January 08, 2017 – Interview of Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar
Interview of Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar |
DZBB – Balitang Todo Todo by Nimfa Ravelo |
08 January 2017 |
SEC. ANDANAR: Good morning.
NIMFA RAVELO: Familiar naman si Secretary Andanar dito sa DZBB dahil naging reporter din kayo maiksi lang, di ba? SEC. ANDANAR: Maiksi lang. Dito ako nag-ano eh, unang nag-newscast sa BB. Partner ko si Shirley Escalante pati si Francis Flores. RAVELO: Ayan. So Sec. Andanar, ang ating pong pag-uusapan ay iyong tungkol sa mga paghahanda ng ating pamahalaan para sa chairmanship nito ng Association of Southeast Asian Nations. Noong nag-request na kayo daw ay magla-live dito, kako Lynn, kasi naka-attend ako ng seminar sa Indonesia, kasi di ba nang-doon iyong secretariat ng ASEAN? Sabi doon—habang lumalaki kasi ako, ang alam ko ASEAN, pero parang pinalitan siya ng ASEAN para closer daw sa Asian, tama ba? SEC. ANDANAR: AH-zee-ahn. Hindi. Kasi when you pronounce ‘A’, association, that’s why ASEAN, Association of Southeast Asian Nations. Ngayon po this year, alam natin na 50th anniversary, golden anniversary po ng ASEAN. Ten countries na member ng ASEAN, at isa po tayo doon sa mga bansa na iyon. And extra special this year dahil tayo ang chairman sa ASEAN summit na ito. RAVELO: Pero, Sir, ito muna. Paki-establish lang. Bakit kayo ang nagdi-discuss dito? Kasi nagra-radio hopping kayo. Bakit kayo ang nagdi-discuss nito? SEC. ANDANAR: Well, because the Presidential Communications Operations Office ay ang chairman ng Media Committee ng ASEAN. So we took it upon ourselves na maging aggressive sa communication dahil nakita namin doon sa datos na 23 – 24 percent lamang ng populasyon ng ASEAN – of the 630 million population ng ASEAN – ang nakakaintindi ng basic information about ASEAN, at kung anong talaga iyong ASEAN at anong katuturan ng ASEAN sa kanilang buhay. So, sabi ko, kung sa a hundred million Filipinos, ibig sabihin 23 million Filipinos lang. Papaano naman iyong 77 million Filipinos? Siguro hindi nila alam kung ano ang ASEAN. So here we are at 2017 50th anniversary, tayo ang chairman, tapos mayroong budget na nilaan ng gobyerno para sa komunikasyon. Nasa mga P1.9 billion ang budget ng communication. RAVELO: Para ma-inform iyong tao. SEC. ANDANAR: Para ma-inform ang tao. So it’s not just about showing on television, on radio, at pagpe-presscon, pagkatapos tapos na, wala na. It’s about going out there at kinakausap ang ating taong bayan in… as effective as possible using the different platforms; iyong pinupuntahan talaga doon purok-purok at pinapaliwanag through different means of communication: sa radyo, TV; mayroon ding online, on print; kasama din mga polyetos na pamimigay natin, at isasali namin ito sa Tagalog, Bisaya. RAVELO: So siguro parang research ninyo lang muna. Ang ASEAN po, members niyan Brunei, Cambodia , Indonesia, Lao, Malaysia, Myanmar, Philippines siyempre, Singapore, Thailand, at Vietnam. Alam ko founding father tayo eh, di ba? SEC. ANDANAR: Oo, oo. RAVELO: Noong una po ito, Indonesia lang, Malaysia, Philippines, Singapore and Thailand. SEC. ANDANAR: At speaking of founding father, isa nga dito sa mga talagang strong forces of the ASEAN is si Carlos Romulo. Di ba iyon sikat na Gen. Romulo? Now, ito, I would like to—dito ko ibe-break sa inyo kasi exclusive story. RAVELO: Sige, salamat po. SEC. ANDANAR: Kinuha ko as our top adviser ang apo ni Carlos Romulo, ang tumuro sa ating media affairs at iyong messaging, si Erwin Romulo, kasama natin dito ngayon sa ating management of communications. RAVELO: Saan ho ba attached si Sir Erwin Romulo? SEC. ANDANAR: Sa amin ngayon, pero private siya. So kinuha din siya ng private —he’s going to be the top private consultant ng ASEAN communications sa pangangasiwa ng PCOO. RAVELO: Ayan. And then, so ito. Chairman tayo ng ASEAN? So ano ang mangyayari habang tayo ang chairman? Alam ko iyong mga activities ay hindi isa o dalawang buwan lang, kundi buong taon kasi buong taon tayong chairman nito. SEC. ANDANAR: Almost 11 months. Ang kick off nito ay ngayong January 15 na. Kaya binanggit mo kanina na I’m on a media blitz. So binibisita natin iyong mga radio station sa Metro Manila para kausapin natin ang taong bayan at atin paliwanag iyong ASEAN, because sa 15 iyong kick off sa Davao City. Ngayon, very important kasi, as you mentioned earlier, mayroon tayong, hindi lang tatlong big summits eh. May summit sa Abril, mayroon sa Agosto, mayroon din sa November. In between those summits, mayroon more than 100 ministerial convention summits all over the Philippines. Wala lang sa harapan ko iyong eksaktong detalye, naka-Ambassador Paynor pa. RAVELO: Pero iyong mga summits na iyan, tama ho ba, iyong mga business groups, tapos iyong mga foreign ministers? SEC ANDANAR: Lahat-lahat. RAVELO: Lahat ng sectors. SEC. ANDANAR: Oo, lahat ng sectors doon sa mga maliliit na mga summits. Doon sa tatlong malaki, iyong Abril, ito iyong ministers; tapos by August, ito iyong heads of state; tapos by November, heads of state plus East Asia, iyong mga America, Canada, Australia, Russia. Iyon. RAVELO: Pupuntahan natin mamaya po iyong sa mga heads of state. Ito muna iyong sa kick off. So ano po ang mangyayari sa kick off doon sa Davao? At bakit sa Davao? Kasi siyempre ang issue din iyong security. Di ba noong nakaraang taon, may pagsabog doon? Tiyempo nandoon si President Duterte, so bakit po sa Davao? ANDANAR: Sa Davao City, kasi nga Davao City is our Exhibit A na siyudad sa buong Pilipinas na even if it is located in Mindanao, in a war-stricken area in Mindanao, nasa gitna siya. Davao is one of the safest places to live in the world. Davao has the highest economic growth in the world, 9.3, 9.4 percent. At ang pagpapatakbo ng Davao City ay napakaayos that it produced a president out of Davao City, President Rodrigo Roa Duterte. And our president, alam naman natin na ayaw ng presidente natin ng centralized power; gust nga niyang i-devolve, i-decentralize. So it is just perfect na sa Davao City ang take off, ang launching ng— RAVELO: Sino-sino po expected doon? SEC. ANDANAR: Of course kami, mga taong gobyerno kasama mga ibang mga negosyante, iyong mga involved sa ASEAN, iyong National Organizing Committee. So kami-kami, nandoon kaming lahat – DFA…. And we will launch it on Jan. 15. And after that, sunod-sunod na iyong mga activities. RAVELO: Ayan. And ang theme ay caring and sharing of— SEC. ANDANAR: Ah, ano siya, ‘Partners for change, engaging the world.’ Ito iyong naaprubahan ng NOC at ng ating pangulo na theme ng ASEAN 2017. ‘Partners for change, engaging the world.’ Pero mayroon tayong 5 – 16 na magfo-focus tayo ngayong darating na… ah ngayon, ngayong taon na ito. And let me, if I can— RAVELO: Sige po. ANDANAR: Ang number one diyan ay iyong people-oriented and people-centered initiatives. Ano iyon? Ito iyong mga project tulad ng pagpapalakas, pagpapalago ng ating health services para sa kababaihan, para sa mga elderly, para sa mga PWDs, yon. At pangalawa ay peace and stability. Alam natin na ang mahalaga na salubungin natin, we will have to face our problems sa terrorism. We will also have to face our problems pagdating sa illegal drugs. And peace and stability is a universal concern dito po sa panahon ngayon. Nandiyan rin iyong maritime security and cooperation. Alam natin na sa Sulu Sea, Sulawesi Sea, may mga kidnapping, may piracy, and we need to solve that problem, including maritime security dito sa West Philippine Sea or sa South China Sea. Nandiyan din iyong inclusive and innovative-led growth. Ano ito? Ito po iyong kinakausap natin ang ating mga empleyado, mga pangkaraniwang Pilipino, at tuturuan natin sila at gagabayan natin sila kung ano iyong mga negosyong puwedeng pasukin nila para umasenso din naman sila sa kanilang mga buhay at mas lalong lumaki ang kita. And on the other hand, ganoon din sa mga current businessmen, mga entrepreneurs, is to lead them the way kung ano ang mga opportunities na available sa ASEAN region. At ang isa pa ay iyong ASEAN resiliency. Ano po ito? Iyong madaling pagbangon ng mga bansa pagdating sa mga— RAVELO: Nasasalanta. SEC. ANDANAR: Iyon, nasasalanta. Masyado nang unpredictable iyong klima natin. At iyong huli, iyong ASEAN as a model of regionalism, Now, mayroong European Community, mayroong America, mayroong NAFTA, mayroon din sa China. Ngayon, mayroon namang ASEAN. SEC. ANDANAR: ASEAN, as a whole, comprises of 630 million people. So ito, ‘pag magkaisa tayo, if we’re all united— RAVELO: Maging isang community. SEC. ANDANAR: —ganoon kalaki ang merkado natin. So therefore, as a market, mas madaling makipag-negotiate, makipag-bargain sa ibang bansa. RAVELO: Kasama ho ba diyan—if I may butt in lang po—kasama diyan iyong… siyempre iyong sinasabi na ASEAN economic integration. So kasama diyan iyong pagpababa ng mga buwis kapag nag-e-export, nag-i-import so mas mura iyong mga produkto. SEC. ANDANAR: Mura ang produkto, people-to-people exchanges, educational exchanges, trade and commerce, security cooperation. Kasama na iyan lahat. Ito ang tinatawag at sinasabi parati ni Prime Minister Lee Hsien Loong na the importance of ASEAN Centrality. Na kapag nag-isip tayo, mga miyembro ng ASEAN, katulad ng Pilipinas, Thailand, Singapore, Indonesia, etc, na kapag nag-iisip tayo dapat iniisip natin na that we are in the ASEAN region at ang interest natin should revolve around this region dahil if we work together, mas madaling umasenso ang mga bansang ASEAN. RAVELO: Opo. Secretary Andanar, kasi kapag pinag-uusapan natin iyong mga maritime security, inclusive and innovative growth, pagdating sa iba, parang napaka-general naman. Ang hirap intindihin, parang iisa-isahin natin. Ang kailangan ho natin siyempre iyong specifics para mas maintindihan natin. Kagaya halimbawa, iyong sa people-to-people, noong naka-attend ako ng seminar sa Indonesia – sample lang ho ito ha among many topics – iyong sa English language, iyong pakikipag-usap sa isa’t isa. Ang Thailand at saka at ang Vietnam, napaka-aggressive nila sa pagtuturo ng English kasi para daw dito sa economic integration, sa ASEAN integration, ganiyan. Tayo ganoon din ba, o dahil sanay na tayo sa mga eskuwelahan natin tinuturo na kasi ang pag-i-Ingles. SEC. ANDANAR: Halimbawa, iyon timing nabanggit mo, iyang pagsasalita ng English. The Philippines, we have excellent English teachers. At alam naman natin kung bakit pumupunta dito ang napakaraming South Koreans, para mag-aral ng English. So now, you see an opening, opportunity for our English teachers. So kung ikaw ay nasa negosyo ka ng pagtu-tutor at magaling kang magturo ng English, so through this ASEAN Summit, you will see opportunities and you can ask kung papaano mo mata-tap iyong, halimbawa, iyong Vietnamese community, iyong Laotian community or other countries who are very aggressive in teaching there population English. RAVELO: Ibig sabihin, mas magiging madali ho iyong … mapag-uusapan ng mga member countries kung paano mas madali siguro iyong opportunity para sa ating teachers na pumunta doon sa ibang bansa at magturo doon. SEC. ANDANAR: Yes, exactly. So halimbawa na lamang, Nimfa, noong nandoon kami sa Cambodia, this was raised by Prime Minister Hun Sen. Sabi niya na—ang Cambodia kasi a rice producing country, masarap iyong bigas nila ‘no, talagang Class A. Pero alam ninyo ba na iyong variety ng bigas nila ay galing sa IRRI. RAVELO: Sa Los Baños. SEC. ANDANAR: Ito ang sabi niya, we are looking for this particular variety at iyong formula niya. Kasi nawala nila iyong variety. Hindi nila mahanap kung ano iyong mixture…they are asking for the help of the Philippine government to be able to trace that variety dito sa Los Baños. So that’s an opportunity for us, hindi ba? So ganoon lang iyon. That’s educational exchanges between one country to the other. Halimbawa na lamang, ano pa? Sabihin na people-to-people educational exchanges. Alam ninyo ba na dito sa ASEAN, because of the ASEAN integration, kung kayo po ay bibiyahe at gusto ninyong maging Overseas Filipino Worker within the ASEAN region, alam ninyo ba na mayroong mga universities sa Pilipinas, mga colleges na accredited iyong kanilang mga diploma pagdating sa Indonesia, Thailand— RAVELO: Ibig sabihin hindi na nila kailangan mag-aral ulit doon para— SEC. ANDANAR: Hindi na kailangan. RAVELO: Diretso trabaho na talaga. SEC. ANDANAR: Oo. The only thing you will have to do is go to CHEd, go to DepEd and find out kung ano iyong mga universities and colleges. At kung gusto ninyong ipadala iyong—kung, halimbawa, ang gusto ng anak ninyo ay magtrabaho sa Singapore in the future, or somewhere in Vietnam, and you want your children to study a course, to earn a diploma na accredited doon sa bansang gusto mong puntahan niya, dahil kayo nasa Malaysia halimbawa, then go to CHEd then ask ano ba iyong mga universities na accredited ng mga— RAVELO: Ayon. SEC. ANDANAR: Oo. So these are the things that we want to communicate, dadalhin natin sa mga probinsiya, dadalhin natin sa mga siyudad. Kaya kakausapin ko nga si Secretary Sueno about this kasi iyon din ang naging suggestion sa atin ni Senator Nene Pimentel na dapat iyong mga— RAVELO: Ang mga LGUs ang kakausapin. SEC. ANDANAR: Oo, para mas mabilis. RAVELO: At para makatulong sila pag-spread ng words. SEC. ANDANAR: Oo, mas mabilis, oo. RAVELO: So iyong mga binanggit ninyo ‘no, bale iyon iyong magiging agenda rin. Ngayon po, iyong sa maritime security and cooperation. SEC. ANDANAR: Maritime security and cooperation. Halimbawa— RAVELO: Kasi interesting iyan dahil doon sa isyu ng West Philippine Sea. SEC. ANDANAR: Oo, West Philippine Sea. Unahin natin iyong Sulu, Sulawesi kasi maraming kidnapping diyan eh, ‘di ba. At mayroon na tayong tripartite o mayroon tayong multilateral agreement with Indonesian Defense Department at ng Malaysian Defense Department