January 08, 2017 – Interview of Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar
Interview of Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar |
RMN-DZXL – Pimentel Reports by Nene Pimentel, Lourdes Escaro and Rod Marcelino |
08 January 2017 |
PIMENTEL: We’re very happy that nabigyan ninyo ng pagkakataon na sumali rito sa ating pag-uusap lalo na sa punto na itong taon na ito ang Pilipinas na pala ang magiging chair ng ASEAN.
SEC. ANDANAR: Opo, Senator Nene. Ito nga po iyong dahilan natin kaya nag-iikot tayo para maliwanagan at bigyan ng … para ma-eduka ang ating mga kababayan kung ano ang ibig sabihin ng ASEAN at kung gaano ito kahalaga sa buhay natin bilang mga Pilipino. Ang ASEAN po, alam naman natin, ay mayroong 630 million people in the ASEAN region at 2.5 trillion dollars worth of trading and business that happens every year. PIMENTEL: That’s very good, oo. So unang tanong ko: Ano ang pakay ng ating Pangulo tungkol rito sa ASEAN kung papaano mas uunlad ang ating bansa bilang miyembro ng sampung bansa na nasa ASEAN? Secretary Martin, please go ahead, Secretary. SECRETARY ANDANAR: Okay, Senator Nene, ang ating theme for this year as chairman of the ASEAN 2017, 50th anniversary, ito pong priorities natin ay people-oriented and people-centered initiatives. Halimbawa, iyong pagpapaganda ng health services ng ating bansa para sa mga kababaihan, para sa mga senior citizens. Ganoon din po iyong mga health centers na pagagandahin natin. Isa rin po ay iyong peace and stability, dahil alam natin na napakahalaga ng isang peaceful nation, stable nation. In this era, marami pong mga terorista na umiral sa ating international waters, international air, international sea. Lahat po ito ay kailangan mapag-usapan iyong peace and stability para masiguro natin na safe ang ating lugar, lalo na ASEAN, 630 million people. At nandyan din po iyong maritime security and cooperation dahil never in our history has the Philippines becomes so important geographically dahil nga tayo ay napapagitna at dadaanan talaga tayo ng komersyo, ng trade, na dumadaan mula sa ibang bansa papuntang China, kaya nga mayroon tayong mga isyu diyan sa West Philippine Sea. Pero iyon ay isasantabi muna dahil ang pag-uusapan ay kung papaano tayo makikinabang dito sa trade and commerce na mangyayari sa ASEAN. At pag-uusapan din po iyong inclusive and innovation-led growth. Ito po iyong tutulungan natin ang ating mga entrepreneurs o iyong mga employees to become entrepreneurs. And iyong entrepreneurs po naman, iyong mga negosyante na, para sila ay makapagnegosyo nang mas maayos, mas mabilis within the ASEAN region because of the huge market na puwede ngang pagbentahan ng mga goods and services na mula sa ating bansa. Ganoon din po sa ibang bansa papuntang Pilipinas. MARCELINO: Kasama na diyan iyong mga maliliit na negosyo, Secretary? SEC. ANDANAR: Oo, maganda, maganda— ESCARO: Negosyante. MARCELINO: Small, oo. PIMENTEL: Gusto kong bigyan diin na napakaganda po iyong basis ng development na tinitingnan ninyo – people-oriented, sinabi mo kanina. SEC. ANDANAR: Opo, people-oriented. PIMENTEL: You know, very important po iyon. Itong promotion ng trade and commerce and other kinds of relationship sa loob ng ASEAN, hindi lang ito para sa kaunlaran ng iilang mga tao kung hindi para sa mga Pilipino at, of course, sa kapwa natin mga taga-ASEAN. Sampu ang mga ASEAN countries natin. And so, si Secretary Andanar is on the right track. Napakaganda po ng kaniyang pangungusap, so please continue, Secretary. SEC. ANDANAR: Yes, Senator Nene bukod doon sa inclusive, innovative-led growth na sinasama natin ang ating mga empleyado, ating mga negosyante para mas madaling magnegosyo sa ibang bansa at para mas umasenso din naman ang ating mga ordinaryong Pilipino. Nandiyan din po iyong ASEAN resiliency. Anong ibig sabihin nito? Iyong mabilis na pagbangon natin sa mga sakuna, sa mga bagyo. Alam naman natin, Senator, na very unpredictable ang ating weather. ESCARO: At lagi tayong dinadalaw. SEC. ANDANAR: Oo, lagi tayong dinadalaw ng … kumbaga, tayo ang path ng bagyo. So iyong exchange of information within the ASEAN – sampung mga bansa na miyembro nito – ay napakahalaga. At siguro masasabi ko na rin Senator Nene, na ang mahalaga rin dito iyong ASEAN at saka East Asia. Kasi iyong Japan po naman ay isa sa mga … pinaka-high tech pagdating sa disaster management ang Japan. Kaya doon papasok pati America. PIMENTEL: Very good. Ang importante rito, of course… okay, we are trying to develop ASEAN among ourselves, etc, but we are not saying na iyong ating mga kaibigan ng dati that we are excluding them. At saka, hindi rin natin sinasabi na iyong mga bago na gusto nating kaibiganin should also be excluded. As a matter of fact, diyan sa West Philippine Sea, mabanggit ko na rin, isa iyan sa importante talaga na magiging free passage, safe passage ang mga — anong pangalan nito – vessels for development purposes, hindi lang para sa giyera. Otherwise talagang iyong ibang mga bansa, ‘oh bakit naman excluded kami diyan.’ So anyway, with the thrust na ngayon ng Pilipinas ay magiging chair ng ASEAN, ano pa ang ibang mga gustong gawin sa ating gobyerno diyan, Secretary Andanar? SEC. ANDANAR: Ang maganda kasi dito, Senator Nene, ay ang maintidihan ng buong sambayanan ang importansya ng regionalism, itong ASEAN regionalism. Dahil alam natin kapag pinagsama-sama natin ang ating populasyon ay umaabot ng 600 million people. At kapag 630 million people andito sa loob ng ASEAN ay we are suddenly given a very good bargaining chip, bargaining power, negotiating power pagdating sa ating trading with other countries. It could be economic, military or just about anything under the sun na puwede nating ipagyabang sa buong mundo na ganito tayo kalaki, na ganito ka-united. Na kung kausap natin ang Amerika, kausap natin Europa or China ay mayroon tayong voice. Ngayon, ang mahalaga po rito, Senator Nene, ay malaman ng taumbayan na—alam ninyo ba na sa datos ay lumalabas na 23 to 24% ng buong populasyon ng ASEAN ang nakakaintindi talaga ng ASEAN. ESCARO: Twenty-three percent. SEC. ANDANAR: Yes. 23, 24%. So kung sa Pilipinas iyan, 100 million tayo, nasa 23 o 24 million lang ang nakakaintindi talaga ng ASEAN, iyong basic information; and the rest, hindi alam kung ano ang ASEAN. ESCARO: Basta ASEAN lang, mga bansa lang. MARCELINO: Karamihan iyong malalaking negosyante pa ang nakakaintindi. SEC. ANDANAR: Kaya Rod and Lourdes, as well as Senator Nene, ang isa