pala ganito. So that is our challenge this year.

ALIGORA:                                          Ano iyong target ninyo talaga, halimbawa kung ngayon ay 24% lang, pagkatapos nitong taon na ito, ano ang ine-expect ninyo na increase sa percentage na makakapag-appreciate sa ASEAN?

SEC. ANDANAR:                            Modest lang naman na increase ang ating target, Ely, 50% okay na iyon, kasi 24 plus 24.

ALIGORA:                                          Doble na ano.

SEC. ANDANAR:                            Di domoble na. Pero we will work very hard na para malaman ng tao at meron tayong mga inihanda na iba’t-ibang porma ng komunikasyon. Halimbawa na lamang iyong polyetos in Tagalog, in Bisaya, dadalhin doon sa mga purok…yung mga comics mga ganyan. So para mas lalong maintindihan ng mga kababayan natin especially iyong nandoon sa mga probinsya. Kasi kailangan nilang maintidihan…sa mga esuwelahan. Talagang puspusan ito, makikipag-alyansa tayo sa Department of Education para talagang maipaliwanag sa kanila ano itong ASEAN. Para bata pa lang alam na kung ano iyong ASEAN.

ALIGORA:                                          Ganito pala iyon.

SEC. ANDANAR:                            Ano ba ang ginagawa doon ni Prime Minister Lee Hsien Loong doon sa…halimbawa sa Roxas Blvd at nagwawagayway ng mga flag na ganoon. Ano ba ang ginagawa ni Najib Razak, iyong Prime Minister ng Malaysia. Hindi ba parang hindi mo alam kung bakit eh, ba’t nandito.    

                                                                Hindi mo alam kung bakit iyong gobyerno ay naglalaan ng 15 bilyong piso para sa ASEAN na ito. So kailangan maintindihan ng tao kung bakit.

ALIGORA:                                          So ibig sabihin dapat mas malawak na iyong paningin dapat ng mga tao, hindi lang ng Pilipinas, kundi malawak na.

SEC. ANDANAR:                            Oo, dapat ganoon talaga. So that is the challenge of the Presidential Communications Office and also we took in upon ourselves, Ely, na sa pag-ikot natin sa mga probinsya, malaman din nila kung ano talaga iyong PCOO. Marami naman tayong mga ginawa diyan last year na talaga namang masasabi natin na groundbreaking tulad ng Freedom of Information, tulad ng Administrative Order #1 creating the Presidential Task Force on Media Security, first time in our lives as media men na meron tayong isang task force na para lang sa atin. Iyang mga ganyan ang mga ginagawa natin at iba pang mga improvement sa ahensiya at etc. So, isasabay na natin ito para mas maganda.

ALIGORA:                                          Siguro iyong ganoon, naiintindihan ka at napipick up ng masa kung ano iyong mga ginagawa mo, because nandoon iyong—kahit na anong sabihin, mga 83% ‘yan, iyong may tiwala kay Presidente Digong, may tiwala rin sa grupo ninyo.

SEC. ANDANAR:                            Opo, tayo po ay nagpapasalamat sa suporta ng taumbayan, dahil hindi naman ito kaya, Ely, ng tatlumpong Cabinet members lang na baguhin ang buong sistema ng bansa natin sa pagbabag0 na nais ng mga kababayan natin. Napakahalaga ng citizen participation, napakahalaga ng suporta ng taumbayan, napakahalaga ng media, kayo, dahil kayo iyong nag-e-echo nung mga programa ng gobyerno natin. So, itong lahat na ito, nahihirapan kahit sinong gobyerno, kahit sinong administrasyon mahihirapan na ipatupad iyong mga reporma kapag walang…halimbawa, walang suporta ng taumbayan.

                                                                Halimbawa lamang, Freedom of Information, Executive Order. O puwede ka nang pumunta doon sa DPWH tanungin mo kung saan napunta iyong isang bilyong pisong pondo para sa project A na ganoon, ganoon, ano iyong mga detalye nito dahil sa Freedom of Information. Nandiyan na iyong Executive Order, Ely. Pero kung walang citizen participation—halimbawa,  ano iyong  citizen participation – kung hindi mo gagamitin iyong karapatan mo sa ilalim ng Executive Order na puwede mong malaman kung papano  ginastos iyong pera na iyon sa DPWH or DOH for example or sa PCOO, hindi mo ginamit iyong batas na iyon. So, ibig sabihin wala rin. So we have to work together.