at ng Philippine Defense. Mayroon tayong multilateral agreement na magtutulungan tayo within those seas, pero— RAVELO: Ibig sabihin, joint patrol? SEC. ANDANAR: Joint patrol. ‘Di ba iyon naman ang naibalita last year. So itong mga ganitong klaseng multilateral agreements or trilateral agreements ay puwedeng i-extend ito doon sa buong ASEAN. Now, I cannot predict kung anong pag-uusapan sa ASEAN. Kasi kapag defense si— RAVELO: At saka nanganganak kasi iyon idea kapag may mga meetings eh. SEC. ANDANAR: Exactly. Nandoon si Lorenzana sa Defense; si Bato sa PNP; sa Trade, si Secretary Lopez. RAVELO: At may mga ideas din siyempre, may input din siyempre iyong ibang countries. SEC. ANDANAR: Iyon. So, there’s so much possibility na puwedeng lumabas doon. But the most important factor is that tayo iyong chairman. And President Rodrigo Roa Duterte as an electrifying leader around the country, at napakita naman niya sa buong ASEAN kung gaano kasikat, gaano ka-warm ang pagtanggap kay Pangulong Duterte sa iba’t ibang mga bansa. Kasi mind you, Nimfa, ang naikot ng Pangulo sa buong ASEAN ay nasa pitong bansa. RAVELO: Ang bilis ‘no, from July last year. SEC. ANDANAR: Actually, walo dapat eh. Kasi napuntahan naman ni Presidente ang Thailand, kaso ang ginawa ni Presidente ay nakiramay. Hindi naman ito naging official visit talaga. So, pitong bansa; dalawa na lang ang hindi pa working visit. Ito ang Thailand at iyong Myanmar. Pero sa lahat ng pitong bansa na iyon ay silang lahat ay naniniwala sa liderato ni Pangulong Digong, at sila ding lahat ay mainit ang pagtanggap. At iyong mga tao nila, rock star talaga iyong reception. RAVELO: Very warm ang reception kay Presidente. SEC. ANDANAR: Very warm, oo. RAVELO: Ayan, opo. Ano iyong sa West Philippine Sea, pag-uusapan ba iyong matagal nang hinihintay na pagkakaroon ng Code of Conduct? SEC. ANDANAR: Well, iyon ang napag-usapan sa Laos, ‘di ba. Doon sa ASEAN, doon sa Laos, iyong Code of Conduct na pinag-uusapan. But then again, hindi ko puwedeng hulaan kung ano ang pag-uusapan. It’s a possibility. RAVELO: Pero nasa agenda siya? SEC. ANDANAR: It’s a possibility kasi iyon ang sinabi ni Prime Minister Lee Hsien Loong doon sa Laos noong time na nagkaroon ng ASEAN Summit last year. So it’s a possibility na pag-usapan. Wala pa sa harapan ko iyong talagang full agenda. I only have the things with me. So si Ambassador Paynor would be best person to answer that. By the way, iyong ating official spokesperson sa DFA for the coming ASEAN, for now, ay si Ambassador…or Undersecretary Enrique Manalo. RAVELO: So hindi iyong spokesperson ngayon ng DFA, si Charles Jose. Kasi siya ang … for Malaysia— SEC. ANDANAR: Malaysia siya eh, Ambassador sa Malaysia. RAVELO: Oo, para ano lang ano… samantalahin ko iyong tungkol sa West Philippine Sea. SEC. ANDANAR: Sige, sige. RAVELO: Ipu-push ba na magkaroon ng—kasi every summit, mayroon iyang sa huli, mayroon siya ng mga statements eh. Now na-skip lang sa isip ko iyong tawag doon. Parang mga declaration. SEC. ANDANAR: Oo, declaration. RAVELO: Ipu-push ba na makasama doon iyong strong statement para doon sa ating claim sa West Philippine Sea? O hindi man iyong sa claim, kung hindi iyong paghingi natin na huwag ninyong i-militarize, as what China is doing right now. Magkakaroon ba ng strongly worded na statement tungkol doon? SEC. ANDANAR: I’d love to answer that and I wish I can answer it. Pero ngayon hindi ko talaga mahuhulaan kung ano ang pag-uusapan, kung ano ang magiging declaration because it’s a collective declaration eh at the end of the ASEAN— RAVELO: Pero hindi natin puwedeng i-push iyon na, na para sa Pilipinas lang, kung hindi iyong collective stand tungkol doon sa— SEC. ANDANAR: Collective talaga, kasi ASEAN talaga iyan. RAVELO: Hindi pupuwede yung i-assert lang natin na focus doon sa ruling ng [The] Hague, kasi sa atin lang siya. SEC. ANDANAR: The ruling of the Hague… the Permanent Court of Arbitration was released last year, it was decide upon last year bago iyong ASEAN 2016. So that was already discussed at the ASEAN 2016. So hindi ko alam kung ano ang magiging declaration for this year. RAVELO: Sige sir, hihintayin po natin iyan. Iyong sabi n’yo nga maraming mga conferences, iyong isa tama po ba meron sa Clark, Pampanga, iyong isa sa mga summit, magdadaos ba doon sa Fontana na pagmamay-ari ni Jack Lam? SEC. ANDANAR: Sa ngayon kasi, Nimfa, ang alam ko lang nakitang plano ay dito sa may CPP area. Dito po sa may— RAVELO: Ah sa Pasay City po. SEC. ANDANAR: Sa Pasay City/Manila area. Doon ang nakitang plano. But with regard to the plan kung saan siya, ang alam ko Manila iyong most of it. RAVELO: Pero meron yata sa Clark, tama ho ba? SEC. ANDANAR: Hindi ko alam if that will push through. I’d like to defer to Ambassador Paynor. RAVELO: Pero if ever hindi siguro doon kay Jack Lam na resort? SEC. ANDANAR: We will see kung ano iyong desisyon ng—kasi iyong National Organizing Committee sila iyong nagde-decide niyan, sila ni Ambassador Paynor. RAVELO: And then, Secretary, sa July ba or June tapos na iyong one year ban sa mga kumandidato noong nakaraang eleksiyon, di ba po, puwede na silang ma-appoint. And ang hinihintay iyong appointment ni Senator Alan Peter Cayetano sa DFA, which was announced na by the President na tuloy na. So, ibig sabihin sa kalaunan nitong sa ASEAN po natin na chairmanship, si Senator Alan Peter Cayetano na iyong, kumbaga eh ano nasa, will be on top of it? SEC. ANDANAR: Sa June. RAVELO: June or July. SEC. ANDANAR: Matatapos iyong ban. Hindi ba, iyong election appointment ban. So tignan natin kung ano ang magiging desisyon—of course, that is the decision of the President and the decision of Senator Alan Cayetano. Sila iyong—at the end of the day, sila talaga iyong mag-uusap diyan. RAVELO: Sir, last point sir dito. So iyon pong iyong mga gagawin sa mga susunod na araw ay para ipaunawa sa tao kung paano ito malapit sa ating sikmura. Kasi medyo highfalutin kapag sinabi mong ASEAN, meron tayong summit ganiyan, parang sa iba siguro eh ano naman ang pakialam ko diyan, ano ang mapapala ko diyan. SEC. ANDANAR: Anong mapapala ko diyan, mapapakain ko ba iyong mga anak ko diyan. So iyon ang trabaho natin na ipaliwanag, tuloy-tuloy ito for the next 11 months. Bukod dito sa Metro Manila at dito lamang ay iyong ano natin, iyong preliminary round of media guesting. Ang susunod next week sa Davao, tapos meron tayong road show sa iba’t-ibang lalawigan sa buong Pilipinas. Pipiliin natin iyong mga lalawigan na meron ding mga radio stations para hindi, at least hindi saying iyong lakad— RAVELO: Saka po iyong mga polyetos na pinamimigay. Ano po ba sa dialect doon sa lugar na pupuntahan? SEC. ANDANAR: Ang alam ko ngayon, Bisaya muna at Tagalog, tapos ang mamimigay nito iyong ating mga kasama sa Philippine Information Agency. Kasi iyong PCOO ang pinakamalawak naming ahensiya, ang may pinakamalawak na reach sa lahat ng tao, sa talagang bara-barangay ay