January 10, 2017 – Interview of Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar
Interview of Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar |
Bombo Radyo – Bombo Nationwide News by Elmar Acol |
10 January 2017 |
ACOL: Good morning po sa inyo, Secretary Andanar. SEC. ANDANAR: Magandang umaga. Good morning. Maayong Buntag, Bombo Elmar. Good morning sa lahat po ng nakikinig sa ating program dito sa Bombo Radyo, at mga kababayan nating nanunood sa pamamagitan ng live streaming sa Facebook. ACOL: Secretary Andanar, bakit mahalaga itong ASEAN Summit 2017? Bakit gayun na lamang ang paghahanda ng ating bansa? SEC. ANDANAR: Napakahalaga po niyan, Elmer, dahil ang ASEAN ay magsi-celebrate ng 50th year, Golden Anniversary ng Association of Southeast Asian Nations which comprises of ten countries. Nandiyan ang Pilipinas, Singapore. Nandiyan din iyong Indonesia, Malaysia, Brunei, Vietnam, Laos, Cambodia, Myanmar, Pilipinas. At alam mo, ang ASEAN kasi na rehiyon ay mayroong 630 million na populasyon. At ang kaniyang nakakalap na negosyo sa bawat taon ay nasa $2.5 trillion. So ibig sabihin, mahalaga ang ASEAN na malakas, united. Kapag kasi iyong sampung bansa ay nagkaisa, mas madali para sa mga maliliit na bansa, tulad ng Pilipinas, na makipag-negotiate sa malalaking bansa tulad ng China at ganoon din ang Amerika at sa Europa. Ngayon, ASEAN—ang tanong kasi ng pangkaraniwang Pinoy, ano ba ang makukuha ko diyan? Anong mapapala ko diyan, ‘di ba. Alam ninyo po, marami po tayong mapapala sa ASEAN at sa ASEAN Integration kapag alam po natin kung anong kahalagahan nito, iyong malaking economic advantage nito sa bansa natin at sa ating mga normal na Pilipino. Number one, kung ang iyong mga magulang ay OFW at gusto ninyo ring maging OFW at magtrabaho sa mga bansa within ASEAN – halimbawa, Singapore, Indonesiam Malaysia – marami hong eskuwelahan sa Pilipinas na accredited doon sa iba pang mga bansa sa ASEAN. Meaning, kapag ikaw mayroong diploma sa University of ABC, kikilalanin itong university diploma mo doon sa ibang miyembro, pero kailangan alam mo kung anong eskuwelahan iyon. So, ito po ay isa lamang sa mga puwede ninyong i-take advantage. Trabaho, kung ikaw naman ay negosyante, kung ikaw ay active sa ASEAN, alam mo kung ano iyong mga opportunities available para sa’yo sa, halimbawa, Malaysia o Cambodia. Alam ninyo ba na ang Cambodia ay naghahanap ng mga magagandang ano … ng mga investors sa ano, iyong mga warehouse ng bigas. Kasi ‘di ba iyong Cambodia is a rice-producing country. Sabi nila, puwede kayong magtayo dito ng warehouse at puwede kayong mag-farming din dito. Iyong mga ganoong opportunity. Kung kayo ay isang negosyante dito sa Pilipinas at ang negosyo ninyo ay bigas, puwede kayong magtayo din sa Cambodia. Ganoon din sa Cambodia, malalaman nila kung ano ang mga available na investments sa Pilipinas. Halimbawa, rubber tree, rubber plantation, mga lupa, etc. So ganoon lang iyon. Kung gusto mo OFW—alam mo ba na marami rin sa Cambodia ang gustong matutong mag-Ingles, at in demand doon iyong mga English teacher. So kung updated ka sa ASEAN, alam mo kung mga mayroong mga opportunities sa lugar na iyan. ACOL: Mapapadali iyong ating pagkapasok ano? SEC. ANDANAR: At saka walang visa eh, walang visa. ACOL: By the way, anong mga mahahalagang