ALIGORA:                                          Ngayon, diyan sa PCOO. Ano ba iyong—marami din kasing nagki-criticize, anim na buwan na eh, wala pang nangyayari sa mga pangako ni President Digong. Ano ang masasabi nating talagang positibong nagawa ni President Digong sa loob ng anim na buwan?

SEC. ANDANAR:                            Sa PCOO lang?

ALIGORA:                                          Oo.

SEC. ANDANAR:                            PCOO. Kami po ay nagtrabaho para maipasa iyong Freedom of Information. Halos 23 taon po ito nakabinbin sa Kongreso, panahon po ni yumaong Senador Raul Roco pa ipinaglaban niya ito at hindi pa pumapasa hanggang ngayon. Ang sabi ni Presidente, sige pipirmahan natin iyong Executive Order ng FOI para mapalakas natin iyong right to know na nakasaad sa ating 1987 Constitution.

                                                                Number two, iyong nabanggit ko, iyong nabanggit ko, iyong Administrative Order Number one…number one ha, creating the Presidential Task Force on Media Security. Wala pang gumagawang ganoon na administrasyon na para protektahan iyong mga kasamahan natin sa media na matagal nang nagdudusa dahil nga sa mga left and right na mga patayan—

ALIGORA:                                          Through your recommendation iyan.

SEC. ANDANAR:                            Oo, through my recommendation, so pinirmahan. Number three, kakapirma na ang Presidente ng Memorandum Order ni Executive Secretary na making PCOO the lead agency, Ely ha…the lead agency para ipatupad iyong Executive Order Number two na Freedom of Information. Meaning, iyong ahensiya natin ngayon ay puwedeng gumawa ng administrative sanctions sa mga ahensiya na hindi susunod dito.

                                                                Number four, nandiyan iyong pagpapalakas natin ng ating komunikasyon sa pamamagitan ng partnership sa Facebok, official partnership. Mapapansin  mo ngayon, kahit saan ka, kahit nasaan ka, kapag nagsalita si Presidente lalabas sa Facebook, puwede mong mapanuod, hindi  pa nagawa ito ngayon. Oh ano pa.

                                                                Number five, iyong siniguro natin na ang lahat ng mga bansa na napupuntahan natin kasama ang Pangulo ay merong bilateral agreement ang PCOO at iyong counterpart natin na Ministry of Information. Halimbawa, sa China meron tayong  bilateral agreement, kapag… ngayon,  every year, ten, sampung mga estudyante mula sa PCOO – mga manager, mga broadcaster, etc. ay puwede na hong mag-recommend ng ipapadala sa China para  mag-aral sa CCTV, sa  Xinhua News Agency, sa China Radio Daily. Meron din po tayong bilateral agreement na parating with the Malaysians, with the Singaporeans, with the Japanese.

Ely, ang dami nating nagagawa, nandiyan din iyong People’s Broadcasting Corporation na pag-iisahin natin.  

ALIGORA:                                          Ano daw update doon sa sinasabing magiging BBC style iyong sa PTV4?

SEC. ANDANAR:                            Okay. Nag-usap kami ni Executive Secretary Bingbong Medialdea, ipinaglalaban natin iyong budget para dito, 1.4 billion  na dagdag na budget para magawa po iyong Mindanao Broadcast Hub, kasama doon sa plano na maging ala-BBC. Nag-improve na po iyong ating signal ng PTV.  Tignan ninyo po from 20 kilowatts na takbo –  20,000 watts sa takbo ng transmitter – kagabi po 50,000 watts na, PTV 4. Kaya mas malinaw na po ang PTV4 ngayon, magbabago na po iyong programa natin. 80% ng PTV ay balita.

ALIGORA:                                          Okay.

SEC. ANDANAR:                            Dalawampong porsyento dito ay halo-halo, may commercial, merong mga religious programming, kasi kailangan din namang kumita.

ALIGORA:                                          Income iyon eh.

SEC. ANDANAR:                            Pero dahandahan lang, 80%. Humingi po tayo ng 1.4 billion para matupad na iyong Mindanao Broadcast Hub. Kung merong PTV sa Metro Manila, magkakaroon din ng parang (signal interruption) ganundin sa Davao para covered iyong buong Mindanao.