sa mga pakay ng PCOO ay para lumabas at magkaroon ng media blitz, kausapin kababayan doon sa radyo, sa TV or sa mga purok-purok level para maintindihan po na at least kahit papaano man lang after 11 months ay more than 50% na ang nakakaintindi kung ano iyong ASEAN. Kasi mahalaga po talaga na maintindihan din kung ano iyong mga advantages na puwede nating makuha from the ASEAN integration. Halimbawa na lamang, kung kayo po ay OFW, mayroon kayong anak na nag-aaral dito sa Pilipinas at gusto ring maging OFW, kung titingnan ninyo iyong mga paaralan na pinapasukan ng mga anak ninyo, mayroon pong mga paaralan doon na miyembro ng ASEAN education circle. Which means iyong diploma po na makukuha ng mga anak ninyo sa Pilipinas ay kikilalanin doon sa ibang bansa. ESCARO: Puwede doon. Eh kung cross student—iyong cross student, pinapayagan din po ba? SEC. ANDANAR: Puwede rin po, puwede naman iyong cross students. So maraming mga opportunities para sa ating mga Pilipino, kung alam lang natin. So it is our thrust, Senator Nene, na ganoon din, mag-ikot sa buong Pilipinas, road show para maintidihan ng mga Pilipino kung ano talaga iyong ASEAN at ano ang magandang maidudulot nito sa buhay natin. PIMENTEL: Secretary, I hope you don’t mind, pero gusto kong i-suggest na isali na ninyo ang local government units diyan para ikalat iyong sistema. Ano ba … tama po kayo. Biro mo, maraming mga implications ang our membership with ASEAN and now that we are chairman of ASEAN for 2017, ang laki ng implikasyon niyan para sa kaunlaran ng bansa. At therefore sana maisali na rin siguro sa local government iyan. Kayo diyan sa mga barangay dapat mayroon din kayong mga forums diyan para maintindihan tulad ng sinabi ni Secretary Andanar, only …ilan? Twenty-four. ESCARO: Twenty-three to 24. PIMENTEL: Maituturing mo na nakakaintindi ano ang mga puno’t-dulo ng ASEAN na ito. SEC. ANDANAR: Oo, halimbawa na lamang ha, alam ninyo ba na maraming mga doctor sa PIlipinas ang puwedeng magpraktis ng kanilang medicine sa Singapore. Iyong mga ganiyang— ESCARO: Wala ng examination requirement? SEC. ANDANAR: Wala ng examination. Marami ding lawyers sa Pilipinas na nagiging abogado rin doon sa ibang bansa. Kinikilala nila ang edukasyon natin doon sa Singapore. PIMENTEL: Magaling. Diyan mo makikita iyong mga thrust nila President Digong and the Executive. I mean, ilang lenguahe na maintindihan ng mga kababayan thru the efforts of Secretary Andanar, malaki pong bagay iyan. At sana naman dito sa mga isyu na ito, tulad niyan, sinabi mo mga doctor, totoo iyan. Karamihan hindi nila naiintidihan na, uy puwede pala, isa pala sa bahagi ng ASEAN agreements yun. At a professional…pati siguro mga maestro, Secretary? SEC. ANDANAR: Oo. Appeal ng mga maestro they can…their universities in the Philippines ma-register na doon sa ASEAN Education Circle na talagang accredited sila. At ganoong din doon sa ibang bansa and it is very good to ASEAN Integration, Senator Nene, at para sa mga kababayan natin dahil this is really a perfect time for cross-cultural exchanges, mga mula sa iba’t-ibang ASEAN countries. At alam naman natin na dito sa ASEAN marami talaga tayong matututunan sa mga bansang Singapore…yung mga nauna na, like Thailand or itong mga bansang ito, tapos marami din tayong pagkakaparehas like sa Indonesia. So this is going to be an exciting ASEAN 2017, 50th anniversary. At ito ay malaking oportunidad para sa atin din, as Filipinos, to show the best of the Philippines. Kaya sabi ko nga, hindi naman ito kaya ng gobyerno lang. Ang kailangan talaga ay iyong kooperasyon ng lahat ng mga mamamayang Pilipino na ipakita natin kung gaano tayo ka-disiplinado, na iyong mga report na seven percent iyong growth rate natin – napakabilis nito, second highest in Asia – ay talagang makikita nila na in the physical world na ang mga Pilipino pala talaga ay disiplinado, marunong sumunod sa batas, hindi pala iyong mga nirereport dati. Bago na pala talaga ngayon under President Duterte, talagang meron ng respect for the rule of law. At iyon naman nag importante para sa mga investors din. So, this is really a collective effort, hindi lang ang gobyerno na, okay pagandahin natin iyong CPP, iyong Cultural Center of the Philippines, maganda ang mga paligid niyan, iyong mga hotel, etc. Pero hindi mo maiiwasan na iyong mga media din na kasama dito ay lalabas, they will explore outside that safe zone na puwedeng ikutan ng mga delegado. They will go to Caloocan, they will go to Quezon City. And if we all unite and cooperative government, maganda iyong maipapakita nating perception para sa mga dayuhang mga bisita. PIMENTEL: At saka, Rod and Lourdes, itong ginagawa ni Secretary Andanar napakahalaga. Dahil sa kung minsan, ilang taon na tayo diyan sa ASEAN, okay at after several years chairman na naman tayo. In a number of instances, parang napupuna ko, walang nagbibigay… iyon bang underscoring na itong ASEAN na ito ang laki ang pakinabang para sa mga Pilipino. Hindi lang ito, you know, a regional agreement para sa protection against aggression by other countries. Economic development na kung minsan without understanding, without… you know, parang hindi tinutulak ng administrasyon ang mga kaayusan na matikman ng mga Pilipino because of ASEAN. Nakakalimutan na nangyari eh. Kagaya nito ngayon, for example, ang daming mga punto na binigyang diin ni Secretary Andanar. Sa mga professionals natin at ang mga bagay na iyon ay usually nakakalimutan lang iyon at iilan lang na mga malalaking pamosong professionals for example would know. Dito sa Pilipinas, ang maganda rito sa ginagawa ni Secretary Andanar pinapaliwanag niya sa taumbayan na hindi lang ito para sa mga malalaking mga tao sa Pilipinas, para ito sa mga ordinaryong mamamayan. Pero iyong mga bagay na, Rod and Lourdes, hindi naman natin maintindihan ‘yon kung walang mag-explain. SEC. ANDANAR: Iyon nga Senator Nene kasi nung una tayong naupo dito sa Presidential Communications Operations Office, Rod and Lourdes, ay nalaman natin na—alam n’yo ba kung magkano iyong budget ng communications para sa ASEAN? Q: Magkano? SEC. ANDANAR: Nasa 1.9 billion pesos. So sabi ko, sabi nila ganito rin iyong budget for APEC noon. Kaya sabi ko bakit hindi masyadong naipaliwanag noon sa mga kapos, sa mga kapos-palad, sa mga mga mahihirap nating kababayan, kung ano ang ibig sabihin ng APEC. Yung parang, ano ba ito dadaan lang iyong event at para lang sa mga mayayaman at mga nakakaintindi, ito iyong event na ito? Saan mapupunta