dates na dapat tandaan ng ating mga kababayan doon sa ASEAN Summit? Dahil may naka-line up yata na mga aktibidades ngayong taon para sa ating bansa? SEC. ANDANAR: Ang pinakamahalagang date diyan, Elmar, ay iyong una, iyong January 15 ngayong Linggo, ito iyong launching ng ASEAN sa Davao City. Pupunta diyan ang iba’t-ibang kalihim ng departmento. Pupunta rin po ang mga foreign dignitaries. At after that magkakaroon po ng more than 100 ASEAN summits. Puntahan ninyo lang po iyong ano …i-type ninyo lang po ASEAN 2017, makikita ninyo iyong mga schedule. At may tatlong malalaking summits na mangyayari for this year. Isa iyong sa Abril. I don’t have the exact date with me…pero April, ito iyong ASEAN na mga ministers. Agosto, ito iyong ASEAN na mga heads of state ng sampung ASEAN countries. Tapos iyong Nobyembre, ito iyong ASEAN na with the—heads of state ng ASEAN plus, iyong America, Russia, China, Canada, Australia. ACOL: So, pati siguro ano, iyong iba pang mga presidente katulad sa America, iyong presidente ng America. SEC. ANDANAR: Sasabihin nila, ‘Bakit mahalaga ito? Eh alam mo, kayo lang naman sa Metro Manila ang nakakatikim nitong mga ASEAN, itong malalaki.’ Ganito po iyan, maraming delegado na manggagaling sa iba’t ibang bansa, maraming media na manggagaling sa iba’t ibang bansa. Kapag pumunta sila sa Pilipinas, puwede tayong magpakita, best foot forward. Ipakita natin sa kanila kung gaano tayo ka-orderly, ka-disiplinadong mga tao para masabi nila, kaya pala ang Pilipinas ay one of the fastest growing economies sa mundo kasi iyong mga tao pala nila ay malinis, disiplinado, talagang sumusunod sa batas. Iyon, iyong mga ganoon, na peaceful, mababa pala ang krimen. So ito ay magandang oportunidad para maipakita nating lahat na mga Pilipino na sinusunod natin ang ating Pangulong Duterte. Ang ating Pangulong Duterte ay talagang ang kaniyang liderato ay pang-international. At ang mga Pilipino naman, ang kanilang … ang ating mga Filipino workers are also pang-international din. So it’s a great opportunity for us to showcase the best of the best of the Philippines. And mind you, mayroon pa tayong Miss Universe sa January 30. Kaya ang dami nating makukuhang media coverage. Oo, iyon ang mahalaga, libreng media coverage ito. So kami naman sa PCOO, Elmar, ang objective natin dito … kasi batay sa datos kasi, nasa bente tres to bente kwatro porsiyento lang ang nakakaintindi ng ASEAN. Hindi nila alam kung ano ang Association of Southeast Asian Nations. So mayroong budget ang Communications na 1.9 billion for this year. Ang sabi ko, kailangan ang budget na ito ay magastos nang husto para maintindihan ng pangkaraniwang Pilipino sa mga purok-purok kung ano talaga iyong ASEAN. So kung 24% lang ang may alam kung ano ang ASEAN ngayon, eh dapat by November ay more than 50% na ang may alam. Kaya ang ating Communications ay puspusan, hindi lang po sa pagbisita sa mga radio stations – maraming salamat sa pagkakataong ito na makausap natin ang mga tagapakinig ng Bombo Radyo nationwide – maging sa mga polyetos na ipamimigay natin sa mga barangay, sa mga LGUs, sa DepEd para mas lalong maintindihan ng mga kababayan natin kung ano ang ibig sabihin ng ASEAN at ano ang kahihinatnan natin, ano ang makukuha ng bawat Pilipino dito sa ASEAN. ACOL: By the