ALIGORA:                                          Oo, ipinangako rin in President Digong iyon.

SEC. ANDANAR:                            Oo, ipinangako iyon. Kaya doon ako humihingi ng karagdagang pondo kay Executive Secretary Bingbong Medialdea, suportahan niya, Budget Secretary Ben Diokno, Congressman Karlo Nograles ng appropriations ng Kongreso.

ALIGORA:                                          Talagang barasuhan ha.

SEC. ANDANAR:                            Kailangan mo talagang gawin eh, otherwise walang mangyayari. So, nakikita po natin iyong pagbabago ng PCOO relevant sa PTV. Iyong Philippine News Agency. I’m sure alam mo iyang Philippine News Agency. Alam mo naman kung paano bumagsak ang PNA, lahat ng nawawala eh, bubuhayin natin ang PNA. Ang PNA magkakaroon na ng sariling cameraman, sariling reporter. Ang PNA magkakaroon ng sariling cable channel, magkakaroon ng sariling newscast, parang Reuters o parang Xinhua, iyon ang gusto nating mangyari sa Philippine News Agency para mas maging relevant siya.       

ALIGORA:                                          Naka-link pa rin sa PTV 4?

SEC. ANDANAR:                            Naka-link sa lahat, sa inyong lahat, Philippine News Agency eh, sa mga probinsya, international. Magiging competitive wire agency ang PNA. Iyon ang isa sa mga objectives natin for this year.

ALIGORA:                                          Iyong PTV 4 na iyon, at least maraming pumi-pick up ng PTV 4 kasi pag nag-speech ang Pangulo, laging pick up ng PTV4, doon kumukuha iyong ibang mga channels. 

SEC. ANDANAR:                            Tapos dahil nga sa hard work ni dating Secretary Sonny Coloma and we are picking up where he is left off – itong pag improve ng technology – kanya mas mabilis po ngayon iyong pag—kasi alam mo ako broadcaster ako eh, alam ko iyan. Kaya ang in-appoint natin sa PTV na general manager na Broadcaster din na executive no, nagtrabaho kung saan-saan, CNN, ABC, sa CBS sa Amerika at dito sa TV 5, kasama ko. Ganundin sa ating radio. Sa radio na lamang, meron tayong…iyong 87.5 frequency FM, ito ay frequency na dedicated para sa gobyerno, walang me alam…kaunti lang ang may alam nito.

ALIGORA:                                          Oo nga.

SEC. ANDANAR:                            Pero ngayon, 87.5 FM nationwide. 87.5 will be a government station – for emergency broadcast, for youth oriented programs at hinihintay lang natin iyong pondo para mapatakbo ito. Once this happens, for the first time in our lives here in the Philippines we can drive, puwede tayong magmaneho, sumakay ng isang bus mula Maynila, all the way to Cagayan Valley na isang frequency lang.

ALIGORA:                                          FM?

SEC. ANDANAR:                            FM, 87.5. So ito po ay magiging emergency broadcast frequency natin.

ALIGORA:                                          Ang alam ko kasi…alam naming iyong matatanda 104.3.

SEC. ANDANAR:                            104.3 will become Radio 2, Radio 1 will become 87.5. Radio 2 iyong 104.3, iyong DWBR.

ALIGORA:                                          Business radio.

SEC. ANDANAR:                            Business radio. Kaya maraming pagbabago, Ely.     

ALIGORA:                                          Parang nahalungkat mo lahat iyong mga dapat baguhin diyan sa broadcast media.

SEC. ANDANAR:                            Eh, kasi pagkakataon na ito. Binigyan tayo ng Pangulo natin ng kanyang trust and confidence at tayo po ay binigyan din ng Kongreso at Senado, sa pamamagitan ng Commission on Appointments, ng kanilang go signal. Tayo po ay na-confirm. So, ito ay ginagawa lang natin para sa taumbayan because we are now mandated to work for the nation, with the trust of the Philippines – the Philippine President – with the trust for Congress para gawin po lahat. Then, sabi nga nila, opportunity only knocks once, pag dumaan sa iyo iyan, you just do whatever you can. Dala-dala ko ito, Ely, mula ng ako ay nagsimula sa broadcast – “you are good as your last story”.