iyong Philippine News Agency. RAVELO: Ita-tap din ho ba iyong DepEd? Kasi parang captive audience na rin iyong mga estudyante? SEC. ANDANAR: DepEd, LGUs. So iyon. So sa ngayon, we will be very aggressive in communicating to the public, iyong kahalagahan ng ASEAN sa buhay ng bawat Filipino. RAVELO: Ayan, siguro sa mga susunod na araw pa rin, puwede ulit kayo or iba pang mga staff ninyo siguro na magpadala pa ng mga reading materials para mai-post din natin sa social media. SEC. ANDANAR: Sa ngayon kasi, hindi ba, you can go to sa Facebook page…Presidential Communications Facebook page at doon nakapaskil at doon naka-upload iyong mga videos. And every now and then, I think starting tomorrow ay maga-upload na. Kasi ang dami na naming na-produce na ASEAN videos eh. It will also be shown sa PTV, of course, sa government channels at sa Radyo ng Bayan, it will be played there. At kakausapin din natin iyong ilang mga sinehan na para…alam mo iyong 53 seconds or 30 seconder para maintindihan lang iyong—ibig sabihin paulit-ulit, kailangan iyon law of repetition yan eh. Para malaman ng tao iyong kahalagahan ng ASEAN. RAVELO: Iyan, so layman’s language, kasi hindi di. Hindi sa minamaliit natin iyong kapasidad ng intellect ng ating mga kababayan. Kung hindi para isang iglap lang intindi na, hindi ba? SEC. ANDANAR: Oo, ganoon. RAVELO: Anyway, ayan opo. So abangan pa namin iyong inyo pang paglilibutan. SEC. ANDANAR: Basta huwag ka lang magsasawa sa akin, makikita ako dito. RAVELO: Sige po. So mga kaibigan ang nakakasama pa rin po natin si Secretary Martin Andanar. At stay tuned po ah, dahil marami pa tayong iba pang pag-uusapan, okay lang sa inyo, Secretary Andanar, hanggang alas-diyes tayo ha. SEC. ANDANAR: Oo, sige okay, kahit hanggang alas-onse pa. RAVELO: Hanggang alas-onse marami tayong isyu na pag-uusapan. (commercial break) RAVELO: Balik po tayo sa palatuntunan, kasama pa rin po natin si Secretary Martin Andanar. SEC. ANDANAR: Alam mo iyong Martin na iyan, kasi iyong newscast ko dito sa DZBB. Kelan ba iyon? 1998. So naalala ko si Francis Flores RAVELO: ’98 ba iyon? SEC. ANDANAR: Oo, 1998, nandiyan si Francis Flores… December 1998, Francis Flores, tapos nakaupo si sir Escalante, dito ako. First time kong mag-newscast noon eh. So siyempre galing akong Australia noon eh. RAVELO: Doon kayo nag-aral. SEC. ANDANAR: Sabi ko, ito si FF, friends forever, Francis Flores. Si sir Escalante. Ako po naman si Martin Andanar. RAVELO: Slang. SEC. ANDANAR: Iyong time na iyon slang, eh siyempre dahil sa training na natanggap ko dito sa DZBB, si Mao Dela Cruz pa nag-train sa akin. RAVELO: Talaga, may natutunan kayo kay Mao? SEC. ANDANAR: Iyon nga iyong—sabi ko nga eh, di bale at least Mao ang inyong estudyante ay naging newscaster at the end of the day. Yan si Mao talaga ang dahilan kung bakit ako ganito ngayon. RAVELO: Ah okay, naku kasalanan mo. Hindi (laughs). Secretary Martin, ‘ayan, opo. Ito, mainit na issue iyong LeniLeaks. Mayroon kayong podcast, binalik ninyo sa akin tapos tinignan ko, naka-2 million hits kaagad in 2 hours, tama ho ba? SEC. ANDANAR: Oo. RAVELO: Iyong LeniLeaks po mga kaibigan, ay siguro mabibigay ni Secretary Andanar iyong background, pero ito lang po briefly. Mayroong report po na mayroon daw exchange ng emails… tama ho ba, iyong mga supporters ni Vice President Leni Robredo at pinag-uusapan doon iyong paghingi ng resignation ni Presidente Duterte, at pinag-uusapan kung paano daw maka-counter iyong plano ‘di umano na matanggal si Vice President Leni Robredo sa kaniyang puwesto. Ngayon isa doon sa mga, siguro medyo matindi dito iyong ‘di umano ay evil plot para… well, para pagsasabuwatan daw o para pinag-uusapan iyong pagpapaalis at pagpapaingay, pagpapaingay ng mga banat kay Presidente Duterte para mauwi doon sa panawagan na mag-resign siya. Ito ba na-verify ninyo na ho ba ito? Totoo ba ito, at anong reaksiyon po ninyo dito? SEC. ANDANAR: Okay. Salamat Nimfa at natanong mo iyan. Kasi ilang araw na itong kumakalat sa social media, itong LeniLeaks na sinimulan ng isang internet superstar/celebrity, si Sass Rogando na nakabase sa Amsterdam, sa Europa. At ito naman ay finollow up ni Thinking Pinoy, isang blogger din na sikat ngayon sa ating social media world. Kaya kahapon ay hindi ko na natiis, kasi talagang ang dami nang nagta-tag sa akin, tapos nagiging viral na siya, ilang araw na siyang viral. And then noong nabasa ko iyong sinulat ni Thinking Pinoy at ni Sass, sabi ko as a journalist ‘no, as a mamamahayag, kailangan kong malaman kung ano iyong veracity ng report na ito. And as a government worker at bilang miyembro ng gabinete ay nakakabahala na, teka mayroon kang nakikitang mayroong mga dokumento na ‘di umano’y may kinalaman ang mga kaalyado ni Vice President Leni Robredo – ‘di umano ha, may kinalaman sina Loida Nicolas— RAVELO: Iyong kapatid daw po niya. SEC. ANDANAR: Si Imelda ba iyon, kapatid niya. Iyong isang nagngangalang Laguatan. Mayroon daw miyembrong taga-ano, parang writer ng Inquirer doon sa America, mayroon ding taga-ABS-CBN na nasa Amerika – iyon ang mga nakasulat doon eh. So nakakabahala. At idagdag mo pa diyan na mayroon daw na miyembro ng Office of the Vice President na kasama doon sa— RAVELO: Sa exchange po ng— SEC. ANDANAR: Yahoo group ito kasi. Yahoo group ang sinasabi ni Sass Rogando at ni Thinking Pinoy. Yahoo group nakuha nila, bukas itong Yahoo group na ito kaya nila nakita, and then they downloaded it right away iyong pinag-uusapan doon mula noong 2012 hanggang ngayon. RAVELO: So Secretary ibig sabihin, sila-sila nag-uusap. Private communication nila iyong Yahoo group. SEC. ANDANAR: Private communication, Yahoo group. RAVELO: Kaya lang po, may nakaki—bukas. SEC. ANDANAR: Kasi puwedeng closed Yahoo, puwedeng open Yahoo group. RAVELO: Sa kanila, open. SEC. ANDANAR: Kaya nagtataka nga ako. Wala namang gumagamit na ng mga Yahoo groups ngayon. RAVELO: Oho eh, Viber na nga o FB messaging. SEC. ANDANAR: Viber. (laughs) RAVELO: Iyong sa kanila, open group so may nakakuha. SEC. ANDANAR: Nakatisod. Itong si Sass Rogando ang nakatisod. Tapos dinownload niya and then she started writing about it. Ganoon din si Thinking Pinoy, started writing about it and it became viral. Sabi ko, ah teka I want to talk to the sources of the information. So sabi ko, mag-podcast na nga ako kasi hindi pa naman siya pinag-uusapan sa mainstream media last night. And then iyon nga, naglabas ang Manila Bulletin ng kanilang version, naglabas din ang Manila Times kaninang umaga, RMN, then kayo. So now, it has really become a national issue. So sabi ko, before it even becomes a national issue, gusto kong malaman as one of the President’s men who’s concerned about this dahil communication ito, I need to know the veracity of the report. So I talked, kinausap ko si Sass Rogando sa podcast ko sa Facebook, you can look for it – Martin Andanar Facebook at si Thinking Pinoy, at doon sila nag-explain. And then afterwards, kinausap