iyong communications budget? It is precisely the responsibility of government and PCOO na maitawid po iyong komunikasyon, government policy, sa mga mahihirap. And this includes the ASEAN Summit 20017, because it’s a huge opportunity for us to showcase the best that we have around the world, around the ASEAN and it’s also a huge opportunity for us to reach out to our citizenry, lalo na sa Barangay, sa mga purok, maintindihan nila, so they know kung ano iyong mga opportunities that lie ahead of them. Hindi lang yung ito, dadaan iyong ASEAN. Okay dito sa Metro Manila mangyayari iyan, April. Tapos sa August, tapos sa November ulit mangyayari ulit, eh iyon na yun, tapos na. So ang ating ano nito ay maintindihan talaga ng taumbayan. Q: Hindi alam nung mga taga-Barangay. Ano ba ang iniwan, ano ba ang naidulot nito, ano ang pakinabang? SEC. ANDANAR: So iyon dapat ang malaman ng mga kababayan natin. That is why we are very aggressive now na ihayag ang mga objectives nitong ASEAN na ito, hindi lang sa radio at TV ha. Meron din kami, Senator Nene, meron kaming mga comics, tapos Tagalog, Bisaya para maintindihan talaga ng mga kababayan natin. LOURDES: Iba-ibang lenguwahe. ROD: Ang nangyayari, kasi kulang sa impormasyon, hindi naipaparating iyong benepisyo, iyong resulta nga hanggang doon sa pinakamababang antas ng tao. Kaya ang naiiwan sa isip yung negative effect, iyong resulta – trapik, tapos madami tayong bisita, gumastos ang gobyerno ng napakalaki. SEC. ANDANAR: So ngayon mahalaga ang sinabi ni Senator Nene, iyong mungkahi ni Senator Nene na tayo ay makipagtulungan sa DILG at sa local government units para mas mabilis ang pag-disseminate ng information. Kaya Senator Nene asahan ninyo yung doon sa Gabinete kakausapin ko kaagad si DILG Secretary Sueno. PIMENTEL: Oo, saka yung punto mo na pati iyong mga pinapasukan ninyo, iyong mga comic books. You know, Secretary Andanar, a lot of our people mas madali nilang maintindihan kung ano ang pakay mo pag may mga drawing drawing…comic strips for example simply put… in other words, hindi complicated ang mga explanation. And therefore, ako’y palong-palo doon sa mga punto mo at lalo na iyong, mukhang nabanggit mo ata kanina, bakit ganyan na lang ang budget or kuwan para dito sa bagay na ito. Which should really be taking into account paano mo nga i-promote iyan kung baga alanganin ang gobyerno in the matter of funding that kind of activity. So mabuti… so uulitin ko, Lourdes and Secretary Andanar, na ang administrasyon ito, nakita nila ang importansya ng ASEAN. At napaka-impoirtante sapagkat sino baga ang unang tutulong sa inyo kung hindi ang inyong mga kapitbahay. Sabi nga nung unang mga panahon, may napulot ako sa mga salita ng mga pamosong mga Intsik na sinasabi, “a good neighbor is better than a long lost brother.” That’s gorgeous, kapatid mo nga pero hindi mo na nakikita for a long, long time, pasukan mo na lang iyong kapitbahay mo. Now talking about visions ang kapitbahay natin na madikit sa atin ay iyong kasama natin sa ASEAN. So napakaimportante palagay ko itong mga explanation ni Secretary Andanar na dito sa ASEAN number one, dapat maintindihan natin na 630 million people ang sangkot dito. Terible, ang laki noon. It in terms of consumption, in other words iyong mga produkto na ma-consume nitong mga taong ito lalo na kung maging aggressive na ang ating you might say agricultural at saka economic activities, palagay ko makakatulong talaga sa Pilipinas itong bagay na ito. SEC. ANDANAR: In fact Senator Nene, Rod and Lourdes, kung titignan iyong ating movement to federalism. We know that one of our neighboring Malaysia is a Federal government din. And sinabi nga nila, Senator Nene, that they are also willing to sponsor scholars from the Philippines to study the federalism in Malaysia. PIMENTEL: This is a very good that at least nakita ninyo iyong broad outlook ni Secretary Andanar, hindi lang doon sa mga economic development, even in intellectual development. Napakalaking bagay palagay ko. At sana naman maipagpatuloy talaga iyan in a formality, formal agreements with—hindi naman siguro kailangan iyon. Pero ibig kong sabihin mabigyang-diin, sapagkat ang totoo niyan itong ASEAN na ito sa kadaming mga internal agreements na dumaan na in the past, kung minsan nakakalimutan na nandiyan naman pala iyan. At doon sa punto ni Secretary Andanar, kung hindi ako nagkakamali, about Malaysian being a federal state. Iyon na nga ang sinasabi ko kung minsan na may nagtatanong na mga kababayan natin, ‘kaya ba nating gawin, sir, federalismo ang Pilipinas?’ At of course ang sagot ko, ‘bakit ang mga Malaysians mas magaling kaysa sa atin?’ Palagay ko hindi naman in that respect. At now, lalo na si Secretary Andanar, gusto kong marinig mo mismo sa bunganga ko na, for the first time in history of this country, meron tayong Presidente who is espouse federalism as a platform when he was a candidate. At ngayon at Presidente na siya, tinutulak ang federalismo na isang porma o sistema ng gobyerno na makapagbigay ng kaunlaran…mas mabilis ang kaunlaran sa ating bansa. Hindi naman ibig sabihin na kung mag-federal republic po tayo, ayaw na natin ng ASEAN, hindi po. As Secretary Andanar pointed out, ang Malaysia ay nanatili namang parte ng ASEAN, federal state naman ang Malaysia. So, Secretary tungkol diyan sa federalism, meron lang akong narinig na, ewan ko sinusulong na yata ni Presidente Digong talaga ito, and hopefully in due time madama na natin iyon, because sa tingin ko lang, Secretay Andanar, si President Digong napakataas ang kanyang rating, approval ratings sa mga tao, hanggang ngayon. Nabasa ko nga 81%, masyadong malaki iyon, masyadong mataas. Pero we are only human beings at now, that he is at the height of his…popular support kung gusto mong sabihin, palagay ko, it’s better na maisulong na talaga ang federalism0, sapagkat si President Digong tao lamang din ano. He is only a human being, therefore ang popularity rating ni President Digong, in all honesty, prangka itong pagkasabi, I don’t expect him last his term pero at least in the first half, three years of his incumbency, at least talaga namang malakas ang dating niya sa taumbayan at itong kanyang espousal of the federal system can really come about because of that connection that he has with the people, he is being appreciated and supported. Kaya Secretary Andanar – ewan ko kung puwede mong sabihin – wag naman niya sabihin na kapag ma-approve ang federalism, mag-resign na siya, masyadong