ALIGORA:                                          Nonog nasa Channel 5 ka, napapanuod kita sa umaga, Secretary. Ngayon sa punto naman ng pang-ekonomiya. Ano ba iyong ibang maipagmamalaki ng Digong administration?

SEC. ANDANAR:                            Ay naku, buti nabanggit mo iyan. Iyong Fortune Magazine naglabas sila ng artikulo sabi nila hindi ginagamit ng ating Pangulo iyong istorya na dahil sa kanya eh we are one of the fastest growing economies in the world. Kung hindi second, third ‘no. At marami ang nagtatanong, maraming namamangha sa 7.1, 7.2 % na growth rate ng bansa natin. Mataas iyong growth rate nung panahon ni GMA, tumaas nung pagdating ni PNoy, mas lalong tumaas kay Digong, kay Presidente. So ano ba nag magic wand, ano ba ang meron, iyong tanong ng mga Indonesian, mga Singaporean, ng mga Amerikano, ng mga Frances,  iyong mga ekonomista, iyong mga negosyante. Ano ba ang meron ng Pilipinas?

ALIGORA:                                          Ano ang sekreto ninyo.

SEC. ANDANAR:                            Bakit napakabilis ng takbo ng ekonomiya at pag-angat ng ekonomiya. So, iyon ang sikreto ng ating Pangulo na matagal na niyang ginagawa. Sa loob po ng Pilipinas, kung ikukumpara natin lahat ng siyudad sa buong Pilipinas, Davao City ang merong pinakamataas na economic growth, posting 9, nuwebe. Ikukumpara mo sa ibang mga siyudad sa buong bansa na 6 – 7. Davao lang ang 9. So ano ba ang meron? So ang masasabi ko sa iyo, Ely, we are on the right track, iyong 10-point economic agenda ng ating Pangulo at iyong pagpapababa ng poverty rate from 21 to 14% in six years ay posibleng-posibleng mangyari. Kung merong law and order, kung merong peace and order. So law and order, criminality ay pilit pong inaalis na ni Presidente. Droga, lahat inaalis ni Presidente. Peace and order, nasa negotiating table na ang mga rebelde – CPP-NPA, MILF. Peace and order, tapos meron kang law and order, may sumusunod na sa batas, automatic iyan, kasunod ang ekonomiya.

ALIGORA:                                          Kaya pinasimulan sa pag-aayos ng peace and order.

SEC. ANDANAR:                            Peace and order, iyong mga drug addict, iyong mga drug lord, iyong mga drug pusher. 1 million plus na iyong sumurender. Iyong drug apparatus unti-unti nang nagigiba. Iyong mga laglag bala, simple lang, iyong batas trapiko may sumusunod na. Takot na iyong mga maraming kawatan, iyong manggangantso natatakot na, kasi magagalit si Digong. Iyong ano na lang, Ely, wag na tayong lumayo eh, New Year’s Eve bumagsak na iyong—

ALIGORA:                                          Yes, nabawasan ng malaki.

SEC. ANDANAR:                            Nabawasan ng malaki iyong mga nababawasan ng daliri. Ibig sabihin, eh bakit? Eh kasi magagalit si Digong, magagalit si Presidente kapag nagpaputok tayo ng—It shows that you now have a citizenry who fear the law. Iyon yun eh, may natatakot na sa batas. Noon kasi walang natatakot sa batas. Weak rule of law. Very important iyon in a democracy.

ALIGORA:                                          Iyon ang isang magandang positibong na-develop ngayon sa ating mga kababayan na meron silang kinakatakutan.

SEC. ANDANAR:                            Hindi kasi totoo naman, Ely. Pumunta ka sa Singapore, bakit ang mga Pilipino sumusunod sa batas doon. Pumunta ka ng Hongkong, bakit iyong mga OFW ay sumusunod sa batas, masunurin tayo. Masunurin tayo kapag—

ALIGORA:                                          Nasa ibang bansa.

SEC. ANDANAR:                            Nasa ibang bansa—hindi dahil lang sa ibang bansa, dahil ang batas sa ibang bansa ay pinapatupad ng maayos. Sa atin—

ALIGORA:                                          Iyong pagdating dito?