ko ngayon, tinawagan ko si Secretary Jun Esperon. Sabi ko Secretary Jun, sa mga ganitong klaseng dokumento because ang title kasi ng podcast ko “Leni Leaks, truth or lies?” RAVELO: So, bakit po ninyo kinailangan naitawag na ito kay Secretary Esperon? SEC. ANDANAR: Sabi ko sa kaniya, “Secretary Jun, it is already viral.” It can go to waste – either puro katotohanan o puro kasinungalingan itong dokumento na ito. “Ngayon, I think I have to pass this to you, these documents para tignan mo,” dahil si Secretary Jun Esperon ang ating National Security Adviser, siya iyong top ano natin, top spy natin sa buong Pilipinas ‘di ba? RAVELO: Oho, iyon nga po ang babanggitin ko sana eh. Kritikal na tao si Secretary Esperon dahil National Security Adviser, so— SEC. ANDANAR: Oo, siya iyong CIA natin eh. (laughs) RAVELO: Oho. Ibig sabihin, may nakita kayong security issue na dito. SEC. ANDANAR: Iyon. So ang sabi naman sa akin ni Secretary Esperon ay siya’y nababahala. Nababahala siya, pero we, in government are not into the business of jumping into conclusion without even investigating itong tinatawag na mga Yahoo group conversation na isiniwalat nitong dalawang bloggers ‘no. RAVELO: Pa-butt in lang po ako Secretary Andanar ‘no. SEC. ANDANAR: Yes, go ahead please. RAVELO: Kaya siya LeniLeaks, because ang pinag-uusapan ay iyong pagbanat kay Presidente Duterte at saving ano daw, Vice President Leni Robredo. SEC. ANDANAR: And one of the principal—the principal personalities involved in the conversation ay Office of the Vice President ‘di umano. RAVELO: Oho. So kasama doon sa conversation ang mga tao niya doon sa office. Pero kasama ho ba, sa anumang pagkakataon doon sa Yahoo group, into the conversation si Vice President Leni Robredo? SEC. ANDANAR: I don’t think so. I don’t think so na siya mismo ang kasama—wala akong nakita doon na kasama siya. RAVELO: Pero close-in niya, tao niya, identified na staff niya? SEC. ANDANAR: ‘Di umano. ‘Di umano. Kasi ayaw nating sabihin na iyon talaga, mga reporter tayo, ‘di ba, alam natin iyan. So sabi kay Secretary Jun Esperon, “Is this worth looking into?” Eh sabi niya, “oo.” So that is why sabi ni Secretary Jun, kukunin niya iyong mga dokumento from these two bloggers at pag-aaralan niya, papaimbestigahan niya. And tomorrow, we have a Cabinet meeting, Secretary Jun Esperon and I, we, both of us agreed that we will take this up to the President. RAVELO: ‘Di ibig sabihin, ganoon ang nakikita ninyo kalaking importansiya o significance nito para pag-usapan ninyo sa Cabinet? SEC. ANDANAR: Yes, because it could be—it could lead into destabilization. Hindi natin alam eh. We want to know the veracity of it. We want to know the veracity of the document, if it’s bona fide or not. Because it could lead to destabilization. RAVELO: Pero sir, iyong document that you’re referring to is transcript po, transcript noong conversation? SEC. ANDANAR: Downloaded, yeah. It’s an PDF file. RAVELO: Uhum. Kasi—well, kung pag-uusapan na ninyo sa Cabinet, ‘di ba dapat ho verified muna? SEC. ANDANAR: Uhum. Uhum. RAVELO: Pero ibe-verify ninyo pa lang. Pero bakit pag-uusapan na sa Cabinet? SEC. ANDANAR: No, no, no. What I’m saying is that, we will take this up na mayroong ganito, of course we start somewhere – na mayroon kaming dokumento na ganito na lumabas, naging viral na, and these two bloggers are willing to testify, these two bloggers are willing to talk and show us and make themselves available for—submit themselves for an investigation. RAVELO: Uhum. Ngayon po, mayroon doon sa portion, sabi doon sa report na may sinasabi dito na parang… ‘ayan, si Presidente daw kasi nangako ‘di ba po na in six months magre-resign siya kapag hindi niya na-solve iyong problema sa droga – and then, humingi siya ng extension. Sabi doon sa isang email daw, “he asked for an extension of another six months, extension denied. Join Duterte Resign Movement.” SEC. ANDANAR: At kanina galing iyon diyan? Ano nakasulat? Kung sinong… kung kaninong email iyan galing, because it should say there kung sino nagpadala ng email. RAVELO: It provided a link to a change.org petition calling on the President to quit. Ano ho ba iyong inyong information? Saan galing iyong— SEC. ANDANAR: Iyon ang kukunin namin, iyong pinaka-PDF niyan. Actually pinadala na iyong PDF na iyan, tapos we will have to look at it. Mayroon namang forensic experts ang National Security Adviser, cyber forensic experts. RAVELO: Sabi po doon sa report ay ito, isang leaked email daw supposedly from Atty. Ted Laguatan, kine-claim daw po iyong mga protesta against the President were gaining ground, at November 21 ito, sa gitna po ng protesta ito eh ‘no, noong sa paglilibing kay dating Pangulong Marcos sa Libingan ng mga Bayani. And then ito po, iyong ganito na mayroon sinasabi din na sumali doon sa mga ‘Resign Duterte Movement’ o sa mga pagkilos. Anong tingin ninyo dito? Inciting to sedition na ba ito? SEC. ANDANAR: Well you know, Nimfa, I don’t want to jump into conclusion but if you say that it’s a possibility, then it might as well be a possibility. Pero, we cannot judge— RAVELO: Possibility of? SEC. ANDANAR: No, iyong sinasabi mo na inciting to sedition. Pero we don’t want to jump in. We want to give the benefit of the doubt to the people who were written there, na ‘di umano’y kasabwat diyan. Ayaw naman—we want to be fair. Ayaw naman nating sabihin na talagang sila iyan, for all we know hindi sila iyan. For all we know it’s a fake document. That’s why we have to really get into it, have experts look into it, online forensic experts na makita na bonafide document iyan at iyong pinag-uusapan diyan sa Yahoo group na iyan ay talagang totoo, na hindi gawa-gawa lang. RAVELO: Pero kung ang pinag-uusapan ay iyong pagkakaroon ng mga pagkilos para paalisin o patalsikin ang Presidente— SEC. ANDANAR: It’s not right. It’s wrong. It’s illegal. RAVELO: And doon magka-qualify, possible, doon sa inciting to sedition? SEC. ANDANAR: Ayaw kong pangunahan din si Secretary Jun Esperon because he will be the one to say, ‘Oops, ito iyon, and this is my recommendation.’ Ako, pinapasa ko lang sa kaniya iyong dokumento, at siya na ang mag-aaral. Siya naman ang expert diyan, siya naman iyong General. At after that, siya naman ang magbibigay ng rekomendasyon. RAVELO: You are taking this seriously dahil baka ma-destabilize ang ating administration? SEC. ANDANAR: And it’s against the law to destabilize government. So anything that’s against the law, we take seriously. RAVELO: Pero iyong isang point lang na sinasabi dito, ika-counter attack nila iyong supposedly anti-VP Leni Robredo which is on its own, walang masama. Pero kung paano iyan gagawin, iyan siguro ang isyu. SEC. ANDANAR: Well, alam mo iyong isyu kasi ni Vice President Leni Robredo ay ito naman ay naging mainit noong kasagsagan ng bagyo sa Camarines noong siya ay nasa abroad. Doon naman iyong isyu na iyon eh. RAVELO: Sabi niya mabagal daw po iyong delivery ng tulong sa mga nasalanta, although noong bumabagyo ay nasa US siya. SEC. ANDANAR: Oo, nasa US siya. So walang, kumbaga, doon uminit ang mga supporters ni Pangulong Duterte dahil, ito, iyong mga kasamahan ninyo sa social media panay ang banat sa Pangulo, and then iyon pala kayo nandoon—you know, so ano lang iyan eh, kung ano ang isyu for that day, iyon ang lumalabas ma isyu. Pero then again, itong mga dokumento na iyan, iyan ang dapat na pag-usapan at malaman iyong veracity ng dokumento na iyan, at kung iyan ba ay bona fide document. If it’s real or fake. If it’s the truth or if it’s full of lies. RAVELO: Pero ano po ang ine-expect ninyo na statement dito ng Vice President o may challenge ba kayo sa Vice President para magsalita tungkol dito? SEC. ANDANAR: No, no, no, I have no challenge for the Vice President. Who am I to challenge the Vice President. She is the Vice President of the land. She was voted in by 14 million Filipinos. Ako naman, I’m just looking at that document— RAVELO: Pero siyempre may ini-expect din kayo na statement niya, ano ang kaniyang posisyon niya dito? SEC. ANDANAR: Ang ini-expect kasi ng mga bloggers na nakausap ko, sabi nila, ilang araw na kayong nananahimik, nagiging viral na itong dokumento, bakit hindi kayo sumasagot. So maybe, it’s not for me to say what they should do. But siguro, my unsolicited advice would be to answer those ano … mga paratang na iyan, mga accusation na iyan na sila nga iyan. So iyon ang hinihingi ng mga bloggers na nagsulat niyan – explanation. Is it true or not? Totoo ba ito o hindi? Sa inyo ba ito galing o hindi? Kayo ba ito o hindi? Kasi ilang araw na iyan na nagba-viral sa Internet eh, and now pinag-uusapan na natin sa mainstream media – kayo iyon, the people of authority in the media. And sigur0 sa akin, para matapos na iyong isyu na iyan, sagutin na lang nila kung sila ba iyan o hindi, at patunayan nila kung sila ba iyan o hindi. RAVELO: Sabi po dito sa report, tinanong din dito si Vice President kahapon, kaya lang wala siyang direktang sagot. Ang statement niya supposedly ay ito po: “Ako naniniwala ako na hindi makakabuti sa bansa natin na gumawa na naman tayo ng mga oust the president movement.” Iyon. SEC. ANDANAR: Well, I thank the Vice President for saying that. Dahil si Vice President Leni Robredo, as the leader of the opposition, obviously, she has the moral authority to talk to her ranks at pagsabihan din iyong mga corners of her ranks na maiingay sa social media to respect the mandate of President Rodrigo Roa Duterte. RAVELO: Pero banggitin ko lang ano ho, ang nanood sa atin sa Facebook Live ay 1.3K – 1,300. SEC. ANDANAR: Wow! Hello! RAVELO: Ang dami. Alam ninyo po, first Facebook Live ko ito. 6SEC. ANDANAR: Oh, first ito. Ang dami—alam mo, 1,300 madami iyan. For a first ha, ang dami niyan. RAVELO: Eh kasi twinit (tweet) ninyo yata din kaya—ayun, naging 1.4 na. Tinweet ninyo rin yata? SEC. ANDANAR: Wala, wala akong tinweet. RAVELO: Oo, anyway, maraming salamat po kasi mayroong mga galing— SEC. ANDANAR: Organic iyan. RAVELO: At saka marami din naman hong followers ang DZBB, in fairness. SEC. ANDANAR: Of course, ang dami. Kayo naman ay walang kinikilingan, walang pinuprotektahan. Serbisyong totoo lamang. RAVELO: Oho. Anyway, ang karamihan po na reaksiyon ay, iyong nga, tungkol doon sa mga LeniLeaks. Basta ang point is, tomorrow, kasama ito sa agenda doon sa Cabinet meeting? SEC. ANDANAR: I will talk to Cabinet Secretary Jun Evasco to include this in the agenda. Kung if the agenda—kasi alam naman natin sa Malacañang ano, very formal iyong mga agenda na iyan. It’s prepared weeks before. So if not, then it could be a pull aside. We can pull aside the Cabinet Secretary, and also request for us to be able to talk to the President on the side and report to him itong LeniLeaks document na inilabas ng mga bloggers na sina Sass Rogando at si Thinking Pinoy. RAVELO: Ito po, mayroong tanong dito – nagagalit sa akin. Sabi ni Sally Alamar(?), watching from Singapore: Pagbutihin ang tanong. Ipakulam ko kayong lahat. Salamat ho, pambihira naman kayo. Anyway, sabi dito, buti tinanggal siya sa Cabinet, was just probably spying. Ganoon ho ba ang dahilan noon kaya tinanggal siya? SEC. ANDANAR: No, malinaw naman ang sinabi ni Presidente kaya—we, the Cabinet officials, those who are with the President, iba kasi iyong … ang kailangan kasi dito, full trust and confidence. Sabi ng Pangulo, kung you say this inside the Cabinet then you say another thing outside the Cabinet, tapos iyong mga polisiya ng Pangulo ay sinasalungat mo naman ang polisiya ng Pangulo, so there is really no business and room for us working together because the position of a Cabinet secretary is a position of trust and confidence. RAVELO: Ibang isyu po: Si Presidente nasaan po? Kasi after iyong halos maghapon na mga speeches niya bago mag-Pasko ‘di ba parang sabi nga namin, ano ba hindi ba napapagod magsalita si Presidente. Pero after that, tahimik. Saan po ba siya nag-Pasko at nag-bagong Taon? At ang pinakahuli ho siyang nakita ay iyong binisita niya iyong barko ng Russia ‘di ba ? SEC. ANDANAR: Yesterday. RAVELO: Friday po yata iyon pero wala siyang speech. Wala po siyang speech. Bakit ho tahimik at scarce ang Presidente ngayon? SEC. ANDANAR: Hindi kasi, alam naman natin, Nimfa, na napaka-busy po ng ating Pangulo mula noong kampaniyahan, noong nanalo, all the way to June 30 hanggang—alam mo, magpa-Pasko na lang ‘di ba, December 24 ay mayroong trabaho ang Pangulo. Binibisita niya … iyong taunang bisita niya sa mga cancer patients sa Davao, and then nagkaroon ng pagsabog sa Midsayap. So iyong December 25, Christmas Day itself—kasi iyong pagsabog, ‘di pumunta siya doon. And then a week before that may bagyo. So naka-schedule iyong pagbisita doon sa… dito sa may Camarines. At nagkaroon din ng pagsabog dito sa Hilongos. So hindi nakapagpahinga ang Pangulo natin during the Christmas break. So during that time na tahimik po ang Presidente, he needed to rest by the time. RAVELO: Hindi naman ho sa nagkasakit? SEC. ANDANAR: Hindi, hindi. Kailangan lang pahinga, kasi alam mo tayo nga na ganito edad natin, medyo bata-bata pa tayo, kailangan natin ng pahinga. RAVELO: Ang Presidente pa, 70— SEC. ANDANAR: Eh ano pa iyong 71 years old na sobrang busy, na mas active sa aming lahat sa Gabinete. Makita mo naman left and right, kung saan lumilipad. Eh siguro kung mayroon lang miles iyong paglilipad ng Pangulo, ilang ano na iyon, ilang million miles na iyon. RAVELO: So, basta hindi siya nagkasakit? SEC. ANDANAR: Hindi, hindi po nagkasakit. Pahinga lang talaga, pahinga lang. Private time. RAVELO: ‘Ayan. And then, ito pong sa iba pang issue. Siguro iyong mga issue sa Department of Justice, siyempre iyong hinahabol pa rin si Senator Leila De Lima, and si Kerwin Espinosa po ay nasa ilalim ngayon ng Witness Protection Program. Siyempre may mga negative reaction. Alam ko po trabaho ‘to ng DOJ. Pero kayo, sir, sa inyong