kuwan siya eh…he is very careful, na ayaw niya tignan ng mga tuambayan na “uy gustong-gusto mo itong kapangyarihan. Ayaw bitiwan ito.” Inuunahan na niya ang taumbayan pag approve ang federalismo aalis na ako. Pero please, ako naman ay hindi gaanong sold on that issue. Kung maari mananatili pa rin siya para maipakita na niya na, ‘o iyan, uubra pala ang federalismo para sa kaunlaran sa taumbayan. Secretary, ano masabi mo doon? SEC. ANDANAR: Sa palagay ko naman, Senator Nene, ay very humble at modest ang ating Pangulo. At sinasabi niya kung ano ang nasa kanyang puso ng hindi naman talaga hayok sa poder; ang sa kanya ay serbisyo lamang. Ang misyon lamang niya ay maitulak itong federalism sa bansa natin. Pero ako ay nakakasiguro din na kapag ito ay naging talagang… kasama na sa ating Saligang Batas, tayo ay federal state na ay hindi naman papayag ang mga kababayan natin na mag-exit na lang si Pangulong Duterte dahil may federalism. And I am not so certain doon sa porma ng federalism na inyong tinutulak, Senator Nene, but I understand na nabanggit mo na meron pa ring Presidente, apart from the Prime Minister. PIMENTEL: All kind of models are possible. SEC. ANDANAR: So ibig sabihin nito, kung meron tayong Prime Minister na siyang mangangasiwa…doon sa Kongreso, under the Federal state ay meron pa ring titular Presidente, parang doon sa France ata iyon. Sa France ba iyong French model na merong Presidente pa rin. Kasi ang alam ko sa—ang dito naman sa UK kasi although parliamentary, ang kanilang head nila, pinaka-head nila iyong Queen. LOURDES: The Royal Family. SEC. ANDANAR: Oo. The Royal Family. LOURDES: Pero iyong explanation kasi ni Pangulong Duterte, akala niya wala talagang Presidente. Kaya lagi niyang sinasabi, pag natuloy ito, bababa na ako sa puwesto. PIMENTEL: Lourdes saka Rod at Secretary. Alam n’yo, alam ko iyong puso si President Digong. Ang gusto niyang malaman ng taumbayan, hindi ako kapit-tuko sa kapangyarihan. As a matter of fact, he is always joking na kung kunin ako ng Panginoon, bahala po siya. Ganoon. Reading-ready siya na bitiwan na ang lahat ng powers to show people of his things na you have a President na ang kanyang tinitignan ay kaunlaran ng bansa, hindi po pang-personal. At alam mo, Secretary Martin. Gulat na gulat ako doon sa nangyari sa dalawang appointees niya na kasama sa kanyang fraternity, wala siyang pakialam. Nakita niya na hindi maganda, merong mga bahid sa hindi magandang mga pangungusap, “out kayo and you answer for your mistake.” Ang ibang mga Pangulo diyan ay tatakpan iyon. Well, anyway, Secretary I think…please tell us more about ASEAN, as we wind up our program for the day. SEC. ANDANAR: Iyon po Senator Nene, Rod at Lourdes, at mga kababayan natin na nakikinig po sa RMN, mga kasama ko o dati kong kasama, dahil matagal din po akong nag-RMN— LOURDES: Galing RMN si Secretary. Sabi ko kanina welcome back sa inyong dating kaharian. SEC. ANDANAR: Alam n’yo ba, Lourdes, ako ang unang nag-newscast dito sa booth na ito. LOURDES: Nandidito na ito noon, ngayon nandito pa din. SEC. ANDANAR: Ako iyong unang nag-newscast kasi ang programa ko alas-kuwatro ng madaling araw. So siyempre nung nag-on air—but anyway, iyon ang mga ano natin dito, ating history at tayo naman ay natutuwa nakabalik tayo dito. Ganito po sa January 15 ang kick off ng ASEAN 2017. Ito po iyong kick off natin sa Davao. So magsisimula po iyong mga activities on January 15, launching po iyan, doon sa Davao City. Tapos magkakaroon po ng series of ministerial meetings, more than 100 all over the nation. Tapos by April po, Senator Nene, ay magkakaroon nung first summit na kasama iyong mga ministers, iyong mga ministers ng iba’t-ibang ASEAN countries. And then sa August ito naman po iyong heads of states ng iba’t-ibang bansa, iyong sampo. Tapos sa November iyong final na summit talaga, ito naman iyong mga heads of state ng ASEAN plus iyong East Asia. So kasama iyong China, Japan, Amerika, Russia, kasama iyong Australia. So mas marami, mas talagang inclusive na sa buong mundo iyong sa Nobyembre. It’s going to be a very, very exciting year for the Philippines as chairman, kaya tayo we put our best foot forward at tayong mga Pilipino ang panawagan natin na tayo po ay tulungan natin ang gobyerno para i-show them. Pumunta kayo sa aming Facebook page, Presidential Communications at i-share ninyo iyong mga video about ASEAN. Alam Senator Nene, tayo naman ay hindi tayo gastos ng gastos lang, kung bibigyan tayo ng pondo ng gobyerno. Tayo ay for example, iyong mga video ay in-house iyong gawa natin, sa loob mismo ng Presidential Communications para mas marami tayong magawa, mas marami tayong proyekto, hindi lang on air, hindi lang online, hindi lang, pati on ground. On ground din, yung talagang pupuntahan natin iyong mga bayan-bayan. Kaya tayo ay magtulungan po. Let’s show the best of what we can to all of our neighboring countries para maganda iyong perception nila pagbalik nila sa kanilang bansa. PIMENTEL: Lourdes at saka Rod, nakikita ninyo katibayan ng pananaw ng gobyerno, which Secretary Andanar is articulating on behalf of the administration. Sapagka’t dapat naman mayroong credible na magsalita para sa administrasyon, at bilang taga-Cagayan de Oro kargo ko na sabihin na si Secretary Andanar ay talaga naman napakagaling na spokesperson at alam niya iyong mga theoretical and philosophical background nitong ASEAN na ito, pati na iyong mga implikasyon sa buhay ng taumbayan. Very good combination and I think, Secretary Andanar, congratulations sa inyo and hopefully ay makita natin ang bunga nitong mga ginagawa po ninyo. Salamat po, Secretary Andanar. Thank you very much. SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Senator. Thank you, Lourdes. And salamat, Rod. MARCELINO: Daghang salamat, Secretary. ESCARO: Bago natin pakawalan si Secretary, I have some questions. MARCELINO: Sige, may pahabol ka pa siguro na tanong. ESCARO: Actually, iyong mga questions alam na, napag-uusapan na pero doon tayo sa hindi pa natatanong. Secretary, hindi ka ba nagsisisi? [Laughs] Alam ninyo, Sec., pinapanood ko kayo, actually totoo ito, every 6 p.m., bago iyong newscast ng [Channel] 5. So talagang sa newscast, sa Aksyon ako nakikinig, sa radio, kay Cheche Lazaro. Noong pinapanood ko kayo sa TV, sabi ko, sa lahat ng personality, ahead kayo eh. So ang daming nagtatanong, bakit nag-twist kayo na ang ganda ng reputation? Hindi ba kayo nagsisisi na—ang hirap ng trabaho ninyo kaya. SEC. ANDANAR: Hindi, Lourdes, ganito lang iyon ‘no, matagal na kasi akong naging ano … matagal na akong naging—noong una, tayo ay—mayroon tayong Australian residency. Noong una, noong mga 1994, nakakuha ako— ESCARO: Australian? SEC. ANDANAR: Australian residency lang, iyong permanent residency. Tapos noong tayo ay nakapag-aral sa Australia noong 1995 hanggang 1999, sabi ko— siyempre idealistic ka ‘di ba, gusto mo nang umuwi ng Pilipinas. Siguro sabi ko, darating din ang panahon na ang Pilipinas ay magiging tulad din ng Singapore o Hong Kong or Brunei. Iyon ang pangarap natin eh bilang Pilipino. So sabi ko, uuwi ako ng Pilipinas. Lahat ng mga kapatid ko, they opted to stay sa Australia at kunin nila iyong citizenship. Lahat sila. So ako lang naiwan dito at ako lang ang pinakamatigas ang ulo. So therefore, umuwi ako dito. And then come 2009, 1994 to 2009, sumulat sa akin iyong Australian Embassy. Sabi nila, ‘Mag-e-expire na iyong permanent residency mo. Ilang beses mo nang ni-renew. Ano ba ang desisyon mo? Gusto mo ba talagang tumira dito o …’ So nagdesisyon ako na … sabi ko may pag-asa pa talaga ang Pilipinas. Although noong time na iyon medyo ano eh, medyo, alam mo iyon, parang roller coaster tayo eh. So sabi ko, sige bahala na. I’ll stay in the Philippines. I give up my residency. So nag-stay ako dito nung 2009. Tapos ‘10, ‘11, ‘12, ‘13, ’14, siyempre medyo nawalan tayo ng pag-asa nang konti dahil sobrang … maraming riding-in-tandem, droga dito, droga doon, crimes, tapos corruption dito, corruption doon. So nagdasal ako, sabi ko, sana naman ang susunod na presidente ay iyong presidente na tulad ni Duterte – 2013 ito. So palagi kong ina-announce sa radyo, si Digong, iyon lang ang makaka-solve ng crime natin, disiplina, kasi ang mga Pilipino alam natin … bakit ang Pilipino kapag nasa Singapore, Japan, bakit napakamasunurin. Bakit sa atin, hindi. Ang sagot diyan bakit, kung bakit? Hindi sa kulang tayo sa disiplina; dahil masyadong weak ang ating rule of law. Walang pangil. Nobody obeys the law because no one implements it right down to the line… kung ma-i-implement talaga iyong batas. Hindi sa walang disiplina—may disiplina po ang Pilipino, wala lang nag-i-implement lang ng batas. So sabi ko— MARCELINO: Kumbaga, walang pumapalo sa puwet. SEC. ANDANAR: Walang nagdidisiplina. Kaya kung mayroon mang tao na marunong nito, na mayroon ng track record ay walang iba kung hindi si Digong kasi iyon ang ginawa niya sa Davao. ‘Di ba, the rest of the Philippines, halos walang displina; pagdating sa Davao, may disiplina ‘di ba. Kapag sa Subic, mayroon kasi ano iyon, sumusunod sa mga batas trapiko, etc. So anyway, 2016, tumakbo po si Presidente at naging Pangulo. Sabi ko—kaya nung inoperan ako ng trabaho sabi ko, eh siyempre andito na rin tayo at sinugal na rin natin iyong buhay natin dito sa ating Inang Bayan ‘no, siguro panahon na para to walk the talk, na hindi lang puro daldal sa radyo, puro komentaryo. So gawin na natin kung ano ang dapat, kaya tinanggap ko ang trabaho. Walang pagsisisi dahil ako ay naniniwala sa ating Pangulo. At kitang-kita naman sa anim na buwan na nakaraan na ang taumbayan, 83% according to Pulse Asia— ESCARO: The latest pa. Pinaka-latest na survey din. SEC. ANDANAR: Pinaka-latest. Very good pagdating sa SWS. So sabi ko, sa dami na repormang nagawa ng ating Pangulo, at as PCOO Secretary, isa rin sa mga tinulak ko na pagbabago at polisiya ay iyong signing of the Freedom of Information kaya tayo iyong lead agency. ESCARO: And iyong sa media killings. SEC. ANDANAR: Oo. Ito ha, siguro people just brushed it aside or some of our friends in the media, tandaan ninyo po, mayroong EO, mayroong AO. Mayroon iyong mga Memorandum Order, mahalaga iyong EO at saka AO ‘no. Sa EO, ang EO number ng Freedom of Information, EO # 2. Ano ang EO #1? EO #1 ay ito iyong pag-create ng Cabinet Secretary Evasco para mapatakbo ang gobyerno. So kailangan talaga iyon. Ang pinakasunod na EO ay Freedom of Information. So ibig sabihin, isa sa pinaka-importante para sa ating Pangulo iyong mabigyan ng pangil iyong ating Constitution ng 1987 na Right to Information. Alam mo kung anong AO, Administrative Order iyong Task Force on Media Security? AO #1. So ito iyong unang pinirmahan na AO ni Presidente sa kaniyang termino bilang Pangulo. Ganoon kahalaga ang buhay ng media, ang press freedom, ang freedom of expression para sa ating Pangulo. Kaya dapat tayo sa media, sabi ko nga, we should really appreciate this na AO #1, sa dinami-daming nakapila diyan, iyon ang inuna. So those are the …ito ang mga nagawa natin sa opisina at marami pang mga pagbabago na we can talk about on another day. MARCELINO: At makikita natin ‘no iyong kasalukuyang administrasyon kung gaano siya ka-open sa publiko – bukas iyong transparency. SEC. ANDANAR: Mahalaga ang transparency. Kasi anti-corruption nga, di siyempre kung anti-corruption drive tayo, dapat transparent ang gobyerno. At iyong Freedom of Information, yung Executive Order #2, ang nagbibigay ng full transparency ng ating Executive branches at ahensiya. ESCARO: Ano pong pinaka-ayaw ng Pangulo? Kasi si Secretary lagi niyang kausap, kasama, kami hindi. Pero kayo po, ano pa ang pinaka-ayaw ng Pangulo kapag kayo po ay nag-uusap? Iyon talagang nagpapainit ng ulo niya ha? SEC. ANDANAR: Iyong korapsyon, drugs, corruption. At iyong alam mo na kung ano ang gagawin mo pero hindi mo ginagawa. Kung papansinin mo, Lourdes, sa Gabinete, the common denominator of the Cabinet officials in terms of character ay iyong men and women of action lahat. Lahat ginagawa iyong kanilang mandato, iyong kanilang… anong utos ng Presidente, ginagawa; hindi na kailangang iutos pa, ginagawa na. And the President, sabi niya sa amin na he’s tired and he’s impatient. No, no, he’s not tired. He is old and he is impatient. Sabi niya, matanda na ako, impatient na ako kaya nagmamadali siya nitong pagbabago. Kasi matagal na … we deserve this, the change that we are hoping for. What we are experiencing now, the drop in the crime rate more than 40%, itong pagtaas ng ekonomiya ng 7.1 – second fastest in Asia – itong peace and order natin with the MILF at saka MNLF, kasama iyong CPP-NPA-NDF, we really deserve these. We have eight to ten million Overseas Filipinos working abroad na alam nila the difference between a country that runs—or a government that runs well in other countries, systems that are good, that are running well compared to our country. Kaya madaling ikumpara. Kaya nga that is one of the reasons why ang mga OFWs natin ay very influential noong nakaraang eleksyon, kasi alam talaga nila eh. At iyong mga anak nila, they sent through Facebook iyong mga pictures, ‘Ang ganda nito, anak. Mga tren sa Singapore, Japan, blah, blah, blah.’ MARCELINO: Noong nakaraang eleksyon, first time na umabot nang mahigit isang milyon iyong registered voters, sa overseas absentee voting. Na dati rati iyong iba nga gusto nang iano iyan eh, tanggalin na iyong OAV kasi napakababa iyong turn out ng eleksiyon. Pero noong nakaraang eleksyon, ang taas. SEC. ANDANAR: Kaya ano nga, Rod eh, talagang—sana huwag nating masyadong pansinin iyong mga Western media na tayo ay minamaliit lang, kung anu-ano ang mga nire-report nila. Hindi naman sila nakatira dito, hindi naman nila alam kung ano talaga ang nangyari sa Pilipinas. At ako naman ay nagagalak, I’m so proud of the Filipino’s maturity. Kasi despite of all the negative news na lumalabas sa ibang bansa, sa ibang mga international media at maging sa mga local news natin dito, hindi sila naniniwala. Dahil sa mga surveys mataas pa rin ang Presidente at alam nila and its really…you ask any Filipino and I’m sure you guys do that, maglalakad kayo, kung if you feel safer now and most of them, would say, I feel safer. So change—during the campaign, ‘change is coming’ and then nung nanalo na, ‘partners for change,’ hindi ba. And then now, ‘change is here,’ is already here. It’s in our midst change is here. Antayin na lang natin iyong mga infrastructure projects na ipapatupad ngayong taon na ito sa pinakamalaking budget iyong sa infrastructure at makikita natin na kapag the infrastructure projects begin maraming mga trabaho ang magagawa nito. And we will experience that inclusive growth na sinasabi natin. ROD: Iyan na iyong sagot doon sa tanong din ng publiko, ba’t puro droga lang, nasan na iyong— LOURDES: Other problems. ROD: Kakulangan sa oportunidad ang trabaho, sa edukasyon, iyan ang mga hinahanap ngayon ng publiko eh. SEC. ANDANAR: Kung titingnan mo iyong latest survey on optimism, ang taas ng optimism ng Pilipino na magkatrabaho, na gaganda iyong kanyang buhay, pamilya rin. Ito ang gusto kong malaman ng taumbayan na nakikinig sa atin sa RMN, na 7% growth rate is very high. At sinabi na nga ng Fortune Magazine na ito ay isa sa mga success stories or mga nagawa ni Presidente Digong sa ilalim ng kanyang anim na buwan na panunungkulan sa ngayon na hindi niya binabanggit. Pero 7% is phenomenal ‘no. As in pinag-uuspan tayo sa Amerika, sa Europa, sa ibang bansa sa Asya. Bakit anong ginawa ng Pilipinas, bakit 7%? Iyong 7% growth rate, this invites the investors around the country…excites them, they cannot wait to invest in our country. Kung sa atin ito parang wala lang ito. No, this is a big story, the 7%. We should all be ecstatic na 7% iyong growth rate natin and—they want to talk to the President. Bloomberg was talked of President, Financial Times, lahat sila gustong kausapin si Presidente, ano bang magic— LOURDES: Nagawa niya. ROD: Saan galing ito, Secretary…because of the campaign of our President against drugs? SEC. ANDANAR: Okay, ganito iyon. Malaki iyong economic fundamentals na gawa ni Pangulong GMA. Pagpasok ni PNoy nagtuloy-tuloy iyon. Pagpasok ni Presidente Digong iyong rule of law. Kasi iyon parati ang reklamo ng mga foreigners, pabago-bago kayo ng batas, ba’t merong kontrata ngayon, tapos bukas— LOURDES: Iibahin na naman. SEC. ANDANAR: Ire-repeal ninyo iyong contract na iyon. So ngayon meron tayong Pangulo na naniniwala sa batas, na ipatupad ito, at naniniwala din sa safety ng tao ay ito—hindi, ito iyong tinatawag na basic ingredients for successful…or an economically successful country. So ito rin ang mga ginawa ni Presidente nung nasa Davao siya. Kasi kung titignan mo yung Davao 9.2, 9.3% growth rate ang Davao City compared to 6% lang halos iyong lahat ng mga siyudad sa buong Pilipinas. And you have to consider that Davao is in the middle of a conflict-ridden island, Mindanao. At bakit iyong Davao ganoon ka-successful despite the fact na magulo ang ilang parte sa Mindanao, ang paligid. So bakit ganito 9%. So iyon yon. So si Presidente Digong he hold the… ano ba, parang Midas touch eh, hindi ba. Everything that he touches the turn into gold. So siya talaga ang dahilan kung bakit. Ito na lang Rod at Lourdes, New Year’s Eve bumagsak iyong data o iyong number ng mga napuputukan ng kwitis, ng mga firecrackers iyong mga injured, iyong mga injury…firecracker related injuries, bumagsak ng what…more than 40% bumagsak. Bakit ano ba ang pinagbago? Ang tanong, ba’t kaya? Kasi ayaw po ni President na maputukan yan ng mga Goodbye Philippines eh, iyong mga De Lima, iyong mga ganoong…ayaw nila ng ganoon eh, baka hulihin kami. Oh di ba? So the fact that the people are now obey…or the people are now scared or fear the law and they obey the law and they respect the President ang laking impact niyan. Dito, wag na tayong lumayo, doon na lang. Kasi iyon naman ang pinakahuling ano natin eh… pinakamalaking event sa bansa natin. ROD: So taliwas ito doon sa mga balita na baka posibleng maapektuhan iyong ating ekonomiya dahil sa ginagawa nyang pagmumura especially sa ibang mga bansa, iyong mga malalaking bansa. SEC. ANDANAR: Alam mo iyong mga negosyante, Rod, walang pakialam iyan kung magmura, kung ano ang gawin mo. Ang mahalaga kumita. LOURDES: Pero, Secretary, after this term. Are you willing to go back sa iyong former work or you want to twist in politics ano na? Kasi hindi ba walang nagtatanong, Secretary. Ikaw ba willing kang pumasok din sa pulitika? SEC. ANDANAR: Nagsabi po si Pangulo na ayaw niya iyong kanyang Cabinet officials na sumabak sa pulitika. Dahil gusto ng Presidente na naka-focus lang talaga sa trabaho sa Gabinete. Now, iyong sabi mo na babalik ba ako sa dati kong pinanggalingan. Ako naman ay hindi tumigil bilang broadcaster. Ngayon guest ako dito, tapos pagdating ko sa bahay, weekly, ni-launch ko ulit iyong aking podcast. So meron akong sariling opisina sa bahay at doon ako nagyayawyaw. Hindi kasi minsan hindi mo naman masabi sa labas as an official—in an official capacity, hindi ka naman puwedeng mag yawyaw, mag-ingay-ingay. Sabi ko, sa bahay ko ito, wala kayong pakialam. Sarili kong Facebook account ito, wala kayong paki-alam. Sasabihin ko lahat ng sasabihin ko. We run Channel 4, we run Radyo ng Bayan. We are very hands-on in running that. So, hindi naman talaga ako nawala sa first love ko. And my first love is radio and the