SEC. ANDANAR:                            Ngayong ai Presidente Digong na, ipinapatupad iyong batas eh, kaya sumusunod iyong tao. Pero kulang pa. Kailangan pang talagang sagad-sagarin iyong pagpapatupad ng batas. Tayo din sa media, kayo din sa mga broadcaster ganundin, dahil kasi sa kasisigaw ninyo na, ‘hindi ganito sundin natin ang batas,’ etc. So natatakot din iyong tao, dahil sa sinasabi ninyo na, ‘itong mga paputok na ito, mga triangle, mapuputol iyong mga daliri ninyo, etc., mahuli kayo.’  Eh oh anung nangyari? Bumagsak iyong—-

ALIGORA:                                          Ngayon dito sa Pilipinas marami na ngang sumusunod, although marami na rin iyong mga dating hindi maka-Digong, eh nung  nagsimula  iyong drug war ni President Digong parang nakuha na rin niya iyong simpatya, at least sumusuporta na. Pero hanggang ngayon marami pa rin iyong uproar, ang umuupak kay President Digong dahil doon sa  kanyang kampanya na iyan.

SEC. ANDANAR:                            Hindi naman kasi nila maintindihan ang konteksto ng war against illegal drug sa bansa natin. Iyong mga nasa abroad, siyempre ingay lang sila ng ingay, kuwento ng kuwento hindi ba ganoon, pero wala naman sila dito. Di ba? Wala naman sila dito, iyong mga banyaga na napaka-ingay, ano ba ang meron sila. Do they have a stake in our country, may investment ba sila dito? Meron ba silang anak na naglalakad diyan sa Quiapo, meron ba silang pamangkin na pumapasok doon sa eskuwelahan na umuuwi na late, meron ba silang kapatid na nagtatrabaho sa gabi na posibleng madukutan pag-uwi ng bahay dahil waiter siya at alas-tres ng madaling araw ang  kanyang uwi? Wala. They have nothing or they have nothing, they have no investment in the Philippines.         

                                                                Alam mo madali kasing mag-ano…maging kritiko eh, ano. Ang dali-dali, lalung-lalo na kapag wala ka sa lugar na iyon. Madaling sabihin na, ‘ah ang bagal naman nung responde ng ano ninyo…ng ambulansiya, ang bagal naman nung ayuda ninyo doon sa bagyo sa Bicol.’ Madaling sabihin iyon kapag wala ka eh. Pumunta ka doon, dapat nandoon ka. Wala kang kredibilidad kung wala ka doon, ganoon lang iyon eh. And ironically and it’s good that kahit iyon ang sinasabi nila doon sa ibang bansa, ang Pilipino naiintindihan. Kaya 83% ayon sa Pulse Asia.

ALIGORA:                                          Sumusuporta.

SEC. ANDANAR:                         Sumusuporta sa Pangulo at 9 out of 10 of the Filipinos believe in the war against illegal drugs. Pag tinanung mo naman iyong SWS survey, ganundin, very good ang trust rating ng Presidente. So alam ng Pilipino, Ely, alam nila kung ano ang dapat sa kanila. Iyong mga nasa abroad, eh wala naman silang, wala naman sila dito, umuwi muna sila dito. Iyong mga nagrereklamo doon sa abroad.

ALIGORA:                                          Isang comment lang ang gusto kong marinig sa iyo. Iyong mga previous na mga naging President pagdating sa survey at medyo nakailang buwan na rin. Well, sa  probinsya maaring mataas pa sila, pero iyong Metro Manila – mega Manila – ito iyong kritikal na rehiyon, bumabagsak ang rating ng Presidente. Pero dito mataas pa rin ang rating ng Presidente, sa Metro Manila at sa mega Manila?

SEC. ANDANAR:                            Meron kasing tinatawag diyan na parang peak, pinag-aralan natin lahat iyan eh, lahat ng Presidente mula kay FVR hanggang—mula kay Cory hanggang ngayon. Mataas iyang survey sa simula, first six months. Tapos the next crucial months will be the next six months. So mula ngayon hanggang Hunyo. Tapos pa crucial ng pa-crucial iyan eh. Tapos isang Presidente lang sa history ng Pilipinas mula nung kay Tita Cory ang nalagpasan itong pagbagsak ng kanyang popularidad. So six months popular ka, nakadikit ka lang diyan, tapos on the next six months – in the six months – one year and a half, nalagpasan iyong pagbagsak. Alam mo kung sino iyon? Si FVR.