way, Secretary Andanar, kunan ko muna ang ilang stations natin ano, makapagtanong, diyan sa mga probinsiya. SEC. ANDANAR: Unahin ko muna ang Bombo Radyo Iloilo, what’s your question for Secretary Andanar. Go ahead, Bombo Radyo Iloilo. Q: Maayong Udto sa iyo, Secretary Andanar. Ito po si Bombo Henry Lumawag ng Bombo Radyo Iloilo. Ang aming katanungan: Paano po makakatiyak sa gaganaping ASEAN Summit ang pagpapalakas ng maritime security sa Pilipinas, at mabigyan ng kalayaan na makapangisda ang mga Pilipino sa mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea? SEC. ANDANAR: Maraming salamat sa tanong. Kasama po iyan, ang maritime security sa mga tema na pagtutuunan ng pansin ngayong darating na ASEAN 2017 Summit. As a matter of fact, mayroon kasi tayong tinatawag na apat na pag-uusapan ngayong darating na 2017 Summit, at isa iyan, iyong maritime security and cooperation. So iyan ay open secret iyan. Alam naman ng lahat na mayroong tayong trilateral agreement kasama ang Indonesia at Malaysia dahil sa medyo delikadong Sulu at Sulawesi Sea, dahil diyan nangyayari iyong mga piracy, iyong mga kidnapping. Kaya makakatiyak po kayo na ito ay pag-uusapan din po sa darating na ASEAN Summit. ACOL: Maraming salamat Bombo Radyo Iloilo, diyan sa Western Visayas Region. Madako muna tayo diyan sa bahagi naman ng Luzon. Ang Bombo Radyo Vigan with your questions for Secretary Andanar. Go ahead, Bombo Radyo Vigan. Q: Naimbag nga aldaw, Secretary Andanar. Si Bombo Ronald Tactay po ito ng Bombo Radyo Vigan. Ang amin pong katanungan: Maraming nasisirang ari-arian, maraming namamatay, nawawalan ng pangkabuhayan dahil sa pananalasa ng mga bagyo at matitinding pagbaha sa ating bansa. Bilang isang bansang kasapi ng ASEAN, paano makakatulong at maiiwasan ang mga nangyayari sa ating mga catastrophes upang maging climate change adaptable ang Pilipinas, Secretary? SEC. ANDANAR: Maraming salamat. Magandang katanungan iyan. Nasa tema din po natin iyan at ang tawag natin ay ASEAN Resiliency. Ano po itong ASEAN Resiliency? Ito po iyong mabilis na pagbangon ng mga bansa sa ASEAN kapag mayroon pong mga sakuna. Tayo po sa Pilipinas ay tayo iyong EDSA ng bagyo sa Asia – dumadaan talaga sa atin. Sa experience pa lang ay napakadami nating experience. Napaka-resilient natin; bumangon, ang bilis. Pero mayroon din mga ibang bansa na hindi naman ganoon din kasanay ‘no, sa ASEAN. At mayroong mga bansa na mas sanay din at mas high-tech iyong kanilang pamamaraan para bumangon at para harapin iyong mga sakuna tulad ng Japan. So sa East Asia kasama ang Japan. Japan has one of the most high tech protocols, procedures para harapin at para tugunan iyong mga problema ng tsunami, ng mga lindol, iyong mga bagyo. Kaya sigurado ako na itong … since kasama ito sa ating main themes, iyong ASEAN Resiliency ay marami ang matutunan ang Pilipinas at marami ding maibabahagi ang Pilipinas na karanasan. ACOL: Okay, Secretary Andanar, follow up ko lamang doon sa question ng Bombo Radyo Iloilo kanina. Nabanggit ninyo iyong isyu doon sa pinag-aagawang mga isla sa karagatan ‘no, sakop ng ating West Philippine Sea. I understand, hindi pa tapos iyong tinatawag na Code of Conduct ng mga bansa na nag-aangkin sa mga isla sa Southeast Asia na nandiyan sa may bahagi ng South China Sea at tawag natin West