first radio station that opened my horizon and my mind to become a radio broadcaster is a radio station that is run by the Radio Mindanao Network in Cagayan De Oro City. LOURDES: Ako last na lang din, Secretary. Kasi ang dami kasing nagte-text sa amin, nakikinig sa journalist. Do you believed or not sa Leni Leaks? SEC. ANDANAR: Kagabi kasi ginawa ko itong podcast, iyong Leni Leaks. So I had about—in my peak podcast mga 23,000 views, sabay-sabay nanunod, tapos umabot siya ng 2 million reach—hindi ba maraming interesado. Whether this is true or not, the title of the podcast last night was “Leni Leaks, truth or lies.” Kinausap ko si Sass Rogando, si Thinking Pinoy kinausap ko… at kinausap ko rin si Secretary Jun Esperon at sabi ko ano ba ang gagawin natin dito sa impormasyon na ito na nagiging viral sa internet. At ngayon kinober na ng Manila Bulletin and then kinober na rin ng Manila Times, and you’re the third person in broadcast na tinatanong ako Leni Leaks. So dapat we should get to the bottom of this, kung meron mang katotohanan iyong conversation na nangyari doon sa Yahoo group na pinag-uusapan kung paano… ano gagawin para siraan si Bongbong Marcos, ano ang gagawin para siraan si Digong, ano ang gagawin para mag-resign si Digong mga ganoon. Because this is tantamount really to…inciting to rebellion or it could it be, iyon ang tanong eh. So ni-report ko kay Secretary Jun Esperon at nalaman ko na he is also investigating it. So after the podcast last night ay—we will talk in the Cabinet tomorrow. I will bring this up, Secretary Jun Esperon will bring this up. And we will see kung ano iyong veracity nung reports na iyon. Kasi yung Yahoo para sa mga nakikinig, ano iyong Leni Leaks, ito po ay nadiskubre ng isang blogger sa Europe na ang pangalan ay Sass Rogando at nung nakita niya itong Yahoo group na ito— LOURDES: Hindi siya naka-private kasi. SEC. ANDANAR: Hindi naka-private. Tapos diumano iyong mga nag-uusap doon. Office of the Vice President, nandoon din iyong kapatid ni Loida Nicolas, si Imelda Lewis ba iyon—Imelda Nicolas. Tapos kasama rin doon sa grupo na iyon sa Yahoo group na iyon ay allegedly si Imelda Nicolas— LOURDES: How about Bongbong? SEC. ANDANAR: Wala iba pa iyong—so iyon iyong… tapos meron ding Office of the Vice President. So meron tayong document. Nakopya nila iyong document bago ito isara. Iyong Yahoo group, open kasi ito bago nila klinose. ROD: So ngayon private, hindi na ito mabuksan. SEC. ANDANAR: Private na ngayon. Pero before they made it private ay na-download lahat nitong si Sass, saka si Thinking Pinoy. At ibibigay nga nila iyong kopya sa National Security Adviser. LOURDES: So tomorrow… ito bago, tomorrow pag-uusapan. So ilalatag na naman? SEC. ANDANAR: We will open it to discussion and we will see kung ano—kasi siyempre ang NSA, sila iyong meron talagang kapasidad para imbestigahan ito kung ito ay cyber crime, lahat ng puwedeng gawin para ma-verify iyong veracity nung dokumento, totoo ba ito o hindi. LOURDES: But on your part naniniwala ho kayo doon? SEC. ANDANAR: I would like to give the opposition the benefit of the doubt. Ayoko namang sabihin na ito ginawa ninyo. Tayo naman ay mga broadcaster, baka sabihin ko na ganito. Hindi sa akin lang, kagabi iyun ay nanaig ang aking pagka-broadcaster. Siyempre sabi ko, sabi ko na ‘allegedly,’ wag tayong maghusga kaagad. Let us not conclude. ROD: Pero hindi ito kauna-unahang beses, itong ganitong klaseng mga isyu, balita ng ating natatanggap na gustong pabagsakin iyong sa kasalukuyang administrasyon especially na involved iyong — LOURDES: Kasi may clear evidence eh. May nutrients talaga, nagpakita sila talaga ng news, nakita talaga, ako nabasa ko kay Sass. ROD: Pero umabot na ba ito kay Pangulo? SEC. ANDANAR: Ito pag-uusapan namin bukas. Usually naman lahat naman ng alam ko, alam ni Secretary Esperon ay alam din ng Pangulo. Pero bukas we will talk about it extensibly. LOURDES: Nag-react na ho ba si Bongbong, sir? SEC. ANDANAR: Hindi naman. LOURDES: Kasi nadamay iyong anak niya. SEC. ANDANAR: Hindi naman namin ano si Bongbong. We don’t have any connection with Bongbong Marcos. Kami ang pakialam lang namin ay ang Duterte administration. ROD: Hindi ba ito baka hahantong sa worst na desisyon ng ating Pangulo? SEC. ANDANAR: We will see, we’ll see kung ano, iyong kailangan talagang tingnan iyong dokumento. Kailangang i-verify talaga kung is this a bona fide document. LOURDES: Genuine. SEC. ANDANAR: Yahoo groups ba talaga ito? Iyon nga ang pinagtatakhan ko, di ba Yahoo group, wala yatang gumagamit ng Yahoo groups. LOURDES: Oo nga eh, ang alam ko lang ano eh messenger, Viber group. SEC. ANDANAR: Ang problema kasi they left it open. LOURDES: Eh, sir, kasi matanda na sila. Ibig sabihin dito sila sa old style ng Yahoo, sir. SEC. ANDANAR: Iyon nga eh, saka—well sa bagay na-close na. So ibig sabihin talagang totoo. So may posibilidad. And apparently kung Yahoo group na ito was created 2011, 2011 pa. Kaya iyong mga nakuha nilang conversation all the way to 2012, iyong na download na conversation doon sa Yahoo groups. And iyon nga merong mga plano kung papano i-counter iyong mga attack about kay Leni, the Vice President kung paano naman atakihin iyong Presidente, kung paano atakihin si Bongbong. Iyong mga ganoon. So very sensitive iyong nilalaman nung conversation. ROD: At kasama na iyong plano na pabagsakin iyong administrasyon. SEC. ANDANAR: And thank you so much for bringing this up Lourdes. LOURDES: Kasi kagabi ko pa siya nakikita, trending siya, #Leni Leaks. Parang kinuha sa Wikileaks sa US. So iyon nga nakita ko, binasa ko iyong kay Sasso, sabi ko, uy ang dami, ang dami makikita mo talaga kung ano iyong conversation. SEC. ANDANAR: Tapos, of course nung viral part sa gabi—kasi gusto ko ding malaman talaga eh, ano iyong puno at dulo nito. First time in history, sobrang taas iyong viewership. Di ba usually, pag nag-aano sa Facebook live tayo dito ang pinakamataas 3,000 eh, iyong simultaneous viewers, iyong sa akin umabot ng 23,000. LOURDES: At that time lang? SEC. ANDANAR: Oo at that time lang kasi. Ngayon iyong 23,000 iyong nanunuod. Sa sobrang dami, muntik nang mag-crash iyong platform. So medyo bumabagal siya. And within 50 minutes lang iyong reach niya ay nasa mga 1.7 million people, ganoon ka-viral iyong istorya. So, it’s good that a Radio Mindanao Network is taking this story seriously and hopefully it lands in your news cast. LOURDES: Yeah, yeah. Actually recorded nga siya. Mas importante