ALIGORA:                                          Si FVR lang.

SEC. ANDANAR:                            Si FVR lang. Kasi nakita naman natin kung ano ang ginawa ni FVR nung panahon niya. And very similar ang ginagawa ni FVR at ginagawa ni Pangulong Duterte. Pero as far as history is concerned, si Presidente Duterte ang pinakamataas na survey for the first six months, acceptance rating—

ALIGORA:                                          At sana the next six months ay ganoon pa rin.

SEC. ANDANAR:                            Ako, I am very confident na we will maintain the high rating of Presidente Duterte. Dahil nga bukod sa Pangulo – na talaga namang kita mong magtrabaho, eh kahit Pasko nagtatrabaho pa rin, kahit na a-biente kuatro. Kahit na eve of Christmas eh binibisita ang mga kapus-palad na cancer patients. Saan ka nakakita ng Presidenteng ganyan, wala kang makitang—

ALIGORA:                                          Diyan lumalabas eh. Well, maganda nga iyong ginagawa ng Presidente, diyan din lalabas. Hindi naman sa kaharap kita. Diyan din lalabas ang role ninyo sa PCOO kasi kung paano ninyo naipapaliwanag sa mga tao iyong ginagawa ng Presidente.

SEC. ANDANAR:                            Well, kasama sa trabaho natin yan, Ely, kaya tayo nandito. At  ang buong Gabinete naman ay working Cabinet, nagtatrabaho talaga lahat. So kami ang  challenge naming ay mapanatili iyong mataas na rating ng Pangulo, kung hindi  i-angat  pa at maipakita sa taumbayan na itong pagkakataong ito, this is it. Nung sinabi ni Presidente siya ang huling baraha ng Pilipino, na we will make sure na iyong baraha na hawak-hawak ni Pangulo ay mapinta ng maayos para talagang sigurado tayong makaka-ahon sa anumang kahirapan at once and for all ang Pilipino ay maging isang sikat na tao sa buong mundo, sa buong rehiyon. Ang Pilipinas ay maging tiger economy at maka-ahon sa kahirapan at masasabi natin na ang sarap maging Pilipino.

ALIGORA:                                          So, iyong mga pangarap ng ating Presidente, check ng check pa rin iyong kung anu-ano iyong mga pinangako niya.

SEC. ANDANAR:                            Oo. Alam mo ang problema lang naman, Ely, hindi…alam mo hindi nga tayo nabigyan ng honeymoon period eh. Hindi ba, six months honeymoon period? Hindi nabigyan ng—kaya iyon nga ang New Year’s resolution ko. Ang New Year’s wish ko pala. Ang New Year’s wish ko ay sana man lang kung hindi kami nabigyan ng honeymoon period, mula nung Enero hanggang Disyembre. Kung hindi ninyo kami binigyan nito, sana naman eh, bigyan ninyo kami ng—ibigay n’yo na lang iyong  Enero hanggang Hunyo.

ALIGORA:                                          Aba, mas maganda iyon. So sa kabuuan, ano ba iyong mga pangarap ng ating Presidente at ng inyong tanggapan para sa atin?

SEC. ANDANAR:                            Siguro na lang ganito. This year, naka-focus pa rin tayo sa war against illegal drugs, pero sasamahan na po natin iyan ng infrastructure. Kasi trillion po iyon po iyong naka-earmark sa ating infrastructure, iyon po ay isa sa pinakamalaking budget… o doon sa 3.3 trillion pesos na budget.

ALIGORA:                                          Sa mga hindi nakakaintindi. Kapag sinabing samahan na lang natin ng infrastructure. Ano ang ibig niyang sabihin doon?

SEC. ANDANAR:                            Pagpapagawa ng mga kalye, pagpapagawa ng mga tren, pagpapagawa ng bridge, mga building ng DepEd. Lahat iyong pag-construct, pag-construct ng mga—because once na pumasok iyong infrastructure spending ng gobyenro ay makakalikha ito ng trabaho. Kung may trabaho, nagiging inclusive growth. Kapag sinabing inclusive growth mga kapatid ang ibig sabihin po nito ay hindi lang po iyong mga mayayaman ang yumayaman, kung hindi pati iyong mahihirap nabibigyan po ng trabaho.