Philippine Sea. Ito po kaya ay tatalakayin sa dahilan sa ito po’y kontrobesyal na isyu ito? Nandiyan pa ang arbitration. At ang Pangulong Duterte rito ay nag-reach our doon sa China. Iyong magiging posisyon dito parang nagbago iyong political map ano, iyong usapin, iyong geographical na isyu sa dahilan sa Pangulong Duterte, iba iyong kaniyang thrust ng kaniyang…ng proseso, iyong sa ating diplomatic ties natin sa China, Secretary Andanar? SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Elmar, sa katanungan na iyan. Thank you for reminding me dahil nakaligtaan ko sagutin iyan. Ang mga lider sa ASEAN tulad ng Singapore, si Prime Minister Lee Hsien Loong, at si Malaysian Prime Minister Najib Razak ay nabanggit nila ito noong nakaraang ASEAN sa Laos. Iyong balangkasin iyong Code of Conduct diyan sa … So, hindi ko mahuhulaan kung anong pag-uusapan ng mga heads of state. Pero ngayon ito ay napag-usapan noong huling ASEAN sa Laos. So ngayon, aantayin natin, aantabayanan natin kung ito ay ibi-bring up ng iba’t ibang heads of state. ACOL: Madako tayo diyan sa Northern Mindanao. Nasa linya rin ng Bombo Radyo Cagayan de Oro, with your question to Secretary Andanar. Go ahead Bombo Radyo Cagayan de Oro. Q: Maayong udto, Presidential Communications Secretary Martin Andanar. Si Bombo Junel Ucat sa Bombo Radyo Cagayan de Oro. Secretary Andanar, bagama’t hindi masyadong binabayo ng bagyo o malaking kalamidad ang mga lugar sa Mindanao, subali’t anu-ano po ba ang mga sustaining na mga paraan o hakbang ng gobyerno na hindi naman gaano maaapektuhan ang buhay ng mga residente at maging sa kanilang pamumuhay? May mga kasalukuyang matagumpay pro-environment na mga programa ba ang Pilipinas na sumentro sa ASEAN Resiliency na maaaring magamit ng karatig bansang Asyano upang maibsan ang epekto ng climate change? SEC. ANDANAR: Laman ng ating solusyon at ang ating mga environmentalists at ang DENR at iba pang mga sangay ng gobyerno, iyong Climate Change Commission para maturuan ang … or mag-prepare nitong protocol pagdating sa climate change adaption ‘no. Kailangan mag-adapt tayo doon sa climate change, so iyong mga pamumuhay natin na dapat baguhin natin. In fact, tayong mga Pilipino sa Pilipinas, since tayo nga ay naka-experience ng Yolanda, ay mas matangal nang pinag-uusap ito ng mga environmental groups. Now, ito po ay—like what I mentioned earlier, ASEAN Resiliency, kasama ito sa pag-uusapan; kasama ito sa tema. Tayo po ay nakakasiguro na ito naman ay pag-uusapan din nang halos lahat ng ASEAN countries dahil ang problema ng climate change ay isang universal problem. ACOL: Secretary Andanar, panghuli ko na itong katanungan sa inyo. Ilan sa napabanggit mo iyong kick off nito sa Davao sa Linggo, mayroon bang mga venue pa na ibang lugar kasi nabanggit mo iyong apat ano, na mga meetings ano na pag-uusapan dito. So sa Metro Manila ang pinakasentro nito? SEC. ANDANAR: Sa pagkakaalam ko sa ngayon, ipinaliwanag sa amin ni Ambassador Paynor na National Organizing Committee Chairman, ito ay gaganapin po dito sa Metro Manila. Kasi mayroon na silang na-identify na mga lugar somewhere in the city area. ACOL: Iyong area na iyan, iyong APEC Summit. SEC. ANDANAR: Oo, kasi kumpleto diyan. Pero hahayaan ko na lamang si Ambassador Paynor ang mag-explain habang siya po ay