dahil ito iyong hottest issue ngayon, about the Leni Leaks. Do you think na may kinalaman po iyong yellow or the former administration about it, kasi nababanggit si Leni, nadadawit sa isyu. SEC. ANDANAR: Sila in Imelda Lewis, Nicolas mga ganoon. LOURDES: Yeah, iyong Philanthropist, naniniwala po ba kayong may kaugnayan iyong party itself? SEC. ANDANAR: Ayaw ko kasing maghusga. I want to give it the benefit of the doubt. Gusto ko munang makita iyong imbestigasyon in Secretary Jun Esperon before we even jump into a conclusion. So, I don’t want to be unfair. So, sa akin na lang ay nandiyan na iyong dokumento. Sabi nga ni Lourdes, sir Rod, ang pinagkaiba nito sa mga nakaraang tsismis, ito may dokumento talaga. Let’s just hope and pray and also continue to—I just hope that our country lives on, from all of this negative propaganda na pabagsakin iyong gobyerno, etc. We have a rule of law, we have Constitution. Binigyan ang ating Pangulo ng anim na tao para gawin ang kanyang trabaho batay doon sa plataporma na kanyang ipinakita sa atin nung nakaraang kampanya at binoto natin siya. So, let’s respect that, kung merong mga ouster, ouster plan, tigilan na natin iyan. Let’s already, 2017, kaya tayo hindi — LOURDES: Nasanay na tayo sa ganoon. SEC. ANDANAR: Masamang kasanayan. LOURDES: Edsa, Edsa, Edsa. SEC. ANDANAR: Di ba? Ano pa ba iyong bomoto tayo kung ayaw natin, kung may mangilan-ilan na mga spoiled people na gusto lang gawin iyong kanilang gusto. You know, it’s 2017 and people believe in the President and 83% of the people believe in the President. So ano pa ba ang gusto ninyo. Ang wish ko nga, Rod, ganito. Ang wish ko… kasi for this new year ay mabigyan kami ng honeymoon period na we all deserve. Kasi alam mo di ba usually, pag bagong administrasyon bibigyan ka ng six months. Eh hindi naibigay sa amin iyon eh. LOURDES: Dapat ang epekto na di ba. Iyong after na ng six months. SEC. ANDANAR: Hindi naibigay sa Duterte administration yung six months honeymoon period mula June hanggang December. So sabi ko wish. Sabi ko, anong wish ko by the new year? Sabi ko, ang New Year’s resolution ko magtrabaho. Pero iyong wish ko sana iyong honeymoon period na hindi naibigay, ngayon na lang magsimula ngayong Enero hanggang Hunyo. ROD: Saan ba patungo iyong ating gobyerno ngayong 2017, Secretary? SEC. ANDANAR: Iyong ano dito ay iyong infrastructure projects. Kasi hindi ba bago tayo, mga drug war nung first six months, tapos meron tayong peace talks hindi ba, six months. So ngayon, itong taon na ito, iyong infrastructure implementation…project implementation will be heavy. So mararadaman talaga natin iyong inclusive economic growth ngayong taong ito. Kaya kung 7% iyong growth natin at the end of the year ay mararamdaman natin mas tataas pa ito this year. Dahil talagang pump priming ang gagawin ng gobyerno. At wala pa nga dito, hindi pa nga pumapasok, iyong mga investments na ipinangako ng mga bansang dinalaw po ng ating Presidente. LOURDES: Ang dadalawin na lang, so far, iyong Russia, sir? SEC. ANDANAR: Russia, marami pa… iyong Myanmar. LOURDES: Pero confirm po iyong Russia. SEC. ANDANAR: Russia, meron ding Middle East. Isa sa uunahin ang Russia. ROD: Sa mga panukala, ano ang ie-expect sa ating Pangulo, death penalty? SEC. ANDANAR: Death penalty, iyong tax reform, federalism. LOURDES: Sir, baka may latest naman kayo na puwede nating sabihin sa ating mga kababayan. Ano ang latest sa SSS pension? SEC. ANDANAR: Iyong SSS pension kasi dapat alam nating lahat na it’s really a private fund. So the members money, na pribado, hindi naman ito gobyerno. So therefore, ang sinasabi ng ating mga Finance Managers na hindi puwedeng gamitin ang pera ng gobyerno para i-subsidize. Ito naman totoo naman nasa batas naman talaga. Ang sabi ni Chairman Valdes na puwedeng ibigay iyong 1,000 pesos na increase. So will I let the finance managers discuss this. Actually they will discuss again tomorrow kung magkano itong SSS pension na hike na P2,000 na vineto ito nung panahon ni President Aquino, dahil nakita na ni Presidente iyong—kasi is Presidente Aquino, economist iyon, so nakita niya talaga na… LOURDES: Magkakaroon ng problema. SEC. ANDANAR: Maba-bankrupt iyong SSS. So we will update you by Tuesday. LOURDES: At least tomorrow maraming mapag-uusapan na implement na iyan. ROD: Well, so Secretary. Maraming-maraming salamat sa inyong oras. SEC. ANDANAR: Sana hindi ito iyong huli. LOURDES: Sir, ite-text naming kayo lagi. Pakurot na lang, kasi mahirap kang kontakin Secretary. Hindi sir, itatanong ko lang kung ano lang iyong payo mo kay P. Duterte, kapag… siyempre minsan, may payo ka ba sa akin. SEC. ANDANAR: Alam mo ano eh, ang Presidente natin 23 years naging Mayor, matagal ng public service, ako ay bago lang, mga six months only and the President has all mature stuff. I follow the President at hindi pa naman ako nakapagbigay ng— LOURDES: Pero hindi ka pa niya tinanung, sir? SEC. ANDANAR: Merong mga time na nagmi-meeting kami, we discuss issues, pero parang ang kapal naman ng mukha para magbigay ng advice. Alam na ng President, he is five steps ahead of us. Iyong sa akin lang, when we talk ay hindi naman payo, but I say that for example, ito Mr. President interview with this magazine, maganda ito. Iyong mga ganoon, pero sa polisiya, yan sa PCOO ito iyong gusto naming mangyari. Tapos suportahan naman ni Presidente, pero giving unsolicited advice eh— ROD: Pero meron ba siyang mga tao diyan na talagang nakikinig siya? SEC. ANDANAR: Oo naman, mga senior Cabinet members. Nakikinig naman ang Pangulo sa aming lahat at talagang siguro I just give that deference to the President, because he’s my boss. I mean, boss mo iyon eh tapos hindi naman siya maging Presidente kung hindi siya magaling, hindi ba. Iyong mga baguhan, iyong mga junior members mas tahimik. Pero when it comes to the media n handling the public relations of the President, of course, that’s the time that we step in. ROD: Thank you very much, Secretary. LOURDES: Iyong message ni Secretary sa publiko? SEC. ANDANAR: My message is that sana po ay patuloy nating suportahan ang administrasyong Duterte, hindi po ito kaya ng tatlumpong Cabinet members at isang Presidente ang magtakbo ng buong bayan, we need the support of a 100 million Filipinos para mas mapabilis po ang pagbabago na ating inaasam-asam. Salamat po. ROD: Maraming-maraming salamat, mga kasama. Presidential Communications Office Secretary , Secretary Martin Andanar. |
SOURCE: NIB Transcription |