ALIGORA:                                          Kumakalat.

SEC. ANDANAR:                            Kumakalat iyong biyaya. Hindi lang doon sa mga nag-i-invest sa stock market na naman, tapos gustong i-withdraw iyong pera; ito po ay perang ginagastos ng gobyerno para makalikha ng trabaho at gaganda rin iyong imprastruktura—

ALIGORA:                                          Mababawasan iyong unemployed eh.

SEC. ANDANAR:                            At isama na natin diyan iyong mga pangako, iyong mga investments, na nakalap ng ating Pangulo sa kanyang pagbiyahe sa iba’t-ibang bansa noong 2016, last year po iyon.

ALIGORA:                                          Nabanggit ninyo iyong investment. Tumaas ba iyong mga nag-i-invest dito sa Pilipinas?

SEC. ANDANAR:                            Iyong mga nakalap na investment ng ating Pangulo, iyong mga pangako sa kanya ng China, Japan, asahan po natin na papasok ngayong taon na ito. At malalaman natin iyan by the second quarter of this year sa mga datos ng Finance department.

ALIGORA:                                          I am sure may magre-react diyan. Eh bakit, sabi niya, eh bakit iyong peso natin tuloy-tuloy sa pagbagsak?

SEC. ANDANAR:                            Ang pagbagsak naman po ng piso ay hindi po kasalanan ng Pilipino, ng gobyerno. Ito po ay ng dahil sa mga nangyayari doon sa United States of America, iyong pagtaas ng mga interest rates ng Federal Reserve. Ibig sabihin pag tumaas ang interest rate sa America, iyong mga investor pupunta sa Amerika, ilalagay iyong pera doon, alam nila iyong pera nila imbes na—halimbawa eh, 10% iyong interest, doon 20%, parang ganoong. Nagtataas sila ng…iyong Federal Reserve, itinaas nila iyong kanilang interest rates para makahikayat sila ng mga negosyante. Natural iyong mga negosyante, mula sa Pilipinas, mula sa Hong Kong, mula sa China, mula sa Singapore ay maglilipatan. Mga negosyante ito eh, pera ang nasa ulo nito eh. Ito iyong talagang objective nila. So ang pagbagsak po ng halaga ng piso ay hindi lang ho tayo nag-iisa, buong rehiyon bumagsak ang kanilang pera dahil sa pag galaw ng Estados Unidos, dahil nga meron silang bagong presidente, si Presidente-elect Donald Trump na nangako na dodoblehin din ang kanilang  spending internally sa America para makalikha ng trabaho doon. So ganoon lang iyon.

ALIGORA:                                          Ano ang tyansa ng magandang samahan between the Philippines and US?

SEC. ANDANAR:                            Well, nakita natin sa interview, sa interview tuloy—sa pag-uusap ni Presidente Digong at President-elect Donald Trump na maganda po iyong paninimula ng kanilang pag-uusap at in-invite po si President Digong ni President-elect Donald Trump na bumisita po sa kanila sa America, sa Washington, D.C., sa New York; at ganundin po, in-invite din po ng Pangulo natin si Donald Trump para bumisita po dito sa Pilipinas sa ASEAN ngayong November. So sinabi rin po si Donald Trump na…President-elect Donald Trump na naniniwala siya sa laban ng ating Pangulo, giyera laban sa illegal na droga. Kaya maganda po.

At iyong bagong ambassador po natin ay nirerespeto ang ating Pangulo at nirerespeto din po ng ating Pangulo iyong bagong US Ambassador na si Ambassador Sung Kim.

ALIGORA:                                          So bago ninyo kami iwanan. Merong pahabol dito. Ito eh, ano raw ang tiyansa ng kanilang increase sa SSS?