part, anong inyong reaction doon sa pag-question sa pagsasailalim sa kaniya sa WPP? Parang sinasabi na, lahat na lang bibigyan ng proteksiyon, lahat na lang kakampihan basta against Senator De Lima. SEC. ANDANAR: Well itong mga personalities ng drugs na nandoon sa upper echelons, sila talaga iyong lords of the drug lords, iyong mga ganoon na… nasa fear watch. Kapag sila ay willing to cooperate with government, at kung marami ka namang nakukuhang impormasyon para sa ikakabagsak ng drug apparatus, so it is just practical na protektahan mo. Kasi marami kang makukuhang impormasyon. So halimbawa na lamang, si Alona dito sa number one drug lord at sabi ni Alona— RAVELO: Kaya pala payat ka. SEC. ANDANAR: “Okay, willing na akong magsalita at ito iyong mga nalalaman ko pero hindi ko muna sasabihin ‘tong mga nalalaman ko, pero ito iyon ha.” Oh, kung ikaw naman iyong nasa gobyerno at nakikita mong ang mga sinasabi ni Alona ay tumutugma doon sa mga ibang reports, and he can be a state witness and marami siyang mapapa—may mahuhulog sa ano… parang sabi ni Tulfo, sa bitag ‘no, ay we will give her all the protection and the right kasi marami tayong makukuhang information para sa ikakasira, ikakawasak noong drug apparatus. RAVELO: Saka siguro ho, ma-explain din na ‘pag nasa ilalim ng WPP hindi ibig sabihin state witness na. Ang state witness, ang nagde-determine niyan kung qualified siya sa state witness at kung tatanggapin siya bilang testigo ng estado ay ang korte pa rin. SEC. ANDANAR: Ang korte pa rin, oo. Iyon pa rin. So I don’t see any issue on that. Ang mahalaga ho dito, there are more than one million drug addicts and drug pushers na nag-surrender. Ang mahalaga ho dito ay nababawasan na po iyong mga drug peddlers, ngayon takot po ang tao na sumuway sa batas ‘no. Ang tao po ay sumusunod na sa batas mula noon pong pumasok si Pangulong Digong. A very clear example here, Nimfa, would be the New Year’s Eve fireworks ‘no na injuries – bumagsak, ‘di ba? Kasi nga, dahil sa takot sa Pangulo at gusto nilang sumunod lang sa batas. So that’s the most important thing. RAVELO: And then… pero ngayon ano nasa state of—pumasok lang ho sa isip ko, pasensiya na – state of emergency pa rin tayo on account of lawless violence. Pero bakit ho ganoon, samantalang sinasabi na—o hanggang kailan ho ba ito pala magte-take effect? Kasi wala naman siyang sunset provision doon eh, ‘di ba? SEC. ANDANAR: Walang sunset provision because, again Alona, may sumabog na bomba doon sa Ilocos, Christmas holiday/Christmas season sumabog doon, mayroon ding sumabog dito sa Midsayap. Eh iyong pagsasabog ng mga bomba, this is really in the 21st century challenge, the challenge to counter these terrorists – and they are there. So, there is no reason to lift the state of lawless violence, kasi mayroong ano eh, mayroong mga lawlessness na nangyayari, mayroong violence na nangyayari. RAVELO: Kaya ko nabanggit iyan, dalawa iyong punto – doon sa state of lawless violence kasi ‘di ba iyong sa peace and order referring… sakop nito iyong sa war on drugs at saka iyong sa terrorism. Ngayon kung doon sa terrorism, nandiyan iyong… sabi ninyo nga iyong sinite ninyong mga pagsabog, may mga threat ganiyan. Pero iyong sa war on drugs, kung kini-claim po that you are winning, bakit ganoon? Sinasabi pa rin ng Presidente na by December dadami pa iyan, dadami pa iyong mga adik, bakit paparami? Akala ko ho ba you are winning, so ibig sabihin dapat umuunti na, nababawasan na. SEC. ANDANAR: Winning na kasi—iyon nga eh, winning kasi mayroon nang one million na sumurender. Kung mayroong four million, may one million na sumurender, may tatlong milyon pa na kinakailangang sumurender. But we are winning. RAVELO: Bakit ang projection po ay paparami pa, if you are winning? SEC. ANDANAR: Hindi kasi nga, ang sabi ng Pangulo noong nakita niyang datos ay 2010, dati pa iyon na datos ‘no, hindi pa siya nagiging Pangulo. Noong naging Pangulo na po ang Presidente at nagbago iyong polisiya ng gobyerno, at ang isa sa pangunahing polisiya ay habulan itong mga drug lord, mga drug addict, kailangan lumabas na ang mga drug pusher, then nag-concentrate iyong Philippine National Police at iyong machinery mismo ng government para habulan at hanapin ang mga ‘to and then lumabas iyong impormasyon na hindi ine-expect ng Presidente. Ito nga na— RAVELO: Ganoon pala karami. SEC. ANDANAR: Apat na milyon na pala iyong mga drug addicts sa bansa natin. So ngayon ‘pag sinabi ni Presidente na, if we say we are winning the war against illegal drugs, we are definitely winning. Kasi mayroong more than one million na nag-surrender, at I think, 70 thousand dito puro drug pusher, na sumurender mismo. And nakita natin na iyong presyo mismo ng droga sa merkado, from 300 per gram nagiging 25 thousand na, because sinisira nga iyong drug apparatus. ‘Pag nasira iyong drug apparatus, kasama diyan iyong trading route ng drugs, iyong value chain kung saan binebenta iyong droga. Kaya ngayon, very scarce na iyong supply ng drugs kaya tumataas. So they’re saying in the law of supply and demand, kapag mataas ang demand at saka konti iyong supply, tumataas iyong presyo. RAVELO: So ibig sabihin, kailangan pa rin nandiyan tayo sa state of national emergency? SEC. ANDANAR: Well the state of lawless violence, it helps the police force ensure the security and the law and order. Alam natin na iyong sumabog na bomba sa Hilongos, mayroon itong kinalaman sa illegal drugs – iyon ang initial report ni Philippine National Police General Bato Dela Rosa. Droga iyong dahilan ng pagsabog doon sa Hilongos. RAVELO: Ah, okay. So pero iyon nga, wala ho bang assessment sa ngayon kung… well, kung sa status po ng mga operation doon sa war on drugs, iyong campaign against terrorism, wala ho bang parang assessment sa ngayon kung kailangan na iyong i-lift? Although alam naman po natin na kaya mayroong ganiyang state of emergency on account of lawless violence para lang po madaling ma-tap, katulong po ng PNP ang AFP ‘di ba ho para sa pagtugon sa mga criminality, ganiyan. Wala ho bang assessment para matantiya kung kailangan na iyon i-lift o hindi pa? SEC. ANDANAR: Wala pa naman akong nakikitang assessment na binibigay. Ang nakikita ko lang iyong mga weekly reports ng Philippine National Police, update sa kanilang anti-drug campaign. At ito nga as of January 2, ay 40,000 na, 40,000 iyong drug operations; iyong drug personalities na namamatay ay nasa 2,170; iyong mga naaresto po na mga drug personalities nasa 43,000 na po. Doon po sa project Tokhang, nasa 5,900,000 na iyong mga bahay na nabisita ng Philippine National Police, iyong mga sumurender nasa 1 million na po. Sa mga 1 million na iyon, iyong pusher nasa 75,000, iyong user nasa 941,000. Iyong casualties po sa police operation ng PNP, killed in police operation bente uno (21); wounded in police operation, animnapu’t isa (61). Doon po naman sa Armed Forces of the Philippines, iyong killed-in-action dahil sa drug