nag-iikot sa mga radio stations para ipaliwanag itong ASEAN. ACOL: At least ano, Secretary, naipaliwanag ninyo iyong iba pang mga usapin diyan. Siguro sa mga susunod pa nating mga programa ay magpapatuloy itong ating pagpapaliwanag ng kahalagahan ng ASEAN. SEC. ANDANAR: Opo, salamat po. ACOL: Okay, may pahabol yatang tanong ano. Diyan muna sa bahagi ng Central Visayas. Baka may pahabol pang ibang tanong doon, Secretary Andanar. Go ahead, Bombo Radyo Cebu, go ahead. Q: Secretary Andanar, maayong buntag. Si Bombo Janry po ito sa Bombo Radyo Cebu. Okay, Secretary Martin Andanar, maraming big events na magaganap sa bansa at tila may banta ng terorismo. Dito sa Cebu, may Sinulog 2017 at swimsuit competition din po sa Miss Universe. Ang tanong po namin: Ano po ang maitutulong ng ASEAN sa terorismo dito sa PIlipinas? SEC. ANDANAR: Malaki po talaga ang maitutulong ng ASEAN, kasi lahat po ng heads of state ay pag-uusapan kung anong mga posibleng solution para ma-counter itong terrorism. Ngayon, ang ating bansa naman ay nasa state of lawless violence. Hindi po naman nali-lift iyan dahil mayroon pong mga bombings na nangyayari sa mangilan-ngilang lugar lalo noong panahon ng Kapaskuhan. So ang ating bansa po ay ready sa mga ganitong klaseng mga problema. Ang ASEAN ay magiging venue para mapag-usapan ito ng iba’t ibang bansa, at para magkaroon ng solusyon na collective. Mas madali kasing masugpo itong terorismo kung may cooperation kasi alam naman natin na kanya-kaniyang karagatan iyan eh ‘di ba. So kung may cooperation ang Navy ng Pilipinas, at may cooperation ang Malaysian Navy, at Singaporean o Vietnamese, so we can easily solve or track the—for example, iyong mga transshipment ng mga illegal drugs, iyong mga piracy, pagdating sa mga airport, iyong pagbantay para mas lalo natin mahabol or mahuli iyong mga teroristang na nagpaplano na maghasik ng lagim. ACOL: Secretary, samantalahin na namin ang pagkakataon dahil may mga requests kasi sa mga province natin ano, hindi nakapagtanong ay idaan na lamang sa akin. Kasi iyong ibang isyu— SEC. ANDANAR: Sige po, sige po. ACOL: Iyong PNP natin nitong nakalipas na Traslacion, natuwa sila ano. So far, so good. Iyong security natin, although may mga …sabi nga, iyong signal jammer eh pero iyong the whole ano, naging maganda. Anong reaksiyon dito ng Palasyo at naging maayos sa kabuuan, Secretary Andanar? SEC. ANDANAR: Kino-congratulate po natin ang Philippine National Police at ang local government ng Manila para sa isang maayos, matiwasay na selebrasyon ng Pista ng Itim na Nazareno. At sinasabi nga ng marami na ito nga ay isa sa pinaka-organized, na talagang sumunod iyong tao. At tanong nga nila, bakit organized ngayon? Eh siguro iba talaga ang epekto ng isang Duterte leadership kasi sumusunod iyong tao sa batas. Kaya congratulations sa PNP, sa LGU ng Maynila at sa mga organizers po nitong Pista ng Itim na Nazareno. ACOL: Okay. Ang Miss Universe beauty pageant ay sa a-trenta na ‘no, pero before that ay mga pre-pageant activities. Inaasahan din ba na iyong mga mamamayan natin ay ganoon pa rin kahigpit ipapatupad dahilan sa mahigit 80 mga kandidata all over the world, Secretary Andanar? SEC. ANDANAR: Oo naman. Siguradong mahigpit po ang seguridad. Mayroong sa Davao, sa Cebu, mayroon sa Baguio. It’s scattered