SEC. ANDANAR:                            Itong sa SSS naman. Alam natin na ito ay pinag-uusapan po ito sa Kongreso ay gustong ipasa itong P2,000 na—actually hindi na ito sa Kongreso na pinapasa ito, ito lamang ay pinapasa na sa Ehekutibo. Pero iyong ating mga Finance Managers sa pangunguna po ni Finance Secretary Dominguez, si DBM Secretary  Diokno at si NEDA Secretary Pernia ay pinag-aaralan na ng husto iyong viability. Kasi iyong SSS, it’s a private fund. So wag po kayong mag-alala, dahil ang SSS mismo… ay nangako naman ang SSS mismo sa pangunguna po ni Chairman Amado Valdez na kaya ang isang libo. Tapos of course, iyong para i-increase ng P2,000, pag-aaralan pa ito ng mga eksperto, na para hindi malugi iyong SSS.

ALIGORA:                                          Okay. So palagay ko nai-tanong na natin. So, maraming-maraming salamat Secretary. Mga huling pananalita mula sa inyo, Secretary.

SEC. ANDANAR:                            Maraming salamat sa panahon po na kayo ay …na tayo po ay napagbigyan ninyo ng pagkakataon para magpaliwanag at para po ihatid sa publiko ang ating programa sa gobyerno. Maraming salamat, Ely, sa pagkakataong ito. This is really an honor and I really appreciate this at sa lahat po ng nakikinig ng DWIZ ay mabuhay po kayo at maraming salamat at sana ay hindi po ito iyong  huling pagkakataon na tayo ay mag-usap dito sa loob ng studio. 

ALIGORA:                                          Yes, naman.

SEC. ANDANAR:                            Kasi alam mo nami-miss ko rin iyong—alam mo tuwing nasa loob ako ng studio, Ely—

ALIGORA:                                          Mga ganitong oras ka din, di b a.

SEC. ANDANAR:                            Oo ganito rin sa radyo. Alam mo para sa akin—dito talaga ako unang nagtrabaho sa radio, eh 17 anyos po ako. Kaya every time na nasa loob ako ng radio station—

ALIGORA:                                          Matagal na iyon, 17 anyos ka pa lang.

SEC. ANDANAR:                            Oo matagal na iyon, mga ten years ago. (laugh)

ALIGORA:                                          Pagbigyan na natin.

SEC. ANDANAR:                            Mabuhay po kayo. Mabuhay po ang himpalan na ito at good morning po.

ALIGORA:                                          Kami naman, Secretary—Well, lagi naming sinasabi na kahit hindi pa kayo nagpupunta dito, na kung anuman iyong magandang layunin ng ating pamahalaan, layunin ni President Digong at ng kanyang administrasyon, lagi hong sumusuporta ang DWIZ at ang Aliw Broadcasting Corporation at makaka-asa kayo na ang aming tulong at ang aming ayuda kung kinakailangan ng ating pamahalaan.

SEC. ANDANAR:                            Maraming salamat po at sana kahit na once a month mangyari po ito.

ALIGORA:                                          Yes, yes.

SEC. ANDANAR:                            Dadalaw ako dito, iikutin natin lahat ng himpilan.

ALIGORA:                                          Correct.

SEC. ANDANAR:                            Para hindi ko masyadong ma-miss iyong trabaho ko.

ALIGORA:                                          Ganyan ka-aktibo ang ating PCOO Secretary. Hindi na ba ginagamit ang Press Secretary, PCOO Secretary.

SEC. ANDANAR:                            Thank you at nabanggit mo iyan. Dahil kausap ko si Executive Secretary Medialdea at sabi ko nga sa kanya, “Boss, kailangan nating ibalik iyong Office of the Press Secretary.”

ALIGORA:                                          Yes, pag narinig Press Secretary, iyon na iyon.

SEC. ANDANAR:                            Ngayon kasi pag sinabi, halimbawa, nasa ibang bansa, ano iyong PCOO. Ano iyong Presidential Communication, kumusta ang internet doon, mabilis ba? Pero iyong Press Secretary. Ah okay sige.

ALIGORA:                                          Iyan, iyong mga ganoon. Ako nakakatanda, nasanay din ako sa Press Secretary, Press Secretary talaga eh. Kahit nagpupunta ka ng Malacanang, Office of the Press Secretary. Ngayon PCOO, ano iyon? Salamat Secretary.

SEC. ANDANAR:                            Salamat, Ely. Sana makabisita ka rin sa Malacanang at let me know kung pupunta ka doon.

ALIGORA:                                          Okay, sige thank you, Secretary. Salamat po.

##

source:  Transcription NIB