operations at tatlong sundalo; at iyong wounded-in-action ay nasa walo. Ito po iyong update ng Philippine National Police drug campaign. RAVELO: ‘Ayan, oho. Doon sa inyong binanggit na figures, ibig sabihin lang mas maraming ‘di hamak iyon pong mga naaaresto at mga sumuko kaysa doon sa mga napatay. SEC. ANDANAR: Oh, yes. RAVELO: Napo-focus doon sa mga napatay. Pero hindi naman din ho maiaalis siguro na… ito, may mga magre-react na netizen, hindi maialis din siguro na mayroon din hong mga nangingimi, nagingilo na ang dami nang napatay na nasa 6,000 dito sa gitna po ng war on drugs na ganoon karami, samantalang 6 or 7 months pa lang po ang Presidente, ang Duterte administration. SEC. ANDANAR: Eh what do you expect? Wala naman tayo in-expect, Nimfa. ‘Pag sinabi nating war against illegal drugs… any war would have casualties. Mayroon doon mga giyera… ang giyera ine-expect din natin iyong—alam mo, in a perfect situation ay ayaw natin ng collateral damage in a perfect scenario. Pero the world is not perfect. Iyong giyera hindi perfect iyan, mayroon talagang tatamaan sa crossfire, and we are very sorry for all of the victims of this war na natatamaan lang sa crossfire, itong collateral damage – but it happens, and this is a war against illegal drugs. Giyera ito, hindi naman sinabi na hindi giyera kaya nga ‘war’ ang tawag eh ‘di ba? So it’s just but normal, but it is also unfair like we have time and again repeated na ilalagay mo lahat ng anim na libo as extra-judicial killing, hindi naman tama iyon. Dahil malinaw naman na 2100 iyong namatay na drug personalities. At iyong iba, iyong apat na libo, this is yet under investigation. Marami namang namamatay, may mga murder. Taun-taon naman may namamatay, tuluy-tuloy naman iyong mga ganitong…. But the point is here, bumagsak iyong crime rate to up to about 40% mula noong umupo ang Pangulong Duterte. At kahit sinong tanungin mo na Maria, Jose, Pedro, Pepe diyan sa kalye, sasabihin nila na it is safer now to live in our country than it was before President Digong came into the land and came into the picture to be the president of the Republic of the Philippines. RAVELO: Uhum. Actually po, maraming natutuwa doon sa mga nangyayari batay doon sa mga survey. Pero siyempre po, hindi ninyo maiaalis na may mga critics din— SEC. ANDANAR: Oo naman, mayroon naman. RAVELO: Sa Senado ho na kino-cover ko para ho sa benefit noong mga listener saka nasa Facebook natin, ang sabi nila kasi may mga patayan dahil sa presidential encouragement. Wala mang nagsasabi na direktang utos ito ng Presidente, eh presidential encouragement daw po iyong mga… iyong mga pronouncement niya back then – ubusin na iyan, pagpapatayin na iyan… SEC. ANDANAR: Ito ay, sabi nila rhetoric, estilo ng Presidente, pananalita ng Pangulo. Pero alam naman natin lahat Pilipino, alam naman natin na the state does not sponsor extra-judicial killing. Hindi naman natin ito polisiya. Ang atin lamang ay war against illegal drugs, at alam din naman natin sa kabila ng ingay ng mga ilan na mga kritiko, ay 85% ng ating lipunan ay naniniwala sa war against illegal drugs. At iyong pinakabagong survey ng President sa Pulse Asia, 83% – 8 out of 10 Filipinos believe in the leadership of President Rodrigo Roa Duterte and they are happy. RAVELO: Actually ano naman po eh, taas-kamay tayo doon sa resolve ng Presidente na talagang masawata iyong illegal drugs. Pero iyong, may mga nagsasabi ho na sana naman huwag patay agad, puwede namang i—rehab iyong mga drug pushers. Bakit kailangang patay kaagad? Well sabi ninyo nga, hindi naman utos ng—o hindi naman sponsored ng estado ito, pero iyon nga, ano iyong tugon ninyo doon sa sinasabi… kasi encourage ito ng Presidente. SEC. ANDANAR: Ang tugon ko lang diyan Nimfa, kasi… siyempre ang report ng Philippine National Police nanlaban, and ang pangunahing standard operating procedure ng PNP kapag nanlaban is to self-preservation, to save their lives ‘di ba? At siguro ang masasabi ko lang ay, ang mensahe ko po sa mga drug pusher at drug personalities, alam ninyong kayo ay nasa listahan ng PNP, eh huwag na ho kayong manlaban. RAVELO: Sumuko na nga naman. SEC. ANDANAR: Sumuko na lang kayo, huwag na kayong umasta pa na kayo’y manlaban at mabaril ninyo iyong pulis dahil talagang sigurado mauunahan kayo dahil mas marami ang pulis kaysa inyo. Ganoon lang po. RAVELO: Opo. Iyong aking mga sinasabi kasi, iyong sa committee report ng Senate ‘di ba? Iyong sa EJK, hindi iyon sa akin galing kundi sa… SEC. ANDANAR: Oo. Yeah, yeah of course. RAVELO: Mayroong committee report ang Senate, iyong kay Senator Gordon and then statement ng mga senators na, iyon presidential encouragement. Anyway, sir isa na lang. SEC. ANDANAR: Sige. RAVELO: Iyong sa Quiapo bukas, saan ho ba magmo-monitor ang Presidente doon ho sa Traslacion? Kasi may sinasabing may banta ng terorismo. SEC. ANDANAR: Nasa Palasyo po kami bukas, mayroon kaming cabinet meeting. We will monitor ang Traslacion at we pray for the safety of everyone. Do not worry because the Philippine National Police has always been on top of the situation. Ilang taon na po itong ginagawa, itong traslacion at ilang taon na rin pong mayroong mga ganitong istorya, mga—even the time of President Aquino, ganoon din po iyong mga banta. And the Philippine National Police at iyong local government unit naman ng Maynila alam natin ay, sila ay nasa… they’re on top of the situation at alam natin na sila’y sanay na sa ganitong event or religious event/feast. Iyon na nga, dahil inaasahan na mas lalong dadami pa, dadagsa sa ano, every year naman tumataas iyong pupuntahan. RAVELO: Oo. I’m sure naman po alerto iyong mga authorities natin, so nasa ating mga kababayan na rin po iyong pag-iingat ‘di ba? SEC. ANDANAR: Opo, opo. Eh report po, you will cooperate with the authorities. RAVELO: ‘Ayan. With that— SEC. ANDANAR: Salamat ‘no, salamat. RAVELO: Salamat po Secretary Andanar. SEC. ANDANAR: Salamat ha, talagang I love being here. I feel at home dito sa DZBB. I know that it all started here. Ang gusto ko lang po sabihin, na suportahan po natin ang ating ASEAN 2017, sa January 15 na po iyong launching dito sa Davao City. Maraming salamat po, mabuhay ang DZBB, Nimfa mabuhay ka. – RAVELO: Isang-isang pahabol lang. SEC. ANDANAR: Okay. RAVELO: Si Vice President Leni Robredo daw ho ba ay, ano ba, tinitignan ninyo siya as parte nitong plano laban sa Presidente? Iuugnay na ito doon sa LeniLeaks o ano ho ba? SEC. ANDANAR: We will see. We will see. I don’t want to jump the gun, I don’t want to… ayokong maging sobrang judgmental, ayoko nang ganoon eh. RAVELO: Hindi ko ma-coin nang maigi iyong aking question kasi pahabol na lang po. Pero sa madaling salita, ano ho ba— SEC. ANDANAR: This is under investigation, at gagawin natin lahat to solve this matter, at tignan natin ang puno’t dulo nito. RAVELO: Ah ‘ayan, salamat po. SEC. ANDANAR: Mabuhay ka. RAVELO: Mabuhay po. Maraming salamat po. |
SOURCE: NIB Transcription |