all over the country. Wala lang sa akin iyong listahan sa harapan ko. At sisiguraduhin ng Philippine National Police, at siniguro na po ng Philippine National Police at ng AFP dahil nga sa ito ay napakalaking event at malaki po ang media exposure nito para sa atin at mapapanood tayo sa iba’t ibang bansa sa buong mundo. Kaya abangan ninyo po iyong Miss Universe. I think, simula na iyong … by next week, iyong iba’t ibang mga kompetisyon eh, iyong mga talent portion. ACOL: Secretary, ang Bombo Radyo Dagupan diyan sa lalawigan ng Pangasinan ay may pahabol din na katanungan sa inyo. Go ahead, Bombo Radyo Dagupan. Q: Secretary, kilala po ang Dagupan sa bangus. Paano po kaya maaaring makinabang o makibahagi ang mga small bangus dealers sa ASEAN lalo na’t wala namang malaking capital at hindi kabisado ang proseso para makabenta sa ASEAN countries? SEC. ANDANAR: Okay. Sa pamamagitan ng entrepreneurship, dahil mayroon nga tayong inclusive growth na kasama sa ating tema ay mapag-uusapan iyan, kung papaano matulungan ang ating maliliit na bangus producers at kung ano iyong mga available na merkado para sa kanila. At para po naman sa mga empleyado na gustong maging negosyante, it is also a possibility na puwedeng pasukin ng trading ng bangus. Lahat ng ito, mga posibilidad ng mga produkto ng Pilipinas ay mabibigyan po ng pagkakataon na mapag-usapan sa ASEAN. Ang mahalaga po dito— ACOL: (off mic) SEC. ANDANAR: Oo, sa ilalim iyan ng pangangasiwa ni Secretary Mon Lopez ng Department of Trade and Industry. At ito naman ay talagang isasama sa programa ng DTI. ACOL: Okay. Secretary, I understand si Pangulong Duterte ay nagpatawag ng press conference. Is this the SSS issue? SEC. ANDANAR: Mamayang hapon po ay mayroong press conference pero hindi ko po pangungunahan ang Pangulo. Bahala na si Reymund ang mag-cover doon at ibalita sa buong bansa kung anuman ang ia-announce ng Presidente doon. ACOL: So abangan po natin iyan ano. On that note, Secretary Martin Andanar, maraming salamat po sa pagbisita ninyo sa amin. SEC. ANDANAR: Mabuhay ka. ACOL: Okay, baka mayroon ka pang mensahe pa po sa ating mga nationwide, worldwide. SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa tuluy-tuloy na pagsuporta sa Administrasyong Duterte. Pinakuhuling survey sa SWS ay lumalabas na 60 plus percent ang trust rating po ng ating Pangulo at ito po ay nakakataba ng puso. Class A, B, C, D, E ay naniniwala po sa ating Presidente, 61% ang satisfaction rating. Naniniwala po kayo sa kawing na mga ginagawa ng Pangulo kasama po diyan iyong tulong sa mahihirap, promotion ng human rights, ang defending the country’s territorial rights, providing jobs, fighting crime at iyong development ng Science and Technology. At makakaasa po kayo na ang Gabinete po ni Pangulong Duterte ay tuluy-tuloy pong magtatrabaho para sa pagbabago na ating inaasam-asam. Huwag po nating kalimutan, kick off na po ng ASEAN Summit ngayong January 15 sa Davao City, sa SMX. At para po sa hindi makakapunta, pumunta po kayo sa Facebook page ng Presidential Comms or pumunta kayo sa Bombo Radyo, makinig po kayo ng balita para alam ninyo kung ano ang mga mangyayari doon. ACOL: Presidential Communications Secretary Martin Andanar, maraming salamat po sa inyo. SEC. ANDANAR: Salamat po. |
SOURCE: NIB Transcription |